RILEY POVPinatay ko na ang tawag ko kay Olivia. Mahigpit ko siyang binigyan ng instruction ng mga dapat niyang gawin ng malaman ko ang tungkol sa pagbubuntis ni Chloe. Kahit against the policy ng kompanya ang aking mga sinabi ay walang kahit na sino man ang maaring bumali sa lahat ng aking pinag-uutos not unless handa na silang mawalan ng trabaho. Ngingiti ngiti akong humarap kay Ethan, dahil alam ko at sigurado akong sakin ang pinagbubuntis ni Chloe. Ang babaeng lihim kong minamahal. Hindi ko rin maipaliwag saking sarili pero simula ng gabing nakasama kong nagtampisaw sa kawalan si Chloe ay hindi ko na ito makalimutan.Kaya naman hindi na ako nag-aksaya ng oras. Inutusan ko si Ethan na puntahan si Chloe at kausapin tungkol sa ilang importanteng bagay para sa ikabubuti niya kapalit ng pananatili niya sa kompanya. Alam kogn kung hindi ko ito gagawin ay hindi papayag si Chloe. One in a million si Chloe, babaeng walang kaluho-luho. Simula pa lang ng malaman ko kay Ethan na kaibigan ito
SA BAGONG BAHAY CHLOE POV Matapos ang naging pangungulit sakin ni Ethan na tanggapin ang ino-offer niyang paglipat ko ng bahay ay pumayag na din ako. Kinausap ko si Kean tungkol sa desisyon ko. Nabanggit din kasi sa akin ni Ethan na kung hindi ko tatanggapin ang alok na ito ay tatanggalin ako ni Mr. Antonio sa trabaho. Ang paliwanag niya ay ayaw ni Mr.Antonio na maging sakitin ako dahil sa pagbubuntis ko, at dahil para rin naman ito sa ikabubuti ko ay pumayag na ako. Nirespeto naman ni Kean ang naging desisyon ko. Ayokong iasa sa kaniya ang lahat ng magiging expenses ko dito sa Italy kung sakaling mawawalan ako ng trabaho. Kahit pa may dokumento ako ay mahirap makahanap ng employer na papayag na magtrabaho ako habang buntis ako dhail sa malaki ang babayaran nila once manganak na ako. "Salamat talaga Kean at pumayag kang lumipat ako ng bahay, salamat sa pagpapatigil mo sa akin sa bahay mo, ang dami dami kong ng utang na loob sayo beshy! Kelan pa kaya ako makakaganti sayo? (nahihiya
“Ano-ano pa daw benepisyo makukuha mo?” Pag-uusisa naman ni Jasper mula sa kabilang lamesa na kanina pa pala nakikinig sa aming pag-uusap. Nagulat pa kami sa biglang pagsasalita nito mula sa kabilang lamesa. Bahagya kaming nagkangitian ni Carla ng bigla pa itong magsalita muli. “Wala ka na siguradong makukuha kasi bago ka pa lang saka hindi ka naman employment contract. Kaya malabo kang makakuha pa.” Dagdag pa nito. “ ay ewan ko lang kasi sinusunod ko lang ang instruction ng HR, pinapahinto na nga ako sa trabaho. Pwede na daw akong mag work from home pero ayoko pa kasi mas gusto kong kumilos kilos pa para hindi ako manasin.” Sagot ko naman sa kanya. “Naku! Naku! Kung nagkataong makakatanggap ka pa ng benipisyo ikaw ang kauna unahang Pilipinong mabibigyan sa lahat ng nagbuntis dito sa company natin. Napaka swerte mo girl kung ganon!” Dagdag pa ni Jasper “Ay ganon?? Lucky si baby kung nagkataon.” Nakangiti kong sagot kay Jasper. Nakaismid naman itong tumalikod sa akin. Hindi ko alam
5 oras ang nakalipas mula ng maghiwalay kami ni Carla mula sa Pantry ay kumatok na ito sa aking opisina. Hinatid niya na ang mga dokumentong pinahanda ko sa kaniya para isend ko sa email ni Mr. Antonio. Wala na din naman masyadong trabaho pagkatapos nito. Ito na lang talaga ang hinihintay ko at pauwi na din ako ng mga sandaling iyon. Habang nag-fa-fax ako ng mga dokumento ay tila hindi mapakali si Carla sa kanyang pagkakaupo. Alam kong may gusto itong sabihin pero nahihiya lang siyang magsalita. “Spill it Carla! Haha baka mautot ka na niyan sa kakaipit ng gusto mong sabihin. “ natatawa kong sabi habang patuloy ako sa aking ginagawa “Girl concern lang ako sayo! Alam ko naman kung ano ang pinagdadaanan mo at nagpapasalamat ako dahil pinagkatiwalaan mo ako sa lahat lahat ang hirap kayang magbuntis tpaos wala kang katuwang. I mean girl ito sasabihin ko sayo para atleast aware ka pero wag sasama ang loob mo!” Sabi pa ni Carla sa akin. Para naman akong naintriga sa gusto niyang sabihin s
Lingid sa kaalaman ng lahat, si Olivia na head ng HR Department ay ang nag-iisa at nakababata kong kapatid. Kagaya ng kahilingan ni Olivia gusto niyang itago ang tunay naming kaneksyon sa isa’t - isa . Ayaw niyang sabihin ng tao na nakuha niya lang ang posisyon niya ngayon ng dahil lang sa akin. Gusto niyang patunayan na kaya niyang makakuha ng mataas na posisyon sa Antonio’s Corporation ng walang tulong ko, kahit mga top management at share holders ay walang nalalaman tungkol dito dahil sa pribado ang aming mga buhay mula pa noon. Ilang beses man siyang pigilan nila Mommy na magtrabaho ay wala din silang magawa dahil sa katigasan ng ulo ni Olivia. Marahil ay ito din ang nagustuhan ko kay Chloe na pagkakahawig sa aking kapatid. “Alam ko kuya noong simula pa lang napapansin ko na ang pagtingin mo kay Chloe!, hindi ikaw yan Kuya hahaha" natatawang sagot niya sa akin Bigla naman akong napangisi sa sinabi sa akin ng aking kapatid. "Ganoon na ba kahalata ang pagkahibang ko para kay Chl
CHLOE POVMakalipas ang 1 linggo ay mapayapa akong pumasok sa aking pinagtatrabahuhan. May pasipol sipol pa ako ng mahina habang naglalakad akong papasok sa lobby ng aking pinapasukang opisina . Lahat din ng aking madaanan ay binabati ko ng may magandang ngiti dahil bukas ay ika-24 na kaarawan ko."Good Morning Kuya " pagbati ko sa aming security guard"Good Morning din sayo Chloe! aba mukhang masaya ka ngayong araw buntis, hindi ka ata nag mood swing ngayon! kamusta na ang pakiramdam mo?" aniya ni kuya sa akin."okay na ako kuya! medyo masama po kasi pakiramdam ko palagi noong nakaraan pero ngayon ayos na ako. Sige po akyat na muna ako!" nakangiti kong pagpapaalam sa aming security guard. Bilang lang ang nakakaalam sa aming opisina ng tunay na dahilan sa mood ko ngayon dahil ito ang unang taon na makakapag-celebrate ako ng matiwasay ng aking kaarawan kasama ang aking mga kaibigan dito sa Italy. Naghanda ako ng kahit papano ay salo-salo sa aking bahay para bukas, kaunti lang ang akin
SA GITNA NG TRABAHOCHLOE POVPauwi na sana ako dahil natapos na ang oras ng aking trabaho, inabisuhan ko na si Olivia na maaga akong uuwi ngayong araw. Isa siya sa mga inimbitahan ko para sa aking kaarawan bukas. Pinayagan na niya akong umuwi at siya na ang gagawa ng ibang trabaho na na-pending ko para kahit papano ay makapag handa na ako ng mga ilang dessert na ihahanda ko bukas. Hilig ko kasi sa tuwing may handaan ang gumawa ng sarili kong cake pati na ilang matatamis na ihahain ko para sa aking mga bisita.Habang ako ay nagliligpit ng gamit sa aking lamesa ay humahangos ng takbo si Carla patungo sa aking opisina. Hindi ko maintindihan kung bakit siya nagmamadali at tila kinakabahan. "Bakit Carla? anong ngyari sayo , bakit hangos ka ng pagtakbo?" nagtataka kong tanong sa kaniya."Girl may mga tao sa baba, naghahanap sayo, napaka eskandalosa. Nagtanong kasi sila sa receptionist kung dito ka nagtatrabaho sakto kasing papunta sana ako sa resto sa baba naabutan ko silang nagtatanong n
Nanlaki ang aking mga mata ng tignan ko ang taong pinanggalingan ng boses na iyon, sinasabi ko na nga ba hindi ako nagkakamali ng maamoy ko ang pabango niya, sigurado akong ito ang taong nakasama ko ng gabing nagpakalunod ako sa alak sa Thomas Morato. Napapapikit ang aking mata sa hiya dito pero mas nanalaytay ang kahihiyang inaabot ko dahil sapag eeskandalo nila Mama. Hindi ko pa din alam hanggang ngayon kung sino nga ba ang lalaking ito na nagpakilalang ama ng aking pinagbubuntis. Hindi ko inaasahang ipagtatanggol ako ng isang matipon at gwapong lalaking ito. "Ayos ka lang ba?!" malambing na tanong niya sa akin, kapit niya ang aking braso habang siya ay nagsasalita. "okay lang ako huhuhu! pasensya na kayo sa eskandalong ito. huhuhu, sasama na lang ako sa kanila para matigil na ang lahat ng ito." nanghihina kong sagot. "NO! dito ka lang sa tabi ko, hindi ka sasama sa kanila." mariing pagtanggi nito. Humilig ako sa kaniyang dibdib dahil pakiramdam ko ay nawalan na ako ng lak
Pagkauwi namin, napansin kong tila mas matamlay pa rin siya. Kaya’t dumiretso ako sa kusina at nagluto ng paborito niyang pagkain—adobo na may konting anghang, eksaktong tulad ng gusto niya noong bata kami. Nang ilapag ko ito sa mesa, sinamaan niya ako ng tingin. “Cass, hindi ko naman sinabi na gusto kong kumain,” reklamo niya. “Hindi ko tinatanong kung gusto mong kumain,” sagot ko nang diretso. “Kailangan mong kumain. Kung ayaw mo, ipapapasok ko ang adobong ito sa bunganga mo. Naintindihan?” Napangiti siya, kahit papaano. “Ikaw talaga. Pumunta ka lang dito para sigawan ako at pakainin ng adobo.” Tumawa ako, ngunit sa loob ko, kinukumbinsi ko ang sarili na kaya ko siyang ibangon. Pero sa likod ng isip ko, may galit na hindi ko kayang itago—galit para sa asawa niyang walanghiya. Tinawagan ko si Lucas dahil dumiretso ako sa bahay ni Charlie para samahan siya. “Anong naiisip mo, Cass?” tanong niya, halata ang pag-aalala. “Gusto kong magsimula na agad ang kaso. Hindi lang it
Pagkalipas ng tatlong araw, dumating ang itinakdang araw ng appointment ni Lucas para kay Charlie kay Atty. Janela Sanchez. si Atty ang busiest na Atty sa larangan ng pag handle ng mga annulment. Kasama ako sa opisina ng abugado bilang moral support sa kapatid ko dahil masyado ding busy si Christopher at laging nasa labas ng bansa para sa mga meeting . Kahit sinubukan ni Charlie na magmukhang kalmado, halata sa mga kilos niya ang kaba at pag-aalinlangan. Si Atty. Janela ay isang babaeng nasa early 30’s, at halatang alaga ang sarili niya. Kitang kita ang kagandahan nito. Matalim ang kanyang mga mata ngunit may maamong ngiti na parang nagsasabing, “Huwag kang mag-alala, nasa tamang kamay ka.” “Good morning, Mr. Charlie. Cass, nice to meet you both,” bati ni Janela habang inaabot ang kamay ni Charlie. “Lucas has told me about your case. Don’t worry, I’ll do everything I can to help you.” Medyo nauutal si Charlie nang magsimulang magkwento, kaya hinawakan ko ang kamay niya sa ila
Narinig ko ang paghikbi niya. “Salamat, Cass. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala kayo.” “Lalaban ka, Charlie,” sagot ko, puno ng galit para sa nangyari pero determinasyon para sa kanya. “Hindi para sa kanya. Lalaban ka para sa sarili mo. Dahil hindi mo deserve ang ganito.” Pagkatapos ng tawag, nanatili akong nakatulala sa telepono. Nag isip ako ng dapat kong gawin. Kinabukasan, maagang-maaga akong nagising. Halos hindi ako nakatulog kagabi, paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang kinuwento sa akin ni Charlie. Hindi ako mapakali dahil ayokong magtagal ang lahat. Alam kong hindi siya pwedeng mag-isa ngayon dahil kilala ko ang kakambal ko, minsan nakakagawa siya ng mga desisyong hindi niya pinag-iisipan. At ayokong may mangyaring hindi maganda sa kaniya at lalong ayokong makagawa siya ng isang bagay na pagsisisihan niya. Pagkalabas ko ng kwarto, nadatnan ko si Lucas sa kusina, naghahanda siya ng almusal dahil tinanghali ako ng gising mabuti na lang at weekends ngayon. N
“Love papasok na muna ako sa office. Kung may kailangan ka tawagan mo lang ako.” Malambing na sabi ni Lucas "okay Love , ingat ka. Hindi na ako makakasama sa labas at busy ata si Habang inaayos ko ang mga laruan ni Caleb sa sala, biglang tumunog ang telepono ko. Tumigil ako, napatingin sa screen—si Mommy Chloe ang tumatawag. Napakunot agad ang noo ko. Bihira siyang tumawag nang ganito kaaga. At usually pumupunta siya sa bahay at hindi lang basta basta na tatawag sa akin. “Hello, Mommy Chloe?” mabilis kong sagot, kaba agad ang bumalot sa akin. "Napatawag po kayo? May nangyari ba?” Ramdam ko ang bigat ng bawat salita niya. “Cass, tumawag si Charlie sakin kanina. Wasak na wasak siya…nag-aalala ako sa kapatid mo anak. Kasi naman itong asawa niya nahuli niya daw na may ibang lalaki.” Halos mabitiwan ko ang hawak kong laruan. Nagpanting ang tenga ko sa narinig. “Ano?!” malakas kong tanong, bahagyang nanginginig ang boses. “Paano nangyari iyon?! Eh si Sharmaine ang patay na patay
Nang makabalik na kami sa aming tent site. Habang naglalakad kami ni Cassandra sa Safari, hawak niya ang kamay ni Caleb na tuwang-tuwa sa paligid, parang biglang bumagal ang oras. Pinagmamasdan ko silang dalawa—ang mag-ina ko. Napansin ko ang liwanag sa mga mata ni Cassandra na parang matagal nang hindi ko nakikita, at ang walang kapantay na saya sa boses ni Caleb tuwing may makikitang hayop sa paligid. Sa gitna ng saya, biglang bumigat ang pakiramdam ko. Hindi ko maiwasang maalala ang mga panahong sinayang ko. Flashback Dalawang taon na ang nakalipas, nasa bar ako kasama ang mga kaibigan ko, hawak ko ang isang baso ng alak habang nakikipagkwentuhan sa isang babaeng halos hindi ko na maalala ang pangalan. Ang cellphone ko ay paulit-ulit na nagri-ring sa bulsa. Si Cassandra ang tumatawag, pero hindi ko iyon sinasagot. “Mamaya na,” bulong ko sa sarili ko habang inilapag ang baso. Ni hindi ko naisip kung ano ang nar
LUCAS POV Mula nang magkaayos kami ni Cassandra , parang muling nagliwanag ang buhay ko. Ang bahay namin, na dati’y puno ng tensyon at tahimik na mga gabi ngayon ay bumalik na ito sa dating sigla. Ang malalakas na tawa ni Caleb, na naging sentro ng aming pagsasama. Malaki ang pinagpapasalamat ko dahil naging bukas kami ni Cassandra sa isa’t isa. Ang masarap na tawanan namin bilang pamilya . Unti-unti naming naibabalik ang dating kami. Ang pagsasama namin ay naging mas masaya. Pinangako ko sa sarili kong gagawin ko ang lahat para mapanatili ang kasiyahan sa pamilya namin. Kaya hindi ko na hinayaan pang lumipas ang aming anibersaryo ng kasal nang walang espesyal na sorpresa para kay Cassandra. “Cass, may plano ako para sa anniversary natin,” bungad ko isang gabi habang nag-aayos siya ng damit ni Caleb. Hilig niyang maging hands on na ina sa tuwing umuuwi siya galing sa trabaho. Tumingin siya
PRESENT TIME “Sabihin mo sa akin, Cassandra. Ano ba talaga ang meron sa inyo ni Ian? Bakit sobra kung ipagtanggol mo siya laban sakin?! Bakit ? Mas gusto mo na ba siya? Ipagpapalit mo ba kami ni Caleb sa kaniya?!” Tanong sakin ni Lucas. Bigla akong sumabog ng marinig ko ang mga salitang iyon sa kaniya. “How dare you to accuse me Lucas, alam mo ba kung bakit naging malapit ako kay Ian? Ngayon sasabihin ko sayo lahat-lahat tutal ayaw mong tumigil ng kaka duda. Alam mo bang nung mga oras na nahuli kita sa bar two years ago? Hinimatay ako sa labas noon dahil hindi ko napigilan ang sama ng loob na nararamdaman ko ng mga sandaling nakita kitang nakikipaglandian sa ibang babae. And that time? Si Ian ang tumulong sakin, dinala niya ako sa ospital at siya ang nagdala sakin sa ospital. Imagine ilang beses akong tumatawag sayo nun! Pero ano? Nasan ka?! Nasa kandungan ng ibang babae habang ako halos hindi magkandamayaw sa pag aasikaso sa inyo . Kahit anong sabi kong hindi maganda ang pakiramd
CASSANDRA POV Ang sakit ng huling pag-uusap namin ni Lucas ay parang sugat na muling nabuksan. Hindi niya alam kung bakit ako naging malapit kay Ian. Bakit parang kasalanan ko pa ngayon ang pagkakaruon ng lamat ng relasyon namin?! Hindi ba’t ako itong sinaktan nuon!? Ako itong niloko at muntik iwan dahil sa napabayaan ko ang sarili ko. Nakalimutan ko ng mag ayos at tumaba ako magmula ng ipanganak ko si Caleb. Oo malapit ang loob ko kay Ian at yun ay dahil sa siya lang ang nakinig at nakaintindi sa lahat ng hinanain ko noon sa buhay. Grabe ang post partum depression na inabot ko na halos ikabaliw ko na. Tapos anong sinasabi niya sakin sa tuwing inaangal ko ang pananakit ng ulo ko noon?, ang pagsasabi kong nanginginig na ang katawan ko minsan pag mag isa na lang ako?! Sa tuwing hihingi ako ng tulong para bantayan kahit saglit si Caleb. Diba ang sinasabi niya palagi na pagod din siya at baka naman nag iinarte lang ako. Noong una akala ko ay tama ang naging desisyon ko na pakasala
Makalipas ang apat na taon mula nang ikasal kami ni Cassandra, naging mas maayos ang buhay namin. Si Caleb ay apat na taong gulang na, malikot at masayahin. Ang tingin ng iba, perpekto ang pamilya namin, pero hindi nila alam na may mabigat na bagay na unti-unting sumusubok sa pagsasama namin ni Cassandra. Nagsimula ang lahat nang pumasok si Cassandra sa trabaho muli. Pagkatapos ng ilang taon na nakatutok siya kay Caleb, bumalik siya sa corporate world. Masaya ako para sa kanya, pero hindi ko inasahan ang pagbabagong dala nito. Isang gabi, habang nag-aalmusal kami… “Love parang lagi ka ng late umuuw ngayong mga panahong to?. Hindi ba pwedeng huwag ka nang mag-overtime, Cassandra?” “Lucas, sinabi ko naman sa’yo, kailangan ito sa trabaho. May deadline na kailangang habulin.” sagot niya sa akin. Magmula ng huli naming malaking pagtatalo na muntikan ng mauwi sa hiwalayan ay nagbago na si Cassandra sa pakikitungo sa akin. “Pero paano si Caleb? Lagi ka na lang wala, alam mo bang palagi