Share

Kabanata 005

AFTER 1 WEEK

KASALANG CHLOE AT VALENTINO

Ang bawat babae ay naghahangad ng isang mala fairy tale na wedding at balang araw ay makita niya sa unahan ng altar ang lalaking nais niyang makasama buong buhay, ito sana ang isa sa pinakamahalagang pangyayari sa aking buhay mga sandaling masaya naming babalikang mag-asawa. Malalim ang aking iniisip suot ang puting trahe de boda na napapalibutan ng swarovski na bato habang sakay ako ng isang puting limosine. Nakasilip ako sa labas ng bintana, nawawalan na ako ng pag-asa sa pagtakas na aming plinano sapagkat napapalibutan kami ng mga body guard ni Valentino. Pati ang sasakyang sinasakyan ko ay may mga naka convoy na body guard upang siguruhin ang aking pagdating sa araw na ito. Kung hindi lang siguro ang matandang ito ang aking mapapang-asawa ay hindi ako kokontra. Napakaganda ng ayos mula pa lang sa labas ng simbahan. Napaakaraming puting bulaklak ang dinecorate mula sa hagdan paakyat sa papasok ng simbahan.

Hindi ko gustong bumaba sa sasakyan ng huminto na ito sa tapat ng simbahan kung saan naghihintay si Valentino pati na ang mga bisita para saksihan ang tinaguriang wedding of the year. Bago ko pa man buksan ang pintuan ay bumukas na ito. Nakita ko si Mama at Papa.

"bilisan mo ngang bumaba diyan Chloe! anong oras na!" hinili ako ni Mama pababa ng limosine at nagmadaling naglakad papunta sa pasilyo ng simbahan. "kanina pa naghihintay ang mga bisita, inip na inip na si Valentino, kanina pa kami sinisisi ni Valentino kung bakti hindi kami sumabay sa iyo. Sumalubong sa akin ang mga asheret na may kapit na bulaklak sa pasilyo ng simbahan. Halos kaladkarin na ako ni Mama sa higpit ng pagkakahila niya sa akin. Nagmamadali kaming naglakad papasok ng simbahan.

"nandito na po ang bride, maghanda na po ang lahat. sisimulan na natin ang seremonyas" pag-a-announce ng tauhan ng simbahan.

"umayos ka Chloe, wag mo kaming ipahiya. Andito din mga amigo at amiga namin, at lalong wag kang papalpak sa harapan ni Valentino" mahigpit na bilin sa akin ni Mama, nakangiti siya sa akin habang sinasabi iyon, kunwari ay inaayos pa niya ang aking belo para sabihin ang iba pa niyang pananakot sa akin.

"Ma habang may pagkakataon pa baka po magbago pa isip ninyo, ayoko talagang magpakasal kay Valentino!" nagsusumamo kong pakiusap kay Mama.

"punyt* ka Chloe wag ka ng mag-inarte , alam mo kung gano kalaki ang impluwensya ni Valentino sa larangan ng pagnenegosyo kung hindi mo ito itutuloy mamamatay ang negosyo natin. Wala ka talagang awa sa amin ng Papa mo! saan kami kukuha ng ipang babayad namin sa utang namin sa kanila! wala ka talagang utak!" galit na sabi niya sa akin.

Hindi naman ako sumagot sa kaniya . Isa lang ang naiisip ko ng mga sandaling iyon ang sundin ang plano namin ni Kean. Isa-isa ng naglakad ang mga entourage at nagsimula na officially ang kasal. Nang dumating na ang aking term para lumakad sa altar ay hinagilap kaagad ng aking mata si Kean, kumaway naman siyang nakangiti sa akin upang tawagin ang aking direksyon at malaman kung saan direksyon ako mananakbo palabas mamaya.

Nakaramdam naman ako ng kahit papano kaginhawaan sa aking pakiramdam ng makita ko siya. Nagsimula na akong maglakad ng biglang makarinig kami ng malakas na pagsabog mula sa labas ng simbahan. Nagkagulo ang lahat ng tao sa loob sa maitnding pagyanig na naramdaman sa loob ng simabahn. Matinding takot ang naramdaman ng lahat. Kung san-sang direksyon silang nagtakbuhan. Nananakbo naman ako kaagad sa direksyon ni Kean, sabay naming tinahak ang sasakyang nag-aabang sa amin sa tagiliran ng simabahan, nakita ko naman si Valentino ng kinuha kaagad siya ng kaniyang mga tauhan para protektahan sa kung ano mang dahilan ng malakas na pagsabog na iyon. Hindi ako nakita nito sa kung saan na ako nagpunta. Nakita ko ang matinding takot sa mukha nito at nagmamadaling umalis ng lokasyon na iyon.

Kagaya ng aming napag-usapan ni Kean ay mabilis na nagtungo ang aming sinasakyan sa airport dumiretso na kami sa kaniyang private plane na naka-kundisyon na , hinihintay na lang nito ang aming pagdating. Yumakap naman sa akin si Kean para magpaalam.

“Salamat ng marami talaga beshy! Tatanawin ko itong isang malaking utang na loob” naluluha kong sabi sa kaniya.

“Wala yun! Sige na beshy at kailangan ko pang umuwi kagad para hindi sila maghinala sa atin.” Sabi niya sa akin “sasalubungin ka ni Ethan sa aiport, may damit na din sa loob ng eroplano beshy magpalit ka na lang habang nasa byahe. Yung cellphone mo? (Kinuha niya ito dahil kasama ito sa plano. Itatapon niya ito sa ilog na malau sa aiport para hindi ako ma trace, pinasok namin iyon sa isang zip lock.) May bagong cell phone ka na din diyan, nilagay ko number ko at ni Ethan para mabilis mo siyang makontak pagdating mo sa Italy" bilin pa sakin ni Kean. 

Muli akong yumakap sa kanya at sumakay na nga ako sa erpolano niya. Nakasilip ako sa bintana at kumakaway sa aking kaibigan habang umandar na papalayo ang aking sinasakyang eroplano. Ang daming pumapasok sa isip ko ngayon. Napaluha akong isipin na kailangan kong lumayo sa sarili kong pamilya. Ang mga taong dapat na maging sandigan ko sa oras ng aking problema ngunit sila pa ang naging dahilan matindi kong pighati at sama ng loob. Wala akong asahan kahit na ang sarili kong kapatid. 

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa byahe ng dahil sa sobrang kakaiyak. Masaya akong nakalaya ako sa pagkakakulong sa piling ni Valentino na muntik ng mangyari sa akin pero nawalan naman ako ng pamilya. Pagkalapag ng eroplano ay agad kong tinawagan si Ethan, ang pinsan ni Kean na kahit na minsan ay hindi ko pa nakikita. 

"Hi Chloe! nandito na ako sa arrival area. Dito na kita hintayin" sagot niya sa akin

"salamat Ethan pasensya na sa abala sa iyo" malumanay kong sabi sa kaniya

"wala yun! wag mo ng isipin yun!" sagot naman niya sa akin. 

Hindi na din ako nagtagal sa immigration at nakalabas na ako sa airport nakita ko naman ang isang lalaking makisig na kumakaway sa aking dereksyon , ito na siguro si Ethan para makasiguro ay pina-ring ko ang kaniyang cellphone at sinagot naman niya ito. Nakangiti niyang tinuro sa akin ang pagsagot niya sa aking tawag. Malaking ngiti din ang aking naging tugon sa kaniya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status