“SIGURADO ka bang maingat ka? Kulang na nga lang ay kaladkarin mo siya kagabi.” nanunuyang sabi ng isang parte ng utak niya.
Marahas na napailing siya. “No! Hindi ko kayang gawin iyon sa asawa ko.”
“You were like a wild animal last night.”
Nababaghang napatingin siya kay Lyxelle. Hindi niya masiguro kung siya ba ang may gawa ng mga pasa at sugat nito sa katawan dahil hindi na niya binuksan pa ang ilaw kagabi.
“Oh, no.” nahihintakutang sabi niya.
Paano kung siya nga ang nakasakit dito? Isa pa, kung talagang may masakit na rito bago pa man sila nagkita ay dapat na nagreklamo ito na nasasaktan pero wala. Wala siyang narinig kundi ang pag-ungol nito nang ipadama niya rito ang labis na pangungulila niya.
“Hey, Lyxelle, my wife.” mahinang bulong niya.
Maingat na hinaplos niya ang pisngi nito pero hindi man lang ito gumalaw.
Marahang niyakap niya ang asawa at hinalikan ito sa tuktok ng ulo nito. Napakunot ang noo niya nang makaramdam ng medyo malagkit doon. Pinaglandas niya ang daliri sa labi na siyang humalik sa ulo nito pagkatapos ay tiningnan iyon.
Ganoon na lang ang pagkahindik niya nang makitang pula iyon. Dugo. Kinapa niya ang ulo ni Lyx at namutla siya nang makita ang malaking hiwa sa ulo nito. At dumudugo iyon. He cursed himself for not noticing everything last night. Was he so deprived that he's disregard checking his wife first?
Magaspang at dikit-dikit ang mga buhok sa gilid ng sugat nito, halatang natuyong dugo iyon. Bakit hindi man lang ito nagsalita kagabi? Dapat sinabi nito sa kaniya na may masakit dito. Hindi siya ang may gawa ng sugat nito sa ulo dahil wala siyang naaalalang nabagok ito. Kung ganoon ay may nararamdaman na ito bago pa man sila magkita kagabi.
Ang tanong ay kung bakit hindi ito nagsabi sa kaniya? Why have sex with him if she's not in the right condition?
Nanginginig ang kaniyang mga labi habang nagbukas-sara iyon. Nakita rin niya ang panginginig ng kaniyang kamay nang marahan niyang haplusin ang sugat nito sa ulo.
Sobrang kaba, takot, pagkalito at iba pa ang nararamdaman niya. Sa sobrang rami niyon ay hindi na niya mapangalanan ang iba. Isa lang ang tumatak sa isip niya, ang pag-aalala para kay Lyxelle.
“Lyx, wifey, gising ka.” sabi niya.
Doon lang din niya nakita ang kulay tsokolateng mantsa sa unan. Natuyong dugo. Nalipat sa katawan ng asawa niya ang kaniyang tingin. May pahaba at pahalang na mga kulay pulang guhit sa braso nito, bugbog ang kanang balikat.
Dahan-dahan niyang nilipat ng posisiyon si Lyxelle para mainspeksiyon ang kabuuan ng katawan nito. Nang tingnan niya ang likod nito ay may mahabang pulang linya mula batok hanggang sa kalahati ng likod nito.
“Lyxelle, gumising ka.”
Walang sagot.
“Wifey, `wag mo akong takutin. Hindi ka nakakatuwa.”
Wala pa ring sagot.
Sa sobrang kaba na nararamdaman ay marahang inalog niya ang asawa. Umaasang sana magising ito at gumaganti lamang sa kaniya. “Ano ba, Lyxelle, gumising ka kundi itatapon kita sa labas ng n*******d!”
No response.
Nagsimulang tumulo ang mga luha niya sa mga mata. “Lyxelle Rodriguez! Gumising ka!”
Halos histirikal na siya pero wala pa ring sagot mula rito.
Biglang lumambot ang ekspresiyon niya. “Hey, wifey, gumising ka na. Please? Pangako, magpapakabait na ako.”
Wala pa ring sagot.
“Lyxelle!” sigaw na niya.
Pero wala pa ring nangyari.
Maingat na inilapag niya sa kama ang asawa at nagmamadaling inabot ang cellphone na nasa nightstand.
Nanginginig ang kamay na tinawagan niya ang kaniyang ina na doktor. It took some rings before someone answered from the other side.
“M-Mom?” he choked.
“Raziel?” boses iyon ng kaniyang ama. “Ano’ng nangyari sa `yo? Bakit ganiyan ang boses mo?”
“D-Dad, nand'yan ba si Mommy?”
“Nasa sala at may bisita.”
“D-Dad, pakitawag naman si Mommy. Papuntahin n’yo siya rito sa bahay ko.” Hindi na niya nakayanan. Napaiyak na lang siya nang dumako ang tingin niya sa wala pa ring malay na asawa. Kung titingnan ito ay parang mahimbing itong natutulog at para bang kontento na ito kung nasaan man ito at ayaw ng bumalik sa piling niya.
No!
“E-Emergency.”
Halatang nataranta rin ang ama niya sa kabilang linya nang dahil sa pag-iyak niya pero hindi na niya iyon pinansin pa.
“Okay, calm down. Pupunta na kami r’yan.”
Napatango na lang siya at wala sa sariling pinatay ang tawag. Nanghihinang naupo siya sa kama at pinaupo niya sa pagitan ng kaniyang hita ang natutulog niyang asawa habang yakap ito.
He rocked back and forth while calling his wife’s name. Again and again.
* * * * *
PAKIRAMDAM niya lumulutang siya sa ulap. Parang gusto na lang niyang matulog habang-buhay. Muli sana niyang isusuko ang sarili sa kaway ng kadiliman nang maramdaman niyang may tao sa paligid. Parang may nakatingin sa kaniya.
“Magiging ayos lang ba s’ya mommy?” tanong ng isang baritonong tinig.
“Ayos naman s’ya. Nangangailangan lang siya ng pahinga. Mabuti na lang at hindi malala ang pinsala niya.” sabi ng isang babae.
Pinsala? Ano’ng ibig sabihin ng babae? Siya ba ang pinag-uusapan ng mga ito? Bakit? Hindi niya kilala ang boses ng mga ito. Medyo nagising na ang diwa niya dahil sa boses ng mga nag-uusap.
Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata. Nakita niya ang isang magandang babae na nakatunghay sa kaniya at isang lalaki na hanggang balikat ang buhok pero hindi maipagkakailang totoong lalaki ito.
Ngumiti sa kaniya ang babae pero napansin niyang medyo pilit iyon. “Kumusta na ang pakiramdam mo?”
Nagpalipat-lipat sa dalawang tao ang tingin niya pagkatapos ay inilibot ang tingin sa silid. Nasa isang silid-tulugan siya na may kulay itim na dingding. Halos lahat din ng kulay sa kuwartong iyon ay itim. Wala siguro siyang makikita kung hindi lang nakahawi ang kulay itim ding kurtina ng floor-to-ceiling na dingding. Halatang lalaki ang may-ari niyon.
“N-Nasaan ako?” tanong niya sa nanunuyong lalamunan.
Nagkatinginan ang dalawa.
Parang isang linggo siyang hindi umiinom ng tubig dahil sa tuyo niyon. Sinubukan niyang lumunok pero parang nanuyo na rin ang laway niya.
Nadako ang tingin niya sa isang lalaking nakayukyok ang ulo sa mga braso habang hawak ang isang kamay niya. Hindi niya makita ang mukha nito pero nararamdaman niya ang init na nagmumula sa palad nito.
Hindi niya maintindihan kung bakit nakaramdam siya ng kaginhawaan nang makita ang natutulog na lalaki. Pakiramdam kasi niya ay ligtas siya kapag nasa tabi niya ito.
“May masakit ba sa `yo?” tanong ng lalaking mahaba ang buhok.
Marahang umiling siya. “T-Tubig.”
Nagmamadali namang lumabas ng silid ang lalaki habang ang babae naman ay sinimulan siyang inspeksyunin. Sinalat nito ang noo niya.
“Hmm…hindi ka na mainit.”
Dumating na uli ang lalaki at may dala na itong tubig.
Aabutin sana niya ang baso pero hawak nga pala ng lalaking natutulog ang kanang kamay niya kaya sinubukan niyang gamitin ang kaliwa pero pakiramdam niya ay mas mabigat pa iyon kaysa sa isang sako.
Tinulungan siyang bumangon ng babae at nilagyan ng dalawang magkapatong na unan ang likod niya.
Ang lalaki na rin ang humawak sa baso para sa kaniya. Uhaw na uhaw niyang nilagok ang tubig. Matapos niyon ay napahugot siya ng malalim na hininga.
“Nandito ka sa bahay n’yo ni Raziel.” sabi ng babae at pakiramdam niya ay narinig na niya noon pa ang pangalang iyon. Kahit hindi niya maalala kung saan niya iyon narinig. “Pinapara mo ang sasakyan ni Raziel sa gitna ng daan. Naaalala mo ba?”
Umiling lang siya.
“Ano ba ang nangyari sa `yo bago ka natagpuan ni Raziel?”
Umiling lang ulit siya.
Nagkatinginan ang dalawa.
Tiningnan niya ang lalaking may mahabang buhok. Ito pala ang nagligtas sa kaniya. “Salamat.”
Tumaas ang kilay nito at tumingin sa babae.
Halata ang gulat sa mukha ng babae, naging seryoso ang mukha nito. “Alam mo ba kung ano ang pangalan mo?”
“P-Pangalan?” napakunot-noo siya. Pangalan niya? Siya si… she touched her head unconsciously. She came up with blank. “H-Hindi ko maalala.”
Natatarantang tumingin siya sa dalawa. “Hindi ko maalala.” Naluluhang ipinalibot niya ang paningin sa buong silid. Nang makita ang halos itim na silid na iyon ay nag-panic siya.
“Sigurado akong malaki ang kikitain natin sa babaeng ‘yan.”
Ipinilig niya ng malakas ang ulo.
“Hindi ko alam!”
Napahawak siya sa ulo at nagsimulang manginig sa takot. May hindi magandang mangyayari. Nararamdaman niya iyon.
Muli niyang inilibot ang paningin sa maitim na silid.
“Please, maawa ka. Pakawalan na ninyo ako.”
“Please, maawa ka. Pakawalan na ninyo ako.”
“Huminahon ka—”
“No!” sigaw niya. Nakakaamoy siya ng mabaho. Mga umiiyak na babae at mga tumatawang lalaki.
Nararamdaman din niya ang malakas na tibok ng puso niya dahil sa kaba at takot. Handa na sana siyang tumakbo pero naramdaman niya ang isang mainit at malakas na brasong pumalibot sa katawan niya. Nakaramdam siya ng kaligtasan.
“Shhh…” Kasabay niyon ay naramdaman niya ang isang malaking kamay na humagod sa buhok niya. “Huwag kang matakot. Nandito ako. Poprotektahan kita.”
Huminga siya ng maluwang at hinayaan ang braso na iyon na yakapin siya. Wala kasi siyang kahit na anong panganib na maramdaman habang nakakulong siya sa braso nito.
Kumapit siya sa suot nitong itim na t-shirt. At kahit itim iyon, wala siyang maramdamang kahit ano.
Unti-unti niyang ipinikit ang mga mata dahil inaantok siya sa paraan nito ng paghagod sa ulo niya pababa sa likod. Napakabango rin nito kaya hinayaan niya ang sarili na mamahinga.
“RAZIEL…” Mabilis na tiningnan ni Raziel ang asawa niya nang sambitin nito ang pangalan niya pero nakita niya itong nakapikit at pantay na rin ang paghinga. It was heartbreaking seeing her in distress, but he couldn't do anything about it. Feeling helpless was sitting well with Raziel. Hindi siya sanay na walang magawa. Hinalikan niya ang tuktok ng ulo nito at marahang pinahiga ito sa kama. Kinumutan niya ito at muling hinalikan sa ulo bago hinarap ang kaniyang ina at kapatid na tahimik lamang pinanuod ang nangyari. “Ano’ng nangyari?” tanong niya sa kaniyang ina. Kanina nang marinig niya ang sumisigaw na boses nito ay nawalang parang bula ang antok niya at kaagad na ikinulong ang asawa sa braso niya para pakalmahin. Inaamin niyang kinabahan siya sa pagsigaw nito. Hindi niya alam kung paano itong tutulungan kaya pinakalma na lamang niya ito. Umiling ang kapatid niya. “Wala siyang naaalala, bro. Iyon ang dahilan kung bakit siya nag-panic.” Tumingin siya sa ina na tumango naman. “Ma
NAGISING si Lyxelle dahil sa liwanag na tumatama sa mga mata niya. Gusto niyang bumalik sa pagtulog pero gising na gising na ang diwa niya. Dahan-dahan niyang imulat ang mga mata. Kinabahan siya sa nakita. Hindi siya pamilyar sa kwartong iyon. Hindi rin siya sigurado kung ano ang mararamdaman sa kulay itim nitong motif. Halos lahat ng bagay sa silid na iyon ay kulay itim. Bedsheets and all. Kinalma niya ang sarili. Walang mangyayari kung hindi siya kakalma. Ipinikit niya ang mga mata at marahang nagbilang habang humuhugot ng hininga. Hindi niya maalala kung sino ang nagturo sa kaniya ng breathing technique na iyon. Nakalanghap siya ng panlalaking pabango. Imbes na mag-panic ay kumalma siya. Hindi niya maipaliwanag kung ano ang mayroon sa amoy na iyon. Basta gustong-gusto lang niya. Hindi siya pamilyar sa amoy na iyon pero hindi rin siya nakararamdam ng pagkatakot. Bagamat hindi pa rin siya sigurado sa kung nasaan man siya. Nang muli niyang imulat ang mga mata, inilibot niya ang tin
“LYXELLE?” her heart jumped when she murmured the name. She felt familiar with the name. Iyon kaya talaga ang totoo niyang pangalan? Hindi siya nakaramdam ng pagtutol sa pangalang iyon. Tinitigan siya nito ng matagal. Gusto niyang iwasan ang titig nitong hindi niya mabasa. Nako-conscious kasi siya sa klase ng pagtitig nito. She felt lost just staring at his dark eyes. “Yes. That’s your name.” saad nito na may penalidad ang boses. Nagtagpo ang kaniyang mga kilay. Hindi ba’t sabi nito ay hindi sila magkakilala bago siya nito iligtas? Bakit siguradong-sigurado ito sa kaniyang pangalan? “Magkakilala ba tayo dati?” Muli siya nitong tinitigan bago nag-iwas ng tingin. May emosiyong nagdaan sa mga mata nito pero hindi kaagad niya iyon nabasa dahil mabilis itong nag-iwas ng tingin. “N-No.” “Bakit alam mo ang pangalan ko?” nagtatakang tanong niya rito. “Nabangit mo `yon habang natutulog ka. I assume that it was you name.” “Oh.” Pero parang nakadama siya ng munting pagkadismaya sa sinabi
“THE pretty woman is my mother and the man with long hair is my younger brother. My mother is a doctor kaya hindi ka na namin dinala sa ospital dahil sabi ni Mommy hindi naman daw malubha ang nangyari sa `yo. Kailangan lang daw ng katawan mo ang mahabang pahinga kaya hindi ka nagigising kahit anong gawin kong paggising sa `yo.” Nanlaki ang mga mata niya dahil sa sinabi nito. “Hindi ako nagigising kahit anong gawin mo?” Tumango ito. Napahawak na lang siya sa dibdib dahil sa balitang iyon. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Pero naaalala niyang nakakulong siya sa isang matatag na bisig. Hindi iyon noong nagising siya kundi mas nauna pa kaya baka niyakap nga siya nito sa sobrang pag-aalala. Medyo blurry ang alaala niya ng mga sandaling iyon. Hindi rin siya sigurado kung totoong nangyari iyon o halusinasiyon lamang niya. Ang naaalala lang niya ay ang matipunong bisig na nakapalibot sa kaniya at ang dalawang taong nakatayo sa tabi ng kama. Napatingin siya rito. Napakaguwapo nit
“INJECT her.” utos ng lalaki. Hindi niya masyadong maaninag ang mukha nito. “A-Ano `yan?” Hindi siya sinagot ng babaeng may dala ng injection na may kung anong nakakahinalang likido. “Please, maawa ka. Pakawalan na ninyo ako.” Nanigas siya nang tuluyang i-inject sa kaniya ng babae ang kung ano mang gamot iyon. “Sigurado akong malaki ang kikitain natin sa babaeng `yan.” sabi ng isang may katandaang lalaki. “Oo nga, makinis.” “Pwede bang tikman muna natin, Joseph? Bago mo ibinta.” “Lyxelle! Lyxelle!” Mabilis na naimulat ni Lyxelle ang mga mata at napabalikwas ng bangon habang habol ang hininga. Pinagpapawisan siya at nanginginig ang katawan. Napaiyak na lang siya. Naramdaman niya ang pagbalot ng mainit na braso sa katawan niya. “Shh…it’s just a dream. Wala na iyon at ligtas ka. Nasa tabi mo lang ako.” Kumalma ang sistema niya dahil sa boses na narinig. Nanlalambot ang kaniyang katawan. Malamig ang kaniyang mga pawis pero wala siyang lakas para magpunas. She was still shak
“WHEN I found you, you were high on a drug.” Iyon ang mga katagang nagpaulit-ulit sa isipan ni Lyxelle magdamag. Hindi na siya nakatulog pang muli kahit na sinabihan siya ni Raziel na matulog. It bothered her. Bakit siya naka-drugs? Anong klaseng drugs? Base sa mga sinabi ni Raziel, may ideya siya kung anong klase ng drugs ang nasa sistema niya nang gabing iyon. Ang tanong niya ay kung bakit? Siya ba mismo ang uminom ng drugs na iyon? Wala bang kabuluhan ang buhay niya bago siya nawalan ng alaala? O may mga tanong nagsamantala sa kaniya? Nadagdagan lang ang maraming tanong sa isip niya. Hindi talaga niya alam kung saan mag-uumpisa ngayon. Mabuti na lang at may mabait na taong nakahanap sa kaniya noong panahong kailangang-kailangan niya ng tulong. Lubus-lubos ang pasasalamat niya na si Raziel ang nakakita sa kaniya. Umungol siya nang matamaan ng liwanag ang mukha niya. Mas lalong sumakit ang kaniyang ulo. Sinubukan niyang matulog ulit pero nakapikit lang ang mga mata niya habang a
PAGTAPAK na pagtapak ni Lyxelle sa loob ng ospital ay pinagpawisan siya. Hindi siya makahinga at nahihilo siya. Hindi niya maintindihan ang nangyayari sa kaniya nang mga oras na iyon. Nanlalamig din ang kaniyang katawan, nanginginig ang mga kamay. Napahawak siya sa kaniyang leeg, yaring may hinahanap doon ang kaniyang kamay. Nang wala siyang mahawakan ay mas lalong lumala ang nararamdaman niya. Nang mapansin ni Raziel na hindi na siya sumusunod dito ay huminto ito at nilingon siya nito. He looked at her questioningly, but when he noticed her pale appearance, his face was etched with worry. Mabilis na lumapit ito sa kaniya at hinawakan siya sa kamay. “Lyxelle? What’s wrong? May masakit ba sa `yo?” Bumuka ang bibig niya para sabihin dito ang nararamdaman niya pero walang salitang lumabas. Lumunok muna siya bago muling sinubukang magsalita. “P-Panic attack…” Sigurado siyang naramdaman na niya noon ang kasalukuyang nararamdaman. Hindi lamang niya maalala. Kung ano man ang nakapagpa-t
“RAZIEL, sirado pa yata ang restaurant na ito.” Napahawak si Lyxelle sa laylayan ng suot na itim na t-shirt ni Raziel upang pigilan itong pumasok sa restaurant na halatang sirado pa. Nang magising siyang muli sa ospital, hindi na sana nito itutuloy ang paggala nila dahil nag-aalala ito sa kalagayan niya. Pero pinigilan niya ito at sinabing okay lang naman siya. Ayaw niyang masira ang pinlano nito sa araw na iyon dahil lang sa panic attack niya. Isa pa, nabo-bored na rin naman siyang palagi na lang nakahiga sa kama. Sigurado kasi siyang kapag umiwi na sila sa bahay pagpapahingahin na naman siya nito. Hindi sana ito papayag na ituloy ang pamamasyal nila dahil nag-aalala ito sa kalagayan niya. Mabuti na lang at naroon ang butihing doktor na si Dr. Jarred Arquillano. Jerrod ang pakilala nito sa kaniya pero Jarred naman ang nasa name plate nito. Nakakatuwa itong doktor kaya na-curious siya kung ano ang hitsura ng kapatid nitong nagngangalang Jerrod. Base sa nasabi ni Raziel sa kaniya ay
NAPAKISLOT si Lyxelle nang bumukas ang pinto sa kanyang tabi. Bumaba siya ng kotse pero hindi niya sinalubong ang mga mata ng taong nagbukas ng pinto para sa kanya. Buong biyahe ay pinipilit niyang huwag umiyak kaya hindi siya iiyak ngayon.Pagod na siyang umiyak. Magang-maga na ang mga mata niya. Masakit na ang mga iyon. Pero sa tuwing gusto niyang magsalita, pakiramdam niya ay maiiyak na naman siya.Hindi nga niya namalayang umuulan pala kung hindi pa dumikit sa kanya ang binata para pareho silang makinabang sa payong.Pagtapak na pagtapak nila sa pinto ng mansion ay sinalubong sila ng isang eleganteng babae.“Lyx?” tanong nito.Nagtagpo ang mga mata nila ng babae. Kitang-kita niya ang pagkagulat nito at ang sumunod na mga tanong na pinili nitong huwag isatinig. Binuksan nito ng malaki ang braso para yayain siyang pumailoob doon.Hindi na siya nakatanggi. The feeling of wanting to be comforted was strong, her knees almost buckled.Walang pag-aalinlangang niyakap siya nito. Muli na n
NANLULUMONG napaupo si Raziel nakasarang pinto ng resort. Nangyari na ang kinakatakutan niya. Iniwan na siya ni Lyxelle.Iniuntog niya ang ulo sa nakasarang pinto ng bahay. Damn! Bakit naman kasi siya nagsinungaling dito? Kung sana sinabi na lang niyang ito ang dati niyang asawa noong wala itong naaalala.Kung sana nagawa niyang umamin kaagad bago bumalik ang mga alaala nito sana hindi humantong sa ganoon. Sana mas naging bukal itong makinig sa kanya. Pero hindi niya magawa dahil natatakot siya na baka iwan siya nito oras na malaman nitong hiwalay na sila.“Duwag ka kasi,” bulong niya sa sarili.Pinahid niya ang mga luhang kumawala. Hindi iyon ang oras para sisihin niya ang sarili. Kailangan niyang maabutan si Lyxelle. Wala itong mapupuntahan ngayon kundi ang bahay nila kaya baka maabutan pa niya ito roon.Raziel felt like it was the longest ride he ever had. All scenarios are rushing in his brain, making him feel even more burdened. Natanaw niya sa malayo na bukas ang gate kaya nab
NAPABALIKWAS ng bangon si Lyxelle. Hinihingal siya at pinagpapawisan. Madilim ang silid na kinaroroonan niya. Muntik na siyang mag-panic attack pero na-relax din kaagad siya.Ipinikit niya ang mga mata. Isang panag-inip. Muli siyang humiga at sinubukang matulog ulit. At dahil pagod siya ay mabilis siyang nakatulog ulit.“Ano’ng nangyari?”“Lyxelle, we’re so sorry.”“Ano ba naman `yang mga mukha niyo. Para kayong namatayan ah?” nakangiti niyang saad. “Buhay pa naman ako.”Alam niyang nagi-guilty ang mga ito dahil sa nangyari sa kanya kaya panay ang paghingi ng mga ito ng paumanhin. Hindi naman ginusto ng mga ito na maaksidente siya. Gusto lang niyang tumingin sa positive side dahil sa dami ng mga negative na nangyari sa buhay niya nitong mga nakaraan buwan.Sa apat niyang kaibigan, wala ni isa ang makatingin ng diretso sa kanyang mga mata.Doon na napakunot ang noo niya. “Hey, everything’s alright. Wala namang masamang nangyari sa akin ah. Ano ba kayo?”“Lyxelle…”Nanginginig na muling
RAZIEL took Lyxelle’s virginity the night she agreed to be his. Hindi na niya naisip na sobrang bilis ng mga pangyayari. Hindi niya akalaing nakakablanko pala ng isip ang pakikipag-isa sa taong gusto mo.Ang akala niya ay pagsisisihan niya ang gabing iyon. Akala niya, sex lang ang habol ng binata sa kanya. Maraming mga “akala” ang nagsulputan sa kanyang isip kinabukasan. Lalo na nang magising siya na mag-isa sa kama.Nagsimula ang kaba sa kanyang dibdib dahil baka totoo ang mga iniisip niya at pinaglalaruan lang siya ni Raziel. Isa nga lang naman siyang dukha.Nakahinga siya ng maluwang nang makita ito sa kusina at nagluluto ng agahan nila. Muntik na siyang maiyak sa ginhawang naramdaman niya ng mga sandaling iyon kaya patakbo siyang pumasok sa banyo bago pa siya makita nito.Noong humarap siya rito ay nagulat ito sa pamamaga ng kanyang mga mata pero tinukso pa siya nito na dahil daw magaling ito sa kama kaya naiiyak na lang siya sa sarap. Namula ang kanyang mga pisngi dahil doon.At
TUMAWA si Lyxelle nang mag-dive sa sahig ang kasamahan niya sa trabaho. May bago kasing pakulo ang may-ari ng resort na pinagtatrabahuan niya, gusto nitong gumamit sila ng sapatos na may gulong habang nagse-serve ng mga pagkain sa restaurant.Isa siyang waitress at sarili na lang niya ang binubuhay dahil nasa Cebu ang ina at kapatid niya. Hindi naman siya itinuturing na kapamilya ng mga ito kaya kung tutuusin, mag-isa na lang talaga siya sa buhay.Nangungulila pa rin naman siya sa kanyang natitirang pamilya kaya lang hindi talaga siya tinuturing na parte ng pamilya kaya kusa na lang siyang lumayo. Minsan ay naiinggit siya sa kapatid dahil ito ang palaging paborito ng kanilang ina.Ipinilig niya ang ulo. Hindi iyon ang oras at lugar para mag-isip ng mga negatibong bagay.“Ang hirap naman nito Sir CL.” reklamo ng kasama niyang nag-dive.Tatawa-tawa lang si Sir CL at ibinigay sa kanya ang sapatos na may gulong. “Ikaw naman ang mag-try, Lyxelle.”Inilapag niya ang bitbit na tray sa bar co
NAPALUNOK si Lyxelle sa klase ng titig ni Raziel. Hindi niya sinasadyang gawin iyon. She was unconsciously running her finger in his chest.Namula ng husto ang kanyang mga pisngi. Hindi niya sinalubong ang tingin nito dahil nahihiya siya.“Err—didn’t mean to touch your—” she closed her eyes. “your chest.”“Lyx,”Bumilis ang tibok ng kanyang puso dahil sa paraan ng pagtawag nito sa kaniyang palayaw. Nagsitayuan ang mga balahibo niya pero sa pagkakataong iyon, hindi na dahil sa takot.He cupped the left side of her cheek, his thumb caressing her lips softly. Nakatutok ang mga mata nito sa ginagawa ng hinlalaki.Pakiramdam ni Lyxe
IPINIKIT ni Raziel ang mga mata habang naghihintay ng sagot ni Lyxelle. Mabilis ang pintig ng puso niya. Halos mabingi na siya dahil doon. Nang lumipas ang isang minuto na wala siyang narinig kay Lyxelle ay iminulat niya ang mga mata. Siguro hindi lang niya narinig ang reaksiyon nito dahil halos mabingi na siya sa lakas ng tibok ng puso. Nang tingnan niya ang dalaga ay nahulog ang kaniyang panga nang makitang natutulog ito. “Lyxelle…?” he softly called her name, afraid and was holding his breath. When she didn’t budge, he sighed. Nakahinga siya ng maluwang pero at the same time ay nakaramdam siya ng pagsisisi. Kailan ba niya masasabi rito ang totoo? Kailangan na niyang magsalita habang puwede pang masalba ang kanilang relasiyon.
“NASAAN ang bagong dating?”“No.”“No…”“No!”“Inject her.”“Please, maawa ka. Pakawalan na ninyo ako.”Marahas na binawi niya ang kamay at malakas na pinadapo ang palad niya sa pisngi nito. May malakas na puwersang nagsasabi sa kanya na lumayo siya sa taong iyon bago siya tuluyang hindi makalaya.Halos hindi na siya makahinga dahil sa lakas ng tibok ng puso niya na para bang anumang sandali ngayon ay l
KUMABOG ng husto ang puso ni Lyxelle dahil sa sinabi ni Raziel. Hindi siya sigurado kung tama ba ang kaniyang narinig. “M-Mahal mo ako?”Tumango ito, he was looking at her softly it almost melted her heart. “Yes, I love you. I’ve always been in love with you. Even when we first met.”Talaga bang mahal siya nito? How though? She was nothing but a woman with a lot of baggage on. She doesn’t even remember her past.“Lyxelle,” he cupped her checks. “I know what you’re thinking. Stop it. I love you. And that’s it. I want to stay with you for as long as I can.”“Pero…hindi ka ba nandidiri sa akin noong una tayong magkita?”Umiling ito. “No.”“Pero Raziel…”“Hindi mo ba ako mahal?”“Ano kasi…” She wanted to avoid his gaze, but he wasn’t letting her. “P-Paano kung may asawa na ako?”Tinitigan siya nito. “I do hope you don’t have any men in your life. Or else I’d have to fight them to get you.”Her heart swelled. Can she let herself be swayed by his words? Gusto rin niyang makasama ito. Dahil