SUMASALAMIN sa mga mata ni Lyxelle ang mga bituing nagniningning sa kalangitan. Napakaaliwalas ng gabing iyon. Walang makikitang ulap na tumatabon sa buwan at mga bituin. Subalit kabaligtaran niyon ang kaniyang nararamdaman.
Simula nang araw na iwan niya ang kaniyang asawa, ang lalaking pinakamamahal niya, palagi na lang mabigat ang kaniyang dibdib. Tumatawa nga siya pero walang laman iyon. Para bang hindi na niya mararamdaman pa ang totoong kaligayahan.
Alam naman niyang hindi dapat sa lalaki umiikot ang buhay. Pero hindi lang talaga niya maisawalang-tabi ang kaniyang nararamdaman. Umaasa rin siyang hihilom ang sugat niya sa puso sa pagdaan ng panahon subalit tatlong taon na ang lumipas at hindi pa rin naiibsan ang sakit, mas lalo pa ngang lumala iyon.
Bumuntunghininga siya.
“Hey, babe, what’s up?”
Nilingon ni Lyxelle ang lalaking kasama niya. Nasa anim na talampakan ito at masasabi niyang napakagwapo nito…sa paningin ng ibang babae at binabae. Isa lang ang guwapo sa paningin niya. Iyon ay ang hudas niyang asawa. No, ex-husband to be exact.
Ngumiti siya ng mapait. Tatlong taon na silang hindi nagkikita pero hindi pa rin niya magawang kalimutan ito. Walang araw na hindi niya ito iniisip. Minsan gusto na niyang iumpog ang ulo dahil sa kaiisip dito.
“Babe.”
“I’m fine. May naisip lang ako.” sagot niya kay Aldin.
Nakilala niya ito dahil na rin sa mga katrabaho niyang binubuyo siyang mag-boyfriend na raw dahil hindi na siya bumabata. Noong una ay hindi niya pinapansin ang mga panunukso ng mga ito pero kalaunan ay naisip niyang baka iyon ang solusiyon para makalimutan niya ang kaniyang dating asawa.
May pagkahambog si Aldin pero marunong naman itong humingi ng tawad kapag sumusobra na ito at maalaga rin. Nakita niya iyon sa ilang beses nilang pagde-date. Isa pa, nasa middle class lang ito, wala siyang puproblemahin sa antas nito sa buhay. Hindi katulad ng dati niyang asawa na mahirap abutin dahil anak ito ng maimpluwensiyang pamilya. Hindi na nga niya matandaan kung paano silang naging mag-asawa.
“Let’s get out of here and have fun, shall we?” nang-aakit na tanong nito sa kaniyang tainga.
She shrugged. Nauna na siyang maglakad papunta sa parking lot. She needed to get laid. Sa paraang iyon ay makakalimutan niya ang kaniyang asawa. No, ex-husband! She hissed. Bakit ba hindi niya makalimutan ang isang iyon?
Her eyes watered when she saw a woman from across the street carrying her baby. Unconsciously, she clutched her necklace with the pendant of her wedding ring. Three years has passed and she’s still holding on to the wedding ring. Kailangan niyang mag-let go kung gusto niyang mag-move on.
Napakislot siya nang maramdaman na may humawak sa kaniyang magkabilang balikat mula sa likod. Pagkatapos ay may dumiin na mainit na katawan sa kaniyang likod. Kilala niya
“Are you sure you’re okay, babe?”
“Y-Yeah.”
Pinaharap siya nito rito. Tinitigan siya nito sa mga mata na yari bang binabasa kung ano ang iniisip niya. Tumitig din siya rito. Hindi niya alam kung ano ang hinahanap nito sa kaniyang mga mata pero pinanatili niya ang pagtitig dito.
Dahan-dahan itong yumuko. Hindi baguhan sa ganoong moves ng mga lalaki si Lyxelle. Alam niyang hahalikan siya nito at naghihintay lang itong itulak niya. Aldin was giving her the choice of pushing him away. She almost did. But she stopped herself and firmed her resolve. She needed this kind of distraction to forget what she wanted to forget. It might not be the best way but it will help her.
Tuluyan ng sinakop nito ang kaniyang mga labi. Tinugon niya ang halik nito. Hungrily. Yari bang uhaw na uhaw siya sa isang halik. Lyxelle’s mind was blank, her lips moving on instinct. For a while. And then she was back in time when she and Raziel were still lovers. Every time Raziel is late on their dates, he would hug and kiss her. Just like that, she would forgive him.
“Raziel.”
“Babe, ang sarap mo.”
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Hindi si Raziel ang kasama niya. Dahil iniwan na siya ng dati niyang asawa.
Nang akmang hahalikan ulit siya ni Aldin ay marahan niya itong itinulak.
“Let’s go to your condo first,” namamaos na saad niya. Her heart beating wildy in her chest she couldn’t hear anything aside from it.
“Alright.”
Pareho silang sumakay sa kotse. Hindi na nagsalita pa si Aldin. Ikinuyom ni Lyxelle ang mga kamay. Ngayong tahimik na at nagmamaneho na sila papunta sa apartment ni Aldin naisip niya kung tama ba itong gagawin niya?
Nagsimulang bumilis ang tibok ng kaniyang puso. Ano ba ang iniisip niya at napagdesisyonan niyang gawin iyon? Ilang beses na silang lumabas ni Aldin pero handa na ba siyang ibigay dito ang sarili niya?
Kaya ba niya? Pwede pa bang mag-backout?
She opened her mouth to speak pero walang tinig na lumabas. It was as if Aldin could sense her hesitation, he pressed on the accelerator and the car speeded up like the hounds are chasing after them.
“Pwede bang bagalan mo ang pagpapatakbo ng sasakyan?” Kinakabahang hiling niya rito. Napakapit siya handle na nasa bubong sa gilid ng pinto. “Baka mabangga tayo.”
Oo nga at gusto niyang makalimutan ang kaniyang nakaraan pero wala sa hinagap niya na magpakamatay o mamatay.
“Relax, babe.”
Sisigawan sana niya ito pero hindi niya naituloy. A blinding light flash before her eyes at wala siyang nagawa kundi ang ipikit ang kaniyang mga mata. Ang sumunod na narinig niya ay ang isang pagsalpok ng sasakyan at pagtama ng ulo niya sa salamin ng kotse. She cried out in pain and felt a hot liquid run down from her forehead to her face.
Pilit na iminulat niya ang kaniyang mga mata. Noong una ay wala siyang makita hanggang sa may maaninag siyang liwanag, unti-unti iyong lumawak hanggang sa nakakakita ng siya ng malabo. Paulit-ulit na kinukurap niya ang mga mata. Luminaw ang tingin niya ilang sandali pa.
Sumalpok ang sasakyan niya sa isang truck. Ilang pulgada na lang at aabot na sa mukha niya ang katawan ng truck. Binalingan niya ang lalaking kasama. Nakita niya itong walang malay at duguan. Nanghihinang binuksan niya ang pinto ng kotse at lumabas doon. Kailangan niyang humingi ng tulong.
Ilang metro pa lang ang layo niya sa pinangyarihan ng insidente nang makakita ng ilaw na papalapit sa direksiyon niya. She waved her hand and stood dizzily in the middle of the road. Her vision was blurring again. She collapsed on the road before the car stopped right in front of her.
Sa nanlalabong paningin, nakita niyang may lalaking bumaba sa kotse pero hindi niya maaninag ang mukha nito dala ng nakakasilaw na head light ng kotse nito.
Lumapit sa kaniya ang lalaki at umuklo sa harap niya.
“Raziel…”
NAGISING si Lyxelle dahil sa sakit na kaniyang nararamdaman. Para siyang binugbog ng sampong katao. Hindi nga niya magawang idilat ang mga mata at pagalawin ang mga daliri. Tila ba naging paralisado siya. Pinakalma niya ang sarili dahil walang mangyayari kung magpapadala siya sa panic. Ramdam niya ang malamig at matigas na hinihigaan. Kung tama ang hula niya, nakahiga lamang siya sa sahig na walang kahit anong sapin. May mabaho rin siyang naaamoy at kung anong ingay na hindi niya matukoy. Hindi siya komportable sa kinahihigaan pero mabigat pa rin ang kaniyang pakiramdam kaya napagdesisyunan niyang bumalik na lang sa pagtulog. Muli siyang nakatulog. Hindi sigurado si Lyxelle kung ilang oras na siyang tulog hanggang sa may maramdaman siyang ingay na gumigising sa kaniya. Ilang ulit din siyang napaidlip at nagising ng hindi nagmumulat ng mga mata dahil sa maingay niyang paligid. Hindi sana niya iyon papansinin subalit gusto talaga siyang gisingin. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga
KAHIT ano ang gawing pagmamakaawa ni Lyxelle ay parang walang narinig ang mga tao roon kahit na nga ba umiiyak siya at nakaluhod. “Please…” Nanigas siya nang hawakan siya ng dalawang lalaki sa magkabilang braso. Nang nakatayo na ang babae sa mismong harap niya ay doon lang gumalaw ang katawan niya. Pilit siyang nagpumiglas sa hawak ng dalawang lalaki pero dahil doble ang laki ng mga ito sa maliit niyang katawan ay wala siyang nagawa nang tuluyang i-inject sa kaniya ang kung anumang likido iyon. “Sigurado akong malaki ang kikitain natin sa babaeng `yan.” sabi ng isang may katandaang lalaki, nandidiri si Lyxelle sa klase ng tingin na ibinibigay nito sa kaniya. “Oo nga, makinis.” “Puwede bang tikman muna natin Joseph? Bago mo ibinta?” Wala siyang narinig na sagot mula sa lalaking nagngangalang Joseph, iyong nagpaligo sa kaniya. Wala siyang pakialam dito, isa lang ang nasa isip niya. Ang tumakas. Kailangan niyang makawala sa lugar na iyon dahil hindi niya kayang isipin kung ano ang ma
RAZIEL was participating in an illegal car racing. Kapag nalaman ng mga magulang niya ang pinaggagagawa niya tiyak na ipatatapon siya ng mga ito sa bunganga ng bulkan. His parents, especially his mother was overprotective of him and his younger brother. Kaya patay talaga siya kapag nalaman nito ang pinaggagagawa niya ngayon. Himala nga at hindi pa rin nalalaman ng mga ito ang tungkol sa pangangarera niya ning huling tatlong taon. Magaling ang kaniyang ama sumagap ng balita kaya medyo nagtataka siya kung bakit hindi pa rin alam ng kaniyang ina itong pinasukan niya. Or did his father already knew? Hindi lang nito sinasabi sa kaniyang ina? Pero imposible naman yata iyon. Ang alam niya kasi ay walang naitatagong sekreto ang kaniyang ama sa kaniyang ina. If his mother learned that her husband was keeping a secret from her, it would mean World War Three in their house. Pero hindi na bago sa kaniya ang mga ganoong klase ng karera. Noong makuha niya ang kaniyang driver's license ay dumerets
TAHIMIK ng ilang sandali ang loob ng sasakyan kaya akala ni Raziel ay kumalma na ang dati niyang asawa. Kaya nga lang ay hindi na siya komportable sa pagkakaupo. Ano bang nangyayari rito? Hindi niya inaasahan na aakitin kaagad siya ng asawa niya sa muli nilang pagkikita. Ang akala niya maghahabulan at magbabangayan pa sila bago nila maayos ang isyu nila sa buhay. Narinig niyang umungol ang asawa niya kaya nilingon niya ito at gaya noong una, nalaglag na naman ang panga niya dahil sa nakita. She was touching herself! "Lyxelle!" Muntik na siyang mawalan ng kontrol sa manibela. He uttered a low curse when he felt his manhood twitch. Talagang sinusubukan nito ang pasensiya niya. Kailangan niyang bilisan ang takbo para marating na nila ang siyudad. At nang makalayo naman siya ng kaunti rito. The woman was driving him nuts! Itinuon na lang niya sa kalsada ang atensiyon kahit ramdam niya ang init ng atmospera sa loob ng sasakyan. Pinagpapawisan na siya. Nararamdaman niyang tinititigan si
HINDI alam ni Raziel kung paanong nakarating sila sa kaniyang bahay—no, bahay pala nila ng asawa niya. Isa lang ang alam niya, nasa bisig na niyang muli ang kaniyang pinakamamahal na asawa at hinding-hindi na niya ito pakakawalan pa. Magkakamatayan muna bago niya gawin ang bagay na iyon. Naging impyerno na rin ang buhay niya nang mawala ang kaniyang asawa kaya hindi siya mag-aalinlangang maging demonyo kapag may nagtangkang paghiwalayin sila. Oo, asawa. Hindi dati. Dahil kapag may nahanap siyang pagkakataon ay pakakasalan niya itong muli. Baliw na kung baliw. Wala siyang pakialam. “Damn! That was hot, love.” Impit na sambit niya nang kagat-kagatin nito ang kaniyang u***g. Para siyang inililipad ng sensasyong nadarama. Labis na init ang kaniyang nararamdaman ng mga sandaling iyon na para bang sinisilaban siya at ang tanging lunas ay ang mapalapit siya sa kaniyang asawa. His Lyxelle. Mabuti na lang talaga at may remote control ang gate ng bahay nila kaya nakapasok ang kotse niya sa
“SIGURADO ka bang maingat ka? Kulang na nga lang ay kaladkarin mo siya kagabi.” nanunuyang sabi ng isang parte ng utak niya. Marahas na napailing siya. “No! Hindi ko kayang gawin iyon sa asawa ko.” “You were like a wild animal last night.” Nababaghang napatingin siya kay Lyxelle. Hindi niya masiguro kung siya ba ang may gawa ng mga pasa at sugat nito sa katawan dahil hindi na niya binuksan pa ang ilaw kagabi. “Oh, no.” nahihintakutang sabi niya. Paano kung siya nga ang nakasakit dito? Isa pa, kung talagang may masakit na rito bago pa man sila nagkita ay dapat na nagreklamo ito na nasasaktan pero wala. Wala siyang narinig kundi ang pag-ungol nito nang ipadama niya rito ang labis na pangungulila niya. “Hey, Lyxelle, my wife.” mahinang bulong niya. Maingat na hinaplos niya ang pisngi nito pero hindi man lang ito gumalaw. Marahang niyakap niya ang asawa at hinalikan ito sa tuktok ng ulo nito. Napakunot ang noo niya nang makaramdam ng medyo malagkit doon. Pinaglandas niya ang daliri
“RAZIEL…” Mabilis na tiningnan ni Raziel ang asawa niya nang sambitin nito ang pangalan niya pero nakita niya itong nakapikit at pantay na rin ang paghinga. It was heartbreaking seeing her in distress, but he couldn't do anything about it. Feeling helpless was sitting well with Raziel. Hindi siya sanay na walang magawa. Hinalikan niya ang tuktok ng ulo nito at marahang pinahiga ito sa kama. Kinumutan niya ito at muling hinalikan sa ulo bago hinarap ang kaniyang ina at kapatid na tahimik lamang pinanuod ang nangyari. “Ano’ng nangyari?” tanong niya sa kaniyang ina. Kanina nang marinig niya ang sumisigaw na boses nito ay nawalang parang bula ang antok niya at kaagad na ikinulong ang asawa sa braso niya para pakalmahin. Inaamin niyang kinabahan siya sa pagsigaw nito. Hindi niya alam kung paano itong tutulungan kaya pinakalma na lamang niya ito. Umiling ang kapatid niya. “Wala siyang naaalala, bro. Iyon ang dahilan kung bakit siya nag-panic.” Tumingin siya sa ina na tumango naman. “Ma
NAGISING si Lyxelle dahil sa liwanag na tumatama sa mga mata niya. Gusto niyang bumalik sa pagtulog pero gising na gising na ang diwa niya. Dahan-dahan niyang imulat ang mga mata. Kinabahan siya sa nakita. Hindi siya pamilyar sa kwartong iyon. Hindi rin siya sigurado kung ano ang mararamdaman sa kulay itim nitong motif. Halos lahat ng bagay sa silid na iyon ay kulay itim. Bedsheets and all. Kinalma niya ang sarili. Walang mangyayari kung hindi siya kakalma. Ipinikit niya ang mga mata at marahang nagbilang habang humuhugot ng hininga. Hindi niya maalala kung sino ang nagturo sa kaniya ng breathing technique na iyon. Nakalanghap siya ng panlalaking pabango. Imbes na mag-panic ay kumalma siya. Hindi niya maipaliwanag kung ano ang mayroon sa amoy na iyon. Basta gustong-gusto lang niya. Hindi siya pamilyar sa amoy na iyon pero hindi rin siya nakararamdam ng pagkatakot. Bagamat hindi pa rin siya sigurado sa kung nasaan man siya. Nang muli niyang imulat ang mga mata, inilibot niya ang tin
NAPAKISLOT si Lyxelle nang bumukas ang pinto sa kanyang tabi. Bumaba siya ng kotse pero hindi niya sinalubong ang mga mata ng taong nagbukas ng pinto para sa kanya. Buong biyahe ay pinipilit niyang huwag umiyak kaya hindi siya iiyak ngayon.Pagod na siyang umiyak. Magang-maga na ang mga mata niya. Masakit na ang mga iyon. Pero sa tuwing gusto niyang magsalita, pakiramdam niya ay maiiyak na naman siya.Hindi nga niya namalayang umuulan pala kung hindi pa dumikit sa kanya ang binata para pareho silang makinabang sa payong.Pagtapak na pagtapak nila sa pinto ng mansion ay sinalubong sila ng isang eleganteng babae.“Lyx?” tanong nito.Nagtagpo ang mga mata nila ng babae. Kitang-kita niya ang pagkagulat nito at ang sumunod na mga tanong na pinili nitong huwag isatinig. Binuksan nito ng malaki ang braso para yayain siyang pumailoob doon.Hindi na siya nakatanggi. The feeling of wanting to be comforted was strong, her knees almost buckled.Walang pag-aalinlangang niyakap siya nito. Muli na n
NANLULUMONG napaupo si Raziel nakasarang pinto ng resort. Nangyari na ang kinakatakutan niya. Iniwan na siya ni Lyxelle.Iniuntog niya ang ulo sa nakasarang pinto ng bahay. Damn! Bakit naman kasi siya nagsinungaling dito? Kung sana sinabi na lang niyang ito ang dati niyang asawa noong wala itong naaalala.Kung sana nagawa niyang umamin kaagad bago bumalik ang mga alaala nito sana hindi humantong sa ganoon. Sana mas naging bukal itong makinig sa kanya. Pero hindi niya magawa dahil natatakot siya na baka iwan siya nito oras na malaman nitong hiwalay na sila.“Duwag ka kasi,” bulong niya sa sarili.Pinahid niya ang mga luhang kumawala. Hindi iyon ang oras para sisihin niya ang sarili. Kailangan niyang maabutan si Lyxelle. Wala itong mapupuntahan ngayon kundi ang bahay nila kaya baka maabutan pa niya ito roon.Raziel felt like it was the longest ride he ever had. All scenarios are rushing in his brain, making him feel even more burdened. Natanaw niya sa malayo na bukas ang gate kaya nab
NAPABALIKWAS ng bangon si Lyxelle. Hinihingal siya at pinagpapawisan. Madilim ang silid na kinaroroonan niya. Muntik na siyang mag-panic attack pero na-relax din kaagad siya.Ipinikit niya ang mga mata. Isang panag-inip. Muli siyang humiga at sinubukang matulog ulit. At dahil pagod siya ay mabilis siyang nakatulog ulit.“Ano’ng nangyari?”“Lyxelle, we’re so sorry.”“Ano ba naman `yang mga mukha niyo. Para kayong namatayan ah?” nakangiti niyang saad. “Buhay pa naman ako.”Alam niyang nagi-guilty ang mga ito dahil sa nangyari sa kanya kaya panay ang paghingi ng mga ito ng paumanhin. Hindi naman ginusto ng mga ito na maaksidente siya. Gusto lang niyang tumingin sa positive side dahil sa dami ng mga negative na nangyari sa buhay niya nitong mga nakaraan buwan.Sa apat niyang kaibigan, wala ni isa ang makatingin ng diretso sa kanyang mga mata.Doon na napakunot ang noo niya. “Hey, everything’s alright. Wala namang masamang nangyari sa akin ah. Ano ba kayo?”“Lyxelle…”Nanginginig na muling
RAZIEL took Lyxelle’s virginity the night she agreed to be his. Hindi na niya naisip na sobrang bilis ng mga pangyayari. Hindi niya akalaing nakakablanko pala ng isip ang pakikipag-isa sa taong gusto mo.Ang akala niya ay pagsisisihan niya ang gabing iyon. Akala niya, sex lang ang habol ng binata sa kanya. Maraming mga “akala” ang nagsulputan sa kanyang isip kinabukasan. Lalo na nang magising siya na mag-isa sa kama.Nagsimula ang kaba sa kanyang dibdib dahil baka totoo ang mga iniisip niya at pinaglalaruan lang siya ni Raziel. Isa nga lang naman siyang dukha.Nakahinga siya ng maluwang nang makita ito sa kusina at nagluluto ng agahan nila. Muntik na siyang maiyak sa ginhawang naramdaman niya ng mga sandaling iyon kaya patakbo siyang pumasok sa banyo bago pa siya makita nito.Noong humarap siya rito ay nagulat ito sa pamamaga ng kanyang mga mata pero tinukso pa siya nito na dahil daw magaling ito sa kama kaya naiiyak na lang siya sa sarap. Namula ang kanyang mga pisngi dahil doon.At
TUMAWA si Lyxelle nang mag-dive sa sahig ang kasamahan niya sa trabaho. May bago kasing pakulo ang may-ari ng resort na pinagtatrabahuan niya, gusto nitong gumamit sila ng sapatos na may gulong habang nagse-serve ng mga pagkain sa restaurant.Isa siyang waitress at sarili na lang niya ang binubuhay dahil nasa Cebu ang ina at kapatid niya. Hindi naman siya itinuturing na kapamilya ng mga ito kaya kung tutuusin, mag-isa na lang talaga siya sa buhay.Nangungulila pa rin naman siya sa kanyang natitirang pamilya kaya lang hindi talaga siya tinuturing na parte ng pamilya kaya kusa na lang siyang lumayo. Minsan ay naiinggit siya sa kapatid dahil ito ang palaging paborito ng kanilang ina.Ipinilig niya ang ulo. Hindi iyon ang oras at lugar para mag-isip ng mga negatibong bagay.“Ang hirap naman nito Sir CL.” reklamo ng kasama niyang nag-dive.Tatawa-tawa lang si Sir CL at ibinigay sa kanya ang sapatos na may gulong. “Ikaw naman ang mag-try, Lyxelle.”Inilapag niya ang bitbit na tray sa bar co
NAPALUNOK si Lyxelle sa klase ng titig ni Raziel. Hindi niya sinasadyang gawin iyon. She was unconsciously running her finger in his chest.Namula ng husto ang kanyang mga pisngi. Hindi niya sinalubong ang tingin nito dahil nahihiya siya.“Err—didn’t mean to touch your—” she closed her eyes. “your chest.”“Lyx,”Bumilis ang tibok ng kanyang puso dahil sa paraan ng pagtawag nito sa kaniyang palayaw. Nagsitayuan ang mga balahibo niya pero sa pagkakataong iyon, hindi na dahil sa takot.He cupped the left side of her cheek, his thumb caressing her lips softly. Nakatutok ang mga mata nito sa ginagawa ng hinlalaki.Pakiramdam ni Lyxe
IPINIKIT ni Raziel ang mga mata habang naghihintay ng sagot ni Lyxelle. Mabilis ang pintig ng puso niya. Halos mabingi na siya dahil doon. Nang lumipas ang isang minuto na wala siyang narinig kay Lyxelle ay iminulat niya ang mga mata. Siguro hindi lang niya narinig ang reaksiyon nito dahil halos mabingi na siya sa lakas ng tibok ng puso. Nang tingnan niya ang dalaga ay nahulog ang kaniyang panga nang makitang natutulog ito. “Lyxelle…?” he softly called her name, afraid and was holding his breath. When she didn’t budge, he sighed. Nakahinga siya ng maluwang pero at the same time ay nakaramdam siya ng pagsisisi. Kailan ba niya masasabi rito ang totoo? Kailangan na niyang magsalita habang puwede pang masalba ang kanilang relasiyon.
“NASAAN ang bagong dating?”“No.”“No…”“No!”“Inject her.”“Please, maawa ka. Pakawalan na ninyo ako.”Marahas na binawi niya ang kamay at malakas na pinadapo ang palad niya sa pisngi nito. May malakas na puwersang nagsasabi sa kanya na lumayo siya sa taong iyon bago siya tuluyang hindi makalaya.Halos hindi na siya makahinga dahil sa lakas ng tibok ng puso niya na para bang anumang sandali ngayon ay l
KUMABOG ng husto ang puso ni Lyxelle dahil sa sinabi ni Raziel. Hindi siya sigurado kung tama ba ang kaniyang narinig. “M-Mahal mo ako?”Tumango ito, he was looking at her softly it almost melted her heart. “Yes, I love you. I’ve always been in love with you. Even when we first met.”Talaga bang mahal siya nito? How though? She was nothing but a woman with a lot of baggage on. She doesn’t even remember her past.“Lyxelle,” he cupped her checks. “I know what you’re thinking. Stop it. I love you. And that’s it. I want to stay with you for as long as I can.”“Pero…hindi ka ba nandidiri sa akin noong una tayong magkita?”Umiling ito. “No.”“Pero Raziel…”“Hindi mo ba ako mahal?”“Ano kasi…” She wanted to avoid his gaze, but he wasn’t letting her. “P-Paano kung may asawa na ako?”Tinitigan siya nito. “I do hope you don’t have any men in your life. Or else I’d have to fight them to get you.”Her heart swelled. Can she let herself be swayed by his words? Gusto rin niyang makasama ito. Dahil