"I am not your wife," may diing saad ko sa kanya pero ngumisi na naman ito. Heto na naman siya sa ngisi niya. Everytime na makikita ko itong may ngiti sa mga labi aasahan na palaging may sasabihin na naman itong hindi dapat. Minsan gusto ko na piklasin ngisi niya sa mukha niya. Kung 'di ko lang siya amo baka humalik na naman ang kamao ko sa mukha niya. "Why there are lot of guys always trying to get your attention?" tanong nito na binalewala ang ang sinabi ko. Salubong na naman ang kilay nito. Pero mas nagsalubong ang kilay ko dahil sa tanong niya. Lot of guys trying to get my attention? Who? Wala kasi akong matandaan na may nagpapansin sa akin. At kung meron man, ano naman ang pakialam niya? Boss ko siya pero wala na siyang pakialam sa personal na bagay tungkol sa akin. "Why do you care, sir? Like I've said I am not your wife so please let me go," may diing pakiusap ko dito pero tila bingi ito. Nanatiling nakagapos ang isang braso nito sa beywang ko. "You are Anatalia's mom, I a
"Katarina," tawag sa akin ni Alejandro pero hindi ko na siya pinansin. Walang lingong-likod na pumasok ako ng bahay. Wala na kaming dapat pang pag-usapan. Ayoko ring makinig ng iba na kasama namin dito sa bahay ang usapan naming dalawa. Dumiretso agad ako sa kwarto ko at padapang ibignagsak ang katawan ko sa kama. Ipinagpapadyak ko ang paa ko hanggang mapagod ako. Tumihaya ako at ipinatong nag braso ko sa noo ko. Bumuga ako ng malakas na hangin. Hindi ko mapigilang mapangiti ng mapait. Alam ko naman kung saan ako lulugar pero paano ko iyon gagawin kung siya ang gumagawa ng paraan para malito ako? Alam ko naman kung ano ang role ko sa pamamahay na ito pero paano ko gagawin iyon kung minsan umaakto siyang para bang sa akin siya ay interesado? Pero ngayon malinaw na sa akin ang lahat, lahat ng ikinikilos niya ay wala lang. Hindi ko dapat bigyan ng meaning, huwag dapat akong mag-assume. Naupo ako sa kama bago asar na ginulo ang buhok. "Kunti na lang talaga mag-aawol na ako dito," s
Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay lumabas ako ng kwarto. Sa totoo lang wala talaga akong ginagawa dito kapag nasa school si Antalia. Minsan nagvo-volunteer akong tumulong sa kanila sa mga gawaing bahay para hindi ako mainip pero ayaw naman nila. Hindi ko raw iyon trabaho kaya madalas ay sa garden ako tumatambay. Presko kasi roon at nandoon pa si kuya Diego na hindi nauubusan ng kwento.Nakita ko si Fernan na galing sa kusina nang makababa na ako ng hagdan. Nginitian ko ito."Ano iyan?" tanong ko sa kanya habang may hawak siyang maliliit na bilog na may iba't ibang kulay na nakaplastik."Pakain sa mga isda. Magpapakain ako, gusto mo sumama?" nakangiting tanong nito.Mabilis akong tumango. Nagtungo kami sa may gilid ng bahay malapit sa may garden. May maliit na pond doon na may waterfalls sa gilid. May mga isdang iba't iba ang kulay na naroon.Inabutan ako ni Fernan ng bahog kaya mabilis kong inilahad ang kamay ko para ilagay niya doon. "Kay Lia ang mga isdang ito. Madalas siyang
"What happened? You walk out a while ago and now you are in front of me?" seryosong saad nito habang nakaupo sa sofa at tumingin sa akin pero muling bumalik ang atensyon nito sa hawak na ipad.Pagbaba ko galing library at makipagpaangasan kay Joana ay nakita ko siyang nandito sa sala habang abala sa ipad na hawak niya. Tila may nirereview itong trabaho."Sorry, sir, but I want to say something. Is it okay to disturb you?" tanong ko sa kanya.Kung kanina pagdating ang plano ko ay iwasan siya ngayon hindi na. Sa ayaw at sa gusto ko araw-araw naman kaming magkikita. Isa pa may balak akong patunayan kaya hindi ko na siya iiwasan.Naaasar ako sa kanya. Para akong baliw dahil kanina umiiyak ako tapos ngayon nagagawa ko nang ngumiti. Pati desisyon ko pabago-bago dahil sa kanya. Masyado na akong apektado, hindi ko na maitatanggi pa iyon."About what you said this morning," panimula ko. "Pwede bang bawiin ninyo iyon?"Naalala ko kasi ang pakiusap ni Fernan. Hindi ko pa nga pala nabanggit dito
"Hi, mommy!" masayang bati sa ni Timothy nang makita niya ako sa parking habang hinihintay ko si Antalia.Napangiti ako nang makita ito kahit na gusto kong mailing sa tinawag niya sa akin. Talaga bang gusto niya akong maging mommy niya?Tuwing hapon ay sa parking lang ako naghihintay sa kanya hindi gaya sa umaga na minsan ay hinahatid ko pa siya sa mismong classroom niya gaya kaninang umaga.Ngumiti ako kay Timothy kahit na naakwardan ako dahil tinatawag niya akong mommy. Nakita ko naman sa likod nito si Antalia na kulang na lang ay tumagos ang tingin kay Timothy habang nakasimangot."She is my mommy!" nakasimangot na saad dito ni Antalia at mabilis na lumapit sa akin at humawak sa isang kamay ko na tila ipinagdadamot ako. Matalim ang tingin ibinabato nito kay Timothy pero tila walang pakialam ang batang lalaki na nasa akin ang atensyon."She will be my mom too!" giit naman ng bata at nginitian ako. Ang cute nitong ngumiti dahil lumalabas ang malalim na dimple nito sa kanang bahagi ng
Kinabukasan ay maaga akong nagising pero nang bumaba ako ay nakita kong gising na ang lahat nang mga kasamabahay maging si Manang Rita. Maaga talaga silang gumigising palagi araw-araw lalo na si Manang para maghanda nang agahan. Pero ngayon kasabay nila akong gumising. Hindi ako nakatulog nang maayos dahil matapos kong umiyak ay ginugol ko ang oras kong magsulat. Kesa mas lalo ko pang isipin ang nakita ko at madrepress kaiisip ay nagtrabaho na lang ako. Mabuti na lang at kahit saan ako pumunta dala ko palagi ang laptop ko kaya kahit nagtatrabaho ako dito bilang nanny ni Antalia ay may iba pa akong trabaho kundi ang pagsusulat."Katarina, umiyak ka ba?" nag-aalalang tanong ni Ate Emma nang maupo ako sa tabi niya kung saan naghihiwa siya nang kamatis na ilalagay yata sa ginisang ampalaya.Sumasakto sa nararamdaman ko ang ulam namin sa agahan. Hindi ko mapigilang mapangiti nang kasing lasa ng ampalaya nang sumagi na naman sa utak ko ang natanggap kong larawan. Kung pwede lang burahin s
Lahat na yata ng paraan para maiwasan ko si Alejandro ay ginawa ko. Kapag makakasalubong ko siya dito sa bahay ay agad akong lumiliko o bumabalik sa pinanggalingan ko. Minsan naman nagkukunwari akong hindi ko siya nakikita. Gaya na lang kanina, nakita ko ito sa dining table pero hindi ko ito pinansin. Akala siguro nito ay uupo ako at sasabay sa kaniyang kumain pero mas pinili kong sumabay kina Claribel mag-almusal nang mas maaga kaya si Antalia lang ang kasabay nito.Bakit kasi ang bilis kong na-fall? Daig pa ni flash ang pagkahulog ko. Isang buwan pa lang tapos iniyakan ko na. Lintik lang talaga, tapos nag-feeling pa ako ng husto na mutual nararamdaman namin. Daig ko pa ang umasa sa love at first sight. Ngayon ko lang napagtatanto na napakatanga ko pala. Ang bilis kong nahulog tapos umasa agad ako na may katugon. Whirlwind romance lang? Mahirap siyang iwasan lalo na at sa iisang bahay lang kami nakatira pero dahil palagi naman siyang wala dahil busy sa trabaho kaya minsan talagang
Marahas ko siyang itinulak pero hindi man lang siya umangat mula sa pagkakayakap sa akin. Talaga bang gusto niyang masapak ulit? Gawain na talaga niya ang biglain ako palagi."Let me go," saad kong muli bago itinuon ang dalawang kamay ko sa magkabilang balikat niya para humiwalay siya sa akin. "Stop acting like a clingy boyfriend, Mr. Rivas," matigas na saad ko dito. Dahil sa sinabi ko ay kusa itong humiwalay sa pagkakayakap sa akin bago tumingin sa mga mata ko. Sinalubong ko na naman ang mga mata niyang ilang araw ko ring iniwasan."Yeah, I forgot you don't like me," saad nito habang nakangiti pero hindi umabot sa mga mata nito. He even gave me sarcastic smile.Nakatingin naman ako dito na naguguluhan. I don't like him? Anong pinagsasabi nito? Siya nga itong ayaw sa akin dahil may Maliya na siya. Tapos kung makapagsalita siya ngayon para bang ako ang may kasalanan."You feel the same way, so what's the problem?" ganting saad ko.If he thinks I don't like him wala na akong balak na