Share

Kabanata 002

SA BAR

CHLOE POV

"beshy puntahan mo ako ngayon nandito sa Thomas Morato . please beshy" pagsusumamo ko kay Kean, ang nag-iisang best friend ko na handang damayan ako sa lahat ng oras.

"umiiyak ka ba Chloe? ano na naman bang ngyari sayo beshy? Tsk yung pamilya mo na naman ba?" nag-aalalang tanong niya sa akin

"huhuhu! oo beshy mamaya ko iwento sayo lahat pagdating mo. Nandito ako sa paborito nating hang out area." nanlulumo kong sabi sa kaniya.

"kumalma ka lang diyan beshy bibilisan ko lang magbihis at liliparin ko na din papunta diyan. Wag kang aalis diyan pupuntahan kita!” Pagpapakalma niya sa akin.

“Okay beshy! Huhuhu “ tugon ko sa kanya. ibinaba ko na ang aking tawag at nagpatuloy naman ako sa pagtungga sa aking inumin. Gusto kong magpakalunod sa alak at makalimot sa ginawa ng aking mga magulang. Nanlulumo ako sa tuwing maiisip ko ang nalalapit kong pagpapakasal kay Valentino. Sunod sunod na pag-order ng alak ang aking ginawa. Kada dating ng mga inumin ay agaran ko itong tinutungga. Maya maya ay nag ring na ang aking telepono, dumating na din si Kean. Pinuntahan naman agad niya ako sa aking pwesto . Pagkalapit ay niyakap niya ako kaagad.

"beshy lasing na lasing ka na, iuuwi na kita" sabi ni Kean sa akin pagkadating na pagkadating niya.

"ayoko beshy, hindi pa ako uuwi. Ayokong umuwi din sa amin. Kaya ko pa. Huhuhu beshy!” halos na-ngo-ngongo na ako sa pagsasalita sa sobrang kalasingan. "uminom pa tayo!" itinaas ko ang aking kamay at sinenyasan ang waiter para kuhain ang aking order.

"ano ba kasing ngyari sayo beshy?! winalangya ka na naman ba ng mga magulang mo? sinabi ko naman kasi sayo noon pa hayaan mo na ang negosyo mong iyan dahil hindi naman yan naging sayo kahit sabihin pa natin na ikaw ang nagpahirap upang mapalago iyan. Inangkin na din naman yan ng mga magulang mo. Tignan mo simula nung sila ang kumapit niyang negosyo mo nagkanda-peste peste na lahat." naiinis na sabi ni Kean

"beshy alam mo bang ikakasal na ako?" nakapangalumbaba kong sabi sa kaniya. seryoso ko siyang tinignan sa kaniyang mga mata.

Rumehistro sa mukha niya ang matinding pagkagulat. "huh? at pano naman ngyari yun? at sino ang magiging asawa mo? “dire-diretso niyang tanong sa akin. “Kelan ka pa nagkaroon ng jowa?! Bakit hindi mo ata nakwento sakin ang tungkol dito?”

"huhuhu! (nag-unahang pumatak ang aking luha at sinumulan kong magkwento kay Kean ng mga nangyari) beshy, sa totoo lang wala din akong ideya tungkol sa nalalapit kong kasal kung hindi lang sinabi sa akin ni Theo hindi ko pa malalaman. hindi ko alam kung pano na ang buhay ko ngayon! hindi ko inakalang magagawa sakin nila Mama ang ganito, (hinahampas ko ang aking dibdib dahil sa paninikip ng aking dibdib sa sama ng loob sa aking mga magulang ) dahil sa pesteng pagkalulong nila sa pagsusugal ay nakipagkasundo sila kay Valentino bilang kabayaran sa kanilang atraso ang aking kalayaan, bukod pa dun ay magbibigay si Valentino ng tulong para maiahon ang nalulugi kong kompanya. Siguro beshy kapalaran ko na lang talaga ang maging alipin ng mga taong malalapit sa akin. " nanlulumo kong sabi kay Kean. Nawawalan na ako ng gana sa mundo dahil sa sabay sabay na nangyayari sa aking buhay. Tuloy ang pag-agos ng luha sa aking mga mata. Dala na din ng aking kalasingan ang pagiging emosyonal ko.

Nakatingin naman sa akin si Kean "beshy ano ka ba! Cheer up (pagpapalakas niya sa aking loob) may naiisip akong paraan kung pano ka makakatakas sa kawalang hiyaan ng iyong mga magulang pero kakailanganin ko ang koordinasyon mo. Alam kong pagdating sa tibay ng loob ay malakas ka. Kung papayag ka ay tutulungan kitang tumakas sa araw ng iyong kasal. Naalala mo yung sinabi ko sayo noon na bahay ko sa Italy? pwedeng pwede kang magtago muna doon pansamantala hindi ka nila makikita doon dahil nasa private village iyon " nakatitig sa akin si Kean, seryoso ito sa kanyang sinasabi, Isa si Kean sa maiimpluwensyang tao sa bansa. Kilala siya sa larangan ng fashion industry kaya hindi ito mahihirapang gawan ng paraan ang aking pag-alis . Isa pa ay nag-ma-may-ari ito ng private plane na maari kong gamitin sa aking pagtakas.

"beshy sure ka bang tutulungan mo ako?" seryoso ko ding tanong sa kanya.Tinitigan ko siya ng mata sa mata.

"sure ako beshy! alam mo namang ikaw lang ang super friend ko, syempre hindi kita pababayaan basta sumang-ayon ka lang sa gusto nilang mangyari para hindi sila makapag-hinala" nakangiti niyang pinapaliwanag sa akin ang aming gagawin para sa aking pagtakas. Gayunpaman ay hindi ko maiwasan ang mag-isip. Hindi ko maintindihan kung bakit palagi na lang akong ginagawan ng hindi maganda ng sarili kong mga magulang. "mag-enjoy na lang tayo beshy! ikalma mo muna ang sarili mo, magiging maayos din ang lahat" sabi pang muli niya sa akin.

Tinawag na muli ni Kean ang waiter upang umorder muli ng aming mga maiinom. Tuloy-tuloy ang ginawa naming pag-inom. Makalipas ng ilang oras kasabay ng paglalim ng gabi ay siyang pagkalasing naman namin ni Kean. Napapasayaw na din kami sa dance floor kasama ng iabng mga grupo. Parehas kaming nag-enjoy ng mga sandaling iyon ni Kean. Nagtatawanan naman kaming bumalik sa aming pwesto.

Kinantsawan naman ako ni Kean dahil sa isang lalaking kanina pa nakatingin sa akin.

"beshy alam mo bet ka niyang lalaking yan kanina pa yan nakatitig sayo" pang aasar ni Kean sa akin.

"Tshhh naku lang beshy hayaan mo yan! Ayokong dagdagan pa ang sakit ng ulo ko “ sagot ko naman sa kanya. “Kailangan ko lang pumunta sa comfort room beshy”

“Okay sige! Daanan mo ako dun sa table na yun . Makiki join na muna ako sa mga gwapong yun” tinuro niya sakin ang isang grupo ng kalalakihan na nakasayaw namin ang kaniyang sasamahan. Tumango lang ako sa kaniya saka umalis.

Ng mapag isa na ako sa CR ay muli ko na namang naalala ang sakit na dulot ng aking mga magulang. Dala ng matindi kong kalasingan ay hindi ko na naisip na balikan si Kean bagkus ay naglakad ako pasulong palabas ng Bar.

Kasabay ng malakas na ulan ang pagpatak ng aking mga luha. Dire-diretso akong naglakad sa ilalim ng malakas na ulan , hindi alintana ang pagkabasa ng buo kong katawan. Pinara ko ang isang itim na sasakyan na aking nakita na agaran namang huminto sa aking harapan.

“Miss okay ka lang ba?” Tanong ng lalaki sa akin

“Ikaw yung lalaki kanina ah! (Nakatitig kong sabi sa kaniya, inabot pa niya sa akin ang kaniyang jacket dahil sa nilalamig ako sa pagkabasa sa ulan) please ilayo mo ako sa lugar na ito. Dalhin mo ako kahit saan mo gusto basta wag lang sa bahay namin!” Nagsusumamo kong sabi sa kaniya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status