"Anong nangyayari?" Walang malay na tanong ni Fae."Hindi ko rin alam," sagot ni Richard, seryoso ang ekspresyon.Sa gilid ng kalsada, may nagtipong mga tao. Sa mismong harap nila, huminto ang isang kotse na naging sanhi para mapatigil din sila. Maraming nag-uusap-usap, ang ilan pasigaw pa."Tingnan natin," ani ni Richard bago bumaba ng kotse."Sandali!" tawag ni Fae, mabilis na inalis ang seatbelt at sumunod kay Richard.Paglapit nila, nakita nila ang isang matandang lalaki, nasa edad 60s, nakahiga at walang malay sa gitna ng kalsada. Nakapagitna siya sa mga nag-uusap na mga tao. Marami ang nagtatalo kung ano ang tunay na nangyari."Nabangga mo siya!" sigaw ng isang babae, galit na galit habang dinuduro ang driver ng kotse."Bigla siyang natumba! Hindi ko siya nabangga!" depensa naman ng driver, napapakamot ng ulo sa stress."Ikaw talaga, kita ko, binangga mo siya!" sigaw ng babae."Hoy, ako mismo nakita ko, bigla siyang natumba, wala kang karapatang manisi agad!" sabi ng isa pang la
Naging seryoso rin si Fae at nakaramdam ng kakaibang kaba matapos makita ang pagbigat ng mukha ni Richard. Tumahimik ang paligid, ang mga tao na kanina'y nag-aaway at nagtuturuan, ngayon ay tahimik na nakapalibot at naghihintay.May mahinang bumulong, "Doctor ba siya?""Oo nga, baka," sagot ng isa, sabay tango sa katabi."Grabe, nakita ko siyang bumaba dun sa Rolls-Royce... baka big time 'yan o di kaya isang bigating doctor," sabi pa ng isa, sabay turo sa kotse ni Richard.Marami pang mahihinang bulungan ang kumalat sa paligid, ang iba'y nagsasabi na baka nga eksperto sa medisina ang lalaking bumaba sa mamahaling sasakyan. Tumindi ang tingin ng mga tao kay Richard, para bang umaasa silang mailigtas niya ang matanda.Habang iyon ang nangyayari, muling sinuri ni Richard ang pulso ng matanda. Banayad niyang pinisil ang pulso nito, pagkatapos ay inilapit pa ang kanyang daliri sa ilong ng matanda para tingnan kung may paghinga pa.Napailing si Richard nang marahan, dahilan para lalo pang b
"Faerie White, sinasabi ko sa 'yo—kung hindi ka magpapakasal kay Mr. Lenard, maghanap ka na ng paraan para mabayaran ang bills ng ina mo sa ospital!"Kinuyom ni Fae ang kanyang kamao, pilit pinipigil ang matinding emosyon na nararamdaman. Si Faerie White, ang panganay na anak ng mga White sa Makati City, ay isang babaeng kilala sa kanyang tahimik ngunit matatag na paninindigan. Ngunit kahit ganoon, mahirap manatiling kalmado sa gitna ng ganitong uri ng pang-aalipusta.Ang pamilya White ay isang second-rate household sa mundo ng mga elitista—nagsusumikap makisabay ngunit laging nasa ilalim ng anino ng mas makapangyarihang pamilya."Tita Glenda!" singhal ni Fae sa babaeng nakatayo sa harap niya—si Glenda White, ang kanyang mapagkunwaring stepmother. "Hinding-hindi ako magpapakasal sa isang playboy!"Tumawa si Glenda. Isang malamig at mapanuyang tawa."Akala mo ba may pagpipilian ka?" muling banta ni Glenda. "Kung ayaw mong malagutan ng hininga ang mahal mong ina, mas mabuti pang sundin
"Richard, apo, nag-ayos ako ng isang blind date para sa 'yo."Malinaw ang tinig ni Bernard Gold, matanda na ngunit buo pa rin ang boses, habang naglalakad sa loob ng isang eleganteng luxury villa—malawak ang espasyo, marmol ang sahig, may hanging chandelier at mamahaling mga painting na nakasabit sa bawat dingding.Nakaupo sa mamahaling leather sofa ang kanyang apo, si Richard Gold, 29 years old. May seryosong tindig, matangkad, maayos ang bihis, at may sharp, commanding eyes na tila laging nakabantay. Tahimik siya ngunit ang presensya niya ay agad mapapansin."Lolo Bernard, kababalik ko lang galing abroad, gusto mo agad akong isalang sa blind date? At isa pa, dating is not my thing. Bumalik ako kasi sabi mo kailangan ko nang hawakan ang kumpanya," malamig niyang sambit habang nakasandal sa sofa."Apo, halos mag-trenta ka na pero wala pa rin akong nakikitang apo sa tuhod! Kailan mo ba ako pasasayahin?" sagot ni Bernard, sabay buntong-hininga na may kasamang biro."Grandpa—" sasabat pa
Lumawak ang ngiti ni Bernard nang marinig ang boses ng babae. Tumingin siya at pinaulit ang narinig, "Miss, anong sabi mo? Pakakasalan mo ang apo ko?"Tumango si Fae habang nakangiti. "Opo, pakakasalan ko po siya." Sabay sulyap kay Richard. Nagtagpo ang kanilang mga mata—at sa ilang segundo, tila bumagal ang oras.'Wow, he is so handsome… sayang lang at lumpo siya. Pero dahil may bayad, okay na 'to kahit maliit, basta magtuloy-tuloy lang ang pagbabayad ng bills sa ospital ni Mama,' bulong ni Fae sa kanyang isip habang nakatitig kay Richard.'Ang babaeng ito?' tanong ni Richard sa sarili habang tinitingnan si Fae. 'Talaga nga bang handa siyang magpakasal kahit ganito ang kalagayan ko?'Tumawa si Bernard, pinutol ang tahimik na pag-uusap ng kanilang mga mata. "Magaling, magaling! Kung ganun, magiging grand daughter-in-law na kita!" Masiglang tawa niya.Napatingin si Richard sa kanyang lolo, kita sa mukha nito ang kasiyahan.'Nagagawa kong makatitig sa babaeng ito? Mukhang iba siya sa ib
Habang nasa labas si Richard, tahimik niyang pinanood ang pinto ng apartment na isinara ni Fae. Tumayo siya mula sa wheelchair, tumitig sa paligid ng hallway—malamig ang ekspresyon ng kanyang mga mata, puno ng kalkuladong katahimikan."Faerie White," bulong niya.Mabilis niyang kinuha ang kanyang selpon at nag-dial. Ilang sandali pa, sumagot ang isang magalang na boses mula sa kabilang linya."President, nakabalik ka na," bati ng lalaki sa kabilang linya."Kevin," ani Richard, walang paligoy. "Nais kong imbestigahan ang isang tao. Buong detalye. Pati background ng pamilya.""Sino po, sir?""Faerie White.""Faerie White?" ulit ni Kevin, may halong tuwa sa boses. "Aba, mukhang interesado na sa isang babae ang aming cold president.""Tumigil ka," malamig na putol ni Richard. "Gusto ko lang malaman kung anong klaseng tao ang babaeng ito.""Sino ba siya sa 'yo at gusto mong kalkalin ang buong buhay niya?" tanong ni Kevin, halatang napukaw ang interes."Asawa ko siya."Tahimik si Kevin. Pag
Sa loob ng Villa ng mga White, nakaupo sa malambot na sofa ang mag-inang Glenda at Geraldine. Tahimik ang paligid maliban sa mahinang tunog ng antigong orasan sa dingding."Anong gagawin natin kung hindi na bumalik si Fae?" tanong ni Geraldine habang iniikot ang hawak na tasa ng tsaa. "Paano natin siya mapipilit na pakasalan si Mr. Lenard kung tuluyan na siyang hindi magpapakita?"Nag-cross arms si Glenda, hindi natitinag ang ekspresyon. "Hindi ako naniniwalang hindi siya babalik. Kilala ko si Fae. Babalik at magmamakaawa 'yon para ipagpatuloy natin ang pagbabayad sa bills ng nanay niya."Ngumisi si Geraldine, may bahid ng kasiguraduhan. "Oo nga, Ma. Sa ugali ni ate, siguradong hindi niya kayang pabayaan ang mama niya. Kahit ano pang pride niya, babalikan pa rin niya tayo."Sabay silang ngumiti nang masama. Tila ba sigurado na sila sa magiging hakbang ni Fae. Ngunit hindi nila inaasahan ang biglang pagbukas ng pinto.Lumabas si Fae mula sa anino ng pintuan, may hawak na maliit na bag
Everest Corp.Pagdating ni Fae sa kumpanya, bumaba siya ng taxi at tiningnan ang malaking gusali ng Everest Corp. Kumakabog ang dibdib niya, pero agad niyang inangat ang sarili at ngumiti."Kaya mo 'to, Fae. Magaling ka. Walang imposible!" bulong niya sa sarili habang hinihigpitan ang hawak sa envelope ng kanyang resume.Pagpasok niya sa loob ng building, sinundan niya ang direksyon patungo sa interview room. Pagbukas niya ng pinto ng waiting area, napansin niya ang dami ng mga aplikante — may iba't ibang edad, porma, at mukhang seryoso ang mga mukha."Ang dami pala," bulong niya sa sarili, sabay huminga nang malalim. "Okay lang 'yan, laban lang!"Tumayo siya sa isang tabi, nag-ayos ng buhok at nilaro ang ID sling sa kanyang leeg.Ilang saglit pa, dumating ang isang lalaki na may bitbit na clipboard. Matikas ang tindig at may propesyonal na aura. Tumayo ito sa harap ng mga naghihintay at nagsalita."Good morning, everyone. Welcome to Everest Corp. We have several available positions i
Naging seryoso rin si Fae at nakaramdam ng kakaibang kaba matapos makita ang pagbigat ng mukha ni Richard. Tumahimik ang paligid, ang mga tao na kanina'y nag-aaway at nagtuturuan, ngayon ay tahimik na nakapalibot at naghihintay.May mahinang bumulong, "Doctor ba siya?""Oo nga, baka," sagot ng isa, sabay tango sa katabi."Grabe, nakita ko siyang bumaba dun sa Rolls-Royce... baka big time 'yan o di kaya isang bigating doctor," sabi pa ng isa, sabay turo sa kotse ni Richard.Marami pang mahihinang bulungan ang kumalat sa paligid, ang iba'y nagsasabi na baka nga eksperto sa medisina ang lalaking bumaba sa mamahaling sasakyan. Tumindi ang tingin ng mga tao kay Richard, para bang umaasa silang mailigtas niya ang matanda.Habang iyon ang nangyayari, muling sinuri ni Richard ang pulso ng matanda. Banayad niyang pinisil ang pulso nito, pagkatapos ay inilapit pa ang kanyang daliri sa ilong ng matanda para tingnan kung may paghinga pa.Napailing si Richard nang marahan, dahilan para lalo pang b
"Anong nangyayari?" Walang malay na tanong ni Fae."Hindi ko rin alam," sagot ni Richard, seryoso ang ekspresyon.Sa gilid ng kalsada, may nagtipong mga tao. Sa mismong harap nila, huminto ang isang kotse na naging sanhi para mapatigil din sila. Maraming nag-uusap-usap, ang ilan pasigaw pa."Tingnan natin," ani ni Richard bago bumaba ng kotse."Sandali!" tawag ni Fae, mabilis na inalis ang seatbelt at sumunod kay Richard.Paglapit nila, nakita nila ang isang matandang lalaki, nasa edad 60s, nakahiga at walang malay sa gitna ng kalsada. Nakapagitna siya sa mga nag-uusap na mga tao. Marami ang nagtatalo kung ano ang tunay na nangyari."Nabangga mo siya!" sigaw ng isang babae, galit na galit habang dinuduro ang driver ng kotse."Bigla siyang natumba! Hindi ko siya nabangga!" depensa naman ng driver, napapakamot ng ulo sa stress."Ikaw talaga, kita ko, binangga mo siya!" sigaw ng babae."Hoy, ako mismo nakita ko, bigla siyang natumba, wala kang karapatang manisi agad!" sabi ng isa pang la
"I-ikaw? Kotse mo 'to?" dudang tanong ni Fae, nakataas ang isang kilay."Fae, let me explain—" sambit ni Richard, medyo nabubulol pa habang nag-iisip ng excuse.Muling nagsalita si Fae, sumimangot. "Mali. Paano ka magkakaroon ng ganitong klaseng sasakyan? Siguro... Siguro sasakyan 'to ni President Gold!" mariing sabi niya.Ha? Natigilan si Richard, bago mabilis na tumango. "Oo, oo! Tama! Sasakyan ni President Gold 'yan!" mabilis niyang sagot.Tumango si Fae pero hindi pa rin kuntento. "Eh bakit nasa 'yo?""May nangyari kasi kagabi..." ani Richard, sabay isip ng mabuting dahilan.Nanlaki ang mata ni Fae. "May nangyari sainyo?!" sambit niya sabay takip sa sariling bibig.Halos mapasapo si Richard sa noo. 'Langhiyang iniisip mo, Fae,' bulong niya sa sarili."Ano bang naiisip mo, Fae?" reklamo niya, hindi alam kung matatawa o maiiyak. "Kagabi, hinatid ko si President Gold pauwi, tapos nagpaalam akong umuwi. Pero nung papaalis na ako, sinabi niya na ihatid ko yung kotse sa kumpanya. Kaya l
Nakatitig si Fae sa papalapit na Richard. Ramdam niya ang init ng hininga nito na halos sumasalubong na sa kanya. Mas bumibilis at lumalakas ang kabog ng kanyang dibdib. Ito ang kanyang unang beses na may lalaking ganito kalapit sa kanya.Halos ilang pulgada na lang ang pagitan nila nang hindi na niya kinaya. Mabilis siyang napaatras, parang may sariling utak ang katawan niya. Tumayo siya na parang robot, at walang sabi-sabing tumalikod."Matutulog na ako! Maaga pa ako bukas sa trabaho!" bulalas niya, halos patakbo nang naglakad papunta sa kwarto.Pagkapasok sa loob, isinara niya ang pinto nang may malakas na blag! Halatang halata ang kaba.Napangisi si Richard nang makita ang nangyari bago kaagad na nahiga sa sofa.Nakasandal si Fae sa pinto, nakatakip ang isang kamay sa kanyang dibdib na parang gustong pigilan ang mabilis na tibok ng puso niya."Kalma lang, Fae… kalma lang..." bulong niya sa sarili habang pilit pinapakalma ang sarili. Pero kahit anong gawin niya, hindi niya mapigila
Napakunot ang noo ni Fae. "Bakit? May mali ba? Maalat ba?" tanong niya, halatang kinakabahan.Tahimik si Richard ng ilang saglit, tila ba may malalim na iniisip. Pagkatapos ay tumingin siya kay Fae—at biglang ngumiti nang buong-buo."Ang sarap!" sabi niya. "Grabe, Fae. Ito na yata ang pinaka masarap na sinigang na natikman ko."Napasinghap si Fae, sabay kurot sa braso ni Richard. "Akala ko kung ano na, ha! Nag-alala ako!"Tumawa si Richard habang patuloy sa pagkain. "Well, worth the drama. Saka bagay na bagay 'tong sinigang sa ending ng gabi natin—mainit, maasim, pero comforting."Napangiti si Fae, at naupo na rin sa harap niya. "Thank you, Richard. Sa pagdating… at sa pagiging ikaw.""Hindi ako papayag na sirain nila ang kahit isang gabi mo, Fae," sagot ni Richard, habang tinitigan siya ng malambing.Napangiti si Fae at nagsimula na ring kumain. Ilang sandali pa, nagsalita si Fae habang nakatingin sa sabaw, "Alam mo, simula ngayon… paglulutuan na kita palagi."Napatingin si Richard s
"Kung hindi ka niya kayang saktan, paano naman ako?" Nakangising tanong ni Fae habang tinatapik-tapik pa ang sariling palad. Tumitig siya kay Glenda na ngayo'y hindi makatingin nang diretso.'Fierce,' naisip ni Richard habang hindi maialis ang ngiti sa labi. 'Mabuti na lang at kumilos ang asawa ko, hindi ko kayang tingnan ang dalawang ito.'Natulala si Glenda at itinuro si Fae. "Faerie White, how dare you—"Pak!Isa pang malakas na sampal ang tumama sa kabilang pisngi ni Glenda bago pa niya matapos ang sasabihin."Glenda," mariing sabi ni Fae, "hindi mo pwedeng ipagmalaki sa harap ko ang pinagmamalaki mong status. Baka nakakalimutan mo kung saan ka lang nanggaling bago ka pumasok sa buhay namin. Kayo ng anak mo ang dumungis sa pangalan namin!"Nabigla si Geraldine at napaatras, takot na takot sa bagong anyo ni Fae."Fae, sumusobra ka na!" sigaw ni Glenda habang hawak ang pisngi niya."Sumusobra?" Tumawa si Fae nang mapait. "Baka nakakalimutan mo rin na ikaw ang pumunta sa apartment ko
Ngumisi nang may panunuya si Glenda, "Akala ko kung sinong bayani na ang dumating, mukhang ang mahirap mong asawa lang pala," sarkastiko niyang sabi habang tutawa nang bahagya.Malamig ang tingin ni Richard sa dalawa at hindi agad nagsalita.'Mukhang ang dalawang ito ang half-sister at stepmom ni Fae. Tila naparito sila upang manggulo,' naisip niya habang pinipigil ang sarili.Humakbang siya palapit at sa isang iglap, sinipa ang isa pang lalaking may hawak kay Fae."Huwag mong hawakan ng marumi mong kamay ang asawa ko," anas niya, malamig at puno ng babala sabay hila kay Fae papalapit at itinago sa kanyang likod.Nag-cross arms si Glenda, hindi pa rin nawawala ang kayabangan."Napaka-tapang mo naman? Mag-isa ka lang, naglakas-loob kang labanan ang dalawang taong 'to?"Umiling si Richard, "Labanan? Nilayo ko lang sila sa asawa ko. Pero kung laban ang usapan…" Tumitig siya kay Glenda, isang napakalamig at nakakasindak na titig, "…hindi ako magpapakita ng awa."Nanlamig ang paligid. Halo
"Kahit anong pilit mo sa akin ngayon," mariing sabi ni Fae habang nananatiling nakatitig kay Glenda, "hinding hindi ako papayag sa gusto mong mangyari. Mangarap ka ng gising, Glenda, dahil kahit kailan—hindi mangyayari ang binabalak mo!"Tumikhim si Glenda, tumingala nang bahagya at ngumisi ng malamig, parang isang kontrabidang sanay sa tagumpay ng pananakot."Akala mo ba, Fae, ikaw pa rin ang may hawak ng alas?" bulong niya. "Baka nakakalimutan mo, nasa kamay kita ngayon."Nagpatuloy sa pagpupumiglas si Fae, pilit kumakawala. "Bitawan n'yo ako!" galit niyang sigaw.Ngunit lalong humigpit ang hawak ng mga lalaki sa kanya.Napuno na si Glenda. Sa isang iglap, inabot niya ang mukha ni Fae.PAK!Isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi ng dalaga.Natigilan si Fae, gulat sa sakit at bigat ng kamay ni Glenda. Mariing kinagat niya ang kanyang ngipin, inipon ang lahat ng lakas bago muling tumingin kay Glenda."Wala kang mapapala sa ginagawa mo!" singhal niya. "Kahit pahirapan mo ako, hin
"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ni Fae sa malamig na tono.Walang paalam na humakbang si Glenda papasok, kasunod si Geraldine. Pasimpleng nagbugaw ng kung anong imahinasyong langaw si Glenda habang lumilinga-linga."Ano ba naman 'yan, Fae," umpisa ni Glenda, "nagtitiis ka sa ganitong lugar? Kung umuwi ka na lang sa White Villa, edi sana naka-aircon ka pa. Hindi yung..." Tumingin siya sa paligid, kita ang pagtataas ng kilay. "...ganitong maliit at luma pang apartment. Diyos ko, ang sofa, parang vintage."Sumingit si Geraldine, nakatakip ang ilong habang tumitingin-tingin sa paligid."Oo nga, Ate. Sa Villa, hindi ganito ang lagay mo. Sukat lang yata ng walk-in closet ko 'tong buong apartment mo."Nakasimangot na lumapit si Fae, "Kung naparito kayo para pilitin akong bumalik, umuwi na lang kayo. Hindi ako uuwi, kahit anong pamimilit o pananakot pa ang gawin ninyo."Hindi man lang naupo sina Glenda at Geraldine, halatang iniisip na marumi o masisira ang kanilang branded outfits ng mga