3 days later…
Nagising si Glory na bali balita sa tabloids ang pagkamatay ng asawa ni Mrs. Samaniego na si Victor Samaniego.
“Mahal na mahal ko po ang asawa ko… hindi ko po alam kung sino ang gumawa sa kanya nito,”
Saad ni Mrs. Samaniego na umiiyak pa habang kinukuhanan siya ng panayam ng mga press.
Pinatay ni Glory ang TV at nagbihis na dahil may meeting sila ni Joaquin ng maaga sa Dela Vega Corp.
DELA VEGA CORP.
Nang makapasok doon si Glory ay iyon din ang usap usapan ng mga empleyado ni Joaquin. Kung ano ano ang mga naririnig niya.
“Kawawa naman si Sir Victor ano?”
“Napakabait na tao.. Iyon nga lang nakapag asawa ng demonyo,”
“Nagpagawa nga yan ng project at sobra sobra ang ibinayad nyan kay Sir Joaquin,”
“Malamang sa malamang pinlano iyon at hindi aksidente,”
“Aba oo naman, ikaw ba naman ang asawa ng bilyonaryo, alam mo ba malaking pera daw ang mapupunta kay Mrs. Samaniego ngayong namatay si Sir Victor,”
“Talaga? Magkano raw?”
“Nasa Fifty Billion, Sis! Kung ako iyon ipapapatay ko talaga ang asawa ko noh,”
“Gaga ka talaga! Hindi rin naman natin masasabi, ang alam ko kasi may babae daw yan si sir Victor at ibinibigay na doon ang lahat ng pera niya,”
“Naku, matinding galit at selos siguro yan, kaya pinapatay,”
Tulala lang si Glory habang nakikinig sa mga usap usapan na iyon. Matapos silang mag meeting ay nagulat si Glory ng higitin siya ni Renzo at dalhin sa isang sulok, hindi niya naman matawag si Joaquin at nakalayo na rin ito ng hindi sila namamalayang dalawa.
“Renzo, ano ba?!” singhal niya sa kaibigan.
“Joaquin told me that you are pregnant, totoo ba huh?! Kaya ba laging maluwag yang damit mo?! Who’s the guy, huh?! Kay Ralph ba yan?!” sunud sunod na tanong ni Renzo.
“This has nothing to do with Ralph, Renzo, I met a man, his name is Alaric, he was my client’s brother and we had sex, simple as that,” palusot ni Glory.
Napa iling na lang si Renzo.
“Glory naman, hindi mo iniingatan ‘yang sarili mo, anong sabi ng tatay ng bata? Papanagutan daw ba yan?” tanong ni Renzo na nag aalala.
Gumana ang palusot ni Glory at napaniwala niya si Renzo.
“No, but don’t worry, I can take care of myself,” saad ni Glory na siniguro iyon kay Renzo.
Bumuntong hininga si Renzo at tila nahihilot ang sintido.
“Yeah, for sure, come on, your Glory San Juan,”
“What’s the problem Renzo? Hindi naman ako baldado, I’m just pregnant, I can still work my ass off,”
“It’s not that, Glory, the problem is you will raise your child alone,” saad ni Renzo na nasapo ang noo niya.
“What’s the big deal about that huh? Maraming gumagawa non Renzo,”
“Yes, but you deserve more Glory, college pa lang tayo magkakasama na tayong tatlo nila Joaquin, so don’t expect me to act normal about this, kita mo nga oh, kay Joaquin mo lang sinabi, parang wala tayong pinagsamahan nyan,” saad ni Renzo na naiinis.
“So, masama ang loob mo,” saad ni Glory.
“Yes! Masama talaga ang loob ko! Asan ba ang gago na yan na nakabuntis sayo?! bubugbugin ko yan sa harapan mo!” saad ni Renzo na nasipa pa ang pader.
“I’m sorry,” saad ni Glory at yumuko.
“You know how much we care about you, kami ni Joaquin, we're friends!" singhal ni Renzo.
"I know, that's why I'm sorry," saad ni Glory na mahinahon.
"Eh akala ko okay kayo ni Ralph eh, kaya hinahayaan ko lang kayo, I remember nagku-kwento siya sa akin kung gaano siya kasaya noong nakilala ka niya dito sa office, tapos nakipag break ka pala and that fucking car accident happened," saad ni Renzo na nanlulumo na.
"I broke up with him dahil nalaman niya na buntis ako sa ibang lalaki. I don't want to be unfair to your brother Renzo, so I set him free," palusot ni Glory.
Marahas na tinanggal ni Renzo ang eye glasses niya at saka sinabunutan ang sarili at napakagat labi sa inis.
Ramdam niya kung gaano nasasaktan si Renzo sa nangyayari.
"Tapos dumagdag pa si Luz, umuwi daw siya ng States dahil bago maaksidente si Ralph pinangakuan daw siya ng kasal ng kapatid ko, hindi ko na alam kung sinong paniniwalaan ko sa inyong dalawa," saad ni Renzo na litong lito.
So Luz is her name. Saad ni Glory sa isip.
"Wag kang mag alala, hinding hindi na ako lalapit kay Ralph, kahit kailan,” saad ni Glory sa malamig na boses, nadudurog ang puso niya sa isiping iyon ngunit kailangan niyang maging matatag.
"Tapos ngayon nag su suffer siya sa memory loss, hirap na hirap na ako Glory," saad ni Renzo na tumulo na ang luha at marahas na pinahid iyon.
Niyakap niya ang kaibigan.
"Hey big guy, don't cry now, wag ka na rin mag effort na ipaalala ako sa kanya, kung nakalimutan niya ako mas mabuti na iyon," saad niya rito na pilit pinapagaan ang kalooban nito.
Nang araw na iyon ay binisita niya ulit si Ralph sa ospital. Pinapakain siya ni Luz at masaya silang nagkukwentuhan.
Ralph, ako dapat yan… ako dapat ang kasama mo ngayon pero ginawa ko ‘to para sayo, sinakripisyo ko ang sarili kong kaligayahan para iligtas ang buhay mo. Ang hiling ko lang, sana maging masaya ka na ngayon, kahit pa nasa piling ka na ng iba. Magpapaubaya na lang ako, katulad ng parati kong ginagawa.
Napabuntong hininga siya at bagsak ang balikat na lumabas ng ospital ngunit may humigit na naman sa braso niya at pagtingin niya ay si Enrico na naman.
Hindi na maganda ang awra nito at mukhang lasing na dahil susuray suray na ito. Parang baliw itong tumawa sa kanya.
“Nandyan lalaki mo noh? Ang sweet mo naman, palagi mong dinadalaw,” saad ni Enrico.
“Pwede ba, Enrico, pumunta ako dito dahil may kliyente ako dito!” palusot ni Glory.
“Wag mo na akong lokohin, alam kong nandyan ang lalaki mo, sabihin mo naman, anong floor? Saang room? Para naman mas madali ko siyang mapatay!” saad ni Enrico na umiigting pa ang mga panga at galit na galit.
“Nababaliw ka na, Enrico, tigilan mo na ako!” singhal niya at saka hinawi ang kamay ni Enrico.
Mabilis siyang tumakbo papasok sa kotse niya.
“Ito tatandaan mo Glory, hindi ka magiging masaya, isinusumpa ko yan, isasama kita sa pagiging miserable ko, pangako yan,” saad pa nito ngunit hindi niya na iyon pinansin at kaagad na nagmaneho.
Pag uwi niya sa Condo Unit niya ay naalala niya na naman ang ginawa ng kliyente niyang si Mrs. Samaniego.
Kumuha siya ng envelope at picture ng asawa, at kapirasong papel. Nilagay niya doon ang impormasyon tungkol kay Enrico, ang buong pangalan nito at ang address ng bahay kung saan ito naglalagi. Magulo ang isip niya hindi niya alam kung ano ang ginagawa niya.
Isinilid niya iyon sa envelope at naglagay ng sampung libo at saka hindi nag atubiling puntahan ang lugar na pinuntahan nila ni Mrs. Samaniego noong isang araw.
Bumaba siya ng kotse at nagsuot ng shades, dali dali siyang pumasok sa maliit na eskinita at tumapat sa bahay na iyon kung saan hinulog ni Mrs. Samaniego ang sobre.
“Misis, sigurado ka ba dyan sa gagawin mo?” tanong sa kanya ng tambay doon na naninigarilyo.
She felt so much hatred to Enrico at walang ano anong inihulog ang sobre sa bahay na iyon at nagdali daling umalis sa lugar na iyon.
Pagbalik niya sa Condo niya ay pilit niyang inaalis sa isip ang ginawa niya ngunit paulit ulit itong bumabalik. Gulong gulo na siya sa nangyayari, ang gusto niya lang ay hindi na siya guluhin ni Enrico, pero hindi niya akalain na aabot siya sa ganong klase ng sitwasyon na ipapapatay niya ang dating asawa.
Two days later…Simula ng gabing iyon ay hindi na mapakali si Glory. Hindi niya alam kung ano ang kanyang nagawa. Walang makakaalam. Walang makakaalam. Pangungumbinsi niya sa sarili ngunit tila ayaw siyang patahimikin ng sariling kunsensya.Naiisip niya kasing kung mamamatay si Enrico ay hindi na kailangan pa ng mga divorce papers, mavo void ang appeal nito sa korte at tuluyan na siyang magiging biyuda, makukuha niya rin ang pera at ari arian nito dahil siya pa rin ang asawa dahil hindi pa naman talaga sila tuluyang hiwalay pero kung hahayaan niya lang na mabuhay ito ay palagi siya nitong guguluhin at hindi patatahimikin hanggat may hindi magandang nangyayari sa kanya. Posibleng hindi siya saktan nito or gawan ng masama dahil kung si Ralph nga na walang kaalam alam ay pinagbantaan niyang papatayin niya ay siya pa kayang naging ka relasyon nito. Hindi malayong mangyari iyon kaya balak niya na sanang unahan ang dating asawa ngunit isa itong napakasamang krimen. Desperado na siya at t
One month later… Maayos na nakuha ni Glory ang lahat ng pera at ari arian ni Enrico. Bagama't galit ang pamilya nito sa kanya ay wala silang nagawa dahil siya pa rin ang legal na asawa ni Enrico. Napunta din kay Glory ang bahay nila ngunit ibinenta niya ito dahil mahihirapan lang siya lalo kapag dito siya tumira. Kahit saang sulok kasi ng bahay ay maalala niya lang si Enrico pati na ang mga pagmamaltratong ginawa nito sa kanya noon. Nabenta niya ang bahay at inilagay sa bangko ang pera. Hindi niya nakakalimutan ang sinabi sa kanya ni Siobeh kung kaya't itinransfer niya na rin ang hinihingi nitong kalahati ng pera ni Enrico kapalit ng pananahimik nito. Maayos ang naging kasunduan nila. Magaling na rin si Ralph at naka recover na. Nang gumaling ito ay mas lalo itong naging abala sa kumpanya at sa nalalapit na pinaplano nitong kasal nila ni Luz kung kaya’t kahit ganon ay mas pinili niya na lang na manahimik at wag ng ipaalam kay Ralph ang kanyang tunay na sitwasyon. Anim na buwan na
Nagulat si Renzo ng mag ring ang cellphone niya at si Ralph ang tumatawag kung kaya’t kaagad niyang sinagot ito. “Hello, Kuya? Tulungan mo ako, nandito ako sa ospital,” “Ospital?! bakit? bakit? Napano ka?” “Hindi ako, may isinugod ako dito sa ospital.. Eh hindi ko alam kung sinong tatawagan ko,” “Sige, papunta na ako dyan,” saad ni Renzo at saka kumaripas na papunta sa parking lot para kunin ang kotse niya.Pagdating niya doon ay nakita niyang si Glory ang isinugod nito sa ospital. “Glory, damn it! What happened?! Are you alright?!” nag aalalang tanong ni Renzo na kaagad lumapit kay Glory.“I'm fine,” nanghihinang saad ni Glory. “Ralph, naaalala mo na ba si Glory?! Kaya mo siya dinala dito?” tanong ni Renzo, naghintay din si Glory ng sagot dahil umaasa rin siya na maaalala siya nito. Napakunot ang noo ni Ralph sa tanong ng kakambal niya. “Uhm, Of Course I know her, I saw her at the meeting earlier, and besides, she badly needed my help,” saad ni Ralph. Napabuntong hininga nam
PONTEVEDRA, NEGROS OCCIDENTAL Maayos na nakarating si Glory sa kanyang hometown. Naisip niyang doon muna maglagi dahil sariwa ang hangin doon at maaliwalas ang paligid. Malaki na rin ang pinagbago ng kanilang lugar dahil highly urbanized na iyon at gumagamit na rin ng mga teknolohiya na katulad ng sa Maynila kung kaya’t hindi na siya mahihirapan or maninibago. Ang pamilya San Juan ay may ari ng pinakamalaking sakahan sa lalawigan ng Pontevedra na siyang katuwang ng Munisipalidad sa pagpapalago ng agriculture business kaya masasabing isa sila sa mga pinaka mayayamang pamilya sa lugar. Ang kanyang ama na si Guen San Juan at ang kanyang ina na si Emma San Juan ay kilala sa kanilang lalawigan bilang pinakamababait na hacienderos na handang tumulong sa mga mamayaman anoman ang kailanganin nila. Mapa trabaho o tulong pinansyal ay malalapitan at maasahan sila. Ilang parangal na rin ang natanggap ng kanyang ama sa mayor ng Pontevedra dahil sa pagkakawang gawa nito at mabuting adhikain para
GORGEOUS MEN BARFuck. Glory, bakit nasa isip kita? Halik lang iyon, walang big deal pero bakit hindi ka na maalis sa sistema ko? Kahit gaano karaming alak ata ang inumin ko ay mukhang hindi pa rin kita makakalimutan. Saad ni Ralph habang iniinom ang vodka na binigay ni Luz. Napakunot noo siya dahil bigla niyang naisip na iniwan lang siya nito doon at hindi niya na alam kung nasaan ito. Sinubukan niyang tumayo ngunit susuray suray na siya. Nasaan na ba si Luz? Saad niya sa isip at napahawak sa ulo niya dahil bigla iyon sumakit. Isang alaala ang sumulpot sa kanyang isip. Umiiyak siya sa harap ng isang puntod pero hindi niya alam kung kanino iyon. Sinubukan niyang tawagan ang kakambal na si Renzo. “Kuya,”“Hello? Ralph? What is it?” “Kuya, pasundo, nandito ako sa Bar, sa may 11th street,” “Wait, sa Gorgeous Men Bar ba yan?” “Oo, kasama ko si Luz kaso hindi ko na siya makita, kanina pa ako mag isa,” “Sige, papunta na ako,” “Okay,” Iyon na lang ang nasabi ni Ralph at saka bumalik
KINABUKASAN ay masakit na masakit ang ulo ni Ralph at pagtingin niya doon ay wala na si Luz, maaga itong umalis, nagsulat pa ito sa full body mirror niya gamit ang red lipstick nito na sinasabing “see you later, I love you” Naligo siya at nagbihis ng kanyang business suit. Pumasok siya sa opisina ng wala sa sarili ng mga oras na iyon. “Ralph! Salamat naman at nandito ka na! Lasing na lasing ka kagabi, ang akala ko ay napano ka na, pumunta ako sa Bar ngunit ang sabi ay kasama mo raw na umuwi si Luz kaya umuwi na lang din ako,” saad ni Renzo na nakasalubong niya. “Pasensya ka na kuya, naparami inom ko eh,” saad ni Ralph. “Ayos lang, I’ve been there before at kilala kita, ano? Kamusta? May mga sumusulpot bang alaala sayo lately?” tanong ni Renzo. “Meron kaso malabo pa eh,” saad ni Ralph na nahilot ang sintido niya, ininuman niya na kasi ng gamot ngunit umiikot pa rin ang paningin niya at para bang may humahatak na demonyo sa kanya pababa. “Nakakita ako ng puntod sa alaala ko kuya,
Binisita ni Danice at Ralph ang puntod ni Sophia at nang makita kaagad iyon ni Ralph ay nagbalik sa kanya ang mga dating ala-ala, ang mga pinagsamahan nila ni Sophia noong nakakasama niya pa ito. Sophia is his childhood sweetheart at nagkahiwalay sila noong nag aral sa abroad si Sophia ngunit muli sila pinagtagpo ng tadhana ng ipa-arrange marriage ng kanilang tatay si Sophia kay Renzo ngunit parehas walang nararamdaman si Renzo at Sophia sa isa't-isa kung kaya't hindi natuloy ang kasal nila at doon ay nanindigan si Ralph na ipaglaban ang pagmamahal niya kay Sophia. Niligawan niya ito, minahal at pinakasalan at nagkaroon sila ng napkagandang anak na si Danice. Nakasama niya si Sophia sa saya at lungkot sa maraming taon nilang pagsasama bilang mag asawa at ang buong akala nila ay wala ng makakabuwag ng kanilang matibay na relasyon ngunit biglang dumating si kamatayan at kinuha si Sophia. Danice was already eighteen years old when Sophia died, she had to took care of her old man nguni
Nagbalik sa Maynila si Glory kasama ang kanyang kambal ngunit doon muna sila tumuloy sa Hacienda Dela Vega gaya ng alok ni Joaquin. “Salamat naman at nakarating kayo ng ligtas,” saad ni Joaquin na may malawak na ngiti ng tumigil ang kotse na lulan nila Glory sa harap ng pinto ng mansyon. Naroon din si Samantha na sinalubong din sila pati na ang kambal ni Joaquin na si Nerri at Noreen. Pagbaba nila ng kotse ay kaagad na inalalayan sila ni Joaquin at inilahad ang kamay nito kay Glory, nagulat si Glory nang makita niya ang sinapupunan ni Samantha.“Oh, buntis ka pala Samantha, ilang buwan na yan?” tanong ni Glory.“Ah, Oo.. 7 months na,” saad ni Samantha. “Akala ko ay gabi pa kayo makakarating, buti na lamang at maliwanag pa,” saad ni Joaquin. “Siya nga pala, mga anak ko, si Cale at Cole,” pakilala ni Glory sa kambal niya. “Good afternoon, Mr. Dela Vega,” saad ng kambal na si Cale at Cole na sabay na bumati. Natuwa naman si Joaquin sa mga ito, “No need to be formal, boys, Tito Joa
3 months later… Naka recover na si Glory ngunit wala pa rin siyang maalala at kahit na ikinuwento na ni Ralph sa kanya ang mga nangyari ay nananatiling misteryo para sa kanya ang pagkabuhay na muli dahil sa ulo siya napuruhan ng baril. Napag isipan niya namang mabuti ang tungkol sa pag uusap nila ni Joaquin at ang sabi ng kaibigan ay magsabi lang kung handa na siyang bumalik sa trabaho upang maipaayos ang kanyang opisina ngunit kailangan niyang puntahan ito ng hindi nakaayos. Umaasa pa rin siya na may maalala kahit kaunti. Pagkahatid niya sa eskwelahan ng mga anak ay kaagad siyang pumunta sa Dela Vega Corp. Sa unang sulyap pa lamang ay tandang tanda niya na ang lugar. Nakita niya ang mga nalalantang bulaklak na naroon, binasa niya ang card at galing lahat iyon kay Ralph. Ganon siya kamahal nito. Lumapit siya sa desk niya at binuksan ang mga drawers, nakita niya doon ang isang maliit na picture frame at pagtingin niya ay wedding photo nila iyon ni Enrico na ex husband niya
Maghapon silang nag usap dahil miss na miss nila ang isa’t isa. Gayon din ang mga anak na halos ayaw umalis sa private room ni Glory kung kaya’t ginawan sila ni Ralph ng higaan upang makatulog ng komportable ang mga bata. “Hon, are they sleeping now?” tanong ni Glory dahil hindi na siya mapakali. Masyadong nakakaakit si Ralph ng mga oras na iyon. "Oo, tulog na," saad ni Ralph na lumapit kay Glory at umupo sa gilid ng kama nito.May mga bagay pa ring hindi nagbago kay Ralph katulad na lamang kanyang pananamit. Gwapong gwapo pa rin ito sa simpleng white long sleeve polo na tinupi niya ng ¾ ang manggas habang nakabukas ng bahagya ang butones nito sa may bandang dibdib. Napakagat ng labi si Glory. She wants him so bad. Hindi na napigilan ni Glory ang kanyang sarili at para bang may sariling isip ang kanyang mga kamay na gumapang sa pagkalalaki ni Ralph. “Glory… hindi ka pa tuluyang magaling, baka makasama sayo,” saad ni Ralph na tila nahihirapan ang mukha. Pinipigilan niya ang saril
“Tell me now, I’m ready,” saad ni Glory kay Ralph. “Well, after I got treated at the hospital, Enrico voluntarily helped me to save you,” saad ni Ralph, may lungkot sa kanyang mga mata habang iniisip ang nakaraang pangyayari. Muling bumalik sa ala ala ni Ralph ang lahat ng nangyari ng mga panahong iyon. “Okay, that’s it, that’s good, aalis na ako Ralph, kailangan kong iligtas si Glory but you’re coming with me Luz,” mariing saad ni Enrico kay Luz. “As if I have a choice, jerk!” sarkastikong saad ni Luz. “No!” mariing saad ni Ralph kay Enrico. “What the fuck do you want?! there’s no time! kapag hindi ko naabutang buhay si Glory, tapos tayong lahat Ralph!” singhal ni Enrico. “I’m coming with you!” “Hindi ka pa magaling, Ralph,” “Listen, you asshole! ikaw ang nagdala sating lahat sa sitwasyon na ‘to kaya tutulungan mo akong makaalis dito at pupunta tayong dalawa kay Glory!” mariing paninindigan ni Ralph. “Sigurado ka bang kaya mo na?!” galit na saad ni Enrico. “I’m losing her
Nagising na nga si Glory ng sandaling iyon. Noong una ay puro puti at maliwanag lamang ang nakikita niya ngunit unti-unti na ring luminaw at nakita niya sa tabi niya si Ralph. “Honey, you're finally awake…” saad ni Ralph na ngayon ay nakaupo sa tabi ng kama nito. Walang maisagot si Glory kundi ang pagtulo ng kanyang mga luha sa maganda niyang mukha. Hindi siya makapaniwalang buhay siya. Isa iyong himala dahil hanggang ngayon ay siguradong sigurado siyang napuruhan siya ng bala ng baril ni Sonia sa kanyang sintido na dahilan kung bakit siya nakatulog ng napakahabang panahon. Nag e echo sa isip niya ang tunog ng gatilyo at ang pagsabog non sa kanyang ulo. Malamig na parang wala na siyang buhay ng mga oras na iyon. Masakit. Sobrang sakit na pakiramdam mo ay paulit ulit kang pinaparusahan at nakakatrauma na parang gusto mo na lamang magtago. “Glory… are you alright? gusto mo bang magpahinga muna?” tanong ni Ralph na nagpabalik sa kanyang ulirat. “The kids… where's Cale and Cole?..
Bumisita si Rosenda sa ospital kung nasaan si Glory dala dala ang isang malaking box na pinaglalagyan ng wedding dress nito. Gaya ng dati ay natutulog pa rin ito ng mahimbing. “Tita Glory, nagawa ko na itong wedding dress mo, ikaw na lang ang kulang, please wake up,” saad ni Rosenda. “Ma’am Rosenda, saan ho ito ilalagay?” tanong ng lalaking staff nito na may hawak na mannequin. “Uhm, dito na lang po sa gilid, kuya,” saad ni Rosenda na tinuro ang sulok sa hospital room nito. “I want to flaunt this here at your room so I hope you don't mind, Tita,” saad ni Rosenda habang binibihisan ng wedding dress ang mannequin. “Hindi naman siguro magagalit si tito Ralph nito diba?” saad pa ni Rosenda habang inaayos ang wedding dress. “Alright, tapos na! alam mo, I always imagined na malapit ng dumating yung time na masusuot mo na itong wedding dress na pinagawa mo sa akin,” saad pa ni Rosenda habang nakangiti sa natutulog na si Glory. “Please, wake up Tita, your family needs you. Ang kambal mo
Mabigat ang mga paghinga ni Glory, hindi niya alam kung saan siya dinala ni Lana. “Please, parang awa mo na,” nagmamakaawang saad niya dito ngunit hindi siya pinapakinggan nito. “I’ll pay you… double… please, just don't hurt me and my unborn child.. please,” patuloy na pagmamakaawa ni Glory. “You billionaire’s, sawang sawa na ako sa mga laro ninyo! ginagawa niyo kaming puppet na kailangang gawin kung ano ang gusto niyo sa pamamagitan ng pera. Do you think you can bribe me?!” singhal ni Lana na mas lalo pang hinigpitan ang hawak kay Glory, nanggigigil siya sa galit at tensyon dahil kailangan niya ng matapos ang trabaho niya. “Magkano ang binayad sayo ni Sonia?! please, kahit magkano pa yan! wag mo lang kaming patayin ng anak ko!” Hindi na makapag isip ng matino si Lana, hindi niya alam kung kanino maniniwala ngunit nakukuha na ni Glory ang loob niya. “If I told you how much money I get from Sonia, would you triple it?” “Yes! kahit magkano pa yan please, iligtas mo kami ng anak k
Kasabay ng mabilis na pagpapatakbo ni Ralph ng kotse niya ang pagtibok ng kanyang puso. Wala siyang dapat sayanging oras dahil nasa peligro ang buhay nila. Kasalukuyan silang nakikipaghabulan sa mga taong hindi nila alam ang pakay sa kanila. Mabagsik ang mga ito na pilit binabaril ang sasakyan nila. “Can you move a little so that I can finish those lowlives?” saad ni Enrico kay Luz.“Why me?!” singhal ni Luz. “Baka nakakalimutan mo, nakaposas tayo diba?” “Damn it!” saad ni Luz at saka gumalaw ng konti upang alalayan si Enrico. “Damn it! Hindi pwede ang ganito, Ralph, bubuksan ko yung pinto mo sa likod ah,”“What?! Are you fucking crazy?!” singhal ni Ralph.“Yes! I’m crazy, we need to attack them, kundi mamamatay tayong lahat dito! Just think about Glory and your unborn child!” singhal ni Enrico at saka pumunta sa likod ng kotse, napasunod naman si Luz dahil wala siyang magagawa dahil nakaposas ang mga kamay nila. “Damn it! You need to cooperate bitch!” singhal ni Enrico kay Luz.
Maya maya ay isang bala ng baril ang tumama sa binti ni Ralph dahilan upang matumba siya kay Glory. "Ralph!" singhal ni Glory na kinuha ang braso nito at ipinatong sa balikat niya. "Come on! Umalis na tayo dito!" saad ni Ralph habang akay akay siya ni Glory. Sa di kalayuan ay natanaw na nila ang kotse ni Ralph. Kinuha ni Ralph ang susi sa bulsa niya ngunit mabilis na ang kanyang mga paghinga dahil sa iniindang tama ng baril ngunit tinitiis niya iyon. "You're bleeding, Ralph," saad ni Glory. "It's fine," saad ni Ralph na luminga-linga sa paligid dahil baka may mga bandidong naghihintay na makita sila habang nagkukubli sila sa malalaking dahon na nakapalibot sa kagubatan."I just need to get to my car, so we can escape," saad ni Ralph. "Okay! Okay," saad ni Glory ngunit napakubli silang dalawa ng makita nilang may lumapit sa kotse na isang armadong lalaki. May tattoo ito sa gilid braso at nakasuot ng bandana. "Fuck! Who are these people, Glory?!" bulong ni Ralph sa kanya. "I d
Nagulat silang apat sa pagkikita nila. Hindi nila inaasahan iyon."Luz?" tanong ni Enrico. "Yes Enrico, the one and only," saad ni Luz na tumaas ang kilay at mataray na nagkibit balikat. "Glory? Kuya Enrico? Buhay ka? What the fuck is this?! Ano?! Gumagawa ba kayo ng bahay bahayan dito?!" inis na tanong ni Ralph. Napatayo si Glory sa kinauupuan at lumapit kay Ralph. "Ralph, I can explain, wala kaming ginagawang masama, yung nakita mo wal–" "Ginagago mo na naman ba ako, huh?!" singhal ni Ralph. "Ralph, no! Just let me explain," "I'm the one who kissed her, that's the last time Ralph, I swear," paliwanag ni Enrico. "At ikaw naman kuya, tutal alam na ng lahat na patay ka na, sana tinototoo mo na lang! Alam mo bang nagkanda letse letse buhay namin nang dahil sayo?!" singhal ni Ralph. "Ralph, wag ka namang magsalita ng ganyan," saad ni Glory na tila naghihirap na ang kalooban. "Alam ko at hindi ko ipagtatanggol ang sarili ko, nagkasala ako sa inyo at handa akong itama ang lahat n