ISTORYA NI SENYORA CAROLINA SA PAGTATAGPO NG LANDAS NILA NI CHLOEParang isang malaking biyaya si Chloe sa kaniyang pagdating sa buhay ko. Lingid sa kaalaman nito ay hindi ako ang nagligtas sa kaniyang buhay kundi siya ang nagligtas sa aking buhay. Dahil ng mga sandaling iyon ay nakapuwesto na din ako sa pagtalon sa tulay na iyon. Ngunit naantala lahat ng masama kong pinaplano ng araw na iyon dahil sa narinig ko ang hinagpis nito. Napalingon ako mula sa pagkakapit ko sa railings ng tulay. Na kung nalate ng ilang segundo ang kaniyang pagdating paniguradong ngayon ay isa na akong malamig na bangkay na nagkalasog lasog ang katawan. Nang makita ko ang kaniyang mukha at kaniyang kondisyon ay naalinagan kong buntis siya dahil sa may kalakihan na ang kaniyang tiyan. Umakyat ako sa railings at tinulungan ito ng makita kong hinimatay siya marahil ay sa sobrang depresyon niya. Wala kasi siyang tigil kakaiyak habang sumisigaw sa hinanakit niya sa mga taong nanakit sa kaniya na tinatawag niya sa
CHLOE POVNapapansin kong ilang buwan na din ang aking pananatili dito sa mansyon pero hanggang ngayon ay hindi pa din ako nakakalabas man lang sa malalapit na area. Hindi ko din alam kung saang lugar na ba ako naroroon. Makalipas kasi ang ilang panahon ay hindi na ako gumamit ng cell phone isa ito sa pakiusap ko kay Senyora. Ayokong makapnauod ng kahit na anong balita. Maisip ko pa lang na maaring kinasal na si Riley kay Daniela dahil sa mga picture na pinapakit ni Senyora sa akin ay sumasakit na ang aking tiya. Kaya pinigilan ko ang aking sarili na makaalam ng kahit na ano tungkol sa mga ito. Kung sabagay wala naman akong kakailanganin pang anomang bagay. Hindi ko gustong bumalik sa piling ni Riley. Ang daming pictures ang palaging pinapakita sa akin ni Senyora Carolina na kuha ng detectives na kinuha ni Senyora para magbigay ng updates sa kaniya. Ngayong araw ay nagdesisyon akong gumawa ng pizza dahil nanatili sa mansyon si Senyora Carolina. Napansin ko sa kaniya magmula ng lumaki
Hindi ako makapaniwala sa aking mga nakikita ng buksan ko ang ilaw sa silid na iyon. Nanlaki ang aking mga mata. Hindi ito totoo. Kinusot-kusot ko pa ang aking mata habang Malalaking larawanan iyon na puro kamukha ko ang nasa loob ng kwartong iyon. Kaibahan lamang ay mas maiksi ang buhok nito sakin at may nunal ito sa kaniyang pisngi. Hindi ako makapaniwala. Nanlambot ang aking mga paa at halos matumba ako sa aking pagkakatayo. Mabuti na lang ay nakapitan ako ni Manang ng dali dali itong pumasok sa silid na iyon. "Mam Chloe bakit po kayo nandito. Naku mapapagalitan po tayo ni Senyora kapag naabutan tayo." nag-aalala at nagmamadaling sabi ni Manang sa akin.Lilinga linga ito sa labas ng pintuan ngnamumutla sa takot. "Halika nga dito" inalalayan niya ako at aakayin sana palabas pero nagmatigas ako. "Hindi Manang! (pagmamatigas ko) hindi ako aalis sa silid na ito kung hindi ko malalaman kung ano ang ibig sabihin nito." lahat ng mga kasambahay sa bahay ay nakatingin mula sa ibaba. Nag-aa
"sorry to hear that. Ang lungkot naman po pala ng ngyari kay Amanda, nahuli po ba ang mga humalay sa kaniya?" tanong kong muli sa kaniya "Hanggan ngayon ay sobrang paghihinagpis pa rin ang aking nararamdaman. Hindi man lang nabigyan ng hustisya ang pagmatay ng aking anak na si Amanda. Dahil batay sa imbestigasyon ng aking mga kaibigan ay nagmula sa maiimpluwensyang pamilya ang mga gumawa noon sa kanya. Hindi nila ito kayang banggain. Maganda at Sexy si Amanda hindi lang siya mahilig mag-ayos sa kaniyang sarili. Siguro ay nakita ng mga hay*p na iyon na ang magandang hubog ng katawan ni Amanda. Batay pa sa forensic expert sa dami ng ml ng nakitang semilya sa loob ng pwerta ni Amanda ay hindi lang isa, dalawa o tatlo ang humalay sa kaniya. Sabi ng kaibigan ko ay maaring nasa 7-10 katao ang gumawa noon kay Amanda. Na gang rape ito kaya siya sobrang balisa. Bilang isang ina masakit iyon para sa akin. Hindi ko hinihiling na palitan mo si Amanda sa buhay ko pero masaya lang ako na nakikita
LUISA POV “Dito na po tayo Mam. Ang laki nga po ng pasasalamat namin sa inyo kasi nakita kayo ni Senyora. Magmula po kasi nung dumating kayo bumalik na muli ang sigla sa bahay na to. Binilinan lang po niya kaming wag makipagkwentuhan sa inyo noon dahil sa takot niyang baka umalis kayo kapag nalaman ninyo ang katotohanan. Mabait po si Senyora , Mam Chloe. Hindi po sa pinagtatanggol ko siya pero siyempre po kahit siguro kanino mangyari ang mawalan ng anak ay magbabago talaga tapos biglang makikita mo ang isang babaeng kamukhang kamukha ni Senyorita Amanda. Sana po maintindihan niyo din si Senyora sa part na yun. “ mahabang kwentuhan namin ni Mam Chloe. “Napansin ko din naman kay Senyora mabait talaga siya siguro nga masyado lang akong naparanoid noong nakita ko ang picture ni Amanda. “ sagot naman niya sa akin “Hahaha sorry Mam. Pero alam niyo po ba nung una namin kayong nakita nung dinala kayo ni Senyora akala namin minumulto kami ni Senyorita Amanda. Aysus para po talaga kayong
CHLOE POV"aaahhh LUISA please help me...." malakas kong sigaw. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang sakit na nararamdaman ko. Namimilipit ako sa tindi ng sakit ng aking tiyan. Papabagsak na sana ako sa aking pagkakatayo. Mabuti na lang at biglang pumasok na itong si Luisa at Manang sa aking kwarto. "Mam, manganganak na po kayo?!" sigaw ni Luisa. Nagmamadali itong lumapit sa akin at iniupo ako sa aking kama. "aaahhhh ! naku Luisa ipatawag mo na yung doctor ni Mam Chloe . Pumutok na ang panubigan ni Mam Chloe" sabi ni Manang. "agghg ang sakit naman Manang," hinihimas niya ang aking balakang para kahit papano ay maibsan ang sakit ng aking nararamdaman. Nakita ko namang tinatawagan na ni Luisa ang aking doctor. Natataranta ang mga tao sa loob ng mansyon tinawagan na din nila si Senyora para ipaalam dito na manganganak na ako. Makalipas ang tatlong oras ay dumating na si Senyora at ang doctor na nag-aalaga sa akin. Agad akong sinuri nito. Nakita niyang nasa 6cm na ako. Masama ay p
SA NURSERY ROOM Nakasilip ako mula sa labas ng bintana ng nursery room. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman pero attached na attached ako sa mga batang ito. Hindi ko muna sila binigyan ng pangalan dahil gusto kong si Chloe ang magbigay sa kanila ng pangalan nila. Pakiramdam ko ay sarili ko talagang mga apo ang mga ito. Siguro kung natuloy lang ang pinagbubuntis ni Amanda at buhay pa ito ay ganito din ka-cu-cute ang mga anak nito. Na curious ako at nalungkot ng maisip ko ito. Wala akong masamang planong gawin sa pagtatago ko kay Chloe. Gusto ko lang mahalin ako nito na parang isang tunay na ina. Gusto kong mapalapit ang loob niya sa akin at ng mga bata. Gagawin ko ang lahat para matanggap nila ako bilang isang kapamilya. Muling pumasok sa aking isip ang napag usapan namin ni Emil. Kaya naman tinawagan ko si Detective Anthony para bigyan ito ng instruction sa nais kong malaman. "Luisa tawagin mo ako kapag nailipat na si Chloe sa kaniyang silid, mayroon lang akong kakausapin
RILEY POV 3 DAYS BEFORE Kapit ko ang isang baso para sana inumin ang whisky na inilagay ko dito na walang ano-ano ay biglang dumulas ito sa aking kamay at nabasag. “Kuya anong ngyari?!” Humahangos na tanong ni Olivia sa akin. “Hahahhaa! Wala. ( lasing na lasing kong sagot) alam mo ba kung anong meron ngayong araw kung bakit ako nag-iinom?!” Tanong ko sa kaniya. Umiling ito sa akin. “Ngayon ang due date ni Chloe!? Hahaha nakakatawa diba?! (Tuloy ako sa pagsasalita kahit na umaagos ang dugo sa akong palad.) napkawalang kwenta kong partner huhuhu” “Tama na yan kuya! Tara na (pag aaya sa akin ni Olivia. Tinulungan niya akong gamutin ang aking sugat at pinunasan ako ng maligamgam na tubig. Panay pa rin ang aking pag iyak ilang segundo lang ang nakalipas ay inayos ko na ang aking sarili) mmmmp . Salamat sa napakaganda kong kapatid . Salamat at hindi mo iniwan si Kuya kahit nababaliw na ata ako. ( sabi ko pa sa kaniya habang hinahaplos ko ang ulo nito habang nilalagyan niya ng b