“RAZIEL…”
Mabilis na tiningnan ni Raziel ang asawa niya nang sambitin nito ang pangalan niya pero nakita niya itong nakapikit at pantay na rin ang paghinga. It was heartbreaking seeing her in distress, but he couldn't do anything about it. Feeling helpless was sitting well with Raziel. Hindi siya sanay na walang magawa.
Hinalikan niya ang tuktok ng ulo nito at marahang pinahiga ito sa kama. Kinumutan niya ito at muling hinalikan sa ulo bago hinarap ang kaniyang ina at kapatid na tahimik lamang pinanuod ang nangyari.
“Ano’ng nangyari?” tanong niya sa kaniyang ina.
Kanina nang marinig niya ang sumisigaw na boses nito ay nawalang parang bula ang antok niya at kaagad na ikinulong ang asawa sa braso niya para pakalmahin. Inaamin niyang kinabahan siya sa pagsigaw nito. Hindi niya alam kung paano itong tutulungan kaya pinakalma na lamang niya ito.
Umiling ang kapatid niya. “Wala siyang naaalala, bro. Iyon ang dahilan kung bakit siya nag-panic.”
Tumingin siya sa ina na tumango naman. “Maaaring nasa state of shock pa siya. Kung ano man ang nangyari sa kan'ya, ipagdasal na lang natin na hindi iyon traumatic.”
“Sinambit niya ang pangalan ko.” paalala niya sa dalawa. Hindi naman siguro niya imahinasiyon lang ang narinig na pagbanggit ni Lyxelle sa pangalan niya.
“She might have said it unconsciously." marahang sagot ng kaniyang ina na yari bang tinatantiya nito ang magiging reaksiyon niya. Mapait ang tinging ibinigay nito sa kaniya.
His mother was speaking as a doctor, pero bilang ina, may pakiramdam si Raziel na hindi nito gusto na muli silang magkasama ni Lyxelle. Nakita niya ang pagtutol nito sa klase ng tinging ibinigay nito sa kaniya bagaman hindi ito nagsalita.
Labis siyang nalungkot sa sinabi ng ina. Malilito at masasaktan talaga si Lyxelle kung wala itong maalala maski ang pangalan nito. Nalulungkot na tinitigan niya ito at marahang hinaplos ang pisngi nito.
He was still trying to find something that would seem logical. “Pero ayos lang naman siya noong iligtas ko s’ya. Wala naman siyang masamang nararamdaman. We even had a wild sex—.”
Namula ang buong mukha niya pati ang tainga nang maalalang ang ina nga pala niya ang kaniyang kausap. Wala sa loob na napahawak siya sa tainga.
“Ikaw na bro!” sabi ni Alexiel, ang nakababata niyang kapatid. “Ikaw siguro ang may kagagawan ng mga pasa niya sa katawan. Dalawang taon ka ring tigang.”
“Alexiel!” nakasimangot na saway niya rito.
Nginisihan lang siya nito. Alexiel sounded like he was joking, but he was actually sending glares towards Raziel. Naiintindihan naman iyon ng huli. Magkapatid kasi ang turingan ng dalawa noong nagsasama pa lang sila ni Lyxelle. His brother was quite smitten with his wife and he often gets jealous of him before.
Pinanlakihan niya ito ng mga mata at pagkatapos ay nahihiyang tumingin sa kaniyang ina. If the ground would just swallow him this instant, it would save him from being embarrass as hell.
Wala siyang mabasang reaksiyon mula sa kaniyang ina, seryoso lamang itong nakatingin sa kaniya. “She was drugged when you found her, son.”
Namutla siya sa sinabi ng ina niya. Nawalan naman ng imik si Alexiel sa tabi niya. She was drugged? By who? Sino ang gagawa ng ganitong kasamaan kay Lyxelle? Tahimik na tao lang ang dalaga at hindi palaaway kaya wala siyang maisip na tao na magpaparusa ng ganito sa kaniya.
“Iyon ang nakita sa laboratory tests niya. Ako na mismo ang tumingin sa resulta kanina pagdating ko sa ospital.”
“Kaya ba ganoon—ganoon siya ka wild? At tila walang kapaguran?”
Malungkot na tumango ang kaniyang ina. "She was drugged with bremelanotide or vyleesi. It takes effect after 45 minutes since it was injected. Kaya siguro nagawa pang tumakas ni Lyxelle. Mabuti na lang at nagawa niyang lusutan ang mga gumawa nito sa kaniya dahil kung hindi..."
“Shit!” mariing sambit niya.
Hindi na kailangan pang tapusin ng ina ang sinasabi nito dahil may idea siya kung ano ang puwedeng mangyari kay Lyxelle. Kinikilabutan siya sa mga naiisip kaya pilit na iwinaksi niya iyon sa kaniyang isipan. Ligtas na ang asawa niya. Nasa tabi na niya ito ngayon. Aalagaan niya itong mabuti.
“Bakit hindi mo napansin ang mga pasa niya sa katawan?” tanong ng ina niya, may pagkalito siyang nakikita sa ekspresiyon ng mukha nito.
Yumuko siya sa hiya. Mas inuna pa niya ang pisikal na pangangailangan kaysa sa kaligtasan ni Lyxelle. Whatever might be the reason, it was still his fault for ignoring the signs of her distress. “Noong nasa sasakyan kami, wala pa naman siyang mga pasa noon at noong dumating kami sa bahay, hindi ko na binuhay ang mga ilaw.”
* * * * *
RAZIEL was patiently waiting for his friend. Pero malapit na ring maputol ang pasensiyang iyon. Tatlong oras na siyang naghihintay pero hindi pa rin niya nakikita maski na ang anino man lang ng pasaway niyang kaibigan.
Ayaw niyang malayo ng matagal kay Lyxelle dahil hindi siya sigurado kung kailan ito magigising. Gusto niyang naroon siya sa tabi nito oras na magising ito. Labis pa rin siyang nag-aalala para rito kahit na ilang beses na siyang in-assured ng kaniyang ina.
He stood from the settee he was sitting on. He paced back and forth, trying to stretch his patience. And maybe make a hole on his pristine floor.
"Nasaan na ba ang h*******k na CL na `yan?" bulong niya sa sarili. "Kung kailan kailangan mo saka hindi nagpapakita. Kapag `di naman kailangan, biglang susulpot. Kunti na lang talaga. Kapag `di ko pa rin siya nakikita ipapakain ko na s'ya sa mga pating."
"Uy, harrassment na iyan sa katawang lupa ko ah."
Muntik na siyang mapatalon sa biglaang pagsulpot ng kaibigan niyang kabote. Napahawak siya sa dibdib nang maramdaman ang bilis ng tibok niyon.
"The hell CL! Muntik na akong atakihin sa puso ng dahil sa malakabote mong entrance." singhal niya rito.
Nakangiwing umatras ito palayo sa kaniya. "Nakakasama ka ng loob Raziel. Ikaw na nga itong humingi ng ura-uradang meeting, ikaw pa `tong naninigaw. Sana pala hindi na kita sinipot."
Nagkamot siya sa ulo at nagpakawala ng malalim na hininga. Walang mangyayari kapag hindi siya huminahon. Ipinikit niya ang mga mata at nagbilang ng hanggang sampo.
"Wow, Raziel. Huwag mo naman akong dasalan, hindi pa ako patay." sarkastikong saad ni CL.
Kumunot ang noo niya at lumalim ang pagkakasimangot. Pinaalalahan niya ang sarili na walang magandang idudulot kung sasagutin niya ito. Ipinagpatuloy niya ang pagme-meditate. Saka lang niya hinarap si CL nang kontrolado na uli niya ang kaniyang emosiyon at mahaba-haba na ang kaniyang pasensiya.
Talking to CL, especially if he's in his "sarcastic mode" which is quite often was tiring, and challenging. Raziel knew he would just lost if he give a retort. CL was known to always have the last word, so he needed keep his mouth shut.
Nakaupo na sa likod ng mesa nito si CL nang muli niya itong harapin, magkasalikop ang mga kamay habang ang mga siko ay nakatukod sa mesa nito. Nang salubungin niya ang tingin nito ay tinaasan siya nito ng isang kilay bilang pagtatanong kung ano ang ginagawa niya sa lungga nito, he was wearing his sarcastic smile and it was starting to irritate Raziel again.
"Lyxelle, my wife was kidnapped and drugged just yesterday. I need your help to find the person responsible and make him pay." seryosong saad niya rito.
He could feel CL's shift of mood. Nawala ang mapaglarong ngiti sa mga labi nito at wala na siyang mabasang emosiyon sa mukha nito. Other men might shrink because of the sudden change in atmosphere. But Raziel stood his ground.
"Do you mean Lyxelle Rodriguez was kidnapped and drugged by someone unknown?" he asked quietly.
"Yes."
CL stared at him for a full minute before he blinked. "I thought she was your ex-wife? Did you two remarried again?"
"She's my ex-wife." he declared. "But not for long. Because I intend to marry her again and offer her my life."
Wala pa rin siyang mabasa na emosiyon sa mukha ng lalaki. "Isn't that too much of a declaration? Baka hindi mo na naman mapanindigan iyan. Magkasakitan na naman kayong dalawa."
Umiling siya. "No matter how hard it might be, I will win her heart. Again."
It wasn't easy admitting it to other people, but Raziel swallowed his pride. Alam niyang hindi siya tutulungan ni CL kapag nagdalawang isip siya. He might be friends with the dangerous man sitting in front of him, but CL had a soft spot for Raziel's ex-wife.
Iyon ang naging sanhi ng pagseselos niya noon kay Lyxelle. Ipinaliwanag naman ng dalaga ang relasiyon nito kay CL pero naniningkit pa rin ang kaniyang mga mata sa tuwing nakikita ang kaibigan kasama ang dating asawa. But that was all in the past. Now, he needs CL's help to find his wife's kidnappers and make them pay.
He pulled out the envelope containing the documents of Lyxelle's recent medical records from his briefcase. He put it on the table so that CL could see it for himself.
CL scanned the pages, eyes glinting dangerously, but Raziel didn't say anything.
"Give me at least a week."
NAGISING si Lyxelle dahil sa liwanag na tumatama sa mga mata niya. Gusto niyang bumalik sa pagtulog pero gising na gising na ang diwa niya. Dahan-dahan niyang imulat ang mga mata. Kinabahan siya sa nakita. Hindi siya pamilyar sa kwartong iyon. Hindi rin siya sigurado kung ano ang mararamdaman sa kulay itim nitong motif. Halos lahat ng bagay sa silid na iyon ay kulay itim. Bedsheets and all. Kinalma niya ang sarili. Walang mangyayari kung hindi siya kakalma. Ipinikit niya ang mga mata at marahang nagbilang habang humuhugot ng hininga. Hindi niya maalala kung sino ang nagturo sa kaniya ng breathing technique na iyon. Nakalanghap siya ng panlalaking pabango. Imbes na mag-panic ay kumalma siya. Hindi niya maipaliwanag kung ano ang mayroon sa amoy na iyon. Basta gustong-gusto lang niya. Hindi siya pamilyar sa amoy na iyon pero hindi rin siya nakararamdam ng pagkatakot. Bagamat hindi pa rin siya sigurado sa kung nasaan man siya. Nang muli niyang imulat ang mga mata, inilibot niya ang tin
“LYXELLE?” her heart jumped when she murmured the name. She felt familiar with the name. Iyon kaya talaga ang totoo niyang pangalan? Hindi siya nakaramdam ng pagtutol sa pangalang iyon. Tinitigan siya nito ng matagal. Gusto niyang iwasan ang titig nitong hindi niya mabasa. Nako-conscious kasi siya sa klase ng pagtitig nito. She felt lost just staring at his dark eyes. “Yes. That’s your name.” saad nito na may penalidad ang boses. Nagtagpo ang kaniyang mga kilay. Hindi ba’t sabi nito ay hindi sila magkakilala bago siya nito iligtas? Bakit siguradong-sigurado ito sa kaniyang pangalan? “Magkakilala ba tayo dati?” Muli siya nitong tinitigan bago nag-iwas ng tingin. May emosiyong nagdaan sa mga mata nito pero hindi kaagad niya iyon nabasa dahil mabilis itong nag-iwas ng tingin. “N-No.” “Bakit alam mo ang pangalan ko?” nagtatakang tanong niya rito. “Nabangit mo `yon habang natutulog ka. I assume that it was you name.” “Oh.” Pero parang nakadama siya ng munting pagkadismaya sa sinabi
“THE pretty woman is my mother and the man with long hair is my younger brother. My mother is a doctor kaya hindi ka na namin dinala sa ospital dahil sabi ni Mommy hindi naman daw malubha ang nangyari sa `yo. Kailangan lang daw ng katawan mo ang mahabang pahinga kaya hindi ka nagigising kahit anong gawin kong paggising sa `yo.” Nanlaki ang mga mata niya dahil sa sinabi nito. “Hindi ako nagigising kahit anong gawin mo?” Tumango ito. Napahawak na lang siya sa dibdib dahil sa balitang iyon. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Pero naaalala niyang nakakulong siya sa isang matatag na bisig. Hindi iyon noong nagising siya kundi mas nauna pa kaya baka niyakap nga siya nito sa sobrang pag-aalala. Medyo blurry ang alaala niya ng mga sandaling iyon. Hindi rin siya sigurado kung totoong nangyari iyon o halusinasiyon lamang niya. Ang naaalala lang niya ay ang matipunong bisig na nakapalibot sa kaniya at ang dalawang taong nakatayo sa tabi ng kama. Napatingin siya rito. Napakaguwapo nit
“INJECT her.” utos ng lalaki. Hindi niya masyadong maaninag ang mukha nito. “A-Ano `yan?” Hindi siya sinagot ng babaeng may dala ng injection na may kung anong nakakahinalang likido. “Please, maawa ka. Pakawalan na ninyo ako.” Nanigas siya nang tuluyang i-inject sa kaniya ng babae ang kung ano mang gamot iyon. “Sigurado akong malaki ang kikitain natin sa babaeng `yan.” sabi ng isang may katandaang lalaki. “Oo nga, makinis.” “Pwede bang tikman muna natin, Joseph? Bago mo ibinta.” “Lyxelle! Lyxelle!” Mabilis na naimulat ni Lyxelle ang mga mata at napabalikwas ng bangon habang habol ang hininga. Pinagpapawisan siya at nanginginig ang katawan. Napaiyak na lang siya. Naramdaman niya ang pagbalot ng mainit na braso sa katawan niya. “Shh…it’s just a dream. Wala na iyon at ligtas ka. Nasa tabi mo lang ako.” Kumalma ang sistema niya dahil sa boses na narinig. Nanlalambot ang kaniyang katawan. Malamig ang kaniyang mga pawis pero wala siyang lakas para magpunas. She was still shak
“WHEN I found you, you were high on a drug.” Iyon ang mga katagang nagpaulit-ulit sa isipan ni Lyxelle magdamag. Hindi na siya nakatulog pang muli kahit na sinabihan siya ni Raziel na matulog. It bothered her. Bakit siya naka-drugs? Anong klaseng drugs? Base sa mga sinabi ni Raziel, may ideya siya kung anong klase ng drugs ang nasa sistema niya nang gabing iyon. Ang tanong niya ay kung bakit? Siya ba mismo ang uminom ng drugs na iyon? Wala bang kabuluhan ang buhay niya bago siya nawalan ng alaala? O may mga tanong nagsamantala sa kaniya? Nadagdagan lang ang maraming tanong sa isip niya. Hindi talaga niya alam kung saan mag-uumpisa ngayon. Mabuti na lang at may mabait na taong nakahanap sa kaniya noong panahong kailangang-kailangan niya ng tulong. Lubus-lubos ang pasasalamat niya na si Raziel ang nakakita sa kaniya. Umungol siya nang matamaan ng liwanag ang mukha niya. Mas lalong sumakit ang kaniyang ulo. Sinubukan niyang matulog ulit pero nakapikit lang ang mga mata niya habang a
PAGTAPAK na pagtapak ni Lyxelle sa loob ng ospital ay pinagpawisan siya. Hindi siya makahinga at nahihilo siya. Hindi niya maintindihan ang nangyayari sa kaniya nang mga oras na iyon. Nanlalamig din ang kaniyang katawan, nanginginig ang mga kamay. Napahawak siya sa kaniyang leeg, yaring may hinahanap doon ang kaniyang kamay. Nang wala siyang mahawakan ay mas lalong lumala ang nararamdaman niya. Nang mapansin ni Raziel na hindi na siya sumusunod dito ay huminto ito at nilingon siya nito. He looked at her questioningly, but when he noticed her pale appearance, his face was etched with worry. Mabilis na lumapit ito sa kaniya at hinawakan siya sa kamay. “Lyxelle? What’s wrong? May masakit ba sa `yo?” Bumuka ang bibig niya para sabihin dito ang nararamdaman niya pero walang salitang lumabas. Lumunok muna siya bago muling sinubukang magsalita. “P-Panic attack…” Sigurado siyang naramdaman na niya noon ang kasalukuyang nararamdaman. Hindi lamang niya maalala. Kung ano man ang nakapagpa-t
“RAZIEL, sirado pa yata ang restaurant na ito.” Napahawak si Lyxelle sa laylayan ng suot na itim na t-shirt ni Raziel upang pigilan itong pumasok sa restaurant na halatang sirado pa. Nang magising siyang muli sa ospital, hindi na sana nito itutuloy ang paggala nila dahil nag-aalala ito sa kalagayan niya. Pero pinigilan niya ito at sinabing okay lang naman siya. Ayaw niyang masira ang pinlano nito sa araw na iyon dahil lang sa panic attack niya. Isa pa, nabo-bored na rin naman siyang palagi na lang nakahiga sa kama. Sigurado kasi siyang kapag umiwi na sila sa bahay pagpapahingahin na naman siya nito. Hindi sana ito papayag na ituloy ang pamamasyal nila dahil nag-aalala ito sa kalagayan niya. Mabuti na lang at naroon ang butihing doktor na si Dr. Jarred Arquillano. Jerrod ang pakilala nito sa kaniya pero Jarred naman ang nasa name plate nito. Nakakatuwa itong doktor kaya na-curious siya kung ano ang hitsura ng kapatid nitong nagngangalang Jerrod. Base sa nasabi ni Raziel sa kaniya ay
NAGISING si Lyxelle dahil sa pakiramdam niyang may nakatingin sa kaniya. May hula siya kung sino ang nakatitig sa kaniya. It comforted her knowing that someone was worried about her even when she doesn't remember anything from her life. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata. Sinalubong siya ng nag-aalalang mukha ni Raziel. “Lyxelle, ayos ka na ba?” Marahang tumango siya at bumangon. Kaagad itong tumayo upang tulungan siya sa pamamagitan ng paglalagay ng mga unan sa kaniyang likod. “Ano’ng nangyari?” tanong niya rito. Ang huli niyang naaalala ay umiikot ang kaniyang paningin. “Bigla ka na lang hinimatay. Hindi namin alam kung bakit.” Naalala niyang sumakit ang ulo niya at parang may naalala siya mula sa kaniyang nakaraan pero nakalimutan na rin niya kung ano iyon. Sinubukan niyang alalahanin kung ano iyon pero blanko lang ang kaniyang utak. “M-May naalala lang ako.” “Ano?” tila nasasabik na tanong nito pero may pakiramdam siyang may halong nerbiyos ang tanong na iyon. Kinakaba
NAPAKISLOT si Lyxelle nang bumukas ang pinto sa kanyang tabi. Bumaba siya ng kotse pero hindi niya sinalubong ang mga mata ng taong nagbukas ng pinto para sa kanya. Buong biyahe ay pinipilit niyang huwag umiyak kaya hindi siya iiyak ngayon.Pagod na siyang umiyak. Magang-maga na ang mga mata niya. Masakit na ang mga iyon. Pero sa tuwing gusto niyang magsalita, pakiramdam niya ay maiiyak na naman siya.Hindi nga niya namalayang umuulan pala kung hindi pa dumikit sa kanya ang binata para pareho silang makinabang sa payong.Pagtapak na pagtapak nila sa pinto ng mansion ay sinalubong sila ng isang eleganteng babae.“Lyx?” tanong nito.Nagtagpo ang mga mata nila ng babae. Kitang-kita niya ang pagkagulat nito at ang sumunod na mga tanong na pinili nitong huwag isatinig. Binuksan nito ng malaki ang braso para yayain siyang pumailoob doon.Hindi na siya nakatanggi. The feeling of wanting to be comforted was strong, her knees almost buckled.Walang pag-aalinlangang niyakap siya nito. Muli na n
NANLULUMONG napaupo si Raziel nakasarang pinto ng resort. Nangyari na ang kinakatakutan niya. Iniwan na siya ni Lyxelle.Iniuntog niya ang ulo sa nakasarang pinto ng bahay. Damn! Bakit naman kasi siya nagsinungaling dito? Kung sana sinabi na lang niyang ito ang dati niyang asawa noong wala itong naaalala.Kung sana nagawa niyang umamin kaagad bago bumalik ang mga alaala nito sana hindi humantong sa ganoon. Sana mas naging bukal itong makinig sa kanya. Pero hindi niya magawa dahil natatakot siya na baka iwan siya nito oras na malaman nitong hiwalay na sila.“Duwag ka kasi,” bulong niya sa sarili.Pinahid niya ang mga luhang kumawala. Hindi iyon ang oras para sisihin niya ang sarili. Kailangan niyang maabutan si Lyxelle. Wala itong mapupuntahan ngayon kundi ang bahay nila kaya baka maabutan pa niya ito roon.Raziel felt like it was the longest ride he ever had. All scenarios are rushing in his brain, making him feel even more burdened. Natanaw niya sa malayo na bukas ang gate kaya nab
NAPABALIKWAS ng bangon si Lyxelle. Hinihingal siya at pinagpapawisan. Madilim ang silid na kinaroroonan niya. Muntik na siyang mag-panic attack pero na-relax din kaagad siya.Ipinikit niya ang mga mata. Isang panag-inip. Muli siyang humiga at sinubukang matulog ulit. At dahil pagod siya ay mabilis siyang nakatulog ulit.“Ano’ng nangyari?”“Lyxelle, we’re so sorry.”“Ano ba naman `yang mga mukha niyo. Para kayong namatayan ah?” nakangiti niyang saad. “Buhay pa naman ako.”Alam niyang nagi-guilty ang mga ito dahil sa nangyari sa kanya kaya panay ang paghingi ng mga ito ng paumanhin. Hindi naman ginusto ng mga ito na maaksidente siya. Gusto lang niyang tumingin sa positive side dahil sa dami ng mga negative na nangyari sa buhay niya nitong mga nakaraan buwan.Sa apat niyang kaibigan, wala ni isa ang makatingin ng diretso sa kanyang mga mata.Doon na napakunot ang noo niya. “Hey, everything’s alright. Wala namang masamang nangyari sa akin ah. Ano ba kayo?”“Lyxelle…”Nanginginig na muling
RAZIEL took Lyxelle’s virginity the night she agreed to be his. Hindi na niya naisip na sobrang bilis ng mga pangyayari. Hindi niya akalaing nakakablanko pala ng isip ang pakikipag-isa sa taong gusto mo.Ang akala niya ay pagsisisihan niya ang gabing iyon. Akala niya, sex lang ang habol ng binata sa kanya. Maraming mga “akala” ang nagsulputan sa kanyang isip kinabukasan. Lalo na nang magising siya na mag-isa sa kama.Nagsimula ang kaba sa kanyang dibdib dahil baka totoo ang mga iniisip niya at pinaglalaruan lang siya ni Raziel. Isa nga lang naman siyang dukha.Nakahinga siya ng maluwang nang makita ito sa kusina at nagluluto ng agahan nila. Muntik na siyang maiyak sa ginhawang naramdaman niya ng mga sandaling iyon kaya patakbo siyang pumasok sa banyo bago pa siya makita nito.Noong humarap siya rito ay nagulat ito sa pamamaga ng kanyang mga mata pero tinukso pa siya nito na dahil daw magaling ito sa kama kaya naiiyak na lang siya sa sarap. Namula ang kanyang mga pisngi dahil doon.At
TUMAWA si Lyxelle nang mag-dive sa sahig ang kasamahan niya sa trabaho. May bago kasing pakulo ang may-ari ng resort na pinagtatrabahuan niya, gusto nitong gumamit sila ng sapatos na may gulong habang nagse-serve ng mga pagkain sa restaurant.Isa siyang waitress at sarili na lang niya ang binubuhay dahil nasa Cebu ang ina at kapatid niya. Hindi naman siya itinuturing na kapamilya ng mga ito kaya kung tutuusin, mag-isa na lang talaga siya sa buhay.Nangungulila pa rin naman siya sa kanyang natitirang pamilya kaya lang hindi talaga siya tinuturing na parte ng pamilya kaya kusa na lang siyang lumayo. Minsan ay naiinggit siya sa kapatid dahil ito ang palaging paborito ng kanilang ina.Ipinilig niya ang ulo. Hindi iyon ang oras at lugar para mag-isip ng mga negatibong bagay.“Ang hirap naman nito Sir CL.” reklamo ng kasama niyang nag-dive.Tatawa-tawa lang si Sir CL at ibinigay sa kanya ang sapatos na may gulong. “Ikaw naman ang mag-try, Lyxelle.”Inilapag niya ang bitbit na tray sa bar co
NAPALUNOK si Lyxelle sa klase ng titig ni Raziel. Hindi niya sinasadyang gawin iyon. She was unconsciously running her finger in his chest.Namula ng husto ang kanyang mga pisngi. Hindi niya sinalubong ang tingin nito dahil nahihiya siya.“Err—didn’t mean to touch your—” she closed her eyes. “your chest.”“Lyx,”Bumilis ang tibok ng kanyang puso dahil sa paraan ng pagtawag nito sa kaniyang palayaw. Nagsitayuan ang mga balahibo niya pero sa pagkakataong iyon, hindi na dahil sa takot.He cupped the left side of her cheek, his thumb caressing her lips softly. Nakatutok ang mga mata nito sa ginagawa ng hinlalaki.Pakiramdam ni Lyxe
IPINIKIT ni Raziel ang mga mata habang naghihintay ng sagot ni Lyxelle. Mabilis ang pintig ng puso niya. Halos mabingi na siya dahil doon. Nang lumipas ang isang minuto na wala siyang narinig kay Lyxelle ay iminulat niya ang mga mata. Siguro hindi lang niya narinig ang reaksiyon nito dahil halos mabingi na siya sa lakas ng tibok ng puso. Nang tingnan niya ang dalaga ay nahulog ang kaniyang panga nang makitang natutulog ito. “Lyxelle…?” he softly called her name, afraid and was holding his breath. When she didn’t budge, he sighed. Nakahinga siya ng maluwang pero at the same time ay nakaramdam siya ng pagsisisi. Kailan ba niya masasabi rito ang totoo? Kailangan na niyang magsalita habang puwede pang masalba ang kanilang relasiyon.
“NASAAN ang bagong dating?”“No.”“No…”“No!”“Inject her.”“Please, maawa ka. Pakawalan na ninyo ako.”Marahas na binawi niya ang kamay at malakas na pinadapo ang palad niya sa pisngi nito. May malakas na puwersang nagsasabi sa kanya na lumayo siya sa taong iyon bago siya tuluyang hindi makalaya.Halos hindi na siya makahinga dahil sa lakas ng tibok ng puso niya na para bang anumang sandali ngayon ay l
KUMABOG ng husto ang puso ni Lyxelle dahil sa sinabi ni Raziel. Hindi siya sigurado kung tama ba ang kaniyang narinig. “M-Mahal mo ako?”Tumango ito, he was looking at her softly it almost melted her heart. “Yes, I love you. I’ve always been in love with you. Even when we first met.”Talaga bang mahal siya nito? How though? She was nothing but a woman with a lot of baggage on. She doesn’t even remember her past.“Lyxelle,” he cupped her checks. “I know what you’re thinking. Stop it. I love you. And that’s it. I want to stay with you for as long as I can.”“Pero…hindi ka ba nandidiri sa akin noong una tayong magkita?”Umiling ito. “No.”“Pero Raziel…”“Hindi mo ba ako mahal?”“Ano kasi…” She wanted to avoid his gaze, but he wasn’t letting her. “P-Paano kung may asawa na ako?”Tinitigan siya nito. “I do hope you don’t have any men in your life. Or else I’d have to fight them to get you.”Her heart swelled. Can she let herself be swayed by his words? Gusto rin niyang makasama ito. Dahil