CHLOE POV 1 MONTH BEFORE Masakit ang ulo ko ng ako ay magising. Nakasaplo ako sa aking ulo. Tinignan ko ang aking sarili na nakatabing ng isang makapal na comforter. Sinilip ko ang aking damit. Nataranta ako ng makita kong nakapalit na ang aking damit ng isang kulay puti na pantulog. Napakapit ako sa aking tiyan , napahampas ako sa aking ulo kakaisip sa ngyari sa akin. Pilit kong inaalala ang ngyari sa akin. At kung bakit ako naruruon ngayon. Tinignan ko ang buong paligid. Malaki ang silid na iyon. Mukhang mayaman ang taong nag-ma-may ari ng bahay na iyon. Palingon lingon ako sa buong paligid. Ang huling pumasok sa aking isip ang mga sandaling nakita ko si Daniela at si Riley na magkausap sa kaniyang opisina. Naupo ako sa gilid ng kama kung saan ako naruruon, napakapit ako sa aking ulo. Bumalik sa akin ang ala-ala kung bakit ako nakapunta sa lugar na ito. Naalala kong sa sobrang sama ng aking loob ay pinaharurot ko ang aking sasakyan papalayo sa lugar na iyon. Hindi ko na inalinta
RILEY POVDoble ang sakit na aking nararamdaman . Walang wala ito sa sakit na naramdaman ko noong iwanan ako ni Daniela sa harapan ng Altar. Hindi ko maikumpara ang pangungulila ko ngayon para kay Chloe at sa magiging anak namin. Ilang linggo na din magmula ng ideklarang ihinto ang search and rescue operation sa paghahanap ng mga alagad ng batas kay Chloe. Kahit pa dineklara na si Chloe as dead person ng mga awtoridad ay hindi pa rin ako naniniwala. Alam ko at ramdam kong buhay pa ang aking mahal. Para makalimot sa sama ng loob ay ay gabi gabi akong nagtutungo sa bar. Nilulunod ko ang aking sarili sa alak hanggang sa halos gumapang na ako sa sobrang kalasingan pauwi. "Steven nasan ka ngayon?" tanong ko sa aking kanang kamay."nasa bahay ako Bro bakit?" sagot niya sa akin"tara bro sa taverna tayo (bar) ngayon na. Sunduin na kita on the way na din ako. within15 minutes padating na ko sa tapat ng bahay mo!?" sabi ko kay Steven habang nagmamaneho ako papunta sa bahay nito."hay Bro gabi
CHLOE POV AT THE HIDDEN MANSION Mabait si Senyora Carolina. Wala akong masabi sa kaniya sa kabutihang pinapakita niya sa akin. Magmula ng ako ay manirahan sa kaniyang bahay ay hindi ako pinabayaan nito sa lahat ng aking pangangailangan sa katunayan ay sobra sobra pa ang tulong na kaniyang binibigay sa akin. Dahil hindi lang pagkupkop sa akin ng mga panahong down na down ako kundi pati sa aking pre-natal check up ay hindi siya nagkulang sa akin. Ngayong araw ay nakatakdang pumunta ang Doktor na kaibigan niya sa mansyon , naisipan kong bumaba muna sa kusina dahil sa nagugutom ako. Gusto ko ring uminom ng sobrang lamig na orange juice. "Hello Mam may kailangan po kayo?" tanong sakin ni Manang "Naku Manang ako na po gusto ko lang ng orange juice. May check up din po kasi ako ngayon. Pupunta lang ang doktor na kaibigan ni senyora . kaya ko naman po ako na lang gagawa ng aking orange juice." anas ko kay Manang "Mam ako na po magagalit po samin si Senyora Carolina, hindi po pwedeng
ISTORYA NI SENYORA CAROLINA SA PAGTATAGPO NG LANDAS NILA NI CHLOEParang isang malaking biyaya si Chloe sa kaniyang pagdating sa buhay ko. Lingid sa kaalaman nito ay hindi ako ang nagligtas sa kaniyang buhay kundi siya ang nagligtas sa aking buhay. Dahil ng mga sandaling iyon ay nakapuwesto na din ako sa pagtalon sa tulay na iyon. Ngunit naantala lahat ng masama kong pinaplano ng araw na iyon dahil sa narinig ko ang hinagpis nito. Napalingon ako mula sa pagkakapit ko sa railings ng tulay. Na kung nalate ng ilang segundo ang kaniyang pagdating paniguradong ngayon ay isa na akong malamig na bangkay na nagkalasog lasog ang katawan. Nang makita ko ang kaniyang mukha at kaniyang kondisyon ay naalinagan kong buntis siya dahil sa may kalakihan na ang kaniyang tiyan. Umakyat ako sa railings at tinulungan ito ng makita kong hinimatay siya marahil ay sa sobrang depresyon niya. Wala kasi siyang tigil kakaiyak habang sumisigaw sa hinanakit niya sa mga taong nanakit sa kaniya na tinatawag niya sa
CHLOE POVNapapansin kong ilang buwan na din ang aking pananatili dito sa mansyon pero hanggang ngayon ay hindi pa din ako nakakalabas man lang sa malalapit na area. Hindi ko din alam kung saang lugar na ba ako naroroon. Makalipas kasi ang ilang panahon ay hindi na ako gumamit ng cell phone isa ito sa pakiusap ko kay Senyora. Ayokong makapnauod ng kahit na anong balita. Maisip ko pa lang na maaring kinasal na si Riley kay Daniela dahil sa mga picture na pinapakit ni Senyora sa akin ay sumasakit na ang aking tiya. Kaya pinigilan ko ang aking sarili na makaalam ng kahit na ano tungkol sa mga ito. Kung sabagay wala naman akong kakailanganin pang anomang bagay. Hindi ko gustong bumalik sa piling ni Riley. Ang daming pictures ang palaging pinapakita sa akin ni Senyora Carolina na kuha ng detectives na kinuha ni Senyora para magbigay ng updates sa kaniya. Ngayong araw ay nagdesisyon akong gumawa ng pizza dahil nanatili sa mansyon si Senyora Carolina. Napansin ko sa kaniya magmula ng lumaki
Hindi ako makapaniwala sa aking mga nakikita ng buksan ko ang ilaw sa silid na iyon. Nanlaki ang aking mga mata. Hindi ito totoo. Kinusot-kusot ko pa ang aking mata habang Malalaking larawanan iyon na puro kamukha ko ang nasa loob ng kwartong iyon. Kaibahan lamang ay mas maiksi ang buhok nito sakin at may nunal ito sa kaniyang pisngi. Hindi ako makapaniwala. Nanlambot ang aking mga paa at halos matumba ako sa aking pagkakatayo. Mabuti na lang ay nakapitan ako ni Manang ng dali dali itong pumasok sa silid na iyon. "Mam Chloe bakit po kayo nandito. Naku mapapagalitan po tayo ni Senyora kapag naabutan tayo." nag-aalala at nagmamadaling sabi ni Manang sa akin.Lilinga linga ito sa labas ng pintuan ngnamumutla sa takot. "Halika nga dito" inalalayan niya ako at aakayin sana palabas pero nagmatigas ako. "Hindi Manang! (pagmamatigas ko) hindi ako aalis sa silid na ito kung hindi ko malalaman kung ano ang ibig sabihin nito." lahat ng mga kasambahay sa bahay ay nakatingin mula sa ibaba. Nag-aa
"sorry to hear that. Ang lungkot naman po pala ng ngyari kay Amanda, nahuli po ba ang mga humalay sa kaniya?" tanong kong muli sa kaniya "Hanggan ngayon ay sobrang paghihinagpis pa rin ang aking nararamdaman. Hindi man lang nabigyan ng hustisya ang pagmatay ng aking anak na si Amanda. Dahil batay sa imbestigasyon ng aking mga kaibigan ay nagmula sa maiimpluwensyang pamilya ang mga gumawa noon sa kanya. Hindi nila ito kayang banggain. Maganda at Sexy si Amanda hindi lang siya mahilig mag-ayos sa kaniyang sarili. Siguro ay nakita ng mga hay*p na iyon na ang magandang hubog ng katawan ni Amanda. Batay pa sa forensic expert sa dami ng ml ng nakitang semilya sa loob ng pwerta ni Amanda ay hindi lang isa, dalawa o tatlo ang humalay sa kaniya. Sabi ng kaibigan ko ay maaring nasa 7-10 katao ang gumawa noon kay Amanda. Na gang rape ito kaya siya sobrang balisa. Bilang isang ina masakit iyon para sa akin. Hindi ko hinihiling na palitan mo si Amanda sa buhay ko pero masaya lang ako na nakikita
LUISA POV “Dito na po tayo Mam. Ang laki nga po ng pasasalamat namin sa inyo kasi nakita kayo ni Senyora. Magmula po kasi nung dumating kayo bumalik na muli ang sigla sa bahay na to. Binilinan lang po niya kaming wag makipagkwentuhan sa inyo noon dahil sa takot niyang baka umalis kayo kapag nalaman ninyo ang katotohanan. Mabait po si Senyora , Mam Chloe. Hindi po sa pinagtatanggol ko siya pero siyempre po kahit siguro kanino mangyari ang mawalan ng anak ay magbabago talaga tapos biglang makikita mo ang isang babaeng kamukhang kamukha ni Senyorita Amanda. Sana po maintindihan niyo din si Senyora sa part na yun. “ mahabang kwentuhan namin ni Mam Chloe. “Napansin ko din naman kay Senyora mabait talaga siya siguro nga masyado lang akong naparanoid noong nakita ko ang picture ni Amanda. “ sagot naman niya sa akin “Hahaha sorry Mam. Pero alam niyo po ba nung una namin kayong nakita nung dinala kayo ni Senyora akala namin minumulto kami ni Senyorita Amanda. Aysus para po talaga kayong