KAHIT ano ang gawing pagmamakaawa ni Lyxelle ay parang walang narinig ang mga tao roon kahit na nga ba umiiyak siya at nakaluhod. “Please…”
Nanigas siya nang hawakan siya ng dalawang lalaki sa magkabilang braso. Nang nakatayo na ang babae sa mismong harap niya ay doon lang gumalaw ang katawan niya. Pilit siyang nagpumiglas sa hawak ng dalawang lalaki pero dahil doble ang laki ng mga ito sa maliit niyang katawan ay wala siyang nagawa nang tuluyang i-inject sa kaniya ang kung anumang likido iyon.
“Sigurado akong malaki ang kikitain natin sa babaeng `yan.” sabi ng isang may katandaang lalaki, nandidiri si Lyxelle sa klase ng tingin na ibinibigay nito sa kaniya.
“Oo nga, makinis.”
“Puwede bang tikman muna natin Joseph? Bago mo ibinta?”
Wala siyang narinig na sagot mula sa lalaking nagngangalang Joseph, iyong nagpaligo sa kaniya. Wala siyang pakialam dito, isa lang ang nasa isip niya. Ang tumakas. Kailangan niyang makawala sa lugar na iyon dahil hindi niya kayang isipin kung ano ang mangyayari sa kaniya oras na matuloy ang binabalak ng mga ito.
Kailangan niyang makagawa ng paraan sa lalong madaling panahon. Hindi niya alam kung anong klaseng gamot ang itinurok ng mga ito sa kaniya. Hindi rin niya alam kung kailan iyon eepekto. Kaya kailangan na niyang makalabas doon habang nasa tamang huwisyo pa ang kaniyang utak.
Dala ng labis na takot, napaiyak na lang siya sa harap ng mga demonyong ito. Senenyasan ni Joseph ang mga tao roon, naunang lumabas ito at sumunod na rin ang iba hanggang sa siya na lang ang naiwan. Pilit na pinapatahan niya ang sarili para makapag-isip siya ng maayos pero hindi nakikisama sa kaniya ang mga luha niya.
Ano ang mangyayari sa kaniya kapag naibinta na siya ng mga ito? Sana mabait ang makabili sa kaniya. Pero alam ni Lyxelle na wishful thinking lamang iyon. Dahil walang matinong tao ang bibili ng tao. Sindikato ba ang mga ito? Mukhang expert ang mga ito sa pagkuha ng mga bibiktimahin ng mga ito dahil marami nang nakolektang kababaehan ang mga ito.
Kinagat niya ang ibabang labi. "Mag-isip ka Lyxelle, gamitin mo `yang utak mo." bulong niya sa sarili.
Kailangan niyang mag-isip ng mabilis lalo pa't wala siyang ibang maaasahan doon kundi ang sarili lamang niya. Hindi na siya aasang may maitutulong sa kaniya ang ibang babaeng nakakulong doon. Base sa nakita niya kanina, walang sino man sa mga ito ang nasa matinong pag-iisip. Kung lulong man sa druga o sumuko na sa pag-asa ang mga ito, hindi niya alam.
Saka na lang siya mag-iisip kung paano tutulungan ang mga ito oras na makalabas siya sa lugar na iyon.
Napakislot siya nang muling bumukas ang pintuan. Muling pumasok si Joseph. Alerto ang mga matang sinundan niya ito ng tingin. Nagrigodon ang tibok ng puso niya nang lumapit ito sa kaniya.
Nanlaban siya nang hilahin siya nito sa braso. Sa inis nito ay sinampal siya nito ng malakas. Pakiramdam ni Lyxelle ay hindi na maibabalik ang leeg niya sa dati dahil sa lakas ng sampal nito. Muling nagluha ang kaniyang mga mata.
Binihisan siya nito ng see-through na lingerie. Pagkatapos ay hinila na naman na parang laruang manyika lamang siya. Medyo may distansiya rin ang nilakad nila bago naaninag ni Lyxelle ang dulo ng...kweba?
May isang itim na Mercedes-Benz na naghihintay sa kanila. Hindi mapaghahalataang nangingidnap ito kung ganoon kagara ang sasakyan nito!
Humugot siya ng malalim na buntong-hininga. Now or never. Kailangan niyang makatakas.
Kinagat niya sa abot ng lakas ng bibig niya si Joseph. Napaigik ito at binitiwan siya. Letting her body move, yumuko siya at kinuha ang may kalakihang bato sa paanan niya. Hindi niya hinayaan ang sarili na mag-isip kung tama o mali ba ang gagawin niya. Hinampas niya ng ubod lakas sa ulo si Joseph.
Napangiwi siya nang maramdaman ang impact niyon. Natumba sa lupa ang kidnapper niya. Hindi siya nag-aksaya ng panahon at mabilis na tumakbo. Narinig niya ang malutong nitong mura mula sa likod pero hindi niya nilingon ito.
Ramdam niya ang bilis ng tibok ng kaniyang puso na parang sumasabay sa bilis ng kaniyang takbo. Pinanatili niya ang tingin sa harap. Dahil baka kapag lumingon siya at makita niyang malapit na siyang mahabol nito ay baka mag-panic lang siya.
It would not do her any good.
Naramdaman niya ang ilang beses na sakit sa kaniyang mga paa. Malamang nasugatan na ang mga iyon dahil nakayapak lamang siyang tumatakbo sa gubat. Ilang minuto pa siyang tumatakbo bago niya maramdaman ang pagkapagod at pagliit ng hanging nasasagap ng kaniyang baga. Kailangan na niyang huminto sa pagtakbo dahil sumasakit na rin ang kaniyang tagiliran.
Takot siyang huminto. Ayaw niya dahil baka mahabol pa siya ng demonyong humahabol sa kaniya.
Pero ang katawan na rin mismo niya ang tumutol sa pagtakbo dahil kusang bumigay ang kaniyang mga tuhod. Nahiga lang siya sa binagsakan at pilit na hinahabol ang hininga.
Natigilan siya nang makarinig ng mga kaluskos.
* * * * *
PANIC gripped Lyxelle immobile, holding her breath, wide-eyed scanning the area around her. In that few seconds. she could hear every little sound, a bird chirping away, the wind, but her heart was just so loud it dulled everything else.
Ang ilang segundong iyon ay tila ilang oras habang hinihintay ni Lyxelle na makita siya ng kaniyang mga mandurukot. Mariin na nakagat niya ang ibabang labi nang muli niyang marinig ang kaluskos.
Her relief was immediate when a large rabbit hopped out of the bushes. Tinitigan siya nito sa pulang mata. Natakot siya sa klase ng titig nito. Para bang alam nito ang lahat ng nangyari sa kaniya. Itim ang mga tainga ng koneho, ang kalahati rin ng katawan nito hanggang sa buntot ay itim. Ang kalahati naman ng katawan nito ay kulay puti.
Hindi siya komportable sa tila nang-aarok na pagtitig nito. Kumilos ang tainga nito at lumundag palayo sa kaniya.
Dahil sa ilang segundong pangamba at pagkatapos ay kaginhawaan ng pakiramdam, muling bumagsak ang kaniyang katawan. Hindi siya puwedeng magtagal doon pero hinayaan muna niya ang sarili na makahabol ng hininga.
She spread her arms wide. Maaliwalas pa rin ang langit, maraming bituin. Nanatili siya sa ganoong posisyon ng ilang minuto bago niya sinubukan ulit kumilos. Nararamdaman na ulit niya ang sakit ng kaniyang katawan. Nakangiwing tumayo siya. Kailangan na niyang magpaospital sa lalong madaling panahon.
Nakakailang hakbang na siya nang maramdaman niya ang biglang pagbilis ng pintig ng kaniyang puso. Napasinghap siya nang muli siyang bumagsak. Inaatake ba siya sa puso?! Hindi puwede iyon.
"Kumalma ka lang, Lyxelle." paulit-ulit niya iyong ibinubulong sa sarili.
Hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa kaniya. Sumagi sa isip niya ang nangyari sa kaniya kanina. Epekto na ba iyon ng itinurok ng babae sa kaniya kanina? Nagmamadaling naglakad siya kahit na unti-unting nararamdaman niya ang pamimigat ng kaniyang katawan. Nagsimula ring lumabo ang kaniyang paningin, habol ang hininga.
Nagdasal siya habang patuloy pa ring hinahanap ang labasan ng lugar na iyon. Napahinto siya sandali nang may maaninag. Pinikit-pikit niya ang mga mata para mag-focus iyon sa gusto niyang makita. Nakaramdam siya ng saya nang makitang malapit na siya sa kalsada. May ilaw na papalapit.
Tumakbo siya palapit sa kalsada. Kailangang maabutan niya ang sasakyang papalapit. Saktong nasa gilid na siya nang kalsada nang tila hanging lumampas lang sa kaniya ang kotse na sobrang bilis ng takbo.
Nanlumo siya dahil muling nagdilim ang paligid at wala na siyang makitang ibang papalapit na sasakyan. Nag-unahan sa pagpatak ang kaniyang mga luha.
Hindi niya alam kung ilang minuto siyang nasa ganoong posisyon nang makakita siya ulit ng liwanag at nakarinig ng ugong ng sasakyan. Malayo pa iyon sa kaniya kaya pinilit niya ang sarili na maglakad sa gitna ng kalsada. Nahirapan siya dahil sa panginginig ng kaniyang mga tuhod at sa init na kaniyang nararamdaman.
"Help." paos na sambit niya.
Iwinagayway niya ang mga kamay na tila bakal sa bigat. Sana hintuan siya ng nagmamaneho at tulungan.
"Tulong!"
Napapikit siya dahil nakakasilaw ang liwanag mula sa headlight ng sasakyan. Narinig niya ang pagsagitsit ng mga gulong. Lyxelle opened her eyes, she could see that the car was just inches away from her knees. Relief or exhaustion, she wasn't sure which one made her collapsed.
Bumukas ang pinto ng kotse pero hindi niya maaninag ang mukha nito dahil nakakasilaw ang liwanag na nagmumula sa headlight. Isa pa, nanginginig ang buong kalamnan niya dahil sa nerbiyos.
Nang maramdaman niyang may lumapit sa kaniya ay hiningi agad niya ang tulong nito. "Please help me, parang awa mo na."
Kumapit siya sa paa ng lalaking--base na rin sa hubog ng binti nito--hindi niya maaninag ang mukha. Tumingala siya para makita ang mukha nito pero dala ng pagkasilaw ay muli rin niyang ibinaba ang kaniyang tingin.
Narinig niyang nagmura ang lalaki bago niya naramdamang umuklo ito sa harap niya. Naramdaman na lang niya ang mainit na mga daliri nito sa kaniyang baba. Itinaas nito ang kaniyang mukha. Napapikit lang siya dahil sa ilaw.
Napasigaw siya nang walang seremonyang pinangko siya nito at dinala sa loob ng sasakyan.
She felt a sense of deja vu at that moment. Lyxelle tried to swallow the rising panic in her chest.
RAZIEL was participating in an illegal car racing. Kapag nalaman ng mga magulang niya ang pinaggagagawa niya tiyak na ipatatapon siya ng mga ito sa bunganga ng bulkan. His parents, especially his mother was overprotective of him and his younger brother. Kaya patay talaga siya kapag nalaman nito ang pinaggagagawa niya ngayon. Himala nga at hindi pa rin nalalaman ng mga ito ang tungkol sa pangangarera niya ning huling tatlong taon. Magaling ang kaniyang ama sumagap ng balita kaya medyo nagtataka siya kung bakit hindi pa rin alam ng kaniyang ina itong pinasukan niya. Or did his father already knew? Hindi lang nito sinasabi sa kaniyang ina? Pero imposible naman yata iyon. Ang alam niya kasi ay walang naitatagong sekreto ang kaniyang ama sa kaniyang ina. If his mother learned that her husband was keeping a secret from her, it would mean World War Three in their house. Pero hindi na bago sa kaniya ang mga ganoong klase ng karera. Noong makuha niya ang kaniyang driver's license ay dumerets
TAHIMIK ng ilang sandali ang loob ng sasakyan kaya akala ni Raziel ay kumalma na ang dati niyang asawa. Kaya nga lang ay hindi na siya komportable sa pagkakaupo. Ano bang nangyayari rito? Hindi niya inaasahan na aakitin kaagad siya ng asawa niya sa muli nilang pagkikita. Ang akala niya maghahabulan at magbabangayan pa sila bago nila maayos ang isyu nila sa buhay. Narinig niyang umungol ang asawa niya kaya nilingon niya ito at gaya noong una, nalaglag na naman ang panga niya dahil sa nakita. She was touching herself! "Lyxelle!" Muntik na siyang mawalan ng kontrol sa manibela. He uttered a low curse when he felt his manhood twitch. Talagang sinusubukan nito ang pasensiya niya. Kailangan niyang bilisan ang takbo para marating na nila ang siyudad. At nang makalayo naman siya ng kaunti rito. The woman was driving him nuts! Itinuon na lang niya sa kalsada ang atensiyon kahit ramdam niya ang init ng atmospera sa loob ng sasakyan. Pinagpapawisan na siya. Nararamdaman niyang tinititigan si
HINDI alam ni Raziel kung paanong nakarating sila sa kaniyang bahay—no, bahay pala nila ng asawa niya. Isa lang ang alam niya, nasa bisig na niyang muli ang kaniyang pinakamamahal na asawa at hinding-hindi na niya ito pakakawalan pa. Magkakamatayan muna bago niya gawin ang bagay na iyon. Naging impyerno na rin ang buhay niya nang mawala ang kaniyang asawa kaya hindi siya mag-aalinlangang maging demonyo kapag may nagtangkang paghiwalayin sila. Oo, asawa. Hindi dati. Dahil kapag may nahanap siyang pagkakataon ay pakakasalan niya itong muli. Baliw na kung baliw. Wala siyang pakialam. “Damn! That was hot, love.” Impit na sambit niya nang kagat-kagatin nito ang kaniyang u***g. Para siyang inililipad ng sensasyong nadarama. Labis na init ang kaniyang nararamdaman ng mga sandaling iyon na para bang sinisilaban siya at ang tanging lunas ay ang mapalapit siya sa kaniyang asawa. His Lyxelle. Mabuti na lang talaga at may remote control ang gate ng bahay nila kaya nakapasok ang kotse niya sa
“SIGURADO ka bang maingat ka? Kulang na nga lang ay kaladkarin mo siya kagabi.” nanunuyang sabi ng isang parte ng utak niya. Marahas na napailing siya. “No! Hindi ko kayang gawin iyon sa asawa ko.” “You were like a wild animal last night.” Nababaghang napatingin siya kay Lyxelle. Hindi niya masiguro kung siya ba ang may gawa ng mga pasa at sugat nito sa katawan dahil hindi na niya binuksan pa ang ilaw kagabi. “Oh, no.” nahihintakutang sabi niya. Paano kung siya nga ang nakasakit dito? Isa pa, kung talagang may masakit na rito bago pa man sila nagkita ay dapat na nagreklamo ito na nasasaktan pero wala. Wala siyang narinig kundi ang pag-ungol nito nang ipadama niya rito ang labis na pangungulila niya. “Hey, Lyxelle, my wife.” mahinang bulong niya. Maingat na hinaplos niya ang pisngi nito pero hindi man lang ito gumalaw. Marahang niyakap niya ang asawa at hinalikan ito sa tuktok ng ulo nito. Napakunot ang noo niya nang makaramdam ng medyo malagkit doon. Pinaglandas niya ang daliri
“RAZIEL…” Mabilis na tiningnan ni Raziel ang asawa niya nang sambitin nito ang pangalan niya pero nakita niya itong nakapikit at pantay na rin ang paghinga. It was heartbreaking seeing her in distress, but he couldn't do anything about it. Feeling helpless was sitting well with Raziel. Hindi siya sanay na walang magawa. Hinalikan niya ang tuktok ng ulo nito at marahang pinahiga ito sa kama. Kinumutan niya ito at muling hinalikan sa ulo bago hinarap ang kaniyang ina at kapatid na tahimik lamang pinanuod ang nangyari. “Ano’ng nangyari?” tanong niya sa kaniyang ina. Kanina nang marinig niya ang sumisigaw na boses nito ay nawalang parang bula ang antok niya at kaagad na ikinulong ang asawa sa braso niya para pakalmahin. Inaamin niyang kinabahan siya sa pagsigaw nito. Hindi niya alam kung paano itong tutulungan kaya pinakalma na lamang niya ito. Umiling ang kapatid niya. “Wala siyang naaalala, bro. Iyon ang dahilan kung bakit siya nag-panic.” Tumingin siya sa ina na tumango naman. “Ma
NAGISING si Lyxelle dahil sa liwanag na tumatama sa mga mata niya. Gusto niyang bumalik sa pagtulog pero gising na gising na ang diwa niya. Dahan-dahan niyang imulat ang mga mata. Kinabahan siya sa nakita. Hindi siya pamilyar sa kwartong iyon. Hindi rin siya sigurado kung ano ang mararamdaman sa kulay itim nitong motif. Halos lahat ng bagay sa silid na iyon ay kulay itim. Bedsheets and all. Kinalma niya ang sarili. Walang mangyayari kung hindi siya kakalma. Ipinikit niya ang mga mata at marahang nagbilang habang humuhugot ng hininga. Hindi niya maalala kung sino ang nagturo sa kaniya ng breathing technique na iyon. Nakalanghap siya ng panlalaking pabango. Imbes na mag-panic ay kumalma siya. Hindi niya maipaliwanag kung ano ang mayroon sa amoy na iyon. Basta gustong-gusto lang niya. Hindi siya pamilyar sa amoy na iyon pero hindi rin siya nakararamdam ng pagkatakot. Bagamat hindi pa rin siya sigurado sa kung nasaan man siya. Nang muli niyang imulat ang mga mata, inilibot niya ang tin
“LYXELLE?” her heart jumped when she murmured the name. She felt familiar with the name. Iyon kaya talaga ang totoo niyang pangalan? Hindi siya nakaramdam ng pagtutol sa pangalang iyon. Tinitigan siya nito ng matagal. Gusto niyang iwasan ang titig nitong hindi niya mabasa. Nako-conscious kasi siya sa klase ng pagtitig nito. She felt lost just staring at his dark eyes. “Yes. That’s your name.” saad nito na may penalidad ang boses. Nagtagpo ang kaniyang mga kilay. Hindi ba’t sabi nito ay hindi sila magkakilala bago siya nito iligtas? Bakit siguradong-sigurado ito sa kaniyang pangalan? “Magkakilala ba tayo dati?” Muli siya nitong tinitigan bago nag-iwas ng tingin. May emosiyong nagdaan sa mga mata nito pero hindi kaagad niya iyon nabasa dahil mabilis itong nag-iwas ng tingin. “N-No.” “Bakit alam mo ang pangalan ko?” nagtatakang tanong niya rito. “Nabangit mo `yon habang natutulog ka. I assume that it was you name.” “Oh.” Pero parang nakadama siya ng munting pagkadismaya sa sinabi
“THE pretty woman is my mother and the man with long hair is my younger brother. My mother is a doctor kaya hindi ka na namin dinala sa ospital dahil sabi ni Mommy hindi naman daw malubha ang nangyari sa `yo. Kailangan lang daw ng katawan mo ang mahabang pahinga kaya hindi ka nagigising kahit anong gawin kong paggising sa `yo.” Nanlaki ang mga mata niya dahil sa sinabi nito. “Hindi ako nagigising kahit anong gawin mo?” Tumango ito. Napahawak na lang siya sa dibdib dahil sa balitang iyon. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Pero naaalala niyang nakakulong siya sa isang matatag na bisig. Hindi iyon noong nagising siya kundi mas nauna pa kaya baka niyakap nga siya nito sa sobrang pag-aalala. Medyo blurry ang alaala niya ng mga sandaling iyon. Hindi rin siya sigurado kung totoong nangyari iyon o halusinasiyon lamang niya. Ang naaalala lang niya ay ang matipunong bisig na nakapalibot sa kaniya at ang dalawang taong nakatayo sa tabi ng kama. Napatingin siya rito. Napakaguwapo nit
NAPAKISLOT si Lyxelle nang bumukas ang pinto sa kanyang tabi. Bumaba siya ng kotse pero hindi niya sinalubong ang mga mata ng taong nagbukas ng pinto para sa kanya. Buong biyahe ay pinipilit niyang huwag umiyak kaya hindi siya iiyak ngayon.Pagod na siyang umiyak. Magang-maga na ang mga mata niya. Masakit na ang mga iyon. Pero sa tuwing gusto niyang magsalita, pakiramdam niya ay maiiyak na naman siya.Hindi nga niya namalayang umuulan pala kung hindi pa dumikit sa kanya ang binata para pareho silang makinabang sa payong.Pagtapak na pagtapak nila sa pinto ng mansion ay sinalubong sila ng isang eleganteng babae.“Lyx?” tanong nito.Nagtagpo ang mga mata nila ng babae. Kitang-kita niya ang pagkagulat nito at ang sumunod na mga tanong na pinili nitong huwag isatinig. Binuksan nito ng malaki ang braso para yayain siyang pumailoob doon.Hindi na siya nakatanggi. The feeling of wanting to be comforted was strong, her knees almost buckled.Walang pag-aalinlangang niyakap siya nito. Muli na n
NANLULUMONG napaupo si Raziel nakasarang pinto ng resort. Nangyari na ang kinakatakutan niya. Iniwan na siya ni Lyxelle.Iniuntog niya ang ulo sa nakasarang pinto ng bahay. Damn! Bakit naman kasi siya nagsinungaling dito? Kung sana sinabi na lang niyang ito ang dati niyang asawa noong wala itong naaalala.Kung sana nagawa niyang umamin kaagad bago bumalik ang mga alaala nito sana hindi humantong sa ganoon. Sana mas naging bukal itong makinig sa kanya. Pero hindi niya magawa dahil natatakot siya na baka iwan siya nito oras na malaman nitong hiwalay na sila.“Duwag ka kasi,” bulong niya sa sarili.Pinahid niya ang mga luhang kumawala. Hindi iyon ang oras para sisihin niya ang sarili. Kailangan niyang maabutan si Lyxelle. Wala itong mapupuntahan ngayon kundi ang bahay nila kaya baka maabutan pa niya ito roon.Raziel felt like it was the longest ride he ever had. All scenarios are rushing in his brain, making him feel even more burdened. Natanaw niya sa malayo na bukas ang gate kaya nab
NAPABALIKWAS ng bangon si Lyxelle. Hinihingal siya at pinagpapawisan. Madilim ang silid na kinaroroonan niya. Muntik na siyang mag-panic attack pero na-relax din kaagad siya.Ipinikit niya ang mga mata. Isang panag-inip. Muli siyang humiga at sinubukang matulog ulit. At dahil pagod siya ay mabilis siyang nakatulog ulit.“Ano’ng nangyari?”“Lyxelle, we’re so sorry.”“Ano ba naman `yang mga mukha niyo. Para kayong namatayan ah?” nakangiti niyang saad. “Buhay pa naman ako.”Alam niyang nagi-guilty ang mga ito dahil sa nangyari sa kanya kaya panay ang paghingi ng mga ito ng paumanhin. Hindi naman ginusto ng mga ito na maaksidente siya. Gusto lang niyang tumingin sa positive side dahil sa dami ng mga negative na nangyari sa buhay niya nitong mga nakaraan buwan.Sa apat niyang kaibigan, wala ni isa ang makatingin ng diretso sa kanyang mga mata.Doon na napakunot ang noo niya. “Hey, everything’s alright. Wala namang masamang nangyari sa akin ah. Ano ba kayo?”“Lyxelle…”Nanginginig na muling
RAZIEL took Lyxelle’s virginity the night she agreed to be his. Hindi na niya naisip na sobrang bilis ng mga pangyayari. Hindi niya akalaing nakakablanko pala ng isip ang pakikipag-isa sa taong gusto mo.Ang akala niya ay pagsisisihan niya ang gabing iyon. Akala niya, sex lang ang habol ng binata sa kanya. Maraming mga “akala” ang nagsulputan sa kanyang isip kinabukasan. Lalo na nang magising siya na mag-isa sa kama.Nagsimula ang kaba sa kanyang dibdib dahil baka totoo ang mga iniisip niya at pinaglalaruan lang siya ni Raziel. Isa nga lang naman siyang dukha.Nakahinga siya ng maluwang nang makita ito sa kusina at nagluluto ng agahan nila. Muntik na siyang maiyak sa ginhawang naramdaman niya ng mga sandaling iyon kaya patakbo siyang pumasok sa banyo bago pa siya makita nito.Noong humarap siya rito ay nagulat ito sa pamamaga ng kanyang mga mata pero tinukso pa siya nito na dahil daw magaling ito sa kama kaya naiiyak na lang siya sa sarap. Namula ang kanyang mga pisngi dahil doon.At
TUMAWA si Lyxelle nang mag-dive sa sahig ang kasamahan niya sa trabaho. May bago kasing pakulo ang may-ari ng resort na pinagtatrabahuan niya, gusto nitong gumamit sila ng sapatos na may gulong habang nagse-serve ng mga pagkain sa restaurant.Isa siyang waitress at sarili na lang niya ang binubuhay dahil nasa Cebu ang ina at kapatid niya. Hindi naman siya itinuturing na kapamilya ng mga ito kaya kung tutuusin, mag-isa na lang talaga siya sa buhay.Nangungulila pa rin naman siya sa kanyang natitirang pamilya kaya lang hindi talaga siya tinuturing na parte ng pamilya kaya kusa na lang siyang lumayo. Minsan ay naiinggit siya sa kapatid dahil ito ang palaging paborito ng kanilang ina.Ipinilig niya ang ulo. Hindi iyon ang oras at lugar para mag-isip ng mga negatibong bagay.“Ang hirap naman nito Sir CL.” reklamo ng kasama niyang nag-dive.Tatawa-tawa lang si Sir CL at ibinigay sa kanya ang sapatos na may gulong. “Ikaw naman ang mag-try, Lyxelle.”Inilapag niya ang bitbit na tray sa bar co
NAPALUNOK si Lyxelle sa klase ng titig ni Raziel. Hindi niya sinasadyang gawin iyon. She was unconsciously running her finger in his chest.Namula ng husto ang kanyang mga pisngi. Hindi niya sinalubong ang tingin nito dahil nahihiya siya.“Err—didn’t mean to touch your—” she closed her eyes. “your chest.”“Lyx,”Bumilis ang tibok ng kanyang puso dahil sa paraan ng pagtawag nito sa kaniyang palayaw. Nagsitayuan ang mga balahibo niya pero sa pagkakataong iyon, hindi na dahil sa takot.He cupped the left side of her cheek, his thumb caressing her lips softly. Nakatutok ang mga mata nito sa ginagawa ng hinlalaki.Pakiramdam ni Lyxe
IPINIKIT ni Raziel ang mga mata habang naghihintay ng sagot ni Lyxelle. Mabilis ang pintig ng puso niya. Halos mabingi na siya dahil doon. Nang lumipas ang isang minuto na wala siyang narinig kay Lyxelle ay iminulat niya ang mga mata. Siguro hindi lang niya narinig ang reaksiyon nito dahil halos mabingi na siya sa lakas ng tibok ng puso. Nang tingnan niya ang dalaga ay nahulog ang kaniyang panga nang makitang natutulog ito. “Lyxelle…?” he softly called her name, afraid and was holding his breath. When she didn’t budge, he sighed. Nakahinga siya ng maluwang pero at the same time ay nakaramdam siya ng pagsisisi. Kailan ba niya masasabi rito ang totoo? Kailangan na niyang magsalita habang puwede pang masalba ang kanilang relasiyon.
“NASAAN ang bagong dating?”“No.”“No…”“No!”“Inject her.”“Please, maawa ka. Pakawalan na ninyo ako.”Marahas na binawi niya ang kamay at malakas na pinadapo ang palad niya sa pisngi nito. May malakas na puwersang nagsasabi sa kanya na lumayo siya sa taong iyon bago siya tuluyang hindi makalaya.Halos hindi na siya makahinga dahil sa lakas ng tibok ng puso niya na para bang anumang sandali ngayon ay l
KUMABOG ng husto ang puso ni Lyxelle dahil sa sinabi ni Raziel. Hindi siya sigurado kung tama ba ang kaniyang narinig. “M-Mahal mo ako?”Tumango ito, he was looking at her softly it almost melted her heart. “Yes, I love you. I’ve always been in love with you. Even when we first met.”Talaga bang mahal siya nito? How though? She was nothing but a woman with a lot of baggage on. She doesn’t even remember her past.“Lyxelle,” he cupped her checks. “I know what you’re thinking. Stop it. I love you. And that’s it. I want to stay with you for as long as I can.”“Pero…hindi ka ba nandidiri sa akin noong una tayong magkita?”Umiling ito. “No.”“Pero Raziel…”“Hindi mo ba ako mahal?”“Ano kasi…” She wanted to avoid his gaze, but he wasn’t letting her. “P-Paano kung may asawa na ako?”Tinitigan siya nito. “I do hope you don’t have any men in your life. Or else I’d have to fight them to get you.”Her heart swelled. Can she let herself be swayed by his words? Gusto rin niyang makasama ito. Dahil