Share

55 - Party

HIRAYA ALMENDRAL

Inayos ko ang suot kong coat, maging ang buhok at naglagay ako ng kaunting make up bago lumabas ng banyo. Nakita kong nagliligpit ng mga gamit si Nadia na tinulungan naman ni Ate Lala, dahil kina Mommy Ysa na sila tutuloy.

Mananatili naman ako dito sa hotel dahil tatlong araw ang conference. Maraming guest speakers, mga sikat na doctor all over the world. Maraming coverage din ang conference kaya aabutin talaga ng tatlong araw.

"Mauuna na ako, sino kukuha sa inyo?" tanong ko kay Nadia, sila lang kasi nag-usap kagabi ni mommy dahil nakatulog kaagad ako. Two hours lang kasi ang tulog ko kagabi.

"Si El, Ate." Pinaningkitan ko naman ng mga mata si Nadia. "Behave. Hindi na kayo bata para laging magkadikit. Umayos ka Nadia." Ngumuso naman si Nadia sa sinabi ko.

"Nadia," tawag ko ulit sa kanya, napaungol naman ito sa inis, "Oo na, Ate! As if naman may gagawin kami ni El!" sinamaan ko siya ng tingin. Umiwas naman ito ng tingin.

Alam kong may pagtingin pa ito kay Ysrael. Paano
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status