Home / Romance / Craving Pleasure / KABANATA 1: Arrested

Share

KABANATA 1: Arrested

Author: warcornxx
last update Huling Na-update: 2023-06-19 16:26:54

NALA

“Anak ka ng tupa! Sinabi mo ba na nakita niya ang muka mo?!” nanlalaki ang matang tanong ni Lawrence matapos ko sa kaniyang ikwento ang nangyari kanina.

Umirap ako. “Oo nga sabi! Paulit-ulit? Paulit-ulit? Kaya nga binibilin ko na sa 'yo si Nadine, ‘di ba?” inis na sabi ko at saka uminom ng redhorse beer na nasa baso ko. Ang mapait na lasa nito ay humagod sa lalamunan ko.

“Tanga ka ba? Magpapahuli ka talaga? Wala ka bang balak magtago o tumakas sa mga pulis?!”

“Tanga ka rin ba? Akala mo ba hindi ko naisip ‘yon? S'yempre ayaw kong makulong Lawrence pero illegal naman kasi talaga ang ginawa natin. Hindi ako nagpapaka santo rito dahil kahit ako, napakinabangan ko kahit papaano ang perang ninakaw ko pero handa akong pagbayaran ‘yon. Hindi ako tatakbo dahil alam kong may kasalanan naman talaga ako. Sapat na ang perang nanakaw ko kanina para sa pangbili ng gamot ni Nadine at pangbayad ng ilang bills. Babayaran ko na lang iyon sa kulungan.”

Hindi siya nakasagot. Kinuha ko ang bote ng redhorse beer at saka nilaklak ang laman no'n ng hindi gumagamit ng baso. Alas sais pa lang ng umaga pero umiinom na kaagad ako. Sinusulit ko na dahil hindi ko na mararanasan ‘to kapag nasa loob na 'ko ng kulungan.

Malakas kasi talaga ang kutob ko na maya-maya lang ay may kakatok nang mga pulis dito at dadakipin ako.

Tahimik lang na nakatitig sa 'kin si Lawrence na para bang hindi niya nakukuha ang punto ko. Nakakunot ang noo niya at dahan-dahang lumapit sa akin. Suot niya pa rin ang damit na suot niya kanina dahil hindi pa rin siya umuuwi sa bahay niya kahit kapitbahay ko lang naman siya.

“Tama na ‘yan. Magpahinga ka na,” seryosong basag niya sa katahimikan ‘tsaka pilit inagaw sa akin ang bote ng redhorse na hawak ko.

“Okay lang ako. Hihintayin kong dumating ang mga pulis,” pagmamatigas ko naman at mas lalong inilayo sa kaniya ang boteng hawak ko.

Huminga siya ng malalim at naghilamos ng muka gamit ang palad niya. Pilit na pinipigilan ang pagkainis sa akin.

“Gigisingin na lang kita,” aniya.

Mas lalo niyang inagaw sa akin ang bote ng redhorse. “Okay lang sabi!” pigil ko sa kaniya.

Dahil nga mas malakas siya sa akin ay kaagad niyang naagaw sa akin ang bote ng alak kahit na pilit ko itong inilalayo sa kaniya. Tiningnan ko siya ng masama. Nakadalawang bote na ako ng redhorse kaya medyo umiikot na ang paningin ko. Pumikit ako ng mariin at saka hinilot ang sarili kong sintido.

“Ang tigas talaga ng ulo mo. Oh, ito tubig.”

Nilapag niya ang sa ibabaw ng lamesa ang isang basong tubig. Kinuha ko naman iyon at saka ininom. Naibsan ng kaunti ang hilo ko dahil sa tubig na pumalit sa pait na nasa lalamunan ko.

“Salamat,” wika ko.

Nakapamewang siya habang natingin sa akin at nakakunot rin ang noo niya. Kung tingnan niya ‘ko ay parang isa akong malaking perwisyo sa buhay niya. Hindi ko na lang siya pinansin.

Ipinikit kong muli ang mata ko at saka dinukdok ang ulo ko sa ibabaw ng lamesa.

Isang pamilyar na tinig ang umakupa sa katinuan ko. Kasunod nito ang mala-demonyo nitong pagtawa pagkapikit na pagkapikit pa lang ng mata ko.

“I will make sure that you will root in hell, woman.”

Siya ‘yong lalaking nasa parking lot kanina!

Hindi ko magawang imulat ang mga mata ko kahit gustong-gusto ko na itong imulat. Kinikilabutan ako sa boses ng lalaking iyon. Siguro kung hindi ako gumawa ng paraan para makatakas kanina ay malamig na bangkay na ako ngayon.

Naramdaman ko pa rin ang malamig na nguso ng baril na nakatutok sa ulo ko.

Ayaw kong makulong pero kapag naiisip ko pa lang ang mga kasalanang nagawa ko ay parang hindi ko na magawang makatulog. Pilit akong hinahabol ng konsensiya ko na kahit ano'ng pilit kong takasan ay hindi ako makawala.

Hindi ako pumatay pero parang gano’n na rin ang nagawa ko dahil sa nararamdaman ko ngayon.

“Wala nga sabi rito ang hinahanap ninyo kaya p'wede bang umalis na kayo?!” Galit na boses ni Lawrence ang nakapagpamulat sa mga mata ko. Kasunod nito ang isa pang boses ng lalaki na hindi pamilyar sa akin.

“Alam naming nasa loob siya. May warrant of arrest kami kaya hindi kami p'wedeng umalis dito hangga’t hindi namin siya kasama. Kung hindi mo kami papapasukin mapipilitan kaming pumasok ng sapilitan.”

Nanlalaki ang matang napabangon ako mula sa pagkakahiga ko sa maliit kong kama nang marinig ko ang sinabi ng kausap ni Lawrence.

Mga pulis na ba ‘yon? Bakit hindi ako ginising ni Lawrence? Sabi niya gigisingin niya ako. Ano bang ginagawa niya? Sinusubukan niya ba na itago ako?

Napamura ako ng wala sa oras. Sabi ko na nga bang hindi maganang ideya ang matulog, eh. Lumabas ako ng kwarto ko na buo na ang desisyon sa utak ko. May tiwala ako kay Lawrence na hindi niya papabayaan ang kapatid ko. Inaasahan ko nang may pulis na pupunta rito lalo na’t mayamang tao ang ninakawan ko kanina.

“Umalis na sabi kayo, eh!” muling pagtataboy ng kaibigan ko sa mga pulis na nasa harapan niya.

“Lawrence…” agaw ko sa atensiyon niya.

Nanlalaki ang mga mata niya nang magtama ang paningin naming dalawa pagkalingon niya sa gawi ko. Natataranta siya kung lalapitan ba ako para itago o ipapagpatuloy ang pagtataboy niya sa mga pulis.

Umiling ako sa kaniya. “Sabi mo gigisingin mo ako,” sabi ko.

Kaagad niyang isinara ang pintuan. Nakakunot ang noong binigay niya sa akin ang kaniyang atensiyon.

“Sa tingin mo ba talaga hahayaan kitang makulong? Ano’ng tingin mo sa ‘kin walang kwentang kaibigan? Ako ang ay kasalanan nito. Kung ang pagproprotekta sa 'yo ay kapalit ng pagkakakulong ko, wala na akong pakialam do’n.”

“Lawrence nahihibang ka na ba?! Wala kang kasalanan. Kasalanan ko ‘to kasi hindi ako nag-ingat.”

“Tama na nga p'wede ba?! Tumakas ka na, Nala. Dumaan ka sa likod. Isipin mo ‘yong kapatid mo. May pamilya ka pang nanganga-ilangan sa 'yo. Ako wala na. Ayos lang na makulong ako. Kumpara sa ating dalawa mas marami akong kasalanan na dapat pagbayaran sa kulungan.”

Umiling ako. “Hindi ako papayag, Lawrence. Ikaw na lang ang maasahan ko. Hindi kaya ng konsensiya ko na umakto ng normal sa harap ng kapatid ko matapos kong mang-agrabyado ng ibang tao. Nakiki-usap ako sa 'yo. Huwag mo sanang papabayaan si Nadine.”

“Nala naman…”

Pilit kong tumawa at pabirong sinuntok ang kanang balikat niya. “Kadiri ka talaga. Ayaw ko ng drama. Mabilis lang naman siguro akong makakalaya kasi hindi naman ako pumatay. ‘Tsaka bibisitahin mo naman siguro ako doon, ‘di ba?”

“Binibigyan na kita ng pagkakataong tumakas, Nala,” aniya pa.

“Hindi ako tatakas kasi hindi ako duwag. Kapag tumakas ako mas lalo lang madadagdagan ang kaso ko. Mas lalo lang akong magtatagal sa kulungan. Naiintindihan mo ba ang punto ko?”

Marahas siyang bumuntong hininga at sinabunutan ang sarili niya na tila gulong-gulo na sa mga nangyayari

“Sige kung ‘yon ang gusto mo. Pero mangako ka sa akin na hindi mo papabayaan ang sarili mo. Huwag kang mag-aalala hahanap ako ng pang-piyansa mo. Agad-agad!”

“Huwag na. Okay lang ako. New experience na rin siguro ‘to,” pagbibiro ko.

“Hindi nakakatawa,” seryosong wika niya na ikinatawa ko naman.

Tinapik ko ang balikat niya at saka naglakad na papunta sa pinto. Walang taong gustong makulong. Walang taong gustong malayo sa mahal niya sa buhay. Walang taong hindi mag-iisip na tumakas sa ganitong pagkakataon. Pero kagaya nga nang sinabi ko, hindi ko kayang harapin ang kapatid ko matapos kong mang-agrabyado ng ibang tao.

Tumaas bigla ang kilay ko pagkabukas ko ng pinto nang makita ang tatlong lalaking nakatayo sa harap ng bahay ko. Tiningnan ko sila mula ulo hanggang paa.

“Kayo ba ang mga pulis?” nakangiwing tanong ko.

Hindi ko alam kung matatakot ba ako sa kanila o ano. Muka silang hindi mga pulis. Matatangkad sila at nakasuot ng itim na suit sa likod ng white button down long sleeve at itim na tie. Sobrang kintab din ng suot nilang itim na oxford shoes at may suot din silang sunglasses. Para silang mga men in black na naligaw sa barangay namin.

“Ikaw din ba ang magnanakaw?” tanong ng isa sa kanila.

Hindi naman ako nakasagot. Kapag sinabi kong oo baka naman isipin nila na proud pa ako kasi nangnakaw ako kaya sa halip na magsalita ay inilahad ko na lang ang dalawang kamay ko sa harap nila.

“Posasan niyo na ako."

Ngumisi ang isa sa kanila. “No need. We know you aren’t attempting to escape though,” sabi niya.

Kahit nagtataka ay hindi na ako kumibo. Naglakad na kami palayo sa bahay.

“Pulis ba talaga kayo?” Hindi ko na napigilan ang bibig ko kaya nagtanong na naman ako sa katabi kong pulis na binabantayan ako.

Ang inaasahan ko kasing dadakip sa akin ay mga unipormadong pulis na hindi katangkaran at medyo may katabaan tapos halos mapigtas na ang butones ng uniporme dahil sa sobrang laki ang tiyan. Gano’n kasi ang mga pulis na nakikita ko dito sa Parañaque. Hindi ko naman sila jina-judge, dine-describe ko lang.

“Bakit ikaw? Kriminal ka ba talaga?” tanong na naman niya pabalik.

Tiningnan ko siya ng masama. “Gusto mo bang patunayan ko pa para maniwala ka?”

“Wooh! Kalma ka lang naman. Hindi naman kita papatulan kahit pa patunayan mong kriminal ka nga,” sabi nito na parang wala lang.

“Bakit? Natatakot ka bang mawalan ng trabaho?” Tinasan ko siya ng kilay.

Tumawa siya. “Oo dahil iniutos sa amin na ‘wag kang gagalusan o hahawakan,” nakangisi nitong turan.

Kumunot naman ang noo ko dahil sa pagkalito. “Ano? At sino naman ang mag-uutos sainyo ng ganiyan ka walang kwentang bagay?”

Hindi na siya sumagot pa dahil pinagbuksan niya na ako ng pinto ng sasakyan. Mas lalong lumala ang pagkalito ko sa utak ko dahil isa itong mamahaling sasakyan at hindi police mobile!

Ano ba'ng nangyayari?! Kung alam ko lang na ganito pala kasosyal kapag kunukuha ng mga pulis eh ‘di sana matagal na akong gumawa ng krimen!

Pero teka nga, hindi kaya ito na ang modern way ng pag-kidnap sa isang tao?! Dadalhin nila ako sa isang abandunadong warehouse tapos papahirapan ako para aminin ko kung saan ko nilagay ang pera.

Kaagad na nagtaasan ang balahibo ko sa batok dahil sa iniisip ko. Wala sa itsura nila ang pagiging kidnapper!

Pagpasok ko pa lang sa sasakyan ay kaagad nakumpirma ang iniisip ko nang naramdaman ko kaagad na may tumakip sa ilong ko dahilan upang nanlaki ang mga mata ko dahil sa pagkabigla. Sinubukan kong manlaban pero mas malakas sila sa akin kaya mas lalong naidiin sa ilong ko ang panyong nakatakip doon.

Tangina sinasabi ko na nga ba! Sabi nila hindi nila ako hahawakan o gagalusan! Dapat pala nakinig na lang ako kay Lawrence!

Unti-unti akong nakaramdam ng pagkahilo. Nanlalabo na ang paningin ko at medyo sumasakit na rin ang braso ko dahil sa pagpupumiglas ko. May narinig pa akong bulungan na hindi ko naintindihan bago ako tuluyang lamunin ng kadiliman.

“Ate…”

Kumunot bigla ang noo ko nang marinig ang pamilyar na boses na iyon.

“Ate bakit mo po ginawa ‘yon?”

Unti-unti kong binuksan ang mata ko. Kilalang-kilala ko ang boses na iyon. Hindi ako p'wedeng magkamali. Kaagad akong napabangon nang makita ko ang kapatid ko na nakatayo sa harapan ko. Suot niya ang paborito niyang bistida at pulang doll shoes na binili ko sa kaniya noong hindi pa siya nagkakasakit…noong hindi pa siya nahihirapan.

“Nadine…” pabulong kong turan.

“Ate Nala ko…”

Nangilid ang mga luha ko. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Hindi ako makapaniwala na nakikita ko siyang nakakatayo at hindi nahihirapan. Hindi ako makapaniwala na natatawag niya ang pangalan ko nang hindi d*******g sa sakit o umiiyak. Hindi ako makapaniwala na nandito siya sa harapan ko na malakas at nakakangiti.

“Nadine ko.” Tumakbo ako papunta sa kaniya at kaagad siyang niyakap.

“Hindi ikaw ang ate ko!” galit na sabi niya bigla at tinulak ako dahilan upang mapaupo ako sa kulay itim na sahig.

Nanlaki ang mga mata ko. “Ano’ng sinasabi mo, Nadine? Ako ito, ang Ate Nala mo. Ang nag-iisa mong Ate,” pilit na ngiting wika ko at akmang lalapit sa kaniya ngunit umatras siya dahilan upang kusang mabura ang ngiti sa labi ko.

“Hindi ikaw ang ate ko! Ang ate ko mabait! Hindi siya magnanakaw! Hindi ikaw ang ate ko! Salbahe ka! Salbahe ka!”

“Nadine ano ba'ng sinasabi mo?!”

“Sana hindi na lang si Mama ‘yong namatay! Sana ikaw na lang! Salbahe ka! Mamatay ka na sana! Pinatay mo si Mama!”

“Nadine!” Habol hininga akong napabangon mula sa pagkakahiga habang nakahawak ako sa dibdib ko. Nararamdaman ko ang mabilis na pagkabog ng puso ko na para bang gusto nitong kumawala mula sa loob ng dibdib ko.

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at umiling. Kinagat ko rin ang ibabang labi ko para tigilan ito sa panginginig. Hindi. Hindi iyon kayang sabihin sa ‘kin ng kapatid ko. Alam kong maiintindihan niya ako kapag nalaman niya ang ginawa ko.

“Having a nightmare?”

“Ay, gago!” Kusang lumabas ang napakalutong na mura mula sa bibig ko dahil sa gulat.

Hindi ko alam kung saan galing ang pamilyar na boses na iyon dahil madilim ang lugar kung nasa’n ako. Ang tanging nag bibigay lang ng liwanag sa lugar ay ang ilaw na pumapasok sa loob sa pamamagitan ng bintana.

“N-Nasaan ka? Magpakita ka sa ‘kin!” matapang kong sabi at tinuon ang tingin sa madilim na bahagi ng lugar. “Magpakita ka! Akala mo ba natatakot ako sa 'yo?!” muling sabi ko at pinaliit ang mata.

“Okay, then.”

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay narinig kong pinatunog niya ang daliri niya at sa isang iglap lang ay inakupa na ng liwanag ang kaninang madilim na lugar dahilan upang mapapikit ako dahil sa pagkasilaw.

May narinig akong suminghal.

“I thought you aren't afraid of me and you wanna see me. Why were you closing your eyes, then?”

Kaagad kong binuksan ang mga mata ko pagkarinig ko no’n. Sa kulay gunmetal blue na mga mata niya unang tumama ang mata ko at kasabay nito ang dagliang pag-usbong ng kaba sa dibdib ko ng makilala ko kung sino ang lalaking nasa harapan ko.

“Anak ka ng—ikaw?!”

Kaugnay na kabanata

  • Craving Pleasure   KABANATA 2: Choice

    NALANanlalaki ang mga mata ko habang tinuturo ang lalaking p'werteng nakaupo sa bachelor’s couch na nasa harapan ng malaking kama kung saan ako nakaupo ngayon. Naka-cross pa ang dalawang hita niya sa isa't isa.Wait, kama? Ano'ng ginagawa ko rito? Ano'ng lugar ‘to? Hindi kaya pinagsamantalahan na ako ng lalaking ‘to?!Nagsalubong ang dalawang makakapal na kilay niya at may multong ngisi na nagpakurba sa labi niya.“I did nothing to you, woman,” turan niya na parang nabasa kung ano ang nasa isip ko at saka siya tumayo.“Gago ka! Ano'ng ginawa mo sa ‘kin?! Saan mo ako dinala?!” sigaw ko at akmang tatayo ngunit natumba rin kaagad dahil sa pagkahilo. Mabuti na lang malabot ang kama.“I told you. I did nothing to you.” Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. “You’re too far from my standard. You’re not even beautiful,” dagdag niya pa.“Aba’t! Tarantado ka ah! Akala mo naman kung sinong gwapo!”Tiningnan ko rin siya mula ulo hanggang paa. Nakasuot siya ng kulay itim na button down long sl

    Huling Na-update : 2023-06-19
  • Craving Pleasure   KABANATA 3: Traitor

    HUGO"Where is it?" I seriously asked Fang as I got out of the room where Nala was staying."Pamposh Tower, my Lord. Lobby," he answered.He handed me a stick of cigarettes and lit it up. I held it between my index and middle finger before inhaling the smoke as much as I could. I exhaled, a mellow sensation rolled through my bloodstream like a warm bath. Fuck, that was good.Fang is one of my subordinate but I honestly don’t trust him. Well, I don’t trust anyone, to be exact, and Fang wasn’t an exemption.I licked my lower lip and hopped inside the car as we got out of the mansion. Tiningnan ko muna ang pwesto ng kwarto kung saan nandoon ang babaeng iyon bago tuluyang umalis ang sasakyan.I leaned against the headrest and closed my eyes. I couldn’t help my lips to form a smirk as I thought of that woman’s furious face a while ago.My jaw clenched. I can’t fucking forgive her for kicking off my balls that night. Pero mas hindi ko siya kayang patawarin dahil sa naging epekto niya sa ‘kin

    Huling Na-update : 2023-07-10
  • Craving Pleasure   KABANATA 4

    KABANATA 4: First dayNALA“Fabellon Enterprise…” bulong ko ‘tsaka inilagay ang kamay sa ibabaw ng kilay at tinanaw ang malaking pangalan na nakalagay sa building na nasa harapan namin ngayon.Maraming empleyado ang kasalukuyang pumapasok sa nasabing kumpaniya. Ang iba ay nagmamadali at ang iba naman ay mabagal lang kung maglakad. Isang tipikal na araw para sa kanila ngunit para sa akin ay ito na ang simula ng kalbaryo ng buhay ko.“Sigurado ka bang ito na ‘yon Nala?” tanong ni Lawrence habang tinitingnan ang papel kung saan nakasulat ang address nitong building. Hinatid niya kasi ako papunta dito.Bumaling ako sa kaniya at tumango.“Ito na nga,” mahinang turan ko at nag-iwas ng tingin sa kaniya.Hindi ko kayang tumingin sa kaniya dahil sobrang bigat pa rin ng dibdib ko dahil sa naging desisyon ko tatlong araw na ang nakakalipas.Ginulo niya ang brown kong buhok na nakagawian niya na at saka ngumiti ng malapad.“Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na hindi ka tuluyang nakulong, Nala.

    Huling Na-update : 2023-07-11
  • Craving Pleasure   KABANATA 5

    KABANATA 5: First DisasterNALA“Come to my office.”Marahas akong huminga ng malalim at saka umirap sa hangin nang marinig ko na naman ang boses ni Hugo sa intercom na naka-connect sa lamesa ko sa pang-apat na pagkakataon. Hindi pa nga umiinit ang pwet ko sa upuan tapos tatawagin niya na naman ako. Hindi ko alam kung nananadya ba siya para mainis ako o ano.Padabog akong tumayo mula sa pagkakaupo ko sa swivel chair dahilan upang mapalingon sa akin ang ilang empleyado na abala sa ginagawa dahil sa naging ingay nito.Alam kong kanina pa sila nag tataka dahil pang-apat na beses na akong pinatawag ngayong umaga. Una, pinababa ako sa 12th floor para kumuha ng isang document sa HR department. Pangalawa, pinababa niya naman ako sa 19th floor para kuhain ang mga document na kailangan kong i-incode tapos ise-send ko sa kaniya through email. Pangatlo, pinahanap niya sa akin ang proposal document ng isang kilalang kumpaniya sa tambak na papel sa opisina niya dahil kailangan niya daw basahin.W

    Huling Na-update : 2023-07-12
  • Craving Pleasure   KABANATA 6

    KABANATA 6: CoffeeNALAMariin kong ipinikit ang mga mata ko matapos kong hithitin ang malborong nakaipit sa daliri ko pagkatapos ay binuga ko ang makapal na usok na galing sa bibig ko.Nandito ako ngayon sa labas ng bahay ko para mag yosi. Ayaw ko kasing mag-amoy sigarilyo sa loob ng bahay kaya nandito ako sa labas kagaya ng nakasanayan ko.Kakauwi ko lang galing sa trabaho dahil tinapos ko talaga ang mga kailangan kong gawin bago ako umalis sa opisina.“Oh? Mukang pagod na pagod ka ah.” Iminulat ko ang mga mata ko nang marinig ko ang boses ni Lawrence. Nakatayo siya sa harap ko habang nakapasok ang dalawang kamay niya sa loob ng bulsa ng suot niyang cargo shorts.“Kumusta nakahanap ka na ba ng trabaho?” tanong ko at muling naghithit ng sigarilyo.“Hulaan mo,” panunuya niya.Inirapan ko siya at tinapon ang upos na sigarilyo sa simento at inapakan ‘yon.“Bahala ka sa buhay mo,” sabi ko at umirap.“Ikaw naman hindi mabiro. Opo nakahanap na po ako ng trabaho, madame.”“Talaga? Ano’ng tr

    Huling Na-update : 2023-07-13
  • Craving Pleasure   KABANATA 7

    KABANATA 7: GlancesHUGOA smirk formed on my lips when Nala suddenly rushed towards the door with a flushed face after that delectable kiss that we’d shared a few minutes ago. I bit my lower lip to prevent a smile from escaping from my lips. I sat in my swivel chair with my feet crossed over each other. Still looking at the door.After I’d kissed her yesterday, hindi na mawala sa isip ko ang mapupula at matatamis niyang labi. It was just a quick kiss, but fuck—I’d gotten addicted to it real quick! And when I saw her red lips a while ago, it hypnotised me to kiss her, so I did.In my twenty-eight years of existence, this is just the first time I’ve felt this way. My heart is pounding loudly inside my chest when she’s around. My blood inside my veins was being active like crazy. And my cock behind my undergarment is always reacting when she’s near me. Her presence has a big effect on my entire system! And this is fucking bad!All this time, torturing and killing without mercy became se

    Huling Na-update : 2023-07-14
  • Craving Pleasure   KABANATA 8

    KABANATA 8: TogetherNALA“Mauna na ako sa’yo Nala. Ingat ka sa pag-uwi ah,” paalam ni Miri na siyang pinakahuling empleyado na nandito sa floor bukod sa akin. Nag-overtime kasi ngayon sa trabaho dahil natambakan siya ng mga paper works kanina.Tumango ako at pilit na ngumiti. “Ingat ka rin.”“Syempre naman. Ipapakilala mo pa ‘ko kay Lawrence, remember? Kita tayo bukas!” Kumaway muna siya bago tuluyang umalis.Muli na namang dumako ang paningin ko sa cellphone kong de keypad para tingnan kung anong oras na. Pagkatapos ay sa pinto naman ng opisina ni Hugo nabaling ang tingin ko na hanggang ngayon ay nakasarado pa rin.Alas-dose na ng gabi pero hindi pa ako umuuwi dahil hindi pa rin umuuwi si Hugo. Gusto ko na sanang magpaalam na mauuna na pero hindi naman pwede dahil isa sa rules dito sa opisina na bawal akong umalis kapag hindi pa umuuwi ang boss unless he told me to go first.I took a deep breath and sipped coffee from a disposable cup. I focused my eyes on the desktop again and cont

    Huling Na-update : 2023-07-15
  • Craving Pleasure   KABANATA 9

    KABANATA 9: AmbushNALA“Make sure to understand every single detail in that seminar, Nala. This will help you for your future work as my secretary, do you understand?”Huminga ako ng malalim nang pumasok na naman sa utak ko ang sinabi sa akin ni Hugo kahapon.Sa loob ng dalawang linggo kong pagtatrabaho sa Fabellon Enterprise, puro mga paper works lang naman ang pinapagawa niya sa akin. Immune na rin siguro ang mata ko sa monitor ng desktop dahil sa dami ng pinapagawa niya sa akin. Hindi niya na rin sa akin ulit binigay ang mga schedule niya pero may mga meeting siyang nagaganap sa conference room ng hindi ko alam.At kahapon, nang ibigay ko sa kaniya ang mga dukumento na galing sa HR department, sinabi niya sa akin na kailangan ko daw dumalo sa tatlong araw na seminar na gaganapin sa isang five-star hotel dito sa Batangas. Masyadong malayo at matagal pero sabi ni Hugo sagot naman daw ng kumpaniya ang lahat ng gastusin at ang tutuluyan namin. Bukod kasi sa akin ay may apat pa akong m

    Huling Na-update : 2023-07-16

Pinakabagong kabanata

  • Craving Pleasure   WAKAS

    WAKASHUGOAs I sit on the terrace of my condo unit, sipping a glass of rum, I am captivated by the city of Brussels. The city is a vibrant mix of old and new, with stunning architecture that tells a story of centuries past.The Grand Place, with its ornate buildings and intricate facades, is a true masterpiece. The Atomium, a modern marvel, stands tall in the distance, symbolizing the city's forward-thinking nature.The streets are alive with the sound of laughter and chatter as locals and tourists alike explore the countless shops and cafes.The scent of Belgian waffles fills the air, tempting me to indulge in a sweet treat. As the sun sets, the city comes alive with a kaleidoscope of lights, illuminating the night sky.It’s been two years and three months since I moved here to give Nala the space she wanted. Honestly, it’s hard without her by my side because I know that she’s my strength that keeps me alive, yet I need to respect her decision.I know that she loves me. Hanggang nga

  • Craving Pleasure   KABANATA 51

    KABANATA 51: ForgivenessNALA“I’m sorry, Hugo…” Iyon ang unang lumabas sa bibig ko habang nakatingin sa mga mata niya.Nanggilid ang luha sa mata ko habang inaalala ang mga nangyari noon. Kung paano kami maging masaya sa piling ng isa’t isa. Kung paano namin nalagpasan ang lahat ng pagsubok ng magkasama at kung paano ako sumuko ng sobrang bilis.Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at saka yumuko. Hindi siya tumugon kaya muli akong nagsalita. Gusto kong sabihin ang lahat ng gusto kong sabihin bago pa mahuli ang lahat.“I’m sorry for hurting you back then. I’m sorry for being too much and not thinking about how you feel. Hindi ko naisip na nasasaktan ka rin sa pagkamatay ni Lorcan.”“L-Lorcan?” tanong niya.Ngumiti ako pero hindi iyon umabot sa mata ko. “Lorcan ang ipinangalan ko sa anak natin. Lorcan Amani Cabral Fabellon.”Nanlaki ang mata niya na tila hindi makapaniwala sa sinabi ko. “D-Did you just really follow his last name with me?” hindi makapaniwalang tanong niya.Kinagat ko a

  • Craving Pleasure   KABANATA 50

    KABANATA 50: GardenNALANakangiti ako sa human-size mirror habang tinitingnan ang sarili ko suot ang royal blue evening gown na pinadala kanina ni Tito Gael para sa event na dadaluhan ko ngayong gabi kasama si Mr. Joseph Zuniga.Manghang-mangha ako habang walang sawang pinagmamasdan ang gown na suot ko na tila isa iyong bula na biglang mawawala kapag kinurap ko ang mga mata ko.Ang gown features ay strapless sweetheart neckline na mas nakapagpatingkad sa balikat at collarbone ko. Ang bodice ng gown naman ay iniayon sa pagiging perpekto. Yumayakap ito sa baywang ko at lumilikha ng isang eleganteng silweta. Samantalang ang skirt naman ay floor-length A-line style.Napansin ko rin na ang telang ginamit ay mamahaling satin na sigurado akong mahal pa kaysa sa sahod ko. Hindi ito makati sa balat hindi kagaya ng ibang mamahaling damit na mainit na nga makati pa. Pinalamutian rin ito ng madaming beading at sequin na siyang limilikha ng shimmering effect sa ilalim ng mga ilaw.Ang gown featur

  • Craving Pleasure   KABANATA 49

    KABANATA 49: DrunkNALA“Do I look like a bouncer to you?”Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ang sobrang pamilyar na baritonong boses na ‘yon. Nahigit ko ang aking hininga nang unti-unti siyang lumingon sa gawi ko at doon ko nakumpirma ang aking hinala.Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksiyon. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Biglang nagkabuhol-buhol ang matino kong pag-iisip dahil sa mabilis na pangyayari.Napalunok ako nang bumilis ang tibok ng puso ko nang tumama ang gunmetal blue niyang mga mata na kinahuhumalingan ko ng sobra noon. Kanina lang ay iniisip ko siya tapos ngayon ay nandito na siya ngayon sa harapan ko. Tatlong taon na ang nakakalipas nang huli ko siyang makita at masasabi kong sobrang dami niyang pinagbago physically.Mas lalong naging mature ang muka niya. Mula sa mga mata niyang parang palaging nang-aakit, ang kaniyang makapal na kilay at matangos na ilong ay mas lalong nadipina. Ang kaniyang labi na mas lalong pumula sa natural

  • Craving Pleasure   KABANATA 48

    KABANATA 48: New LifeNALA“Uy, sunod ka na lang Nala, ha? Hihintayin ka namin doon,” paalala ni Jenna na nakahanda na sa pag-alis kasama ang iba pa naming katrabaho.Ngumiti naman ako at tumango sa kaniya. “Sige. Mag-iingat kayo!” dagdag ko pa.Nang makaalis na sila ay pinagpatuloy ko na ang pagliligpit ng mga gamit ko sa lamesa ko. Alas tres na ng hapon at mag-o-out na kami sa trabaho. Maaga talaga kaming nag-o-out kapag biyernes dahil walang pasok sa opisina kinabukasan. Weekdays lang kasi ang pasok namin na pinagpapasalamat ko naman.Saktong pagkapatay ko ng lampshade sa table ko ay tumunog naman ang aking cellphone na nasa loob ng aking bag. Kinuha ko ‘yon at mabilis kong sinagot ang tawag nang makita ko ang pangalan na naka-flash sa screen nito.“Hello, Tito Gael?” bungad ko pagkasagot ko.“Hello, hija. Did I disturb something?”Umiling naman ako kaagad kahit hindi niya ako nakikita. “Wala naman po, Tito. Sa katunayan po ay paalis na po ako. May ipag-uutos ka po ba?”“Can you co

  • Craving Pleasure   KABANATA 47

    KABANATA 47: BegNALA“Kumain ka na, Nala. Magkakasakit ka sa ginagawa mong ‘yan,” sabi ni Lawrence matapos niyang kumatok mula sa labas ng kwarto ko dito sa bahay ko sa Parañaque.“Iwan mo na sabi ako, Lawrence. Kaya ko ang sarili ko. Umalis ka na!” pagtataboy ko sa kaniya sa hindi mabilang na pagkakataon habang nakatalukbong ng kumot.Simula nang pumunta siya kaninang alas nuwebe ng umaga dito sa bahay ay hindi niya na ako tinantanan. Maya’t maya siya kumakatok at nagsisimula na akong mairita.Dito ako pumunta pagkatapos naming mag-usap ni Hugo kahapon sa may park. Hindi ko alam kung tamang desisyon ba na dito ako sa bahay dumiretso o hindi. Naaalala ko kasi ang mga memories naming dalawa dito. Sa bawat sulok ng bahay na ‘to ay nakikita ko siya kahit hindi ko naman siya kasama.Magang-maga na ang mata ko kakaiyak. Simula kahapon ay hindi pa ‘ko kumakain at ang tanging ginawa ko lang ay umiyak nang umiyak hanggang sa mapagod ako.Halo-halo na ang emosiyon ko at sobrang bigat ng dibdi

  • Craving Pleasure   KABANATA 46

    KABANATA 46: PainNALALumabas ako ng hospital na halo-halo ang emosiyon. Gusto kong sumigaw pero parang wala akong boses. Gusto kong umiyak pero parang wala akong lakas para humagulhol. Nanginginig ang kamay ko habang wala sa sarili na naglalakad sa tabi ng kalsada, walang pakialam kung mahagip man ako ng mga sasakyan.Mainit ang sinag ng araw pero wala akong maramdamang hapdi. Namamanhid ang buong katawan ko dahil sa aking nalaman.I felt betrayed.All this time hindi na pala ako buntis. Dalawang linggo akong walang alam sa nangyari sa anak ko! Hindi ko man lang magawang magluksa dahil pinagkait nila sa akin ang totoo!Ang sakit! Sobrang sakit bilang isang ina na mawalan ng anak. Hindi ko man lang siya nakita, nahawakan, nahalikan o ano pa man. Hindi ko man lang naparamdam sa kaniya ang alagaan ng isang ina. Hindi ko man nagawang humingi ng tawad ng mas maaga. Napabayaan ko siya. Hindi ko siya nagawang protektahan!Kasalanan ko ‘to.Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng paa ko sa

  • Craving Pleasure   KABANATA 45

    KABANATA 45: ChildNALANauna akong nagising kay Hugo kinabukasan. Dahan-dahan pa akong bumangon para hindi siya magising. Sa pagkakaalala ko kasi ay hindi kaagad siya natulog pagkatapos namin gawin ang bagay na ‘iyon’ kaya alam kong puyat pa siya. Hindi ko alam kung ano pa ang ginawa niya dahil nakatulog na kaagad ako kagabi.Pumasok ako sa banyo para maghilamos at magsipilyo. Pagkatapos ay bumaba naman ako para maghanda ng almusal. Hindi naman siguro makakasama sa ‘kin kung gumalaw ako dito sa bahay, ‘di ba? Okay naman na ako sabi ng doktor.Suot ko pa rin ang maluwag na damit ni Hugo nang makababa ako. Okay lang naman ‘yon dahil kaming dalawa lang naman ni Hugo dito sa loob ng bahay pero may mga guards pa rin naman sa labas.Wala na si Daniel Cordova na siyang pinagpapasalamat ko. Hindi ko alam kung buhay pa siya pero siniguro sa akin ni Hugo na hindi niya na ako— kami guguluhin ulit. May tiwala ako sa kaniya kaya naniniwala ako sa sinabi niya.At dahil nga tapos na ang laban namin

  • Craving Pleasure   KABANATA 44

    KABANATA 44: BathNALA“So, how are you feeling? Don’t you feel anything strange about your body?” tanong ni Doc Tami habang nagbabalat siya ng orange.Umiling naman ako. “Okay na ‘ko, Doc Tami. Actually, pwede na nga ‘kong ma-discharge ngayon eh,” biro ko.Doc Tami pa rin ang tawag ko sa kaniya kahit alam kong kapatid ko siya dahil hindi pa ako komportableng tawagin siyang Ate o Ate Tami. Nasabi ko na rin naman ‘yon sa kaniya no’ng pangalawang araw simula nang magising ako at naiintidihan niya naman daw. Understandable naman daw ang nararamdaman ko dahil kakikilala pa lang namin. Everything takes time nga raw sabi niya.Tumaas naman ang kilay niya. “Don’t be so sure. Baka mamaya niyan kung kaylan na-discharge ka na ‘tsaka ka naman makakaramdam ng iba.”Ngumuso naman ako. “May gano’n ba?”“Of course. Hindi naman imposible ‘yon. May mga naging patient ako dati na kakalabas lang ng hospital pero bumalik kaagad dahil may naramdaman daw na ganito tapos ganiyan,” pagkwe-kwento niya. “Here.

DMCA.com Protection Status