KINABUKASAN ay maagang nagising si Ralph at Glory. Para silang susugod sa giyera ng araw na iyon. Nagbihis sila at saka tumungo na sa Dela Vega Corp. Sa lobby pa lang ay naging mainit na ang pagpapalitan nila ng matatalim na tingin. Naroon na rin si Harold Xiu at saka naglakad kasama si Ralph habang si Glory at Joaquin naman ay kasama si Renzo. Ang iba pang mga investors kagaya ni Dean Alvarez, ay naroon din. Inabangan ng lahat ang kanilang pagpasok sa board room. "Bakit nandito ang mga 'yan?" tanong ni Renzo kay Joaquin na narinig naman ni Glory. "Relax, Bro," saad ni Joaquin sa kaibigan. Napatingin naman si Glory kay Ralph at nagtama ang mga mata nila. Kumawala ang sarkastikong ngiti kay Ralph at saka kumindat kay Glory. Lumabi naman si Glory at saka itinuon ang pansin sa discussion. Tumayo si Jonas at humarap sa mga investors."Okay, let's start the meeting, well this is the problem, the Dela Vega Corp got scammed and the Romualdez Group too. The two strong companies and it t
Naisaayos na ni Ralph at Glory ang lahat. Nakabalik na si Ralph at nagtatrabaho na ulit ngunit sa Xiu Group na siya nag o-opisina dahil mas kailangan siya ni Harold doon. Kumuha rin sila ng maid na mag aasikaso sa kambal dahil pareho na silang nagtatrabaho. Pinahiram naman ni Ralph si Joaquin at Glory ng pera upang maisalba ang Dela Vega Corp. mula sa pagkaka-bankrupt nito. “Salamat dito, Love, promise pag nakabawi kami ibabalik namin ito kaagad,” saad ni Glory habang hawak ang isang tseke at may matamis na ngiti sa mga labi. “Wag mong intindihin yan, maliit na bagay lang ‘yan kumpara sa nabigay mong tulong sa akin mahal ko, kaya… wag ka na mag alala ah, alam mo naman ayokong naiistress ka, gusto ko palagi kang masaya,” saad ni Ralph na ngumiti rin ng matamis sa kasintahan at hinawi ang buhok nito na nakatabon sa maganda nitong mukha.“Napakatamis naman, nakakainggit!” saad ni Joaquin na sumingit sa usapan ng dalawa. Natawa naman si Ralph at Glory. “Ay sorry, may naiinggit pala
Pagpasok ni Glory ng Dela Vega Corp ay nagulat siya dahil naabutan niyang lasing na lasing at nakahiga sa sofa sa loob ng office niya si Renzo. Nakatulog ito kakainom at hawak pa sa isang kamay na lumaylay ang bote ng alak. Nahilot niya ang sintido at tinawagan si Ralph. "Hello Love?" "Yes, Love? Napatawag ka? May problema ba?""Pwede ka bang dumaan dito, please? Ano eh… si Renzo, lasing na lasing, nandito sa office ko," "Ano? Sige sige, patapos na yung meeting namin ni Harold, papunta na ako dyan," "Okay, ingat Love, love you!" "I love you too!" iyon lang at pinatay na ni Glory ang tawag. Maya maya ay narinig niya na ang mga empleyado na bumabati kay Joaquin na ibig sabihin ay kakapasok lamang nito. "Good morning!" masiglang bati ni Joaquin kay Glory habang nakangiti ng malapad. "Walang good sa morning ko Joaquin, tignan mo naman," saad ni Glory at tinuro si Renzo. "Tsk tsk tsk! Mukhang problemado talaga ang isang yan," saad ni Joaquin na napabuntong hininga. "Masyado kasin
Matapos mag usap ng dalawa ay naghaharutan na ang mga iyon, napangiti na lang si Glory dahil sa wakas ay magkasundo na ulit ang magkapatid. "Saturday night, okay? Wag kayong mawawala ah," saad ni Renzo at saka umalis. Napakunot naman ng noo si Glory at ibinaling ang tingin kay Ralph."Ano iyon? Anong meron sa saturday night?" tanong nito. "Ahh, nag organize si Renzo ng dinner," saad ni Ralph."Kasama mga bata?" tanong ni Glory. "Yeah, sure, pwede naman, Danice will be there too. It's a dinner for the whole family," saad ni Ralph. "What? You mean, makakasama natin sila Renzo, Danice and yung mommy mo?" nag aalalang tanong ni Glory. "Yes, actually mom wants to meet you personally at saka yung mga apo niya," saad ni Ralph na napangiti. Lumatag ang kaba kay Glory, "Naku, paano kung hindi nila ako magustuhan? Nahihiya ako Ralph," "Love naman, ano namang kahiya-hiya sayo? They should be proud nakahanap ako ng fiance na magaling at successful, mas successful ka pa nga sa akin," saad
Dumating ang gabing pinakahihintay ng lahat ang dinner party sa loob ng mansyon ng mga Romualdez. Kinakabahan si Glory at hindi na siya mapakali. "This is a bad idea…" saad ni Glory. "Hey, you'll gonna be fine… don't worry, mabait naman si mommy," paninigurado ni Ralph sa kasintahan sabay hawak sa kamay nito. Napahawak naman si Glory sa sinapupunan niya, hindi niya pa kasi nasasabi kay Ralph na buntis siya, balak niya sanang sabihin na ngayon sa dinner party na mas lalo pang nagpakabog ng dibdib niya sa kaba.Naroon din si Joaquin, Bruce at Daniel Alvarez, maging si Dean na inimbitahan ni Renzo. Si Harold naman ay nagsabi na medyo male-late daw. Marahil ay nahibiya rin ito dahil sa alitan ng mga Romualdez at Xiu noon kung kaya't hindi siya maagang pumunta.Samantala, ang kambal naman ay kanina pa nag iikot sa lugar at naglalaro. Sila lang kasi ang bata na naroroon kung kaya't nililibang nila ang kanilang mga sarili. Maya maya ay bumaba na ng hagdan sila Renzo, kasama nito si Ross
Dahan-dahang napawi ang ngiti ni Ralph at hinarap si Glory. "Totoo ba, huh?" tanong ni Ralph, mababakas na ang galit sa kanyang mukha. "Ralph, I can explai–" hindi na nasabi pa ni Glory ang mga sasabihin niya ng biglang tumaas ang boses ni Ralph. "Explain what Glory?! Na all this time pinaglololoko mo ako?! Huh?!" "I was going to tell you…" saad ni Glory na napahagulgol na ng iyak. "Wag kang maniniwala sa babaeng yan hijo, tignan mo naman ang nangyari sa kuya Enrico mo dahil sa kanya, he's now six feet under, ewan ko kung anong ginawa ng babae na yan at bigla na lang namatay ang anak ko," sulsol pa ni Sonia. "Glory naman!" saad ni Ralph na nasabunutan ang sarili sa sobrang sama ng loob. "Wala akong ginagawang masama! Sinasaktan ako ni Enrico! I became a battered wife because of him!" singhal ni Glory na ipinagtanggol pa ang sarili ngunit hindi niya na kaya pa ang mga nagaganap kung kaya't kinuha niya ang bag niya. "Excuse me, Cale, Cole, halika na," saad ni Glory. "Hindi mo k
Pinagmasdan ni Ralph palayo ang police car na lulan ni Glory, gusto niyang sagipin ito, gusto niyang ilayo ito sa lahat ng kahit sinong mananakit dito ngunit ngayon ay halos hindi niya magawa, nanghihina siya at hindi niya malaman kung anong gagawin. Samantala, napalabas din sila Joaquin at Renzo nang makita nila iyon ngunit naabutan nilang umaalis na ang mga pulis at palayo na ng mansyon. "Anak ng teteng, akala ko alam ni Ralph ang tungkol dito, hindi pala, tsk tsk," saad ni Renzo. "Bakit hindi mo kasi sinabi na magpinsan pala kayo ni Enrico at tiyahin niyo si Mrs. Villanueva?" tanong ni Joaquin. "Eh akala ko nga alam ni Ralph kasi sige lang siya ng kalalapit kay Glory eh dahil nga hiwalay na sila ni Enrico nung nasa Cruise Ship tayo diba? Malay ko ba na magkakaganito," saad ni Renzo na nahilot ang sintido. "Pambihira ka oh," saad ni Joaquin kay Renzo at nilapitan si Ralph. "Don't worry, kukuha ako ng magaling na lawyer," saad ni Joaquin at tinapik ang balikat ni Ralph. "Hindi
PENTHOUSE"Daddy! Daddy! Ang tagal bumalik ni mommy! nasaan ba siya? Naka dalawang tulog na ako wala pa din," saad ni Cale. Nagbibihis naman si Ralph dahil hindi niya pwedeng pabayaan ang trabaho niya. "Babalik din siya, I promise," saad ni Ralph sa anak ngunit maging siya ay hindi sigurado. "Daddy, nag vacation ba si Mommy? Siguro ayaw niya na kami alagaan kasi makulit kami ni Cale," saad naman ni Cole na nalungkot. "No kiddo, of course not," saad ni Ralph at saka hinawakan ang magkabilang balikat ng dalawa niyang anak at yumuko upang makita ang mga mukha nila. "Ito ang tatandaan niyo mga anak, mommy and daddy loves you so much. You're the best thing that ever happened in our lives," saad ni Ralph na pilit kinukumbinsi ang mga bata. "Eh bakit wala dito si mommy kung love niya kami?" saad ni Cale. "Mommy is just busy, okay? Pero gagawa ako ng paraan para magkasama-sama tayo ulit, pangako yan," saad pa ni Ralph. "Okay, Daddy," saad ng kambal na yumuko at napabuntong hininga na