ANG PRIVATE ROOM ni Luke ay gaya lang din ng kwarto ni Katherine, may sofa kaya naupo siya roon."Pa'no ka nagkasakit?" ani Luke habang nagsasalin ng tubig sa baso.Tinanggap naman ni Katherine pero hindi niya agad ininom. "Alam mo naman kapag nagbubuntis, madaling dapuan ng sakit," pagdadahilan niya pa.Nangingilatis ang tingin ni Luke, may pagdududa hanggang sa muling nagsalita, "'Wag ka nang magsinungaling. Alam ko naman na dahil kay Cain. May narinig akong usap-usapan pero hindi ko na lamang idedetalye dahil sigurado naman ako na mahuhulaan mo kung anong tinutukoy ko."Nag-iwas ng tingin si Katherine nang sumagi sa isip ang nangyari sa club. Sa dami ng taong naroon, posibleng nasa iisang circle of friends lang sila kaya malamang na nakarating na kay Luke ang nangyari ng gabing iyon."At alam mo ba kung ano pa ang narinig ko?" ani Luke saka nagpatuloy, "Ikakasal na sila. Nag-propose si Cain sa birthday party ni Margaret do'n sa club. Nakakatawa, 'no? Pa'no naman 'yun nangyari kung
NAPAKUNOT-NOO si Katherine nang mapansin ang pagdaan ng sakit sa mga mata ni Cain. Ngunit agad ring naglaho na parang hindi talaga nangyari."H-Hindi ko siya pinagtatanggol o kung ano pa man. Ang gusto ko lang ay tigilan mo na 'tong ginagawa mong gulo. Hindi ka ba nahihiya na pinagtitinginan na tayo ng ibang tao?""Ba't naman ako mahihiya? Ikaw dapat 'yun dahil nakikipagkita ka pa rin sa lalaking 'yan," ani Cain saka dumuro-duro kay Luke."Gusto mo'ng ibalik ko sa'yo 'yang sinabi mo? Sa'kin, issue pero sa'yo hindi? Kulang na lang patayin mo si Luke na wala naman ginagawang masama pero sa'yo hindi ako pwedeng magalit kahit kulang na lang maghalikan kayo ni Margaret sa harap ko?!"Napatiim-bagang na lamang si Cain dahil hindi niya madepensahan ang sarili sa parteng iyon. Sapul na sapul at wala siyang maidahilan."Tara na, Luke. Umalis na tayo," ani Katherine saka hinawakan ang kamay nito.Naglakad sila palayo hanggang sa makalabas ng canteen. Lumiko lang sila sa isang pasilyo nang bigla
MABIGAT ang buntong-hininga si Cain paglabas ng kwarto. Naiinis siya sa sarili dahil wala na siyang nagawang tama. Lagi na lamang silang nag-aaway ni Katherine hanggang sa nagkakasakitan na.Bumalik siya sa ospital para makausap ito nang maayos pero naabutan niyang kasama nito si Luke kaya hindi na naman niya nakontrol ang sarili. Kapag nagpatuloy ito ay baka mapilitan siyang magpa-rehab ulit.Sana nga lang ay hindi na siya dumating sa puntong iyon. Hindi niya gustong may makaalam ng kanyang kondisyon dahil paniguradong maaapektuhan ang trabaho niya.Marami ang naghahangad ng kanyang posisyon sa kompanya at hindi niya hahayaang mapunta iyon sa iba. Marami na siyang sinakripsyo para maging Presidente kaya pangangalagaan niya hanggang sa huli.Matapos makahingi ng tulong sa Nurse ay bumalik agad siya sa kwarto.Sinuri naman agad nito ang sugat sa kamay ni Katherine. "Ano pong nangyari sa kamay niyo, Ma'am?" tanong ng Nurse.Nagkatinginan muna ang mag-asawa bago sumagot si Katherine, "Na
MAGING si Margaret ay nabigla rin sa sinabi ni Cain. Hindi niya pwedeng pabayaan si Lyn na makulong dahil walang kasiguraduhan na mananatili itong tapat sa kanya. Kapag nagkagipitan ay baka bigla na lang nitong aminin ang lahat."P-Pero, Cain... pag-usapan na lang natin 'to. Matanda na si ate Lyn saka hindi na rin siya ibang tao sa'yo. Baka pwedeng palampasin mo na lang 'to para sa'kin?" Kailangan niyang magmakaawa para hindi siya madiin."Gusto mong palampasin ko na lang 'to? Mas matimbang siya sa'yo kaysa sa'kin? Alam mo ang ginawa niyang kasalanan pero nagkunwari ka," ani Cain.Umiling-iling si Margaret. "P-Pareho kayong mahalaga sa'kin." Lumuha na siya ng mga sandaling iyon. Kailangan na niyang magmukhang kaawa-awa sa harap nito upang palampasin si Lyn.Pinunasan naman ni Cain ang luha nito sa pisngi. "Alam mo, Margaret. Ako ang tipo ng tao na hindi nagto-tolerate ng pagkakamali ng ibang tao kahit kaibigan ko pa sila o kapamilya.""C-Cain, pakiusap 'wag si ate Lyn. Pa'no na lang a
SAMANTALA, sa ospital naman ay kanina pa nakasimangot si Katherine.Paano ba naman kasi... kahit saan siya magpunta ay palaging nakasunod ang tauhan ni Cain. Kahit makailang beses na niyang sabihin na bibili lang ng maiinom o hindi kaya ay papasyal sa maliit na hardin ng ospital ay nakasunod ang mga ito."Napakatuso talaga. Sa tingin niya ba ay basta na lang akong makakatakas sa kanya? E, kahit pa siguro pumunta akong Mars ay masusundan niya pa rin ako," bubulong-bulong na sabi ni Katherine.Kaya kahit bagot na bagot sa kwarto ay nanatili na lamang siya sa loob, nagpapalipas ng oras hanggang sa antukin.Makalipas ang ilang minuto matapos makatulog ay dumating si Cain na may dalang pagkain. At dahil nakita niyang natutulog si Katherine ay hindi na lamang niya inistorbo.Pinanuod niya ang asawa na mahimbing na natutulog hanggang sa makaramdam ng antok. Nilingon niya ang sofa pero mas gusto niyang sa tabi nito. Kaya hinubad niya ang coat saka tumabi sa kama.Bahagyang gumalaw si Katherin
UMATRAS si Jean pero mabilis nang humarang ang isa pang lalake sa kanyang likod.Hanggang sa magawa siyang hablutin sa braso ng lalakeng nakabunggo."A-Ano ba, bitawan mo 'ko!" aniyang pilit nagpupumiglas."Maganda ka't makinis, baka gusto mong sumama sa'min? Siguradong matutuwa ka.""Ayoko, bitawan mo 'ko kung ayaw mong sumigaw--"Ngunit mabilis nang tinakpan ng lalakeng nasa likod ang kanyang bibig.Tumawa ang isa saka hinila sa may maliit na eskinita si Jean. Walang katao-tao sa lugar dahil tapunan lang iyon ng basura.Ang dalawang lalake na humila sa kanya ay agad sinimulan na hawakan siya sa iba't ibang parte ng katawan.Hindi naman makasigaw si Jean na kahit anong pagpupumiglas ay wala siyang lakas na makawala sa dalawa. Naluluha na siya ng mga sandaling iyon lalo na nang pisil-pisilin ang maumbok niyang dibdib sabay hipo sa kanyang hita. Nakasuot pa naman siya ng palda kaya madali lang na nahawi ang kanyang damit."Ano ba, hubarin mo na 'yung p*nty niya't baka may iba pang maka
SIMULA kaninang umaga hanggang magtanghali ay walang tigil sa pagbuhos ang ulan sa araw na iyon.Bagot na bagot na si Katherine sa kwarto ngunit hindi naman makalabas dahil bantay-sarado ni Cain."Ba't 'di ka na lang sa opisina mo magtrabaho?"Kanina pa kasi ito tutok sa trabaho. Pakiramdam nga niya ay wala talaga siyang kasama at aparisyon lang nito ang nakikita."Ayokong mabasa ng ulan saka aksaya sa oras ang bumiyahe mula sa opisina patungo rito kaya dinala ko na ang mga dapat kong trabahuhin ngayon," paliwanag naman ni Cain."Bored na 'ko pwede bang--""Hindi," putol agad ni Cain."'Di ko pa sinasabi pero 'hindi' na agad?!""Basta hindi."Inirapan na lamang niya ito. Mayamaya pa ay nilingon ang cellphone nito na nasa side-table. Dahil abala naman si Cain sa trabaho ay lilibangin na lamang niya ang sarili sa cellphone nito. At dahil alam naman niya ang password ay hindi siya nahirapang buksan. Pagkatapos ay nag-scroll na sa soc-med.Hanggang sa may madaanan na post ng mga masasarap
ILANG MINUTO silang ganoon, magkayakap hanggang sa magsalita si Katherine. "B-Bitawan mo na 'ko, ang init-init nahihirapan akong huminga," pagdadahilan niya pa kahit hindi naman. Nang hindi ito kumilos ay muli siyang nagsalita, "Tulog ka na ba?"Saka lang ito gumalaw at nagsalita, "Oo, tulog na 'ko kaya matulog ka na rin," ani Cain na bahagyang niluwagan ang pagkakayakap upang makahinga nang maayos ang asawa.Sinamantala naman ni Katherine ang pagkakataon at nagpumiglas upang tuluyang makawala. Ngunit kahit maluwag na ang pagkakayakap ay hindi pa rin siya makalayo."Matulog ka na," bulong ni Cain saka hinaplos-haplos ang buhok nito. "Bukas nang umaga ay uuwi na tayo sa mansion."Nag-angat ng tingin si Katherine para makita ang mukha nito pero agad ring ibinalik ni Cain saka niyakap. "Sige na, tulog na."At iyon nga ang ginawa ni Katherine. Kahit conscious na conscious siya sa presensya nito ay nagawa niya pa rin makatulog nang maayos. Hindi inaasahang komportable ang tulog niya sa gab
ILANG SANDALI lang matapos na umalis ni Cain ay dumating si attorney Domingo."Good day, nandito ako para kay Mr. Vergara."Bakas ang pagtataka sa mukha ni Joey at napalingon pa sa daan na tinahak ng Presidente. "Kaaalis lang niya, ang sabi ay may pupuntahan siya."Tiningnan naman ni Domingo ang cellphone at wala siyang nakitang reply mula sa mensahe na pinadala. "Wala ba siyang ibang binanggit kung kailan siya babalik at may importante akong papipirmahan sa kanya."Napakunot-noo si Joey saka napagtanto kung bakit tila nagmamadaling umalis si Cain.Umiiwas ito."Sa tingin ko'y nasa parking lot pa siya ngayon, hindi pa tuluyang nakakaalis. Pwede ko naman sabihan ang driver."Sa pagtango ni Domingo ay agad na tinawagan ni Joey ang driver."Ha? Pero ang sabi ni Sir ay umalis--" saad nito sa kabilang linya na agad naputol nang agawin ni Cain."Joey, anong ginagawa mo?!" bakas ang iritasyon sa boses ni Cain."Nandito si attorney Domingo, Sir, may importanteng papipirmahan sa inyo.""Alam k
WALANG ano-ano ay mabilis na tumakbo si Cain patungo sa rooftop. Humabol naman si Joey na makailang beses tinatawag ang pangalan ng amo upang patigilin."Sir, sandali lang! Huminahon po muna kayo!" sigaw ng assistant na hindi man lang magawang makalapit kay Cain dahil sa bilis nitong tumakbo.Sa hina ng resistensya ay nalagpasan pa siya ng ilang security staff sa paghabol.Ngunit sadyang mabilis si Cain. Walang sino man ang nakapigil sa kanya hanggang sa makarating sa rooftop.Malawak ang lugar at malakas ang simoy ng hangin. Ang ihip ay halos bumibingi sa kanya. Pero tuloy lang sa paglalakad si Cain hinahanap sa paligid ang asawa.Hanggang sa likod na bahagi mula sa kaliwa ng entrance ay nakita niya itong nakatayo. Ang mahaba nitong buhok ay nililipad ng hangin. Suot ni Katherine ang asul na hospital gown na bahagya ring nililipad ng hangin.At dahil nakatalikod ito ay malayang nakalapit nang dahan-dahan si Cain. Nang ilang hakbang na lamang ang layo ay nag-ingay naman ang ilang secu
HINAWAKAN ni Cain ang kamay ng Ina na nakaturo sa pinto. "Sa tingin ko'y kayo ang dapat na lumabas." Saka ito marahang hinila."Bitawan mo 'ko! At ako pa talaga ang paaalisin mo? Bastos kang bata ka!" hiyaw ni Helen.Tila naman walang narinig si Cain at inakay na ang Ina palabas ng kwarto kung saan ay naghihintay ang dalawa nitong bodyguard. "Pakihatid na pauwi si Mommy at tapos na siyang bumisita.""Anong sinasabi mo? Kadarating ko lang!" sa pagtaas ng boses ay biglang naubo si Helen."Kita niyo na?! Baka atakihin pa kayo ng asthma rito. Kaya ang mas mabuti pa'y umuwi na kayo at magpahinga," ani Cain na nakakita ng pagkakataon upang maitaboy ang Ina."Ayos lang ako, dahil sa'yo kaya ako nasi-stress," saad naman ni Helen pero hindi na rin nagmatigas pa at nag-aalala rin na baka ma-triggered ang sakit.Beso sa pisngi ang itinugon ni Cain bilang pamamaalam. "Ingat kayo sa pag-uwi."Inis pa rin si Helen kaya hinampas niya ito sa braso. "Kung kailan ka tumanda ay saka ka naman naging pasa
NANGINGINIG sa galit at hiya si Margaret. Hindi niya akalaing gagawin iyon ni Cain sa kanya.Para itong walang puso lalo na nang tingnan siya direkta sa mata habang papasara ang elevator.Paano pala kung may bala ang baril? Edi, bumulagta na siya sa harap ng mga taong naroon?Hiyang-hiya siya sa puntong gusto na lamang niyang magpalamon sa lupa dahil pinagmukha siyang katatawanan at tanga.Nang hawakan siya muli ng dalawang security staff ay hinablot naman niya ang kamay ni Joey. "T-Tulungan mo 'ko, please," naluluha niya pang saad.Ang isang gaya nito ay paniguradong maaawa. At alam niyang marupok ang mga lalake pagdating sa kanya tulad ng nangyari kay Ben. Hindi magtatagal ay makokontrol niya ito at mapapaikot.Ilang sandali pa ay lumapit si Joey at tinapik ang isang security staff. "Pwede na kayong bumalik sa trabaho niyo't ako nang bahala sa kanya."Hindi na rin kumontra ang mga ito at tahimik na umalis.Nang maiwan ang dalawa ay agad na sumandal si Margaret sa katawan nito. "M-Ma
MATAPOS iyong marinig ay bigla na lang kinabahan si Margaret. "P-Para kay Katherine, 'di ba? Kasi kailangan niyang magamot, tama?" aniyang naninigurado.Hindi pwedeng kaya nagpapahanap ito ng mental hospital ay para sa kanya. Hindi nito magagawa ang ganoong bagay.Isang matalim na tingin ang pinukol ni Cain. "Sa tingin ko'y ikaw ang mas higit na nangangailangan ng tulong at hindi ang asawa ko."Nahintakutan si Margaret at umiling-iling. "H-Hindi mo 'to magagawa sa'kin."In-denial ito sa nangyayari pero seryoso si Cain. Pinaghalong init dahil sa kaba at panlalamig ng katawan ang naramdaman ni Margaret ng mga sandaling iyon."Hindi ko alam kung magugustuhan ba ro'n ni Katherine kaya mas mabuting ipadala muna kita para may ideya naman siya kung anong magiging buhay ro'n," ani Cain.Tagaktak na ang pawis ni Margaret ng mga sandaling iyon. Parang gusto niyang maiyak, magmakaawa at kung ano-ano pa huwag lang nito ituloy ang binabalak. Ikababaliw niya talaga sa oras na mapunta sa ganoong kla
HABANG patungo si Lian sa kwarto ng kaibigan ay biglang humarang si Cain."Ano na naman? 'Wag mo sabihing pagsasabihan mo 'kong 'wag pagbabantaan ang babaeng 'yun?""Kung ano man ang nakita mo kanina, 'wag mo na lang sabihin kay Katherine at ayokong dagdagan ang sama ng loob niya."Nagtaas ng kilay si Lian. "Talaga? E, ba't mo ginawa? Kung ayaw mo naman palang sumama ang loob ng kaibigan ko dapat nagpaka-behave ka."Dumilim ang ekspersyon ni Cain. "Binabalaan kita, sa oras na may sabihin ka sa asawa ko'y hindi ako magdadalawang-isip na ipaalam 'to kay Jared."Si Lian naman ngayon ang hindi na maipinta ang ekspresyon. "Pinagbabantaan mo ba 'ko?""Hindi. Magiging banta lang 'yun kapag may sinabi ka.""Whatever. Magsalita man ako o hindi, wala pa ring magbabago. Paniguradong maghihiwalay kayo." Saka tuluyang umalis nang makitang papalapit si Margaret."Cain, ba't mo naman siya hinabol? Pina-delete mo ba ang record para sa'kin?" Alam niyang hindi siya pababayaan ni Cain. Kahit ano pang ka
KUMURAP si Margaret nang ilang beses bago magsalita, "Pinagbibintangan niya lang ako dahil sa pagkawala ng anak niya. Matagal na siyang may galit sa'kin kahit wala naman akong ginagawa kaya kung ano-ano na lang ang sinasabi."Naningkit ang mga mata ni Cain, nangingilatis kung nagsasabi ba talaga ito ng totoo o hindi?"Ba't ganyan ka makatingin, hindi ka naniniwala? Sa tingin mo ba ay magagawa ko 'yun sa kanya? Kilala mo 'ko, Cain, ni hindi ko nga kayang manakit ng insekto, tao pa kaya at isang batang hindi pa isinisilang sa mundo."Bumalik ang normal na ekspresyon ni Cain kaya inisip ni Margaret na naniniwala na ito sa kanya at sinamantala ang pagkakataon. "Takot na takot talaga ako kanina. Buong akala ko'y iyon na ang katapusan ko. Sa'ming dalawa, sino sa tingin mo ang higit na may kakayahang manakit?"Napabuntong-hininga na lamang si Cain. "Kung gano'n ay pasensya na. Masiyado lang akong maraming iniisip.""Ayos lang, Cain. Naiintindihan ko." Akmang lalapit siya at yayakapin ito nan
HANGGANG sa mahagip ng mata ni Katherine ang wheelchair. Kahit nanghihina ay pilit niyang inaabot at nagtagumpay naman siya sabay hila.Sumalpok sa katawan ni Margaret ang wheelchair kaya natumba ito. Nagkaroon ng pagkakataon si Katherine na gumapang palayo ngunit agad nitong hinila ang kanyang buhok."At talagang tatakas ka pa, a!"Iwinasiwas ni Katherine ang kamay na tumama sa braso ni Margaret kaya muli siyang nabitawan. Upang hindi na muling mahabol ay tinadyakan niya ito sa tiyan saka siya tumayo.Hingal na hingal siya habang nakatingin dito. Ilang sandali pa ay dumating si Cain ngunit dahil nakatalikod si Katherine sa bukas na pinto kaya hindi niya ito napansin na nasa hamba ng pintuan.Si Margaret na nasa sahig pa rin ng mga sandaling iyon ay nakaisip ng pagkakataon na pagmukhain itong masama.Awtomatiko siyang umiyak kahit wala naman luha. "Ba't mo ba 'to ginagawa? Binibisita lang naman kita dahil nag-alala ako nang mabalitaan na nakunan ka."Kumuyom ang dalawang kamay ni Kath
PALABAS na nang opisina si Joey nang tumunog ang kanyang cellphone. Tumatawag ang imbestigador na nakausap kanina."Hello, napatawag ka?""Sir, napag-alaman kong ang dumukot kay Miss Katherine ay buhay pa. Pinamukha lang nilang patay na upang hindi matunton ng mga awtoridad.""Inalam mo ba kung nasa'n na ang mga kidnaper?" Sabay lingon kay Cain."Sa ngayon ay pinaghahanap na ng mga tauhan ko. Babalitaan ko na lang kayo mamaya," anito saka binaba ang tawag.Matapos ay pinaalam naman ni Joey ang napag-usapan sa tawag.Napatiim-bagang si Cain, hindi malaman kung matutuwa ba o hindi? Dahil gusto niya talagang mawala na sa mundo ang mga taong nanakit kay Katherine.Ngunit napagtanto niya na mabuti na rin na buhay pa ang mga ito para siya na lamang ang magpaparusa, mas gusto niya ang ganoon.Makalipas ang halos apat na oras ay nakatanggap muli sila ng magandang balita na natunton na ang dumukot kay Katherine at kasalukuyang nasa kamay na ng mga tauhan ng imbestigador na h-in-ired ni Joey.H