KABANATA 51: ForgivenessNALA“I’m sorry, Hugo…” Iyon ang unang lumabas sa bibig ko habang nakatingin sa mga mata niya.Nanggilid ang luha sa mata ko habang inaalala ang mga nangyari noon. Kung paano kami maging masaya sa piling ng isa’t isa. Kung paano namin nalagpasan ang lahat ng pagsubok ng magkasama at kung paano ako sumuko ng sobrang bilis.Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at saka yumuko. Hindi siya tumugon kaya muli akong nagsalita. Gusto kong sabihin ang lahat ng gusto kong sabihin bago pa mahuli ang lahat.“I’m sorry for hurting you back then. I’m sorry for being too much and not thinking about how you feel. Hindi ko naisip na nasasaktan ka rin sa pagkamatay ni Lorcan.”“L-Lorcan?” tanong niya.Ngumiti ako pero hindi iyon umabot sa mata ko. “Lorcan ang ipinangalan ko sa anak natin. Lorcan Amani Cabral Fabellon.”Nanlaki ang mata niya na tila hindi makapaniwala sa sinabi ko. “D-Did you just really follow his last name with me?” hindi makapaniwalang tanong niya.Kinagat ko a
WAKASHUGOAs I sit on the terrace of my condo unit, sipping a glass of rum, I am captivated by the city of Brussels. The city is a vibrant mix of old and new, with stunning architecture that tells a story of centuries past.The Grand Place, with its ornate buildings and intricate facades, is a true masterpiece. The Atomium, a modern marvel, stands tall in the distance, symbolizing the city's forward-thinking nature.The streets are alive with the sound of laughter and chatter as locals and tourists alike explore the countless shops and cafes.The scent of Belgian waffles fills the air, tempting me to indulge in a sweet treat. As the sun sets, the city comes alive with a kaleidoscope of lights, illuminating the night sky.It’s been two years and three months since I moved here to give Nala the space she wanted. Honestly, it’s hard without her by my side because I know that she’s my strength that keeps me alive, yet I need to respect her decision.I know that she loves me. Hanggang nga
“Ano kaya mo ba talagang gawin ‘to?” nag-aalalang tanong ni Lawrence habang naglalakad kami sa madilim na iskinita.Bahagya naman akong tumawa para matakpan ang pag-aalinlangan na nabubuo sa dibdib ko. Mabuti na lang ay madilim sa iskinita kung nasaan kami kaya hindi niya makita ang buong histura ko at kung paano ako nag-aalinlangan. “Oo naman,” kalmadong sagot ko sa kaniya.Huminga naman siya nang malalim at seryosong tumingin sa akin.“Huwag kang magsinungaling sa akin, Nala. Kilala kita. P'wede kang magsinungaling sa lahat pero hindi sa akin. Alam ko namang ayaw mo talagang gawin ang bagay na ‘to.”Alam mo naman pala e. Bakit nagtanong ka pa?Tumigil kami sa paglalakad nang malapit na kaming makalabas sa eskinita. Hinarap ko siya. Kahit madilim ay nakikita ko pa rin ang pag-aalala sa mga mata ni Lawrence. Bukod sa kaniya ay wala nang ibang nag-aalala sa sitwasyon ko kaya grabe talaga ang pasalamat ko sa kaniya kasi hindi niya ako iniwan.“Alam ko. Mas kilala mo pa yata ako kaysa sa
NALA“Anak ka ng tupa! Sinabi mo ba na nakita niya ang muka mo?!” nanlalaki ang matang tanong ni Lawrence matapos ko sa kaniyang ikwento ang nangyari kanina.Umirap ako. “Oo nga sabi! Paulit-ulit? Paulit-ulit? Kaya nga binibilin ko na sa 'yo si Nadine, ‘di ba?” inis na sabi ko at saka uminom ng redhorse beer na nasa baso ko. Ang mapait na lasa nito ay humagod sa lalamunan ko.“Tanga ka ba? Magpapahuli ka talaga? Wala ka bang balak magtago o tumakas sa mga pulis?!”“Tanga ka rin ba? Akala mo ba hindi ko naisip ‘yon? S'yempre ayaw kong makulong Lawrence pero illegal naman kasi talaga ang ginawa natin. Hindi ako nagpapaka santo rito dahil kahit ako, napakinabangan ko kahit papaano ang perang ninakaw ko pero handa akong pagbayaran ‘yon. Hindi ako tatakbo dahil alam kong may kasalanan naman talaga ako. Sapat na ang perang nanakaw ko kanina para sa pangbili ng gamot ni Nadine at pangbayad ng ilang bills. Babayaran ko na lang iyon sa kulungan.”Hindi siya nakasagot. Kinuha ko ang bote ng redh
NALANanlalaki ang mga mata ko habang tinuturo ang lalaking p'werteng nakaupo sa bachelor’s couch na nasa harapan ng malaking kama kung saan ako nakaupo ngayon. Naka-cross pa ang dalawang hita niya sa isa't isa.Wait, kama? Ano'ng ginagawa ko rito? Ano'ng lugar ‘to? Hindi kaya pinagsamantalahan na ako ng lalaking ‘to?!Nagsalubong ang dalawang makakapal na kilay niya at may multong ngisi na nagpakurba sa labi niya.“I did nothing to you, woman,” turan niya na parang nabasa kung ano ang nasa isip ko at saka siya tumayo.“Gago ka! Ano'ng ginawa mo sa ‘kin?! Saan mo ako dinala?!” sigaw ko at akmang tatayo ngunit natumba rin kaagad dahil sa pagkahilo. Mabuti na lang malabot ang kama.“I told you. I did nothing to you.” Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. “You’re too far from my standard. You’re not even beautiful,” dagdag niya pa.“Aba’t! Tarantado ka ah! Akala mo naman kung sinong gwapo!”Tiningnan ko rin siya mula ulo hanggang paa. Nakasuot siya ng kulay itim na button down long sl
HUGO"Where is it?" I seriously asked Fang as I got out of the room where Nala was staying."Pamposh Tower, my Lord. Lobby," he answered.He handed me a stick of cigarettes and lit it up. I held it between my index and middle finger before inhaling the smoke as much as I could. I exhaled, a mellow sensation rolled through my bloodstream like a warm bath. Fuck, that was good.Fang is one of my subordinate but I honestly don’t trust him. Well, I don’t trust anyone, to be exact, and Fang wasn’t an exemption.I licked my lower lip and hopped inside the car as we got out of the mansion. Tiningnan ko muna ang pwesto ng kwarto kung saan nandoon ang babaeng iyon bago tuluyang umalis ang sasakyan.I leaned against the headrest and closed my eyes. I couldn’t help my lips to form a smirk as I thought of that woman’s furious face a while ago.My jaw clenched. I can’t fucking forgive her for kicking off my balls that night. Pero mas hindi ko siya kayang patawarin dahil sa naging epekto niya sa ‘kin
KABANATA 4: First dayNALA“Fabellon Enterprise…” bulong ko ‘tsaka inilagay ang kamay sa ibabaw ng kilay at tinanaw ang malaking pangalan na nakalagay sa building na nasa harapan namin ngayon.Maraming empleyado ang kasalukuyang pumapasok sa nasabing kumpaniya. Ang iba ay nagmamadali at ang iba naman ay mabagal lang kung maglakad. Isang tipikal na araw para sa kanila ngunit para sa akin ay ito na ang simula ng kalbaryo ng buhay ko.“Sigurado ka bang ito na ‘yon Nala?” tanong ni Lawrence habang tinitingnan ang papel kung saan nakasulat ang address nitong building. Hinatid niya kasi ako papunta dito.Bumaling ako sa kaniya at tumango.“Ito na nga,” mahinang turan ko at nag-iwas ng tingin sa kaniya.Hindi ko kayang tumingin sa kaniya dahil sobrang bigat pa rin ng dibdib ko dahil sa naging desisyon ko tatlong araw na ang nakakalipas.Ginulo niya ang brown kong buhok na nakagawian niya na at saka ngumiti ng malapad.“Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na hindi ka tuluyang nakulong, Nala.
KABANATA 5: First DisasterNALA“Come to my office.”Marahas akong huminga ng malalim at saka umirap sa hangin nang marinig ko na naman ang boses ni Hugo sa intercom na naka-connect sa lamesa ko sa pang-apat na pagkakataon. Hindi pa nga umiinit ang pwet ko sa upuan tapos tatawagin niya na naman ako. Hindi ko alam kung nananadya ba siya para mainis ako o ano.Padabog akong tumayo mula sa pagkakaupo ko sa swivel chair dahilan upang mapalingon sa akin ang ilang empleyado na abala sa ginagawa dahil sa naging ingay nito.Alam kong kanina pa sila nag tataka dahil pang-apat na beses na akong pinatawag ngayong umaga. Una, pinababa ako sa 12th floor para kumuha ng isang document sa HR department. Pangalawa, pinababa niya naman ako sa 19th floor para kuhain ang mga document na kailangan kong i-incode tapos ise-send ko sa kaniya through email. Pangatlo, pinahanap niya sa akin ang proposal document ng isang kilalang kumpaniya sa tambak na papel sa opisina niya dahil kailangan niya daw basahin.W
WAKASHUGOAs I sit on the terrace of my condo unit, sipping a glass of rum, I am captivated by the city of Brussels. The city is a vibrant mix of old and new, with stunning architecture that tells a story of centuries past.The Grand Place, with its ornate buildings and intricate facades, is a true masterpiece. The Atomium, a modern marvel, stands tall in the distance, symbolizing the city's forward-thinking nature.The streets are alive with the sound of laughter and chatter as locals and tourists alike explore the countless shops and cafes.The scent of Belgian waffles fills the air, tempting me to indulge in a sweet treat. As the sun sets, the city comes alive with a kaleidoscope of lights, illuminating the night sky.It’s been two years and three months since I moved here to give Nala the space she wanted. Honestly, it’s hard without her by my side because I know that she’s my strength that keeps me alive, yet I need to respect her decision.I know that she loves me. Hanggang nga
KABANATA 51: ForgivenessNALA“I’m sorry, Hugo…” Iyon ang unang lumabas sa bibig ko habang nakatingin sa mga mata niya.Nanggilid ang luha sa mata ko habang inaalala ang mga nangyari noon. Kung paano kami maging masaya sa piling ng isa’t isa. Kung paano namin nalagpasan ang lahat ng pagsubok ng magkasama at kung paano ako sumuko ng sobrang bilis.Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at saka yumuko. Hindi siya tumugon kaya muli akong nagsalita. Gusto kong sabihin ang lahat ng gusto kong sabihin bago pa mahuli ang lahat.“I’m sorry for hurting you back then. I’m sorry for being too much and not thinking about how you feel. Hindi ko naisip na nasasaktan ka rin sa pagkamatay ni Lorcan.”“L-Lorcan?” tanong niya.Ngumiti ako pero hindi iyon umabot sa mata ko. “Lorcan ang ipinangalan ko sa anak natin. Lorcan Amani Cabral Fabellon.”Nanlaki ang mata niya na tila hindi makapaniwala sa sinabi ko. “D-Did you just really follow his last name with me?” hindi makapaniwalang tanong niya.Kinagat ko a
KABANATA 50: GardenNALANakangiti ako sa human-size mirror habang tinitingnan ang sarili ko suot ang royal blue evening gown na pinadala kanina ni Tito Gael para sa event na dadaluhan ko ngayong gabi kasama si Mr. Joseph Zuniga.Manghang-mangha ako habang walang sawang pinagmamasdan ang gown na suot ko na tila isa iyong bula na biglang mawawala kapag kinurap ko ang mga mata ko.Ang gown features ay strapless sweetheart neckline na mas nakapagpatingkad sa balikat at collarbone ko. Ang bodice ng gown naman ay iniayon sa pagiging perpekto. Yumayakap ito sa baywang ko at lumilikha ng isang eleganteng silweta. Samantalang ang skirt naman ay floor-length A-line style.Napansin ko rin na ang telang ginamit ay mamahaling satin na sigurado akong mahal pa kaysa sa sahod ko. Hindi ito makati sa balat hindi kagaya ng ibang mamahaling damit na mainit na nga makati pa. Pinalamutian rin ito ng madaming beading at sequin na siyang limilikha ng shimmering effect sa ilalim ng mga ilaw.Ang gown featur
KABANATA 49: DrunkNALA“Do I look like a bouncer to you?”Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ang sobrang pamilyar na baritonong boses na ‘yon. Nahigit ko ang aking hininga nang unti-unti siyang lumingon sa gawi ko at doon ko nakumpirma ang aking hinala.Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksiyon. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Biglang nagkabuhol-buhol ang matino kong pag-iisip dahil sa mabilis na pangyayari.Napalunok ako nang bumilis ang tibok ng puso ko nang tumama ang gunmetal blue niyang mga mata na kinahuhumalingan ko ng sobra noon. Kanina lang ay iniisip ko siya tapos ngayon ay nandito na siya ngayon sa harapan ko. Tatlong taon na ang nakakalipas nang huli ko siyang makita at masasabi kong sobrang dami niyang pinagbago physically.Mas lalong naging mature ang muka niya. Mula sa mga mata niyang parang palaging nang-aakit, ang kaniyang makapal na kilay at matangos na ilong ay mas lalong nadipina. Ang kaniyang labi na mas lalong pumula sa natural
KABANATA 48: New LifeNALA“Uy, sunod ka na lang Nala, ha? Hihintayin ka namin doon,” paalala ni Jenna na nakahanda na sa pag-alis kasama ang iba pa naming katrabaho.Ngumiti naman ako at tumango sa kaniya. “Sige. Mag-iingat kayo!” dagdag ko pa.Nang makaalis na sila ay pinagpatuloy ko na ang pagliligpit ng mga gamit ko sa lamesa ko. Alas tres na ng hapon at mag-o-out na kami sa trabaho. Maaga talaga kaming nag-o-out kapag biyernes dahil walang pasok sa opisina kinabukasan. Weekdays lang kasi ang pasok namin na pinagpapasalamat ko naman.Saktong pagkapatay ko ng lampshade sa table ko ay tumunog naman ang aking cellphone na nasa loob ng aking bag. Kinuha ko ‘yon at mabilis kong sinagot ang tawag nang makita ko ang pangalan na naka-flash sa screen nito.“Hello, Tito Gael?” bungad ko pagkasagot ko.“Hello, hija. Did I disturb something?”Umiling naman ako kaagad kahit hindi niya ako nakikita. “Wala naman po, Tito. Sa katunayan po ay paalis na po ako. May ipag-uutos ka po ba?”“Can you co
KABANATA 47: BegNALA“Kumain ka na, Nala. Magkakasakit ka sa ginagawa mong ‘yan,” sabi ni Lawrence matapos niyang kumatok mula sa labas ng kwarto ko dito sa bahay ko sa Parañaque.“Iwan mo na sabi ako, Lawrence. Kaya ko ang sarili ko. Umalis ka na!” pagtataboy ko sa kaniya sa hindi mabilang na pagkakataon habang nakatalukbong ng kumot.Simula nang pumunta siya kaninang alas nuwebe ng umaga dito sa bahay ay hindi niya na ako tinantanan. Maya’t maya siya kumakatok at nagsisimula na akong mairita.Dito ako pumunta pagkatapos naming mag-usap ni Hugo kahapon sa may park. Hindi ko alam kung tamang desisyon ba na dito ako sa bahay dumiretso o hindi. Naaalala ko kasi ang mga memories naming dalawa dito. Sa bawat sulok ng bahay na ‘to ay nakikita ko siya kahit hindi ko naman siya kasama.Magang-maga na ang mata ko kakaiyak. Simula kahapon ay hindi pa ‘ko kumakain at ang tanging ginawa ko lang ay umiyak nang umiyak hanggang sa mapagod ako.Halo-halo na ang emosiyon ko at sobrang bigat ng dibdi
KABANATA 46: PainNALALumabas ako ng hospital na halo-halo ang emosiyon. Gusto kong sumigaw pero parang wala akong boses. Gusto kong umiyak pero parang wala akong lakas para humagulhol. Nanginginig ang kamay ko habang wala sa sarili na naglalakad sa tabi ng kalsada, walang pakialam kung mahagip man ako ng mga sasakyan.Mainit ang sinag ng araw pero wala akong maramdamang hapdi. Namamanhid ang buong katawan ko dahil sa aking nalaman.I felt betrayed.All this time hindi na pala ako buntis. Dalawang linggo akong walang alam sa nangyari sa anak ko! Hindi ko man lang magawang magluksa dahil pinagkait nila sa akin ang totoo!Ang sakit! Sobrang sakit bilang isang ina na mawalan ng anak. Hindi ko man lang siya nakita, nahawakan, nahalikan o ano pa man. Hindi ko man lang naparamdam sa kaniya ang alagaan ng isang ina. Hindi ko man nagawang humingi ng tawad ng mas maaga. Napabayaan ko siya. Hindi ko siya nagawang protektahan!Kasalanan ko ‘to.Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng paa ko sa
KABANATA 45: ChildNALANauna akong nagising kay Hugo kinabukasan. Dahan-dahan pa akong bumangon para hindi siya magising. Sa pagkakaalala ko kasi ay hindi kaagad siya natulog pagkatapos namin gawin ang bagay na ‘iyon’ kaya alam kong puyat pa siya. Hindi ko alam kung ano pa ang ginawa niya dahil nakatulog na kaagad ako kagabi.Pumasok ako sa banyo para maghilamos at magsipilyo. Pagkatapos ay bumaba naman ako para maghanda ng almusal. Hindi naman siguro makakasama sa ‘kin kung gumalaw ako dito sa bahay, ‘di ba? Okay naman na ako sabi ng doktor.Suot ko pa rin ang maluwag na damit ni Hugo nang makababa ako. Okay lang naman ‘yon dahil kaming dalawa lang naman ni Hugo dito sa loob ng bahay pero may mga guards pa rin naman sa labas.Wala na si Daniel Cordova na siyang pinagpapasalamat ko. Hindi ko alam kung buhay pa siya pero siniguro sa akin ni Hugo na hindi niya na ako— kami guguluhin ulit. May tiwala ako sa kaniya kaya naniniwala ako sa sinabi niya.At dahil nga tapos na ang laban namin
KABANATA 44: BathNALA“So, how are you feeling? Don’t you feel anything strange about your body?” tanong ni Doc Tami habang nagbabalat siya ng orange.Umiling naman ako. “Okay na ‘ko, Doc Tami. Actually, pwede na nga ‘kong ma-discharge ngayon eh,” biro ko.Doc Tami pa rin ang tawag ko sa kaniya kahit alam kong kapatid ko siya dahil hindi pa ako komportableng tawagin siyang Ate o Ate Tami. Nasabi ko na rin naman ‘yon sa kaniya no’ng pangalawang araw simula nang magising ako at naiintidihan niya naman daw. Understandable naman daw ang nararamdaman ko dahil kakikilala pa lang namin. Everything takes time nga raw sabi niya.Tumaas naman ang kilay niya. “Don’t be so sure. Baka mamaya niyan kung kaylan na-discharge ka na ‘tsaka ka naman makakaramdam ng iba.”Ngumuso naman ako. “May gano’n ba?”“Of course. Hindi naman imposible ‘yon. May mga naging patient ako dati na kakalabas lang ng hospital pero bumalik kaagad dahil may naramdaman daw na ganito tapos ganiyan,” pagkwe-kwento niya. “Here.