It’s Saturday morning, Vana’s favorite day of the week.
As expected she was in a very festive mood. Espesyal ang araw ng Sabado para sa kanya sapagkat lahat halos ng masasaya at magagandang bagay na nangyari sa kanya ay naganap sa araw ng Sabado. Call that a freakin’ coincidence but that’s how it is. Palaging kasiyahan ang hatid ng araw ng Sabado sa kanya.
Maaga siyang bumangon upang maglinis ng kanyang bahay. Magmula kasi nang kupkupin niya ang palamunin niyang adoptive brother, hindi na siya nag-hire ng kasambahay. Kahit man lang stay-out na katulong upang mag-vacuum man lang ng sahig ay hindi niya sinubukang kumuha. The risk was too high. Hindi niya nais ipagkanulo ang kapatid.
Because if Steve will go down, she woul
“Anything? Even taking the life of my children?”Pagkawika ni Sandro ng mga katagang iyon, marahas niyang inalis ang mga braso ng dalaga sa kanyang baywang. Pagkatapos, puno ng pag-uusig niyang hinarap ang kasintahan.“I never thought you are capable of doing such a thing!”That’s it! Everything doesn’t make sense now. Vana is totally clueless about what is going on. Hindi na niya maarok kung ano ang ibig sabihin ng mga salitang iyon ni Sandro.“Ano bang sinasabi mo? Hindi kita maintindihan. You are really not making sense right now.”“The nerve of you to say that,” may pang-uuyam na sa
Akala ni Sandro, ang araw na nadukot sila ni Lyv ang pinakamasamang pwedeng mangyari sa kanyang buhay. Na ito na ang worst day of his life. Nagkamali siya.Walang tigil ang pag-agos ng masaganang luha sa kanyang mga pisngi. Panay ang punas niya sa kanyang basang mga mata. Ang paghilam kasi ng mga ito sa luha ang nagpapalabo sa kanyang paningin. Kasalukuyan siyang nagmamaneho ng kanyang sasakyan. Kung saang direksyon? Hindi niya alam. Ang alam lamang niya. Nais niyang pansamantalang kumawala sa lahat ng mga bagay na nagyayari sa kanyang buhay.Nais niyang lumayo. Nais niyang magtago. Nais niyang mapag-isa.Sampung taon. Sa loob ng sampung taon, wala siyang minahal kundi si Vana. Wala siyang inisip kundi ang kapakanan nito. Ibinigay niya ang lahat-lahat sa babae, a
“Never be afraid to start over, it’s a new chance to rebuild what you want.”Sa loob ng halos apat na linggong pagmumukmok at pagpapaka-busy sa trabaho, Sandro finally had enough. Sa paglipas ng mga araw, unti-unting nawawala ang sakit na idinulot ng pagtataksil sa kanya ni Vana. Hindi man ganap pang nawawala, masasabi niyang ito ay kaya na niyang tiisin. Akala niya, aabutin pa siya ng taon o kaya ay buwan para masabing okay na siya mula sa sugatan niyang puso. Siguro, malakas lang talaga siya kay Lord. O kaya naman, sadyang naka-survival mode lang talaga ang kanyang sarili. Ika nga nila, walang lugar ang pagiging mahina, walang puwang ang self-pity. Isa siyang Dela Vega at marapat lamang na pangatawanan niya iyon. Kasalukuyan siyang nasa loob ng kanyang opisina at nagmumuni-muni. Iginala niya ang mga mata sa kabuuan ng silid. Napangiti siya sa kanyang sarili. Malayo na ang narating niya buhat nang mangyari ang insidenteng tuluyang tumapos ng kanyang relasyon kay Vana. Siguro para
Sa madilim na kwarto, rinig na rinig ni Benjamin ang katahimikan. Tanging ang kaniyang isipan lamang ang bumubulong, malakas—magulo.Kitang kita sa mukha niya ang panghihinayang at sakit. Noon pa man, hindi na siya makapaghintay na mahanap ang kaniyang kapatid na si Olivia. But fate was against his desire to see her. Laging ang panghihinayang sa nagdaang taon ang namumutawi sa kaniyang magulong isipan. Na sana, imbis na nanatiling walang ginagawa at nakapako sa katauhan niyang si Dimitri Castillo, sana'y ginamit niya na lamang ang oras para sa paghahanap.Hinilamos niya ang palad sa kaniyang mukha at malakas na napabuntong hininga. He could not deny the lingering frustration deep within his heart. He was deeply and visibly upset of the situation.Hanggang ngayon, hindi niya pa rin mahanap ang nakababatang kapatid.Napatingala si Benjamin habang nakaupo sa sahig at nakasandal sa gilid ng kama. Hindi niya mapigilang mapaisip kung nasaan na siya, kung maayos ba ang kalagayan niya, kung
Tila nagwawala ang puso niya sa loob ng dibdib. Hindi mapigilang matakot ni Benjamin—matakot na baka mali ang lahat, that it was a mere false lead. Ngunit kahit na ganoon, sa loob niya, hindi niya mapigilang manalangin na sana'y totoo na ang lahat. Na si Olivia na talaga ang batang tinutukoy.His heart was beating so hard that he felt like he could almost hear it beating. Nasa labas sila ng Heaven Angel's Orphanage. Nakaupo sa isang mahabang upuan sa waiting area, naghihintay na dumating ang headmistress ng naturang lugar na iyon.Gone now was the color of his face. Namumutla siyang nakaupo roon, nakayuko at mabilis ang takbo ng puso't isip."Everything will be alright, hon," bulong ni Jhaz at hinawakan ang kaniyang nanlalamig na kamay.Saglit siyang bumitaw sa babae at tinakpan ang mukha gamit ang mga kamay. Bakas na bakas sa kaniya ang kaba at takot na sa pagkadismaya lamang mauuwi ang lahat ng ito.However, he could not deny that beneath those worries, it was already the moment he
Dala-dala ni Benjamin at Jhaz ang gulat sa mga nangyari at natuklasan. Hindi maipagkakaila na kahit nakaalis na sila sa institusyong iyon, hindi pa rin sila makapaniwala sa nalaman.Who would have thought that all along, Olivia Cristobal, his younger sister, was just right behind the corner?Kung saan saan siya naghanap.Dinaanan niya ang ilang taong lungkot, paghihiyang, matinding pagsusumamo sa kalawakan na sana mahanap niya na ito. Lingid sa kaniyang kaalaman na noon pa man, nasa malapit lang pala ang babaeng kapatid.Ang masaklap pa, ito ay kalaban ng kanyang kinagisnang kapatid sa puso ng asawa nito. Kahit si Jhaz, hindi pa rin makaimik dahil hindi siya makapaniwala tulad na lamang ni Benjamin. Nag-aalala rin siya sa kasintahan dahil noong pauwi sila, nanatili siyang walang kibo at tila malalim ang iniisip.Benjamin swallowed hard as he felt the lump on his throat. Sinong mag-aakalang si Vana Enriquez pala ang kaniyang tunay na kapatid? Tila isang katotohanang mahirap lunukin ang
Aligaga ang bawat kasambahay sa mansyon ng mga Dela Vega noong araw na iyon dahil sa rami ng gawain. Mula sa kusina na abala ang lahat sa paghahanda ng mga putahe para sa espesyal na hapunan, hanggang sa pag-aayos ng dining area.Si Sandro Dela Vega, ang kanilang amo, mismo ang nag-utos na gawin iyon. Ayon sa kaniya, mahalaga ang magiging hapunan na iyon para sa kanila ni Lyvette."Manang Anita, paki tikman na po ang sauce ng pasta. Hindi po ako sure kung ganito po ang gustong timpla ng senyorito," ani ni Kristina. Isa siya sa mga katulong na nag-aasikaso sa kusina sa pangunguna ng mayordomang si Manang Anita. Ngumiti ang mayordoma. Tumango siya at lumapit sa babae. Inilapit naman ni Kristina ang kutsara kung nasaan ang kaunting sauce at ipinatikim sa matanda.Ngumuso si Manang Anita at mahinang natawa nang matikman ito. "Sa wakas! Nakuha mo na ang timpla ng senyorito. Ang sarap ng pesto sauce mo!" sambit niya."Talaga po, Manang? Yes!! Nakuha ko rin ang tamang timpla sa wakas!" Nagl
Questions filled in her mind. Anong ginagawa ng taong iyon kasama ang matandang Dela Vega? "Ikaw...?" maang na tanong ni Lyv. Kasalukuyan siyang nakatitig sa pigura ng babae na tila naman aliw na aliw na makita ang ,kanyang reaksiyon. Kung siya ay labis na nagulat na makita ito, ang hindi inaasahang bisita naman ay mukhang pinagplanuhan ang biglaang pagpunta sa lugar na iyon. "The one and only," the woman smirked. Hindi pa nakakabawi si Lyv sa nasasaksihan nang matanaw ang muling paggalaw ng pintuan ng sasakyan sa kabilang gilid. This time, a figure of a man stepped down the vehicle. And when Lyv realized who he was, napakapit siya sa kanyang tiyan at akmang tila ba matutumba mula sa kanyang kinatatayuan. "Senyorita!" bulalas ni Ate Marissa. Patakbo niyang tinungo ang amo upang alalayan na bakas ang matinding pagkabalisa sa kanyang maamong mukha. Nagsisimula na ring bumaha ang luha mula sa kanyang mga mata, bagay na nagpatindi ng pagkalito sa mga mukha ng mga tao roon. "Anong gina