SA OSPITAL na nagising si Lian. Pinanuod niya ang Doctor at Nurse na ginagamot ang natamo niyang bugbog sa katawan."Sino-sino ang gumawa sa kanya nito?" tanong ng Doctor.Saka lang napansin ni Lian na nasa isang tabi si Jared, tila nanunuod habang ginagamot siya."H-Hindi ko alam, nakita ko lang siyang ganyan na ang kalagayan," ani Jared.'Sinungaling!', iyon ang sigaw ng isip ni Lian pero hindi na niya isinatinig.Sa huli ay pagtatakpan pa rin nito si Sheena.Hanggang sa muli siyang nakatulog dahil sa gamot at pamamanhid ng buong katawan.Ilang sandali pa ay kinausap ng Doctor si Jared. "Sa ngayon ay maayos na ang kalagayan ng pasiyente at... Kailangan niya ng psychological counseling." Saka huminga nang malalim. "Hindi sa pinagbibintangan kita pero gusto ko lang makasiguro na hindi ikaw ang may gawa. Dahil halatang pinuwersa siya, may nakuha kaming sem*n sa kanya."Napatiim-bagang si Jared saka nagsalita, "Boyfriend niya po ako pero hindi ako ang may gawa ng bugbog sa katawan niya.
LUMINGON si Jared sa kwarto kung saan ay nakikita niya nang malinaw si Lian na natutulog. Matapos ay muling pinagtuunan ng pansin si Sheena. "Ang mas mabuti pa ay umuwi ka na muna, saka na lang natin 'to pag-usapan."Inalis ni Sheena ang kamay sa dibdib nito saka tiningnan si Jared diretso sa mga mata. "Okay, pero may request lang sana ako.""Ano naman 'yun?""Mga kaibigan ko 'yung nabugbog mo... Baka naman pwedeng palampasin mo na 'yung nangyari? Hanggang ngayon kasi ay nagpapagaling pa sila."Nagtagal ang tingin ni Jared sa fiancee. Kung hindi niya ito pagbibigyan ay paniguradong gagawa ito ng paraan para madiin din siya sa nangyari kay Lian."Okay, kung 'yan ang gusto mo pero huli na 'to, may gawin ka pa ulit na kalokohan ay hindi na kita pagbibigyan pa."Lumawak ang ngiti ni Sheena. Wala naman siyang pakialam sa babala nito. Gagawin niya pa rin ang gusto niyang mangyari sa oras na magkaroon ng pagkakataon. Mag-iingat na lamang siya at sisiguraduhin na hindi na nito mahuhuli sa akt
TUMAYO si Jared upang hawakan si Lian nang mabilis nitong inilayo ang kamay."'Wag mo 'kong hahawakan!"Sa halip na mainis ay nanatili ang ngiti sa labi ni Jared saka sapilitang hinawakan ang kamay nito, binuhat at inilayo sa bintana.Nagpumiglas naman si Lian at tuluyang nakawala habang masama ang tingin sa dating nobyo."Diring-diri ka talaga sa'kin, 'no?" ani Jared."'Wag mong ibahin ang usapan. Gusto ko ng deal, a contract. Hahayaan kitang gawin ang gusto mo sa'kin sa loob ng isang taon kapalit ng pamilya ko. Hindi mo sila gagalawin, sasaktan o kung ano pa man ang naiisip mong gawin sa kanila," ani Lian.Pagak na natawa si Jared. "At sino ka naman para magbigay ng kondisyon dito? Hindi porke't pinagbigyan kita sa bagay na 'to ay ikaw na ang masusunod. Tandaan mong ako pa rin ang lamang, hawak kita sa leeg.""Kung gano'n ay magkalimutan na--"Bago pa man matapos ang sasabihin ay mabilis nang nakalapit si Jared at hinablot ito sa batok kaya naglapit ang kanilang mukha. "Hindi mo ata
ANG PRIVATE ROOM ni Luke ay gaya lang din ng kwarto ni Katherine, may sofa kaya naupo siya roon."Pa'no ka nagkasakit?" ani Luke habang nagsasalin ng tubig sa baso.Tinanggap naman ni Katherine pero hindi niya agad ininom. "Alam mo naman kapag nagbubuntis, madaling dapuan ng sakit," pagdadahilan niya pa.Nangingilatis ang tingin ni Luke, may pagdududa hanggang sa muling nagsalita, "'Wag ka nang magsinungaling. Alam ko naman na dahil kay Cain. May narinig akong usap-usapan pero hindi ko na lamang idedetalye dahil sigurado naman ako na mahuhulaan mo kung anong tinutukoy ko."Nag-iwas ng tingin si Katherine nang sumagi sa isip ang nangyari sa club. Sa dami ng taong naroon, posibleng nasa iisang circle of friends lang sila kaya malamang na nakarating na kay Luke ang nangyari ng gabing iyon."At alam mo ba kung ano pa ang narinig ko?" ani Luke saka nagpatuloy, "Ikakasal na sila. Nag-propose si Cain sa birthday party ni Margaret do'n sa club. Nakakatawa, 'no? Pa'no naman 'yun nangyari kung
NAPAKUNOT-NOO si Katherine nang mapansin ang pagdaan ng sakit sa mga mata ni Cain. Ngunit agad ring naglaho na parang hindi talaga nangyari."H-Hindi ko siya pinagtatanggol o kung ano pa man. Ang gusto ko lang ay tigilan mo na 'tong ginagawa mong gulo. Hindi ka ba nahihiya na pinagtitinginan na tayo ng ibang tao?""Ba't naman ako mahihiya? Ikaw dapat 'yun dahil nakikipagkita ka pa rin sa lalaking 'yan," ani Cain saka dumuro-duro kay Luke."Gusto mo'ng ibalik ko sa'yo 'yang sinabi mo? Sa'kin, issue pero sa'yo hindi? Kulang na lang patayin mo si Luke na wala naman ginagawang masama pero sa'yo hindi ako pwedeng magalit kahit kulang na lang maghalikan kayo ni Margaret sa harap ko?!"Napatiim-bagang na lamang si Cain dahil hindi niya madepensahan ang sarili sa parteng iyon. Sapul na sapul at wala siyang maidahilan."Tara na, Luke. Umalis na tayo," ani Katherine saka hinawakan ang kamay nito.Naglakad sila palayo hanggang sa makalabas ng canteen. Lumiko lang sila sa isang pasilyo nang bigla
MABIGAT ang buntong-hininga si Cain paglabas ng kwarto. Naiinis siya sa sarili dahil wala na siyang nagawang tama. Lagi na lamang silang nag-aaway ni Katherine hanggang sa nagkakasakitan na.Bumalik siya sa ospital para makausap ito nang maayos pero naabutan niyang kasama nito si Luke kaya hindi na naman niya nakontrol ang sarili. Kapag nagpatuloy ito ay baka mapilitan siyang magpa-rehab ulit.Sana nga lang ay hindi na siya dumating sa puntong iyon. Hindi niya gustong may makaalam ng kanyang kondisyon dahil paniguradong maaapektuhan ang trabaho niya.Marami ang naghahangad ng kanyang posisyon sa kompanya at hindi niya hahayaang mapunta iyon sa iba. Marami na siyang sinakripsyo para maging Presidente kaya pangangalagaan niya hanggang sa huli.Matapos makahingi ng tulong sa Nurse ay bumalik agad siya sa kwarto.Sinuri naman agad nito ang sugat sa kamay ni Katherine. "Ano pong nangyari sa kamay niyo, Ma'am?" tanong ng Nurse.Nagkatinginan muna ang mag-asawa bago sumagot si Katherine, "Na
MAGING si Margaret ay nabigla rin sa sinabi ni Cain. Hindi niya pwedeng pabayaan si Lyn na makulong dahil walang kasiguraduhan na mananatili itong tapat sa kanya. Kapag nagkagipitan ay baka bigla na lang nitong aminin ang lahat."P-Pero, Cain... pag-usapan na lang natin 'to. Matanda na si ate Lyn saka hindi na rin siya ibang tao sa'yo. Baka pwedeng palampasin mo na lang 'to para sa'kin?" Kailangan niyang magmakaawa para hindi siya madiin."Gusto mong palampasin ko na lang 'to? Mas matimbang siya sa'yo kaysa sa'kin? Alam mo ang ginawa niyang kasalanan pero nagkunwari ka," ani Cain.Umiling-iling si Margaret. "P-Pareho kayong mahalaga sa'kin." Lumuha na siya ng mga sandaling iyon. Kailangan na niyang magmukhang kaawa-awa sa harap nito upang palampasin si Lyn.Pinunasan naman ni Cain ang luha nito sa pisngi. "Alam mo, Margaret. Ako ang tipo ng tao na hindi nagto-tolerate ng pagkakamali ng ibang tao kahit kaibigan ko pa sila o kapamilya.""C-Cain, pakiusap 'wag si ate Lyn. Pa'no na lang a
SAMANTALA, sa ospital naman ay kanina pa nakasimangot si Katherine.Paano ba naman kasi... kahit saan siya magpunta ay palaging nakasunod ang tauhan ni Cain. Kahit makailang beses na niyang sabihin na bibili lang ng maiinom o hindi kaya ay papasyal sa maliit na hardin ng ospital ay nakasunod ang mga ito."Napakatuso talaga. Sa tingin niya ba ay basta na lang akong makakatakas sa kanya? E, kahit pa siguro pumunta akong Mars ay masusundan niya pa rin ako," bubulong-bulong na sabi ni Katherine.Kaya kahit bagot na bagot sa kwarto ay nanatili na lamang siya sa loob, nagpapalipas ng oras hanggang sa antukin.Makalipas ang ilang minuto matapos makatulog ay dumating si Cain na may dalang pagkain. At dahil nakita niyang natutulog si Katherine ay hindi na lamang niya inistorbo.Pinanuod niya ang asawa na mahimbing na natutulog hanggang sa makaramdam ng antok. Nilingon niya ang sofa pero mas gusto niyang sa tabi nito. Kaya hinubad niya ang coat saka tumabi sa kama.Bahagyang gumalaw si Katherin
SA GALIT ni Cain sa sarili ay hindi na niya nakontrol ang emosyon na nagdulot ng pagkabalisa sa pagmamaneho. Hindi na niya namalayang pabilis na nang pabilis ang takbo ng sasakyan.Mahigpit naman na humawak si Katherine sa handrail. Pigil din ang kanyang paghinga habang pinagmamasdan ang dating asawa. Kung kanina ay namumula siya dahil sa pag-iyak. Ngayon ay namumutla na sa kaba. Hindi siya komportable sa kinauupuan at sa nanginginig na boses ay nagsalita, "C-Cain, bagalan mo lang ang pagmamaneho, please."Tila naman walang naririnig ito na ang mga mata ay nakatuon lang sa daan. Kapag nagpatuloy ay ganito ay baka sa ospital na o sa langit ang sunod nilang destinasyon."Cain, naririnig mo ba ako?!" Umaangat ang sikmura niya sa kaba. Baka ano man sandali ay bigla na lamang sumuka.Samantala, si Luke naman ay kanina pa tinatawagan si Katherine matapos marinig ang boses ni Cain sa kabilang linya.Walang duda na magkasama ang dalawa o hindi kaya ay may ginawa na naman ito upang makita si
PINAGMASDAN ni Katherine ang ayos ng dating asawa. Halatang may nilakad ito o lalakarin pa lang dahil ang gwapo nitong tingnan sa suot na suit.Kaya agad sumimangot si Katherine at umiwas ng tingin habang papalapit ito. Pero nabigla na lamang siya nang yakapin nito."Hindi ko alam na dadalawin mo si Lolo," malambing ang boses ni Cain, na animo ay sweet talaga sila sa isa't isa.Gusto man magpumiglas ni Katherine pero nakatingin si Ramon kaya hinayaan na lamang siyang yakapin."B-Busy ka kasi kaya ako na lang ang nagpunta," pagsisinungaling pa ni Katherine.Pinisil naman ni Cain ang balikat nito at ngumiti. "Pwede mo naman akong tawagan o itext para nasamahan kita."Pinigilan naman ni Katherine ag sariling irapan ito. Ang ilang minutong pagbisita sa matanda ay tila biglang humirap para sa kanya. Lapastangan kasi nitong nagagawa ang gusto... Ang pag-akbay sa kanya, paglalambing at paghaplos sa kanyang bewang na animo ay para pa rin silang mag-asawa."Katherine, ayos ka lang ba? Ba't nam
HINDI nagustuhan ni Marcial ang sinabi ng anak. "Nirerespeto mo pa ba ako bilang ama mo?"Sumagot si Cain, "Ang respeto ko sa tao ay naaayon lang para sa pag-uugali nila. Nagpaka-asawa ka ba kay Mommy at nagpaka-ama sa'kin?""Hindi ako naparito para makipag-away. Kaunti lang ang sinabi ko kay Helen, pero nagalit siya at kulang na ang ay magwala."Nagsalita si Helen habang matalim ang tinging ipinupukol, "Akala mo ba ginusto ko 'to? Kung hindi lang dahil sa sakit ko at sa kondisyon ni Papa Ramon ay matagal na kitang iniwan." "Tama na, hindi ako bumalik dito para maghanap ng gulo," ani Marcial. Pagkatapos ay kinausap ang anak, "Sumama ka muna sa'kin may dapat tayong pag-usapan."Masama man ang loob ay sumunod pa rin si Cain sa ama patungong study room. Pagdating nila, pinakita ni Marcial ang larawan ng isang magandang babae. "Alam kong naghiwalay na kayo ng asawa mo. Anak 'yan ni Dante, nag-iisang anak. Ba't 'di mo kausapin at kaibiganin?"Kumunot-noo si Cain, "Sinasabi mo bang kumil
SA INIS ni Katherine ay tinapakan niya ang paa nito. Dumaing sa sakit si Cain sanhi para mapalingon ang matandang babae na kasabayan nila sa elevator."Ayos ka lang ba, Hijo? Naku, sobrang sakit na ba ng puson mo sa pagpipigil?" komento nito na may kakaibang ngiti.Napatakip na lamang si Katherine sa mukha sa sobrang hiya habang si Cain naman ay napangisi. "Itong asawa ko po kasi, sobrang ganda, nakakagigil."Sa narinig ay mas lalong namula ang mukha ni Katherine at pagkatapos ay tiningnan ito nang masama. "Anong sinasabi mo?!"Naroon pa rin ang ngiti sa labi ni Cain nang halikan ito sa pisngi sanhi upang matigilan si Katherine sa labis na pagkabigla."Naku, naku, ganyan din kami dati ng asawa ko," komento ng matandang babae. Ilang sandali pa ay bumukas na ang elevator at bumaba ito. "Sana'y magtagal pa kayo," saad pa ng matanda habang nakangiti at kumakaway sa dalawa.Hindi pa man gaanong nagsasara ang pinto ng elevator ay mabilis na pinaghahahampas ni Katherine ito sa katawan. "Ang
NAPATINGIN si Katherine kay Yohan at nakita niyang napatiim-bagang ito habang ang dalawang kamay ay nakakuyom. Naalala niya ang sinabi noon ni Sol na hindi ito nagagalit pero sa nakikita niya ngayon ay hindi iyon ang nangyayari."Gabriel!" mabigat ang tono ni Yohan. Bihira siyang magpakita ng ekspresyon pero talagang ginalit siya ng anak.Kinabahan naman si Gab kaya umupo siya at natahimik.Ramdam na ramdam ni Katherine ang tensyon sa dalawa. Napansin naman iyon ni Yohan kaya sinabi niyang, "Bumaba muna tayo."Pero iba ang plano ni Katherine. "Pwede bang iwan mo muna kaming dalawa ni Gab? May sasabihin lang ako sa kanya."Tumango si Yohan saka lumabas ng kwarto."Wow, first name basis, close na agad kayo?" sarkasmong saad ni Gab."Hindi mo dapat sinasagot ng gano'n ang Ama mo.""Pakialam mo ba? Anong tingin mo sa sarili mo? Teacher ka lang kaya 'wag mo kong masesermonan..." Saka ngumisi. "Hindi ba sinabi sa'yo ng Principal kung anong nangyari sa mga dating teacher na nagturo sa'kin?"
AGAD pumayag si Lian, "Of course, Sissy. Ano bang nangyari at gusto mong mag-stay?""Wala naman, saka pwede mo ba kong tulungan na maghanap ng agent para ibenta ang apartment ko? Mas mabilis, mas maganda dahil kailangan ko ng pera."Alam ni Lian na may mali pero hindi siya nagtanong sa phone, saka na lang kapag nagkita silang dalawa.Matapos ang tawag ay nagsimulang mag-empake si Katherine. Habang inaayos ang gamit ay hindi niya maiwasang mabahala. Buong akala niya ay magkakaroon siya ng tahimik na buhay pagkatapos ng diborsyo, pero ayaw siyang tantanan ni Cain. Pakiramdam niya ay may gagawin pa itong hindi maganda.Kinabukasan, lumipat si Katherine sa apartment ng kaibigan na malapit sa kanyang trabaho.Ikinuwento niya ang nangyari sa bahay ng Abuela kaya gusto niyang ibenta ang apartment pero hindi na niya binanggit ang tungkol sa gulong nangyari kay Luke at Cain."Grabe naman talaga 'yang Tiyuhin mo," react ni Lian. "'Wag kang mag-alala at maghahanap agad ako ng agent."Napangiti
INALALAYAN ni Katherine ang kaibigan na umupo sa sofa. "Sandali lang at maghahanap ako ng gamot." Akmang aalis nang hawakan nito sa kamay. Lumingon siya at tumingin kay Luke, medyo nagtataka. "Bakit?"Nakatitig si Luke at hindi mapigilan ang sariling mabighani sa ganda nito. Lumunok siya at sinabi, "Pakikuha na rin ako ng tubig na maiinom." Dahil ang bilis ng pintig ng kanyang puso.Tumango si Katherine, pagkatapos maghanap ng gamot para sa sakit sa tiyan ay kumuha rin siya ng maligamgam na tubig para sa kaibigan. Kumuha rin siya ng kumot para makahiga ito sa sofa at makapagpahinga.Pagkatapos ay inabala naman ang sarili sa trabaho. Kailangan niyang gumawa ng teaching plan at mag-uumpisa na siya sa Lunes.Mga dalawampung minuto ang lumipas nang tumayo si Luke at nagpaalam ng aalis. Sinamahan naman ito ni Katherine palabas. Pagkatapos ay pinanood itong magmaneho palayo bago bumalik sa apartment upang balikan ang ginagawa.Habang nagmamaneho naman si Luke ay napansin niya ang isang it
ILANG MINUTO na silang tahimik sa loob ng sasakyan. Maya't maya ang pagsulyap ni Luke rito habang nagmamaneho.Hanggang sa nagkalakas loob na siyang magsalita, "May gusto ka bang daanan bago tayo umuwi? O, baka gusto mong kumain muna tayo bago kita ihatid sa apartment?""Sa ospital tayo," saad ni Katherine nang hindi lumilingon at nasa labas lang ng sasakyan ang tingin."Bakit, nasaktan ka ba kanina ni Cain? Patingin nga," ani Luke saka dahan-dahang itinatabi ang kotse para matingnan ito."Hindi, ayos lang ako. Ikaw ang dapat matingnan dahil nasuntok ka niya kanina," ani Katherine na iniiwasang banggitin ang pangalan ng dating asawa.Napangiti naman si Luke ng siya pala ang inaalala nito. "Ayos lang naman ako. Galos lang naman ang natamo ko. Ilang araw lang din at mawawala na 'tong nasa mukha ko.""Kahit na, nasaktan ka pa rin ng dahil sa'kin," walang kabuhay-buhay na saad ni Katherine.Ang ngiti sa labi ni Luke ay unti-unting naglaho nang mahimigan ang kawalang sigla sa boses nito. "
SA ISANG IGLAP ay biglang tinulak ni Cain ang assistant at sinugod si Luke.Nawalang bigla ang rason niya upang makapag-isip nang mabuti matapos marinig ang sinabi nito. Hindi siya makakapayag na mapunta sa iba si Katherine. Sa kanya lang ang asawa niya.Isang suntok ang dumapo sa mukha ni Luke at gumanti rin naman agad ito."Tama na!" sigaw ni Katherine na akmang gigitna sa dalawa pero mabilis na siyang hinila ni Joey upang hindi mataman ng suntok. "Please, tumigil na kayong dalawa!"Dahil sa ingay at gulo ay nabulabog ang mga kapitbahay at nagsilabasan sa kanya-kanyang tahanan.Nang makitang may nag-aaway ay agad na umawat ang mga kalalakihan."Tumawag kayo ng tanod, dali!" sigaw pa ng isang babae.Saka lang napaglayo sa isa't isa sina Luke at Cain."Katherine, kilala mo ba 'tong dalawang 'to?" tanong ng isang matandang lalake."Pasensya na po sa gulo," iyon na lamang ang nasabi niya saka tiningnan ang dalawa. "Tama na ang away, please.""Ayos lang ako, hindi niyo na ako kailangan p