RILEY POV
Hindi maalis sa isip ko ang nangyari sa amin kagabi ng isang babaeng nakasalamuha ko sa Bar kung saan ako nag chill out kagabi. Sariwa pa sa aking ala-ala ang init ng gabi na aming pinagsaluhan, hinding hindi ko makakalimutan ang maamo niyang mukha. Hindi ko ugaling makipag one night stand sa isang babaeng kakakilala ko pa lamang . Ito ang unang beses na ginawa ko iyon. Kung sabagay 2 lang ang babaeng naka-s*x ko sa buong buhay ko. Ang una ang ex kong si Daniela at ang babaeng ngayon ay gumugulo sa aking isipan. “D*mn sino ka bang babae ka! Binabaliw mo ako kakaisip sayo!” Pagbulong ko sa aking sarili. Hindi ko maintindihan ang sarili ko magmula ng makita ko siyang pumasok sa loob ng bar ay napako na ang atensyon ko sa kaniya. Simpleng babae na hindi nakikipaglandian sa kung sino-sinong lalaki lang. Kahit pa ilang beses na itong nilapitan ng ilang kalalakihan sa loob ng Bar ay hindi nito in-entertain . Gusto ko sana siyang lapitan ng makita ko siyang iyak ng iyak ngunit natigilan ako ng makita kong may kausap ito sa telepono. Ilang minuto lang ang nakalipas ay nakita ko ang kaibigan nito na dumating kaya naman napag desisyunan ko nang umuwi , tinapos ko lang ang aking inumin at umalis na ako. Sakay ng aking sasakyan, habang papalabas ng parking ay bigla kong nakita sa gitna ng ulanan muli ang dalagang nakapukaw ng aking atensyon. Huminto ako ng parahin niya ako. Mabilis ang mga pangyayari, hindi ko natanggihan ang kanyang pag-anyaya sa akin na makipagtalik sa kaniya. Hindi ko inaasahan na virgin pa siya, napakagaling niya para sa unang beses na pakikipagtalik, ang sarap sarap ng mga sandaling pinagsaluhan namin. Hinahanap hanap na ng aking kalamnan ang kanyang katawan. Habang sariwa pa ang lahat ng nangyari kagabi sa aking isipan ay tinawagan ko ang aking kanang kamay na si Steven para sa isang mahalagang gagawin. "Good Morning Steven, may isesend ako sayong picture ng ID ng isang babae gusto kong malaman lahat ng detalye tungkol sa kanya, ayokong may ma-miss kahit na maliit na detalye. REPORT TO ME ASAP! Gusto kong malaman kung anong ngyari sa kanya at bakit siya napunta sa Bar na iyon kagabi" nakangiti akong nakamasid sa ID na naiwan ng babaeng ito mula sa aking pagkakaupo sa mataas na upuan sa aking bar counter, suot lamang ang aking pajama na humihigop ng mainit na kape. "CHLOE REYES" anas ko sa aking sarili habang napapangiti , naiwan niya ang kaniyang driver's license marahil ay nahulog ito sa kanyang pagmamadali sa pag-alis kaninang umaga. "got it Riley! ibibigay ko sayo ang full report mamayang hapon. Ngayon na din pala ang flight mo re-remind ko lang sayo.Nabasa mo na rin ba ang email mula kay Ethan para sa pag-hohost ng company mo para sa grand ball for next week?" pagpapalala niya sa akin. "Yes i know! , Nabasa ko na ang email sasabihan ko na lang si Ethan na magkita kami once i arrive tommorrow in Italy!" tugon ko naman kay Steven. Steven is my right hand and a friend. Lahat ng tungkol sa akin ay alam niya at talaga namang maasahan. "Okay Riley! mag iingat ka sa byahe mo see you tommorrow!" pagpapalam ni Steven sa akin, binaba ko na din ang aking tawag pagkatapos ay binigyan ko ng instruction si Ethan sa aking pagdating. ROMA ITALY ETHAN POV Nakabalik na galing sa kanyang bakasyon mula sa Pinas si Riley. Nag short leave lang siya dahil may bagong property na naman itong binili sa Makati. Agad naman kaming nagkita ni Riley sa kanyang Pad ng gabing iyon para pag-usapan ang aming plano para sa grand ball na ihohost ng kanyang company. Bilang head ng kanyang finance team kailangan ay alam ko lahat ng magiging plano para sa aming budgeting. Hindi na ako tumanggi sa kaniyang pag-imbita na pumunta din sa kaniyang bahay ng gabing iyon. Dahil bukod sa may nais akong i-discuss tungkol sa grand ball ng mga elite person sa italya at pilipinas na aming isasagawa ay nais ko ding siguraduhin sa kaniya ang trabaho na binanggit sa akin ni Ellie ang sekretarya niya para sa kaibigan ng aking pinsan na si Kean . Hindi ko pa nakikita sa personal itong si Chloe tanging larawan lang niya ang sa sinend ni Ethan kahapon pero hindi ko pwedeng biguin ang pinsan ko sa dami ng naitulong niya sa aking negosyo sa Pilipinas financially ng mga panahong muntik na akong malugi. Ang larawan lang din nito ang basehan ko para malaman ko kung sino ba ang susunduin ko sa susunod na araw sa airport. “Knock knock” bumukas naman kaagad ang pintuan sa bahay ni Riley. “Bro oh! (Inabot ko ang dala kong pagkain para pagsaluhan namin, hindi kasi naabisuhan ni Riley ang kaniyang leave out maid na maghanda ng pagkain para sa kaniyang pagbalik ngayong araw) Kamusta ang pinas?!” Dumiretso kami sa kaniyang dinning table para pagsaluhan ang dala kong pagkain."i heard from Steven na may pinapahanap ka daw na babae?! WOW bro this is different, ang tagal na ng huling beses kitang narinig na nagka-interes ulit sa babae magmula ng maghiwalay kayo ni Daniela" nilalagay niya ang beer sa aking ref upang palamigin ito bago namin inumin pagkatapos naming kumain "Yes bro! hindi ko alam pero iba ang nararamdaman ko sa babaeng to!" sagot ko naman sa kanya. Matatamis na din ang rumerehistro sa aking mukha ng sabihin ko ito kay Ethan "LOVE AT FIRST SIGHT bro! ganyang ganyan ka din dati kay Daniela, by the way you have the picture of this lady? can i see ? sigurado akong maganda yan kasi pumasok sa standard mo!" pagbibiro pa nitong si Ethan sa akin "haha baliw ka talaga! wala aking picture pero naiwan niya ang driver's license niya sa unit ko. Ito oh! (pinakita ko ang ID nito kay Ethan) ayan lang ang meron ako!" sagot ko kay Ethan "FVCK BRO! kilala ko yan! sususnduin ko yan sa isang araw, siya yung sinasabi ko sayong kaibigan ni Kean na papasok sa kompanya mo as admin staff." namimilog ang matang sabi sa akin ni Ethan. "ETHAN are you sure?" seryoso kong tanong sa kanya "Bro ito oh!" pinakita niya sa akin ang larawan na sinend sa kaniya ni Kean pati na ang detalye ng pagdating nito sa Italy. "pero bro hindi na sinabi sa akin ni Kean ang dahilan kung bakit siya pumunta dito sa Italy, basta bilin lang sakin ng pinsan ko may tinataguan ata sa Pinas" anas pa ni Ethan "Thank You Ethan!" nakangiti kong tugon.CHLOE POVMalaki ang pagpapasalamat ko sa kaibigan kong si Kean sa pagtulong niya sa pagpasok sa akin sa Antonio Corporation. Na-o-overwhelmed ako sa gaan ng pakikitungo ng lahat sa akin . Hindi ko namalayan ang bilis ng panahon, parang kelan lang ng sunduin ako ni Ethan sa airport mula sa aking pagtakas. Habang nagmamaneho ng kaniyang sasakyan patungo sa lugar kung saan naroroon ang bahay ni Kean sa Roma Italy ay pinag-usapan na namin kaagad ang tungkol sa magiging trabaho ko. “Chloe, okay lang ba sayo na maging Personal Assistant ka ni Mr.Antonio?” Ang aking pag-a-apply ko bilang admin staff noong una ay umarangkada bilang Personal Assistant ng CEO“Ofcourse Ethan! Malaking karangalan ito para sa akin. “ masaya kong sagot sa kanya.“Okay sige ipapagawa ko na kaagad sa HR Department ang offer letter sayo! Pirmahan mo kagad para makapag start ka na din bukas. Urgent kasi yung position, nakita na din ni Mr.Antonio ang lahat ng detalye tungkol sayo kaya tinanggap ka na niya pirma mo na
SA BAHAY NA TINUTULUYAN KO CHLOE POV Aligaga ako sa aking sarili ngayong oras. Hindi ko maintindihan kung ano ba ang gusto kong kainin.Tila naglalaway ang aking bibig sa pag-iisip na kumain ng halo-halo sa oras na ito. Ilang minuto ang nakalipas at ayan na naman ang aking tiyan, hinahalukay na naman siya. Makailang beses na akong nagpabalik-balik sa banyo sa kakasuka. Naalala ko ang sinabi sa akin ni Ellie. Nakatitig ako sa aking bag habang nakatayo sa aking dining table, nagdadalawang isip ako kung kukuhain ko ba ang Pregnancy Test Kit na aking binili kanina sa botika. Hindi ko alam kung handa na ba ako sa aking malalaman, ilang minuto din akong nagtagal sa ganoong posisyon. “haist" napapabuntong hininga kong kinuha ang PT Kit at nagtungo na ako sa banyo upang simulan na ang test. Alam kong sooner or later ay lalaki at lalaki ang aking tiyan kung sakaling buntis man ako at wala na akong magagawa dun. Habang umiihi ay panay ang aking pagdadasal. Matindi ang aking kaba ng simulan
RILEY POVPinatay ko na ang tawag ko kay Olivia. Mahigpit ko siyang binigyan ng instruction ng mga dapat niyang gawin ng malaman ko ang tungkol sa pagbubuntis ni Chloe. Kahit against the policy ng kompanya ang aking mga sinabi ay walang kahit na sino man ang maaring bumali sa lahat ng aking pinag-uutos not unless handa na silang mawalan ng trabaho. Ngingiti ngiti akong humarap kay Ethan, dahil alam ko at sigurado akong sakin ang pinagbubuntis ni Chloe. Ang babaeng lihim kong minamahal. Hindi ko rin maipaliwag saking sarili pero simula ng gabing nakasama kong nagtampisaw sa kawalan si Chloe ay hindi ko na ito makalimutan.Kaya naman hindi na ako nag-aksaya ng oras. Inutusan ko si Ethan na puntahan si Chloe at kausapin tungkol sa ilang importanteng bagay para sa ikabubuti niya kapalit ng pananatili niya sa kompanya. Alam kogn kung hindi ko ito gagawin ay hindi papayag si Chloe. One in a million si Chloe, babaeng walang kaluho-luho. Simula pa lang ng malaman ko kay Ethan na kaibigan ito
SA BAGONG BAHAY CHLOE POV Matapos ang naging pangungulit sakin ni Ethan na tanggapin ang ino-offer niyang paglipat ko ng bahay ay pumayag na din ako. Kinausap ko si Kean tungkol sa desisyon ko. Nabanggit din kasi sa akin ni Ethan na kung hindi ko tatanggapin ang alok na ito ay tatanggalin ako ni Mr. Antonio sa trabaho. Ang paliwanag niya ay ayaw ni Mr.Antonio na maging sakitin ako dahil sa pagbubuntis ko, at dahil para rin naman ito sa ikabubuti ko ay pumayag na ako. Nirespeto naman ni Kean ang naging desisyon ko. Ayokong iasa sa kaniya ang lahat ng magiging expenses ko dito sa Italy kung sakaling mawawalan ako ng trabaho. Kahit pa may dokumento ako ay mahirap makahanap ng employer na papayag na magtrabaho ako habang buntis ako dhail sa malaki ang babayaran nila once manganak na ako. "Salamat talaga Kean at pumayag kang lumipat ako ng bahay, salamat sa pagpapatigil mo sa akin sa bahay mo, ang dami dami kong ng utang na loob sayo beshy! Kelan pa kaya ako makakaganti sayo? (nahihiya
“Ano-ano pa daw benepisyo makukuha mo?” Pag-uusisa naman ni Jasper mula sa kabilang lamesa na kanina pa pala nakikinig sa aming pag-uusap. Nagulat pa kami sa biglang pagsasalita nito mula sa kabilang lamesa. Bahagya kaming nagkangitian ni Carla ng bigla pa itong magsalita muli. “Wala ka na siguradong makukuha kasi bago ka pa lang saka hindi ka naman employment contract. Kaya malabo kang makakuha pa.” Dagdag pa nito. “ ay ewan ko lang kasi sinusunod ko lang ang instruction ng HR, pinapahinto na nga ako sa trabaho. Pwede na daw akong mag work from home pero ayoko pa kasi mas gusto kong kumilos kilos pa para hindi ako manasin.” Sagot ko naman sa kanya. “Naku! Naku! Kung nagkataong makakatanggap ka pa ng benipisyo ikaw ang kauna unahang Pilipinong mabibigyan sa lahat ng nagbuntis dito sa company natin. Napaka swerte mo girl kung ganon!” Dagdag pa ni Jasper “Ay ganon?? Lucky si baby kung nagkataon.” Nakangiti kong sagot kay Jasper. Nakaismid naman itong tumalikod sa akin. Hindi ko alam
5 oras ang nakalipas mula ng maghiwalay kami ni Carla mula sa Pantry ay kumatok na ito sa aking opisina. Hinatid niya na ang mga dokumentong pinahanda ko sa kaniya para isend ko sa email ni Mr. Antonio. Wala na din naman masyadong trabaho pagkatapos nito. Ito na lang talaga ang hinihintay ko at pauwi na din ako ng mga sandaling iyon. Habang nag-fa-fax ako ng mga dokumento ay tila hindi mapakali si Carla sa kanyang pagkakaupo. Alam kong may gusto itong sabihin pero nahihiya lang siyang magsalita. “Spill it Carla! Haha baka mautot ka na niyan sa kakaipit ng gusto mong sabihin. “ natatawa kong sabi habang patuloy ako sa aking ginagawa “Girl concern lang ako sayo! Alam ko naman kung ano ang pinagdadaanan mo at nagpapasalamat ako dahil pinagkatiwalaan mo ako sa lahat lahat ang hirap kayang magbuntis tpaos wala kang katuwang. I mean girl ito sasabihin ko sayo para atleast aware ka pero wag sasama ang loob mo!” Sabi pa ni Carla sa akin. Para naman akong naintriga sa gusto niyang sabihin s
Lingid sa kaalaman ng lahat, si Olivia na head ng HR Department ay ang nag-iisa at nakababata kong kapatid. Kagaya ng kahilingan ni Olivia gusto niyang itago ang tunay naming kaneksyon sa isa’t - isa . Ayaw niyang sabihin ng tao na nakuha niya lang ang posisyon niya ngayon ng dahil lang sa akin. Gusto niyang patunayan na kaya niyang makakuha ng mataas na posisyon sa Antonio’s Corporation ng walang tulong ko, kahit mga top management at share holders ay walang nalalaman tungkol dito dahil sa pribado ang aming mga buhay mula pa noon. Ilang beses man siyang pigilan nila Mommy na magtrabaho ay wala din silang magawa dahil sa katigasan ng ulo ni Olivia. Marahil ay ito din ang nagustuhan ko kay Chloe na pagkakahawig sa aking kapatid. “Alam ko kuya noong simula pa lang napapansin ko na ang pagtingin mo kay Chloe!, hindi ikaw yan Kuya hahaha" natatawang sagot niya sa akin Bigla naman akong napangisi sa sinabi sa akin ng aking kapatid. "Ganoon na ba kahalata ang pagkahibang ko para kay Chl
CHLOE POVMakalipas ang 1 linggo ay mapayapa akong pumasok sa aking pinagtatrabahuhan. May pasipol sipol pa ako ng mahina habang naglalakad akong papasok sa lobby ng aking pinapasukang opisina . Lahat din ng aking madaanan ay binabati ko ng may magandang ngiti dahil bukas ay ika-24 na kaarawan ko."Good Morning Kuya " pagbati ko sa aming security guard"Good Morning din sayo Chloe! aba mukhang masaya ka ngayong araw buntis, hindi ka ata nag mood swing ngayon! kamusta na ang pakiramdam mo?" aniya ni kuya sa akin."okay na ako kuya! medyo masama po kasi pakiramdam ko palagi noong nakaraan pero ngayon ayos na ako. Sige po akyat na muna ako!" nakangiti kong pagpapaalam sa aming security guard. Bilang lang ang nakakaalam sa aming opisina ng tunay na dahilan sa mood ko ngayon dahil ito ang unang taon na makakapag-celebrate ako ng matiwasay ng aking kaarawan kasama ang aking mga kaibigan dito sa Italy. Naghanda ako ng kahit papano ay salo-salo sa aking bahay para bukas, kaunti lang ang akin
5 Years LaterCHARLIE POVHindi ko inakala na ang buhay na minsan kong inakalang puno lang ng hirap, sakit, at kahihiyan ay magdadala sa akin ng ganito kagandang biyaya. Sa ngayon, kasalukuyan akong nasa sala ng aming bahay, pinagmamasdan si Liam, ang aming apat na taong gulang na anak, na abala sa kanyang mga laruan. Tumatawa siya habang pinapaikot-ikot ang maliit niyang laruang kotse.“Daddy, tingnan mo! Ang bilis ng kotse ko!” sigaw niya, puno ng tuwa.Ngumiti ako habang sinasagot siya, “Ang galing mo naman, anak! Ikaw na siguro ang pinakamabilis na driver sa buong mundo.”Narinig ko ang boses ni Janela mula sa kusina. “Charlie, kaya mo bang bantayan si Liam nang saglit? Inaayos ko lang ang tanghalian natin.”“Walang problema, mahal,” sagot ko habang lumapit kay Liam. Umupo ako sa sahig at sumali sa kanyang laro.Sa gitna ng paglalaro namin, hindi ko maiwasang mapaisip. Sino ba ang mag-aakala na ang dating Charlie na walang direksyon sa buhay ay magiging ganito kasaya? Noon, ang al
Kinabukasan, matapos ang gabing puno ng emosyon, hindi ko mapigilang mapaisip sa mga sinabi ni Charlie. Sa lahat ng nangyari sa amin, ramdam ko ang lalim ng nararamdaman niya, pero hindi ko inakalang darating ang araw na magtatapat siya ng ganoong katapat. Habang abala ako sa trabaho, bigla siyang nag-text. " Pwede ka bang mag-half day ngayon? May importante akong gustong gawin kasama ka." "mag-Half day? Charlie, ang dami kong ginagawa! Anong meron?" reply ko sa kaniya "Secret. Please? Isa lang itong hiling ko ngayon. hayst ang hirap kapag lawyer ang sinusuyo, kailangan may defense palagi. Basta you will love it." sagot niya. Napangiti ako sa reply niyang iyon. Paulit ulit kong binabasa ang message niya sa akin. Alam kong mahirap tanggihan si Charlie. Sa huli, pumayag din ako, kahit medyo nagtataka kung ano ang iniisip niya. Sinundo niya ako sa opisina bandang tanghali. “Anong trip mo ngayon?” tanong ko, habang sumasakay sa kotse niya. Ngumiti siya, ‘yung tipong ngiti na lagin
Sa mga susunod na linggo, mas lalo kong naramdaman ang kakaibang saya na dulot ni Charlie. Sa kada mag-uusap kami ay may kakaiba na siyang saya na dulot sakin. Alam kong hulog na hulog na ako kay Charlie mula sa mga seryosong bagay hanggang sa mga simpleng kalokohan . Si Charlie ang naging sandigan ko lalo na sa mga araw na sobrang bigat ng iniisip ko dahil sa mga kasong kapit ko. Gumagaan ang sandali kapag kasama ko siya. Isang gabi, habang naglalakad kami sa tabi ng ilog, napansin kong mas tahimik siya kaysa usual. Hindi ko na ito pinansin agad, iniisip na baka abala lang siya sa mga bagay na wala akong kaalaman. Ngunit nang makatawid kami sa isang tulay, tumigil siya at humarap sa akin. "Atty. Janela," sabi niya, "sabihin mo ng korny ako pero alam mo bang, hindi na ako sanay na hindi kita nakikita , parang ang tagal tagal ng isang araw kapag busy ka sa trabaho mo. I'm sorry, hindi ko intensyon na mahulog sayo, pero anong magagawa ko sa ganda mo ba namang yan. Pero wag kang mag-ala
Mga ilang linggo ang lumipas matapos ang gabing iyon sa café. Bawat araw na lumilipas, nararamdaman ko ang kakaibang koneksyon na patuloy na tumitibay sa pagitan namin ni Atty. Janela. Hindi ko alam kung anong klaseng relasyon ang nagsisimula, pero isang bagay ang sigurado mas komportable ako sa kanya, mas lalo kong nakakilala siya at mas lalo ko siyang pinahahalagahan. Pakiramdam ko ay mas concern na ako sa kaniya ngayon hindi tulad noon.Tuwing magkikita kami, nararamdaman ko ang kakaibang saya. Puno ng kasiyahan ang bawat pag uusap namin , minsan seryoso, pero kadalasan ay puro kalokohan lang. Nakakagaan ng loob ang makasama siya, at sa mga pagkakataong magkasama kami, alam kong hindi kami nagmamadali.Isang araw, nagkaroon kami ng pagkakataon na magkasama sa isang business meeting. Habang tinitingnan ko siya habang nagsasalita sa harap ng mga kliyente, napansin ko ang gilas at tapang sa mga mata niyang puno ng determinasyon. Dati, siya ang tumulong sa akin sa pinakamasalimuot na b
Habang naglalakad kami patungo sa kainan, naramdaman ko ang kakaibang saya na matagal ko ng hindi nararamdam. Hindi ko maiwasang mapansin ang mga maliliit na detalye tungkol kay Atty. Janela - ang mga buhok niyang medyo magulo dahil sa hangin, ang mga mata niyang medyo namumugto pa pero sumisinag ang taglay niyang kagandahan. May kakaibang aura siya, kahit malungkot siya ay malakas pa rin ang dating niya.“Okay lang ba sa’yo ’to?” tanong ko habang nagbabayad kami sa parking lot. “Medyo tahimik na lugar lang. Hindi ko alam kung ano ang gusto mo, pero atleast makalimot ka sa ginawa ng mokong na yun.”Nagngiti siya, pero may halong pag-aalangan. “Masaya na ako sa kahit anong lugar, Charlie. Gusto ko lang mag unwind. That bullshit. Sa dinami dami na ng kasong nakapitan ko kahit isa wala pang nagpa iyak sakin. Ang mokong lang palang yun ang makakaganito sakin. And for the record iniwan ako ng hindi ko man lang naipagtatanggol ang sarili ko."Naramdaman ko ang galit sa kaniyang puso kahit n
CHARLIE POV Lumipas ang anim na buwan mula nang matapos ang annulment ko. Pakiramdam ko, unti-unti nang bumabalik ang kumpiyansa ko sa sarili. Mahirap ang naging proseso, pero sa wakas, nakakabangon na ako. Isang hapon, nagpunta ako sa paborito kong café para magpahinga. Simpleng plano lang - uminom ng kape, magbasa ng libro, at i-enjoy ang katahimikan. Habang nag-aabang ng order, may narinig akong argumento mula sa mesa sa likod ko. “Nakakatawa ka! Aanuhin ko ang isang Atty na sikat nga pero hindi ko naman mapakinabangan! Ni hindi kita makasama sa tuwing may gatherings ang mga tropa. Mas inuuna mo pa ang pesteng trabahong yan! Maghiwalay na lang tayo kung hindi mo kayang makisabay sa akin,” sabi ng lalaki, galit na galit. Napakunot ang noo ko. Hindi naman sa nanghihimasok, pero ang lakas ng boses nila para hindi mapansin. “Please! Be considerate! Huwag naman ganito! Wag mo kong papiliin. Mahal kita pero hindi ko kayang basta iwan ang trabaho ko. Maraming umaasa sa akin,” sagot n
CASSANDRA POV Tumindig ang hukom mula sa kanyang upuan. “The court will now deliberate on the presented evidence,” aniya, at iniwan kami sa isang nakakabinging katahimikan. Tumigil ang oras para sa amin ni Charlie. Naririnig ko ang mahinang kaluskos ng mga papel at ang mga buntong-hininga ng iba pang tao sa loob ng korte, ngunit para sa akin, tila nasa ilalim kami ng tubig, malabo at mabagal ang lahat. Nakaupo lang si Charlie, nakatitig sa harap, pero alam kong halos pumutok ang kanyang dibdib sa kaba. Ako naman, nakaayos ang pagkakaupo, pinipilit magpakita ng lakas. Hindi ko siya maaaring saluhin kung makita niyang ako mismo ay basag. Ilang minuto pa ang lumipas na parang isang mahabang siglo bago bumalik ang hukom sa kanyang pwesto. Umupo siya at tumingin sa amin ng may bigat. “After reviewing the evidence presented,” aniya, “the court finds that there is substantial proof to merit the granting of the petition for annulment.” Hindi ko alam kung ano ang unang naramdaman ko—kal
CHARLIE POV Ilang linggo pa ang lumipas, at dumating ang araw ng preliminary hearing para sa kaso. Pormal na pumasok sa courtroom si Sharmaine, kasama ang kanyang abogado. Napansin ko ang pagbabago sa aura niya - tila wala na siyang kumpiyansa tulad ng dati. Marahil alam niyang wala na siyang ligtas. Habang nagsasalita ang abogado ni Sharmaine, ipinakita nila ang argumento na hindi raw sapat ang ebidensya para makakuha ng annulment. Pero nang magsalita si Atty. Janela, dala niya ang lahat ng dokumento, testimonya, at pati ang leaked video na nagpapatunay ng pagtataksil sa akin ng aking asawa. Nang ipakita ang video, nakita kong napayuko si Sharmaine, habang ako naman ay nanatiling matatag. Tila sa mga sandaling iyon, unti-unting bumabalik ang dignidad na matagal na nawala sa akin. “Your Honor,” sabi ni Atty Janela, “this video is not just a breach of trust in a marriage. It is a public humiliation caused by the respondent’s actions. My client has suffered enough, and we believe th
Ilang linggo matapos magsimula ang proseso ng annulment, isang tawag mula kay Atty. Janela ang nagbigay ng bagong hamon para kay Charlie. Kinakailangan nilang magkita ng kanyang dating asawa na si Sharmaine upang mag-usap ng ilang legal na aspeto ng kanilang kasal. Hindi ito maiiwasan, lalo na’t may mga dokumentong kailangang pag-usapan nang harapan. Sa araw na iyon, sinamahan ko si Charlie sa meeting place—isang neutral na opisina na pinili ni Atty. Janela. Tahimik si Charlie habang nasa biyahe. Ramdam ko ang tensyon sa bawat galaw niya, lalo na’t matagal na niyang iniwasan ang ex-wife niya mula noong nahuli niya ito sa akto ng pagtataksil. Hindi ko naman siya masisisi dahil magmula naman nuon ay wala na siyang ibang nakarelasyonbukod sa kaniyang napang asawa. Nerd kasi itong si Charlie, although gwapo siya ay masyado siyang tahimik unlike Christopher na super walwal. HIndi ko kasi maintidihan sa kapatid kong to. Hindi mahilig pumorma, pati ang kaniyang buhok ay gusto niya yung mga