Aligaga ang bawat kasambahay sa mansyon ng mga Dela Vega noong araw na iyon dahil sa rami ng gawain. Mula sa kusina na abala ang lahat sa paghahanda ng mga putahe para sa espesyal na hapunan, hanggang sa pag-aayos ng dining area.Si Sandro Dela Vega, ang kanilang amo, mismo ang nag-utos na gawin iyon. Ayon sa kaniya, mahalaga ang magiging hapunan na iyon para sa kanila ni Lyvette."Manang Anita, paki tikman na po ang sauce ng pasta. Hindi po ako sure kung ganito po ang gustong timpla ng senyorito," ani ni Kristina. Isa siya sa mga katulong na nag-aasikaso sa kusina sa pangunguna ng mayordomang si Manang Anita. Ngumiti ang mayordoma. Tumango siya at lumapit sa babae. Inilapit naman ni Kristina ang kutsara kung nasaan ang kaunting sauce at ipinatikim sa matanda.Ngumuso si Manang Anita at mahinang natawa nang matikman ito. "Sa wakas! Nakuha mo na ang timpla ng senyorito. Ang sarap ng pesto sauce mo!" sambit niya."Talaga po, Manang? Yes!! Nakuha ko rin ang tamang timpla sa wakas!" Nagl
Questions filled in her mind. Anong ginagawa ng taong iyon kasama ang matandang Dela Vega? "Ikaw...?" maang na tanong ni Lyv. Kasalukuyan siyang nakatitig sa pigura ng babae na tila naman aliw na aliw na makita ang ,kanyang reaksiyon. Kung siya ay labis na nagulat na makita ito, ang hindi inaasahang bisita naman ay mukhang pinagplanuhan ang biglaang pagpunta sa lugar na iyon. "The one and only," the woman smirked. Hindi pa nakakabawi si Lyv sa nasasaksihan nang matanaw ang muling paggalaw ng pintuan ng sasakyan sa kabilang gilid. This time, a figure of a man stepped down the vehicle. And when Lyv realized who he was, napakapit siya sa kanyang tiyan at akmang tila ba matutumba mula sa kanyang kinatatayuan. "Senyorita!" bulalas ni Ate Marissa. Patakbo niyang tinungo ang amo upang alalayan na bakas ang matinding pagkabalisa sa kanyang maamong mukha. Nagsisimula na ring bumaha ang luha mula sa kanyang mga mata, bagay na nagpatindi ng pagkalito sa mga mukha ng mga tao roon. "Anong gina
“Huwag!!” Palahaw ng lahat. Subalit huli na sapagkat ilang segundo ang lumipas, isang katawan ang bumagsak sa lupa habang patuloy ang pag-agos ng mapulang likido mula sa katawan nito. “Hindi!!! Hindi!!"Kay bilis ng mga pangyayari. Sa isang iglap, ang ordinaryong araw sa opisina ni Madam Dela Vega ay nabalot ng karahasan. Hindi niya inaasahan ang biglaang pagsulpot ni Vana at Steve sa parking lot ng DVE building upang gawin silang hostage. At ngayon, naging madugo na nga ang naging kinalabasan kagaya ng ikinatatakot niya kanina. Nais mang daluhan ng mga kasambahay ang duguang katawan ni Georgie, walang nagawa ang mga ito kundi manatili sa kanilang kinatatayuan. Natatakot kasi silang sila naman ang pagbuntunan ng galit ng babae. Armado ng baril si Vana at ang kuya nitong tinawag niya sa pangalang Steve. Alam nila na kayang-kaya nitong pumatay ng walang pag-aalinlangan. Patunay rito ang nangyari sa matandang sekretaryo na hanggang sa huling sandali, ay piniling protektahan ang babaeng
Ramdam na ramdam ni Lyv kung paano dumagundong ang kalabog ng kaniyang dibdib dahil sa sitwasyong iyon. Kitang-kita ang pagkagulat at takot sa kaniyang mukha. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang narinig. Halos hindi siya makahinga nang maayos dahil sa takot na mangyari ang iniiwasan niyang mangyari. At iyon ay mapunta sa peligro ang buhay ng mga taong pinaka-iniingatan niya.At iyon ay ang mga sanggol sa kanyang sinapupunan, ang kanyang mga munting mirasol. Putlang-putla ang kaniyang mukha habang ang mga mata'y hindi makatingin nang maayos kay Vana. 'Gusto niya akong kunin? Para ano? Para saktan? She wanted to hurt me that bad?' Punong-puno ng tanong ang kaniyang isip, at para bang sasabog na siya sa tindi ng pagdagsa ng mga emosyon.Gusto siyang kunin ni Vana—kukunin sa ayaw at gusto niya. She had no other choice or else, everyone's life would be at stake.Ngunit kahit sa sitwasyong iyon, hindi niya maintindihan kung bakit kailangang umabot pa sila sa puntong iyon.“Anong sabi mo?
Halos hindi mapigil ang pag-iyak ni Jhaz habang nakasakay ng kaniyang kotse. Hindi niya pa rin lubos na maintindihan kung bakit ang duwag ni Benjamin! Hindi ba nito nari-realize na habang pinatatagal niya ang lahat, mas lalong lalalim ang sakit na mararamdaman nina Lyv at Vana?Alam niyang masakit at mahirap tanggapin ang katotohanang kapatid nito si Vana ngunit walang magagawa ang pagpapakalunod nito sa alak.Masakit, nakakagulat—oo, ngunit dahilan ba ito para umakto siyang parang katapusan na ng mundo? Kahit siya, nagulat sa nalaman, ngunit una niyang naisip si Lyv na may karapatang malaman ang lahat.Pinunasan niya ang tumutulong luha nang makitang halos natatakpan na nito ang kaniyang paningin. She sniffed and bit her lower lip hard. Jhaz wanted to smack and strangle Benjamin for being such a coward! At saan ba siya dadalhin ng pagkaduwag niya? Ngunit kahit gusto niya mang sakalin ang kasintahan sa inis, alam niyang hindi niya ito magagawa. Masyado niyang mahal ang lalaki para s
Pilit na nagpapakatatag si Jhaz. Hindi na niya maaatim pa na magsinungaling pa sa kaibigan lalo na pagkatapos marinig ang katotohanan kung nasaan ang totoong Olivia Cristobal. Buo na ang kanyang desisyon. Wala nang atrasan, ngayong gabi ay sasabihin na niya sa mag-asawang Dela Vega ang katotohanan tungkol sa pekeng kamatayan ni Dimitri Castillo! Habang nagmamaneho papalapit sa mansion ng mga Dela Vega, umangat ang isang kilay ni Jhaz nang may makitang matuling kotse. The car was going out of the main gate and the driver was driving recklessly so it caught her attention.Agad na nagsalubong ang dalawa niyang kilay, at nang nilingon niya ito nang magpantay ang dalawang kotse, nanlaki ang mga mata niya nang makita kung sino ang laman ng sasakyan. Parang may multong dumaan sa kaniyang gilid dahil doon. It was Lyv! And her best friend was crying while riding that car! Ang malupit pa, kasama niya si Vana at isang balbasaradong lalaki na hindi niya nakikilala na siyang may hawak ng manibe
Nanginginig ang mga kamay ni Sandro nang marinig ang lahat ng iyon. Hindi siya makapaniwala, at tila ba halos pinipiga ang kaniyang puso. Ilang saglit, naramdaman niya na ang mabilis na pagtulo ng mga nagbabadyang luha kanina lamang. All he was planning was to make his wife happy, to give her the pure bouquet of white roses and to have an enjoyable special dinner with her. Ngunit sa pagkakataong iyon, alam niyang malabo na ito.Ramdam niya ang panghihina ng kaniyang katawan at halos hindi niya mawari kung anong dapat isipin o gawin.His pregnant wife was in great danger! Isipin pa lamang ito, parang pinapatay na siya sa sobrang pag-alala. Na sana, siya na lamang ang nasa kapahamakan imbis na si Lyv. If he could exchange their situation, he would be willing to be in hers.Alam niya ang kaya niyang gawin sa kahit sino mang magtatangkang manakit sa kaniyang mahal sa buhay, ngunit kahit pa ganoon, punong-puno pa rin siya ng pag-aalala at galit.Agad niyang pinunasan ang mga luha at huma
Nakaupo sa lapag ng living room si Benjamin sa kanilang bahay. Nagkalat ang mga walang lamang bote sa paligid. Nakatitig siya sa kawalan habang may hawak na bote ng alak. Punong-puno pa rin ng tanong at maraming bagay ang kaniyang isipan.Hanggang sa puntong iyon, miserable pa rin siya sa nalaman. Hindi niya pa rin malunok ang katotohanang si Vana nga ang kapatid niya. Parang isang delubyo lamang sa panaginip ang lahat—except that it was all true and was happening in reality.Tinungga niyang muli ang alak na hawak niya, ramdam niya kung paano gumuhit ang alak sa kaniyang lalamunan. Kung normal na araw lamang iyon, lasing na lasing na sana siya ngunit kahit anong inom niya, tila parang malinaw pa rin ang lahat sa kaniyang isip.Kahit na kinausap na siya ni Jhaz tungkol sa sitwasyon at sa katotohanang kapatid niya si Vana, o kahit pa pinagsabihan na siya ng kasintahan patungkol sa pagsasabi ng totoo kay Lyv, halos hindi niya pa rin magalaw ang katawan para gawin ang mga iyon. "Fuck," b
EpilogueIsang lalaki na nakasuot ng itim na tuxedo ang ngayon ay prenteng nakaupo sa loob ng isang pribadong eroplano. Walang anumang emosyon ang mababakas sa kanyang mukha. Seryoso siyang nakatitig sa labas ng bintana…ibinababad ang isip sa kawalan. “Kapag nagutom kayo, Sir, huwag po kayong mag-atubili na sabihin sa akin. Nakahanda na po ang inyong makakain. Kung gusto niyo po matulog ay ipaalam po ninyo sa akin,” sambit ng stewardess. Buong-giliw ito sa pagngiti sa kanya. Tango lamang ang kanyang isinagot dito kasabay ng pagsuot ng itim na salamin sa kanyang mga mata.Sa isang gilid naman ay nakaupo ang kaniyang sekretarya. Wala itong tigil sa pasasalita. Mula sa hawak na tablet, isa-isa niyang binabasa ang mga napipinto niyang appointments para sa araw na iyon. Sa totoo lang, gusto na muna niyang magpahinga. Nais muna niyang sulitin ang pagkakataong muli siyang tutuntong sa lupang sinilangan. “You are invited to a party tonight at 7:30 PM, Sir. Then, you will have a meeting tom
Mahalaga ang araw na ito para kay Sandro. Isang taon na rin pala ang lumipas simula nang mangyari ang pinakamasakit na trahedya sa buhay niya. Hanggang ngayon ay nagluluksa pa rin siya pero ginagawa niya ang kaniyang makakaya upang maitawid ng maayos ang bawat araw. When Sandro started to recall that fateful night, his tears fell. He never expected that he could lose her. Ni sa hingap ay naisip niyang mawawala siya sa buhay niya. Isang taon niya ring ininda ang sakit ng kaniyang pagkawala. And he doesn’t think na mawawala ang sakit. He will probably mourn her passing for the rest of his life. Noon una, halos hindi siya makatulog kaiisip kung bakit kailangan na mangyari ang bagay na iyon. Alam niya sa sariling ginawa niya ang lahat upang mailigtas sila. Subalit ganoon pa rin ang kinahinatnan. May namatay pa rin, bagay na nahihirapan siyang tanggapin hanggang ngayon. Napabuntong-hininga na lamang si Sandro habang hawak ang isang palumpon ng puting bulaklak. Siguro, kahit anong gawin
Mula sa loob ay rinig na rinig niya ang matinis na wang-wang ng sasakyan. Nakakatulig iyon, masakit sa tainga, subalit hindi iyon sapat para mainis siya sa tunog na iyon. Sa katunayan, lahat ng kumpiyansa at pang-unawang pwede niyang ibigay ay walang pag-aalinlangan niyang ibubuhos sa mga sandaling iyon. Lahat ay gagawin niya, kahit pa magbabad sa walang katapusang ingay ng isang wang-wang, makaligtas lamang ang mag-iina niya. “Can this ambulance be any faster?” sigaw niya, nagbabakasakaling may ibibilis pa ang sasakyan na lulan ang pagal at naghihirap na katawan ng asawa. Batid niyang ginagawa ng mga emergency responders ang lahat ng kanilang makakaya matulungan lamang si Lyv subalit hindi pa rin niya maiwasan ang matinding pag-aalala. Kahit naman sinong makakita sa namumutla at namimilipit na asawa, imposibleng hindi nila kaawaan ang kalagayan ng babae.Sa pagkakataong iyon, wala siyang magawa kundi hawakan ng mahigpit ang kamay ng asawa habang abala ang emergency responder sa pagk
Napalingon si Vana sa direksyon ni Sandro nang maluha-luha.Kitang-kita niya ang galit sa mga mata ni Sandro. Naaalala niyang ni isang beses ay hindi ito nagalit sa kanya. Hindi siya nito pinanlilisikan ng mga mata. Ang dating pagmamahal na pinagsasaluhan nila ay napalitan na ng poot. Hindi na niya kilala ang lalaki.Oo nga naman at iba na ang nilalaman ng puso nito. Kaya't napuno siya ng poot at naisipang gawin ang lahat ng ito. Hindi niya matanggap na sa isang iglap ay napalitan na siya sa puso ni Sandro. Hindi niya papayagang magsama ang mga ito nang maligaya!Ngunit nag-iba ang lahat nang malaman niya ang tunay na katauhan ni Dimitri. Hindi niya akalain na ang kuya niyang matagal na niyang hinahanap ay ang mismong itinuturing na kapatid ng kanyang karibal. Hindi na niya alam kung alin ang uunahin. Ngunit nagpakitang muli si Sandro at nanumbalik na naman ang poot sa kanyang puso."Stop this nonsense, Vana! The place was already surrounded by the police. Surrender yourself if you kn
Hindi na labis maintindihan ni Lyv ang mga kaganapan na nasa kanyang harapan. Habang pinakikinggan ang usapan nina Tri at Vana, parang walang laman ang kanyang ulo. Litong-lito na siya sa mga naririnig. Para siyang nabingi bigla nang marinig ang kwento ng kapatid. Hindi naman iyon maaari, hindi ba? Imposible. Napakaimposible na paglihiman siya ni Tri lalo na at sa ganoon kaseryosong bagay. Hindi niya iyon magagawa sa kanya. Kilala niya ang kapatid. Siya nga ba? Nais niyang tanungin ang tadhana kung paanong nangyari na ang kinilala niyang kapatid ay hindi pala niya kadugo. Ang masaklap pa, ang taong lubus-lubos ang pagkamuhi sa kanya ang siya nitong totoong kapamilya. Sadyang napakaliit ng mundo sapagkat pinagtagpo silang tatlo sa ganitong klaseng pagkakataon. Ilang beses nagpakurap-kurap ang kanyang mga mata. Hanggang sa patuloy sa pag-agos ang kanyang mga luha. Sa mga pagkakataong ito, napalingon siya sa kinaroroonan ng kaibigan subalit ibang klaseng pagtitig ang iniukol nito sa
Habang tumatagal, patindi ang patindi ang mga kaganapang nangyayari sa abandunadong lugar na iyon. Kanina lamang ay puno ito ng mga sigaw at iyak ng pagmamakaawa. Subalit ngayon, matinding pagkagulat ang namamayani sa paligid. Bakit nga hindi? Isang di inaasahang bisita ang bumulaga sa kanilang lahat.“At sino na ka namang asungot ka?” banat ni Steve. Bakas sa kanyang mga mata ang matinding pagkairita. Matagal na niyang inaasam-asam na matapos ang ikalawang bahagi ng kanyang nakakadiring pelikula. Kaya naman nang maistorbo, malulutong ng mura ang umalingawngaw mula sa kanya. Subalit hindi nagpatinag ang estranghero. Bagkus, hinarap nito si Vana nang buong katapangan. “Nakikiusap ako sa iyo, itigil mo na ito.”Natawa ng pagak ang dalaga. Umirap ang kanyang mga mata pagkatapos ay nagwika, “At bakit ko naman gagawin iyon? Can’t you see I am having some fun here?”“You have to,” Benjamin reasoned. “It is not too late. Maaayos mo pa ang buhay mo.”Natawa pa si Vana habang pinagmamasdan an
Ilang sandali pa ay nag-ring nang muli ang telepono ni Sandro.Rumagasa ang kaba sa kanyang dibdib nang makilala ang number. Si Vana!Agad niya itong sinagot habang ang IT expert ay nakaantabay lang sa gilid niya."Hello, Vana?" pagbati niya."Aw! Wala man lang kalambing-lambing sa boses mo, baby," komento nito saka tumawa. "So, ano? Nakapagdesisyon ka na ba?"Napatiim-bagang pa siya at napabuga ng hangin nang marahan. Ipinikit niya ang kanyang mga mata bago siya tumango. "O-oo. Pumapayag na ako sa kondisyon mo. Kalayaan ko kapalit ng kalayaan ng asawa ko," sa wakas ay sambit niya. Hindi niya halos masikmura ang isipin na sasama siya sa babaeng ito sa gayong ipinahamak nito ang kanyang asawa. Ang gusto niyang gawin ngayon ay ang sakalin ito at patayin! Hinding-hindi niya mapapatawad si Vana sa ginawa nito.Napahalakhak nang malakas si Vana mula sa kabilang linya. Sa puntong iyon, nakangisi na si Vana habang nakatingin kay Lyv na nakatali at nakabusal sa may bakal na upuan. Pawisan ito
Hawak-hawak ang masakit na ulo mula sa pag-iyak ay matagal-tagal bago napagpasyahan ni Sandro na sagutin ang kanina pa tawag nang tawag na numero sa kanyang cellphone.Pinahid niya ang mga luha gamit ang braso at umakto nang maayos."Hello?" iyon ang bating panimula niya. Kinakabahan siya. Paano kung si Vana na pala ang tumatawag at hindi niya man lang ito nasagot kaagad?Sinipat niya ng tingin ang ilang kapulisan na nakatambay sa kanyang salas."Hello, Sandro dela Vega? Ikaw ba 'to?"Tila nanigas si Sandro nang dahil sa narinig. Hindi siya maaaring magkamali sa boses na iyon. Paano ba niya malilimutan ang boses na ito kung isa ito sa pinaka importanteng tao sa buhay nila ni Lyv.Ngunit, paanong nangyari ito?"Alam kong gulat ka, dela Vega. Pero ako talaga ito. Si Tri," pag-amin naman ng lalaki sa kanya mula sa kabilang linya.Ang kanyang kausap ay walang iba kundi si Atty Dimitri Castillo.Ngunit, paano ito nangyari? Namatay na si Tri. Kitang kita ng dalawang mga mata niya ang duguan
“Pakawalan mo na ako, please. Maawa ka sa mga anak ko. Wala silang kasalanan.”Hindi na mabilang ni Lyv kung makailang-ulit na niyang sinasabi ito. Halos nawawalan na rin siya ng boses sa kakasigaw. Tuyong-tuyo na rin ang lalamunan niya sa sobrang uhaw. Nanghihina na rin ang kanyang katawan sapagkat ang huling kain pa niya ay kaninang tanghalian. “Vana Enriquez…Nagmamakaawa ako. Inosente ang mga anak ko. Wala silang kamuwang-muwang sa lahat nang ito,” minsan pa ay ibinuka ng kanyang bibig. Pagod na ang kanyang katawan at isipan subalit hindi ang kanyang puso. Kakayanin niya, alang-alang sa kanyang mga mirasol.“Please, Vana,” untag niya gamit ang isang basag na boses. “Huwag ang mga anak ko…Ako na lang…Ako na lang ang saktan mo, huwag na sila.”Pagkatapos nito, marahas na humarap sa kanya ang dalagang may hawak ng kanyang buhay. Nanlilisik ang mga mata nitong lumapit sa kanyang kinaroroonan. Dinaklot nito ang kanyang magkabilang pisngi gamit ang kanan niyang kamay. Ramdam na ramdam n