CHAPTER 16I DON'T think this will be a good idea. Me? With this two? I don't think it'll be great.I don't know, I just felt it. Or is it just me?Though I don't know what's bothering me, really. Minsan ko lang kasi sila nakasama at napakaikling oras pa iyon. Maiilang pa ako syempre.Pero siguro katulad sa isa nilang pinsan, kailangan ko na lang din mag-adjust. Ngayong gabi lang naman at bukas. Sa Sunday ay darating na rin naman si Sir Boss.At isa pa, dito sila nakatira sa mansion kaya kailangan ko talagang makitungo ng maayos sa dalawa. Sasanayin ko na lang ang sarili ko na makakasama ko ang tatlong Cordova dito sa mansion."Kanina pa kayo?" I asked them."Ah, not really?" Patanong na sagot ni Tyron. Napaismid ako.Anong oras na ba?Nilingon ko ang wall clock na nasa living room. 1:30 am na pala?"Kumain na ba kayo? Baka kasi nagugutom kayo, ipagluluto ko kayo ng pagkain. Steak lang din ba ang kinakain n'yo? Eh red juice?" Sunod-sunod kong tanong.Umiling iling si Tyron sabay upo
CHAPTER 17MALIWANAG na nang magising ako kinaumagahan. Hindi ko nga alam kung natulog ba talaga ako o buong madaling araw akong gising.Hindi kasi mawala sa isip ko iyong ginawa ni Tyron.Nawala lang naman s'ya sa harapan ko.Nang bigla-bigla. Ni walang pasabing biglang mawawala.For petes' sake! Kumurap lang ako saglit, nawala na sa harapan ko.Sinong hindi mabibigla roon? Di ba?How can he even do that?Kahit ang ordinaryong tao hindi kayang gawin iyong ginawa n'ya.Naghahallucinate na naman ba ako kagabi? Namalik-mata? O baka naman tulog pa ang diwa ko that time kaya wala pa sa tamang huwisyo?Pero damn it!Gising na gising ako ng mga oras na iyon kasi nga hindi ako tulog.Malamang! Kaya nga gising, kasi hindi tulog. Lutang ka pa self? Gising na, hoy!So iyon nga. Gising ako kasi hindi ako tulog. Kaya naman nakita ko talaga na bigla na lang s'yang nawala sa harap ko. Naiwan nga akong mag-isa sa ibaba dahil iniwan nila ako doon.Bumangon ako ng kama at nagtungo agad sa banyo para
CHAPTER 18LUMINGON ako sa aking likuran kung saan nanggaling ang boses. At natagpuan kong nakasandal sa railing ng hagdan si Tyron."T-Tyron. K-Kanina ka pa ba d'yan?"Naglakad ako palapit sa kanya."Si Sage?"Tumingin s'ya sa ibaba kaya sumunod din ako. Nakita kong naka-upo si Sage sa couch na nasa living room habang may hawak na libro."P-Pasensya na. Akala ko kasi tulog pa kayo, kaya gigisingin ko sana kayo para mag-almusal.""It's okay, Dollface. But next time, h'wag kang magpapahuli kay Travis na umaakyat ka rito sa itaas." Then Tyron flashed his friendly smile.Tumango naman ako."Let's go down stairs."Nauna nang bumaba si Tyron at sumunod naman ako."Nagugutom na ako. Pagpasok pa lang namin naamoy ko na agad 'yong niluto mo. Ano ba iyon?""Ah, nagluto ako ng sopas. Kumakain ba kayo no'n?"He chuckled. "Si Travis lang naman ang hindi nagsasawa sa steak. Sa pamamalagi ko sa Hacienda, napag-aralan ko nang kainin ang pagkain ng mga tao. Kaya anything na walang bawang, okay sa ak
CHAPTER 19IT'S BEEN what? Two days? Yeah, it's been two days since that unexpected accident happened.At two days na rin akong pinag-iisip nang pangyayaring iyon.Nang tanungin ko si Sage kung paano s'ya nakapunta sa ibaba ng ganoon kabilis at kung anong nilalang ba ito. Tinawanan lang ako ng siraulo.Sa tuwing napapatingin ako sa kanya, tatanungin ko s'ya tungkol sa nangyari. Pero isa lang ang isasagot n'ya sa akin."I run as fast as I could so I can saved you, stupid witch. Sino ba kasing stupido ang aakyat sa hagdan para lang ayusin ang kurtina ng mag-isa? Nagpapakamatay ka ba?"Iyan ang palagi n'yang isasagot sa akin kapag nagtatanong ako. Napapaismid na nga lang din ako dahil dati crazy witch lang ang tawag nito sa akin, pero ngayon stupid witch na rin.Pero sa huli nagpasalamat pa rin ako dahil kung hindi sa kanya, siguro bumagsak na ako at nabalian ng buto. Kahit na may panglalait pang kasama kapag nagsasalita s'ya.Okay na rin. At least ngayon alam kong hindi masamang tao si
CHAPTER 20HINDI AGAD ako nakasagot. Hindi ko naman kasi alam kung anong isasagot ko. Saka...Bakit naman naisip ni Sage na galit ako sa kanya? Baka naman nakokonsensya dahil palaging ako ang napag-iinitan ng ulo."I'm asking you, Paige. Galit ka ba?""Hah? Ah, hindi. Hindi ako galit. Bakit naman ako magagalit? Baka nga pag ako ang nagalit, mapaalis pa ako sa trabaho ko eh.""But you're so quite the whole ride. Nagsalita ka lang noong nasa Village na tayo."Eh? Why naman so affected ang lalaking ito sa pananahimik ko? "Hindi ako galit. Actually, natatahimik talaga ako kapag pinagmamasdan ko ang paligid.""Hhmmm..."Hindi na ulit kami nag-usap. Sa labas lang ako nakatingin habang busy sa pamamaneho si Sage.Pumasok kami sa isang tunnel. Sobrang dilim, walang ilaw manlang sa paligid. "Sage..." "Hhmm? Takot ka ba sa dilim?""Ah, hindi naman. Nagtataka lang ako... Paano kayo nakakapagdrive ng maayos dito kung wala kayong makita? Paano kung may bigla na lang dumaan at mabungguan?"Sa
CHAPTER 21LUMABAS kami ng OdS campus at nagtungo sa nigth market lulan ng sasakyan ni Sage.Namamangha pa rin ako sa lugar habang nakatanaw sa labas ng bintana. Tumigil ang sasakyan sa isang bakanteng lote malapit sa plaza.Nauna akong bumaba ng kotse at sumunod naman si Sage. He's now wearing his black avaitor.Artistahin yarn?Grabe ang taas ng araw. Sobrang nakakasilaw. Kailangan talaga naka-sunglass sa gabi?Hindi na rin n'ya suot ang coat, pero hawak-hawak naman ito. Tinanggal na rin ang blazer, tanging white long sleeve na lamang at necktie ang natitira."Wear this."Inabot n'ya sa akin ang hawak na coat. Nagtatakang kinuha ko naman iyon."T-Thanks."Jacket naman ang suot ko pero croptop nga lang. Kahit na, hindi naman ako nilalamig. Kinuha ko na lang din ang coat para walang masabi.Nang masuot ko iyon ay nagulat ako nang bigla na lang hinawakan ni Sage ang wrist ko sabay hila. "Hoy, dahan-dahan naman. Saka huwag mo nga akong hilahin."Pero hindi n'ya ako pinakinggan at tulo
CHAPTER 22"MAGANDANG umaga Sir Bo—oh, ikaw pala Sage. Good morning!" Masiglang bati ko sa kapapasok lang na si Sage sa kusina. As usual masama na naman ang itsura nito. Sinimangutan ako nito sabay upo sa upuan n'ya.Psh! Kaaga-aga eh! Masyadong maaga pa para masira ang mood ko dahil sa hatid na bad vibes ni Sage.Shoooooh! Kailangan nating itaboy ang masamang hangin dahil hindi iyon maganda sa umaga. Lalo na pagdating sa katulad kong maganda ang gising, kahit na madaling araw na yata ako nakatulog last night.Medyo hindi kasi ako pinatulog ni Sir Boss sa kakaisip. Arghhh, Arissa umayos ka. Nag-alala lang ang boss mo dahil nalate kayo ng uwi, iyon lang 'yon at wala nang ibang ibig sabihin."I thought you'll be dead by last night? Bakit buhay ka pa rin ngayon?"Ayurn! Ayon naman pala ang ipinagmamaktol ng isang ito."Bakit ba atat na atat kang umalis ako dito? Bakit? Ikaw ba ang nagpapasahod sa'kin?""Tsk! You don't belong here, stupid witch. You're gonna be the death of us."Hindi k
CHAPTER 23NAGING maayos naman ang first day ko sa klase. May ilang kumakausap sa akin at may ilan din na gusto lang magpapansin kay Sage na pinaglihi yata sa sama ng loob. Sinusungitan kasi agad nito ang mga nagtatangkang kumausap sa kanya.Sanay naman na daw ang iba dahil matagal na nilang kilala si Sage at kabisado na ang ugali.Ang unfair 'no?Kahit gaano pa kasungit ng lalaking iyon, ang dami pa ring nagtatangkang lumapit at kumausap. Kahit na parang hanging dideadmahin ka lang naman. At higit sa lahat, sa kabila ng kasungitan nito at pagiging mailap sa mga babae, marami pa ring nagkakagusto.Palibhasa gwapo kaya ang lakas makahatak ng babae.Ang unfair lang.Maliban sa kakaibang tingin sa akin ng ibang estudyante, wala namang nangyaring kakaiba. Masasanay din ako sa titig nila na para bang hindi ako nababagay sa lugar na ito kasam nila.Sa ngayon, deadma na lang muna.Limang oras lang ang pang gabing klase sa Oxford del Silvenia —6:00 pm to 10:00 pm. Kaklase ko si Sage sa limang