HINDI pa man nagtatagal si Cain ay tumayo na siya sa kinauupuan upang umalis na lang sa lugar.Si Margaret na pabalik na dapat sa puwesto ay biglang humarang. "Sa'n ka pupunta?"Umiwas lang ng tingin si Cain. "Wala na 'ko sa mood." Saka ito nilagpasan pero agad siyang pinigilan sa braso."Iiwan mo 'ko rito?""Hindi ka naman nag-iisa, a? Dumating akong nage-enjoy ka, kaya gano'n din ang gawin mo pag-alis ko.""Pero, Cain!" pinaghalong inis at tampo ang mahihimigan sa boses ni Margaret.Pero hindi na ito pinansin ni Cain na naglakad na palayo hanggang sa tuluyang makalabas ng VIP room, na agad sinundan ni Joey.Mabilis ang lakad ni Cain na animo ay may hinahabol. Pagdating sa parking lot ay tumanaw siya sa malayo na tila may hinahanap."Ano pong problema, Sir?""Wala," tugon ni Cain pero patuloy pa ring may hinahanap sa lugar.Hanggang sa makita ng mga mata niya ang papalayong sasakyan. Bukas ang bintana at nakita niya kung sinong sakay.Walang iba kundi ang asawa at hindi lang ito nag-
ILANG na ilang si Katherine habang nasa bahay ni Yohan. Nakaupo siya sa sala, may hawak na tasa ng tsaa na hindi pa nangangalahati ang pag-inom ay lumamig na.Hindi niya kayang manatili roon kaya nagpagpasiyahan na niyang umuwi. Iyon nga lang ay umakyat si Yohan sa ikalawang palapag ng bahay at hindi pa bumababa kaya naghintay siya.Ayaw niya naman umalis nang hindi nakakapagpaalam at kabastusan naman iyon sa ginawa nitong kabutihan."Ayos ka lang ba?" ani Sol nang lapitan si Katherine. "Naihanda na namin ang guest room, pwede mo na 'yun gamitin. Halika, sasamahan kita."Nilapag ni Katherine ang hawak na tasa saka tayo. "P-Pasensya na, pero kailangan ko na po kasing umuwi. Si S-Sir Yohan po?" Saka lang napagtanto ni Katherine na sa pangalan niya lang ito tinatawag.Walang formality at kung minsan pa nga ay hindi siya nagpo-'po' at opo.Komportableng-komportable talaga siya rito.Bakas ang pagtataka sa mukha ni Sol. "Uuwi ka na lang? Naiilang ka ba? Naku, wala kang dapat ikahiya. Asawa
NATIGILAN sa paghinga si Katherine, tila pinipiga ang puso niya sa ginagawa nito.Sa halip na magsalita at ipagtanggol ang sarili ay napahikbi na lamang siya.Husto na. Tama na ang kawalanghiyaan na ginagawa ni Cain. Sobra na, hindi na niya kaya pang tiisin."Tingnan natin kung may lalake pa'ng magkaka-interes sa'yo sa gagawin ko," anas ni Cain saka mariing hinawakan at kinulong ang kamay nito sa itaas ng ulo.Ang luha ni Katherine ang piping saksi sa ginagawa nitong kabab*yan. Ang daing na nilulunok na lamang niya. Mga sakit na ipinipikit sa walang ingat nitong pag-angkin.Napakahay*p!At matapos nitong makuha ang gusto ay hinagisan lang siya ng tissue sa mukha."Tingnan mong nangyari sa'yo. Kung nagsalita ka lang, kung sinagot mo agad 'yung tanong ko. Baka, pinalampas pa kita. Ang tigas kasi ng ulo mo, simpleng tanong hindi mo masagot. Ga'no mo ba kagusto ang lalakeng 'yan at grabe mo ipagtanggol sa'kin?" ani Cain habang nasa sofa nakaupo at pinagmamasdan si Katherine sa kama. "Maha
PAPASIKAT na ang araw nang magising si Katherine. Paglingon sa kaliwa, kulang na lamang ay mapasigaw siya sa kaba't takot na nararamdaman.Si Cain, natutulog nang nakaupo. Ang ulo ay nasa kama habang ang isang kamay ay nakahawak sa kaliwa niyang kamay.Gusto niya man bawiin ay mas nanaisin niyang matulog na lang ito kaysa ang gising. Baka kung ano na naman muli ang magawa. Iniisip pa lamang niya ang maaaring mangyari ay naluluha na siya agad.Nang gumalaw si Cain ay pumikit siya at nagmulat lang ng masigurong tulog pa rin ito.Hindi na nito hawak ang kanyang kamay kaya nagkaroon siya ng pagkakataon na umalis sa kama, gusto niyang magtungo sa banyo pero nananakit ang buo niyang katawan. Nanghihina siya ng husto sa puntong nahihirapang makatayo nang maayos."Kailangan mo ba ng tulong?"Nang marinig niya ang boses ni Cain ay tuluyang bumigay ang kanyang tuhod sa takot. Napaupo siya sa sahig na agad nitong inalalayan. "'W-Wag mo 'kong hahawakan."Napatiim-bagang si Cain saka binawi ang ka
NANG kaunti na lamang ang sabaw sa mangkok ay inisang lagok na ni Katherine. Pagkatapos ay pinakita niya kay Cain na wala ng laman, nilabas niya pa ang dila upang ipakita na inubos niya talaga ang pagkain. "Ubos na, kaya pwede ka nang umalis sa harap ko.""Uy~ fierce," si Levi ang nag-react saka tumayo, niligpit ang pinagkainan. "Ako ang aalis at may kailangan pa 'kong asikasuhin. Ang mga Nurse na lang ang bahala rito." Saka lumabas ng kwarto.Naiwan ang dalawa at ilang sandali pa ay tumayo na rin si Cain, kinuha sa tabi ng kama ang isang maliit na luggage.Napakunot-noo si Katherine dahil ngayon lang niya napansin na may dala pala itong maleta.Pinanuod niya lang ang ginagawa ni Cain hanggang sa maglabas ito ng tuwalya at maliit na pouch na naglalaman ng gamit pampaligo.Pagkatapos ay pumasok sa banyo. Ilang minuto ito sa loob at paglabas ay bagong ligo na.Napanganga si Katherine sa pagkamangha. "Ibang klase rin, at ginawa mo nang bahay 'tong ospital."Hindi man nagsalita pero may k
PAGDATING ng hapon ay bumalik si Levi sa ospital para i-check si Katherine."May iba ka pa bang nararamdaman? Masakit ang ulo, katawan o kung ano pa?"Umiling si Katherine bilang sagot saka nagtanong, "Pwede na ba akong ma-discharge?"Napangiti si Levi. "Bored ka na ba rito? Gusto mong dalhan kita ng libro?"Hindi iyon sinagot ni Katherine dahil may ibang gumugulo sa kanyang isip. "May favor ako, mapagbigyan mo sana. Gusto kong ulitin ang venous blood test sa'kin at kay Cain pero sana hindi niya malaman."Napakunot-noo si Levi. "Wala kang tiwala sa lumabas na result?"Natumbok agad nito ang nasa isip ni Katherine. "Dahil si Cain naman talaga ang ama ng pinagbubuntis ko. Ikaw ba, alin sa dalawa ang paniniwalaan mo?""Hindi nagkakamali ang results pero may tiwala ako sa sinasabi mo. Sa tingin ko nga rin ay parang may mali," komento ni Levi tungkol sa nangyayari."Kaya nga gusto kong magpa-test ulit pero 'yung tayong dalawa lang ang nakakaalam dahil ang hirap magtiwala sa mga taong nasa
SA OSPITAL na nagising si Lian. Pinanuod niya ang Doctor at Nurse na ginagamot ang natamo niyang bugbog sa katawan."Sino-sino ang gumawa sa kanya nito?" tanong ng Doctor.Saka lang napansin ni Lian na nasa isang tabi si Jared, tila nanunuod habang ginagamot siya."H-Hindi ko alam, nakita ko lang siyang ganyan na ang kalagayan," ani Jared.'Sinungaling!', iyon ang sigaw ng isip ni Lian pero hindi na niya isinatinig.Sa huli ay pagtatakpan pa rin nito si Sheena.Hanggang sa muli siyang nakatulog dahil sa gamot at pamamanhid ng buong katawan.Ilang sandali pa ay kinausap ng Doctor si Jared. "Sa ngayon ay maayos na ang kalagayan ng pasiyente at... Kailangan niya ng psychological counseling." Saka huminga nang malalim. "Hindi sa pinagbibintangan kita pero gusto ko lang makasiguro na hindi ikaw ang may gawa. Dahil halatang pinuwersa siya, may nakuha kaming sem*n sa kanya."Napatiim-bagang si Jared saka nagsalita, "Boyfriend niya po ako pero hindi ako ang may gawa ng bugbog sa katawan niya.
LUMINGON si Jared sa kwarto kung saan ay nakikita niya nang malinaw si Lian na natutulog. Matapos ay muling pinagtuunan ng pansin si Sheena. "Ang mas mabuti pa ay umuwi ka na muna, saka na lang natin 'to pag-usapan."Inalis ni Sheena ang kamay sa dibdib nito saka tiningnan si Jared diretso sa mga mata. "Okay, pero may request lang sana ako.""Ano naman 'yun?""Mga kaibigan ko 'yung nabugbog mo... Baka naman pwedeng palampasin mo na 'yung nangyari? Hanggang ngayon kasi ay nagpapagaling pa sila."Nagtagal ang tingin ni Jared sa fiancee. Kung hindi niya ito pagbibigyan ay paniguradong gagawa ito ng paraan para madiin din siya sa nangyari kay Lian."Okay, kung 'yan ang gusto mo pero huli na 'to, may gawin ka pa ulit na kalokohan ay hindi na kita pagbibigyan pa."Lumawak ang ngiti ni Sheena. Wala naman siyang pakialam sa babala nito. Gagawin niya pa rin ang gusto niyang mangyari sa oras na magkaroon ng pagkakataon. Mag-iingat na lamang siya at sisiguraduhin na hindi na nito mahuhuli sa akt
SUNOD-SUNOD at malalim ang ginawang paghinga ni Katherine. Salita lang ang sinabi ni Cain pero para na siyang maloloka sa kilig. Oo, inaamin na niya sa sariling lumukso ang puso niya sa sinabi nito.Sinubukan naman niyang pigilan ang emosyon pero ito na nga ata ang isa sa pinakapangit niyang katangian... ang pagiging marupok sa lalaking unang nagpatibok at nagwasak ng kanyang puso.Ramdam na niya ang pamumula ng mukha kaya pasimple siyang tumalikod, tinapik-tapik ang pisngi para magising at muntik pang mangiti.Pagkatapos ay tumikhim siya at muli itong hinarap. "Nasa'n ba mga kaibigan mo't ako ang pinupurwisyo mo?" Pagmamataray niya pa."Busy sa mga babae. Walang panahon ang dalawang 'yun na dalawin ako.""E, si Ashley o 'di kaya si Margaret? Siguradong isang tawag mo lang agad silang pupunta para samahan ka.""Ba't naman sila nasali sa usapan? Ikaw ang gusto kong makasama ngayon," ani Cain. Pagkatapos ay dahan-dahang naglakad patungo sa sofa at naupo. "Mag-stay ka muna, please?"Umiw
NANGINIG ang kamay ni Katherine sa inis. "Ang kapal naman talaga ng apog mong sabihin 'yan. Kahit kailan ay hinding-hindi kita sasagutin, manigas ka!"Humalakhak si Cain sa linya. "Kanina pa naninigas."Napasinghap si Katherine at biglang namula ang pisngi sa hiya. "Bastos!"Muling tumawa si Cain. "Anong bastos do'n? Wala naman akong sinabing nakakabastos, a? Ikaw lang 'yung nag-iisip diyan."Nanginig ang ibabang labi ni Katherine sa pagpipigil na sigawan ito sa linya. Sa huli ay pinili na lamang babaan ito ng tawag dahil mas lalo lang siyang mapo-frustrate.Pagkatapos ay tinulungan na lamang niya ang delivery man na ipasok sa apartment ang mga basket."Mukhang mahal na mahal po kayo ng sender nito, Ma'am," komento pa nito.Tipid na pagngiti ang tinugon ni Katherine dahil baka kung ano pang masabi niya at ma-offend lang ito. Ilang sandali pa ay natapos na rin ito sa paghatid ng mga bulaklak. Binigyan niya naman ng maiinom na tubig upang mapawi ang pagod at mainit pa naman sa labas, pi
HINDI na napansin ni Lian ang oras, basta namalayan na lamang niya ang sariling nasa elevator at palabas sa hotel. Walang kabuhay-buhay siyang naglalakad sa may lobby.Para siyang zombie na naglalakad sa kalsada habang patungo sa lugar kung saan niya ipinarada ang kotse. Tuluyan lang siyang nagising nang makita na niya ang sasakyan.Matapos ay mabigat na napabuntong-hininga. "Kailan ba matatapos 'tong paghihirap ko? Ayoko na, pagod na--" Bigla siyang napalingon nang masilaw sa liwanag na nakatutok sa kanya.Nang mga sandaling iyon, sa halip na takot ang maramdaman ni Lian ay napangiti siya. "Sa wakas, dumating na ang katapusan ko," bulong niya sa hangin saka marahang pumikit, tanggap na ang kapalarang sasapitin.Sa isang iglap ay may biglang yumakap kay Lian. Nagpagulong-gulong sila hanggang sa matagpuan na lamang ng dalaga ang sarili sa bisig ni Jared. Takang-taka kung anong ginagawa nito sa lugar na iyon."J-Jared?" nauutal niyang sambit.Bakit pa siya niligtas nito?"Ahh! Jared!" s
KANINA pa wala sa mood si Sheena. Simula kasi ng tumawag si Lian ay parang nasa ibang lugar na ang atensyon ni Jared sa halip na nakatuon sa kanya at sa party. "Puntahan mo na lang kaya ang babae mo!" inis niyang saad.Saka lang napalingon si Jared at asiwang ngumiti sa fiancee. "Ano ka ba, 'wag mo na nga siyang pansinin."Pero nawalan na ng gana si Sheena at nagpasiyang umakyat muna sandali sa suite para magpalamig. Ang naiwan na si Jared ay sinamantala naman ang pagkakataon na tawagan si Lian pero hindi na ito sumasagot. Inisip na lamang niyang umalis na ito at bumiyahe na pabalik.Mayamaya pa ay may lumapit na bodyguard. "Sir, in-inform kami ng nagbabantay sa labas na may babaeng naghahanap sa inyong dalawa ni Ma'am Sheena pero umalis din po agad sila ni Sir Arjo."Napakunot-noo si Jared dahil unang pumasok sa isip niya si Lian. "Magkasama silang umalis?" tanong niya.Tumango naman ito. "Iyon po ang sabi dahil nasa taas raw po kayo ni Ma'am Sheena, 'yun ang sabi ni Sir Arjo sa baba
SANDALING katahimikan ang namayani sa linya hanggang sa muling nagsalita ang kausap ni Lian, "Sa akin lang po 'to, Ma'am pero sa tingin ko'y may sumasabutahe sa'tin. May gustong malugi tayo ng malaki.""P-Pero sino naman? Wala akong natatandaan na may nakaaway sila Daddy sa negosyo..." Saka siya natigilan ng sumagi sa isip si Jared. "Sige, salamat sa pag-inform. Ako nang bahala.""Pero pa'no po, Ma'am?""Mag-iisip ako, basta ikaw na muna ang bahala riyan habang gumagawa ako ng paraan para masolusyunan ang problema."Pagkatapos ng pag-uusap ay sunod naman na tinawagan ni Lian si Jared."Anong kailangan mo? Busy ako.""Nasa'n ka ngayon?"Matagal bago sumagot si Jared dahil maingay sa linya niya. "... Mamaya na lang," iyon lang ang sinabi niya saka binaba ang tawag."S-Sandali--Jared? Jared!" Pabagsak na binaba ni Lian ang phone saka nag-isip ng paraan upang makausap ito. Hanggang sa naisipan niyang tawagan ang assistant nito, "Hello? Mr. Ulysses kasama mo ba si Jared?""Opo, Miss Lian.
LUMIPAS ang dalawang araw at pinayagan na ng Doctor na ma-discharge si Katherine. Si Lian dapat ang susundo sa kanya pero sa hindi malaman na dahilan ay si Luke ang dumating. Ito na rin ang nagligpit ng mga gamit at naglagay ng damit sa bag. Naproseso na rin nito ang discharged papers kaya wala ng poproblemahin si Katherine."Tara na?" ani Luke sabay kuha sa bag.Tumango naman si Katherine saka sila magkasabay na naglakad palabas nang biglang bumukas ang pinto at bumungad si Cain na naka-wheelchair pa, tulak-tulak ni Joey."Sa'n ka pupunta?" tanong ni Cain sa dating asawa pero na kay Luke ang tingin."Na-discharged na 'ko, anong ginagawa niyo rito? Pinayagan ka ng lumabas?"Hindi sumagot si Cain pero umiling naman si Joey kaya napagtanto ni Katherine na tumakas ang mga ito."Bumalik na kayo bago pa kayo mapansin," aniya.Mataman naman tumingin si Cain kay Luke. "Iwan mo muna kami ni Katherine at may kailangan kaming pag-usapan.""Hindi ako aalis," matapang na sagot ni Luke."Joey, kal
ASIWA si Katherine sa kinauupuan. Naiilang siya at nag-aalala na baka mabigatan ito. Kaya kahit nakayakap ang braso ni Cain sa kanyang bewang ay tumayo pa rin siya. "Ang mas mabuti pa ay maupo na lang ako sa tabi--"Mas hinigpitan ni Cain ang pagkakayakap sa bewang nito upang hindi makalayo. "Dito ka lang.""Hindi nga pwede," ani Katherine na pilit inaalis ang braso nito. Napatingin pa siya sa pinto at nakitang nakasilip si Helen kaya mas lalo siyang nagpumilit na tumayo.Hanggang sa tuluyan na ngang nakawala dahil kahit gaano pa kalakas si Cain ay manghihina at manghihina ito kapag galing sa operasyon. Lumayo siya ng bahagya, iyong hindi nito maaabot."Ba't ka lumalayo?""Dahil pasiyente ka at hiwalay na tayo. Hindi tamang umuupo ako sa kandungan mo."Napakunot-noo si Cain, halata ang kalituhan sa mga mata. "Akala ko ba'y napatawad mo na 'ko? Sinabi mo 'yun bago ako mawalan ng malay. 'Wag mo sabihing binabawi mo na?"Si Katherine naman ngayon ang naguguluhan. "Anong sinasabi mo? Oo,
TUMAAS hanggang batok ang inis na nararamdaman ni Marcial sa anak. "Ikaw! Ikaw!" aniya habang dinuro-duro ito. "Wala kang karapatan para kuwestiyunin ang pagiging ama ko! Hindi mo ba naiintindihan na ginagawa ko ito para sa ikabubuti mo!"Siyempre, gumagawa na lamang ng dahilan si Marcial upang makuha ang gusto."Malaki na 'ko para malaman kung ano ang nakabubuti sa'kin o hindi. Kaya hindi ko siya pakakasalan," ani Cain. "Pagod pa 'ko, Dad. Gusto kong magpahinga kaya iwan mo muna ako."Namumula pa rin sa galit si Marcial pero wala rin naman siyang magagawa na dahil ayaw niyang mas lalo pang kaayawan ng anak ang gusto niyang mangyari. Hahayaan niya muna sa ngayon hanggang sa magkaroon ng pagkakataon na makumbinsi ito."Babalik ulit ako at pag-uusapan 'tong muli."Napatiim-bagang si Cain. "'Wag niyo na ipilit ang gusto niyo."Kumuyom ang kamay ni Marcial. "Sa tingin mo ba'y ikabubuti mo ang pananatiling single? Ano na lamang ang sasabihin ng mga nakakakilala sa'tin--""Hindi lahat alam
SAMANTALA, ng mga sandaling iyon ay makikitang naglalakad si Ashley kasama ng Ina sa hallway ng ospital. Nang mabalitaan ng pamilya niya ang nangyari kay Cain ay biglang gusto ng mga itong magtungo sila roon. Hindi naman siya makahindi dahil magagalit ang Ama kaya sinamahan siya ng Ina."Si Marcial ba 'yun?" ani Janette sa anak.Unang nakapansin si Ashley pero sa halip na sa ama ni Cain matuon ang tingin ay nakasunod ang mga mata niya sa papalayong si Katherine. Wala siyang nakuhang balita tungkol dito. Kahit hindi niya ito gusto ay hindi naman bato ang puso niya para hindi makaramdam ng kaunting concern."Sandali--" bago pa man siya makapagpaalam upang lapitan si Katherine ay nahila na siya ng Ina palapit kay Marcial. Kaya tanging pagtanaw na lamang ang nagawa niya.Nang mga sandali ring iyon ay nagising na si Cain. Napatitig siya ng ilang segundo sa kisame bago tuluyang rumagasa sa alaala ang nangyari sa kanilang dalawa ni Katherine. Tinawag-tawag niya ang pangalan nito at nagtangka