HIRAYA ALMENDRALDumating kami sa condo ni Doc Yasmir dito sa Cebu. Iisa lang ang kwarto kasi minsan lang naman daw siya dito, and mostly sa mansion ito natutulog."You can use the bedroom, I'm okay here." Sabay turo sa sofa nito."Ako nalang sa sofa doc, ikaw na sa kwarto." Pagpupumilit ko sa kanya."No, Hira. You are a guest; you should be using the room." Napanguso ako sa sinabi nito.Bakit ba nakikipagtalo 'to saakin. Alam ko namang hindi ito sanay matulog sa sofa dahil sa yaman niya. Bakit naman ito hihiga sa sofa kung may malaking higaan naman siya."Edi tabi nalang tayo," wala sa sarili kong bulas kaya napatakip kaagad ako ng bibig. Pero nakita kong lumawak ang ngisi ni doc at humakbang ito papalapit saakin.Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso kong nagwawala na naman sa loob ng dibdib ko. Damn. Hindi talaga dapat kami nag-aasaran dahil baka magkatotoo!"Hindi ako tatanggi diyan, Miss Hira." He mischievously smiled.As if naman magagawa niya. Ilang beses na nga ba niya iniwas
HIRAYA ALMENDRALNagising ako ng hindi ko na nadatnan si Yasmir sa tabi ko. Kaagad akong tumayo para hanapin siya at nakita ko ito sa may kusina, nagluluto ng agahan."Hindi ko alam na marunong ka palang magluto." Wika ko nang makarating sa kusina at umupo sa tapat ng hapag-kainan habang pinagmamasdan itong nagluluto. Wala itong suot na pang-itaas pero nakasuot naman ito ng apron.Pinatong ko ang isa kong paa sa upuan at niyakap ito habang nakapatong ang baba ko sa tuhod."Good morning," bati nito nang lumingon ito sa gawi ko. Nakangiti ito at mukhang maganda ang mood."Morning," sabi ko. Not used to greet someone unless kung nasa ospital ako para batiin ang mga pasyente at maging mga kasamahan sa station o mga senior sa trabaho."Walang good?" Ngumuso ito na parang bata.Nilipat niya ang niluluto nitong sunny side up sa plato, may hotdog din. At mukhang ininit niya ang iilang tirang pagkain kagabi."Nag grocery ka?" Tanong ko sa kanya, tumango naman ito."Just a few. Hindi ako maruno
HIRAYA ALMENDRALAfter that scene on the hospital, Yasmir brought me to somewhere. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin dahil hindi naman ako pamilyar sa lugar.Madilim na ang lugar, nakasakay kami ngayon sa sports car na hiniram niya sa nakakabatang kapatid na si Yohan."Hira," napatingin ako kaagad kay doc ng tawagin niya ako, seryoso naman ang tingin nito sa daan.Ang gwapo niya. I can't stop complementing him kasi napaka-gwapo niya talaga. Mula ulo hanggang kuko ata sa paa e napaka-gwapo. Hindi ko aakalain na makakakita ako ng ganitong ka gwapo."Tulala ka na naman sa kagwapuhan ko," natatawa nitong sabi kaya napaismid ako muling napatingin sa bintana.Mahangin nga lang, pero totoo din naman kasi."Saan ba kasi punta natin doc?" Tanong ko ng hindi siya binabalingan ng tingin.Dumaan kami sa may bridge at kita ko kung gaano kalawak ang dagat sa pagitan ng dalawang isla. Wow. May nakita pa akong barko sa may malayo. Gusto ko din makasakay ng barko."Secret," ngumuso naman ako a
HIRAYA ALMENDRALMagkatabi kami ni Doc sa kama, sinusuklay nito ang basa ko pang buhok. Ginawa ko namang unan ang isa nitong braso dahil mas gusto niyang gawin ko iyon ng unan. Nakasiksik naman ang ulo ko sa leeg nito.Sobrang lakas parin ng tibok ng puso ko habang kayakap ko siya.Hindi ko na alam ang gagawin. Nakokonsensya na ako sa dare na binigay nila Aya. Ilang araw palang, at wala pa akong ginagawa para paibigin si Yasmir, pero heto't kakatapat lang ng nararamdaman niya saakin.Hindi ko rin naman siya kayang iwasan, lalo na't magkasama kami rito sa Cebu hanggang bukas. Pero kaya ko ba siyang iwasan?Am I falling in love with him? Or it is just a thought since we've been together all the time?I don't know anymore. I'm too confused and this is draining me. I still love Klaude, even though he did that to me. Kaya hindi ko alam kung in love na ba ako kay doc."Hira," nagulat ako sa biglang pagtawag nito saakin, akala ko kasi tulog na ito dahil natigil ang pagsusuklay niya sa buhok
HIRAYA ALMENDRALHindi ko mapigilang ngumiti dahil sa ginawa nito. He's the sweetest."Para saan 'to?" Tanong ko sa kanya dahil sa biglaang pagbigay nito ng kwintas at bulaklak."You told me to pursue you. So, I bought you a necklace and a flowers." Napanguso naman ako."Dahil sa sinabi ko?" Nakataas ang kilay kong tanong sa kanya. Tumawa naman ito kaya napaismid ako."Nope, because I wanted to." He shows me his brightest smile that made my heart flutter. D*mn. Bakit napaka pogi nito?"Thank you," I gently said. Ngumiti ako sa kanya at hinawakan niya naman ang kamay ko."You deserve to be loved, Hira." Hindi parin nawawala ang ngiti ko sa kanya, pero nakaramdam ako ng kirot sa sinabi nito.Do I really deserve to be loved? I really don't know now. Buong buhay ko wala akong ibang ginawa kundi ibigay ang pagmamahal at pag-iintindi ko sa pamilya ko, pero kapalit ng lahat ng iyon ay ang galit at inis mula sa kanila. Maging kay Klaude na walang ibang ginawa kundi piliing saktan ako.And now
HIRAYA ALMENDRAL***"Ate, gutom na ako." Hila-hila ko ang laylayan ng damit ni Ate Melody pero hindi niya ako pinapansin. Sobrang kirot na ng tyan ko dahil sa gutom, pero walang pumapansin saakin.Iyak ng iyak si Imori dahil narin sa gutom, pero hindi man lang kami pinapansin ng mga ate't kuya namin."Kuya," tawag ko kay Kuya Harold."Tabi, Hira! Huwag mo 'kong guluhin!" Pagwawakli nito sa kamay kong nakahawak sa kanya.Tumulo ang luha ko at umalis din sa kanya. Nagpunta ako sa kusina para tignan kung may pagkain ba pero wala. Ni Kanin ay wala. Kaagad din akong nagtungo kung saan nakalagay ang bigas pero maging ito ay walang laman.Naluluha akong lumapit kay mama na nakahiga sa kahoy na upuan habang may hawak ng bote ng alak."Mama," tawag ko dito pero hindi ito sumagot."Mama," muli kong tawag at niyugyog ang katawan nito."Tangina, Hira! Kita mong natutulog ako dito!" Nanginginig ang buo kong katawan sa sigaw ni mama."Cielo!" Singhal sa kanya ng bago nitong kasintahan."Ayos ka la
Warning: R18+ Read at your own risk.HIRAYA ALMENDRALNapatitig ako kay Yasmir, at ganon din ito saakin. Tila nag-aantay kung sino mauunang humalik saaming dalawa. Kaya hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at hinalikan siya.Tinugunan niya ang mga halik ko, ramdam kong hinawakan nito ang magkabilang gilid ng tyan ko at gumalaw ito para malagay niya ako sa ibabaw niya.Napasinghap ako ng maramdaman kong naninigas nitong junior, natawa ng bahagya si doc dahil sa reaksyon ko kaya napa hampas ako ng marahan sa braso nito."He's been waiting for you all this time." Kinagat ni doc ang labi ko para mapaungol ako. Pumasok naman ang kamay nito sa loob ng damit ko at marahan niyang hinahaplos ang tyan ko papunta sa hinaharap ko.Muli itong gumalaw at siya na itong nasa ibabaw ko. Kinakapos na ako ng hininga dahil hindi man lang namin magawang bitawan ang mga labi ng isa't-isa. Na para bang uhaw na uhaw kami sa isa't-isa.This tingling sensation makes me high, nakakabaliw. Napapaungol sa bawat haplo
HIRAYA ALMENDRALDinala namin sa ospital si Nadia tulad ng sabi ni Yasmir. He's a doctor, mas may alam ito.Nagtataka pa si Doc Lucas ng makita kaming dalawa ni Yasmir na karga nito si Nadia na nakabalot ng jacket na walang malay parin hanggang sa ngayon."Prepare the VVIP room, nurse Troy." Mahinang sabi ni Yasmir kay Nurse Troy. Kaagad itong umalis at naiwan kaming apat sa pinakadulong bay ng emergency room habang sinusuri ni Doc Lucas ang kapatid ko."Just like Yasmir told you, your sister suffers dehydration and malnutrition. But we need to run more test on her for any possible diseases." Nag-aalalang sabi ni Doc Lucas dahilan para mapasapo ako sa noo at muli ko naman naramdaman ang pagtulo ng mga luha ko.“You need to be positive and brave, Hira. Kailangan ka ng kapatid mo.” Ramdam kong hinahaplos ni Yasmir ang likod ko.Kaya kaagad kong pinunasan ang luha ko at napatingin kay Nadia. She’s still sleeping. May IV fluids naring nakatusok sa kanyang kamay para manumbalik ang lakas n
HIRAYA ALMENDRAL“Hari! We need to go now!” Tinawag ko si Hari habang nasa sala kami ni Nadia at nag-aayos ng mga gamit."Do you really need to go, Hira?" Mommy Ysa's asked, her eyes filled with sadness and longing."I needed to, mom, ilang araw na po akong absent sa work. You can visit us there, anytime." Nakangiti kong sabi kay Mommy.Nakita kong bumaba naman si Hari kasama si Yasmir na may cast pa sa kamay. Tulad ni Mommy Ysa, malungkot din ito.It's been a week since Hari was kidnapped by Fiona. She's now in the hospital, recovering and preparing for the birth of her baby.Despite what happened, I can't bring myself to be angry with her. I understand she must have been going through a lot to do what she did. While I may not agree with her actions, I choose to show her compassion and forgiveness.My main focus is on Hari's well-being and helping him recover from this ordeal.I understand her. Her desperation and love for Yasmir's led her into madness.After that harrowing ordeal, F
3RD PERSON POVA little girl playing with her dollhouse hears her parents' angry voices from another room. Frightened, she covers her ears and seeks refuge, singing a lullaby to calm herself. But the peaceful moment is shattered by the sound of objects breaking and more yelling. Overwhelmed, she begins to cry, feeling helpless and scared amidst her parents' violent fight.Fiona Meyer, daughter of CEO Harold Meyer, lived in luxury but felt deeply lonely. Despite lavish possessions and parties, she longed for genuine connections. Her peers were drawn to her wealth and status, leaving her feeling isolated. Fiona yearned for authentic friendships and a sense of belonging beyond material wealth."Study, Fiona! Don't mess up if you want to make it at Meyer Ocean Cruise Lines. You're not leaving this room until you've got it all down!" Fiona's mother, Divina, bellowed before locking the door.Surrounded by towering piles of books and papers, Fiona sank onto her bed, the weight of her mother'
HIRAYA ALMENDRALNapatakip ako ng bibig sa sinabi ni Don Antonio. Titig akong nakatingin sa kanya. So, it was all bluff? Fuck. I shouldn't leave then."Then why? Bakit kailangan mo kaming sirain? Bakit kailangan mo kaming paghiwalayin?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya. Napatingin ito sa gitnang bahagi ng study room kung saan nandoon ang isang litrato ng babae na hindi ko kilala."She's my first love," napatingin ako sa kanya ng sabihin niya iyon."But love consume us too. No—people surround us separated us. I left to save her; I marry their grandmother for the sake of her safety. Ganon ko siya kamahal." Napakurap ako ng ilang beses sa sinabi niya."There are several types of love, Hira. Love can bring you happiness, a genuine happiness. Love can make you crazy, literal crazy. Love can be your downfall, na hindi mo na kakayanin pang tumayo. Love is sacrifices, it's either in a good way or bad way." Hindi ko siya maintindihan. Ayaw pumasok sa utak ko ang mga pinagsasabi niya."Love can
HIRAYA ALMENDRALNaalimpungatan ako nang makaramdam ang mga halik ni Yasmir sa leeg ko."Yasmir," pagtawag ko sa kanya pero napaungol lang ito bilang tugon."Hari?" Tanong ko, "he's downstairs playing with his cousins." He said in a hoarse voice. Napaungol naman ako ng pinasok ni Yasmir ang kamay niya sa loob ng damit ko."Ahhh..." I can't help but moan softly, surrendering to the undeniable pleasure of his kisses.Each touch of his lips sends waves of ecstasy through me, igniting a fire deep within that I can't resist. The intensity of his embrace leaves me breathless, completely lost in the passion and desire that consumes us both.Kaagad siyang napatayo nang may kumatok sa pintuan niya at napaungol pang lumapit doon. Nagtaklob naman ako ng kumot at doon napatawa ng mahina."What?" Inis niyang tanong sa tao na nasa likod ng pintuan."Ow," ramdam ko ang kapilyuhan sa reaksyon ni Riley."Hinahanap ka ni Tita." Napapikit ako ng mariin dahil sa boses ni Riley. Hindi ko man siya nakikita
HIRAYA ALMENDRALInayos ko ang suot kong coat, maging ang buhok at naglagay ako ng kaunting make up bago lumabas ng banyo. Nakita kong nagliligpit ng mga gamit si Nadia na tinulungan naman ni Ate Lala, dahil kina Mommy Ysa na sila tutuloy.Mananatili naman ako dito sa hotel dahil tatlong araw ang conference. Maraming guest speakers, mga sikat na doctor all over the world. Maraming coverage din ang conference kaya aabutin talaga ng tatlong araw."Mauuna na ako, sino kukuha sa inyo?" tanong ko kay Nadia, sila lang kasi nag-usap kagabi ni mommy dahil nakatulog kaagad ako. Two hours lang kasi ang tulog ko kagabi."Si El, Ate." Pinaningkitan ko naman ng mga mata si Nadia. "Behave. Hindi na kayo bata para laging magkadikit. Umayos ka Nadia." Ngumuso naman si Nadia sa sinabi ko."Nadia," tawag ko ulit sa kanya, napaungol naman ito sa inis, "Oo na, Ate! As if naman may gagawin kami ni El!" sinamaan ko siya ng tingin. Umiwas naman ito ng tingin.Alam kong may pagtingin pa ito kay Ysrael. Paano
HIRAYA ALMENDRALHinintay ko muna matulog si Yasmir bago kami umalis ni Hari. Nag-iwan naman ako ng note kung sakaling magigising ito, para hindi siya mataranta kakahanap saamin.Nakabalik kami sa kwarto at nakita kong gising na si Luna at nagtatalon sa kama. Nakahiga naman si Nadia at naglalaro ng mobile games."Kala ko hindi ka na babalik ate," nakangiting sabi niya. Napaubo naman ako sa sinabi ni Nadia at kitang-kita ko ang ngiti nitong may meaning."How's the night with Kuya Yasmir?" Dumapa ito para usisahin ako."Mama and papa is making a baby!" Napapikit naman ako ng mariin sa sinabi ni Hari. Natawa naman si Dada sa sinabi ng anak ko at pinalapit niya sa kanya."How'd you know, Hari?" Tanong niya sa bata."Papa told me. And I said I want a baby girl.""But you already have me, Hari!" Pagtatampo naman ni Luna. Tumigil ito sa kakatalon at mukhang iiyak na. Lumapit naman si Hari kay Luna at niyakap."You're still my first ate! And I love you!" Hinalikan ni Hari si Luna sa pisngi. N
Warning: Rated 18+. Read at your own risk.HIRAYA ALMENDRALNagising ako nang makaramdam ako na naiihi kaya kaagad akong nagpunta sa banyo, pero pagbalik ko ay hindi na ako nakatulog ulit.Titig na titig ako sa kesame, nagbibilang na ng tupa pero wala na talaga. Alas kwatro na, siguro dahil nasanay na ganito ang body clock ko. Mas gising sa gabi at tulog sa umaga.Tumayo nalang ako para uminom ng tubig, paglabas ko ay nakita ko si Yasmir na umiinom ng kape at naka upo sa sofa, habang bukas ang laptop nito. May suot din siyang reading glass.He's wearing a loose white shirt and a black track pants."Hmm, Good morning," bati ko sa kanya. Napatingin ito saakin, gulat pero napangiti din.Doon ko lang naalala na naka satin dress lang ako, walang suot na underwear at sobrang nipis pa iyon. Shit."Good morning," bati niya rin. Tumayo ito at napatingin sa bintana, malapit nang lumabas ang araw. Nag-inat ito at napatingin saakin."Want some coffee?" I unconsciously nodded my head. At napaupo
YASMIR SIERRAAs I watched Hira walked away just like that, my heart breaks into pieces once again. Hanggang kailan ba ako wawasakin nito? Tangina. Ang sakit.Hindi ko magawa maihakbang ang mga paa ko palabas ng elevator at paulit-ulit nalang baba-akyat hanggang sa salubungin na ako ni Errol sa elevator."Yasmir, the management call and told me to get you off the elevator, you're creeping the hell out them." I chuckled, pero kaagad ding napaupo sa loob ng elevator.I washed my face with my hands as I started to cry again."Tangina, Errol. I hurt Hira so much. I... I don't know how to get her back again. Ayaw na niya." Pinatong ko ang ulo ko sa tuhod ko at patuloy na umiyak doon."Ang sakit, Errol." Sabi ko habang nasa ganong porma. "Tangina, pinagkait niya saakin ang anak ko sa limang taon dahil akala niya sinaktan ko siya. Lumayo siya ng hindi sinasabi saakin kasi natatakot siyang may gagawin sila lolo at Fiona sa anak namin. Fuck, Errol." Paghihinagpis ko sa loob ng elevator."Get o
HIRAYA ALMENDRALActually, magkaiba ang kwarto namin ni Hanrel. Kasama niya ang mga lalaking doctor, habang kaming dalawa lang ni Nadia sa kwarto namin, kasama sila Luna at Hari."Ate, hindi mo pa sinasabi kay Kuya Yasmir?" Tanong ni Nadia habang naglalaro siya ng mobile games. Katabi niya si Luna na tulog na tulog na dahil sa pagod."Hindi pa, and I have no intentions of saying everything about Hari. He's a married man, Dada." Sabi ko habang sinusuklayan ang buhok ni Hari. Binaba ko din ang damit nito noong gumalaw siya."But he has to know, Ate." Napatingin ako kay Nadia na nakatingin saakin."He has the right. Hari is his child. Hindi pwedeng ipagkait mo habang buhay si Hari sa kanya." Napatawa ako ng mahina sa sinabi ni Nadia. Kung makipag-usap ito parang matanda na ito when in fact she's just sixteen."And after that, what will happen, Dada?" Tanong ko. "Hari will be targeted by someone who wants me dead, Dada." Seryoso kong sabi sa kanya."Kaya nga Yasmir needs to know, ate. Par