“Lyv! Are you okay, hija?”
Tinig iyon ni Madam Anastacia. Humahangos niyang tinungo ang kama ng dalaga kung saan ito nagpapahinga. Nasa likod nito si Georgie na nanatiling nakatayo sa may hamba ng pintuan at tahimik na nagmamasid.
Kasalukuyang nasa silid nila ang mag-asawa at nag-uusap nang dumating ang donya sa mansyon. Si Ate Marissa naman ay abala sa pag-aayos ng mga gamit sa ibabaw ng kama upang maging komportable ang pinagsisilbihang amo.
It was Georgie who informed Madam Anastacia Dela Vega about the mysterious package Sandro’s wife received that day. Alam kasi ni Sandro na kapag ang matandang sekretaryo ang nagsasabi ng mga maseselang balita sa lola niya, mas nagiging mahinahon ang nagiging reaksiyon nito kumpara sa kung kanya magmumula a
Kung mayroong isang bagay na hindi madalas gawin ni Sandro kapag may problemang dinadaan, iyon ay ang magbabad sa alak. Hindi siya pinalaking ganoon ng lola. Sanay siya na palaging one step ahead of the game palagi. Subalit sa pagkakataong ito, nais niyang magkubli sa nakakalasing na inuming ito.Kasalukuyan niyang binabagtas ang daan papunta sa bar. Halos tutuntong na ang oras sa ikalabing-isa ng gabi nang magpasya siyang lumabas ng bahay. Nais niyang huminga. Nais niyang kumalma.Bakit? Sapagkat hindi niya kayang tanggapin ang tinuran ng lola niya kanina. Namutawi sa kanyang isipan ang naging pag-uusap nila kulang isang oras na ang nakararaan.“What did you say, Mamita?” seryosong tanong ni Sandro.
Benjamin Cristobal was staring blankly outside the window as their vehicle passed by the road. He may not have seen this in decades yet the familiar feeling rising in his heart was enough for him to be overwhelmed.Kasalukuyan nilang binabagtas ang bayang sinilangan ni Benjamin kasama ang kanyang kasintahan na si Jhaz. Dala ng pag-aalala na maaari siyang maapektuhan kapag tumuntong na sa lupang tinubuan, nagdesisyon silang si Jhaz na ang magmaneho ng sasakyan. HIndi naman sila nagkamali ng desisyon sapagkat pagkatapos lampasan ng arko papasok ng maliit na bayan ng Santa Ines, naging balisa na ang binata. Panaka-naka naman siyang pinagmamasdan ng nobya subalit hinayaan siyang mapag-isa sa sariling pag-iisip.“You okay?” hindi nakatiis na tanong ni Jhaz. Nanatili man ang atensyon sa kalsada, hindi niya mapigilan ang s
“Sir, sir! Gising na po. Magsasara na po kami.”Naalimpungatan si Sandro sa tinig na iyon. Nang imulat ang mata, natanaw niya ang isang lalaking may kalakihan ang katawan at ang kaherang nag-serve sa kanya kagabi. Sa pangangatawan pa lamang ng lalaki, obvious na isa itong bouncer ng naturang bar.“Pasensya na po, sir, pero kailangan n’yo na pong umalis. Kailangan na po naming linisin ang buong bar.”Nag-aalangang bumangon si Sandro at tiningnan ang oras sa kanyang orasan. Ganap nang ikapito ng umaga. Binalingan niya ang ang serbidora at ang bouncer at tumalima sa kanilang ipinakiusap.Dahan-dahan niyang tinungo ang banyo. Pinagmasdan niya ang sarili sa malaking salamin sa ka
It’s Saturday morning, Vana’s favorite day of the week.As expected she was in a very festive mood. Espesyal ang araw ng Sabado para sa kanya sapagkat lahat halos ng masasaya at magagandang bagay na nangyari sa kanya ay naganap sa araw ng Sabado. Call that a freakin’ coincidence but that’s how it is. Palaging kasiyahan ang hatid ng araw ng Sabado sa kanya.Maaga siyang bumangon upang maglinis ng kanyang bahay. Magmula kasi nang kupkupin niya ang palamunin niyang adoptive brother, hindi na siya nag-hire ng kasambahay. Kahit man lang stay-out na katulong upang mag-vacuum man lang ng sahig ay hindi niya sinubukang kumuha. The risk was too high. Hindi niya nais ipagkanulo ang kapatid.Because if Steve will go down, she woul
“Anything? Even taking the life of my children?”Pagkawika ni Sandro ng mga katagang iyon, marahas niyang inalis ang mga braso ng dalaga sa kanyang baywang. Pagkatapos, puno ng pag-uusig niyang hinarap ang kasintahan.“I never thought you are capable of doing such a thing!”That’s it! Everything doesn’t make sense now. Vana is totally clueless about what is going on. Hindi na niya maarok kung ano ang ibig sabihin ng mga salitang iyon ni Sandro.“Ano bang sinasabi mo? Hindi kita maintindihan. You are really not making sense right now.”“The nerve of you to say that,” may pang-uuyam na sa
Akala ni Sandro, ang araw na nadukot sila ni Lyv ang pinakamasamang pwedeng mangyari sa kanyang buhay. Na ito na ang worst day of his life. Nagkamali siya.Walang tigil ang pag-agos ng masaganang luha sa kanyang mga pisngi. Panay ang punas niya sa kanyang basang mga mata. Ang paghilam kasi ng mga ito sa luha ang nagpapalabo sa kanyang paningin. Kasalukuyan siyang nagmamaneho ng kanyang sasakyan. Kung saang direksyon? Hindi niya alam. Ang alam lamang niya. Nais niyang pansamantalang kumawala sa lahat ng mga bagay na nagyayari sa kanyang buhay.Nais niyang lumayo. Nais niyang magtago. Nais niyang mapag-isa.Sampung taon. Sa loob ng sampung taon, wala siyang minahal kundi si Vana. Wala siyang inisip kundi ang kapakanan nito. Ibinigay niya ang lahat-lahat sa babae, a
“Never be afraid to start over, it’s a new chance to rebuild what you want.”Sa loob ng halos apat na linggong pagmumukmok at pagpapaka-busy sa trabaho, Sandro finally had enough. Sa paglipas ng mga araw, unti-unting nawawala ang sakit na idinulot ng pagtataksil sa kanya ni Vana. Hindi man ganap pang nawawala, masasabi niyang ito ay kaya na niyang tiisin. Akala niya, aabutin pa siya ng taon o kaya ay buwan para masabing okay na siya mula sa sugatan niyang puso. Siguro, malakas lang talaga siya kay Lord. O kaya naman, sadyang naka-survival mode lang talaga ang kanyang sarili. Ika nga nila, walang lugar ang pagiging mahina, walang puwang ang self-pity. Isa siyang Dela Vega at marapat lamang na pangatawanan niya iyon. Kasalukuyan siyang nasa loob ng kanyang opisina at nagmumuni-muni. Iginala niya ang mga mata sa kabuuan ng silid. Napangiti siya sa kanyang sarili. Malayo na ang narating niya buhat nang mangyari ang insidenteng tuluyang tumapos ng kanyang relasyon kay Vana. Siguro para
Sa madilim na kwarto, rinig na rinig ni Benjamin ang katahimikan. Tanging ang kaniyang isipan lamang ang bumubulong, malakas—magulo.Kitang kita sa mukha niya ang panghihinayang at sakit. Noon pa man, hindi na siya makapaghintay na mahanap ang kaniyang kapatid na si Olivia. But fate was against his desire to see her. Laging ang panghihinayang sa nagdaang taon ang namumutawi sa kaniyang magulong isipan. Na sana, imbis na nanatiling walang ginagawa at nakapako sa katauhan niyang si Dimitri Castillo, sana'y ginamit niya na lamang ang oras para sa paghahanap.Hinilamos niya ang palad sa kaniyang mukha at malakas na napabuntong hininga. He could not deny the lingering frustration deep within his heart. He was deeply and visibly upset of the situation.Hanggang ngayon, hindi niya pa rin mahanap ang nakababatang kapatid.Napatingala si Benjamin habang nakaupo sa sahig at nakasandal sa gilid ng kama. Hindi niya mapigilang mapaisip kung nasaan na siya, kung maayos ba ang kalagayan niya, kung