Share

Kabanata 0006

Author: Alshin07
last update Huling Na-update: 2024-10-04 05:11:39

Nakaupo si Alexander sa bangko, suot ang hospital gown na ngayon ay basang-basa na dahil sa sabaw na galing sa sopas. Hindi lang iyon, dahil basang-basa rin ang buhok nito. Kahit ang mukha niya ay hindi na nakikita nang maayos dahil sa mga gulay na nakadikit doon.

"Kumain ka! Wala ka talagang kwenta!" sigaw ng nurse habang marahas na isinubo ang kutsara sa walang kamuwang-muwang na si Alexander.

Nagulat na lang ang nurse nang may biglang humila sa buhok niya at napasigaw siya sa sakit. "Sino ka ba! Bitiwan mo ako!"

Galit na galit si Aleisha at walang planong bitiwan ang buhok ng matandang nurse. "At sino ka naman sa inaakala mo! Anong karapatan mo para maltratuhin ang kapatid ko! Kulang pa ito dahil sa pang-aalipusta mo sa batang wala na nga sa tamang pag-iisip ay may malubha pang sakit!"

"Bitiwan mo ako!" sigaw pa ng nurse na mangiyak-ngiyak na sa sakit. Pakiramdam niya ay matatanggalan na siya ng anit. Dahil mas matangkad si Aleisha sa kanya ay wala siyang magawa kung hindi ang magmakaawa. "Hindi ko na uulitin! Pangako, hindi na!"

Buong lakas namang tinulak ni Aleisha ang nurse at napasalampak naman ito sa sahig. Kinuha niya ang kutsara at mangkok na may laman pang sopas. Marahas niyang sinubo sa nurse ang kutsara. Ginaya niya ang ginawa nito sa kapatid niya kanina. "Ganito ba ang gusto mo!"

Halos hindi na makapagsalita ang nurse. Napapaluha na ito dahil sa sakit ng pagsubo ni Aleisha sa kanya. Hindi pa rin makapagsalita ang nurse pero nagmamakaawa na ito kay Aleisha.

Sinampal ni Aleisha ang nurse. "Ganito ba ang ginawa mo sa kapatid ko!"

Bago pa man makapagsalita ang nurse ay hinila na siya ulit ni Aleisha sa buhok at kinaladkad. "Halika at puntahan natin ang direktor ng hospital!"

"Patawarin mo ako! Inutusan lang ako para gawin iyon sa kapatid mo!"

Natigilan naman si Aleisha sa narinig at mariing tiningnan ang nurse. "Sino?"

"Si Amanda, Amanda Santos Redobles!" pag-amin ng nurse na may luha na sa kanyang mga mata.

Dahil sa mga nangyari ay nawala na sa isipan ni Aleisha na tumakas nga pala siya sa kanila. Kaya ito na ang ganti ng Amanda sa kanya at sa pamamagitan pa ng kapatid niya. Kumukulo na ang dugo niya sa sobrang galit. Walang kalalagyan ang poot sa kanyang dibdib.

Bakit hindi na lang sa kanya? Bakit kailangan pang idamay ang kapatid niyang may autism na nga ay may sakit pa sa baga!

Pinaalis niya na ang nurse at kinalma muna ang sarili. Nilingon niya ang kapatid at nabalot ng awa ang kanyang puso. Pinigilan niyang mapaiyak at baka magwala ito. Sa halip ay nilinis niya na lamang ang kwarto nito na sobrang kalat at dumi.

Matapos maglinis ay nilapitan niya si Alexander. "Gusto mo bang paliguan ka ni ate?"

Hindi siya sinagot ni Alexander at hindi na iyon bago pa sa kanya. Kaya naman ay hinawakan niya ito sa kamay at natuwa naman siya dahil hinawakan din siya nito pabalik. "Nakilala mo ba si ate?"

Hindi na naman siya nito sinagot. Pero kahit ganoon ay masaya pa rin siya sa kakarampot na pagtugon sa kanya ng kapatid niya. Ibig sabihin lang niyon ay epektibo ang pagpapagamot nito.

Nang madala niya na sa banyo ang kapatid ay napansin niyang hindi lang pala sabaw ng sopas ang nasa damit ng kapatid kung hindi pati ihi na rin. Hindi na napigilan ni Aleisha ang mga luhang tumakas na sa kanyang mga mata. "Kasalanan ito ng ate, Alex."

Kaagad na pinahid ni Aleisha ang mga luha at nagsimulang paliguan ang kapatid. Nang mabihisan na ito at maayusan ni Aleisha ay tumambad sa kanyang mga mata ang gwapong mukha ng kapatid. Tahimik lang itong nakaupo sa kama nito. Kaya naman ay nagluto ulit si Aleisha ng pagkain nito at pagkatapos ay pinakain na rin.

Biglang hinila ni Alexander ang laylayan ng damit ni Aleisha. Hindi man niya masabi ay nararamdaman at nakikita naman niya iyon mula sa mga mata nito. "Nandito lang si ate, kaya huwag kang matakot."

Bago umalis ng hospital ay isinumbong niya ang nurse na tumanggap ng pera para apihin ang kanyang kapatid. Pagkatapos niyon ay tumungo na siya sa bahay nila. Hindi niya mapapalagpas ang ginawa ni Amanda sa kapatid niya.

Samantala, papunta naman si Raphael kila Sophia. Habang nasa daan ay tumawag sa kanya ang dalaga. "Nasaan ka na?"

"Naipit pa ako sa traffic," paliwanag naman ni Raphael. "Baka ma-late ako ng dating."

"Ayos lang," mahinhin na sagot ni Sophia. "Huwag kang magmadali."

Nang marating na ni Aleisha ang bahay nila ay dire-diretso siyang nagtungo sa kusina. Ni hindi niya na pinansin ang katulong na bumati sa kanya. Napupuno siya ng galit sa ngayon. Kaagad niyang kinuha ang pitsel na puno ng tubig at paakyat na sana ng hagdan nang makitang nasa sala pala ang mag-ina. Nagtatawanan pa ang mga ito. Pinuntahan niya ang dalawa at kaagad naman siyang napansin ng mga ito.

"Ang kapal naman ng mukha mo at may gana ka pang magpakita rito sa amin!" singhal ni Amanda kay Aleisha.

Sa halip na sagutin ni Aleisha si Amanda ay sinabuyan niya ang mga ito ng tubig mula sa pitsel na hawak niya.

"Baliw ka ba!" sigaw naman ni Sophia kay Aleisha.

Nanginginig pa rin sa galit si Aleisha pero kalmado pa ring nagsalita. "Tubig lang naman iyan. Hindi tulad ng inutos ninyo sa nurse na iyon na hayaang maligo sa ihi ang kapatid ko!"

Kaagad na hinarap ni Amanda si Sophia. "Umakyat ka sa kwarto at magpalit kaagad."

Nang makaakyat na si Sophia ay hinarap naman ni Amanda si Aleisha at halata sa mukha nito ang galit. "Oo! Binayaran ko ang nurse na iyon para apihin ang walang kwenta mong kapatid! Kasalanan mo rin naman dahil tumakas ka! Nagkagulo kami rito dahil sa iyo! Kaya nararapat lang iyon sa kapatid mo! Gumanti lang kami!"

Nabalitaan ni Amanda mula sa nurse na nakabayad na si Aleisha sa hospital at partida, may advance payment pa raw.

"At saan ka naman nakakuha ng pambayad?" taas-noong tanong ni Amanda, may bahid iyon ng pang-iinsulto. "Nagbenta ka siguro ulit ng katawan mo, ano?"

Sa nagkapatong-patong na galit sa puso ni Aleisha ay hindi na siya nagdalawang-isip pa na sampalin si Amanda. Mula pa noon ay nagtitiis lang siya sa lahat ng kahayupang ginawa sa kanila. Ngayon ay hindi niya na napigilan pa ang sarili. "Wala nang mabuting nasabi ang bibig mong iyan, kaya nararapat lang na patahimikin na iyan!"

"P*****a ka!" sigaw naman ni Amanda sa kanya at sinabunutan niya kaagad si Aleisha.

Hindi naman nagpatinag si Aleisha at gumanti rin ng pagsabunot sa buhok ni Amanda. Kapwa na sila napasalampak sa sahig. Kaagad naman na pumaibabaw si Aleisha at pinagsasampal si Amanda. "Akala mo ba ay gaya pa rin ako ng dati!"

Sa loob ng ilang taon ay tinanggap lang lahat ni Aleisha ang mga pang-aapi sa kanila ng kapatid niya. Hinding-hindi siya gumaganti. Pero ngayon ay hindi niya na kaya pang hayaan na lang silang pagmalupitan siya, lalong-lalo ang kapatid niyang walang kalaban-laban.

Napapasigaw na lang si Amanda sa bawat sampal na natatanggap niya mula kay Aleisha. "Tulong!"

Hindi naman sila inawat ng mga katulong kaya mas lalong nainis si Amanda. "Hoy! Bakit hindi ninyo ako tulungan! Tumawag kayo ng pulis! Mapapatay na ako ng p*****a na ito!"

"Anong nangyayari dito!" sigaw ni Arnold at kaagad na hinila si Aleisha saka ito marahas na tinulak. Nanlilisik ang mga mata nitong tiningnan ang anak na nakasalampak sa malamig na semento. "Nakalimutan mo na bang asawa ko siya! Sino ka para pagbuhatan ng kamay ang asawa ko!"

"Patayin mo ang punyetang iyan!" sigaw pa ni Amanda.

"Sige! At nang magkasubukan tayo!" Tumayo si Aleisha habang matapang na hinarap ang amang hindi na nagpapakatatay sa kanila. "Nagtaksil ka kay Mama! Mas pinili mong kampihan ang kabit mo kaysa sa mga anak mo! Pagkatapos ay ano? Hinayaan mo lang siyang magreyna-reynahan sa lahat kaya nalugi ang negosyo! Tapos binenta mo ako! Binenta mo ang sarili mong anak para lang may pangbayad utang iyang kabit mo! Dadating ang panahon na mananagot kayong lahat sa ginawa ninyo sa amin ni Alexander!"

Kaagad nang tumakbo palabas ng bahay nila si Aleisha. Naisip niyang hindi pa ito ang tamang panahon para kalabanin niya sila. Kailangan niya ng sapat na lakas at oras para maibigay ang nararapat na parusa para sa kanila.

Habang papalabas siya ng tarangkahan ng bahay nila ay may pumasok na kotse. Saglit siyang natigilan.

"Parang pamilyar ang kotse na iyon..." sambit niya sa sarili habang nakatingin pa rin sa kotse.

Kaugnay na kabanata

  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Kabanata 0007

    Dahil iba ang kutob ni Aleisha ay bumalik siya sa bahay nila. May kung ano ring nagtulak sa kanya na alamin kung sino ang may-ari ng sasakyan dahil nga sa pamilyar iyon sa kanya. Mabuti na lamang ay napupuno ng mga bulaklak at matataas na halaman ang harapan ng balkonahe nila. Kaya nagtago si Aleis

    Huling Na-update : 2024-10-06
  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Kabanata 0008

    Buong araw lang nasa apartment ni Michelle si Aleisha. Nang sumapit naman ang gabi ay naghanda si Aleisha para pumasok sa kanyang part-time job. Hindi na siya nakakatanggap ng pera mula sa tatay niya kaya simula pa man noon. Kaya ginawa niya ang lahat para masuportahan ang sarili sa pag-aaral. Kah

    Huling Na-update : 2024-10-07
  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Kabanata 0009

    Si Raphael nga ang nasa kanyang harapan ngayon. Lihim na lamang napamura si Aleisha. "Ang malas ko naman!" naisatinig ni Aleisha sa sarili. Unti-unti niya nang nakikita ang mukha ni Raphael. Ang malamig na tingin nito sa kanya ay para bang malalagutan na siya ng hininga. "Magpatuloy ka sa pagsas

    Huling Na-update : 2024-10-07
  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Kabanata 0010

    "Tumabi ka saglit, Joaquin," mahinahong utos ni Raphael ngunit ang mga mata niya ay malamig na nakatingin kay Aleisha. Alam niya na kung anong pakay nito sa kanya. "Anong kailangan mo?" Hindi naman nagpatinag si Aleisha at ginantihan ng seryosong tingin ang nanlalamig na titig ni Raphael. Hindi nam

    Huling Na-update : 2024-10-08
  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Kabanata 0011

    Hindi natuloy ang pagpapawalang bisa ng kasal nila ni Aleisha gaya nang nasabi ni Raphael kay Sophia noong kumain sila sa labas. Hindi naman iyon nilihim ni Raphael sa dalaga at tinawagan niya ito para ipaalam ang nangyari. "Matapos niyang malaman ang balita sa iyo ay hindi na siya kumain o uminom

    Huling Na-update : 2024-10-08
  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Kabanata 0012

    Dahil nawalan ng part-time job si Aleisha ay kinailangan niyang maghanap ulit sa lalong madaling panahon. Hindi na siya mag-aaksaya pa ng oras para magmakaawa kay Raphael. Para sa kanya ay sarado ang puso nito sa ano mang habag. Pero dahil abala ang schedule niya bilang intern ay mahihirapan talaga

    Huling Na-update : 2024-10-09
  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Kabanata 0013

    Walang mababanaag na kahit anong reaksyon sa mukha ni Raphael maliban sa napakalamig na titig nito kay Aleisha. "Ano pang dapat nating pag-usapan?" Pakiramdam naman ni Aleisha ay sasabog na ang puso niya dahil sa nararamdamang tensyon. "Nandito ako para humingi ng tawad. Gagawin ko ang kahit na ano

    Huling Na-update : 2024-10-09
  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Kabanata 0014

    Kaagad na umupo sa bangkong katabi ng hospital bed si Aleisha nang makapasok siya sa hospital room ni Don Raul. Lumapad naman ang pagkakangiti ng don at kaagad na kinumusta si Aleisha. "Naayos mo na ba lahat ng dadalhin mo? Nakapag-impake ka na ba ng lahat ng kailangan mo?" Napataas naman ang kila

    Huling Na-update : 2024-10-15

Pinakabagong kabanata

  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Kabanata 0120

    Naisip pa ni Raphael na dahil lamang sa nanay ni Daniel kaya sila naghiwalay ni Aleisha. Marahil ay nagdadalawang-isip pa siya noon na makipaghiwalay kay Daniel. Ganoon din noong inutos niya na ipalaglag ang bata. Kaya marahil ay hindi ito pumayag na ipalaglag ang batang nasa sinapupunan nito dahil

  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Kabanata 0119

    Walang pag-alinlangang nilingon ni Raphael ang kinaroroonan ni Aleisha. At tama nga si Apollo, umiiyak ito! Kaagad ni nilingon ni Raphael si Jacob na nasa tabi lang. "Puntahan mo at alamin kung anong nangyari." "Opo, sir!" Kaagad na tumalima si Jacob. "Nakakabwisit!" inis na saad ni Raphael sa ka

  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Kabanata 0118

    Matapos niyon ay kaagad nang tinalikuran ni Aleisha si Raphael. Pagkatalikod niya ay kaagad na pumatak ang isang butil ng luha sa kanyang mata— kanina pa siya nagpipigil pero hindi niya na kinaya. Nalawayan na ng iba? Paano niya ba nakalimutan na marumi pala ang tingin ni Raphael sa kanya! Mabut

  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Kabanata 0117

    Sa mga sandaling hawak ni Aleisha ang kamay ni Raphael, napansin niyang kumikislap ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Pero iwinaksi niya iyon sa kanyang isipan at umiwas ng tingin— maaaring nag-iilusyon lang siya o baka naman ay guni-guni niya lamang iyon. Ganoon pa man, kung mayroon ng

  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Kabanata 0116

    Ilang sandali pa ay tumatawag na si Joaquin. Kaagad naman niya iyong sinagot. "Na-check ko na po, Sir Raphael," bungad na saad ni Joaquin. "Dalawang kwarto po ang kinuha ni Daniel Montenegro. Ang isa ay para kay Miss Aleisha at ang isa naman ay para sa kanya at sa kapatid ni Miss Aleisha." "Sige,"

  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Kabanata 0115

    Hindi katulad nila Aleisha ay maagang nakadating sa La Esperanza Resort sina Raphael at Marco. Samantalang papunta pa lang sina Apollo at RJ. Napansin ni Marco na walang kurap-kurap na nakatingin si Raphael kay Aleisha. Kaya naman ay pilyo siyang napangisi. "Akala ko talaga ay pumunta tayo rito par

  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Kabanata 0114

    Makalipas ang ilang araw ay pumunta sa Arizcon Corporation si Daniel. Naipasa nang maayos ng Montenegro Technologies ang mga hinihinging requirements ng ArCo ayon na rin sa prosesong ginawa nila. Ngayon ay narito siya para personal na makausap si Raphael. Hinatid siya ng isa sa mga sekretarya ni Ra

  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Kabanata 0113

    "Tang ina!" Napatayo naman sa pagkabigla si RJ. "Anong buhay pag-ibig? Nakakasuka namang salita iyan! Mga kalaro ko lang silang lahat!" Sabay pang napairap sina Apollo at Marco sa tinurang iyon ni RJ. Habang sinamaan naman siya ng tingin ni Raphael. Napakamot naman kaagad sa ulo niya si RJ. "W-Wal

  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Kabanata 0112

    Sa kabilang banda ay nabigla naman si Raphael sa naging tanong ni Aleisha. Naisip niya ay baka magalit ito dahil sa ginawa niyang iyon. Pero hindi niya iyon pinahalata at malamig itong tinitigan. "Oo, ako nga. Bakit? May problema ba?" "Kung ganoon..." seryosong saad ni Aleisha na mas lalo pang nagp

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status