Share

Chapter 59: Ralph's Gift

KINABUKASAN ay itinuring lang ni Glory na ordinaryong araw ang lahat. Pumasok siya sa opisina at ang mga bata naman ay sa eskwelahan. Habang nagtatrabaho sila sa boardroom ay kinausap siya ni Joaquin.

“Nga pala, birthday ng panganay ni Ralph ah, si Danice, pinadalhan kami ni Renzo ng invitation,” saad ni Joaquin.

“Ah oo,” matamlay na saad ni Glory.

“Oh, bakit parang nalugi yang mukha mo, anong oras kayo pupunta?” tanong ni Joaquin.

“Sa tingin ko, hindi ako pupunta,” saad ni Glory na malungkot.

“Bakit naman? Unica hija ni Ralph iyon,” saad ni Joaquin.

“Ano kasi eh, nagpang abot kami sa Penthouse, eh hindi naman alam ni Danice yung relasyon namin ng daddy niya eh, pakiramdam niya inaagaw ko si Ralph sa kanya,” saad ni Glory na nag aalala.

“Ganon? Eh bakit hindi niyo kasi sinabi kaagad? Tsk tsk, kawawa naman si Danice,”

“Ang sabi kasi ni Ralph ay humahanap lang daw siya ng tiyempo, eh kaso biglang pumunta doon si Danice sa Penthouse para sana iabot ng personal yung invitat
Diane Ruiz

Hindi pa po ito matatapos, marami pa pong mangyayari haha

| 1
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Eden
sana nga hnd n galit c danice tnx author
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status