Share

5 - Saved

HIRAYA ALMENDRAL

Hirap na hirap akong bumangon kinabukasan. Ang bigat ng pakiramdam, pero kahit nahihirapan ay tumayo ako para makapag-duty.

"You sure you want to go? You look terrible, Hira." Pag-aalalang tanong ni Mira.

"You should stay put, Hira. Baka mas lalo kang magkasakit, ospital iyon maraming may sakit doon." Giit ni Aya.

"Oo nga, you should stay put dito nalang. Magdadala nalang kami ng foods for you before lunch." Umiling ako, feel ko kasing mas lalo lang bibigat pakiramdam ko kapag nakahilata lang ako sa higaan ko.

"I'm fine, guys. Iinom ko lang ito ng gamot," nakangiting sabi ko sa kanila at kaagad na pumasok sa banyo. Mabuti nalang ay may hot shower ang banyo ng dorm kaya kahit paano e naging okay ang pakiramdam ko.

"Why so hardheaded, Hira?" Inis na sabi ni Nad. Ningitian ko siya tsaka ako nagsuot ng uniform.

***

Nasa loob na kami ng ospital para mag-report, pero hindi ko alam kung saan magre-report. Ang sinabi nalang saakin ni Nurse Mel na ang in-charge ngayon araw e kay Doc Yasmir nalang ako mag-report.

Kaya nandito ako sa tapat ng pintuan ng opisina niya, ilang beses akong kumatok pero walang sumasagot.

Umalis ba siya? Or day off? Or hindi pa oras ng pag-duty nito?

Aalis na sana ako ng makarinig ako ng isang baritonong boses sa likuran ko.

"Why are you here, Miss Hira?" Tanong nito kaya napaharap ako sa kanya.

Magulo ang kanyang basang buhok na parang kakaligo lang. Magulo din ang suot nitong necktie, at kung tititigan siya ay mukha itong walang tulog.

Nakakunot-noo ito tila nagtataka kung bakit ako nandito.

"To report, doc. Duty po, kailangan kong pumasok." Tumango ito at binuksan ang pintuan, wala sa sariling pumasok ako ng opisina nito kasunod niya.

Hindi parin mawala saakin na ang lalaking ito ang may-ari ng ospital.

Yasmir Sierra

President of Sierra Medical Group

At his young age, naging presidente na ito, isa pa doctor din siya? Ang galing naman. Iba talaga kapag galing sa mayamang pamilya, hindi ka na mahihirapan sa pagtatrabaho para makuha ang ganong kataas na posisyon.

"Since you went home earlier yesterday, I haven't had the chance to tell you what you need to do when assisting me," he said as he placed the bag he was carrying on the table and settled into his swivel chair, powering up his computer.

"But are you sure you're feeling okay now?" He turned to look at me, concern evident in his eyes.

"Yes, doc," I replied, meeting his gaze briefly before he returned his attention to his newly awakened computer.

Napansin kong may dala na itong kape. Siya na ba bumili?

"You don't need to be with me all the time, sa private ward ka inassign hindi ba?" Tanong nito ng hindi ako tinitignan.

Pero bago ako makasagot ay muling napabahing ako. Damn.

Pag-angat ko ng tingin ay masamang nakatitig saakin si doc na ikinalunok ko ng laway.

He's scary when he's mad. He's a annoying when he's smiling. And he's hot and gorgeous when he's serious. Damn. Ilan ba pagkatao nito? Can't he stick in being serious?

"You're still sick, Miss Hira." Galit nitong sabi saakin.

"Doc, I'm really fine. I can work and—"

"Yes, I understand that. But you're in the hospital, Miss Hira. A place where a lot of sick people are staying. Your immune system is weakened right now, making you more susceptible to catching illnesses. Are you really a nurse?" He said angrily. I clenched my fists at his questioning of my profession.

"Yes, I am." Seryoso kong sabi sa kanya.

"You should've known better if you're a nurse, Miss Hira," he said angrily, his eyes fixed on the folders that needed his signature. "Leave and take a rest. I don't want to see you roaming around the hospital," he added coldly.

Argh! Hindi ko siya maintindihan! Kahapon, napakapilyo at mapang-asar. Tapos ngayon, masungit at galit?

"But doc—" umangat ang tingin nito saakin na may galit.

"No buts, Miss Hira. Leave and take a rest." May diing sabi nito kaya aalis na dapat ako ng magsalita ulit ito.

"Did you eat the food I gave to you yesterday?" I heaved a sigh before looking back at him, boredly.

"No," tipid kong sagot. "But anyways thanks for the meal." Tatalikod na sana ako ng muling nagtanong ito.

His hands clasped on the table, he rested his chin on them, his expression one of anger as he glared at me as if he wanted to devour me whole. What was his problem?

"Why?" He played the innocent act.

Despite how hot and gorgeous he looked at that moment, my irritation only intensified at his behavior.

"Because I'm not a goat, doc." Kumunot ang noo nito ng may pagtataka. Hindi niya ba makuha iyon?

"I'm not vegetarian, doc." Wala sa sarili kong sagot sa kanya dahil naiinip na ako at naiinis na sa kanya. Argh!

Chill, Hira you need him for your good reputation.

Huminga ako ng malalim at taimtim siyang tinitigan na galit parin ang ekspresyon sa mukha. Hindi ba maganda ang gising nito? Bakit niya saakin binubuga ang inis niya?

Napabahing ako bago pa man ako magsalita. Bigla akong naramdaman ng panlalamig. Hindi—kanina ko pa nararamdaman iyon noong makapasok palang sa opisina niya dahil sa awrang dala niya!

"Doc, if wala na po kayong sasabihin ay pupunta na po ako sa private ward. Don't worry, kaya ko po ang sarili ko. Just call me when you needed me." Kaagad akong lumabas ng opisina nito para hindi na niya ako pilitin pang umuwi.

Nagpunta muna ako sa locker room para makapag-ayos at makainom ng gamot. Kumuha narin ako ng panyo at ng mask. Dinala ko narin ang vacuum bottle na binigay ni Doc kahapon. Binigay narin naman so akin na ito.

Pumunta muna ako sa pantry para makakuha ng maligamgam na tubig bago pumunta ng private ward.

May nadatnan akong isang lalaking nurse doon na nag-aayos ng mga gamot para sa mga pasyente.

"Good morning po," mahinhin kong bati. Napaangat naman siya ng tingin at ngumiti.

"Are you, Miss Hira?" Tumango ako.

"Doc Yasmir just called, at pinapasabi saakin na pauwiin ka." Ngumiti ito at muling binalik ang tingin sa pag-aayos ng gamot.

"Are you related to him?" Tanong nito ng hindi ako binabalingan ng tingin.

"No, sir. A temporary assistant?" Sagot ko na patanong dahil hindi ko din sure. Tumawa ito.

"Kaya pala," kumunot ang noo ko sa sinabi nito. Kaya pala ano?

"Anyways, Miss Hira," he began, a hint of a smile playing on his lips. "You seem sick. We're not allowed to work when we're sick. We might either spread our illness to the patients or get infected by their illnesses."

"So, I'm sorry, but you need to leave now. We don't want you to get even sicker. And no buts," he said with a smile, his tone firm.

Dumating ang isang nurse na babae at masungit akong tinignan bago kunin ang mga inihanda ni Nurse Liam na mga gamot.

"Go now, Miss Hira. Once you got fully-healed, I'll be the one in-charge in you, here." Nakangiting sabi parin nito.

Ang bait niya. Ang cute at ang gwapo. Ano bang meron sa ospital na ito at puro magaganda at gwapo lahat ng mga nagtatrabaho dito?

Bagsak ang balikat kong sumakay ng elevator pababa dahil nasa fifth floor ang private room. Nang wala ng tao sa loob ng elevator ay bumahing ako. Kanina ko pa pinipigilan ang pagbahing ko.

Tama nga sila, I shouldn't go here in the first place. Mas lalo lang lalala ang sakit ko.

Bumukas ang elevator sa pangalawang palapag at ang bumungad naman saakin ang seryosong doktor na may dalang paperbag.

Seryoso itong nakatingin saakin, mukhang hindi na galit pero iba parin ang aura nito ng makatingin saakin.

"Here, no veggies. Pork and chicken. Hot citrus tea is also included with the medicines. Take that every four hours, and please, report to me from time to time," he instructed, his voice gentle yet authoritative.

I could feel my heart beating faster and louder. What was happening to me? Was I getting flustered by his small acts?

No, I couldn't allow myself to fall in love with him. I reminded myself sternly. I had accepted the dare, and I couldn't let my emotions get in the way.

Napaiwas ako ng tingin sa kanya at hindi inabot ang paperbag.

Tumunog na ang elevator pero hindi parin nasasara iyon dahil nakaharang ang paa nito sa may bukana ng elevator.

"Don't be so stubborn, Hira. If you keep acting like this, then you won't have a future in this profession," he said, his voice tinged with restraint. I furrowed my brow at his words.

Sasagot na sana ako ng muli akong napabahing at naramdaman ang sipon sa mask na suot ko kaya tinanggal ko iyon at pinunasan ko ng panyo ang ilong ko.

"Time is running, Miss Hira. Take this and eat on time." Kinuha nito ang kamay ko at isinabit rito ang paperbag, tsaka nakapamulsang umalis sa harapan ko.

Ano bang nakain non? Bakit ang init ng ulo?

Tamad kong itinapon ang sarili ko sa kama matapos kong ilagay ang paperbag sa lamesa nang hindi man lang iyon binubuksan.

Ramdam ko ang mabigat na talukap ng mga mata hanggang sa nakatulog ako.

***

Nagising lang ako nang nakaramdam ako ng gutom. Pero nagulat ako nang minulat ko ang mga mata ko ay dilim ang sumalubong saakin, napatingin ako sa bintana at nakita kong madilim narin.

Hindi ba sila umuwi? Or gumala na naman?

Medyo mabigat pa ang pakiramdam ko, pero tumayo ako para buksan ang ilaw. Napansin ko ang paperbag na binigay saakin ni Doc Yasmir, kaya kaagad akong lumapit doon.

Sobrang dami pala ng pagkain. But most of them ay may sabaw or coated ng sauce.

Binuksan ko ang iba at tingin ko ay pansin na. Paanong hindi mapapanis e alas sais palang ng ibigay saakin ito ni Doc Yasmir. At anong oras na? Tingin ko mag aalas-siyete na ng gabi.

May mga fried pork and chicken naman kaya ayon ang kinuha ko. Sinilid ko naman sa plastic ang mga napanis at itatapon sa labas para hindi bumaho sa loob.

Nakayuko akong binuksan ang pintuan dahil sa nakaramdam ako ng kirot.

Kaagad akong nagulat ng may dalawang paa na nakasuot ng itim na panglalaking sapatos ang nasa tapat ko. Kung kaya't napaangat ako ng tingin.

Napaatras naman ako nang makita ko si Doc Yasmir sa tapat ng dorm namin, wala itong emosyong nakatitig saakin. Kaagad kong sinarado ang pintuan at napatingin sa paligid.

May mga nakasabit na bra at panty sa bawat higaan kaya kaagad ko itong iniligpit at tinago sa higaan ni Mira.

Shit! Bakit ba kasi siya nandito?

Inayos ko ang sarili ko at muling binuksan ang pintuan at naka ngising tinitigan si Doc Yasmir.

Galit ang kanyang ekspresyon, siguro dahil sa biglaang pagsara ko ng pintuan. Napababa ang tingin ko na may dala itong paperbag. Ulit.

"Ano pong atin, Doc?" Kinakabahang tanong ko sa kanya. Napatingin naman ito sa suot ko na sinundan ko rin ng tingin. Napansin kong nakauniporme pa pala ako.

"Hindi ka nakapagbihis?" Tanong nito. Napakamot ako sa batok, pero kaagad ding natauhan.

Bakit ba ako kinakabahan sa kanya? Sino ba siya? Doctor lang naman siya sa ospital na pinag-oojtihan ko! Pero bakit makaasta ito na parang boyfriend ko?

"Ano pong ginagawa niyo rito, doc?" Ulit kong tanong para ibahin ang topic.

"Kakagising mo lang? You didn't take your meds? How about the tea? Hindi ka kumain? Anong oras na," sunod-sunod nitong tanong na ikinahilo ko.

He really act like a boyfriend. Napangiti ako nang maalala ko si Klaude. Ganitong-ganito din siya saakin sa tuwing magkakasakit ako. Damn, I missed him.

Siguro kung hindi siya kay Imori nakipaglandian, maybe there's still a high chance for me to accept him. Ganon ko siya kamahal, na siguro kahit ilang beses itong mag-cheat saakin ay tatanggapin ko parin siya. Ang tanga ano?

"Hello, back to earth, Miss Hira!" Kaagad na napaangat ang tingin ko kay Doc Yasmir na namumula na sa galit.

"You're not answering my goddamn questions." Napaismid naman ako sa sinabi niya na mas lalong ikinagalit niya.

"Hindi mo rin naman sinasagot ang tanong ko, Doc." Sagot ko sa kanya. Napaungol naman ito sa inis. Hala bakit ang cute niya?

Oh, fuck! Where did you learn that, Hira?

"I'm here because I'm worried." Malakas na hanggang sa mubaba ang tono ng pananalita nito hanggang sa umiwas ito ng tingin saakin.

Worried? Bakit? Ah, kasi siya may dahilan kung bakit ako nagkasakit.

"You don't need to, Doc. As I've said I'm fine." Mahinahong sagot ko.

"Here, your dinner." Bagsak ang salita nitong inaabot ang paperbag saakin ng hindi parin makatingin saakin. Ano ba talaga problema niya? Nakakainis na siya.

"Kanina ka pa nakatayo sa tapat ng pintuan namin?" Tanong ko sa kanya.

"Does it matter?" Tanong nito, malayo parin ang tingin nito. Inabot ko ang paperbag dahil mukhang walang balak siyang ibaba ang kamay nito.

Nang makuha ko na ay binulsa niya naman ang kamay nito.

"You can go now, doc. As you can see ayos—" humarap ito saakin na galit ang tingin.

"Hindi mo man lang ako papapasukin? Been waiting here for three hours." Napanganga ako sa sinabi niya. Ano daw? Three hours?

"Pwede ka namang umalis—"

"How could I do that? I'm worrying about you. If you don't want me to worry about you then you must update me at all cost!" Galit nitong sabi pero pigil ang pagtaas ng tono nito. Tinaasan ko siya ng kilay. Bakit ba umaakto itong boyfriend ko? May gusto ba siya saakin?

"May gusto ka ba sakin doc?" Tanong ko sa kanya na ikinagulat niya at bigla itong nag-iwas ng tingin. Narinig ko pa ang mahinang mura nito.

Muli itong napatingin saakin.

"Hindi, nag-aalala lang ako dahil ako ang may dahilan kung bakit ka nagkasakit." Mahina nitong sabi pero tama lang para marinig ko.

Huminga naman ako ng malalim at nilakihan ang pagkakaawang ng pinto para papasukin siya. Mukhang hindi ito aalis ng hindi ako nakikitang kumakain dahil sinisisi ang sarili kung bakit ako nagkasakit.

Naalala ko ang basura na dapat itatapon ko. Pinatong ko ang paperbag at itinapon ang basura sa baba.

Aakyat na sana ako ng makita ko si Klaude sa nakabukas na gate ng dormitory.

Nakapamulsa ito at malungkot ang tingin. Naglakad naman ito papalapit saakin at niyakap ako.

"Hira, please come back to me." Hikbing sabi nito.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Ramdam ko ang pamumuo ng mga luha sa bawat gilid ng aking mga mata. Gusto ko siyang yakapin, pero hindi ko magawa. I'm still mad at him for cheating at me.

Pero hindi ko magawang magalit ng sobra sa kanya dahil mahal na mahal ko siya.

"Klaude," tawag ko sa kanya pero mas humigpit ang pagkakayakap nito saakin.

"Please, Hira. Bumalik ka na saakin. Hindi ko kayang mawala ka, please. I-I promise I'll change. Please, give me a chance, baby." Halos lumuhod na ito sa pagmamakaawa nito saakin.

Napapikit ako ng marahan at buong lakas ko itong tinulak. Pero nagulat ako ng halikan niya ako.

It was a passionate kiss at first, tulad ng laging halik nito sa tuwing hinahalikan ako. Hanggang sa naging marahas ito.

Tinutulak ko siya pero wala akong sapat na lakas, nanghihina ako. Ramdam ko ang pangangatog ng mga tuhod ko, ang panginginig ng buong katawan ko. Ramdam ko rin ang mainit na luha sa mga mata ko.

What happened to you, Klaude? Where's my sweet, kind and thoughtful Klaude? Nasaan ang kilala kong Klaude sa loob ng apat na taon?

Dumapo pa ang kamay nito sa hinaharap ko na dahilan para humagulgol ako ng iyak.

Please, someone help me.

"Klaude, stop!" Mahinang sigaw ko dito ng bumaba ang halik nito pababa ng leeg ko.

Bumaon naman ang kuko ni Klaude, para mapadaing ako sa sakit, pero mukhang iba ang meaning kay Klaude iyon.

Napatili nalang ako ng biglang bumagsak si Klaude sa sahig. Sa sobrang bilis hindi ko nakita ang buong nangyari.

"Are you okay, Hira? Fuck." Ang mga mata kong nakatingin sa nakahigang Klaude ay napunta kay Doc Yasmir na puno ng pag-aalala. Marahan ang pagkakahawak nito sa magkabilang balikat. Tama lang na maramdaman kong hawak niya ako, tama lang na ramdam kong ligtas ako.

Nanlalabo ang paningin ko hanggang sa tuluyan akong nawalan ng malay, tanging huling rinig ko nalang ay ang pagmura ni Yasmir.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status