CHAPTER 7
Magtatatlong linggo na halos si Samantha sa New York sa poder ng kaniyang Auntie Lorena pero hindi pa rin siya nakakakilos ng normal. Para lamang siyang isang robot na kung hindi pipindutin ang remote control upang ito’y mapagalaw ay hindi talaga ito kikilos. Ganoon din si Samantha, kakain lamang kapag pinilit ng tiyahin, tutulog lamang pagsapit ng gabi pero sa tuwina ay palagi lamang itong nakatulala kung hindi man nakatanaw sa malayo.
At nagsisimula ng mag-alala para sa kaniya ang tiyahin. Nalulungkot siya sa tuwing nakikita ang pamangkin na parang laging wala sa sarili, hindi lamang dahil sa anak ito ng kaniyang Kuya Nanding kung hindi dahil ang turing niya dito ay para na ring anak.
Noong siya ay nasa Pilipinas sa piling ng mag-ama, sanay siyang nakikita ang noon ay nagdadalaga pa lamang na si Samantha na punong-puno ng sigla. Masayahin at marami laging kuwento kaya naman kahit sila lamang tatlo sa malaki nilang ancestral mansion house kasama ang ilang kasambahay ay walang dull moments kapag naandoon si Samantha.
Kahit ang kanilang mga kasambahay ay walang maipipintas kay Samantha lalo’t ni minsan ay hindi niya pinakitaan ng anumang kagaspangan ng ugali ang mga ito. Sa katunayan kapag dumaing lamang ng kaunti si Samantha na may hindi magandang nararamdaman ay kasama nila ang mga kasambahay na natataranta para sa dalaga.
Si Samantha rin ang pinakamalakas ang iyak noon ng siya’y umalis para magtungo at magtrabaho sa isang malaking ospital bilang nurse sa New York. Napakalma lamang nila ito noong sabihin nilang maaari naman siyang dumalaw sa tiyahin kasama ang ama.
Noong tumawag sa kaniya ang kaniyang Kuya Nanding at sabihing patungo roon si Samantha ay ganoon na lamang ang kaniyang katuwaan. Matagal-tagal na rin kasi siyang hindi nakakauwi dahil sa sobrang ka-busy-han sa trabaho. Wala itong binanggit sa telepono na hindi pala pagdalaw ang sadya ni Samantha sa pagpunta sa kaniya.
At ngayon nga na nakikita niya si Samantha na malayong-malayo sa Samantha na iniwan niya noon sa Pilipinas ay hindi niya maialis sa isip na may mabigat itong dinaramdam kahit pa nga ba wala pa itong sinasabi sa kaniya na kahit ano. Hihintayin na lamang niyang ito na mismo ang kusang magtapat sa kaniya.
Sa loob ng tatlong linggo ay walang palya ang pangungumusta ng kaniyang Kuya Nanding sa anak nito. Kung hindi sa kaniya ay kay Samantha ito mismo tumatawag. At kagaya ng dati tanging oo lamang o hindi ang isinasagot sa kanila ng dalaga. Pero noong dumating sa point na halos hindi na ito kumakain at tila namumutla ang kulay ay lumalalim ang pagdududa sa kaniyang utak.
Binalak niya itong kausapin nang masinsinan dahil hindi maaaring magpatuloy ang dalaga sa pagiging malulungkutin at walang sigla. Ayaw niyang may mangyaring hindi maganda sa pamangkin kapag nagtagal pa iyon. Subalit bago pa man niya maisagawa ang binabalak ay aksidenteng narinig niya na nagdududuwal ito sa sarili nitong banyo.
“Buntis ako, Auntie Lorena,” maluha-luhang pagtatapat ni Samantha pagkatapos niyang makabawi sa pagduduwal. Ang lalong nakapanlambot sa kaniya ay ang katotohanang hindi na talaga niya maitatago ang lihim niya.
“Nang sunduin kita sa airport ay nagdududa na ako sa totoong kalagayan mo,” ani Auntie Lorena. “Kaya lamang ay ayaw kong magtanong, at lalo namang ayoko na pilitin kang magsabi sa akin. Pero ngayon, sa tingin ko ay kailangan mong magkuwento sa akin.” dagdag pa ng tiyahin bago siya matamang tinitigan.
Sa paputol putol na salita ay inilahad ni Samantha sa tiyahin ang totoong nangyari. Wala siyang itinagong anuman. Naisip niyang that was the least she could do ngayong nalaman niyang nakahanda itong unawain siya.
“Kilala ko ba kung sino ang ama ng batang dinadala mo? How about your father, kilala ba niya ang lalaki?” tanong nito.
“I-I’m not so sure if you are acquainted with his family, pero kilalang-kilala siya ng Papa. That’s the reason why kung bakit hindi ko sinabi sa kaniya ang totoong dahilan why I decided to leave and stay with you. And I want you to promise me, Auntie na hindi mo sasabihin sa Papa ang totoo. I wouldn’t be able to take it should anything happen to him once he finds out that I’ve done something that could tarnish his good reputation. Ayokong pagtawanan siya ng mga tao.”
“I don’t understand. Ang sabi mo’y kilala naman siya ng Papa mo so ano’ng pumipigil sa iyo para sabihin sa kaniya ang totoo? I’m sure na maiintindihan ka ng Kuya especially kung magpapakasal kayo ng ama ng—”
“H-hindi niya ako mahal…” naluluhang sabi niya.
“Why? Tinanong mo ba siya? Nagkausap ba kayo? Ikaw na rin ang nagsabi na hindi mo siya binigyan ng pagkakataon na magkaharap kayong dalawa after what happened so what made you conclude na hindi ka niya mahal? The best that you could have done is giving him the chance to explain his side. What if he feels the same way as you do?”
“No! That’s impossible, Auntie. May mahal siyang iba, kaya’t anuman ang sadya niya sa akin nang magpunta siya sa bahay ay hindi na mahalaga. Paano kung ang dahilan niya ay para ipamukha o isumbat sa akin ang tungkol sa nangyari? P-Paano kung… kinamuhian pala niya ako dahil sa aking ginawang kapangahasan?” Pagkasabi noon ay muling nanariwa sa kaniya ang masakit na tagpo na hinding-hindi niya makakalimutan habang siya’y nabubuhay.
Malinaw na malinaw pa rin sa kaniya ang mga masasakit na salitang ibinato sa kaniya ni Chelsea noon nang ipahiya siya nito sa harap ng maraming estudyante sa kanilang unibersidad. At ang lalong ikinasasama ng kaniyang loob ay hindi niya nagawang ipagtanggol ang sarili dahil hindi niya alam kung paano niya iyon gagawin lalo’t alam niyang ang lahat ng sinabi ni Chelsea tungkol sa nangyari ay totoo.
“Ewan ko, Samantha, pero sa tingin ko ay nagpadalos-dalos ka sa iyong desisyon. “Anyway,ano ang balak mo sa batang dinadala mo? Kung ang dahilan kaya ka nagpunta rito ay para ipalaglag ang batang iyan ay hindi kita papayagan. Matakot ka sa Diyos!” may talim ang tinig na iyon ng tiyahin.
“Of course not, Auntie! Anak ko ang batang ito! As soon as I found out na buntis ako’y hindi ko maipaliwanag ang tuwang aking naramdaman knowing that I’m going to be a mother. I could already feel the connection between us kaya wala kang dapat na ipag-alala. Ni minsan ay hindi sumagi sa aking isipan ang bagay na iyan. Isa pa’y mahal ko ang ama ng batang ito so I intend to keep and love this child for as long as I live.”
“Mabuti naman kung ganoon. Anyway, tungkol sa pagsasabi kay Kuya Nanding… kung hindi mo kayang magsabi sa papa mo, I could—”
“N-No, Auntie! Promise me na hindi mo gagawin iyon.” frantic na sabi niya.
Kumunot ang noo ng tiyahin. “Why? Ano’ng gagawin mo kung saka-sakali?”
“Aalis din ako sa poder mo. Mahirap man ay sisikapin kong buhayin ang batang ito nang malayo sa inyo,” determinadong sabi ni Samantha. Nang matukoy na seryoso siya ay napabuntung-hininga na lamang ang tiyahin.
“Hay naku, ang mga kabataan talaga ngayon! Tiyak na pati ako ay makakasama sa galit ng ama mo sa oras na makarating sa kaniya na kinunsinti ko ang kalokohan mong ito. Pero ayoko namang may masamang mangyari sa iyo at sa batang dinadala mo sakali ngang umalis ka sa poder ko. Isa pa’y apo ko ang batang nasa sinapupunan mo kaya’t nararapat lamang na protektahan ko kayong mag-ina.”
CHAPTER 8Biglang ipinilig ni Samantha ang ulo sa bahaging iyon ng nakaraan. Nang magtama ang kanilang mga mata’y agad na iniiwas ni Samantha ang kaniyang paningin. Kung nakamamatay ang mga titig na iyon ng lalaki’y kanina pa siya marahil bumulagta.“Bakit hindi ka makasagot, Sam? Did I hit home?” marahas na tanong ni Marco kasabay ng mahinang pagyugyog sa kaniyang balikat.“I-I don’t know what you’re saying! At puwede ba, let go of me! You’re hurting me…”“At ako, Sam? Sa palagay mo ba ay hindi ako nasasaktan? Did you ever think how I felt nang hindi na kita nagisnan paggising ko that morning? Damn it, you were a virgin! I hated myself then dahil alam kong pinagsisisihan mo ang nangyari sa atin. Inisip kong…baka nasaktan kita, kaya ka biglang umalis…”Sunod-sunod ang ginawang pag-iling ni Samantha. “I-I don’t want to talk about it an
CHAPTER 9 “Narito na po tayo, Senyorita,” pukaw ni Mang Gusting na siyang ikinagising ni Samantha.“Tiyak na matutuwa ang inyong papa. Sige na po, ako na po ang bahala sa lahat ng gamit ninyo.” Hindi maikakaila ang kasiglahan sa tinig ng matanda kaya naman kahit hirap na hirap ay pinilit ng dalaga na ngumiti, pagkatapos umusal ng mahinang pasasalamat. Pagkababa ng sasakyan ay gustong mapaiyak ni Samantha dahil sa pamilyar na tanawin na sumalubong sa kaniya, gayundin sa mga kasambahay na isa’t-isa’y nagpahayag ng kagalakan sa muli niyang pagbabalik. Kinamusta din niya ang mga ito at sinabihang lubos ang kaniyang kasiyahan ng mga oras na iyon.Habang papasok sa loob ng kabahayan ay minsan pa niyang pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng paligid na kaniyang
CHAPTER 10 Napabalikwas ng bangon si Samantha nang magkaroon ng pakiramdam na may nagmamasid sa kaniya. Naningkit ang kaniyang mga mata nang mabuglawan kung sino ang prenteng nakaupo sa gilid ng kama at nakatunghay sa kaniya habang siya ay natutulog. “A-ano’ng ginagawa mo rito? Hindi ka ba marunong kumatok?” aniya sa pagalit na tinig. “How’s your sleep, sweetheart? Hindi ka pa rin nagbabago. Napakaganda mo pa rin even in your sleep,” nakangiting turan ni Marco na hindi pinansin ang tanong ng dalaga. “At kailan pa nangyari na kumatok ako sa silid mo? Hindi ba’t maging ikaw ay sanay ring maglabas-masok sa aking kuwarto.” Nanunuksong ngumiti it
CHAPTER 11 Pagkatapos magpaalam ni Marco kay Don Hernando ay nagdesisyon siyang bumalik sa kompanyang pag-aari niya- ang MSS Techtronics Holdings, an eminent company that launched the cordless technology in the country. It innovated and established Power Tools, Outdoor Power Equipment, Floor to Ceiling Care Appliances and Accessories, Mechanical Devices and Machineries that would really bring great help and modern convenience in the different industries here and abroad. Ang opisina niya ay nasa ikadalawampung palapag ng gusali na pag-aari mismo ng MSSTTH at matatagpuan sa Ortigas. Walong palapag ang okupado ng iba’t-ibang departamento ng kompanya samantalang ang iba pang natitira ang nagsisilbing showroom para sa lahat ng produkto nila. Ang malaking planta nila ay nasa likurang bahagi n
CHAPTER 12 Samantha realized that it had been three weeks already since she came back. But still, hindi pa rin niya nagagawang kausapin nang masinsinan ang ama dahil pinangungunahan lagi siya ng takot. Kaya naman ilang araw na rin siyang hindi mapalagay lalo’t sa tuwing tumatawag ang tiyahin ay wala na itong binanggit kung hindi ang tungkol doon. At totoong nape-pressure siya sa pangungulit ng tiyahin. Idagdag pang miss na miss na rin niya ang anak. This is the very first time na napalayo siya kay Makki nang matagal. Hindi naiibsan ang pangungulila niya sa bata sa simpleng pakikipag-usap niya dito sa telepono especially when she needed to do it discreetly para maitago iyon sa ama. Nang maalala ni Samantha ang ama ay biglang sumagi na naman sa isip ang mga
CHAPTER 13 Samantha walked regally towards the lift. When she is about to push the button narinig niyang may tumatawag sa kaniyang pangalan. Isang lalaking nakangiti ang nalingunan niya. Pamilyar sa kaniya ang mukha nito. “S-Samantha, is that really you?” Pinagmasdan siya nitong mabuti. “Ikaw nga! I’m so glad to see you after a very long time!” bati nito. Nang ngumiti ang lalaki ay agad rumehistro sa isip niya kung sino ang kaharap. “P-Paulo? It’s good to see you also. Ang laki ng ipinagbago mo, ah. Muntik na tuloy kitang hindi makilala.” “Napansin ko nga. Anyway, kailan ka pa dumating?”&nbs
CHAPTER 14 “Sam, I’m not sure kung anong oras matatapos ang meeting ko sa isa naming kliyente mamaya. Sinabi ko na kay Tito Hernando na kung maaari ay si Mang Gusting muna ang susundo sa iyo,” apologetic na sabi ni Marco pagkatapos nitong ihimpil ang sasakyan sa harap ng SGC building. “Sure, okay lang. You don’t have to worry. Ikaw lang naman ang mapilit. I can manage on my own. Starting this afternoon—" “Mamaya lang kita baka hindi masusundo, Sam. Pero bukas at sa mga darating pang araw ay available na ulit ako,” mariing saad nito. “Marco, ang papa ang nagpumilit na ihatid-sundo mo ako araw-araw. But lik
CHAPTER 15 The following day, sinadya ni Samantha na maagang umalis ng bahay dahil alam niyang susunduin siya ni Marco. Naisip niyang kung talagang gusto niyang makalimutan ang lalaki ay kinakailangang sanayin niya ang sarili na wala ito sa tabi niya. Pagdating sa opisina ay pinagbilinan niya ang sekretaryang si Cristie na sakaling may maghanap sa kaniya ay sabihing nasa conference room siya at hindi puwedeng abalahin. Buo na ang pasiya niya na iwasan si Marco hanggang makakaya niya. Tutal naman, hindi rin magtatagal at babalik na siya sa New York. Napapansin niyang bumabalik na ang kasiglahan ng ama kaya’t napagpasiyahan niyang ipagtapat na rito ang tungkol kay Makki.
CHAPTER 62 Nang magbigay ng cue ang coordinator ay nagsimula nang maglakad si Samantha habang naka-abrisiyete sa kaniyang Papa na kagaya niya ay very misty rin ang mga mata. “I am so happy for you, hija! I am very confident that Marco will be taking good care of you and your children kaya naman hindi ako nangangamba kahit pa nga ba alam kong right after the wedding, you will be occupying already the house that has been gifted to you by your beloved husband.” “Thank you very much, Papa. I am indeed very lucky to have a father like you. Thank you for not giving up on me kahit pa nga kung minsan ay alam kong umiiral ang katigasan ng aking ulo. Salamat sa walang sawa mong pag-intindi at pag-unawa sa akin. I am so grateful for the unconditional love that you have been giving me simula pa ng aking pagkabata hanggang ngayon na magkakaroon na rin ako ng sariling pamilya. I just didn’t know what could have happened to me kung wala ka, gayundin siyempre si Auntie Lor
CHAPTER 61 “It is just like a déjà vu! Ganitong ganito ang nangyari when Marco and Samantha performed on stage the grand finale during the fashion show of SALORE in New York,” naluluhang sabi ni Auntie Lorena habang pinagmamasdan ang dalawa suot ang bridal gown at tuxedo na isinuot nila mismo on stage. Today is the most awaited day for the grand wedding of the century. Abala na ang lahat dahil ngayon ang araw na pinakahihintay hindi lamang ng mga kamag-anak, kaibigan at mga imbitadong panauhin kung hindi lalong higit ng dalawang taong nag-uumapaw ang mga puso sa kaligayahan dahil sa wakas ay magaganap na ang kanilang pag-iisang dibdib. Hindi rin maipaliwanag ang sayang nadarama ni Makki nang mga oras na iyon habang pinagmamasdan ang kaniyang Mommy na magandang maganda sa suot nitong dream wedding gown, gayundin ang kaniyang daddy who surpassed the looks of a hollywood actor sa suot nitong tuxedo suit. Ang mismong wedding gown na iyon ang suot ni S
CHAPTER 60 Hindi maawat sa pagpalakpak ang lahat ng mga inimbitahan ni Marco na saksihan ang kaniyang gagawing wedding proposal kay Samantha. Ginamit pa niyang dahilan ang business transaction diumano para lamang sumama sa kaniya si Samantha na hindi ito maghihinala sa kung ano ang kaniyang binabalak na gawin. Pinilit niyang pauwiin ang kaniyang mama at papa upang makasama niya ang mga ito sa napaka-memorable na event sa kaniyang buhay. Isa-isa din niyang kinausap ang mga taong malalapit sa kanilang dalawa, mga kaibigan at kasamahan sa trabaho kabilang din ang kani-kanilang pamilya. Matagal na niya itong pinagplanuhan, kaya lamang ay hindi niya maisakatuparan dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari kaya naman wala siyang magawa kung hindi ang ipagpaliban muna at hanapan ng magandang timing kung kailan puwedeng gawin. At parang gumawa na talaga ang Diyos ng paraan para matuloy na rin ang kaniyang matagal ng balak dahil isa sa mga kliyente niya
CHAPTER 59 “Where are we going?” nagtatakang tanong ni Samantha kay Marco when he fetched her from SGC. Ikinagulat niya talaga ang walang kaabog-abog na pagdating ng lalaki sa kaniyang opisina at yayain siya nito paalis right there and then. “Mamaya mo na malalaman. Don’t worry, naipagpaalam na kita kay papa kaya’t alam niyang ako ang kasama mo,” nakangiting sabi ni Marco na inalalayan na siya papalabas patungo sa private elevator nila ni Don Hernando. Pagdating nila sa ibaba ay agad nang binuksan ni Matt ang pinto ng sasakyan ni Marco na kung hindi siya nagkakamali ay doon na talaga sadyang inihimpil habang naghihintay sa kanilang pagbaba.
CHAPTER 58 “Relax, Auntie! Bakit ka ba kinakabahan?” natatawang sabi ni Samantha sa tiyahin sa mahinang tinig upang hindi makasagabal sa tinig ng pari na nagsasagawa ng panalangin para sa pagbabasbas ng SALORE, Phils. Ngayon kasi ang kanilang grand opening para sa branch ng kanilang House of Fashion and Botique na nakabase sa New York. Matagal na rin nilang pinagplanuhan ng tiyahin ang pagkakaroon ng branch ng SALORE dito sa Pilipinas kaya naman nang umuwi ang kaniyang Auntie Lorena kasama si Makki ay sinimulan na nila ang paghahanda. Bagaman medyo naging mahirap para sa kanilang mag-tiyahin ang kanilang preparasyon ay naroon naman lagi ang kaniyang papa para umalalay sa kanila. At siyempre ang mga sumunod na buwan ay naging kabahagi na rin ng kanilang paghahanda si Marco kaya naman mas lalong naging magaan para sa kanila ang p
CHAPTER 57 Pawis na pawis ang mag-ama pagkatapos nilang mag-jogging sa loob ng village kung saan matatagpuan ang mansion ng mga Sevilla. Dahil sa nalalapit na martial arts competition na lalahukan ni Makki ay minabuti ni Marco na ikondisyon nang husto ang pangangatawan ng anak kaya naman every morning ay routine na nilang dalawa ang pagtakbo. Pagpasok nila sa loob ng bahay ay sinalubong sila nina Manong Gusting at Manang Bining. “Good morning po, Sir Marco, gayundin sa aming munting prinsipe dito sa bahay,” masiglang bati sa kanila ni Manang Bining habang inaabutan sila ni Manong Gusting ng tuwalya para maipampunas sa kanilang mukha at katawan. “Good morning din po sa inyo and thank you for the towel,” sabay na sabi ng ma
CHAPTER 56 Maaga pa lamang ay nakapuwesto na ang Anti-Narcotics Group, mga kapulisan, sundalo at ang grupo ni Dante sa Batangas International Port o mas kilala sa tawag na Batangas Pier. Ito ay matatagpuan sa seaport ng Barangay Santa Clara, Batangas City. Sa lugar na ito magaganap ang paglalabas o shipment ng mga illegal na kontrabando kagaya ng mga ipinagbabawal na gamot, mga armas at iba pang smuggled goods mula sa Pilipinas patungo sa ibang bansa. Ang transaksiyon ay sa pagitan ng grupo nina Harry Evans at Congressman Julio Altamirano at sa mga negosyanteng banyaga na nagkakamal talaga ng malaking salapi dahil sa pagpupuslit ng mga bagay na kanilang pinagkakakitaan sa illegal na pamamaraan. Kung papalarin at maigugupo ng malaki at pinagsama-sam
CHAPTER 55 Nasa kalagitnaan na sila ng highway ay hindi pa rin nagsasalita si Billy kaya naman ganoon na lamang ang pagtataka ni Ramona. “Aren’t you feeling well? Bakit napakatahimik mo yata? Nakakapanibago, dahil hindi ako sanay na hindi naririnig ang boses mo every time na magkasama tayo.” Lalong naging palaisipan sa dalaga ang pagsasawalang kibo ni Billy lalo’t ni hindi man lamang siya nilingon nito pagkatapos niyang isatinig ang pagtataka. “Hey, what’s wrong? Ano ba ang nangyayari sa iyo at tila ba ayaw mo akong kausapin? Galit ka ba?” pangungulit niya sa himig na medyo may bahid na ng pagkapikon.&nbs
CHAPTER 54 Nagulat ang lahat ng Department Heads ng MSSTTH nang makatanggap ng tawag na pinapupunta silang lahat ni Mr. Marco San Sebastian sa boardroom na matatagpuan sa twentieth floor. Bagaman nagtataka dahil sa biglaang pagpapaakyat sa kanila ay walang nagawa ang mga ito kung hindi ang sumunod. “Well, alam kong kayong lahat ay nagtataka kung bakit tayo natitipon ngayon dahil batid naman nating lahat na wala tayong scheduled meeting sa araw na ito. Kaya lamang ay may importanteng sasabihin sa inyo si Mr. San Sebastian kasama ang ating Lady Boss,” very formal na paliwanag ni Billy sa harap ng mga Department Heads nang makumpleto ang mga ito. “So, hindi ko na patatagalin pa, let me call on our President, Mr. Marco San Sebastian and Miss Samantha Sevilla,” dagdag pa nito na lumingon sa direksiyon ng connecting do