CHAPTER 1 “Excuse me, ma’am. Is there anything wrong?” nag-aalalang tanong ng stewardess. Marahan nitong tinapik ang balikat ni Samantha na hindi pa rin tumitinag sa kinatatayuan habang nakapila palabas ng eroplano. Napansin kasi nito na parang wala siya sa sarili, dahilan upang magpakita ng pagkayamot ang mga kapwa pasaherong nasa likuran niya dahil sa pagkaka-antala sa pagbaba. Kapansin-pansin din ang kawalan niya ng kasiglahan samantalang ang karamihan sa mga pasahero ay sobra ang excitement hindi pa man ganap na nakakalapag ang eroplano sa NAIA. “H-Ha? Ah, no, no! I’m so sorry. Everything is fine. Or should I say, I sincerely hope that everything would turn out just fine,” matamlay na sabi niya bago nagpatuloy sa paglalakad upang sumunod sa agos ng mga taong na
Huling Na-update : 2021-09-02 Magbasa pa