Share

KABANATA 30.1

Nagtama agad ng mga mata naming. Siya na nakatayo at kami naman ay naka upo. Napansin kong may hawak siyang dalawang bote ng juice drinks sa kaliwa niyang kamay habang sa isa naman ay isang energize drink.

“Here,” maikli niyang sabi ‘tsaka niya nilapag ang hawak na dalawang bote ng juice sa aming lamesa.

Napatingin ako roon at napatunganga na lamang gusto kong magsalita ngunit walang lumalabas sa aking bibig. Naramdaman ko pang siniko ako ni Lhara ngunit nanatili akong naka ganoon. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nawala sa aking sarili.

“Naku, utang ba iyan?” pabirong sabi ni Lhara at humalakhak ng bahagya ‘tsaka naramdaman muli ang palihim niyang pagsiko.

Dahil doon ay bumaling ako muli kay Leon at ang una kong napansin ay nakatitig siya agad sa akin. Na para bang kanina pa hinhintay ang tingin kong tumingin sa kanya. Umiwas muna siya ng tingin para ata sagutin ang sinabi ni Lhara.

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status