Dumaan ang mga araw na naging normal na ang mga araw ko dito sa bago kung trabaho bilang nanny ni Antalia. Maaga akong gumigising tuwing umaga para sabayan siyang mag-almusal at tulungang magbihis. Sumasama rin ako sa kanya sa eskwelahan palagi para ihatid at sunduin siya.Minsan hindi maiiwasan ang ingay sa pagitan naming dalawa kapag tinutupak siyang magpasaway. Pero mabait naman siya, may attitude nga lang minsan. Nasasanay na ako sa ugali niya. Ako lang yata iyong nanny na nakikipagbardagulan ng lantaran sa alaga niya. Ang ama naman ni Antalia ay madalang ko nang makita dahil palagi na itong busy sa opisina. May office ito dito sa bahay pero madals naman na nasa kompanya ito. Minsan nga hindi ko alam kung nagkaka-usap pa ang mag-ama. Para sa akin pabor na hindi ko palaging nakikita si Sir Alejandro. Mas maayos akong nakakagalaw kapag wala siya sa paligid. Kapag nandito kasi siya pakiramdam ko may mga matang nagmamasid sa bawat kilos ko.Close na close na rin ako kay Claribel at
"I am not your wife," may diing saad ko sa kanya pero ngumisi na naman ito. Heto na naman siya sa ngisi niya. Everytime na makikita ko itong may ngiti sa mga labi aasahan na palaging may sasabihin na naman itong hindi dapat. Minsan gusto ko na piklasin ngisi niya sa mukha niya. Kung 'di ko lang siya amo baka humalik na naman ang kamao ko sa mukha niya. "Why there are lot of guys always trying to get your attention?" tanong nito na binalewala ang ang sinabi ko. Salubong na naman ang kilay nito. Pero mas nagsalubong ang kilay ko dahil sa tanong niya. Lot of guys trying to get my attention? Who? Wala kasi akong matandaan na may nagpapansin sa akin. At kung meron man, ano naman ang pakialam niya? Boss ko siya pero wala na siyang pakialam sa personal na bagay tungkol sa akin. "Why do you care, sir? Like I've said I am not your wife so please let me go," may diing pakiusap ko dito pero tila bingi ito. Nanatiling nakagapos ang isang braso nito sa beywang ko. "You are Anatalia's mom, I a
"Katarina," tawag sa akin ni Alejandro pero hindi ko na siya pinansin. Walang lingong-likod na pumasok ako ng bahay. Wala na kaming dapat pang pag-usapan. Ayoko ring makinig ng iba na kasama namin dito sa bahay ang usapan naming dalawa. Dumiretso agad ako sa kwarto ko at padapang ibignagsak ang katawan ko sa kama. Ipinagpapadyak ko ang paa ko hanggang mapagod ako. Tumihaya ako at ipinatong nag braso ko sa noo ko. Bumuga ako ng malakas na hangin. Hindi ko mapigilang mapangiti ng mapait. Alam ko naman kung saan ako lulugar pero paano ko iyon gagawin kung siya ang gumagawa ng paraan para malito ako? Alam ko naman kung ano ang role ko sa pamamahay na ito pero paano ko gagawin iyon kung minsan umaakto siyang para bang sa akin siya ay interesado? Pero ngayon malinaw na sa akin ang lahat, lahat ng ikinikilos niya ay wala lang. Hindi ko dapat bigyan ng meaning, huwag dapat akong mag-assume. Naupo ako sa kama bago asar na ginulo ang buhok. "Kunti na lang talaga mag-aawol na ako dito," s
Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay lumabas ako ng kwarto. Sa totoo lang wala talaga akong ginagawa dito kapag nasa school si Antalia. Minsan nagvo-volunteer akong tumulong sa kanila sa mga gawaing bahay para hindi ako mainip pero ayaw naman nila. Hindi ko raw iyon trabaho kaya madalas ay sa garden ako tumatambay. Presko kasi roon at nandoon pa si kuya Diego na hindi nauubusan ng kwento.Nakita ko si Fernan na galing sa kusina nang makababa na ako ng hagdan. Nginitian ko ito."Ano iyan?" tanong ko sa kanya habang may hawak siyang maliliit na bilog na may iba't ibang kulay na nakaplastik."Pakain sa mga isda. Magpapakain ako, gusto mo sumama?" nakangiting tanong nito.Mabilis akong tumango. Nagtungo kami sa may gilid ng bahay malapit sa may garden. May maliit na pond doon na may waterfalls sa gilid. May mga isdang iba't iba ang kulay na naroon.Inabutan ako ni Fernan ng bahog kaya mabilis kong inilahad ang kamay ko para ilagay niya doon. "Kay Lia ang mga isdang ito. Madalas siyang
"What happened? You walk out a while ago and now you are in front of me?" seryosong saad nito habang nakaupo sa sofa at tumingin sa akin pero muling bumalik ang atensyon nito sa hawak na ipad.Pagbaba ko galing library at makipagpaangasan kay Joana ay nakita ko siyang nandito sa sala habang abala sa ipad na hawak niya. Tila may nirereview itong trabaho."Sorry, sir, but I want to say something. Is it okay to disturb you?" tanong ko sa kanya.Kung kanina pagdating ang plano ko ay iwasan siya ngayon hindi na. Sa ayaw at sa gusto ko araw-araw naman kaming magkikita. Isa pa may balak akong patunayan kaya hindi ko na siya iiwasan.Naaasar ako sa kanya. Para akong baliw dahil kanina umiiyak ako tapos ngayon nagagawa ko nang ngumiti. Pati desisyon ko pabago-bago dahil sa kanya. Masyado na akong apektado, hindi ko na maitatanggi pa iyon."About what you said this morning," panimula ko. "Pwede bang bawiin ninyo iyon?"Naalala ko kasi ang pakiusap ni Fernan. Hindi ko pa nga pala nabanggit dito
"Hi, mommy!" masayang bati sa ni Timothy nang makita niya ako sa parking habang hinihintay ko si Antalia.Napangiti ako nang makita ito kahit na gusto kong mailing sa tinawag niya sa akin. Talaga bang gusto niya akong maging mommy niya?Tuwing hapon ay sa parking lang ako naghihintay sa kanya hindi gaya sa umaga na minsan ay hinahatid ko pa siya sa mismong classroom niya gaya kaninang umaga.Ngumiti ako kay Timothy kahit na naakwardan ako dahil tinatawag niya akong mommy. Nakita ko naman sa likod nito si Antalia na kulang na lang ay tumagos ang tingin kay Timothy habang nakasimangot."She is my mommy!" nakasimangot na saad dito ni Antalia at mabilis na lumapit sa akin at humawak sa isang kamay ko na tila ipinagdadamot ako. Matalim ang tingin ibinabato nito kay Timothy pero tila walang pakialam ang batang lalaki na nasa akin ang atensyon."She will be my mom too!" giit naman ng bata at nginitian ako. Ang cute nitong ngumiti dahil lumalabas ang malalim na dimple nito sa kanang bahagi ng
Kinabukasan ay maaga akong nagising pero nang bumaba ako ay nakita kong gising na ang lahat nang mga kasamabahay maging si Manang Rita. Maaga talaga silang gumigising palagi araw-araw lalo na si Manang para maghanda nang agahan. Pero ngayon kasabay nila akong gumising. Hindi ako nakatulog nang maayos dahil matapos kong umiyak ay ginugol ko ang oras kong magsulat. Kesa mas lalo ko pang isipin ang nakita ko at madrepress kaiisip ay nagtrabaho na lang ako. Mabuti na lang at kahit saan ako pumunta dala ko palagi ang laptop ko kaya kahit nagtatrabaho ako dito bilang nanny ni Antalia ay may iba pa akong trabaho kundi ang pagsusulat."Katarina, umiyak ka ba?" nag-aalalang tanong ni Ate Emma nang maupo ako sa tabi niya kung saan naghihiwa siya nang kamatis na ilalagay yata sa ginisang ampalaya.Sumasakto sa nararamdaman ko ang ulam namin sa agahan. Hindi ko mapigilang mapangiti nang kasing lasa ng ampalaya nang sumagi na naman sa utak ko ang natanggap kong larawan. Kung pwede lang burahin s
Lahat na yata ng paraan para maiwasan ko si Alejandro ay ginawa ko. Kapag makakasalubong ko siya dito sa bahay ay agad akong lumiliko o bumabalik sa pinanggalingan ko. Minsan naman nagkukunwari akong hindi ko siya nakikita. Gaya na lang kanina, nakita ko ito sa dining table pero hindi ko ito pinansin. Akala siguro nito ay uupo ako at sasabay sa kaniyang kumain pero mas pinili kong sumabay kina Claribel mag-almusal nang mas maaga kaya si Antalia lang ang kasabay nito.Bakit kasi ang bilis kong na-fall? Daig pa ni flash ang pagkahulog ko. Isang buwan pa lang tapos iniyakan ko na. Lintik lang talaga, tapos nag-feeling pa ako ng husto na mutual nararamdaman namin. Daig ko pa ang umasa sa love at first sight. Ngayon ko lang napagtatanto na napakatanga ko pala. Ang bilis kong nahulog tapos umasa agad ako na may katugon. Whirlwind romance lang? Mahirap siyang iwasan lalo na at sa iisang bahay lang kami nakatira pero dahil palagi naman siyang wala dahil busy sa trabaho kaya minsan talagang
I was busy in my office. My wife and my daughter are probably in the library right now. It has been more than seven months since we got married, and I can say that being with her is like being on cloud nine. Waking up everyday seeing her beside me is giving me more energy to start my day. My wife is like the air that I breath, I can't no longer live without her. Noong mga unang buwan namin bilang mag-asawa ay kasabay ng pagkakaroon ng craving ni Katarina kaya madalas kahit wala akong ginagawa nagugulat na lang ako na galit na siya sa akin. Kapag may hiniling siyang pagkain kahit hating gabi kailangan kong bumangon para hanapin iyon sa kusina o bumili sa labas. Mabuti na lang at may mga nauso nang 24/7 na mga grocery kaya minsan madali kong mahanap ang gusto niyang kainin. Masaya naman ako na pinagsisilbihan siya. I am happy that I can give anything she wants. She is my queen and my role is to serve and love her. Nagtaas ako nang tingin nang maramadaman kong may pumasok sa opisina k
Nang biglang mawala si Antalia dahil bigla nitong naisipang pumunta kay Jake ay hindi ko maiwasang mag-alala pero nang malaman ko kung sino ang tumulong sa kanya hindi ko maiwasang magdiwang. Pakiramdam ko unti-unti na akong nagkakameron ng dahilan para mapalapit sa kanya. At nang malaman ko ang usapan nila tungkol sa alok ng anak ko, sinakyan ko ka agad iyon. Antalia does not really need a nanny dahil lahat naman ng nanny nito ay sumusuko dahil sa katigasan ng ulo nito. Pero nang sabihin nito na gusto nito si Katarina bilang yaya nito ay pumyag agad ako kahit hindi ko alam kung papayag ang babae.I tried to talk to her pero tinakasan lang niya si Fernan ngunit kinabukasan ay hindi ko maiwasang mairita nang makita kong sumakay siya sa kotse ni Connor kaya sapilitan ko siyang isinama sa akin at inalok ng trabaho. Inaasahan ko ng tatanggi siya pero nang hamunin ko siya na baka natatakot lang siya sa akin ay nakita ko ang palabang hitsura niya na lihim na iknatuwa ko.Nang tanggapin niy
ALEJANDRO I cursed when my phone rang. Kinuha ko iyon habang at sinagot nang hindi tinitingan ang tumawag. I can't help not to groan when Laura gave me a deep throat. I really love her expert mouth. I was setting in the bed while she is kneeling in front of me. “It's broad daylight, kuya,” narining kong reklamo sa kabilang linya ni Jake. “What do you need?” Hinawakan ko ang buhok ni Laura at mas sinubsob siya sa harapan. Ramdam Kong nabibilaukan na siya sa pagkalalaki ko pero wala akong pakialam. Alam kong sanay na sanay na siya. “Fetch, Natalia. I have a shoot today,” sagot nito at agad na ibinaba ang tawag. Napatingala ako bang maramdaman kong nilabasan na ako. Agad Akong tumayo at itinaas ang panatalon ko na nasa binti ko lang kanina. “Where are you going? We"re not yet done,” nagatatakang tanong ni Laura na nakaluhod pa rin sa harapan ko. “I need to do something, just do it by yourself,” malamig na tugon ko sa kanya bago siya iniwan. I know that I am not the guy she is f
Hindi ko mapigilang mamasa ang aking mga mata habang nakatingin sa salamin. I am wearing a sparkling ball gown wedding dress with long regal cathedral veil. Hindi pa naman malaki ang bay bumps ko kaya hindi ahlata ang tiyan ko. I don't know how Alejandro planned everything but this is exactly my dream wedding. He got every details and I can't help to fall in love with him more. That man surely knows me more than I think. Malakas ang tambol ng dibdib ko, alam kong hindi iyon dahil kinakabahan ako kundi dahil sa excitement na nararamdaman ko. Hindi ko inaasahan na aabot kami sa ganito ni Alejandr dati parang sira lang ako na lihim na nagseselos palagi tapos ngayon ikakasal na kami. Well, kasal naman na daw talaga kami pero hindi ko naman iyon alam kaya iba pa rin ang pakiramdam na sabay kaming haharap sa dambana para sumumpa. "You look so beautiful," naluluhang saad ni Mama nang pumasok siya sa kwarto kung nasaan ako. "Ikakasal na ang first baby ko." "Ma, huwag kang umiyak, sayang a
Nakatingin sa akin si Papa habang tikom ang bibig, hindi ko alam kung galit ba siya o ano dahil walang expression ang mukha niya. Nandito kami ngayon sa mini office niya sa bahay. Magkakaharap kami, ako, si Alejandro ang mommy at daddy nito at ang mga magulang ko. Ngayon ko lang ulit nakita ang ama ni Alejandro at pakiramdam ko ay parang silang pinagbiyak na bunga ni Alejandro kapag seryoso ang lalaking nasa tabi ko. "Kailan mo balak pakasalan ang anak ko?" naayos ako ng upo dahil sa biglang tanong nito habang tila relax na relax lang naman ang katabi ko. "As soon as possible sir, before her baby bumps become obvious," sagot ni Alejandro. Sana lang hindi si Papa mabigla na ang as soon as possible ni Alejandro ay ilang isang linggo na lang. Matapos kasi naming magpunta sa fitting ng gown ko kahapon ay nag-decide na kaming ipaalam sa mga magulang ko ang plano namin at para malaman na rin nila ang tungkol sa ipinagbubuntis ko. Kabado pa ako habang papunta dito dahil kahit alam ko
Dumating na ang gabi pero hindi ko pa rin kinakausap si Alejandro matapos ang nalaman ko. Gusto kong malaman niya na nagtatampo ako dahil sa ginawa niya. Pakiramdam ko naisahan niya ako. Alam ko naman na sigurista siya pero hindi ko naman inaasahan na aabot sa puntong gagawa siya ng paraan para maikasal kami ng hindi ko alam. "Wife," tawag nito sa pansin ko pero hindi ko siya nilingon. Inabala ko ang sarili ko sa pagsusuklay sa harap ng salamin. Nakita ko itong tumayo at lumabas ng kwarto ko. Hindi ko paiwasang mapasimangot. Ang bilis naman niyang sumuko sa panunuyo sa akin. Umalis agad. Nagdadabog na nagtungo ako sa kama ko. Kinuha ko ang cellphone ko at gigil na naglaro ng candy crush. Lahat ng inis na nararamdaman ko kay Alejandro ay doon ko binuhos pero agad na napaangat ang ulo ko nang makita ko siyang muling pumasok sa kwarto ko. Napakunot ang noo ko nang mapansin kong nakasuot ito ngsuit and tie. Saan ito pupunta? Bakit gabi na yatang masyado ang lakad nito? Binigay nito a
Tatlong araw ang nakalipas mula nang magkausap kami ni Laura at tatlong araw na rin mula ng mabalitaan namin ang nangyari kay Connor. Napatay ito sa selda nang makursunadahan ito ng mga preso pero bago mangyari iyon ay napatay pa muna nito si Claribel. Hindi ko mapigilang manghinayang sa kanila. Sinayang nila ang mga buhay nila dahil lang sa mga kabaliwan nila. Nagtungo ako sa library kong nasaan si Antalia at abala sa pagpipinta. Nakangiting lumapit ako sa kanya. Hindi pa niya ako napansin dahil nakatutok ang atensyon nito sa ginagawa. "Hi, what are you painting?" agaw ko sa atensyon niya. Ngumiti siya sa akin. May mga pangkulay na rin na nagkalat sa mukha niya. "Our family. This dad." Itinuro niya ang isang lalaking tikwasang kilay habang nakasimangot. Hindi ko maiwasang matawa sa hitsura ni Alejandro." This is you." Itinuro naman nito ang isang babaeng may malaking tiyan. "You have a big tummy because you are pregnant and I will gonna have a sibling soon. This is me." Turo nito s
WARNING: VIOLENCE, CRIMETuluyang nang nakulong si Connor kasama ng mga tauhan nito. Gaya nga ng inaasahan ko dahil masamang damo ito ay matagal itong mamatay. Hindi naman grabe ang pagkakabaril dito ni Laura. Si Laura naman ay nakalaya rin ng mismong gabing hinuli siya ng mga pulis sa tulong na rin ng kapatid kong si Kelvin.Maayos na ang lahat. Tapos na ang gulo at nasa kinalalagyan na nila ang mga taong may masamang balak sa amin. Bumalik na rin sa eskwela si Antalia pero mas naging mahigpit ang bantay nito dahil na rin sa nangyari sa kanya. Malaki rin ang pasasalamat ko na hindi ito na-trauma sa nangyari pero pinasuri pa rin ito ni Alejandro sa espesyalista upang masigurong walang magiging problema sa anak.Si Alejandro naman ay gaya ng dati dito na rin siya sa bahay nag-oopisina. Mag-iisang linggo na ang nakakaraan. Nakiusap na rin ako kay Kelvin na huwag nang banggitin sa mga magulang namin ang nangyari. Alam kong mag-aalala lang ng husto sina mama at papa. Okay naman na ako, w
Biglang binitawan ni Laura ang hawak niyang baril at napaupo na lang habang sapo ang mukhang luhaan. Nang lingunin ko si Connor ay nakatiya na ito sa lupa at duguan. May tama ito sa bandang tiyan.Tumayo naman si Alejandro at inalalayan niya akong tumayo na rin. Hiwakan niya ang kamay ko at niyakap ako ng mahigpit."It's over, you are safe now,"bulong nito sa akin habang hinahalikan ang noo ko at hinahagod ang ulo ko.Mahigpit na napayakap ako sa kanya. Saka lang parang nag-sink in sa akin ang lahat, parang bigla akong nakaramdam ng panghihina. Nagmala-action star ako kanina, nakalimutan kong buntis nga pala ako. Mabuti na lang at walang nangyari sa dinadala ko.Saka pa lang tumulo ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilang tumulo dahil pinipilit kong maging matapang sa harap ni Connor.Mabilis na kumilos ang mga pulis na naroroon at nang masigurado nang mga ito na humihinga pa si Connor ay mabilis nila itong isinakay sa stretcher. Napatingin na lang ako sa papalayong mobile car.Hab