Share

KABANATA 4

Author: warcornxx
last update Huling Na-update: 2023-07-11 06:47:54

KABANATA 4: First day

NALA

“Fabellon Enterprise…” bulong ko ‘tsaka inilagay ang kamay sa ibabaw ng kilay at tinanaw ang malaking pangalan na nakalagay sa building na nasa harapan namin ngayon.

Maraming empleyado ang kasalukuyang pumapasok sa nasabing kumpaniya. Ang iba ay nagmamadali at ang iba naman ay mabagal lang kung maglakad. Isang tipikal na araw para sa kanila ngunit para sa akin ay ito na ang simula ng kalbaryo ng buhay ko.

“Sigurado ka bang ito na ‘yon Nala?” tanong ni Lawrence habang tinitingnan ang papel kung saan nakasulat ang address nitong building. Hinatid niya kasi ako papunta dito.

Bumaling ako sa kaniya at tumango.

“Ito na nga,” mahinang turan ko at nag-iwas ng tingin sa kaniya.

Hindi ko kayang tumingin sa kaniya dahil sobrang bigat pa rin ng dibdib ko dahil sa naging desisyon ko tatlong araw na ang nakakalipas.

Ginulo niya ang brown kong buhok na nakagawian niya na at saka ngumiti ng malapad.

“Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na hindi ka tuluyang nakulong, Nala. Sobrang nag-alala talaga ako para sa'yo. Akalain mo ‘yon? Binigyan ka pa ng trabaho ng ninakawan mo,” hindi makapaniwalang sabi niya.

I forced a smile at hinigpitan ang hawak sa strap ng shoulder bag ko.

“Bilib ka na naman sa ‘kin.”

“Syempre. Proud nga ako sa'yo eh. Hindi mo na kailangan gayahin ‘yong ginagawa ko para magkapera,” aniya.

Tinitigan ko siya dahil sa sinabi niya. Kung hindi ko siya kilala iisipin kong hindi siya gumagawa ng masama. Iisipin kong isa siyang matino at responsableng mamamayan ng Pilipinas. Bukod kasi sa maamo ang muka niya malinis rin siya sa katawan.

Sa suot niyang puting t-shirt at faded jeans ay napapatingin talaga sa kaniya ang ilang empleyado ng kumpaniya na nasa harapan namin ngayon. Hindi kasi maipagkakaila na gwapo nga ‘tong si Lawrence at napatunayan ko na ‘to noon nang minsang magka-crush ako sa kaniya noong mga bata pa kami.

Hindi lang lumalim ang nararamdaman ko para sa kaniya dahil na-realize ko na hindi ko pala kayang isakripisyo ang pagkakaibigan na binuo naming dalawa.

Hindi siya perpekto at gano’n din naman ako pero nagkakaintindihan kaming dalawa. Same vibes kung baga. Siguro kung hindi namatay si Mama malamang hanggang ngayon nandoon pa rin ako sa mga nakagawian ko noon. Barumbado at puro basag ulo lang ang alam gawin sa buhay.

Ang pagkamatay ni Mama ang nagpa-realize sa akin na mahalaga ang buhay. Na hindi tayo ang may hawak sa buhay natin. Sa halip na puro katarantaduhan lang ang gawin natin dapat ay matuto tayong tumayo sa sarili nating mga paa dahil hindi sa lahat ng pagkakataon ay may magulang tayong madedependihan sa lahat ng bagay.

“Bakit ganiyan ka makatingin? Ano'ng iniisip mo?” tanong ni Lawrence na nakapagpabalik sa katinuan ko.

Umiling ako. “Wala naman. Ano? Hindi ka pa ba aalis? Saan ka pupunta pagkatapos mo dito?”

Nagkibit balikat siya.

“Maghahanap na rin siguro ako ng trabaho.”

Tinaasan ko siya ng kilay. “May trabaho ka naman ah.”

“Hindi ‘yon. Ibig kong sabihin ‘yong trabaho as in ‘yong matinong trabaho na may malinis na pera. Napagtanto ko kasi na sobra na ‘yong kasalanan na nagawa ko at umabot pa sa punto na nadamay ka na. Ayaw ko na ulit maulit ‘yong nangyari na muntik ka nang makulong. Ayaw ko rin namang makulong kaya hangga’t maaga pa aayusin ko na ang buhay ko.”

Hindi ko mapigilang mapangiti ng malapad at pabirong sinuntok ang braso niya.

“Naks ang ganda no’n ah. Mabuti naman at naisip mo ‘yan. Dapat matagal mo na ‘yang ginawa Lawrence.”

Mahina siyang tumawa ay nagkamot ng batok.

“Siguradong mahihirapan ako nito dahil hindi ako nakapagtapos ng high school pero makakahanap naman siguro ako ‘tsaka papautangin mo naman siguro ako habang wala pa akong pera, ‘di ba?” pagbibiro niya.

Tumawa ako at tumango. “Oo naman malakas ka sa ‘kin e.”

Tumawa kaming dalawa. Sabay lang kaming lumingon ni Lawrence sa likod namin nang may tumikhim doon.

“Sorry p—”

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang mapagtanto na si Hugo ang nakatayo ngayon sa harapan namin. Nasa likod niya ang magarang sasakyan na iba sa sasakyan na ninakawan ko no’ng gabing ‘yon.

“Ms. Cabral did you know that it’s already time for work?” sarkastikong tanong niya at sinulyapan si Lawrence na nasa likod ko.

Lumunok ako ng matindi dahil pakiramdam ko ay may bumarang malaking bagay sa lalamunan ko. Ngayon ko lang siya nakita matapos ang tatlong araw. Hindi na siya bumalik kinabukasan kagaya ng sabi niya. Ang tanging kumuha lang ng kontrata sa akin ay ‘yong tinawag niyang Fang. Pero teka nga ano ba'ng pakialam ko?

“Alam ko po, sir,” pormal na sabi ko at bumaling kay Lawrence. “Sige na. Ite-text na lang kita kapag magpapasundo ako o hindi.”

“Sigurado ka?”

“Oo.”

Tumango siya. Tumingin muna siya sa akin at ginulo na naman ang buhok ko bago bumaling kay Hugo at tinanguan rin ito bago tuluyang umalis.

Pinanood ko munang makalayo si Lawrence bago binalingan si Hugo na masama ang tingin sa akin. Ano'ng problema nito?

Magsasalita pa sana ako ngunit walang anu-ano’y nilagpasan niya na ako at nagsimula nang umakyat sa tatlong baitang na hagdan at pormal na naglakad papasok ng building.

Hindi ako sumunod o gumalaw man lang. Pinanood ko lang siyang maglakad. Pero nang malapit na siya sa entrance ay lumingon siya sa gawi ko. Napansin niya marahil na hindi ako sumunod sa kaniya.

“Ano pa'ng ginagawa mo riyan?” inis na tanong niya.

Ngumiwi ako at nagsimula nang sumunod sa kaniya nang hindi nagsasalita. Dali-dali akong naglakad kahit paika-ika dahil hindi ako sanay sa suot kong 2 inches na pumps na hiniram ko pa sa kapitbahay naming sale’s lady sa malaking mall dito sa Parañaque. Panay rin ang baba ko ng laylayan ng suot kong pencil cut skirt dahil pakiramdam ko ay nasisilipan ako kahit hindi naman talaga.

“Ano'ng ginagawa mo?” takang tanong niya nang mapansin ang pagbaba ko ng suot kong palda.

“Hindi kasi ako sanay sa suot ko,” sagot ko.

Suminghal siya. “Could you please act accordingly on your gender Ms. Cabral? Huwag na huwag mong dadalahin dito ang pagiging ugaling squatter mo.”

Kusang umawang ang labi ko dahil sa sinabi niya. Pinanood ko lang siyang pormal at propisiyonal na naglakad habang nilalagpasan ang mga empleyadong bumabati sa kaniya. Umusbong na naman ang inis sa dibdib ko dahil sa inakto niya. Porket hindi ako kumportable sa suot ko ay tinawag niya na kaagad akong ugaling squatter?!

Siya kaya pagsuotin ko ng 2 inches above the knee na pencil cut skirt at saka fitted na blouse tapos kapag hindi siya naging kumportable, tatawagin ko rin siyang ugaling squatter! Tingnan natin kung hindi siya mainis!

Kahit masama ang loob ko ay tumakbo pa rin ako papunta sa elevator kung nasaan siya at dali-daling pumasok. May binigay kasi sa akin na handouts si Fang kung saan nakalagay doon ang rules and regulations ng Fabellon Enterprise. Nakalagay din doon ang mga duties ko bilang secretary at isa na doon ang palagi kong pagsama kay Mr. Fabellon lalo na kapag nasa labas ng kumpaniya ang mga meetings.

“Good morning, sir,” bati ng mga bagong pasok na empleyado sa elevator.

Hindi sumagot si Hugo na nanatili lang nakapikit ang mata habang nakasandal ang ulo sa dingding ng elevator kaya inirapan ko ito ng patago at bumaling sa mga babaeng empleyado.

“Good morning,” bati ko.

Tumingin sa akin ang babaeng rebounded ang buhok at tiningnan ako mula ulo hanggang paa at saka ako inirapan na para bang may ginawa akong masama sa kaniya.

Napangiwi na lang ako dahil doon at patago ring hinagod ang mata sa katawan niya. Kumpara sa katawan ko masasabi ko namang malaman nga siya.

Tumigil ang elevator sa 16th floor. Lumabas ang mga empleyadong babae sa elevator na pasimple pa rin akong iniirapan na para bang hindi ko sila nakikita. Lalabas na rin sana ako nang may humawak sa palapulsuhan ko para pigilan ako.

“Where are you going?” ang baritong boses ni Hugo ang umakupa sa elevator.

“Lalabas. Hindi ba dito ang floor ko?” tanong ko.

“What? Sino'ng may sabi?” inis na tanong niya.

“Nabasa ko sa handouts.”

“Really?” sarkastikong aniya. “Don’t give me that shit. This is a finance department kaya pa’no nangyaring napunta ka dito? You are my secretary, not my finance employee!”

Marahas akong huminga ng malalim at tiningnan siya ng masama. Hinila ko ang palapulsuhan kong hawak niya at hinarap siya. Napigtas na ang kaunting pasensiya na natitira sa pagkatao ko para sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Punong-puno na ko sa ugali niya ha!

“Eh bakit ka ba nagagalit?! Kanina ka pa ah! Una tinawag mo akong ugaling squatter kahit wala naman akong ginagawa tapos ngayon naman pinagmumuka mo akong tanga! Ano bang alam ko dito ha? Huwag mo akong pagmumukaing bobo dahil hindi ko naman ‘to ginusto! ‘Tsaka sa lahat ba naman kasi na ibibigay mo sa aking trabaho bakit sekretarya mo pa?! Pwede namang janitor kung talagang galit ka! Kung ganiyang ugali lang rin naman pala ang makakasalamuha ko araw-araw mas pipiliin ko na lang makulong kaysa makasama ka!”

Sa sobrang lakas ng boses ko ay pakiramdam ko naputol na ang ugat sa leeg ko. Luminga si Hugo sa paligid kung kaya’t luminga rin ako. Doon ko na-realize ang ginawa ko.

“Tangina,” malutong na murang bulong ko.

Halos lahat ng empleyado ng finance department ay nakatingin sa amin dahil nga nakabukas pa rin ang pinto ng elevator. Karamihan sa kanila ay gulat na gulat at ang iba naman ay hindi makapaniwalang nakatingin sa direksiyon namin.

“Fuck this! You are indeed pain in my fucking ass!” bulong rin ni Hugo at hinila na naman ang palapulsuhan ko papasok sa elevator at pinindot ang close button ng elevator.

Inis na hinila kong muli sa kaniya ang palapulsuhan kong hawak niya at saka isiniksik ang sarili sa kanto ng elevator. Pinag-cross ko ang braso ko sa dibdib ko. Panay ang sulyap niya sa akin sa repleksiyon namin sa elevator. Hindi kami nagsalita hanggang sa makarating kami sa top floor kung sa saan sa tingin ko ang opisina ni Hugo.

Tumunog ang elevator at bumukas ang pinto nito. Hindi pa man kami tuluyang nakakalabas ay tumigil siya sa tabi ko.

“Don’t do anything stupid, Ms. Cabral. Tandaan mo, na sa’yo ang buhay ng kapatid mo,” bulong niya at dirediretsong lumabas na parang walang nangyari.

Hindi ko alam kung paano ako magre-react dahil sa sinabi niya. Hindi pa sana ako gagalaw sa kinatatayuan ko kung hindi lang muntik sumara ang pintuan ng elevator.

Salubong ang kilay at kuyom ang kamao na napagdesisyunan kong magpatuloy na sa paglalakad. Kung pwede lang sanang suntukin ang pagmumuka niya ay ginawa ko na sana.

Kahapon ang flight ni Nadine papuntang ibang bansa. Hindi ako nagpakita sa kaniya dahil hindi ko siya kayang makitang umiyak at magmakaawang samahan siya. Pinanood ko lang siyang isakay sa eroplano kasama ang mga doktor na gagamot sa kaniya doon.

Mahirap na malayo sa kapatid ko pero mas mahirap na makita ko siyang nahihirapan. Kahit ayaw kong malayo kami sa isa’t-isa dahil iyon ang sabi sa amin ni Mama hindi ko naman pwedeng pabayaan na lang ang kapatid ko at panoorin siyang unti-unting mamatay dahil sa sakit niya.

“Are you the new secretary of Mr. Fabellon?” Bumalik ako sa reyalidad nang may magsalita sa kaliwa ko. Tiningnan ko siya at pumormal ng tayo.

“Ako nga po,” sagot ko at ngumiti para naman magmuka akong presintable.

Hindi siya ngumiti o tumango man lang. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa pagkatapos ay medyo tumaas ang kilay bago tumingin sa muka ko.

“Sumunod ka sa akin marami kang kailangan malaman tungkol sa trabaho mo,” mataray na sabi niya at inayos ang kaniyang salamin bago tumalikod.

Ngumiwi ako. Naalala ko sa kaniya ang istrikta naming librarian no’ng nasa high school pa lang ako.

Sa tingin ko ay nasa mid-50’s na siya. Naka-corporate attire siya kagaya ng sa akin. Malinis rin ang pagkaka-bun ng buhok niya at sa isang tingin pa lang ay masasabi mo na talagang istrikta siya. Lumingon siya sa akin nang hindi ako sumunod.

“Hindi mo ba ako narinig? Ang sabi ko sumunod ka!” sermon niya kaagad.

“Ah, opo!” Ika-ika akong tumakbo at tumabi sa kaniyang maglakad.

“So, ako si Rosalee Masaya pero hindi ako masaya. Ako ang head ng Marketing department at inutusan ako ni Mr. Fabellon para i-orient ka sa mga duties mo bilang bagong sekretarya niya kahit sobrang dami kong kailangan gawin sa lamesa ko. Sa tingin ko naman ay nabasa mo na ang handouts mo kaya hindi ko na kailangang ipaliwanag ang bawat detalye, tama?”

“Opo,” sagot ko.

“Good. Isa sa pinakaayaw ni Mr. Fabellon ay ang taong tatanga-tanga. Kung gusto mong tumagal ka sa kumpaniyang ito ay ayusin mo ang trabaho mo. Ayaw niya rin ng palaging late at madaldal dahil ayaw niya ng maingay.” Tumingil kami sa isang office carrel. “Ito ang magsisilbing lamesa mo. Dito mo gagawin ang mga paper works na kailangan mong i-organize para ipapirma kay Mr. Fabellon. Bawat papel na ipapatong sa lamesang ito ay importante. Bawal ang burara naiintindihan mo ba ‘ko?”

Tumango ako. “Opo!”

“Mabuti kung gano’n. Ang isa pa sa mga duties mo bilang sekretarya ay kailangan mong sundin ang bawat utos ni Mr. Fabellon kabilang na doon ang pagtitimpla ng kape, pagbili ng lunch, snacks at marami pang iba. Bawal kang magreklamo dahil empleyado ka lang rin dito at boss siya.” Pinag-cross niya ang dalawang braso sa dibdib niya at tiningnan ako ng maigi. “May gusto ka ba kay Mr. Fabellon?”

“Po?”

“Kung may gusto ka man kay Mr. Fabellon huwag ka nang umasa dahil hinding-hindi siya pumapatol sa mga empleyado niya.”

“Wala po akong gusto sa kaniy—”

“Sinasabi ko ‘to sa'yo dahil ayaw kong magaya ka sa huli niyang naging sekretarya na tinanggal sa trabaho dahil lantarang naghubad sa harapan ni Mr. Fabellon dahil sa matinding obsesyon.”

“Ha?”

Kinilabutan naman ako sa sinabi niya. Ako? Magkakagusto kay Hugo? Sa ugali pa lang ng lalaking ‘yon walang-wala na siya e! I can't even imagine myself being obsessed with him!

“Mabait na bata si Lion. Hindi pa siya ang CEO ay nagtatrabaho na ako dito. Kung may mga motibo man siyang ipapakita sa‘yo huwag mo na lang pansinin dahil gano’n siya sa lahat. Sana ikaw na ang huli niyang maging sekretarya dahil napapagod na akong paulit-ulit na magpaliwanag ng mga dapat ninyong gawin dahil sa papalit-palit niya ng sekretarya.”

Halata ang pinaghalong inis at pakaumay sa muka niya habang nagsasalita.

“Maniwala po kayo sa akin. Wala po akong gusto kay Hugo—este kay Mr. Fabellon. Nandito po ako para magtrabaho.” At para rin sa kapatid ko.

“Mabuti naman kung gano’n. Sana ay panindigan mo ‘yang sinabi mo.” Tumingin siya sa kaniyang wrist watch. “So I’ll go ahead, Ms. Cabral. My time is up. Good luck on your first day.”

Tinapik niya pa ang balikat ko bago umalis. Pinanood ko lang siya maglakad palayo hanggang sa hindi ko na siya makita.

Nilibot ko ang paningin sa buong paligid. Kagaya ng isang tipikal na opisina ay abala ang mga empleyado sa kaniya-kaniya nilang desktop at mga paper works. Walang nagpapansinan sa kanila. Tanging tunog lang ng desktop keyboard ang nagbibigay ingay sa paligid.

Nagkibit balikat ako at umupo na rin sa swivel chair na nasa harapan ng lamesa ko. Pinatong ko ang bag ko sa ibabaw ng lamesa at sinimulang ayusin ‘yon.

Huminga ako ng malalim. Hindi pa rin ako makapaniwala na may matino na akong trabaho ngayon. Noon iniisip ko lang na imposibleng makapasok ako sa mga kumpaniya kagaya ng nakikita ko sa TV pero ngayon nandito na ako at sekretarya pa!

Kusang nawala ang maliit na ngiti sa labi ko nang maalala ko kung ano'ng kapalit ng trabahong ito. Mahina akong natawa. Oo nga pala muntik ko ng makalimutan. Magiging parausan nga pala ako at dahil doon hindi ko na alam kung makukonsidera ko pa bang matinong trabaho ito o hindi na.

Tama ba 'tong pinasok ko?

Kaugnay na kabanata

  • Craving Pleasure   KABANATA 5

    KABANATA 5: First DisasterNALA“Come to my office.”Marahas akong huminga ng malalim at saka umirap sa hangin nang marinig ko na naman ang boses ni Hugo sa intercom na naka-connect sa lamesa ko sa pang-apat na pagkakataon. Hindi pa nga umiinit ang pwet ko sa upuan tapos tatawagin niya na naman ako. Hindi ko alam kung nananadya ba siya para mainis ako o ano.Padabog akong tumayo mula sa pagkakaupo ko sa swivel chair dahilan upang mapalingon sa akin ang ilang empleyado na abala sa ginagawa dahil sa naging ingay nito.Alam kong kanina pa sila nag tataka dahil pang-apat na beses na akong pinatawag ngayong umaga. Una, pinababa ako sa 12th floor para kumuha ng isang document sa HR department. Pangalawa, pinababa niya naman ako sa 19th floor para kuhain ang mga document na kailangan kong i-incode tapos ise-send ko sa kaniya through email. Pangatlo, pinahanap niya sa akin ang proposal document ng isang kilalang kumpaniya sa tambak na papel sa opisina niya dahil kailangan niya daw basahin.W

    Huling Na-update : 2023-07-12
  • Craving Pleasure   KABANATA 6

    KABANATA 6: CoffeeNALAMariin kong ipinikit ang mga mata ko matapos kong hithitin ang malborong nakaipit sa daliri ko pagkatapos ay binuga ko ang makapal na usok na galing sa bibig ko.Nandito ako ngayon sa labas ng bahay ko para mag yosi. Ayaw ko kasing mag-amoy sigarilyo sa loob ng bahay kaya nandito ako sa labas kagaya ng nakasanayan ko.Kakauwi ko lang galing sa trabaho dahil tinapos ko talaga ang mga kailangan kong gawin bago ako umalis sa opisina.“Oh? Mukang pagod na pagod ka ah.” Iminulat ko ang mga mata ko nang marinig ko ang boses ni Lawrence. Nakatayo siya sa harap ko habang nakapasok ang dalawang kamay niya sa loob ng bulsa ng suot niyang cargo shorts.“Kumusta nakahanap ka na ba ng trabaho?” tanong ko at muling naghithit ng sigarilyo.“Hulaan mo,” panunuya niya.Inirapan ko siya at tinapon ang upos na sigarilyo sa simento at inapakan ‘yon.“Bahala ka sa buhay mo,” sabi ko at umirap.“Ikaw naman hindi mabiro. Opo nakahanap na po ako ng trabaho, madame.”“Talaga? Ano’ng tr

    Huling Na-update : 2023-07-13
  • Craving Pleasure   KABANATA 7

    KABANATA 7: GlancesHUGOA smirk formed on my lips when Nala suddenly rushed towards the door with a flushed face after that delectable kiss that we’d shared a few minutes ago. I bit my lower lip to prevent a smile from escaping from my lips. I sat in my swivel chair with my feet crossed over each other. Still looking at the door.After I’d kissed her yesterday, hindi na mawala sa isip ko ang mapupula at matatamis niyang labi. It was just a quick kiss, but fuck—I’d gotten addicted to it real quick! And when I saw her red lips a while ago, it hypnotised me to kiss her, so I did.In my twenty-eight years of existence, this is just the first time I’ve felt this way. My heart is pounding loudly inside my chest when she’s around. My blood inside my veins was being active like crazy. And my cock behind my undergarment is always reacting when she’s near me. Her presence has a big effect on my entire system! And this is fucking bad!All this time, torturing and killing without mercy became se

    Huling Na-update : 2023-07-14
  • Craving Pleasure   KABANATA 8

    KABANATA 8: TogetherNALA“Mauna na ako sa’yo Nala. Ingat ka sa pag-uwi ah,” paalam ni Miri na siyang pinakahuling empleyado na nandito sa floor bukod sa akin. Nag-overtime kasi ngayon sa trabaho dahil natambakan siya ng mga paper works kanina.Tumango ako at pilit na ngumiti. “Ingat ka rin.”“Syempre naman. Ipapakilala mo pa ‘ko kay Lawrence, remember? Kita tayo bukas!” Kumaway muna siya bago tuluyang umalis.Muli na namang dumako ang paningin ko sa cellphone kong de keypad para tingnan kung anong oras na. Pagkatapos ay sa pinto naman ng opisina ni Hugo nabaling ang tingin ko na hanggang ngayon ay nakasarado pa rin.Alas-dose na ng gabi pero hindi pa ako umuuwi dahil hindi pa rin umuuwi si Hugo. Gusto ko na sanang magpaalam na mauuna na pero hindi naman pwede dahil isa sa rules dito sa opisina na bawal akong umalis kapag hindi pa umuuwi ang boss unless he told me to go first.I took a deep breath and sipped coffee from a disposable cup. I focused my eyes on the desktop again and cont

    Huling Na-update : 2023-07-15
  • Craving Pleasure   KABANATA 9

    KABANATA 9: AmbushNALA“Make sure to understand every single detail in that seminar, Nala. This will help you for your future work as my secretary, do you understand?”Huminga ako ng malalim nang pumasok na naman sa utak ko ang sinabi sa akin ni Hugo kahapon.Sa loob ng dalawang linggo kong pagtatrabaho sa Fabellon Enterprise, puro mga paper works lang naman ang pinapagawa niya sa akin. Immune na rin siguro ang mata ko sa monitor ng desktop dahil sa dami ng pinapagawa niya sa akin. Hindi niya na rin sa akin ulit binigay ang mga schedule niya pero may mga meeting siyang nagaganap sa conference room ng hindi ko alam.At kahapon, nang ibigay ko sa kaniya ang mga dukumento na galing sa HR department, sinabi niya sa akin na kailangan ko daw dumalo sa tatlong araw na seminar na gaganapin sa isang five-star hotel dito sa Batangas. Masyadong malayo at matagal pero sabi ni Hugo sagot naman daw ng kumpaniya ang lahat ng gastusin at ang tutuluyan namin. Bukod kasi sa akin ay may apat pa akong m

    Huling Na-update : 2023-07-16
  • Craving Pleasure   KABANATA 10

    KABANATA 10: PlansNALAUnti-unti kong binuksan ang mata ko dahil may narinig akong nabasag na siyang gumising na natutulog kong diwa. Kasunod nito ang malutong ngunit mahinang mura na nagmumula sa pamilyar na tinig.Napabalikwas ako ng bangon mula sa pagkakahiga sa malambot at puting kama nang mapagtanto na nakatulog pala ako habang hinihintay si Hugo na makabalik galing sa five-star hotel na nagkakagulo pa rin bago kami umalis. Pagkaakyat namin sa rooftop ng five-star hotel, sumakay kaagad kami sa chopper at binaba kami sa helipad ng isang yate. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Ang alam ko lang ay nasa dagat kami ngayon.Sa kadahilanang nakapatay ang ilaw kaya hindi ko malinaw na maaninag si Hugo pero base sa nakikita kong pigura ay nakaupo siya sa sofa na hindi kalayuan sa kama kung saan ako.“Hugo?” tawag ko sa kaniya kaya nag-angat siya ng tingin sa direksiyon ko. Tila naging glow in the dark ang kakaibang kulay ng mata niya nang magtamang muli ang paningin naming dalawa sa

    Huling Na-update : 2023-07-17
  • Craving Pleasure   KABANATA 11

    KABANATA 11: Upper DeckNALAPinabayaan ko lang ang natural kong kulay brown na buhok na liparin ng hangin habang nakahawak ang kamay ko sa glass railing ng yate dito sa front deck. Ang asul na kulay ng dagat lang ang aking nakikita. Wala man lang akong natatanaw kahit isla na pwede naming tigilan.Alas syete pa lang pero gising na gising na kaagad ang diwa ko. Hindi ko nga alam kung nakatulog ba ako ng mahimbing kagabi pagkatapos ng mga nalaman ko. Basta nagising na lang ako wala na si Hugo sa cabin kung saan kami nag-usap pati ang mga gamit niya ay wala na rin roon. Hindi ko alam kung saan siya natulog pero sigurado naman ako na hindi niya ako iiwan dito mag-isa lalo na’t may sugat pa siya. Natulog siguro siya sa kabilang cabin.Huminga ako ng malalim nang pumasok na naman sa isip ko ang pinag-usapan namin ni Hugo kagabi. Marami pa akong tinanong sa kaniya pero lahat ‘yon ay tinanggihan niya nang sagutin kaya wala rin lang naman akong napala.Dumako ang paningin ko sa floral maxi d

    Huling Na-update : 2023-07-18
  • Craving Pleasure   KABANATA 12

    KABANATA 12: Training NALA Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na para bang ano mang oras ay tatalon iyon palabas sa dibdib ko. Nararamdaman ko rin ang pangingilid ng luha ko habang nakatingin sa naglo-loading na screen ng laptop ni Hugo. “Tsk. Wala pa nga. Bakit ka na umiiyak?” supladong tanong ni Hugo na nasa tabi kong nakaupo sa sofa. Nakapatong sa ibabaw ng glass center table ang laptop niya at parehas kaming nakaharap doon. Mas lalo akong mapasinghot at tiningnan siya ng masama pero hindi ako nagsalita para kontrahin siya o ano pa man. Puro pag-ikot lang ang nangyayari sa screen ng laptop niya habang naghihintay kami. “Mahina ba ang signal dito? Ang yaman-yaman mo pero ‘yong wifi mo naman bulok,” walang pag-aalinlangang kumento ko habang napupunas ng luha gamit ang tissue na halos maubos ko na sa tissue box. Tiningnan niya ako ng masama. “It’s your fault because you’re crying.” “Kailan pa naging kasalanan ang pag-iyak?! ‘Tsaka naka-connect ba ang luha ko sa internet? Hindi

    Huling Na-update : 2023-07-19

Pinakabagong kabanata

  • Craving Pleasure   WAKAS

    WAKASHUGOAs I sit on the terrace of my condo unit, sipping a glass of rum, I am captivated by the city of Brussels. The city is a vibrant mix of old and new, with stunning architecture that tells a story of centuries past.The Grand Place, with its ornate buildings and intricate facades, is a true masterpiece. The Atomium, a modern marvel, stands tall in the distance, symbolizing the city's forward-thinking nature.The streets are alive with the sound of laughter and chatter as locals and tourists alike explore the countless shops and cafes.The scent of Belgian waffles fills the air, tempting me to indulge in a sweet treat. As the sun sets, the city comes alive with a kaleidoscope of lights, illuminating the night sky.It’s been two years and three months since I moved here to give Nala the space she wanted. Honestly, it’s hard without her by my side because I know that she’s my strength that keeps me alive, yet I need to respect her decision.I know that she loves me. Hanggang nga

  • Craving Pleasure   KABANATA 51

    KABANATA 51: ForgivenessNALA“I’m sorry, Hugo…” Iyon ang unang lumabas sa bibig ko habang nakatingin sa mga mata niya.Nanggilid ang luha sa mata ko habang inaalala ang mga nangyari noon. Kung paano kami maging masaya sa piling ng isa’t isa. Kung paano namin nalagpasan ang lahat ng pagsubok ng magkasama at kung paano ako sumuko ng sobrang bilis.Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at saka yumuko. Hindi siya tumugon kaya muli akong nagsalita. Gusto kong sabihin ang lahat ng gusto kong sabihin bago pa mahuli ang lahat.“I’m sorry for hurting you back then. I’m sorry for being too much and not thinking about how you feel. Hindi ko naisip na nasasaktan ka rin sa pagkamatay ni Lorcan.”“L-Lorcan?” tanong niya.Ngumiti ako pero hindi iyon umabot sa mata ko. “Lorcan ang ipinangalan ko sa anak natin. Lorcan Amani Cabral Fabellon.”Nanlaki ang mata niya na tila hindi makapaniwala sa sinabi ko. “D-Did you just really follow his last name with me?” hindi makapaniwalang tanong niya.Kinagat ko a

  • Craving Pleasure   KABANATA 50

    KABANATA 50: GardenNALANakangiti ako sa human-size mirror habang tinitingnan ang sarili ko suot ang royal blue evening gown na pinadala kanina ni Tito Gael para sa event na dadaluhan ko ngayong gabi kasama si Mr. Joseph Zuniga.Manghang-mangha ako habang walang sawang pinagmamasdan ang gown na suot ko na tila isa iyong bula na biglang mawawala kapag kinurap ko ang mga mata ko.Ang gown features ay strapless sweetheart neckline na mas nakapagpatingkad sa balikat at collarbone ko. Ang bodice ng gown naman ay iniayon sa pagiging perpekto. Yumayakap ito sa baywang ko at lumilikha ng isang eleganteng silweta. Samantalang ang skirt naman ay floor-length A-line style.Napansin ko rin na ang telang ginamit ay mamahaling satin na sigurado akong mahal pa kaysa sa sahod ko. Hindi ito makati sa balat hindi kagaya ng ibang mamahaling damit na mainit na nga makati pa. Pinalamutian rin ito ng madaming beading at sequin na siyang limilikha ng shimmering effect sa ilalim ng mga ilaw.Ang gown featur

  • Craving Pleasure   KABANATA 49

    KABANATA 49: DrunkNALA“Do I look like a bouncer to you?”Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ang sobrang pamilyar na baritonong boses na ‘yon. Nahigit ko ang aking hininga nang unti-unti siyang lumingon sa gawi ko at doon ko nakumpirma ang aking hinala.Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksiyon. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Biglang nagkabuhol-buhol ang matino kong pag-iisip dahil sa mabilis na pangyayari.Napalunok ako nang bumilis ang tibok ng puso ko nang tumama ang gunmetal blue niyang mga mata na kinahuhumalingan ko ng sobra noon. Kanina lang ay iniisip ko siya tapos ngayon ay nandito na siya ngayon sa harapan ko. Tatlong taon na ang nakakalipas nang huli ko siyang makita at masasabi kong sobrang dami niyang pinagbago physically.Mas lalong naging mature ang muka niya. Mula sa mga mata niyang parang palaging nang-aakit, ang kaniyang makapal na kilay at matangos na ilong ay mas lalong nadipina. Ang kaniyang labi na mas lalong pumula sa natural

  • Craving Pleasure   KABANATA 48

    KABANATA 48: New LifeNALA“Uy, sunod ka na lang Nala, ha? Hihintayin ka namin doon,” paalala ni Jenna na nakahanda na sa pag-alis kasama ang iba pa naming katrabaho.Ngumiti naman ako at tumango sa kaniya. “Sige. Mag-iingat kayo!” dagdag ko pa.Nang makaalis na sila ay pinagpatuloy ko na ang pagliligpit ng mga gamit ko sa lamesa ko. Alas tres na ng hapon at mag-o-out na kami sa trabaho. Maaga talaga kaming nag-o-out kapag biyernes dahil walang pasok sa opisina kinabukasan. Weekdays lang kasi ang pasok namin na pinagpapasalamat ko naman.Saktong pagkapatay ko ng lampshade sa table ko ay tumunog naman ang aking cellphone na nasa loob ng aking bag. Kinuha ko ‘yon at mabilis kong sinagot ang tawag nang makita ko ang pangalan na naka-flash sa screen nito.“Hello, Tito Gael?” bungad ko pagkasagot ko.“Hello, hija. Did I disturb something?”Umiling naman ako kaagad kahit hindi niya ako nakikita. “Wala naman po, Tito. Sa katunayan po ay paalis na po ako. May ipag-uutos ka po ba?”“Can you co

  • Craving Pleasure   KABANATA 47

    KABANATA 47: BegNALA“Kumain ka na, Nala. Magkakasakit ka sa ginagawa mong ‘yan,” sabi ni Lawrence matapos niyang kumatok mula sa labas ng kwarto ko dito sa bahay ko sa Parañaque.“Iwan mo na sabi ako, Lawrence. Kaya ko ang sarili ko. Umalis ka na!” pagtataboy ko sa kaniya sa hindi mabilang na pagkakataon habang nakatalukbong ng kumot.Simula nang pumunta siya kaninang alas nuwebe ng umaga dito sa bahay ay hindi niya na ako tinantanan. Maya’t maya siya kumakatok at nagsisimula na akong mairita.Dito ako pumunta pagkatapos naming mag-usap ni Hugo kahapon sa may park. Hindi ko alam kung tamang desisyon ba na dito ako sa bahay dumiretso o hindi. Naaalala ko kasi ang mga memories naming dalawa dito. Sa bawat sulok ng bahay na ‘to ay nakikita ko siya kahit hindi ko naman siya kasama.Magang-maga na ang mata ko kakaiyak. Simula kahapon ay hindi pa ‘ko kumakain at ang tanging ginawa ko lang ay umiyak nang umiyak hanggang sa mapagod ako.Halo-halo na ang emosiyon ko at sobrang bigat ng dibdi

  • Craving Pleasure   KABANATA 46

    KABANATA 46: PainNALALumabas ako ng hospital na halo-halo ang emosiyon. Gusto kong sumigaw pero parang wala akong boses. Gusto kong umiyak pero parang wala akong lakas para humagulhol. Nanginginig ang kamay ko habang wala sa sarili na naglalakad sa tabi ng kalsada, walang pakialam kung mahagip man ako ng mga sasakyan.Mainit ang sinag ng araw pero wala akong maramdamang hapdi. Namamanhid ang buong katawan ko dahil sa aking nalaman.I felt betrayed.All this time hindi na pala ako buntis. Dalawang linggo akong walang alam sa nangyari sa anak ko! Hindi ko man lang magawang magluksa dahil pinagkait nila sa akin ang totoo!Ang sakit! Sobrang sakit bilang isang ina na mawalan ng anak. Hindi ko man lang siya nakita, nahawakan, nahalikan o ano pa man. Hindi ko man lang naparamdam sa kaniya ang alagaan ng isang ina. Hindi ko man nagawang humingi ng tawad ng mas maaga. Napabayaan ko siya. Hindi ko siya nagawang protektahan!Kasalanan ko ‘to.Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng paa ko sa

  • Craving Pleasure   KABANATA 45

    KABANATA 45: ChildNALANauna akong nagising kay Hugo kinabukasan. Dahan-dahan pa akong bumangon para hindi siya magising. Sa pagkakaalala ko kasi ay hindi kaagad siya natulog pagkatapos namin gawin ang bagay na ‘iyon’ kaya alam kong puyat pa siya. Hindi ko alam kung ano pa ang ginawa niya dahil nakatulog na kaagad ako kagabi.Pumasok ako sa banyo para maghilamos at magsipilyo. Pagkatapos ay bumaba naman ako para maghanda ng almusal. Hindi naman siguro makakasama sa ‘kin kung gumalaw ako dito sa bahay, ‘di ba? Okay naman na ako sabi ng doktor.Suot ko pa rin ang maluwag na damit ni Hugo nang makababa ako. Okay lang naman ‘yon dahil kaming dalawa lang naman ni Hugo dito sa loob ng bahay pero may mga guards pa rin naman sa labas.Wala na si Daniel Cordova na siyang pinagpapasalamat ko. Hindi ko alam kung buhay pa siya pero siniguro sa akin ni Hugo na hindi niya na ako— kami guguluhin ulit. May tiwala ako sa kaniya kaya naniniwala ako sa sinabi niya.At dahil nga tapos na ang laban namin

  • Craving Pleasure   KABANATA 44

    KABANATA 44: BathNALA“So, how are you feeling? Don’t you feel anything strange about your body?” tanong ni Doc Tami habang nagbabalat siya ng orange.Umiling naman ako. “Okay na ‘ko, Doc Tami. Actually, pwede na nga ‘kong ma-discharge ngayon eh,” biro ko.Doc Tami pa rin ang tawag ko sa kaniya kahit alam kong kapatid ko siya dahil hindi pa ako komportableng tawagin siyang Ate o Ate Tami. Nasabi ko na rin naman ‘yon sa kaniya no’ng pangalawang araw simula nang magising ako at naiintidihan niya naman daw. Understandable naman daw ang nararamdaman ko dahil kakikilala pa lang namin. Everything takes time nga raw sabi niya.Tumaas naman ang kilay niya. “Don’t be so sure. Baka mamaya niyan kung kaylan na-discharge ka na ‘tsaka ka naman makakaramdam ng iba.”Ngumuso naman ako. “May gano’n ba?”“Of course. Hindi naman imposible ‘yon. May mga naging patient ako dati na kakalabas lang ng hospital pero bumalik kaagad dahil may naramdaman daw na ganito tapos ganiyan,” pagkwe-kwento niya. “Here.

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status