To be continued~ Rate the book, please!
WALANG choice si Ilana kundi pumunta sa apartment ng kaibigan niyang si Lovella. Gulat na gulat ito nang maabala niya ito sa trabaho nang tumawag siya at sabihing naroon siya sa harap ng bahay nito. “Anong nangyari, Ilana?” Iyon ang bungad nito nang makababa ng taxi. Tinitigan ni Ilana ang kaibigan kasabay ng matinding paglunok. “U-Umalis na kami sa mga Montemayor.” Lovella’s eyes widened. She even cupped her face in shock. “Oh my God! Pasok! Pasok kayo.” Mangiyak-ngiyak pa si Ilana habang pumapasok sa loob ng apartment. Natigilan siya nang makitang naroon ang stepbrother ni Lovella na nakaupo sa sofa at naninigarilyo. Tumingin ito sa kaniya agad na umalis nang senyasan ni Lovella. Nilingon niya ang kaibigan. “Sorry, Lovella. Hindi naman kami magtatagal. Maghahanap lang ako ng mauupahan—” “Para namang hindi tayo magkaibigan niyan,” nakasimangot na sansala ng kaibigan. “Kahit pa mukhang bahay ng daga ang apartment ko, hindi ko ito ipagdadamot sa ‘yo, Ilana.” Umiling si Ila
INIWAN ni Ilana si Grant sa gilid ng kalsada at akala niya ay napakiusapan na niya ito pero nagulat siya nang kinabukasan ay naramdaman niya itong parang aso na buntot ng buntot sa kaniya. Ginawa naman nito ang sinabi niya na huwag siyang lapitan. May halos tatlong dipa sa pagitan nilang dalawa habang nakasunod ito na parang anino niya. Mukha itong nawawalang tuta. Noong una ay hindi ito pinapansin ni Ilana kahit naiirita siya pero ngayon ay hindi na niya matiis dahil naaalibadbaran siya tuwing may nakakapansin sa ginagawa ng lalaki. “Miss, sinusundan ka ng lalaking iyon. Mag-ingat ka. Ireport mo kaagad sa pulis.” Bumuntong-hininga si Ilana at tiningnan ang babae. Tumango nalang sya sa babae saka hinarap ang katatayuan ni Grant. Nagkamot ng batok ang lalaki at agad na tumalikod. Umismid si Ilana at napailing nalang. Paanong hindi mapagkakamalang masamang tao e naka facemask at cap pa. Mukha tuloy hindi gagawa ng mabuti. Nagtuloy-tuloy sa paglalakad si Ilana hanggang sa mapatigil siy
NATIGILAN si Ilana nang makita ang pangalan ng club na papasukan nila ni Brian. Natigilan rin naman ang huli nang makita ang reaksyon niya. “I’m not gonna sell you as an escort. This is not a strip club.” Umiling si Ilana. “Hindi ko iniisip iyon.” Pumasok na sila sa loob. Alas tres palang ng hapon at ayon kay Brian ay gabi nagbubukas ang club kapag sabado. Sa weekdays naman ay bukas na ito ng umaga. “Good afternoon, sir.” Bati ng isang janitor kay Brian. Wala pang tao bukod sa mga trabahador at sa isang lalaking nakaupo sa bar stool habang may hawak na cellphone at humahalakhak na tila may pinapanuod na katawa-tawa. “Ampotek!” Nagmura pa ang lalaki habang pailing-iling bago napatingin sa kanila ni Brian na papalapit. Cloudio Guevarra. Sinong mag-iisip na ganito kaliit ang mundo? Noon ay customer lang siya ngayon ay mag-aapply na. “Brian, pre!” Nagbatian ang dalawa bago siya binalingan ng mga ito. “Siya ang mag-aapply, Cloud.” Tumango si Cloudio at ngumiti sa kaniya. “
HINDI alam ni Ilana kung bakit apektado siya sa mga binitawang salita ni Gray. Nang banggitin nito ang pagkakaroon ng anak ay tila niyanig ang buo niyang pagkatao. Pakiramdam niya ay may ginawa si Gray na hindi niya alam kaya naman nang makabalik sa apartment ni Lovella ay agad niyang hinalungkat ang mga gamit hanggang sa matagpuan niya ang maliit na bote ng contraceptive pills na iniinom niya. Dumagundong sa kaba ang dibdib niya habang nakatingin sa hawak. Mabilis ang bawat paghinga niya at nagdadalawang isip siya kung bubuksan niya ba ang bote o hindi na. May hinala siya. Nang banggitin ni Gray ang pagpapalaglag sa bata ay tila ba siguradong-sigurado ito na buntis na siya pero hindi…hindi siya nagkakaligta na uminom. Lalo na noong may nangyari sa kanila. Binuksan niya ang bote at napahinga siya ng maluwag nang makompirmang pareho naman ang hitsura ng pills sa unang ininom niya. Hindi… Siguro ay tinatakot lang siya ni Gray. Minamanipula. Naupo sa kama si Ilana at napabuga ng han
UMUWI si Gray na may pasa sa panga at putok ang labi. Magulo ang buhok nito at may mantsa ng dugo sa suot na puting button down shirt. Sa mansyon ng pamilya niya siya dumiretso matapos siyang ipatawag ng senyora dahil sa napabayaan niyang meeting kanina. Hindi siya nakadalo dahil nakita niya si Ilana na palabas ng isang club kasama si Brian Alonzo. Ang stepbrother ni Lovella na kaibigan ni Ilana. Kilala niya ang lalaki. Nakalaban niya ito noong college sa basketball at noon pa man ay mainit na ang dugo niya dito. “What happened to you?” Halos himatayin sa gulat ang kaniyang ina nang makita ang kaniyang hitsura. Nagtagis ang bagang ni Gray. Naalala niya ang pinagtalunan nila ni Brian. He walked out earlier at sumunod ito sa kaniya. He was so arrogant when he told him he would make Ilana fall for him. Alam naman niyang gusto lang siya nitong matalo dahil kahit kailan ay hindi ito nanalo sa basketball kapag sila ang magkalaban. Ngayon ay balak nitong gamitin si Ilana para may mapatuna
“TSS!” Tumayo si Brian at tamad na pumasok sa kusina matapos hablutin sa kaniya ang ice pack. Hinabol ito ng tingin ni Ilana at kita niya kung paano ito kumuha ng tubig sa ref at uminom mula sa tumbler. Hawak nito ang ice pack sa kaliwang kamay at nakadikit sa pasa nito. “Ilana!” Hinila ni Lovella ang braso ni Ilana dahilan para makuha nito ang atensyon niya. Nagtataka niyang nilingon ang kaibigan. “Bakit?” “May ginawa ba siya sa ‘yo?” Nangunot ang noo ni Ilana. “Ginawa? Ano namang gagawin sa ‘kin ng stepbrother mo?” Umungol si Lovella. “Just answer me, Ilana. May ginawa ba siya? May tinangka ba siyang gawin? Sabihin?” Natigilan si Ilana at napaisip. May tinangka bang gawin o sabihin ang lalaki? Sa pagkakatanda niya ay wala naman. “Ilana!” “I didn't do anything, Lovella.” Si Brian iyon na walang emosyong nakatingin sa stepsister nito bago bumaling kay Ilana at matiim itong tinitigan. “Yet.” “Brian, ano ba?!” Bulyaw ni Lovella na hindi pinansin ng lalaki. Sa halip ay tumalikod
ILANA knows that Grant is trying to pursue her again. Hindi man nito sabihin ay alam niya na may laman ang bawat pagsulyap nito sa kaniya at panaka-nakang pagtikhim habang naglalakad sila sa parke. Inabala ni Ilana nag sarili sa pagtingin-tingin sa mganamamasyal habang nakasunod sa kaniya si Grant na tahimik lamang at mukhang nannimbang. Ilang beses na siyang ginugulo ng lalaki. Noong una ay nagdala ng sandamakmak na prutas. Itinaboy niya ito noong araw na iyon pero wala pang isang linggo ay nagpakita na naman, may dalang bulaklak at tsokolate. Tulad ng naunang mga pagdalaw nito ay pinaalis niya ang lalaki pero matapos ang isang linggo ay narito na naman. Sa totoo lang ay sa club siya nito inabutan. He was waiting for her outside at pagod na si Ilana na paulit-ulit itong itaboy kaya naman hinayaan nalang niya na sundan siya nito habang naglalakad siya pauwi.“Ilana—”“Kung wala kang sasabihin—”Pareho silang natigilan at nagkatinginan. Lumambot ang ekspresyon ni Grant habang nakatitig
ANONG halaga ng marangyang buhay kung hindi masaya? Anong halaga ng magandang trabaho kung nag-iisa ka? Linggo ng gabi at nakatulala lamang si Ilana sa ama. Akala niya dahil sa maliliit na improvement nito ay magiging maayos na ang lahat, mali pala.Pagkatapos ng huling himala sa kaniyang ama ay hindi na muli iyon naulit. Pakiramdam niya ay muli siyang napilayan. Wala siyang magawa kundi maghintay nalang ng muling pagdapo ng himala sa kanilang buhay. Siguro ng karma na niya ito sa panloloko niya sa mga Montemayor, pero bakit kailangang pati ang kaniyang ama ay magdusa?“You’re moving out?”Napalingon si Ilana sa nagsalita. Nakatayo sa bukas na pinto ng kwarto si Biran. Kunot ang noo at nakahalukipkip. “Is this because of me?”Napabuntong-hininga si Ilana. Sa ilang linggo niya sa apartment na ito ay hindi siya bulag sa mga palipad hangin ni Brian. He helped her get a job. He cooks for her. Sometimes, he would take care of her father. At ayaw niyang abusuhin ang lalaki. Natuto na siya sa
PINAGMAMASDAN ni Ilana si Cloudio na nagsasampay ng mga ginamit na lampin ni baby Nayi. Hindi kakikitaan ng pagod ang mukha nito na tila ba enjoy na enjoy pa sa ginagawa.Mula sa sala ay tanaw niya ito sa balkonahe. Lumabas sila ni Lovella sa kwarto bago pa nila magising si baby Nayi sa pag-uusap nila. Sa sala nila ipinagpatuloy ang pag-uusap hanggang sa lumabas sa laundry room si Cloudio para isampay sa balkonahe ang mga nilabhang lampin.“May nangyari na ba sa inyo?”Nasamid si Ilana sa sariling laway at namamanghang tiningnan si Lovella na nakangisi. “Kapapanganak ko lang, Lovella.”Humalakhak si Lovella. “So, kapag naghilom na ang sugat, pwede na?”Naramdaman ni Ilana ang pagkalat ng init sa kaniyang mukha. Napailing siya. “Normal naman iyon sa magkarelasyon.”“Yieee! Grabe talaga!”Natawa si Ilana sa reaksyon ng kaibigan. Pumasok naman si Cloudio mula sa balkonahe at lumapit sa kanila. Naupo ito sa kaniyang tabi saka sumubo ng isang piraso ng cookies na kinakain nila ni Lovella.
MATAMANG nakatitig sina Ilana at Cloudio sa isa’t-isa. Ang mga mata’y nababalot ng mga emosyong nag-uumapaw. Cloudio couldn’t help but think about what good he did in his previous life that his wish was granted without fail in this lifetime. Ilana was showing the same emotion he feels, and it’s more than a dream come true. Nalulunod sila sa titig ng isa’t-isa nang biglang umiyak si baby Nayi. Agad na tumayo si Cloudio upang isayaw-sayaw ang sanggol pero ayaw nito tumigil sa pag-iyak. “Basa na siya.” Napansin ni Ilana na basa na ang lampin. Agad silang pumasok sa kwarto. Maingat na inilapag ni Cloudio si baby Nayi sa kama. Kumuha naman ng malinis na lampin si Ilana para palitan ang sanggol. Si Cloudio na ang nag-alis ng lampin nito. “She pooped,” deklara ni Cloudio. Agad nitong kinuha ang baby wipes at ilang gamit para malinisan ang baby. Marahan ang dalawa—bawat hawak ay may ibayong pag-iingat. Matapos palitan ng lampin ay natigilan ang dalawa nang makarinig ng ingay mula sa baby.
ILANA was discharged from the hospital a week ago, and she’s starting to feel the weight of motherhood. Thankfully, she could adjust just fine because of Cloudio. Palagi itong nakaalalay. Palaging nakabantay. He barely goes home. He’s sleeping on the couch in her apartment’s living area. Tuwing maririnig nito ang iyak ng sanggol ay walang pag-aalinlangan itong pumapasok sa silid niya para patahanin ang nasa crib na baby. “Puyat ka na naman. Pupunta ka pa sa club bukas.” Hindi napigilang puna ni Ilana habang pinagmamasdan si Cloudio na umiinom ng tubig. Alas dos ng madaling araw at nabulahaw silang dalawa sa iyak ni baby Nayi. The nickname Nayi was given by Lovella. Nagpresinta na rin itong magninang sa binyag. “Okay lang.” Ngumiti ng matamis si Cloudio sa kabila ng puyat. “Masaya naman ako.” Ilana smiled at him. She can clearly feel the changes in their relationship now, and it became stronger. Umungot si baby Nayi sa crib kaya agad na lumapit ang dalawa. Bahagyang ngumuso a
GUMUHIT ang malaking ngiti sa mga labi ni Ilana nang makita kung sino ang pumasok sa silid. Kasama ito ni Lovella na dumalaw ulit matapos ang dalawang araw.“Ate!”“Ma’am!” Agad na yumakap sa kaniya ang dating nurse ng ama. “Wow, ma’am! Ang ganda ganda niyo na lalo. Ang laki ng pinagbago niyo mula noong huli ko kayong makita. Wala ka nang eyebags, ma’am. Maganda na rin ang katawan mo, ma’am, hindi ka na buto’t-balat.”Nginiwian ni Ilana ang babae. “Namamangha ka ba o nilalait mo ako?”Humagikhik ang babae. “Kumusta ka na, ma’am? Tama si Ma’am Lovella, mukha kang halaman na bagong dilig kahit pagod sa pag-aalaga ng baby.”Kinunutan ni Ilana ng noo si Lovella. “Anong pinagsasabi mo? Saka magkakilala ba kayo?”“Ipinasok niya ako sa hospital na pinagtatrabahuhan niya, ma’am.”Humalakhak si Lovella. “Alaga ng tamang tao ang tawag riyan, ate. Kaya ako maghahanap ako ng tamang tao para magmukha akong bulaklak na mayaman sa dilig.”“Anong dilig ang pinagsasabi mo riyan? Tumigil kayo! Baka mama
PAGOD pa si Ilana nang magising. Madaling araw na at nakita niya na nakaupo sa sofa si Brian habang tulog na tulog at bahagyang nakayuko. Nakaunan naman sa hita nito si Lovella. Nang lumingon si Ilana sa upuan sa gilid ng kama ay nakita niya doon si Cloudio. Gising at nakatitig sa kaniya. “Hi…” Masuyo ang ngiti nito. “Tulog ka pa. Saglit ka palang nakatulog.” Umiling si Ilana. “Si baby?” “She’s fine. Healthy. She looks like you. Napakaganda.” Napangiti si Ilana. “Samahan mo ako. Gusto ko siyang makita.” Tumayo si Cloudio. “Kukuha lang ako ng wheelchair.” “Gusto ko na siyang makita, Cloud. Lalakad nalang ako.” Bahagyang naningkit ang mga mata ni Cloudio. “Tigas ng ulo.” Lumapit ito sa kaniya at nagulat nang pinangko siya nito. He carries her like she’s as light as a paper. Ininguso nito ang dextrose stand. “Itulak mo.” Tumango lang si Ilana at itinulak ang dextrose stand nang magsimulang maglakad palabas si Cloudio. Nang makarating sa kwarto kung nasaan ang baby ay agad na tu
MAINGAT na inaayos ni Ilana ang isang bouquet ng pinakamahal na bulaklak habang nakaupo. Isang malaking bouquet ito ng tulips at gusto niya palagi na perpekto ang arrangements niya. Cloudio’s flowershop is doing great. Four months after nito magbukas ay naging maganda ang reputasyon nito. Bukod sa dinadayo sa ganda ng mga fresh na bulaklak at perpektong arrangement ay malakas rin ang hatak ng guwapong owner. Napalingon si Ilana nang marinig niya ang paggalaw ng wind chime. Natatabunan siya ng kumpol ng mga bulaklak kaya hindi niya makita kung sino ang pumasok. “Good afternoon, sir!” Masiglang bati ng isang staff nila. Napangiti si Ilana. Alam na niya kung sino ang dumating. Kanina pa nga niya ito hinihintay e. “Si buntis?” Mas lalong napangiti si Ilana. He’s been addressing her that way ever since her baby bump showed. Hindi siya nagpalaglag. Tinangka niya pero hindi niya kinaya. Hindi niya kayang parusahan ang isang buhay na wala namang kasalanan sa kaniya. “Nag-aayos po ng flo
“MALAKAS ang kapit ng bata pero hindi ibig sabihin ay pababayan na niya ang sarili niya. Alagaan mong mabuti ang asawa mo.” Hindi maalis sa isipan ni Cloudio ang mga salitang binitawan ng doktor nang dalhin niya si Ilana sa hospital pagkatapos mawalan ng malay. Hindi niya alam kung paano magrereact. Clearly, bago palang nalaman ni Ilana ang pagbubuntis. It was the reason she was crying so hard. Kumuyom ang mga kamao ni Cloudio saka napayuko. Ginulo niya ang sariling buhok at napatingin kay Ilana na walang malay sa hospital bed. Biglang nahawi ang kurtina at tumambad kay Cloudio ang nag-aalalang mukha ng stepsister ni Brian na si Lovella. “Is she alright?” Bago pa makasagot si Cloudio at gumalaw na si Ilana. Mabilis na tumakbo sa tabi ng kaibigan si Lovella samantalang tumayo si Cloudio sa isang tabi at pinagmasdan si Ilana. Ang nag-aalalang mukha ni Lovella ang namulatan ni Ilana. Nakasuot pa ito ng scrub uniform at bakas sa mukha ang takot. Ilana blinked, remembering what
SINAPO ni Ilana ang sariling ulo matapos magmumog. Nakaramdan siya ng matinding panghihina kaya naman mahigpit siyang humawak sa lavatory para suportahan ang sarili. Ipinikit niya ang mga mata at pilit na inaalala kung bakit nagising siya na masama ang pakiramdam. Nahihilo siya, naduduwal, at nanghihina. Bakit? “Ayos ka lang, ma’am?” Tanong ng nurse nang lumabas ng banyo si Ilana at naupo sa stool chair. Hindi sumagot si Ilana dahil muli siyang nakaramdam ng pagduduwal nang ilapag ng nurse ang isang bowl ng sinangag sa kaniyang harapan. Matindi ang amoy ng bawang nito at hindi niya nagustuhan. Umubo si Ilana at muling nasapo ang noo matapos magmumog muli. Bakit ang baho ng bawang para sa kaniya? “Ma’am…” Napalingon si Ilana sa nurse na sinundan siya sa banyo. Bakas ang pag-aalala sa mukha nito habang nakatingin sa kaniya. Bumuntong-hininga si Ilana. “Mamaya na, ate. Medyo masama ang pakiramdam ko.” “Ma’am, gusto ko lang malaman… B-Buntis ka ba?” Tila nabingi si Ilana sa n
NAGISING si Ilana mula sa mahimbing na pagkakatulog. Ramdam niya sa kaniyang likod ang malambot na kama at ang magaang kumot na nakabalot sa kaniyang katawan. Pakiramdam niya ay nabawi ang pagod at puyat niya sa mga nagdaang linggo. Isang mahabang pagtulog at pakiramdam niya ay narefresh na ulit siya.Namulatan niya si Cloudio na nakaupo sa kama at nakatingin sa kaniya. Agad na gumuhit ang malambing na ngiti sa mga labi nito nang magtama ang kanilang paningin. “Sarap ng tulog…”Bumangon si Ilana at agad na napatingin sa bintana. Napabuntong-hininga siya nang makitang madilim na ang langit sa labas. Kinusot niya ang mata saka bumangon.“You didn’t wake me up.”Ngumiti muli si Cloudio. “May sweldo naman ang pagtulog mo, ayos lang iyan.”Ngumiti na rin si Ilana saka lumapit sa binata. Nakita niya kung paano ito natigilan nang salatin niya ang noo nito sa ibabaw ng medyo magulong buhok. Cloudio stared at her with parted lips pero hindi iyon pinansin ni Ilana.“Okay ka na.”Tumayo ang binat