CHLOE POV Mula pa lang sa lobby ay napansin ko na ang panay ang bulungan ng mga taong nakaka-salubong ko. Normal naman na iyon para sa akin magmula ng i-anunsyo ni Riley ang tungkol sa ugnayan naming dalawa. Pero kakaiba ang mga tingin ng mga ito ngayon. Mas mapang husga at nang-iinsulto. Sinilip ko pa ang aking sarili sa salamin na matatagpuan sa isang sulok sa lobby area. Nag-aalala ako dahil baka may dumi ako sa aking mukha dahil sa pagmamadali kong kumain kanina bago pumasok kaya ganoon na lang ang mga ito makatingin sa akin. Halos mabali pa ang leeg ng mga ito habang hinahabol ako ng tingin. Nakakailang ang kanilang mga pagtingin sa akin. Hindi ko na kasi natignan ang sarili ko ng maayos. “Hay bahala kayo sa buhay niyo kahit anong sinasabi niyo sa akin wala akong pakielam” bulong ko sa aking sarili. Nagmamadali na akong sumakay sa elevator . Nakipagsiksikan ako sa mga taong nakasakay duon. Hanggang dito ba naman ay pinagbubulungan pa rin ako ng mga ito. "alam niyo ang weird ng
RILEY POV IN THE OFFICE ( ISANG ORAS BAGO ANG PAGPASOK NI CHLOE) Ilang beses na tumawag sa akin si Ellie. Mahigpit kong tinangggihan ang paghingi niya ng permiso sa akin sa pagpapapasok kay Daniela. Hindi ko bibigyan ng dahilan si Chloe para magalit ito sa akin. Nagpatuloy ako sa pagtingin sa mga papeles na nasa aking harapan ng biglang mag ring muli ang aking telepono. "Elli ayoko ng magpaulit ulit pa. Please tell her im busy. So she better leave now!" mahigpit kong pinagbilin sa aking sekretarya. May nais pa sana akong sabihin ng pwersahang pumasok si Daniela sa loob ng aking opisina. Tinignan ko lang ito at nagbalik na ako sa pagtingin sa mga papeles sa aking harapan. "Sir pasensya na kayo Sir kanina ko pa po talaga pinipigilan si Mam Daniela na pumasok. " natatakot na sabi ni Ellie sa akin "its okay you can leave now." sagot ko lang kay Ellie. Lumapit sa akin si Daniela pagkalabas na pagkalabas ni Ellie sa pintuan iyon. Hindi ko siya pinapansin sa kaniyang inaakto. Nagulat
“Tandaan mo to Daniela pag may ngyaring masama sa asawa ko patawarin nawa ako ng Diyos. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sayo! Hinding hindi kita mapapatawad” sabi ko sa kaniya “Patawarin mo na ako Riley! Lahat gagawin ko. Hindi ko kayang mawala ka” muli siyang yumakap sa akin. Kinapitan ko ang kaniyang kamay saka ko oto itinapon papalayo sa akin. Nanlilisik ang aking mga mata sa sobrang galit sa kaniya. Bumalik ako sa aking opisina para kuhain ang susi ng aking sasakyan. Nagmamadali akong nagmaneho patungo sa direksyon na pinuntahan ni Chloe. Binilinan ko na lang ang mga kaibigan ni Chloe na patuloy siyang tawagin at sinabihan ko silang kontakin ako sa oras na makakuha sila ng kahit na anong impormasyon ay ipaalam nila sa akin. Sa mga oras na ito ay hirap na hirap na ako sa pagda drive dahil sa lakas ng patak ng ulan na tumatama sa salamin sa harapan ng aking kotse. Halos hindi na ako makaandar dahil hindi ko na makita ang daan. Hinarangan na din ng mga pulis at hindi na pina
OLIVIA POVHindi ko na din alam ang gagawin ko sa nangyayari kay Kuya. Dahil sa kalandian ni Daniela ay nasira na naman ang buhay ng kuya ko. Hindi talaga siya nakukuntento sa paninira ng buhay ng kapatid ko. Mula nuon hanggang ngayon na nakapag move on na si Kuya Riley saka na naman siya nanggulo “Haist” napapabuntong hininga na lang ako. Lumipas ang buwan at wala pa rin kaming nakukuhang balita mula sa mga imbestigador tungkol sa kinaroroonan ni Chloe. Naging maiinitin na naman ang ulo ni Kuya. Bumalik ito sa pagiging iritable niya kagaya ng mga panahong bago pa niya nakilala si Chloe. Ito pa lang ang pangalawang beses na nakita ko ang aking kapatid na nagwawala ng ganito. Una ng iniwan siya ni Daniela sa harapan ng altar at ito ang pangalawang beses na naging maiinitin ang kaniyang ulo.“Hi Ellie nandiyan na ba si Mr. Antonio? May mga documents lang sana akong papipirmahan sa kaniya” tanong ko sa sekretarya nito.“Mam pasensya na po , hindi ko lang sigurado kung right timing kayo n
CHLOE POV 1 MONTH BEFORE Masakit ang ulo ko ng ako ay magising. Nakasaplo ako sa aking ulo. Tinignan ko ang aking sarili na nakatabing ng isang makapal na comforter. Sinilip ko ang aking damit. Nataranta ako ng makita kong nakapalit na ang aking damit ng isang kulay puti na pantulog. Napakapit ako sa aking tiyan , napahampas ako sa aking ulo kakaisip sa ngyari sa akin. Pilit kong inaalala ang ngyari sa akin. At kung bakit ako naruruon ngayon. Tinignan ko ang buong paligid. Malaki ang silid na iyon. Mukhang mayaman ang taong nag-ma-may ari ng bahay na iyon. Palingon lingon ako sa buong paligid. Ang huling pumasok sa aking isip ang mga sandaling nakita ko si Daniela at si Riley na magkausap sa kaniyang opisina. Naupo ako sa gilid ng kama kung saan ako naruruon, napakapit ako sa aking ulo. Bumalik sa akin ang ala-ala kung bakit ako nakapunta sa lugar na ito. Naalala kong sa sobrang sama ng aking loob ay pinaharurot ko ang aking sasakyan papalayo sa lugar na iyon. Hindi ko na inalinta
RILEY POVDoble ang sakit na aking nararamdaman . Walang wala ito sa sakit na naramdaman ko noong iwanan ako ni Daniela sa harapan ng Altar. Hindi ko maikumpara ang pangungulila ko ngayon para kay Chloe at sa magiging anak namin. Ilang linggo na din magmula ng ideklarang ihinto ang search and rescue operation sa paghahanap ng mga alagad ng batas kay Chloe. Kahit pa dineklara na si Chloe as dead person ng mga awtoridad ay hindi pa rin ako naniniwala. Alam ko at ramdam kong buhay pa ang aking mahal. Para makalimot sa sama ng loob ay ay gabi gabi akong nagtutungo sa bar. Nilulunod ko ang aking sarili sa alak hanggang sa halos gumapang na ako sa sobrang kalasingan pauwi. "Steven nasan ka ngayon?" tanong ko sa aking kanang kamay."nasa bahay ako Bro bakit?" sagot niya sa akin"tara bro sa taverna tayo (bar) ngayon na. Sunduin na kita on the way na din ako. within15 minutes padating na ko sa tapat ng bahay mo!?" sabi ko kay Steven habang nagmamaneho ako papunta sa bahay nito."hay Bro gabi
CHLOE POV AT THE HIDDEN MANSION Mabait si Senyora Carolina. Wala akong masabi sa kaniya sa kabutihang pinapakita niya sa akin. Magmula ng ako ay manirahan sa kaniyang bahay ay hindi ako pinabayaan nito sa lahat ng aking pangangailangan sa katunayan ay sobra sobra pa ang tulong na kaniyang binibigay sa akin. Dahil hindi lang pagkupkop sa akin ng mga panahong down na down ako kundi pati sa aking pre-natal check up ay hindi siya nagkulang sa akin. Ngayong araw ay nakatakdang pumunta ang Doktor na kaibigan niya sa mansyon , naisipan kong bumaba muna sa kusina dahil sa nagugutom ako. Gusto ko ring uminom ng sobrang lamig na orange juice. "Hello Mam may kailangan po kayo?" tanong sakin ni Manang "Naku Manang ako na po gusto ko lang ng orange juice. May check up din po kasi ako ngayon. Pupunta lang ang doktor na kaibigan ni senyora . kaya ko naman po ako na lang gagawa ng aking orange juice." anas ko kay Manang "Mam ako na po magagalit po samin si Senyora Carolina, hindi po pwedeng
ISTORYA NI SENYORA CAROLINA SA PAGTATAGPO NG LANDAS NILA NI CHLOEParang isang malaking biyaya si Chloe sa kaniyang pagdating sa buhay ko. Lingid sa kaalaman nito ay hindi ako ang nagligtas sa kaniyang buhay kundi siya ang nagligtas sa aking buhay. Dahil ng mga sandaling iyon ay nakapuwesto na din ako sa pagtalon sa tulay na iyon. Ngunit naantala lahat ng masama kong pinaplano ng araw na iyon dahil sa narinig ko ang hinagpis nito. Napalingon ako mula sa pagkakapit ko sa railings ng tulay. Na kung nalate ng ilang segundo ang kaniyang pagdating paniguradong ngayon ay isa na akong malamig na bangkay na nagkalasog lasog ang katawan. Nang makita ko ang kaniyang mukha at kaniyang kondisyon ay naalinagan kong buntis siya dahil sa may kalakihan na ang kaniyang tiyan. Umakyat ako sa railings at tinulungan ito ng makita kong hinimatay siya marahil ay sa sobrang depresyon niya. Wala kasi siyang tigil kakaiyak habang sumisigaw sa hinanakit niya sa mga taong nanakit sa kaniya na tinatawag niya sa
Pagkauwi namin, napansin kong tila mas matamlay pa rin siya. Kaya’t dumiretso ako sa kusina at nagluto ng paborito niyang pagkain—adobo na may konting anghang, eksaktong tulad ng gusto niya noong bata kami. Nang ilapag ko ito sa mesa, sinamaan niya ako ng tingin. “Cass, hindi ko naman sinabi na gusto kong kumain,” reklamo niya. “Hindi ko tinatanong kung gusto mong kumain,” sagot ko nang diretso. “Kailangan mong kumain. Kung ayaw mo, ipapapasok ko ang adobong ito sa bunganga mo. Naintindihan?” Napangiti siya, kahit papaano. “Ikaw talaga. Pumunta ka lang dito para sigawan ako at pakainin ng adobo.” Tumawa ako, ngunit sa loob ko, kinukumbinsi ko ang sarili na kaya ko siyang ibangon. Pero sa likod ng isip ko, may galit na hindi ko kayang itago—galit para sa asawa niyang walanghiya. Tinawagan ko si Lucas dahil dumiretso ako sa bahay ni Charlie para samahan siya. “Anong naiisip mo, Cass?” tanong niya, halata ang pag-aalala. “Gusto kong magsimula na agad ang kaso. Hindi lang it
Pagkalipas ng tatlong araw, dumating ang itinakdang araw ng appointment ni Lucas para kay Charlie kay Atty. Janela Sanchez. si Atty ang busiest na Atty sa larangan ng pag handle ng mga annulment. Kasama ako sa opisina ng abugado bilang moral support sa kapatid ko dahil masyado ding busy si Christopher at laging nasa labas ng bansa para sa mga meeting . Kahit sinubukan ni Charlie na magmukhang kalmado, halata sa mga kilos niya ang kaba at pag-aalinlangan. Si Atty. Janela ay isang babaeng nasa early 30’s, at halatang alaga ang sarili niya. Kitang kita ang kagandahan nito. Matalim ang kanyang mga mata ngunit may maamong ngiti na parang nagsasabing, “Huwag kang mag-alala, nasa tamang kamay ka.” “Good morning, Mr. Charlie. Cass, nice to meet you both,” bati ni Janela habang inaabot ang kamay ni Charlie. “Lucas has told me about your case. Don’t worry, I’ll do everything I can to help you.” Medyo nauutal si Charlie nang magsimulang magkwento, kaya hinawakan ko ang kamay niya sa ila
Narinig ko ang paghikbi niya. “Salamat, Cass. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala kayo.” “Lalaban ka, Charlie,” sagot ko, puno ng galit para sa nangyari pero determinasyon para sa kanya. “Hindi para sa kanya. Lalaban ka para sa sarili mo. Dahil hindi mo deserve ang ganito.” Pagkatapos ng tawag, nanatili akong nakatulala sa telepono. Nag isip ako ng dapat kong gawin. Kinabukasan, maagang-maaga akong nagising. Halos hindi ako nakatulog kagabi, paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang kinuwento sa akin ni Charlie. Hindi ako mapakali dahil ayokong magtagal ang lahat. Alam kong hindi siya pwedeng mag-isa ngayon dahil kilala ko ang kakambal ko, minsan nakakagawa siya ng mga desisyong hindi niya pinag-iisipan. At ayokong may mangyaring hindi maganda sa kaniya at lalong ayokong makagawa siya ng isang bagay na pagsisisihan niya. Pagkalabas ko ng kwarto, nadatnan ko si Lucas sa kusina, naghahanda siya ng almusal dahil tinanghali ako ng gising mabuti na lang at weekends ngayon. N
“Love papasok na muna ako sa office. Kung may kailangan ka tawagan mo lang ako.” Malambing na sabi ni Lucas "okay Love , ingat ka. Hindi na ako makakasama sa labas at busy ata si Habang inaayos ko ang mga laruan ni Caleb sa sala, biglang tumunog ang telepono ko. Tumigil ako, napatingin sa screen—si Mommy Chloe ang tumatawag. Napakunot agad ang noo ko. Bihira siyang tumawag nang ganito kaaga. At usually pumupunta siya sa bahay at hindi lang basta basta na tatawag sa akin. “Hello, Mommy Chloe?” mabilis kong sagot, kaba agad ang bumalot sa akin. "Napatawag po kayo? May nangyari ba?” Ramdam ko ang bigat ng bawat salita niya. “Cass, tumawag si Charlie sakin kanina. Wasak na wasak siya…nag-aalala ako sa kapatid mo anak. Kasi naman itong asawa niya nahuli niya daw na may ibang lalaki.” Halos mabitiwan ko ang hawak kong laruan. Nagpanting ang tenga ko sa narinig. “Ano?!” malakas kong tanong, bahagyang nanginginig ang boses. “Paano nangyari iyon?! Eh si Sharmaine ang patay na patay
Nang makabalik na kami sa aming tent site. Habang naglalakad kami ni Cassandra sa Safari, hawak niya ang kamay ni Caleb na tuwang-tuwa sa paligid, parang biglang bumagal ang oras. Pinagmamasdan ko silang dalawa—ang mag-ina ko. Napansin ko ang liwanag sa mga mata ni Cassandra na parang matagal nang hindi ko nakikita, at ang walang kapantay na saya sa boses ni Caleb tuwing may makikitang hayop sa paligid. Sa gitna ng saya, biglang bumigat ang pakiramdam ko. Hindi ko maiwasang maalala ang mga panahong sinayang ko. Flashback Dalawang taon na ang nakalipas, nasa bar ako kasama ang mga kaibigan ko, hawak ko ang isang baso ng alak habang nakikipagkwentuhan sa isang babaeng halos hindi ko na maalala ang pangalan. Ang cellphone ko ay paulit-ulit na nagri-ring sa bulsa. Si Cassandra ang tumatawag, pero hindi ko iyon sinasagot. “Mamaya na,” bulong ko sa sarili ko habang inilapag ang baso. Ni hindi ko naisip kung ano ang nar
LUCAS POV Mula nang magkaayos kami ni Cassandra , parang muling nagliwanag ang buhay ko. Ang bahay namin, na dati’y puno ng tensyon at tahimik na mga gabi ngayon ay bumalik na ito sa dating sigla. Ang malalakas na tawa ni Caleb, na naging sentro ng aming pagsasama. Malaki ang pinagpapasalamat ko dahil naging bukas kami ni Cassandra sa isa’t isa. Ang masarap na tawanan namin bilang pamilya . Unti-unti naming naibabalik ang dating kami. Ang pagsasama namin ay naging mas masaya. Pinangako ko sa sarili kong gagawin ko ang lahat para mapanatili ang kasiyahan sa pamilya namin. Kaya hindi ko na hinayaan pang lumipas ang aming anibersaryo ng kasal nang walang espesyal na sorpresa para kay Cassandra. “Cass, may plano ako para sa anniversary natin,” bungad ko isang gabi habang nag-aayos siya ng damit ni Caleb. Hilig niyang maging hands on na ina sa tuwing umuuwi siya galing sa trabaho. Tumingin siya
PRESENT TIME “Sabihin mo sa akin, Cassandra. Ano ba talaga ang meron sa inyo ni Ian? Bakit sobra kung ipagtanggol mo siya laban sakin?! Bakit ? Mas gusto mo na ba siya? Ipagpapalit mo ba kami ni Caleb sa kaniya?!” Tanong sakin ni Lucas. Bigla akong sumabog ng marinig ko ang mga salitang iyon sa kaniya. “How dare you to accuse me Lucas, alam mo ba kung bakit naging malapit ako kay Ian? Ngayon sasabihin ko sayo lahat-lahat tutal ayaw mong tumigil ng kaka duda. Alam mo bang nung mga oras na nahuli kita sa bar two years ago? Hinimatay ako sa labas noon dahil hindi ko napigilan ang sama ng loob na nararamdaman ko ng mga sandaling nakita kitang nakikipaglandian sa ibang babae. And that time? Si Ian ang tumulong sakin, dinala niya ako sa ospital at siya ang nagdala sakin sa ospital. Imagine ilang beses akong tumatawag sayo nun! Pero ano? Nasan ka?! Nasa kandungan ng ibang babae habang ako halos hindi magkandamayaw sa pag aasikaso sa inyo . Kahit anong sabi kong hindi maganda ang pakiramd
CASSANDRA POV Ang sakit ng huling pag-uusap namin ni Lucas ay parang sugat na muling nabuksan. Hindi niya alam kung bakit ako naging malapit kay Ian. Bakit parang kasalanan ko pa ngayon ang pagkakaruon ng lamat ng relasyon namin?! Hindi ba’t ako itong sinaktan nuon!? Ako itong niloko at muntik iwan dahil sa napabayaan ko ang sarili ko. Nakalimutan ko ng mag ayos at tumaba ako magmula ng ipanganak ko si Caleb. Oo malapit ang loob ko kay Ian at yun ay dahil sa siya lang ang nakinig at nakaintindi sa lahat ng hinanain ko noon sa buhay. Grabe ang post partum depression na inabot ko na halos ikabaliw ko na. Tapos anong sinasabi niya sakin sa tuwing inaangal ko ang pananakit ng ulo ko noon?, ang pagsasabi kong nanginginig na ang katawan ko minsan pag mag isa na lang ako?! Sa tuwing hihingi ako ng tulong para bantayan kahit saglit si Caleb. Diba ang sinasabi niya palagi na pagod din siya at baka naman nag iinarte lang ako. Noong una akala ko ay tama ang naging desisyon ko na pakasala
Makalipas ang apat na taon mula nang ikasal kami ni Cassandra, naging mas maayos ang buhay namin. Si Caleb ay apat na taong gulang na, malikot at masayahin. Ang tingin ng iba, perpekto ang pamilya namin, pero hindi nila alam na may mabigat na bagay na unti-unting sumusubok sa pagsasama namin ni Cassandra. Nagsimula ang lahat nang pumasok si Cassandra sa trabaho muli. Pagkatapos ng ilang taon na nakatutok siya kay Caleb, bumalik siya sa corporate world. Masaya ako para sa kanya, pero hindi ko inasahan ang pagbabagong dala nito. Isang gabi, habang nag-aalmusal kami… “Love parang lagi ka ng late umuuw ngayong mga panahong to?. Hindi ba pwedeng huwag ka nang mag-overtime, Cassandra?” “Lucas, sinabi ko naman sa’yo, kailangan ito sa trabaho. May deadline na kailangang habulin.” sagot niya sa akin. Magmula ng huli naming malaking pagtatalo na muntikan ng mauwi sa hiwalayan ay nagbago na si Cassandra sa pakikitungo sa akin. “Pero paano si Caleb? Lagi ka na lang wala, alam mo bang palagi