Share

4 - Dare

HIRAYA ALMENDRAL

Inis na inis akong naglakad palabas ng opisina nito habang hinihimas ko ang tuhod ko sa pagkakabangga ko sa side table ng opisina niya.

Damn. Hindi ako nag-aral buong buhay para maging alila!

At dahil sa kalutangan ko ay hindi ko na alam kung saan pupunta.

"Are you lost?" Napatigil ako ng may magsalita sa likod ko.

Pagharap ko halos ngumanga na ako dahil sa kapogian nito. Uso ba sa ospital na ito ang kagwapuhan? Kung ganon dito nalang ako mag-aapply once I passed the board exam. Kung ganito lang ding kagwapo makikita araw-araw sinong hindi magaganahan sa pagtatrabaho?

"Ah, oo e. Hinahanap ko kasi ang coffee shop." Sabi ko at napakamot pa ng batok. Tumawa naman ito.

By his looks, he's tall, probably ka heigh lang din ni Doc Yasmir na six-footer. Mas charming ang dating niya kumpara kay Doc Yasmir, because Doc Yasmir has a manly features. Malaki ang katawan at alam na alam na marahas ito sa kama. Wtf?

Mukha din itong doctor base sa lab gown na suot niya.

"Wait, a coffee for Yasmir?" Nanlaki ang mga mata ko. Paano niya nalaman?

"Easy, si Yasmir lang naman mahilig mag kape ng ganitong oras," napatingin ito sa relo niya.

Nang ganitong oras? E alas siyete palang ng umaga. Lahat naman ata ng tao nainom ng kape ng ganitong oras.

"Are you, his assistant?" Takang tanong niya na ikinatango ko. Tumawa naman ito.

"Alalay kamo," inis kong sambit sa kanya na muli niyang ikinatawa, napahawak pa ito sa tyan at nagpupunas pa ng luhang kumawala sa mga mata nito.

"Yeah, mukha nga. Goodluck." Natatawang sabi nito, pero napabuga nalang ako ng hangin ng sabihin nitong Goodluck. I definitely needing that one.

Damn. Ang gwapo niyang tumawa!

"Cute," bulalas nito na ikinapula ng mga mukha ko.

"I'm Elijah, by the way." Inabot nito ang kamay niya kaya tinanggap ko iyon, "Hiraya, but Hira nalang po doc." Ngumiti ako sa kanya.

"Hiraya, your name means hope." Napakamot ako ng batok. Tumango nalang ako dahil ganon narin naman iyon.

My mother named me hope but she can't even look at me, like I am some kind of disease when in fact, siya dapat itong pandirian ko dahil sa mga baboy niyang ginagawa sa buhay.

Or maybe she's hoping na mawala ako sa buhay niya kaya Hiraya ang pinangalan niya saakin. Pathetic, whore.

Binigyan naman ako ni Doc Eli ng directions na kaagad kong sinundan. Nawala din naman kaagad ang inis ko dahil sa kabaitan nito sa akin.

Nakarating ako kaagad sa coffee shop at sinabi ang order ni Doc Yasmir.

"Good morning po, uh, 'yung order po para kay Doc Yasmir." Makabuluhang nakangiti naman ang babae sa sinabi ko. Uh? Why?

"Right away," sinabi niya at kaagad na nagkikilos sa loob ng kitchen.

She's beautiful, at tingin ko ay nasa mid 20s ito or nasa 30s. Napapansin kong puro magaganda at gwapo ang mga nagtatrabaho sa ospital na ito.

Nang makuha ko na ang kape ay natigilan ako. Nasa gitna ako ng first floor at nalilito na kung saan ang alam ko ay nasa second floor lang ito, pero saan ba dadaan? Ang daming daan.

Bahala na nga! Hindi ko pa naman kasi kabisado ang daan! Unang araw ko palang at wala akong sense of direction. Kainis. Unang araw ko palang badtrip na badtrip na ako!

Lalakad na sana ako pakaliwa nang may humila ng uniform ko. Napalingon ako at nakita ko si Doc Eli na dala parin ang folder na hawak nito.

"At saan ka pupunta?" Nakataas kilay nitong tanong.

"Sa opisina ni Doc Yasmir." Nahihiyang sagot ko. Mukhang alam na naman kasi niyang nililito dahil sa kaunti nalang ay tatawa na ito.

"Hindi naman iyan ang daan, Miss Hira," malambing nitong sabi. Tinuro nito ang nasa kanan ko.

"Lutang ka ba kanina at hindi mo matandaan kung saan ka galing?" Natatawang sabi nito.

"Inis ka parin ba kay Yasmir?" Sunod na tanong nito. Napanguso ako.

"Nasa right side, tas sundin mo nalang ang daan. Basta nasa pinakadulong opisina ng building." Tumango ako sa sinabi nito at sinundan na ang daan patungo papunta sa opisina ni Doc Yasmir.

Habang nasa daan ay nakasalubong ko si Nadine na may dalang mga gamit para sa pag-iikot nito.

"Oh, why are so nakasimangot?" arteng sabi nito ng makita ako, "later," tumawa naman ito at kaagad na umalis sa harapan ko.

Nang makarating ako sa opisina ni Doc Yasmir ay kaagad akong pumasok, busy ito sa pagtitipa sa keyboard habang tutok na tutok ang mata sa monito.

Binalingan niya ako ng tingin pero saglit lamang.

"Here's your coffee doc," tinignan niya ito at napatingin saakin. Napalunok ako dahil ang pogi niya palang tignan kapag seryoso ang mukha. Kapag nakangisi, mukhang gwapo na manyakis na nakakainis.

"Didn't you get anything for yourself?" he asked, his brows furrowing with genuine concern as he noticed my empty hands.

I offered a polite shrug in response, a faint smile playing on my lips as I shook my head slightly. "I'm good, thank you," I replied, trying to brush off his concern with a casual demeanor. But deep down, I appreciated his thoughtfulness, even if I hadn't indulged in getting something for myself.

Kinuha ko ang card nito sa bulsa niya at binigay ko iyon sa kanya, pero hindi niya tinanggap kaya nilapag ko ito sa lamesa niya. Busy kasi ulit ito sa pagtitipa, nang babawiin ko na sana ang kamay ko ay hindi ko sinasadyang masagi ang kape at natapon iyon sa hita ko.

Napadaing naman ako sa sakit, at naluha. Shit. Sobrang init!

"Damn." Napatingin ako kay Doc Yasmir ng magmura ito pero nagulat ako ng kaagad niya akong binuhat para dalhin sa kung saan. Sa takot kong mahulog ay kaagad akong napakapit sa batok nito, at hindi sinasadyang ikiskis ang labi ko sa leeg niya dahil sa gulat.

Ramdam kong natigilan ito pero kaagad niya akong inilapag sa nakasaradong toilet bowl, at tinanggal nito ang suot kong sapatos tsaka Itinapon sa labas.

"D-doc," kinakabahan ako sa ginagawa niya. Hindi ko kasi mainditindihan bakit niya ginagawa iyon.

"Stop talking, Hira!" singhal nito saakin. At siya pa ang may ganang magalit? Wow.

Napansin kong inabot nito ang shower head at binuksan niya iyon ng mahina. Tinapat niya iyon sa napaso kong hita kaya naman ay itinaas ko pa ang paldang suot ko para hindi ito mabasa.

Umiwas naman ito ng tingin, pero sa pag-iwas niya ng tingin ay nababasa na ako ng tubig! Gusto kong magalit pero pilit kong kumalma, ang future mo, Hira nakasalalay kay Doc Yasmir!

"Do-doc..." tawag-pansin ko sa kanya, lumingon ito saakin, pero mukha itong galit, hindi ba dapat ako itong magalit dahil basang-basa na ako?

"Doc, basang-basa na ako." Wika ko pero nakakunot itong nakatingin saakin kaya binaba ko ang tingin ko, basang basa na ang palda ko, maging ang upper uniform ko, basang-basa na rin. Mabuti nalang ay makapal ang suot kong uniform dahil kung hindi makikita na ang suot kong bra at baka mahalay ako ng manyakis na doktor na ito!

Kaagad niyang inalis ang shower head na nakatapat saakin, at tumawa pa ito. Argh! Bakit ba ang malas-malas ko?

Kaagad na lumabas ng banyo si Doc Yasmir, pero bumalik din ito dala ang tuwalya, mukhang malinis naman. Tinanggap ko iyon at binalot ko sa katawan ko dahil narin sa lamig.

"I'm sorry, I was too preoccupied." Paghingi nito ng tawad.

"Kapag ako nagkasakit lagot ka talaga saakin! Baka makulangan pa ako sa oras ng ojt ko." Asar kong sabi sa kanya, hindi na ako nakapagpigil sa inis.

"Edi aalagaan naman kita," napatingin ako sa kanya, ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko at pagbilis ng tibok ng puso ko.

Huwag kang pa-fall, doc!

Umiwas ako sa kanya at napabahing. Argh. Sinasabi ko na nga ba e.

"Bakit kasi cold water!" Muli akong napabahing pagkatapos ko itong pagalitan.

"To cure the burnt area, are you really a nurse, Miss Hira?" Hindi ko siya kaagad nasagot dahil muli akong napabahing.

"Geez," asar akong napalingon sa kanya.

May kinuha ito sa drawer niya at binigay saakin. Binigay niya rin saakin ang bote nitong may tubig na may bawas. Means nainuman na niya.

Indirect kiss?

Teka, ba't ka pa mag-iinarte, Hira! E n*******n mo na nga siya sa bar diba?!

"Take that med, and take a rest. If hindi mo kaya bukas, it's fine. Ako na bahala sa time mo since it's my fault why you got sick." Kalmado pero seryosong sabi nito saakin.

"Wait," umalis ito at pumunta sa isang pintuan na tingin ko ay kwarto.

Muli akong napabahing. Damn. Magkakasakit pa nga!

"Change into this, para hindi ka malamigan pa." Binigay niya saakin ang t-shirt na ka size nito kaya medyo malaki saakin.

"I don't have pants or shorts na kakasya sa'yo, kaya 'yang damit nalang. Sa dorm ka na magbihis ng palda mo. Go, para makapagpahinga ka na." Nag-aalalang sabi nito. Muli akong napabahing habang naglalakad papasok ng banyo at kaagad na nagbihis.

Nang makalabas ay nakita kong nakapamulsang nakasandal si Doc Yasmir sa lamesa nito, lumingon ito saakin.

"Take your med first. Gusto kong makita na ininom mo." Napanguso naman ako at tumawa ito.

"Ganito ka ba talaga sa mga pasyente mo?" Tanong ko sa kanya, tumawa ito at napaisip.

"Oo, pero hindi naman kita pasyente, Miss Hira. But if you want to be my patient, then I'll be willing to be your doctor." Inirapan ko ito at ininom ang gamot bago magsalita.

"Ang corny mo po, doc." I nonchalantly said.

"Sa'yo lang magiging corny," bulong nito pero narinig ko naman.

"Ano po?" Pangangasar ko sa kanya, kunyari hindi narinig.

"Wala! Go back to your dorm. And here, take my calling card. Call me if you want anything." Inabot nito saakin ang calling card niya.

Seryoso?

"Sorry, wala akong load," kasi wala naman talaga. Ang mahal-mahal ng load tapos pang ilang days lang?! Hindi ko pa nagagamit, expired na kaagad.

"Akin na number mo, loloadan natin." Kunot-noo ko siyang hinarap.

"Seryoso?" Tumango ito. Inirapan ko naman ito.

"'Wag na baka sabihing mahirap ako! Magpapalod nalang ako!" Tumawa ito sa sinabi ko at aakmang aalis na sana nang makalimutan kong magpaalam.

He's still my senior, for pete's sake! Boss mo parin siya kung makalabas-pasok ka sa opisina niya e parang asawa!

"Aalis—" muli akong napabahing, "argh! Aalis na po ako Doc Yasmir." Naiinis na ako sa pagbabahing ko!

"Kung sinisipon ka pa bukas 'wag ka munang pumasok at baka makahawa ka." I glared at him but he just chuckled.

Bakit ba mapang-asar siya?! Nakakairita tuloy pagiging gwapo nito!

Dumiretso ako sa dorm ng hindi nagpapapansin sa mga nurse dahil baka makita akong tumatakas! Pero hindi naman ako tumakas dahil sabi din naman ni Doc Yasmir! Isa pa kasalanan niya kung bakit ako nagkasakit!

Pagkadating ko sa dorm ay kaagad akong uminom ng maligamgam na tubig, at napahiga sa kama, tsaka nilamon ng kaantukan.

***

I was jolted awake by the sound of voices, and as I opened my eyes, I saw Aya and Nad engaged in a lively discussion, their laughter echoing through the room.

"Oh, our princess is finally awake!" Aya said with a meaningful smile, her eyes sparkling with mischief.

I looked at her without any emotion and closed my eyes again, feeling a throbbing pain in my head. Was I coming down with a fever?

"So, spill the beans, Hira! How was your day with Doc Yasmir?" she asked, her tone filled with excitement.

"You're silly, Nad. It wasn't even a full day because you got sick!" Aya interjected, chuckling. Argh! I hated being around them sometimes, their minds always so green, yet their attitudes could be so fiery!

"Wask ba?" I winced as Mira suddenly appeared from the top bunk of my bed. We had bunk beds, and she was on the top.

"Anong wasak?" I asked irritably.

I noticed she was still in her uniform, so I figured they had just come back.

"Lunch is here, and guess what? It was brought by Doc Yasmir himself. He said it's his fault you got sick," Aya said with a smirk. Damn.

"Did he go overboard that you ended up with a fever?" Mira added, a mischievous glint in her eyes. I rolled my eyes and turned my back to them.

Napauntog ako sa pader ng bumahing ako. Sobrang lapit ko na pala sa pader. Narinig ko namang nagtawanan silang tatlo. Matutulog na sana ulit ako ng kumulo ang tyan ko.

"Ugh! Manahimik nga kayo! Walang nangyari, okay na ba?!" Nagkatingan silang tatlo sa sinabi ko pero mas lalo silang napangisi. I give up. Wala akong laban sa tatlong ito.

"Why you so sound disappointed, Hira? Did you expect something ba?" Pilyong tanong ni Nadine.

"Wala! Masakit ang ulo ko! At ang iingay niyo!" Sigaw ko na kaagad akong napabahing.

"Damn!"

"Here's a hot citrus tea, made by Doc Yasmir." Ngising wika ni Aya, sabay patong ng vacuum bottle sa kama ko.

Napataas naman ang kilay ko.

"At bakit niya naman gagawin ito?" Mataray kong tanong.

"Duh, need pa bang tanungin iyan?" Maarteng sabi ni Nad.

"He's not receiving your call nor text, gosh, he's worried. What did you do to make him like that, Hira?" Nakangising tanong ni Aya.

"I did nothing!" Singhal ko sa kanila at binaon ang ulo sa ulo ko pero bigla kong naalala nga hinalikan ko nga pala siya.

Kaya napatingin ako sa tatlo na nag aantay ng sagot ko.

"He's the guy I kissed on the bar, okay na ba?" Muli kong binaon ang mukha ko sa unan.

Narinig ko naman silang nagtilian kaya napatakip ako ng tenga gamit ang magkabilang dulo ng unan ko.

"I knew it! That's why he looks familiar!" Tili ni Nadine.

"Argh!" Inis kong sabi. Umupo ako mula sa pagkakadapa ko sa kama dahil nakaramdam ako ng gutom.

"Do you want another dare, Hira?" Napataas naman ang kilay ko sa sinabi nito.

"Ano na naman 'yan?" Inis kong tanong sa kanila, kinuha ko ang plastic na nakapatong sa lamesa at binuksan ito.

Gusto ko sanang kiligin dahil nag abala pa si Doc Yasmir na dalhan ako ng pagkain, pero nakng p*ta naman, hindi ako kumakain ng gulay!

Veggie salad, vegetable noodle soup, at mga ilang sangkap pa na puro gulay lang ang nakikita ko.

Napapatong ako ng ulo sa lamesa, kaagad ding napayakap sa tyan ko dahil sa gutom.

"Ow, we didn't know na veggie ang ipapabaon ni Doc para sa'yo," Nad pursed her lips as she saw me groaning in disbelief.

"Oorder nalang ako," tumayo ako at kinuha ang cellphone ko.

"But Doc Yasmir told us you must eat that para gumaling ka na daw." Wika ni Nad.

"Hindi ako hayop para kumain ng damo, Nad." Inis kong sabi pero tinawanan niya lang ang sinabi ko.

"Game na sa dare," sabi ni Aya. Nilingon ko silang nagkakatinginan sa isa't-isa.

"Make him fall for you, and as soon as he's head over heels, break his heart. In return, you'll get a full scholarship for med school in Canada, Hira." Damn. They really knew how to hit my weak spot, a deal I couldn't possibly refuse.

The words hung in the air, their weight sinking deep into my consciousness. Make him fall for me, only to leave him shattered when he least expected it. It was a proposition that sent a shiver down my spine, a tantalizing yet morally ambiguous offer that I knew I should have resisted.

But as I glanced at the faces of my friends, their eyes alight with anticipation, I felt a familiar tug at my heartstrings. The allure of a full scholarship for medical school in Canada was too enticing to ignore, especially considering the financial burden it would lift off my shoulders.

Yet, the thought of manipulating someone's emotions for personal gain left a bitter taste in my mouth. Was I willing to sacrifice my integrity for the sake of my ambitions? The answer eluded me, lost in the murky depths of uncertainty.

I hesitated, grappling with the conflicting desires warring within me. In the end, it was the promise of a brighter future that won out, drowning out the whispers of doubt that lingered at the edges of my conscience.

With a heavy sigh, I nodded in reluctant agreement, steeling myself for the consequences of my decision. Little did I know, the path I had chosen would lead me down a road fraught with unforeseen challenges and heartache, testing the very limits of my resolve.

"Kapag ako talo?" Tumawa ito.

"Simple, no scholarship." Napaungol ako sa balak ng tatlong ito.

"Paano ko naman malaman na nahulog na ito?" Tanong ko, ngumisi naman saakin silang tatlo.

"Easy, if he confesses, then you win." Napaawang naman ang bibig ko sa sinabi ni Mira.

"Oh, paano kapag nag confess agad?" Taas kilay kong tanong sa kanila.

"Edi end game," sabay nilang sabi. Argh!

"Hindi ka dapat magpapahalata." Sabi ni Aya.

"Mukha narin naman may gusto saakin, kailangan ko pa bang gawin dare?"

"Be sabi namin, make him fall for you, fall hard, and run. If you fall first, you lose." Nakangising sabi ni Mira. Mas lalong kumukulo tyan ko sa kanila e!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status