Share

Chapter 4: The Accident

Author: Diane Ruiz
last update Huling Na-update: 2023-06-24 13:27:41

FUSION PARADISE BAR

Pagkagaling kay Glory ay dumiretso si Ralph sa Bar, iiinom niya na lang ang sakit na nararamdaman niya dahil kailangan niyang makalimot. Sobrang sakit ng ginawa ni Glory na para bang pinagkaitan na siya ng mundo dahil namatay na nga ang asawa niya at pagkatapos ay rebelde naman ang anak niyang si Danice. Hindi niya napalaking maayos ang kaisa isang anak dahil kahit ang sarili niya ay napabayaan niya rin. He feels like a failure to everyone, especially to Glory pero pilit niyang tinatanong sa sarili kung anong kasalanan niya, paano nagawa ni Glory ang bagay na iyon, bakit?... bakit nito pinatay ang anak nila?

“Ninong? What a surprise, you’re here! Anong ginagawa mo dito? Where’s daddy?” tanong ni Rosenda kay Ralph.

Napakunot naman ng noo si Ralph dahil hindi niya naiitindihan ang sinasabi ng dalagang lumapit sa kanya. 

Ninong daw? Wala naman akong natatandaan na may inaanak akong ganito kaganda. saad ni Ralph sa isip.

“Uhm, who are you?” tanong ni Ralph kay Rosenda.

“Ninong Renzo naman eh, lasing ka na ba? Tatawag na ako ng taxi for you,” saad ni Rosenda na natatawa habang kinukuhang pilit ang cellphone nito sa purse niya.

Doon niya naintindihan na ang akala ng dalaga ay siya si Renzo. 

“May dala akong kotse Hija, wag mo na akong itawag ng taxi, Who's your father?” tanong ni Ralph sa kanya.

“Hija? Eew! Kailan mo pa ako tinawag na Hija? Hindi ba’t pumpkin ang tawag mo sa akin? Nakakatawa ka talaga Ninong at saka bakit tinatanong mo pa pangalan ni Daddy Joaquin? Lasing ka na nga talaga!” saad ni Rosenda na walang ka alam alam. 

Ah, si Joaquin pala tatay niya. Saad ni Ralph sa isip. 

“Don’t worry! Order ka lang dyan, inom ka pa! Ako naman may ari nitong bar! Sige, maiwan muna kita Ninong, drive safe okay?”  saad ni Rosenda na tatawa tawang tinapik ang balikat ni Ralph at saka umalis.

Sa wari niya ay nakainom na rin ito ngunit nagulat siya sa sinabi nitong siya ang may ari ng bar na napuntahan niya. Totoo kaya iyon? Hindi niya na lamang pinansin at uminom pa ng uminom sa may bar counter.

Napalingon siya sa pintuan ng Bar at nahagip ng mata si Luz, she was wearing a black mini skirt a chub top and a leather jacket at naka boots pa. She’s so gorgeous the moment she walks in, halos mabali ang leeg ng mga lalaking customer na naroon kakatingin sa kanya, she was flashing her brightest pretty smile ever. Lumapit siya kaagad kay Ralph nang makita niya ito sa may bar counter.

“Baby, totoo ba yung sinend mong text sa akin? Papakasalan mo na ako?!” masayang tanong ni Luz na kaagad hinawakan ang kamay ni Ralph. 

Napatingin siya doon at tila naalala ang bigat at sama ng loob na nararamdaman para kay Glory.

“Luz, you like me don’t you?” 

“Yes, I like you so much, Daddy,” 

“You can’t forget about me, right?” 

“Yes!”

“Congratulations! You got what you wanted,” 

Napangiti si Luz at tuwang tuwang napayakap kay Ralph. 

“Thank you, Sweetheart! I love you! Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon!” saad nito ngunit kumalas si Ralph sa pagkakayakap sa kanya at marahas nitong hinawi ang kamay niya.

“But know this Luz… hindi na kita gusto dati pa, at kahit kailan ay hinding hindi kita magugustuhan at kahit magsama pa tayo, si Glory lang ang mamahalin ko, naiintindihan mo?!” saad ni Ralph na umigting pa ang mga panga na ipinaintindi iyon kay Luz at saka tumayo at umalis. 

He hated Luz. He hated everything about her but he needs her for his pain. 

Nang makalabas siya ng Bar ay pinagmasdan niya ang black ferrari niyang kotse. It’s an 812 Superfast. Napa iling siya ngunit sinimulang sumakay roon at saka inilagay ang susi at sinimulang pihitin iyon. 

He drove as fast as he could. Wala siyang pakialam sa kalye at tila iniisip na para lang siyang nasa race field. Hindi niya maipaliwanag ang sakit na nararamdaman, gusto niyang makalimot ngunit hindi niya magawa, lasing na lasing siya ng mga oras na iyon. 

Gusto niya ang naririnig na tunog ng tambutso at gulong niya. Napakabilis niya ng magpatakbo ng kotse. Hindi niya na mapigilan ang mabilis na simoy ng hangin na tumatabon sa kanyang mukha, nakabukas kasi ang bintana ng kotse niya. 

“Whoooohooo!” sigaw niya ng maabot niya na ang speed limit ng kanyang sports car. 

High na high siya ngayon na para bang adrenaline drinker.

Lahat ng sakit at galit ay ibinuhos niya sa pagmamaneho noong gabing iyon.

“How dare you Glory? What did you do? Hindi mo ba talaga ako mahal kaya pinalaglag mo ang anak natin? Sobrang sakit. Pakiramdam ko mamamatay na ako,” saad niya sa isip. 

Hindi niya na makita ang daan dahil nagsisimula ng magdalawa at mag blur ang paningin niya, pilit niyang inaagapan ang manibela ngunit tila nawalan na ito ng preno at mabilis ang mga pangyayaring nabunggo siya sa isang puno, ngunit bago iyon ay napindot niya ang airbag ngunit sugatan pa rin siya. Nagawa niya pang makalabas ng kotse ngunit sa tinamong sugat ay bumagsak din siya. 

Isinugod siya sa ospital ng gabing iyon ngunit tila nag hahallucinate ata siya dahil mukha ni Glory ang nakikita niya, ang maganda nitong ngiti, ang nakakaakit nitong mga mata. 

“Glory,” Iyon na lang ang nasambit niya at nawalan ng malay. 

Samantala, nakatulog si Glory dahil sa sobrang iyak, ngunit tumatawag si Renzo sa kanya kung kaya’t sinagot niya iyon kaagad. 

“Yes, Renzo?” 

“May relasyon kayo ni Ralph diba?” 

“Ha? Bakit mo natanong?” 

“Isinugod siya ngayon sa ospital, kritikal ang lagay niya, I thought you might want to visit him,” 

“Ano?! Nasa ospital si Ralph?!” gulat na tanong niya mula sa kabilang linya. 

“Oo, naaksidente siya sakay ng sportscar niya,” saad ni Renzo. 

“Sige, papunta na ako!” iyon lang at pinatay na ni Glory ang tawag. 

Nagmadali siyang magbihis ng gabing iyon. Ang buong akala niya ay walang pakialam si Renzo sa kanilang dalawa ni Ralph pero nagkamali siya, nag o observe lang pala ito sa kanilang dalawa ng kakambal niya. 

Nang makarating siya sa kwarto nito ay tumambad sa kanya ang isang babae na nakaupo sa gilid ng kama ni Ralph, kaagad siyang nagtago sa may pinto upang hindi siya makita nito. Pinagmasdan niya ito habang umiiyak sa tabi ni Ralph. 

Napahawak siya sa dibdib niya kung saan naroon ang parte ng kanyang puso. Nanlulumo siya sa sinapit ng kanyang manliligaw, hindi niya alam kung anong gagawin, hindi niya naman kasi ineexpect na maaaksidente ito. 

Alam niyang wala siyang karapatang lumapit kay Ralph ngayon dahil siya ang dahilan kung bakit ito naaksidente, pinanghihinaan siya ng loob. Kasalanan niya ang lahat. Hindi niya na mapigilan ang mga luha niyang pumapatak habang pinagmamasdan sa malayo si Ralph, may benda ang ulo nito at nakakunot ang noo na para bang may masakit sa kanya habang natutulog. 

Sapat na ang nakita niya, akmang aalis na siya ng makasalubong niya si Renzo, kaagad siyang niyakap nito. 

“Hey… it’s alright,” saad pa ni Renzo na kino comfort siya.

“It’s my fault Renzo, I’m so sorry, I broke up with him… nag away kami at pagkatapos ay umalis siya,” paliwanag ni Glory. 

“It’s alright… ipagdasal na lang natin na magising siya, pumasok ka na ba sa loob?” tanong nito. 

“I’m sorry, pero hindi ko pa kayang harapin si Ralph ngayon, sana maintindihan mo Renzo, aalis na ako, pag nagising siya balitaan mo na lang ako,” saad ni Glory habang umiiyak pa rin. 

“Okay, sige, ingat,” saad ni Renzo. 

Kaagad na lumabas si Glory ng ospital at doon umiyak ng umiyak sa loob ng kotse niya ngunit nabaling ang atensyon niya sa kotse sa likod niya, alam niyang kotse iyon ni Enrico at posibleng sinundan siya nito. Kaagad niyang hinawakan ang manibela at umalis na sa lugar na iyon. Kailangan niya ng lumayo simula ngayon kay Ralph dahil kapag lumapit pa siya ay baka mas lalo lamang itong mapahamak. 

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Anna Mernilo
tenk u miss A ...️
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Dating The Possessive Billionaire   Chapter Five: The Client

    Nagising si Ralph na walang maalala pagkatapos ng tatlong araw na pagkakatulog. Ni ang pangalan niya ay hindi niya alam kung kaya’t tinulungan siya ng kakambal na si Renzo at pilit na ipaalala rito ang lahat. Nagkausap naman si Luz at si Renzo. “Hindi ko alam na nagkabalikan na pala kayo at may balak magpakasal,” saad ni Renzo.“Oo Kuya, masyadong naging mabilis ang mga pangyayari at hindi na rin namin kayo nasabihan ni Ralph, ang kaso ay nangyari naman ang trahedyang ‘to,” saad ni Luz. “Hayaan mo, gagaling din si Ralph at maalala niya ang lahat, kailangan lang nating maghintay sa ngayon,” saad ni Renzo. Simula ng maaksidente si Ralph ay hindi na umalis sa tabi niya si Luz, inaalagaan niya ito at siya rin ang nagpapakain dito, para kay Luz, kaligayahan niya na ang asikasuhin si Ralph, bagama’t hindi pa siya gaanong maalala nito ay sapat na iyon upang maramdaman nito na mahal na mahal niya ito. “Gaano katagal na tayong magkasintahan?” tanong ni Ralph kay Luz. “Uhm, limang taon n

    Huling Na-update : 2023-06-26
  • Dating The Possessive Billionaire   Chapter Six: Rumors

    3 days later…Nagising si Glory na bali balita sa tabloids ang pagkamatay ng asawa ni Mrs. Samaniego na si Victor Samaniego. “Mahal na mahal ko po ang asawa ko… hindi ko po alam kung sino ang gumawa sa kanya nito,”Saad ni Mrs. Samaniego na umiiyak pa habang kinukuhanan siya ng panayam ng mga press. Pinatay ni Glory ang TV at nagbihis na dahil may meeting sila ni Joaquin ng maaga sa Dela Vega Corp. DELA VEGA CORP. Nang makapasok doon si Glory ay iyon din ang usap usapan ng mga empleyado ni Joaquin. Kung ano ano ang mga naririnig niya. “Kawawa naman si Sir Victor ano?” “Napakabait na tao.. Iyon nga lang nakapag asawa ng demonyo,”“Nagpagawa nga yan ng project at sobra sobra ang ibinayad nyan kay Sir Joaquin,”“Malamang sa malamang pinlano iyon at hindi aksidente,” “Aba oo naman, ikaw ba naman ang asawa ng bilyonaryo, alam mo ba malaking pera daw ang mapupunta kay Mrs. Samaniego ngayong namatay si Sir Victor,”“Talaga? Magkano raw?” “Nasa Fifty Billion, Sis! Kung ako iyon ipapap

    Huling Na-update : 2023-06-28
  • Dating The Possessive Billionaire   Chapter 7: The Killer

    Two days later…Simula ng gabing iyon ay hindi na mapakali si Glory. Hindi niya alam kung ano ang kanyang nagawa. Walang makakaalam. Walang makakaalam. Pangungumbinsi niya sa sarili ngunit tila ayaw siyang patahimikin ng sariling kunsensya.Naiisip niya kasing kung mamamatay si Enrico ay hindi na kailangan pa ng mga divorce papers, mavo void ang appeal nito sa korte at tuluyan na siyang magiging biyuda, makukuha niya rin ang pera at ari arian nito dahil siya pa rin ang asawa dahil hindi pa naman talaga sila tuluyang hiwalay pero kung hahayaan niya lang na mabuhay ito ay palagi siya nitong guguluhin at hindi patatahimikin hanggat may hindi magandang nangyayari sa kanya. Posibleng hindi siya saktan nito or gawan ng masama dahil kung si Ralph nga na walang kaalam alam ay pinagbantaan niyang papatayin niya ay siya pa kayang naging ka relasyon nito. Hindi malayong mangyari iyon kaya balak niya na sanang unahan ang dating asawa ngunit isa itong napakasamang krimen. Desperado na siya at t

    Huling Na-update : 2023-06-29
  • Dating The Possessive Billionaire   Chapter 8: Still Loving Him

    One month later… Maayos na nakuha ni Glory ang lahat ng pera at ari arian ni Enrico. Bagama't galit ang pamilya nito sa kanya ay wala silang nagawa dahil siya pa rin ang legal na asawa ni Enrico. Napunta din kay Glory ang bahay nila ngunit ibinenta niya ito dahil mahihirapan lang siya lalo kapag dito siya tumira. Kahit saang sulok kasi ng bahay ay maalala niya lang si Enrico pati na ang mga pagmamaltratong ginawa nito sa kanya noon. Nabenta niya ang bahay at inilagay sa bangko ang pera. Hindi niya nakakalimutan ang sinabi sa kanya ni Siobeh kung kaya't itinransfer niya na rin ang hinihingi nitong kalahati ng pera ni Enrico kapalit ng pananahimik nito. Maayos ang naging kasunduan nila. Magaling na rin si Ralph at naka recover na. Nang gumaling ito ay mas lalo itong naging abala sa kumpanya at sa nalalapit na pinaplano nitong kasal nila ni Luz kung kaya’t kahit ganon ay mas pinili niya na lang na manahimik at wag ng ipaalam kay Ralph ang kanyang tunay na sitwasyon. Anim na buwan na

    Huling Na-update : 2023-07-02
  • Dating The Possessive Billionaire   Chapter 9: Ralph's Decision

    Nagulat si Renzo ng mag ring ang cellphone niya at si Ralph ang tumatawag kung kaya’t kaagad niyang sinagot ito. “Hello, Kuya? Tulungan mo ako, nandito ako sa ospital,” “Ospital?! bakit? bakit? Napano ka?” “Hindi ako, may isinugod ako dito sa ospital.. Eh hindi ko alam kung sinong tatawagan ko,” “Sige, papunta na ako dyan,” saad ni Renzo at saka kumaripas na papunta sa parking lot para kunin ang kotse niya.Pagdating niya doon ay nakita niyang si Glory ang isinugod nito sa ospital. “Glory, damn it! What happened?! Are you alright?!” nag aalalang tanong ni Renzo na kaagad lumapit kay Glory.“I'm fine,” nanghihinang saad ni Glory. “Ralph, naaalala mo na ba si Glory?! Kaya mo siya dinala dito?” tanong ni Renzo, naghintay din si Glory ng sagot dahil umaasa rin siya na maaalala siya nito. Napakunot ang noo ni Ralph sa tanong ng kakambal niya. “Uhm, Of Course I know her, I saw her at the meeting earlier, and besides, she badly needed my help,” saad ni Ralph. Napabuntong hininga nam

    Huling Na-update : 2023-07-05
  • Dating The Possessive Billionaire   Chapter 10: Glory

    PONTEVEDRA, NEGROS OCCIDENTAL Maayos na nakarating si Glory sa kanyang hometown. Naisip niyang doon muna maglagi dahil sariwa ang hangin doon at maaliwalas ang paligid. Malaki na rin ang pinagbago ng kanilang lugar dahil highly urbanized na iyon at gumagamit na rin ng mga teknolohiya na katulad ng sa Maynila kung kaya’t hindi na siya mahihirapan or maninibago. Ang pamilya San Juan ay may ari ng pinakamalaking sakahan sa lalawigan ng Pontevedra na siyang katuwang ng Munisipalidad sa pagpapalago ng agriculture business kaya masasabing isa sila sa mga pinaka mayayamang pamilya sa lugar. Ang kanyang ama na si Guen San Juan at ang kanyang ina na si Emma San Juan ay kilala sa kanilang lalawigan bilang pinakamababait na hacienderos na handang tumulong sa mga mamayaman anoman ang kailanganin nila. Mapa trabaho o tulong pinansyal ay malalapitan at maasahan sila. Ilang parangal na rin ang natanggap ng kanyang ama sa mayor ng Pontevedra dahil sa pagkakawang gawa nito at mabuting adhikain para

    Huling Na-update : 2023-07-06
  • Dating The Possessive Billionaire   Chapter 11: Glory's Kiss

    GORGEOUS MEN BARFuck. Glory, bakit nasa isip kita? Halik lang iyon, walang big deal pero bakit hindi ka na maalis sa sistema ko? Kahit gaano karaming alak ata ang inumin ko ay mukhang hindi pa rin kita makakalimutan. Saad ni Ralph habang iniinom ang vodka na binigay ni Luz. Napakunot noo siya dahil bigla niyang naisip na iniwan lang siya nito doon at hindi niya na alam kung nasaan ito. Sinubukan niyang tumayo ngunit susuray suray na siya. Nasaan na ba si Luz? Saad niya sa isip at napahawak sa ulo niya dahil bigla iyon sumakit. Isang alaala ang sumulpot sa kanyang isip. Umiiyak siya sa harap ng isang puntod pero hindi niya alam kung kanino iyon. Sinubukan niyang tawagan ang kakambal na si Renzo. “Kuya,”“Hello? Ralph? What is it?” “Kuya, pasundo, nandito ako sa Bar, sa may 11th street,” “Wait, sa Gorgeous Men Bar ba yan?” “Oo, kasama ko si Luz kaso hindi ko na siya makita, kanina pa ako mag isa,” “Sige, papunta na ako,” “Okay,” Iyon na lang ang nasabi ni Ralph at saka bumalik

    Huling Na-update : 2023-07-11
  • Dating The Possessive Billionaire   Chapter 12: Danice

    KINABUKASAN ay masakit na masakit ang ulo ni Ralph at pagtingin niya doon ay wala na si Luz, maaga itong umalis, nagsulat pa ito sa full body mirror niya gamit ang red lipstick nito na sinasabing “see you later, I love you” Naligo siya at nagbihis ng kanyang business suit. Pumasok siya sa opisina ng wala sa sarili ng mga oras na iyon. “Ralph! Salamat naman at nandito ka na! Lasing na lasing ka kagabi, ang akala ko ay napano ka na, pumunta ako sa Bar ngunit ang sabi ay kasama mo raw na umuwi si Luz kaya umuwi na lang din ako,” saad ni Renzo na nakasalubong niya. “Pasensya ka na kuya, naparami inom ko eh,” saad ni Ralph. “Ayos lang, I’ve been there before at kilala kita, ano? Kamusta? May mga sumusulpot bang alaala sayo lately?” tanong ni Renzo. “Meron kaso malabo pa eh,” saad ni Ralph na nahilot ang sintido niya, ininuman niya na kasi ng gamot ngunit umiikot pa rin ang paningin niya at para bang may humahatak na demonyo sa kanya pababa. “Nakakita ako ng puntod sa alaala ko kuya,

    Huling Na-update : 2023-07-12

Pinakabagong kabanata

  • Dating The Possessive Billionaire   Chapter 87: Sonia Escaped

    KINABUKASAN ay nag asikaso na si Glory. Inayos niya muna ang mga uniporme na gagamitin ng mga bata sa school pati na rin ang mga gamit ng mga ito at gumawa ng baon ng mga ito at saka siya nagbihis. She needs to go out. She needs to work at iyon ang hindi maintindihan ni Ralph.Hindi ito umuwi kung kaya’t siya na ang nag asikaso sa mga bata. Ayaw niya munang makipagtalo dito kung kaya’t ginawa niyang abala ang sarili. Nang makapasok ang mga bata sa school ay kaagad siyang pumunta sa Dela Vega Corp.ngunit laking gulat niya ng naroon si Ralph at tila tulog na tulog pa dahil sa labis na kalasingan.“Tumawag sa akin yung bodyguard ko ng hating gabi at ang sabi nga ay nagpipilit daw pumasok ang gago na yan dito sa Opisina ko at may hawak na alak kaya sabi ko sa guard ay hayaan na lang dahil wala rin namang saysay makipagtalo pa sa taong lasing,” paliwanag ni Joaquin habang hinihilot ang sintido. “Pasensya ka na, nag away Kasi kami kagabi eh, actually, ayaw niya pa akong papasukin sana, a

  • Dating The Possessive Billionaire   Chapter 86: Recovering Again

    3 months later… Naka recover na si Glory ngunit wala pa rin siyang maalala at kahit na ikinuwento na ni Ralph sa kanya ang mga nangyari ay nananatiling misteryo para sa kanya ang pagkabuhay na muli dahil sa ulo siya napuruhan ng baril. Napag isipan niya namang mabuti ang tungkol sa pag uusap nila ni Joaquin at ang sabi ng kaibigan ay magsabi lang kung handa na siyang bumalik sa trabaho upang maipaayos ang kanyang opisina ngunit kailangan niyang puntahan ito ng hindi nakaayos. Umaasa pa rin siya na may maalala kahit kaunti. Pagkahatid niya sa eskwelahan ng mga anak ay kaagad siyang pumunta sa Dela Vega Corp. Sa unang sulyap pa lamang ay tandang tanda niya na ang lugar. Nakita niya ang mga nalalantang bulaklak na naroon, binasa niya ang card at galing lahat iyon kay Ralph. Ganon siya kamahal nito. Lumapit siya sa desk niya at binuksan ang mga drawers, nakita niya doon ang isang maliit na picture frame at pagtingin niya ay wedding photo nila iyon ni Enrico na ex husband niya

  • Dating The Possessive Billionaire   Chapter 85: Keeping The Fire Burning

    Maghapon silang nag usap dahil miss na miss nila ang isa’t isa. Gayon din ang mga anak na halos ayaw umalis sa private room ni Glory kung kaya’t ginawan sila ni Ralph ng higaan upang makatulog ng komportable ang mga bata. “Hon, are they sleeping now?” tanong ni Glory dahil hindi na siya mapakali. Masyadong nakakaakit si Ralph ng mga oras na iyon. "Oo, tulog na," saad ni Ralph na lumapit kay Glory at umupo sa gilid ng kama nito.May mga bagay pa ring hindi nagbago kay Ralph katulad na lamang kanyang pananamit. Gwapong gwapo pa rin ito sa simpleng white long sleeve polo na tinupi niya ng ¾ ang manggas habang nakabukas ng bahagya ang butones nito sa may bandang dibdib. Napakagat ng labi si Glory. She wants him so bad. Hindi na napigilan ni Glory ang kanyang sarili at para bang may sariling isip ang kanyang mga kamay na gumapang sa pagkalalaki ni Ralph. “Glory… hindi ka pa tuluyang magaling, baka makasama sayo,” saad ni Ralph na tila nahihirapan ang mukha. Pinipigilan niya ang saril

  • Dating The Possessive Billionaire   Chapter 84: Series Of Events

    “Tell me now, I’m ready,” saad ni Glory kay Ralph. “Well, after I got treated at the hospital, Enrico voluntarily helped me to save you,” saad ni Ralph, may lungkot sa kanyang mga mata habang iniisip ang nakaraang pangyayari. Muling bumalik sa ala ala ni Ralph ang lahat ng nangyari ng mga panahong iyon. “Okay, that’s it, that’s good, aalis na ako Ralph, kailangan kong iligtas si Glory but you’re coming with me Luz,” mariing saad ni Enrico kay Luz. “As if I have a choice, jerk!” sarkastikong saad ni Luz. “No!” mariing saad ni Ralph kay Enrico. “What the fuck do you want?! there’s no time! kapag hindi ko naabutang buhay si Glory, tapos tayong lahat Ralph!” singhal ni Enrico. “I’m coming with you!” “Hindi ka pa magaling, Ralph,” “Listen, you asshole! ikaw ang nagdala sating lahat sa sitwasyon na ‘to kaya tutulungan mo akong makaalis dito at pupunta tayong dalawa kay Glory!” mariing paninindigan ni Ralph. “Sigurado ka bang kaya mo na?!” galit na saad ni Enrico. “I’m losing her

  • Dating The Possessive Billionaire   Chapter 83: Glory Is Awake

    Nagising na nga si Glory ng sandaling iyon. Noong una ay puro puti at maliwanag lamang ang nakikita niya ngunit unti-unti na ring luminaw at nakita niya sa tabi niya si Ralph. “Honey, you're finally awake…” saad ni Ralph na ngayon ay nakaupo sa tabi ng kama nito. Walang maisagot si Glory kundi ang pagtulo ng kanyang mga luha sa maganda niyang mukha. Hindi siya makapaniwalang buhay siya. Isa iyong himala dahil hanggang ngayon ay siguradong sigurado siyang napuruhan siya ng bala ng baril ni Sonia sa kanyang sintido na dahilan kung bakit siya nakatulog ng napakahabang panahon. Nag e echo sa isip niya ang tunog ng gatilyo at ang pagsabog non sa kanyang ulo. Malamig na parang wala na siyang buhay ng mga oras na iyon. Masakit. Sobrang sakit na pakiramdam mo ay paulit ulit kang pinaparusahan at nakakatrauma na parang gusto mo na lamang magtago. “Glory… are you alright? gusto mo bang magpahinga muna?” tanong ni Ralph na nagpabalik sa kanyang ulirat. “The kids… where's Cale and Cole?..

  • Dating The Possessive Billionaire   Chapter 82: Wake Up, Glory

    Bumisita si Rosenda sa ospital kung nasaan si Glory dala dala ang isang malaking box na pinaglalagyan ng wedding dress nito. Gaya ng dati ay natutulog pa rin ito ng mahimbing. “Tita Glory, nagawa ko na itong wedding dress mo, ikaw na lang ang kulang, please wake up,” saad ni Rosenda. “Ma’am Rosenda, saan ho ito ilalagay?” tanong ng lalaking staff nito na may hawak na mannequin. “Uhm, dito na lang po sa gilid, kuya,” saad ni Rosenda na tinuro ang sulok sa hospital room nito. “I want to flaunt this here at your room so I hope you don't mind, Tita,” saad ni Rosenda habang binibihisan ng wedding dress ang mannequin. “Hindi naman siguro magagalit si tito Ralph nito diba?” saad pa ni Rosenda habang inaayos ang wedding dress. “Alright, tapos na! alam mo, I always imagined na malapit ng dumating yung time na masusuot mo na itong wedding dress na pinagawa mo sa akin,” saad pa ni Rosenda habang nakangiti sa natutulog na si Glory. “Please, wake up Tita, your family needs you. Ang kambal mo

  • Dating The Possessive Billionaire   Chapter 81: Sleeping

    Mabigat ang mga paghinga ni Glory, hindi niya alam kung saan siya dinala ni Lana. “Please, parang awa mo na,” nagmamakaawang saad niya dito ngunit hindi siya pinapakinggan nito. “I’ll pay you… double… please, just don't hurt me and my unborn child.. please,” patuloy na pagmamakaawa ni Glory. “You billionaire’s, sawang sawa na ako sa mga laro ninyo! ginagawa niyo kaming puppet na kailangang gawin kung ano ang gusto niyo sa pamamagitan ng pera. Do you think you can bribe me?!” singhal ni Lana na mas lalo pang hinigpitan ang hawak kay Glory, nanggigigil siya sa galit at tensyon dahil kailangan niya ng matapos ang trabaho niya. “Magkano ang binayad sayo ni Sonia?! please, kahit magkano pa yan! wag mo lang kaming patayin ng anak ko!” Hindi na makapag isip ng matino si Lana, hindi niya alam kung kanino maniniwala ngunit nakukuha na ni Glory ang loob niya. “If I told you how much money I get from Sonia, would you triple it?” “Yes! kahit magkano pa yan please, iligtas mo kami ng anak k

  • Dating The Possessive Billionaire   Chapter 80: Tight Spot

    Kasabay ng mabilis na pagpapatakbo ni Ralph ng kotse niya ang pagtibok ng kanyang puso. Wala siyang dapat sayanging oras dahil nasa peligro ang buhay nila. Kasalukuyan silang nakikipaghabulan sa mga taong hindi nila alam ang pakay sa kanila. Mabagsik ang mga ito na pilit binabaril ang sasakyan nila. “Can you move a little so that I can finish those lowlives?” saad ni Enrico kay Luz.“Why me?!” singhal ni Luz. “Baka nakakalimutan mo, nakaposas tayo diba?” “Damn it!” saad ni Luz at saka gumalaw ng konti upang alalayan si Enrico. “Damn it! Hindi pwede ang ganito, Ralph, bubuksan ko yung pinto mo sa likod ah,”“What?! Are you fucking crazy?!” singhal ni Ralph.“Yes! I’m crazy, we need to attack them, kundi mamamatay tayong lahat dito! Just think about Glory and your unborn child!” singhal ni Enrico at saka pumunta sa likod ng kotse, napasunod naman si Luz dahil wala siyang magagawa dahil nakaposas ang mga kamay nila. “Damn it! You need to cooperate bitch!” singhal ni Enrico kay Luz.

  • Dating The Possessive Billionaire   Chapter 79: Loose Em

    Maya maya ay isang bala ng baril ang tumama sa binti ni Ralph dahilan upang matumba siya kay Glory. "Ralph!" singhal ni Glory na kinuha ang braso nito at ipinatong sa balikat niya. "Come on! Umalis na tayo dito!" saad ni Ralph habang akay akay siya ni Glory. Sa di kalayuan ay natanaw na nila ang kotse ni Ralph. Kinuha ni Ralph ang susi sa bulsa niya ngunit mabilis na ang kanyang mga paghinga dahil sa iniindang tama ng baril ngunit tinitiis niya iyon. "You're bleeding, Ralph," saad ni Glory. "It's fine," saad ni Ralph na luminga-linga sa paligid dahil baka may mga bandidong naghihintay na makita sila habang nagkukubli sila sa malalaking dahon na nakapalibot sa kagubatan."I just need to get to my car, so we can escape," saad ni Ralph. "Okay! Okay," saad ni Glory ngunit napakubli silang dalawa ng makita nilang may lumapit sa kotse na isang armadong lalaki. May tattoo ito sa gilid braso at nakasuot ng bandana. "Fuck! Who are these people, Glory?!" bulong ni Ralph sa kanya. "I d

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status