Ramdam na ramdam ni Lyv kung paano dumagundong ang kalabog ng kaniyang dibdib dahil sa sitwasyong iyon. Kitang-kita ang pagkagulat at takot sa kaniyang mukha. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang narinig. Halos hindi siya makahinga nang maayos dahil sa takot na mangyari ang iniiwasan niyang mangyari. At iyon ay mapunta sa peligro ang buhay ng mga taong pinaka-iniingatan niya.At iyon ay ang mga sanggol sa kanyang sinapupunan, ang kanyang mga munting mirasol. Putlang-putla ang kaniyang mukha habang ang mga mata'y hindi makatingin nang maayos kay Vana. 'Gusto niya akong kunin? Para ano? Para saktan? She wanted to hurt me that bad?' Punong-puno ng tanong ang kaniyang isip, at para bang sasabog na siya sa tindi ng pagdagsa ng mga emosyon.Gusto siyang kunin ni Vana—kukunin sa ayaw at gusto niya. She had no other choice or else, everyone's life would be at stake.Ngunit kahit sa sitwasyong iyon, hindi niya maintindihan kung bakit kailangang umabot pa sila sa puntong iyon.“Anong sabi mo?
Halos hindi mapigil ang pag-iyak ni Jhaz habang nakasakay ng kaniyang kotse. Hindi niya pa rin lubos na maintindihan kung bakit ang duwag ni Benjamin! Hindi ba nito nari-realize na habang pinatatagal niya ang lahat, mas lalong lalalim ang sakit na mararamdaman nina Lyv at Vana?Alam niyang masakit at mahirap tanggapin ang katotohanang kapatid nito si Vana ngunit walang magagawa ang pagpapakalunod nito sa alak.Masakit, nakakagulat—oo, ngunit dahilan ba ito para umakto siyang parang katapusan na ng mundo? Kahit siya, nagulat sa nalaman, ngunit una niyang naisip si Lyv na may karapatang malaman ang lahat.Pinunasan niya ang tumutulong luha nang makitang halos natatakpan na nito ang kaniyang paningin. She sniffed and bit her lower lip hard. Jhaz wanted to smack and strangle Benjamin for being such a coward! At saan ba siya dadalhin ng pagkaduwag niya? Ngunit kahit gusto niya mang sakalin ang kasintahan sa inis, alam niyang hindi niya ito magagawa. Masyado niyang mahal ang lalaki para s
Pilit na nagpapakatatag si Jhaz. Hindi na niya maaatim pa na magsinungaling pa sa kaibigan lalo na pagkatapos marinig ang katotohanan kung nasaan ang totoong Olivia Cristobal. Buo na ang kanyang desisyon. Wala nang atrasan, ngayong gabi ay sasabihin na niya sa mag-asawang Dela Vega ang katotohanan tungkol sa pekeng kamatayan ni Dimitri Castillo! Habang nagmamaneho papalapit sa mansion ng mga Dela Vega, umangat ang isang kilay ni Jhaz nang may makitang matuling kotse. The car was going out of the main gate and the driver was driving recklessly so it caught her attention.Agad na nagsalubong ang dalawa niyang kilay, at nang nilingon niya ito nang magpantay ang dalawang kotse, nanlaki ang mga mata niya nang makita kung sino ang laman ng sasakyan. Parang may multong dumaan sa kaniyang gilid dahil doon. It was Lyv! And her best friend was crying while riding that car! Ang malupit pa, kasama niya si Vana at isang balbasaradong lalaki na hindi niya nakikilala na siyang may hawak ng manibe
Nanginginig ang mga kamay ni Sandro nang marinig ang lahat ng iyon. Hindi siya makapaniwala, at tila ba halos pinipiga ang kaniyang puso. Ilang saglit, naramdaman niya na ang mabilis na pagtulo ng mga nagbabadyang luha kanina lamang. All he was planning was to make his wife happy, to give her the pure bouquet of white roses and to have an enjoyable special dinner with her. Ngunit sa pagkakataong iyon, alam niyang malabo na ito.Ramdam niya ang panghihina ng kaniyang katawan at halos hindi niya mawari kung anong dapat isipin o gawin.His pregnant wife was in great danger! Isipin pa lamang ito, parang pinapatay na siya sa sobrang pag-alala. Na sana, siya na lamang ang nasa kapahamakan imbis na si Lyv. If he could exchange their situation, he would be willing to be in hers.Alam niya ang kaya niyang gawin sa kahit sino mang magtatangkang manakit sa kaniyang mahal sa buhay, ngunit kahit pa ganoon, punong-puno pa rin siya ng pag-aalala at galit.Agad niyang pinunasan ang mga luha at huma
Nakaupo sa lapag ng living room si Benjamin sa kanilang bahay. Nagkalat ang mga walang lamang bote sa paligid. Nakatitig siya sa kawalan habang may hawak na bote ng alak. Punong-puno pa rin ng tanong at maraming bagay ang kaniyang isipan.Hanggang sa puntong iyon, miserable pa rin siya sa nalaman. Hindi niya pa rin malunok ang katotohanang si Vana nga ang kapatid niya. Parang isang delubyo lamang sa panaginip ang lahat—except that it was all true and was happening in reality.Tinungga niyang muli ang alak na hawak niya, ramdam niya kung paano gumuhit ang alak sa kaniyang lalamunan. Kung normal na araw lamang iyon, lasing na lasing na sana siya ngunit kahit anong inom niya, tila parang malinaw pa rin ang lahat sa kaniyang isip.Kahit na kinausap na siya ni Jhaz tungkol sa sitwasyon at sa katotohanang kapatid niya si Vana, o kahit pa pinagsabihan na siya ng kasintahan patungkol sa pagsasabi ng totoo kay Lyv, halos hindi niya pa rin magalaw ang katawan para gawin ang mga iyon. "Fuck," b
Ilang beses nagparoo't parito si Sandro sa loob ng kanilang bahay. Nangangalumata na siya habang dilat na dilat ang mga matang balisa buong magdamag. Magmula noong mangyari ang lahat ng ito ay hindi na siya dinalaw ng antok o ng pagod. Kinakain siya ng kanyang pag-aalala. Pag-aalala at takot kung nasaan ang asawa na nasa bingit ng kamatayan.Maraming tanong ang pumapasok sa kanyang isipan. Sa dami niyon ay halos sumabog na ang utak niya sa paghahanap ng sagot.Paano kung hindi tumupad sa usapan si Vana? Paano kung nililinlang lang siya nito? Paano kung nasa bingit na ng kamatayan ang kanyang asawa? O ang mas malala paano kung tuluyan na niya itong binura sa mundo?Hindi! Hindi siya makakapayag. Paano na siya? Makakayanan pa kaya niya ang lahat nang hindi ito kasama?Ang isipin pa lang iyon ay tila pinaparusahan na siya ng langit dahil sa mga nagawa niya. Isa siyang inutil na kabiyak. Isa siyang walang kwentang tao na hinayaan na ang kanyang mismong minamahal na mapahamak nang dahil s
Nagimbal si Sandro nang marinig niya ang boses na iyon. Halos manigas siya sa kanyang kinatatayuan. Hindi pa rin siya makapaniwala.Ang boses ni Vana.Lulan ng boses na iyon ay ang alaala ng isang nakagigimbal na eksena sa kanyang buhay. Ang sugatang katawan ng kanyang lola, ang mga nanginginig na mga kasambahay nila, at ang nadatnang walang buhay na secretary na si Georgie. Lahat iyon ay tila isang sampal na bumalik sa kanyang isipan.Napatiim-bagang siya. Mahigpit ang kanyang paghawak sa aparato kung saan ay tumatawag ang kanyang ex-girlfriend.Naipipinta na niya sa kanyang isipan ang mga salitang nais niyang sambitin sa babae. Gusto niya itong murahin. GUsto niya itonh sumpain. Ang babae na nasa kabilang linya ang dahilan ng kanyang paghihirap kabilang ang kanyang mga mahal sa buhay.Ngunit wala siyang magagawa sa panahong ito. Hawak ni Vana ang buhay ng kanyang mag-iina. Hindi siya maaaring magkamali ng galaw.Naroon ang mga kapulisan at naka-standby lang habang nakikinig sa kanil
Gusto nang suntukin ni Benjamin ang manibela niya nang paulit-ulit. Kanina pa siya napipikon sa nakahambalang na malaking dam truck sa express road. May mga tauhan ng MMDA na ang naroon at pinatitigil nang ilang sandali ang mga sasakyan. Masyadong malaki ang kinain na espasyo ng natumbang dam truck karga ang tone-toneladang dressed chicken. Nagkalat ang amoy nito sa buong paligid ngunit hindi iyon ang nagpapainis sa kanya sa mga oras na iyon.Gusto na niyang puntahan ngayon sina Lyv at ang kapatid niya. Subalit na-stuck siya. Wala siyang magawa. Takbuhin man niya ang kalsada'y malayo pa rin ang kanyang lalakbayin.Pasado alas kwatro na ng hapon ngunit hindi pa siya nakakarating sa kanyang destinasyon. Masyado nang maraming oras ang nasayang. Kung hihintayin naman niyang matapos ang komosyon ay tiyak na tuloy-tuloy ang kanyang biyahe. Mabuti na lamang at nasa harapan siya ng pinangyarihan ng aksidente at mas madali na lamang na umusad oras na sumenyas ang mga taga-MMDA na pwede nang d