Share

Destined to be Mr. CEO’s Wife
Destined to be Mr. CEO’s Wife
Author: Roxxy Nakpil

Kabanata 001

CHLOE POV

“Blagabag” Malakas kong tinulak ang pinto sa aming bahay. Lumagabog pa ito sa pagtama sa aming ding-ding na semento sa lakas ng aking pagkakatulak. Pulang pula ang aking mukha sa galit na nagtungo sa aming sofa upang komprontahin ang aking mga magulang. Nakita kong napabalikwas ng pagtayo sila Mama at Papa mula sa kanilang pagkakaupo sa aming sofa.

“Anong kalokohan itong nabalitaan ko Mama?! Sa lahat ba ako na lang ang hindi nakakaalam sa sarili kong kasal? Kung hindi pa nadulas sa akin si Theo ay hindi ko pa malalaman na malapit na pala akong ikasal?” Nagngingitngit kong sabi sa kanila.

Kasama nila si Valentino Rosso ang matandang mayaman na ulol na ulol sa akin noon pa man. Nakangisi ito na parang aso ulol ng makita ako

“Hi Chloe! bakit naman mainit ata ang ulo mo!”. Kulang na lang ay ilabas nito ang kaniyang dila habang naglalaway na animo'y asong nauulol .

“Manahimik ka Valentino usapang pamilya ito huwag kang makisabat. (Matalim kong tinitigan ang kaniyang mga mata. Mapanakit ang bawat pagtitig na ginawa ko sa kaniya.) bakit ka ba nandito ? Pwede ba kung wala ka namang gagawin ay umalis ka na!” Pasigaw kong sabi kay Valentino. Gigil ang bawat salitang aking binigkas.

“PAKKKKKK!” Isang malakas na sampal ang lumapat sa aking pisngi. Napakapit pa ako sa aking panga sa tindi ng pagkakasampal sa akin. Isang matining na ugong naman ang aking narining mula sa aking tainga sa lakas ng pagkakasampal na iyon, bahagya pa akong napapikit sa sakit ng pakiramdam ng aking pisngi. “Magtigil ka sa kabastusan mong iyan Chloe! Ganyan ka ba naming pinalaki?! Mahiya ka sa magiging asawa mo. Next week magiging legal mo ng asawa si Valentino kaya wag mo siyang pagsalitaan ng ganyan! Matuto kang rumispeto sa magiging asawa mo “Galit na sabi ni Papa sa akin.

Nagulantang ako sa mga sinabing iyon ni Papa hindi ko inaasahang si Valentino ang pinagkasundo nilang ipakasal sa akin.

“Hindi ako magpapakasal sa matandang manyakis na iyan, Pa ano na naman bang pumasok sa isip niyo?! Ikakasal ako sa taong gusto ko at hindi kay Valentino!” Mariin kong pagtutol sa plano nila Papa. Hindi pa ako tapos sa aking mga sasabihin ng hapitin ni Valentino ang aking braso. 

“Ano ba nasasaktan ako! Bitiwan mo ako Valentino!” nagpupumiglas kong sigaw sa kaniya.

Isang sampal na naman ang aking inabot ngunit sa pagkakataong ito ay mula naman ito kay Valentino, napatingin naman ako kay Mama upang humihingi ng tulong sa ginawang iyon ni Valention, inaasahan kong sana ay sasawayin ng mga ito ang matandang huklubang iyon sa kanyang ginagawa pero nakaismid lang din ito sa akin. Hinawakan pa niya ang aking pisngi saka ako sinabihan “Magpasalamat ka Chloe at pumayag ako sa kagustuhan ng mga magulang mo kung tutuusin kulang ka pang kabayaran sa laki ng pagkakautang nila sa akin pero okay na din pwede naman kitang pagsawaan araw araw pag nakasal na tayo. Noon pa ko gigil na gigil sayo (nanlilisik ang mga mata nitong sabi sa akin. inamoy-amoy pa nito ang aking buhok at katawan. Nakakadiri ang itsura nito habang ginagawa iyon sa akin) mabuti nga pati ang kompanya mong nalulugi ay sasaluhin ko na. Hindi ko naman hahayaan na ang reputasyong ng aking pinaka mamahal na asawa ay mauwi sa hindi maganda.” Nang-bubuska nitong asar sa akin. Napatiim ang aking bagang sa kaniyang sinabi. Nahihiwagaan ako sa kung ano mang ibig sabihin nito sa akin.

“Bakit hindi mo ba alam? Ikaw ang naging kabayaran nila Oliver sa akin kapalit ng naitalo nila sa sugal na 50 million pati na ang pagtulong ko sa kumpanya mong nalulugi  (Binitawan niya ako sa pagkakakapit sa akin at binalingan ang aking mga magulang) siguraduhin mong naayos mo ang anak mo OLIVER! Sa isang linggo na ang magiging kasalan baka hindi sumipot yan kapag nangyari yun doble ang sisingilin kong kabayaran sa iyo.“ mariing bilin nito sa aking mga magulang bago siyang tuluyang umalis kasama ng kaniyang mga body guard. 

Napabarandal naman ako sa pagkakasandal sa aming pader ng tuluyang umalis ang matandang ito. "Huhuhu! Mama bakit?! Pa?! Bakit niyo nagawa ito sa akin? Akala ko ba tumigil na kayo sa pagsusugal? Diba nangako na kayo sakin na hinding hindi na kayo babalik sa casino. Bakit pati ang kompanya kong pinaghirapan ay pinakiealaman niyo pa. Bakit ako ang naging kabayaran sa lahat ng ginawa niyo?" halos himatayin ako sa sama ng aking loob sa ginawang iyon ng aking mga magulang.

"Aba Chloe napakayabang mo na samin ngayon?! Pinagdadamutan mo na kami sa kompanya mo ang kapal ng mukha mong kwestyunin kami, tandaan mo hindi ka magkakaruon ng ganyang kompanya kung hindi ka namin tinaguyod kaya utang na loob mo sa amin kung anong meron ka ngayon." malakas na sigaw sa akin ni Papa halos lumabas na ang litid sa kanyang leeg sa galit sa akin.

"Pa kompanya ko po iyun, pinaghirapan ko ng ilang taon. Kumuha na nga kayo ng pera sa finance team bakit pati ako ay isinaman niyo pa sa kalokohan niyong ito naghihimutok kong sagot kay Papa

"hay*p kang bata ka! (umamba na naman siya ng sampal sa akin peor agad itong napakapit sa kanyang  dibdib si Papa, bagay na lagi niyang ginagawa sa tuwing nakokorner namin siya sa kanyang mga kalokohan.) lumayas ka sa harapan ko baka hindi ako makapag-pigil sayo. Ikakasal ka kay Valentino sa isang linggo sa ayaw at sa gusto mo! Siguraduhin mong dadating ka sa kasalang iyon Chloe dahil baliw ang matandang iyan. Wag mo kaming ilagay sa kahihiyan kung hindi itatakwil kita at isusumpa sampu ng mga magiging anak mo. Si Valentino lang ang makakapag salba sa pagkalugi ng kompanya natin sa tulong ng pera niya at impluwensya makakabawi din ang kompanya" paninindak sa akin ni Papa.

"bakit ba laging ako ang kailangang sumalo ng mga atraso niyo, lahat ng pinaghirapan ko ay mababalewala lang ng dahil sa bisyo niyo." galit kong sabi kila Mama. 

"napakawalang hiy* mong bata ka. Pinagmamalakihan mo na kami ngayon Chloe." malakas na pagsigaw ni Papa sa akin. 

Tumalikod na ako sa kanila, kahit pa panay pa ang sigaw sa akin ni Papa. Hindi ko na inintindi ang kaniyang mga sinabi. Lutang na ang aking isipan ng mga sandaling iyon . Hindi ko matanggap ang sabay na pagkawala ng aking kompanya at ng aking kalayaan. Sumakay na ako sa aking sasakyan at pinaharurot ito papalayo sa aming bahay.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status