3 months later… Naka recover na si Glory ngunit wala pa rin siyang maalala at kahit na ikinuwento na ni Ralph sa kanya ang mga nangyari ay nananatiling misteryo para sa kanya ang pagkabuhay na muli dahil sa ulo siya napuruhan ng baril. Napag isipan niya namang mabuti ang tungkol sa pag uusap nila ni Joaquin at ang sabi ng kaibigan ay magsabi lang kung handa na siyang bumalik sa trabaho upang maipaayos ang kanyang opisina ngunit kailangan niyang puntahan ito ng hindi nakaayos. Umaasa pa rin siya na may maalala kahit kaunti. Pagkahatid niya sa eskwelahan ng mga anak ay kaagad siyang pumunta sa Dela Vega Corp. Sa unang sulyap pa lamang ay tandang tanda niya na ang lugar. Nakita niya ang mga nalalantang bulaklak na naroon, binasa niya ang card at galing lahat iyon kay Ralph. Ganon siya kamahal nito. Lumapit siya sa desk niya at binuksan ang mga drawers, nakita niya doon ang isang maliit na picture frame at pagtingin niya ay wedding photo nila iyon ni Enrico na ex husband niya
"No Addy, not Villanueva, San Juan ang gagamitin ko, do not include my ex husband there, hindi siya ang ama ng bata! I have nothing to do with him anymore, do you understand? Okay, I’ll talk to you later, bye,” iyon lang at pinatay na ni Glory ang tawag. Naiinis siya sa sekretarya niya dahil nagpa schedule siya ng appointment sa isang OB Gyne pero gusto nitong isama ang pangalan ng kanyang ex husband bilang ama ng ipinagbubuntis niya. Hindi pa kasi siya nakakapagpa check up simula ng makaligtas sila sa nangyaring paglubog ng Cruise Ship kung saan doon sila nag date ng manliligaw niyang si Ralph Romualdez ang kakambal ng kasosyo niya sa negosyo na si Renzo Romualdez. Ang malaking problema niya ngayon ay buntis na siya kaagad pagkatapos ng isang mainit na gabing pinagsaluhan nila ni Ralph sa Cruise Ship. Bagama’t parehas silang nakaligtas nito sa trahedyang nangyari ay hindi niya pa rin masabi sa manliligaw na buntis siya at ito ang ama ng batang dinadala niya. She is Glory San Juan,
"Congratulations Ms. San Juan, you're 8 weeks pregnant… at kambal sila," saad ng OB Gyn na si Dra. Mendez, nakangiti ito habang patuloy na nakatingin silang dalawa sa monitor. Nirecommend kasi sa kanya na magpa transvaginal upang makita nilang mabuti."I'm having twins?" tanong pa ni Glory. "Oo ayan ohh, malinaw na malinaw sa monitor, indeed a blessing, mukhang okay naman sila at normal naman ang blood sugar mo," saad pa ni Dra. Mendez. "Salamat po Doc," saad ni Glory."Wait reresetahan kita huh, bilhin at inumin mo na kaagad ang mga vitamins na 'to," saad pa ng OB. "Sige po," saad ni Glory at naghintay habang nagsusulat ang OB niya ng reseta. "Okay, bumalik ka next sunday, every sunday ang check up, hangga't maaari ay wag kang papalya para mas ma-monitor natin ng maayos ang kambal mo, okay?" saad ng OB. "Sige po, I'll try my best," saad ni Glory na tinanggap ang binigay sa kanyang reseta. “Okay, congratulations, Ms. San Juan,” saad ng OB. “Salamat po,” Paglabas niya ay napat
Kinabukasan ay nagising si Glory na wala na sa tabi niya si Ralph ngunit may sulat itong iniwan sa bedside table niya.“Thank you My Love, for giving me a chance to stay the night with you. It was wonderful. I really had a great time. Let’s do that more often from now on. I love you,” — RalphNapangiti siya at napakagat labi dahil hanggang ngayon ay ramdam niya pa rin ang labi nito sa labi niya. Tinignan niya ang cellphone niya at bumungad pa rin ang text message nito na nag so sorry dahil maaga itong umalis at nagpaliwanag sa kanya na may meeting pa raw kasi sila ni Renzo, bigla niyang naalala ang schedule niya at makikipag meeting rin pala siya kay Joaquin kung kaya’t dali dali siyang napatayo at nagbihis. Pansin niya na ang paghalata ng tiyan niya kung kaya’t nagsuot siya ng itim na dress na medyo maluwag upang hindi iyon mahalata. DELA VEGA CORP. “Oo, yun na lang siguro, nag send na rin ako ng quotation sa kanila at approved na kaya simula na ng construction next week, may idad
FUSION PARADISE BARPagkagaling kay Glory ay dumiretso si Ralph sa Bar, iiinom niya na lang ang sakit na nararamdaman niya dahil kailangan niyang makalimot. Sobrang sakit ng ginawa ni Glory na para bang pinagkaitan na siya ng mundo dahil namatay na nga ang asawa niya at pagkatapos ay rebelde naman ang anak niyang si Danice. Hindi niya napalaking maayos ang kaisa isang anak dahil kahit ang sarili niya ay napabayaan niya rin. He feels like a failure to everyone, especially to Glory pero pilit niyang tinatanong sa sarili kung anong kasalanan niya, paano nagawa ni Glory ang bagay na iyon, bakit?... bakit nito pinatay ang anak nila?“Ninong? What a surprise, you’re here! Anong ginagawa mo dito? Where’s daddy?” tanong ni Rosenda kay Ralph.Napakunot naman ng noo si Ralph dahil hindi niya naiitindihan ang sinasabi ng dalagang lumapit sa kanya. Ninong daw? Wala naman akong natatandaan na may inaanak akong ganito kaganda. saad ni Ralph sa isip.“Uhm, who are you?” tanong ni Ralph kay Rosenda.
Nagising si Ralph na walang maalala pagkatapos ng tatlong araw na pagkakatulog. Ni ang pangalan niya ay hindi niya alam kung kaya’t tinulungan siya ng kakambal na si Renzo at pilit na ipaalala rito ang lahat. Nagkausap naman si Luz at si Renzo. “Hindi ko alam na nagkabalikan na pala kayo at may balak magpakasal,” saad ni Renzo.“Oo Kuya, masyadong naging mabilis ang mga pangyayari at hindi na rin namin kayo nasabihan ni Ralph, ang kaso ay nangyari naman ang trahedyang ‘to,” saad ni Luz. “Hayaan mo, gagaling din si Ralph at maalala niya ang lahat, kailangan lang nating maghintay sa ngayon,” saad ni Renzo. Simula ng maaksidente si Ralph ay hindi na umalis sa tabi niya si Luz, inaalagaan niya ito at siya rin ang nagpapakain dito, para kay Luz, kaligayahan niya na ang asikasuhin si Ralph, bagama’t hindi pa siya gaanong maalala nito ay sapat na iyon upang maramdaman nito na mahal na mahal niya ito. “Gaano katagal na tayong magkasintahan?” tanong ni Ralph kay Luz. “Uhm, limang taon n
3 days later…Nagising si Glory na bali balita sa tabloids ang pagkamatay ng asawa ni Mrs. Samaniego na si Victor Samaniego. “Mahal na mahal ko po ang asawa ko… hindi ko po alam kung sino ang gumawa sa kanya nito,”Saad ni Mrs. Samaniego na umiiyak pa habang kinukuhanan siya ng panayam ng mga press. Pinatay ni Glory ang TV at nagbihis na dahil may meeting sila ni Joaquin ng maaga sa Dela Vega Corp. DELA VEGA CORP. Nang makapasok doon si Glory ay iyon din ang usap usapan ng mga empleyado ni Joaquin. Kung ano ano ang mga naririnig niya. “Kawawa naman si Sir Victor ano?” “Napakabait na tao.. Iyon nga lang nakapag asawa ng demonyo,”“Nagpagawa nga yan ng project at sobra sobra ang ibinayad nyan kay Sir Joaquin,”“Malamang sa malamang pinlano iyon at hindi aksidente,” “Aba oo naman, ikaw ba naman ang asawa ng bilyonaryo, alam mo ba malaking pera daw ang mapupunta kay Mrs. Samaniego ngayong namatay si Sir Victor,”“Talaga? Magkano raw?” “Nasa Fifty Billion, Sis! Kung ako iyon ipapap
Two days later…Simula ng gabing iyon ay hindi na mapakali si Glory. Hindi niya alam kung ano ang kanyang nagawa. Walang makakaalam. Walang makakaalam. Pangungumbinsi niya sa sarili ngunit tila ayaw siyang patahimikin ng sariling kunsensya.Naiisip niya kasing kung mamamatay si Enrico ay hindi na kailangan pa ng mga divorce papers, mavo void ang appeal nito sa korte at tuluyan na siyang magiging biyuda, makukuha niya rin ang pera at ari arian nito dahil siya pa rin ang asawa dahil hindi pa naman talaga sila tuluyang hiwalay pero kung hahayaan niya lang na mabuhay ito ay palagi siya nitong guguluhin at hindi patatahimikin hanggat may hindi magandang nangyayari sa kanya. Posibleng hindi siya saktan nito or gawan ng masama dahil kung si Ralph nga na walang kaalam alam ay pinagbantaan niyang papatayin niya ay siya pa kayang naging ka relasyon nito. Hindi malayong mangyari iyon kaya balak niya na sanang unahan ang dating asawa ngunit isa itong napakasamang krimen. Desperado na siya at t
3 months later… Naka recover na si Glory ngunit wala pa rin siyang maalala at kahit na ikinuwento na ni Ralph sa kanya ang mga nangyari ay nananatiling misteryo para sa kanya ang pagkabuhay na muli dahil sa ulo siya napuruhan ng baril. Napag isipan niya namang mabuti ang tungkol sa pag uusap nila ni Joaquin at ang sabi ng kaibigan ay magsabi lang kung handa na siyang bumalik sa trabaho upang maipaayos ang kanyang opisina ngunit kailangan niyang puntahan ito ng hindi nakaayos. Umaasa pa rin siya na may maalala kahit kaunti. Pagkahatid niya sa eskwelahan ng mga anak ay kaagad siyang pumunta sa Dela Vega Corp. Sa unang sulyap pa lamang ay tandang tanda niya na ang lugar. Nakita niya ang mga nalalantang bulaklak na naroon, binasa niya ang card at galing lahat iyon kay Ralph. Ganon siya kamahal nito. Lumapit siya sa desk niya at binuksan ang mga drawers, nakita niya doon ang isang maliit na picture frame at pagtingin niya ay wedding photo nila iyon ni Enrico na ex husband niya
Maghapon silang nag usap dahil miss na miss nila ang isa’t isa. Gayon din ang mga anak na halos ayaw umalis sa private room ni Glory kung kaya’t ginawan sila ni Ralph ng higaan upang makatulog ng komportable ang mga bata. “Hon, are they sleeping now?” tanong ni Glory dahil hindi na siya mapakali. Masyadong nakakaakit si Ralph ng mga oras na iyon. "Oo, tulog na," saad ni Ralph na lumapit kay Glory at umupo sa gilid ng kama nito.May mga bagay pa ring hindi nagbago kay Ralph katulad na lamang kanyang pananamit. Gwapong gwapo pa rin ito sa simpleng white long sleeve polo na tinupi niya ng ¾ ang manggas habang nakabukas ng bahagya ang butones nito sa may bandang dibdib. Napakagat ng labi si Glory. She wants him so bad. Hindi na napigilan ni Glory ang kanyang sarili at para bang may sariling isip ang kanyang mga kamay na gumapang sa pagkalalaki ni Ralph. “Glory… hindi ka pa tuluyang magaling, baka makasama sayo,” saad ni Ralph na tila nahihirapan ang mukha. Pinipigilan niya ang saril
“Tell me now, I’m ready,” saad ni Glory kay Ralph. “Well, after I got treated at the hospital, Enrico voluntarily helped me to save you,” saad ni Ralph, may lungkot sa kanyang mga mata habang iniisip ang nakaraang pangyayari. Muling bumalik sa ala ala ni Ralph ang lahat ng nangyari ng mga panahong iyon. “Okay, that’s it, that’s good, aalis na ako Ralph, kailangan kong iligtas si Glory but you’re coming with me Luz,” mariing saad ni Enrico kay Luz. “As if I have a choice, jerk!” sarkastikong saad ni Luz. “No!” mariing saad ni Ralph kay Enrico. “What the fuck do you want?! there’s no time! kapag hindi ko naabutang buhay si Glory, tapos tayong lahat Ralph!” singhal ni Enrico. “I’m coming with you!” “Hindi ka pa magaling, Ralph,” “Listen, you asshole! ikaw ang nagdala sating lahat sa sitwasyon na ‘to kaya tutulungan mo akong makaalis dito at pupunta tayong dalawa kay Glory!” mariing paninindigan ni Ralph. “Sigurado ka bang kaya mo na?!” galit na saad ni Enrico. “I’m losing her
Nagising na nga si Glory ng sandaling iyon. Noong una ay puro puti at maliwanag lamang ang nakikita niya ngunit unti-unti na ring luminaw at nakita niya sa tabi niya si Ralph. “Honey, you're finally awake…” saad ni Ralph na ngayon ay nakaupo sa tabi ng kama nito. Walang maisagot si Glory kundi ang pagtulo ng kanyang mga luha sa maganda niyang mukha. Hindi siya makapaniwalang buhay siya. Isa iyong himala dahil hanggang ngayon ay siguradong sigurado siyang napuruhan siya ng bala ng baril ni Sonia sa kanyang sintido na dahilan kung bakit siya nakatulog ng napakahabang panahon. Nag e echo sa isip niya ang tunog ng gatilyo at ang pagsabog non sa kanyang ulo. Malamig na parang wala na siyang buhay ng mga oras na iyon. Masakit. Sobrang sakit na pakiramdam mo ay paulit ulit kang pinaparusahan at nakakatrauma na parang gusto mo na lamang magtago. “Glory… are you alright? gusto mo bang magpahinga muna?” tanong ni Ralph na nagpabalik sa kanyang ulirat. “The kids… where's Cale and Cole?..
Bumisita si Rosenda sa ospital kung nasaan si Glory dala dala ang isang malaking box na pinaglalagyan ng wedding dress nito. Gaya ng dati ay natutulog pa rin ito ng mahimbing. “Tita Glory, nagawa ko na itong wedding dress mo, ikaw na lang ang kulang, please wake up,” saad ni Rosenda. “Ma’am Rosenda, saan ho ito ilalagay?” tanong ng lalaking staff nito na may hawak na mannequin. “Uhm, dito na lang po sa gilid, kuya,” saad ni Rosenda na tinuro ang sulok sa hospital room nito. “I want to flaunt this here at your room so I hope you don't mind, Tita,” saad ni Rosenda habang binibihisan ng wedding dress ang mannequin. “Hindi naman siguro magagalit si tito Ralph nito diba?” saad pa ni Rosenda habang inaayos ang wedding dress. “Alright, tapos na! alam mo, I always imagined na malapit ng dumating yung time na masusuot mo na itong wedding dress na pinagawa mo sa akin,” saad pa ni Rosenda habang nakangiti sa natutulog na si Glory. “Please, wake up Tita, your family needs you. Ang kambal mo
Mabigat ang mga paghinga ni Glory, hindi niya alam kung saan siya dinala ni Lana. “Please, parang awa mo na,” nagmamakaawang saad niya dito ngunit hindi siya pinapakinggan nito. “I’ll pay you… double… please, just don't hurt me and my unborn child.. please,” patuloy na pagmamakaawa ni Glory. “You billionaire’s, sawang sawa na ako sa mga laro ninyo! ginagawa niyo kaming puppet na kailangang gawin kung ano ang gusto niyo sa pamamagitan ng pera. Do you think you can bribe me?!” singhal ni Lana na mas lalo pang hinigpitan ang hawak kay Glory, nanggigigil siya sa galit at tensyon dahil kailangan niya ng matapos ang trabaho niya. “Magkano ang binayad sayo ni Sonia?! please, kahit magkano pa yan! wag mo lang kaming patayin ng anak ko!” Hindi na makapag isip ng matino si Lana, hindi niya alam kung kanino maniniwala ngunit nakukuha na ni Glory ang loob niya. “If I told you how much money I get from Sonia, would you triple it?” “Yes! kahit magkano pa yan please, iligtas mo kami ng anak k
Kasabay ng mabilis na pagpapatakbo ni Ralph ng kotse niya ang pagtibok ng kanyang puso. Wala siyang dapat sayanging oras dahil nasa peligro ang buhay nila. Kasalukuyan silang nakikipaghabulan sa mga taong hindi nila alam ang pakay sa kanila. Mabagsik ang mga ito na pilit binabaril ang sasakyan nila. “Can you move a little so that I can finish those lowlives?” saad ni Enrico kay Luz.“Why me?!” singhal ni Luz. “Baka nakakalimutan mo, nakaposas tayo diba?” “Damn it!” saad ni Luz at saka gumalaw ng konti upang alalayan si Enrico. “Damn it! Hindi pwede ang ganito, Ralph, bubuksan ko yung pinto mo sa likod ah,”“What?! Are you fucking crazy?!” singhal ni Ralph.“Yes! I’m crazy, we need to attack them, kundi mamamatay tayong lahat dito! Just think about Glory and your unborn child!” singhal ni Enrico at saka pumunta sa likod ng kotse, napasunod naman si Luz dahil wala siyang magagawa dahil nakaposas ang mga kamay nila. “Damn it! You need to cooperate bitch!” singhal ni Enrico kay Luz.
Maya maya ay isang bala ng baril ang tumama sa binti ni Ralph dahilan upang matumba siya kay Glory. "Ralph!" singhal ni Glory na kinuha ang braso nito at ipinatong sa balikat niya. "Come on! Umalis na tayo dito!" saad ni Ralph habang akay akay siya ni Glory. Sa di kalayuan ay natanaw na nila ang kotse ni Ralph. Kinuha ni Ralph ang susi sa bulsa niya ngunit mabilis na ang kanyang mga paghinga dahil sa iniindang tama ng baril ngunit tinitiis niya iyon. "You're bleeding, Ralph," saad ni Glory. "It's fine," saad ni Ralph na luminga-linga sa paligid dahil baka may mga bandidong naghihintay na makita sila habang nagkukubli sila sa malalaking dahon na nakapalibot sa kagubatan."I just need to get to my car, so we can escape," saad ni Ralph. "Okay! Okay," saad ni Glory ngunit napakubli silang dalawa ng makita nilang may lumapit sa kotse na isang armadong lalaki. May tattoo ito sa gilid braso at nakasuot ng bandana. "Fuck! Who are these people, Glory?!" bulong ni Ralph sa kanya. "I d
Nagulat silang apat sa pagkikita nila. Hindi nila inaasahan iyon."Luz?" tanong ni Enrico. "Yes Enrico, the one and only," saad ni Luz na tumaas ang kilay at mataray na nagkibit balikat. "Glory? Kuya Enrico? Buhay ka? What the fuck is this?! Ano?! Gumagawa ba kayo ng bahay bahayan dito?!" inis na tanong ni Ralph. Napatayo si Glory sa kinauupuan at lumapit kay Ralph. "Ralph, I can explain, wala kaming ginagawang masama, yung nakita mo wal–" "Ginagago mo na naman ba ako, huh?!" singhal ni Ralph. "Ralph, no! Just let me explain," "I'm the one who kissed her, that's the last time Ralph, I swear," paliwanag ni Enrico. "At ikaw naman kuya, tutal alam na ng lahat na patay ka na, sana tinototoo mo na lang! Alam mo bang nagkanda letse letse buhay namin nang dahil sayo?!" singhal ni Ralph. "Ralph, wag ka namang magsalita ng ganyan," saad ni Glory na tila naghihirap na ang kalooban. "Alam ko at hindi ko ipagtatanggol ang sarili ko, nagkasala ako sa inyo at handa akong itama ang lahat n