"Tumabi ka saglit, Joaquin," mahinahong utos ni Raphael ngunit ang mga mata niya ay malamig na nakatingin kay Aleisha. Alam niya na kung anong pakay nito sa kanya. "Anong kailangan mo?" Hindi naman nagpatinag si Aleisha at ginantihan ng seryosong tingin ang nanlalamig na titig ni Raphael. Hindi nam
Hindi natuloy ang pagpapawalang bisa ng kasal nila ni Aleisha gaya nang nasabi ni Raphael kay Sophia noong kumain sila sa labas. Hindi naman iyon nilihim ni Raphael sa dalaga at tinawagan niya ito para ipaalam ang nangyari. "Matapos niyang malaman ang balita sa iyo ay hindi na siya kumain o uminom
Dahil nawalan ng part-time job si Aleisha ay kinailangan niyang maghanap ulit sa lalong madaling panahon. Hindi na siya mag-aaksaya pa ng oras para magmakaawa kay Raphael. Para sa kanya ay sarado ang puso nito sa ano mang habag. Pero dahil abala ang schedule niya bilang intern ay mahihirapan talaga
Walang mababanaag na kahit anong reaksyon sa mukha ni Raphael maliban sa napakalamig na titig nito kay Aleisha. "Ano pang dapat nating pag-usapan?" Pakiramdam naman ni Aleisha ay sasabog na ang puso niya dahil sa nararamdamang tensyon. "Nandito ako para humingi ng tawad. Gagawin ko ang kahit na ano
Kaagad na umupo sa bangkong katabi ng hospital bed si Aleisha nang makapasok siya sa hospital room ni Don Raul. Lumapad naman ang pagkakangiti ng don at kaagad na kinumusta si Aleisha. "Naayos mo na ba lahat ng dadalhin mo? Nakapag-impake ka na ba ng lahat ng kailangan mo?" Napataas naman ang kila
Nang utusan ni Don Raul si Raphael na isama si Aleisha ay tumango lamang siya. Wala sa plano niyang isama talaga si Aleisha. Sasabihin niya na lamang sa abuelo na nakalimutan niya. "Hindi ka nababagay sa ganitong mga okasyon," malamig na saad ni Raphael sa tonong nang-iinsulto. Kitang-kita talaga k
"Bitiwan mo siya," mahinang utos ni Raphael ngunit puno ng awtoridad. Habang hindi naman malaman ni Joaquin kung ano itong nararamdaman niya dahil sa kakaibang pinapakita ni Raphael ngayon lang. "O-Opo, sir." Nalipat naman ang atensyon ni Raphael kay Aleisha na wala pa ring malay. May sakit kaya i
Napatango-tango naman si Don Miguel sa narinig na sagot mula kay Aleisha. Nalipat naman ang tingin niya kay Raphael. "Magkasama pala kayo..." Hindi naman malaman ni Raphael kung anong nasa isipan ng don. Palipat-lipat kasi ang tingin nito sa kanya at kay Aleisha. "Kung ganoon ay bakit ka sumama ri
Naikuyom ni Raphael ang mga palad. Talaga bang hindi mapili si Aleisha? Ganoong klaseng babae ba siya? Ang Romulo Sandoval na iyon ay kasing edad lang ng tatay niya! Habang lalo siyang nagagalit ay lalong nagiging kalmado ang hitsura niya. Pagak siyang napatawa at mahinahong nagsalita. "Magmaneho k
Sinubukan ni Raphael na makipag-usap nang maayos kay Sophia, ngunit hindi ito nakikinig at pinipilit pa rin ang sarili nito sa kanya. Wala nang nagawa si Raphael kung hindi ang gumamit ng lakas. Bigla siyang tumayo kahit nanghihina ang kanyang mga tuhod at itinaas ang kanyang mga braso kaya naman ay
"O-Oo..." Wala sa sariling tumango si Raphael habang niluluwagan pa ang kanyang suot na polo. "Kung ganoon ay alisin mo na lang ang coat mo," malumanay na saad naman ni Sophia. Tumayo siya at lumapit kay Raphael saka inilagay ang mga kamay sa kwelyo nito— handa nang hubarin iyon. Ngunit biglang hi
Maagang dumating si Raphael sa opisina nang makatanggap siya ng tawag mula kay Sophia. "Raphael..." Mahinahon ang boses ni Sophia na aakalain mong hindi makabasag pinggan. "Gusto kang imbitahin ng mama ko sa bahay para maghapunan mamaya. Pwede ka bang pumunta?" Natakot si Sophia na baka tumanggi s
Kaunti na lang ang natitirang klase ngayong buwan bilang pagiging intern ni Aleisha. Naisip niya na isaayos ang operasyon ni Don Raul habang naroroon pa siya. Binigyan din ni Doktor Rivera ng sapat na pagpapahalaga si Don Raul at hinayaan si Aleisha na pumili ng petsa kung kailan ito ooperahan. "
Pagkababa ni Aleisha ng kanyang telepono ay hindi niya namalayang may isang taong nakatayo na sa harapan niya— isang pamilyar na suit na pati ang pigura ng tindig nito ay kilalang-kilala niya. Nang itaas niya ang kanyang tingin ay tama nga siya ng hula— si Raphael na magkasalubong ang kilay ang nak
Isang araw ng sana ay pahinga, ngunit abala pa rin si Aleisha. Tinapos niya kasi ang mga manuscript na tinanggap niya noong isang araw at ngayon ay makikipagkita siya sa editor-in-chief. Dahil gusto niya itong makausap sa persona. Magpapaalam na at magre-resign na rin sa trabaho niyang ito. Sa kad
Ayon sa nais ni Raphael ay balak na niyang umalis sa mansyon at ayaw na niyang manatili sa parehong silid kasama si Aleisha kahit isang segundo pa! Gayunpaman ay gabi na at patuloy pa rin ang ulan sa labas. Isa pa, bukas ng umaga ay kailangan niyang kumain ng almusal kasama ang kanyang lolo. Irita
"Anong ginagawa mo?" gulat na tanong ni Aleisha habang hawak pa rin ang ice pack sa pisngi niya. Matigas at malamig ang ekspresyon sa mukha ni Raphael at sa malalim na tinig ay nagsalita siya. "Huwag kang tumanggap ng pera mula sa iba! Hindi ba at binigyan kita ng card? Wala ka na bang perang magam