"W-what did you say?" hindi makapaniwalang tanong ko.Nilait ba niya ang hinaharap ko? Alam ko hindi ako pinagpala sa height pero kaya sa hinaharap ko bumawi si Lord ng blessing tapos sasabihin niyang pader ito?Nameywang ako sa harapan niya bago matapang na tumingin sa kanya. "Excuse me, sir. Are you insulting my boobs?" Nakita kong gumalaw ang adams apple nito. Hindi ko na napansin na tuluyan nang lumantad sa paningin nito ang hinaharap ko. Naka-bra naman ako pero sinag na sinag na iyon dahil basa ang damit ko."Katarina..." Pinag-cross ko ang mga kamay ko bago muling nagsalita. "Siguro sanay kang makakita ng mga dedeng mas malaki pa sa tatlong kilong pakwan pero puro silicon naman kaya maliit pa rin ang tingin mo dito sa akin," nakasimangot na saad ko."Katarina, your words," saway nito sa akin na para bang frustrated sa mga sinabi ko.Umismid ako sa kanya. "Why? Is this your first time hearing those words? Boobs? breast? Dede?" pag-uulit ko.As an erotic writer minsan mas malala
Gaya ng ipinangako ko kay Antalia ay sumama na ako sa paghahatid sa kanya. Maaga akong gumising para sabayan siyang kumain. Hindi ako sanay ng maagang gumising pero pinilit kong bumangon. Sinunod ang sabi ni mama na lakasan ko ang alarm clock ko. Muntik ko na ngang maibato kanina pero naalala kong wala na nga pala ako sa bahay kaya kahit pikit-pikit pa ako ay bumangon na ako.Naglilamos lang ako at bumaba na.Napatigil pa ako sa pagpasok sa dining nang makita kong nandoon si Alejandro. I mean si Sir Alejandro. Pero syempre hindi na ako dapat magulat pa. Pamamahay niya ito malamang nandito siya para sabayan ang anak niya.Tahimik lang kaming kumain ng agahan. Pagkatapos ay umakyat na rin kami ni Antalia para maghanda na ito sa pagpasok sa eskwelahan. Habang naliligo si Antalia ay mabilis din akong naligo. Nagsuot lang ako ng isang maong na wideleg at plain tshirt na pinakisan ko ng rubber shoes. Wala naman kasi akong uniform dito or ang mga katulong kaya malaya kaming nakakapagsuot ng
Dumaan ang mga araw na naging normal na ang mga araw ko dito sa bago kung trabaho bilang nanny ni Antalia. Maaga akong gumigising tuwing umaga para sabayan siyang mag-almusal at tulungang magbihis. Sumasama rin ako sa kanya sa eskwelahan palagi para ihatid at sunduin siya.Minsan hindi maiiwasan ang ingay sa pagitan naming dalawa kapag tinutupak siyang magpasaway. Pero mabait naman siya, may attitude nga lang minsan. Nasasanay na ako sa ugali niya. Ako lang yata iyong nanny na nakikipagbardagulan ng lantaran sa alaga niya. Ang ama naman ni Antalia ay madalang ko nang makita dahil palagi na itong busy sa opisina. May office ito dito sa bahay pero madals naman na nasa kompanya ito. Minsan nga hindi ko alam kung nagkaka-usap pa ang mag-ama. Para sa akin pabor na hindi ko palaging nakikita si Sir Alejandro. Mas maayos akong nakakagalaw kapag wala siya sa paligid. Kapag nandito kasi siya pakiramdam ko may mga matang nagmamasid sa bawat kilos ko.Close na close na rin ako kay Claribel at
"I am not your wife," may diing saad ko sa kanya pero ngumisi na naman ito. Heto na naman siya sa ngisi niya. Everytime na makikita ko itong may ngiti sa mga labi aasahan na palaging may sasabihin na naman itong hindi dapat. Minsan gusto ko na piklasin ngisi niya sa mukha niya. Kung 'di ko lang siya amo baka humalik na naman ang kamao ko sa mukha niya. "Why there are lot of guys always trying to get your attention?" tanong nito na binalewala ang ang sinabi ko. Salubong na naman ang kilay nito. Pero mas nagsalubong ang kilay ko dahil sa tanong niya. Lot of guys trying to get my attention? Who? Wala kasi akong matandaan na may nagpapansin sa akin. At kung meron man, ano naman ang pakialam niya? Boss ko siya pero wala na siyang pakialam sa personal na bagay tungkol sa akin. "Why do you care, sir? Like I've said I am not your wife so please let me go," may diing pakiusap ko dito pero tila bingi ito. Nanatiling nakagapos ang isang braso nito sa beywang ko. "You are Anatalia's mom, I a
"Katarina," tawag sa akin ni Alejandro pero hindi ko na siya pinansin. Walang lingong-likod na pumasok ako ng bahay. Wala na kaming dapat pang pag-usapan. Ayoko ring makinig ng iba na kasama namin dito sa bahay ang usapan naming dalawa. Dumiretso agad ako sa kwarto ko at padapang ibignagsak ang katawan ko sa kama. Ipinagpapadyak ko ang paa ko hanggang mapagod ako. Tumihaya ako at ipinatong nag braso ko sa noo ko. Bumuga ako ng malakas na hangin. Hindi ko mapigilang mapangiti ng mapait. Alam ko naman kung saan ako lulugar pero paano ko iyon gagawin kung siya ang gumagawa ng paraan para malito ako? Alam ko naman kung ano ang role ko sa pamamahay na ito pero paano ko gagawin iyon kung minsan umaakto siyang para bang sa akin siya ay interesado? Pero ngayon malinaw na sa akin ang lahat, lahat ng ikinikilos niya ay wala lang. Hindi ko dapat bigyan ng meaning, huwag dapat akong mag-assume. Naupo ako sa kama bago asar na ginulo ang buhok. "Kunti na lang talaga mag-aawol na ako dito," s
Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay lumabas ako ng kwarto. Sa totoo lang wala talaga akong ginagawa dito kapag nasa school si Antalia. Minsan nagvo-volunteer akong tumulong sa kanila sa mga gawaing bahay para hindi ako mainip pero ayaw naman nila. Hindi ko raw iyon trabaho kaya madalas ay sa garden ako tumatambay. Presko kasi roon at nandoon pa si kuya Diego na hindi nauubusan ng kwento.Nakita ko si Fernan na galing sa kusina nang makababa na ako ng hagdan. Nginitian ko ito."Ano iyan?" tanong ko sa kanya habang may hawak siyang maliliit na bilog na may iba't ibang kulay na nakaplastik."Pakain sa mga isda. Magpapakain ako, gusto mo sumama?" nakangiting tanong nito.Mabilis akong tumango. Nagtungo kami sa may gilid ng bahay malapit sa may garden. May maliit na pond doon na may waterfalls sa gilid. May mga isdang iba't iba ang kulay na naroon.Inabutan ako ni Fernan ng bahog kaya mabilis kong inilahad ang kamay ko para ilagay niya doon. "Kay Lia ang mga isdang ito. Madalas siyang
"What happened? You walk out a while ago and now you are in front of me?" seryosong saad nito habang nakaupo sa sofa at tumingin sa akin pero muling bumalik ang atensyon nito sa hawak na ipad.Pagbaba ko galing library at makipagpaangasan kay Joana ay nakita ko siyang nandito sa sala habang abala sa ipad na hawak niya. Tila may nirereview itong trabaho."Sorry, sir, but I want to say something. Is it okay to disturb you?" tanong ko sa kanya.Kung kanina pagdating ang plano ko ay iwasan siya ngayon hindi na. Sa ayaw at sa gusto ko araw-araw naman kaming magkikita. Isa pa may balak akong patunayan kaya hindi ko na siya iiwasan.Naaasar ako sa kanya. Para akong baliw dahil kanina umiiyak ako tapos ngayon nagagawa ko nang ngumiti. Pati desisyon ko pabago-bago dahil sa kanya. Masyado na akong apektado, hindi ko na maitatanggi pa iyon."About what you said this morning," panimula ko. "Pwede bang bawiin ninyo iyon?"Naalala ko kasi ang pakiusap ni Fernan. Hindi ko pa nga pala nabanggit dito
"Hi, mommy!" masayang bati sa ni Timothy nang makita niya ako sa parking habang hinihintay ko si Antalia.Napangiti ako nang makita ito kahit na gusto kong mailing sa tinawag niya sa akin. Talaga bang gusto niya akong maging mommy niya?Tuwing hapon ay sa parking lang ako naghihintay sa kanya hindi gaya sa umaga na minsan ay hinahatid ko pa siya sa mismong classroom niya gaya kaninang umaga.Ngumiti ako kay Timothy kahit na naakwardan ako dahil tinatawag niya akong mommy. Nakita ko naman sa likod nito si Antalia na kulang na lang ay tumagos ang tingin kay Timothy habang nakasimangot."She is my mommy!" nakasimangot na saad dito ni Antalia at mabilis na lumapit sa akin at humawak sa isang kamay ko na tila ipinagdadamot ako. Matalim ang tingin ibinabato nito kay Timothy pero tila walang pakialam ang batang lalaki na nasa akin ang atensyon."She will be my mom too!" giit naman ng bata at nginitian ako. Ang cute nitong ngumiti dahil lumalabas ang malalim na dimple nito sa kanang bahagi ng