CHAPTER 5
Napabalikwas ng bangon si Samantha. Kasunod noon ay muling nanakit ang kaniyang ulo dahil sa biglaan niyang pagkilos. Ngunit sa halip na indahin ang sakit na nararamdaman ay ganoon na lamang ang panlalaki ng kaniyang mga mata nang makita ang malaking bulto ng kaibigan sa tabi niya.
Himbing na himbing pa rin ang lalaki. Kagaya niya, wala rin itong anumang saplot sa katawan. Realization dawned at her, she doesn’t need to ask what happened. Ang pananakit ng bahaging iyon sa pagitan ng kaniyang mga hita ay patunay lamang na may nangyari sa kanila ni Marco.
She tried to stand up but decided to pay the man beside her one last look. Nang mapagmasdan niya ang kabuuan ng mukha ng lalaki ay biglang nag-init ang sulok ng kaniyang mga mata.
Marco is a handsome guy, no doubt about it…with a physique that both men and women would be drooling on. Hindi nga ba’t ang mga kaibigan nilang lalaki ay hindi maiwasang managhili sa magandang pangangatawan nito? Para naman sa mga babaeng kagaya niya, hindi na mabilang ang mga nahuhumaling dito at nagpapantasyang kahit saglit ay pansinin naman nito.
And what’s so embarrassing is kabilang siya doon, kahit pa nga ba ang turingan nila ay sa magkaibigan lamang dapat. Masakit man sa dibdib, pero sa nangyari ngayon ay hindi na siya nakatitiyak kung marapat pa bang ipagpatuloy nila ang pagiging mabuting magkaibigan.
Sa bahagi niya ay alam niyang hindi na siya maaaring sumama pa sa lalaki dahil tiyak niyang bistado na nito ang pinakalilihim niyang damdamin para dito. Hindi niya makakaya sakaling sumbatan siya nito o pagtawanan dahil sa kaniyang kahibangan.
Nahigit ni Samantha ang paghinga ng bahagyang gumalaw ang lalaki. Hindi maaaring magisnan siya nito. She needs to act fast. Hindi niya alam kung paano ito pakikiharapan pagkatapos ng naganap sa kanila. Kailangan na niyang umalis ngayon bago pa man ito magising.
Napatingin siya sa orasang nakasabit sa dingding, alas cuatro ng madaling araw. Marahil ay may masasakyan na siya pabalik ng Maynila sa ganitong oras. Nahiling niyang sana’y wala pang gising sa mga kaibigan ng sa gayon ay hindi na rin magkaroon ng kumplikasyon ang gagawin niyang pag-alis.
Kung pinangangambahan niya ang magiging reaksiyon ng lalaki, lalong higit ang sasabihin sa kaniya ng mga kaibigan. At si Chelsea, kakayanin ba niya kung sakaling paratangan siya nitong mang-aagaw? May palagay siyang alam ng babae na dito sa kaniyang cottage nagpalipas ng magdamag si Marco.
Dali dali siyang nag-ayos ng sarili. Nang akma na niyang pipihitin ang doorknob ay napatda siya, narinig niya ang tinig ni Marco. Kinakabahang nilingon niya ang kinaroroonan nito. The man was talking in his sleep
“C-Chelsea? N-no! I’m sorry, I didn’t mean it to happen…h-hindi…Sam…oh, ikaw talaga ang mahal ko. I just don’t know how to tell her this na hindi siya masasaktan. Promise, I will do my best para maayos ang gusot na ito…don’t worry, everything will be all right…”
Iyon ang malinaw na narinig ni Samantha mula sa nakapikit na lalaki. Sa paputol putol na salita nito ay naisip niyang nananaginip ito. Kausap nito marahil si Chelsea and they were talking about her. At kahit hindi ipaliwanag sa kaniya ay alam niya ang kahulugan ng lahat ng sinabi nito.
She was already a nuisance sa pagmamahalan ng mga ito. At nahihirapan na si Marco because he was torn between his best friend and his true love. Hindi niya sukat akalaing darating sila sa puntong ito.
Hindi na niya hihintayin pang sumbatan siya ng kaibigan sa ginawa niyang pang-aakit rito ng nagdaang gabi. Tiyak niyang sasabihin nito sa kaniya na ang ginawa niya ay lalo lamang magpapagulo sa sitwasyon nito at ng babaing pinakamamahal.Lalo lang madaragdagan ang nararamdaman niyang bigat ng kalooban kaya ngayon pa lamang ay lalayo na siya. Mahirap man ay kakayanin niya.
Nasa bahay na siya at kasalukuyang nagpapahinga nang marinig niya ang pakikipagtalo ni Marco sa kaniyang papa. He was insisting na magkausap silang dalawa, pero mahigpit ang kaniyang pakiusap na kahit anong mangyari ay ayaw niyang makaharap ang lalaki sa kabila ng labis na pagtataka ng ama. Ilang beses ding nagpabalik-balik sa kanila si Marco pero pinangatawanan niya na iwasang magkausap silang dalawa.
Halos dalawang linggo din siyang nagkulong sa loob ng kanilang bahay pero kahit anong pilit ang gawin ni Don Hernando upang malaman kung ano ang nangyari ay tikom ang kaniyang bibig.
Maging si Shiela na pinakamalapit sa kaniya sa lahat ng kaniyang mga kaibigan ay gusto na ring panghinaan ng loob dahil sa pananahimik ni Samantha. Dumalaw ito sa bahay nina Samantha upang kausapin ang kaibigan at alamin ang tunay na dahilan.
“Samantha, tell me…ano ba talaga ang nangyari? Ang sabi ni Marco ay ayaw mong makipag-usap sa kaniya o kahit kanino. Hindi ka na rin pumapasok sa school. Alalahanin mong ilang linggo na lamang at graduation na. Kung anuman ang gumugulo sa iyo ay narito lamang ako.I am very much willing to lend you my ears,” naiiyak na sabi sa kaniya ng kaibigan subali’t nanatili lamang na nakatingin dito si Samantha. Kaya’t sa bandang huli ay malungkot din itong nagpaalam kay Don Hernando.
“Samantha anak, I’m starting to get worried. Kapag nagpatuloy ito ay nangangamba akong maapektuhan pati kalusugan mo. At hindi maaaring wala akong gagawin para matigil na itong pag-eermitanya mo dito sa bahay. Whether you like it or not ay isa-isa kong kakausapin ang mga kaibigan mo at kaklase, and I will start with Marco.” ultimatum na sabi ni Don Hernando.
Sa narinig ay biglang kinabahan si Samantha. Kilala niya ang ama, kapag sinabi ay talagang gagawin nito. Bagama’t hindi siya nakatitiyak kung may ideya ang lahat ng kasama nila sa resort sa kung ano ang nangyari ay baka makabuo ng sariling konklusyon ang ama after nitong makipag-usap sa mga ito.
“P-papa…I’m so sorry. Hindi ko gustong mag-alala ka sa akin, pero hayaan mo muna ako, please. Just give me enough time, para masabi ko sa iyo ang lahat ng gusto mong marinig. B-but for now, what I want you to know is that…I love you so much, papa.”
Pagkasabi noon ay mahigpit na yumakap si Samantha sa ama bago pinakawalan ang mga luhang kanina pa pinipigil. Gumanti naman ng mahigpit ding yakap si Don Hernando. Hindi na rin niya mapigilan ang mapaiyak. Sa sarili ay nasabing hahayaan na muna niya ang anak sa pakiusap nito. She is starting to open-up, so this is a good sign. Kung anuman ang gumugulo sa kalooban nito ay ipadarama na lamang niya ang kaniyang suporta rito.
“H-hush…stop crying Hija. Narito ang papa, whatever is troubling you, always remember that you are not alone. Love na love ka rin ng papa. Whatever your pain is, let me help you in easing it. Always keep in mind that I’m here for you.”
KINABUKASAN ay ikinatuwa ni Don Hernando nang magisnang nag-aalmusal ang anak. Nakabihis na rin ito at kung hindi siya nagkakamali ay papasok na ito sa unibersidad kung saan malapit na itong magtapos sa kursong Business Management.
Kung tutuusin ay formality na lamang talaga ang pagre-report nila sa unibersidad dahil nga in two weeks-time ay graduation na. May mga clearances pa na kailangang papirmahan at mga papers at documents na kailangang maipasa nang sa gayon ay hindi na magka-aberya pa pagsapit ng tinatawag nilang “big day” na siyang pinakahihintay ng lahat, hindi lamang ng mga estudyante kung hindi pati na rin ng mga magulang.
“Paalis ka na ba, Hija? Gusto mo bang ipahatid kita kay Manong Gusting mo?” tanong ni Don Hernando nang tumayo na ang dalaga at kuhanin ang mga gamit nito.
“Hindi na po, papa. May usapan kasi kami ni Shiela na magkikita kaya baka mainip si Mang Gusting. Dadalhin ko na lamang ang sasakyan.”
“Are you sure, Hija, na kaya mong mag-drive?”
“Don’t worry Papa, I’m okay now. Pagkatapos nating mag-usap kagabi ay medyo gumaan na ang pakiramdam ko. Nagi-guilty nga ako dahil pinag-alala ko kayong lahat. Pasasaan ba’t…oh never mind. Sige po, papa, aalis na ako.”
Wala ng nagawa si Don Hernando kung hindi ihatid na lang ng tanaw ang anak. Bagama’t banaag pa ang lungkot sa mga mata ng dalaga ay nagawa na rin nitong ngumiti kahit tipid na tipid. Para sa kaniya ay malaki ng improvement iyon kung babalikan niya ang ilang linggong pananahimik ng anak.
CHAPTER 6Gulat na gulat ang hitsura ni Shiela nang mabungaran ang nakatayong si Samantha pagkabukas niya ng pinto.“S-Samantha…a-ano’ng…c’mon, halika sa loob,” hindi magkandatutong sabi nito habang hinihila ang kaibigan papasok sa loob ng bahay.“N-nagsadya ako rito to say I-I’m sorry—”“Shh…hindi mo kailangang…” putol ni Shiela sa sinasabi ni Samantha ngunit hindi siya pinansin nito at ipinagpatuloy ang pagsasalita.“—kung pinag-alala ko kayong lahat. It’s just that hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang lahat ng mga itinatanong ninyo at kung saan ako mag-uumpisa.”Hinawakan ni Shiela ang dalawang kamay ni Samantha bago seryosong tumingin sa mga mata nito. “Why don’t you start from the beginning?” usal nito sa tinig na punong-puno ng pang-unawa. Mahigpit din nitong pini
CHAPTER 7Magtatatlong linggo na halos si Samantha sa New York sa poder ng kaniyang Auntie Lorena pero hindi pa rin siya nakakakilos ng normal. Para lamang siyang isang robot na kung hindi pipindutin ang remote control upang ito’y mapagalaw ay hindi talaga ito kikilos. Ganoon din si Samantha, kakain lamang kapag pinilit ng tiyahin, tutulog lamang pagsapit ng gabi pero sa tuwina ay palagi lamang itong nakatulala kung hindi man nakatanaw sa malayo.At nagsisimula ng mag-alala para sa kaniya ang tiyahin. Nalulungkot siya sa tuwing nakikita ang pamangkin na parang laging wala sa sarili, hindi lamang dahil sa anak ito ng kaniyang Kuya Nanding kung hindi dahil ang turing niya dito ay para na ring anak.Noong siya ay nasa Pilipinas sa piling ng mag-ama, sanay siyang nakikita ang noon ay nagdadalaga pa lamang na si Samantha na punong-puno ng sigla. Masayahin at marami laging kuwento kaya naman kahit sila lamang tatlo sa malaki nilang ancestr
CHAPTER 8Biglang ipinilig ni Samantha ang ulo sa bahaging iyon ng nakaraan. Nang magtama ang kanilang mga mata’y agad na iniiwas ni Samantha ang kaniyang paningin. Kung nakamamatay ang mga titig na iyon ng lalaki’y kanina pa siya marahil bumulagta.“Bakit hindi ka makasagot, Sam? Did I hit home?” marahas na tanong ni Marco kasabay ng mahinang pagyugyog sa kaniyang balikat.“I-I don’t know what you’re saying! At puwede ba, let go of me! You’re hurting me…”“At ako, Sam? Sa palagay mo ba ay hindi ako nasasaktan? Did you ever think how I felt nang hindi na kita nagisnan paggising ko that morning? Damn it, you were a virgin! I hated myself then dahil alam kong pinagsisisihan mo ang nangyari sa atin. Inisip kong…baka nasaktan kita, kaya ka biglang umalis…”Sunod-sunod ang ginawang pag-iling ni Samantha. “I-I don’t want to talk about it an
CHAPTER 9 “Narito na po tayo, Senyorita,” pukaw ni Mang Gusting na siyang ikinagising ni Samantha.“Tiyak na matutuwa ang inyong papa. Sige na po, ako na po ang bahala sa lahat ng gamit ninyo.” Hindi maikakaila ang kasiglahan sa tinig ng matanda kaya naman kahit hirap na hirap ay pinilit ng dalaga na ngumiti, pagkatapos umusal ng mahinang pasasalamat. Pagkababa ng sasakyan ay gustong mapaiyak ni Samantha dahil sa pamilyar na tanawin na sumalubong sa kaniya, gayundin sa mga kasambahay na isa’t-isa’y nagpahayag ng kagalakan sa muli niyang pagbabalik. Kinamusta din niya ang mga ito at sinabihang lubos ang kaniyang kasiyahan ng mga oras na iyon.Habang papasok sa loob ng kabahayan ay minsan pa niyang pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng paligid na kaniyang
CHAPTER 10 Napabalikwas ng bangon si Samantha nang magkaroon ng pakiramdam na may nagmamasid sa kaniya. Naningkit ang kaniyang mga mata nang mabuglawan kung sino ang prenteng nakaupo sa gilid ng kama at nakatunghay sa kaniya habang siya ay natutulog. “A-ano’ng ginagawa mo rito? Hindi ka ba marunong kumatok?” aniya sa pagalit na tinig. “How’s your sleep, sweetheart? Hindi ka pa rin nagbabago. Napakaganda mo pa rin even in your sleep,” nakangiting turan ni Marco na hindi pinansin ang tanong ng dalaga. “At kailan pa nangyari na kumatok ako sa silid mo? Hindi ba’t maging ikaw ay sanay ring maglabas-masok sa aking kuwarto.” Nanunuksong ngumiti it
CHAPTER 11 Pagkatapos magpaalam ni Marco kay Don Hernando ay nagdesisyon siyang bumalik sa kompanyang pag-aari niya- ang MSS Techtronics Holdings, an eminent company that launched the cordless technology in the country. It innovated and established Power Tools, Outdoor Power Equipment, Floor to Ceiling Care Appliances and Accessories, Mechanical Devices and Machineries that would really bring great help and modern convenience in the different industries here and abroad. Ang opisina niya ay nasa ikadalawampung palapag ng gusali na pag-aari mismo ng MSSTTH at matatagpuan sa Ortigas. Walong palapag ang okupado ng iba’t-ibang departamento ng kompanya samantalang ang iba pang natitira ang nagsisilbing showroom para sa lahat ng produkto nila. Ang malaking planta nila ay nasa likurang bahagi n
CHAPTER 12 Samantha realized that it had been three weeks already since she came back. But still, hindi pa rin niya nagagawang kausapin nang masinsinan ang ama dahil pinangungunahan lagi siya ng takot. Kaya naman ilang araw na rin siyang hindi mapalagay lalo’t sa tuwing tumatawag ang tiyahin ay wala na itong binanggit kung hindi ang tungkol doon. At totoong nape-pressure siya sa pangungulit ng tiyahin. Idagdag pang miss na miss na rin niya ang anak. This is the very first time na napalayo siya kay Makki nang matagal. Hindi naiibsan ang pangungulila niya sa bata sa simpleng pakikipag-usap niya dito sa telepono especially when she needed to do it discreetly para maitago iyon sa ama. Nang maalala ni Samantha ang ama ay biglang sumagi na naman sa isip ang mga
CHAPTER 13 Samantha walked regally towards the lift. When she is about to push the button narinig niyang may tumatawag sa kaniyang pangalan. Isang lalaking nakangiti ang nalingunan niya. Pamilyar sa kaniya ang mukha nito. “S-Samantha, is that really you?” Pinagmasdan siya nitong mabuti. “Ikaw nga! I’m so glad to see you after a very long time!” bati nito. Nang ngumiti ang lalaki ay agad rumehistro sa isip niya kung sino ang kaharap. “P-Paulo? It’s good to see you also. Ang laki ng ipinagbago mo, ah. Muntik na tuloy kitang hindi makilala.” “Napansin ko nga. Anyway, kailan ka pa dumating?”&nbs
CHAPTER 62 Nang magbigay ng cue ang coordinator ay nagsimula nang maglakad si Samantha habang naka-abrisiyete sa kaniyang Papa na kagaya niya ay very misty rin ang mga mata. “I am so happy for you, hija! I am very confident that Marco will be taking good care of you and your children kaya naman hindi ako nangangamba kahit pa nga ba alam kong right after the wedding, you will be occupying already the house that has been gifted to you by your beloved husband.” “Thank you very much, Papa. I am indeed very lucky to have a father like you. Thank you for not giving up on me kahit pa nga kung minsan ay alam kong umiiral ang katigasan ng aking ulo. Salamat sa walang sawa mong pag-intindi at pag-unawa sa akin. I am so grateful for the unconditional love that you have been giving me simula pa ng aking pagkabata hanggang ngayon na magkakaroon na rin ako ng sariling pamilya. I just didn’t know what could have happened to me kung wala ka, gayundin siyempre si Auntie Lor
CHAPTER 61 “It is just like a déjà vu! Ganitong ganito ang nangyari when Marco and Samantha performed on stage the grand finale during the fashion show of SALORE in New York,” naluluhang sabi ni Auntie Lorena habang pinagmamasdan ang dalawa suot ang bridal gown at tuxedo na isinuot nila mismo on stage. Today is the most awaited day for the grand wedding of the century. Abala na ang lahat dahil ngayon ang araw na pinakahihintay hindi lamang ng mga kamag-anak, kaibigan at mga imbitadong panauhin kung hindi lalong higit ng dalawang taong nag-uumapaw ang mga puso sa kaligayahan dahil sa wakas ay magaganap na ang kanilang pag-iisang dibdib. Hindi rin maipaliwanag ang sayang nadarama ni Makki nang mga oras na iyon habang pinagmamasdan ang kaniyang Mommy na magandang maganda sa suot nitong dream wedding gown, gayundin ang kaniyang daddy who surpassed the looks of a hollywood actor sa suot nitong tuxedo suit. Ang mismong wedding gown na iyon ang suot ni S
CHAPTER 60 Hindi maawat sa pagpalakpak ang lahat ng mga inimbitahan ni Marco na saksihan ang kaniyang gagawing wedding proposal kay Samantha. Ginamit pa niyang dahilan ang business transaction diumano para lamang sumama sa kaniya si Samantha na hindi ito maghihinala sa kung ano ang kaniyang binabalak na gawin. Pinilit niyang pauwiin ang kaniyang mama at papa upang makasama niya ang mga ito sa napaka-memorable na event sa kaniyang buhay. Isa-isa din niyang kinausap ang mga taong malalapit sa kanilang dalawa, mga kaibigan at kasamahan sa trabaho kabilang din ang kani-kanilang pamilya. Matagal na niya itong pinagplanuhan, kaya lamang ay hindi niya maisakatuparan dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari kaya naman wala siyang magawa kung hindi ang ipagpaliban muna at hanapan ng magandang timing kung kailan puwedeng gawin. At parang gumawa na talaga ang Diyos ng paraan para matuloy na rin ang kaniyang matagal ng balak dahil isa sa mga kliyente niya
CHAPTER 59 “Where are we going?” nagtatakang tanong ni Samantha kay Marco when he fetched her from SGC. Ikinagulat niya talaga ang walang kaabog-abog na pagdating ng lalaki sa kaniyang opisina at yayain siya nito paalis right there and then. “Mamaya mo na malalaman. Don’t worry, naipagpaalam na kita kay papa kaya’t alam niyang ako ang kasama mo,” nakangiting sabi ni Marco na inalalayan na siya papalabas patungo sa private elevator nila ni Don Hernando. Pagdating nila sa ibaba ay agad nang binuksan ni Matt ang pinto ng sasakyan ni Marco na kung hindi siya nagkakamali ay doon na talaga sadyang inihimpil habang naghihintay sa kanilang pagbaba.
CHAPTER 58 “Relax, Auntie! Bakit ka ba kinakabahan?” natatawang sabi ni Samantha sa tiyahin sa mahinang tinig upang hindi makasagabal sa tinig ng pari na nagsasagawa ng panalangin para sa pagbabasbas ng SALORE, Phils. Ngayon kasi ang kanilang grand opening para sa branch ng kanilang House of Fashion and Botique na nakabase sa New York. Matagal na rin nilang pinagplanuhan ng tiyahin ang pagkakaroon ng branch ng SALORE dito sa Pilipinas kaya naman nang umuwi ang kaniyang Auntie Lorena kasama si Makki ay sinimulan na nila ang paghahanda. Bagaman medyo naging mahirap para sa kanilang mag-tiyahin ang kanilang preparasyon ay naroon naman lagi ang kaniyang papa para umalalay sa kanila. At siyempre ang mga sumunod na buwan ay naging kabahagi na rin ng kanilang paghahanda si Marco kaya naman mas lalong naging magaan para sa kanila ang p
CHAPTER 57 Pawis na pawis ang mag-ama pagkatapos nilang mag-jogging sa loob ng village kung saan matatagpuan ang mansion ng mga Sevilla. Dahil sa nalalapit na martial arts competition na lalahukan ni Makki ay minabuti ni Marco na ikondisyon nang husto ang pangangatawan ng anak kaya naman every morning ay routine na nilang dalawa ang pagtakbo. Pagpasok nila sa loob ng bahay ay sinalubong sila nina Manong Gusting at Manang Bining. “Good morning po, Sir Marco, gayundin sa aming munting prinsipe dito sa bahay,” masiglang bati sa kanila ni Manang Bining habang inaabutan sila ni Manong Gusting ng tuwalya para maipampunas sa kanilang mukha at katawan. “Good morning din po sa inyo and thank you for the towel,” sabay na sabi ng ma
CHAPTER 56 Maaga pa lamang ay nakapuwesto na ang Anti-Narcotics Group, mga kapulisan, sundalo at ang grupo ni Dante sa Batangas International Port o mas kilala sa tawag na Batangas Pier. Ito ay matatagpuan sa seaport ng Barangay Santa Clara, Batangas City. Sa lugar na ito magaganap ang paglalabas o shipment ng mga illegal na kontrabando kagaya ng mga ipinagbabawal na gamot, mga armas at iba pang smuggled goods mula sa Pilipinas patungo sa ibang bansa. Ang transaksiyon ay sa pagitan ng grupo nina Harry Evans at Congressman Julio Altamirano at sa mga negosyanteng banyaga na nagkakamal talaga ng malaking salapi dahil sa pagpupuslit ng mga bagay na kanilang pinagkakakitaan sa illegal na pamamaraan. Kung papalarin at maigugupo ng malaki at pinagsama-sam
CHAPTER 55 Nasa kalagitnaan na sila ng highway ay hindi pa rin nagsasalita si Billy kaya naman ganoon na lamang ang pagtataka ni Ramona. “Aren’t you feeling well? Bakit napakatahimik mo yata? Nakakapanibago, dahil hindi ako sanay na hindi naririnig ang boses mo every time na magkasama tayo.” Lalong naging palaisipan sa dalaga ang pagsasawalang kibo ni Billy lalo’t ni hindi man lamang siya nilingon nito pagkatapos niyang isatinig ang pagtataka. “Hey, what’s wrong? Ano ba ang nangyayari sa iyo at tila ba ayaw mo akong kausapin? Galit ka ba?” pangungulit niya sa himig na medyo may bahid na ng pagkapikon.&nbs
CHAPTER 54 Nagulat ang lahat ng Department Heads ng MSSTTH nang makatanggap ng tawag na pinapupunta silang lahat ni Mr. Marco San Sebastian sa boardroom na matatagpuan sa twentieth floor. Bagaman nagtataka dahil sa biglaang pagpapaakyat sa kanila ay walang nagawa ang mga ito kung hindi ang sumunod. “Well, alam kong kayong lahat ay nagtataka kung bakit tayo natitipon ngayon dahil batid naman nating lahat na wala tayong scheduled meeting sa araw na ito. Kaya lamang ay may importanteng sasabihin sa inyo si Mr. San Sebastian kasama ang ating Lady Boss,” very formal na paliwanag ni Billy sa harap ng mga Department Heads nang makumpleto ang mga ito. “So, hindi ko na patatagalin pa, let me call on our President, Mr. Marco San Sebastian and Miss Samantha Sevilla,” dagdag pa nito na lumingon sa direksiyon ng connecting do