Share

Kabanata 0007

Author: Alshin07
last update Last Updated: 2024-10-06 01:59:51

Dahil iba ang kutob ni Aleisha ay bumalik siya sa bahay nila. May kung ano ring nagtulak sa kanya na alamin kung sino ang may-ari ng sasakyan dahil nga sa pamilyar iyon sa kanya.

Mabuti na lamang ay napupuno ng mga bulaklak at matataas na halaman ang harapan ng balkonahe nila. Kaya nagtago si Aleisha roon habang nakamasid sa nakaparadang kotse.

"Bakit hindi pa bumaba ang kung sino mang nasa loob?" naiinip na tanong ni Aleisha sa kawalan.

Nalipat ang tingin niya sa may bukana ng bahay nila dahil nakita niya mula sa loob si Sophia. Nakapostura ito at inayos ang buhok bago naglakad papalabas.

At ganoon na lamang ang pagkagulat ni Aleisha nang makita ang lalakeng bumaba mula sa loob ng sasakyan. Walang iba kung hindi si Raphael Arizcon! May hawak pa itong isang pumpon ng pulang mga rosas at inilahad sa harapan ni Sophia.

Tinanggap naman iyon ni Sophia habang kiming ngumiti. "Ang ganda naman nito."

Kaagad namang inilingkis ni Sophia ang kamay sa braso ni Raphael. Iginiya siya nito sa sasakyan at pinagbuksan ng pinto at umikot para sumakay na rin. Ilang saglit pa ay umaandar na ang sasakyan. Isiniksik pa lalo ni Aleisha ang sarili sa may halamanan nang dumaan sa harapan niya ang sasakyan.

Magkahalong kaba at pagtataka ang nararamdaman niya ngayon. Ibig sabihin ay nagsasabi ng totoo si Raphael na may nais siyang pakasalan. At iyon ay si Sophia! Ibig sabihin din ay may relasyon ang dalawa. Kung ganoon ay hindi na naghihirap ang pamilya niya. Pero bakit binenta pa rin siya ni Amanda?

Ang daming pumapasok na mga tanong sa isipan ni Aleisha. Nalilito na siya sa mga pangyayari.

Kung totoo ngang may relasyon ang dalawa ay hindi totoong nalulugi na ang negosyo nila. Kung ganoon ay nasa mabuting kalagayan naman pala sila. Pero bakit naging kaawa-awa ang buhay nila ng kapatid niya?

Naikuyom niya ang kanyang palad.

"Hindi. Hindi ko hahayaang maging maayos ang buhay ninyo!"

-----

Isang romantikong restaurant ang pinasukan nina Raphael at Sophia. Bukod sa may mga kandila at mamahaling mga kagamitan sa pagkain sa mesa ay may live band pa na tumutugtog.

Magkaharap na nakaupo ang dalawa. Personal na nilagyan ni Raphael ang kopita ni Sophia ng mamahaling red wine. "Magiging maayos din ang lahat. Sa loob ng ilang araw ay mapapawalang bisa na rin ang kasal na iyon. Kaunting hintay pa."

Napakagat-labi si Sophia at hindi mapigilang mapaluha.

"B-Bakit?" nagtatakang tanong ni Raphael sa dalaga. "Hindi ka ba masaya?"

"Hindi sa ganoon," malumanay na saad ni Sophia pero sa kaloob-looban nito ay nagdidiwang na ang kanyang puso. "Naiiyak ako sa tuwa."

Inilahad ni Sophia ang palad sa harap ni Raphael. "Sumayaw tayo at magdiwang."

Pinalaking maginoo si Raphael kaya hindi niya ugali ang tumanggi sa mga ganoong bagay. Isa pa, babae na mismo ang nagkusa. Tumango si Raphael. "Okay."

Nasa gitna na sila ng dance floor at malumanay na sinabayan ang mahinahong musika.

Napaangat ng tingin si Sophia dahil matangkad si Raphael. "Pwede bang magpakasal na tayo kaagad kapag napawalang bisa na ang kasal mo na iyon?"

Kumunot ang noo ni Raphael at bahagyang napaisip. Hindi pa lubusang magaling ang kanyang abuelo. Kapag nalaman nitong nagpakasal siyang muli ay mas lalo nitong ikasasama ng loob iyon. Gayong si Aleisha ang gusto nitong pakasalan niya.

Napansin naman ni Sophia na natigilan saglit si Raphael kaya naman ay nagsalita siyang muli. "Sabi kasi ni Mama, masyadong maraming gagawin kapag magpapakasal..."

"Okay lang iyan," wala sa sariling sagot ni Raphael. "Sabihin mo sa mama mo na si Joaquin na ang bahala sa lahat kaya huwag na siyang mamroblema."

Si Joaquin naman ang umaayos sa lahat. Ang gusto ni Raphael ay maging masaya si Sophia kaya niya iyon nasabi.

Natuwa naman si Sophia kaya ang mga kamay nitong nasa dibdib lang ni Raphael ay napunta sa leeg nito. Tumingkayad pa siya para maabot nito ang labi ni Raphael.

Naintindihan naman ni Raphael ang gustong mangyari ng dalaga kaya pinagbigyan niya ito. Gamit ang hintuturo ay inangat niya ang baba ni Sophia. Naramdaman niya kaagad ang makapal na foundation na gamit nito. Nang malapit nang maglapat ang kanilang mga labi ay na amoy naman kaagad ni Raphael ang gamit nitong lipstick pati na rin ang matapang nitong pabango.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay naging kakaiba ang nararamdaman ni Raphael. Naalala niyang hindi naman ganito ang pakiramdam niya nang gabing iyon. Maaaring isang buwan na ang nakalipas pero presko pa sa isipan niya ang mga nangyari nang gabing iyon.

Naalala niya rin na wala namang gamit na make up ang babaeng nakaniig niya nang gabing iyon. Wala ring gamit na pabango pero ang natural na bango ng balat nito ay tumatak na sa kanyang pang-amoy.

Hindi nagtagal ay nahinto ang tugtog. Kaagad na kumalas si Raphael at bahagyang lumayo kay Sophia. "Tayo na at baka lumamig na ang pagkain."

Napamulat naman kaagad si Sophia ng mga mata. At tanging likod na lang ni Raphael ang naabutan niya. Lihim siyang napamura. "Bakit kasi biglang tumigil ang tugtog? Malapit na sana kaming maghalikan!"

Wala nang nagawa pa ang dalaga at bumalik sa mesa nila.

----

Ilang araw na rin ang nakalipas at oras na para magharap muli sina Aleisha at Raphael para sa pagpapawalang bisa ng kanilang kasal. Ilang araw na ring hindi umuuwi si Aleisha sa kanyang apartment at dito nakikitulog kay Michelle.

Maagang naghanda para sa trabaho si Michelle samantalang nakatihaya pa si Aleisha sa kama.

Tinaasan ni Michelle ng kilay si Aleisha. "Hindi ba at may asikasuhin ka ngayon kaya nagpaiba ka ng shift?"

"Oo..." matamlay na sagot ni Aleisha sa kaibigan."Mauna ka na at aalis din ako maya-maya."

"Sige, mauna na ako. Tumayo ka na riyan at kumilos," sabi pa ni Michelle at iniwan na siya nito.

Nang makaalis na si Michelle ay hindi pa rin kumilos si Aleisha. Wala naman talaga siyang aasikasuhin na mahalagang bagay para maghanda siya nang maaga. Nakapagdesisyon na siya.

Ilang oras ang nakalipas ay tumunog ang kanyang telepono. Wala siyang ibang tawag na inaasahan ngayon maliban sa tawag ni Joaquin.

Sa kabilang banda ay nakatayo sa labas ng city hall si Raphael. Hawak ang isang envelope na naglalaman ng mga papeles para sa pagpapawalang bisa ng kanilang kasal ni Aleisha at ang isang sobre naman na naglalaman ng malaking halaga.

Kahit pa sabihing ayaw ni Raphael kay Alesiha ay alam niya namang niligtas ng nanay nito ang buhay ng kanyang abuelo. Isa pa ay wala lang sa kanya ang perang ibibigay.

Ilang ring lang ay sumagot naman kaagad si Aleisha sa kanyang tawag. "Nasaan ka na? Bakit wala ka pa rito? Na-traffic ka ba? Ipapasundo na lang kita riyan."

Bahagyang nagulat naman si Aleisha dahil mismong si Raphael pala ang kausap niya mula sa kabilang linya. Ganoon pa man ay nilakasan niya ang loob. Ngayon pa lang ay nakokonsensya na siya sa sasabihin.

Pero kailangan niyang gawin ito. Huminga nang malalim si Aleisha bago nagsalita. "Hindi ako makikipag-divorce."

"Anong sabi mo?" naguguluhang tanong ni Raphael. Akala niya pa ay guni-guni niya lang ang narinig dahil sa wala siyang maayos na tulog kagabi.

"Hindi ako makikipag-divorce." Kinakabahan man ay inulit niya pa rin ang sinabi. Nararamdaman niyang sisigawan na siya ni Raphael.

Nahilot ni Raphael ang sentido. Dinig na dinig na ang sinabi ni Aleisha. Klarong-klaro ang bawat salitang binitawan nito. Kalmado siyang nagsalita. "Naririnig mo ba ang sarili mo? Nakipagkasundo ka na sa akin, baka nakakalimutan mo iyon?"

Walang narinig na sagot si Raphael kaya hindi niya napigilang mapasigaw. "Saan ka nakakuha ng lakas ng loob para sabihin iyan! Pumunta ka ngayon dito kung ayaw mong may pagsisihan sa huli!"

Inaasahan naman ni Aleisha na ganito ang magiging reaksyon ni Raphael. Gusto niya sanang sabihin dito na ang Sophia na nakilala niya ay hindi ang tunay na Sophia.

Base sa pagkakaalam ni Aleisha, hindi ang uri ni Sophia ang basta na lamang magugustuhan ng isang Raphael Arizcon. Pero ayaw niyang manghimasok sa bagay na iyon. Ang sa kanya lang ay hindi matuloy ang pagpapakasal nina Raphael at Sophia. Iyon ang ganting pinaplano niya.

Tuluyan nang naputol ang pisi ng pasensya ni Raphael. Binibigyan niya na nang malaking pabor si Alesiha, tapos ngayon ay hahadlang pa ito na pakasalan ang babaeng gusto niya?

"Pasensya na—"

"Hindi ko kailangan ang pagpasensya mo! Pumunta ka rito o baka gusto mo pang ipakaladkad kita—"

Hindi na makapagsalita si Raphael dahil pinatayan na siya ng tawag ni Aleisha.

"Hindi mo ako mahahanap, Raphael."

Walang may nakakaalam sa apartment na ito ni Michelle kaya rito siya naglagi sa nagdaang mga araw.

Kaagad namang tinawagan ni Raphael si Joaquin para ipahanap si Aleisha. Pero malapit nang gumabi ay hindi pa rin nila ito mahanap-hanap. Ni hindi niya tiningnan ang id or birth certificate ni Aleisha kaya hindi niya alam kung saan o sino ang tatawagan para malaman ang kinaroroonan nito.

"Ang galing mo talaga!" napasigaw na lang sa galit si Raphael.

Related chapters

  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Kabanata 0008

    Buong araw lang nasa apartment ni Michelle si Aleisha. Nang sumapit naman ang gabi ay naghanda si Aleisha para pumasok sa kanyang part-time job. Hindi na siya nakakatanggap ng pera mula sa tatay niya kaya simula pa man noon. Kaya ginawa niya ang lahat para masuportahan ang sarili sa pag-aaral. Kah

    Last Updated : 2024-10-07
  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Kabanata 0009

    Si Raphael nga ang nasa kanyang harapan ngayon. Lihim na lamang napamura si Aleisha. "Ang malas ko naman!" naisatinig ni Aleisha sa sarili. Unti-unti niya nang nakikita ang mukha ni Raphael. Ang malamig na tingin nito sa kanya ay para bang malalagutan na siya ng hininga. "Magpatuloy ka sa pagsas

    Last Updated : 2024-10-07
  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Kabanata 0010

    "Tumabi ka saglit, Joaquin," mahinahong utos ni Raphael ngunit ang mga mata niya ay malamig na nakatingin kay Aleisha. Alam niya na kung anong pakay nito sa kanya. "Anong kailangan mo?" Hindi naman nagpatinag si Aleisha at ginantihan ng seryosong tingin ang nanlalamig na titig ni Raphael. Hindi nam

    Last Updated : 2024-10-08
  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Kabanata 0011

    Hindi natuloy ang pagpapawalang bisa ng kasal nila ni Aleisha gaya nang nasabi ni Raphael kay Sophia noong kumain sila sa labas. Hindi naman iyon nilihim ni Raphael sa dalaga at tinawagan niya ito para ipaalam ang nangyari. "Matapos niyang malaman ang balita sa iyo ay hindi na siya kumain o uminom

    Last Updated : 2024-10-08
  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Kabanata 0012

    Dahil nawalan ng part-time job si Aleisha ay kinailangan niyang maghanap ulit sa lalong madaling panahon. Hindi na siya mag-aaksaya pa ng oras para magmakaawa kay Raphael. Para sa kanya ay sarado ang puso nito sa ano mang habag. Pero dahil abala ang schedule niya bilang intern ay mahihirapan talaga

    Last Updated : 2024-10-09
  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Kabanata 0013

    Walang mababanaag na kahit anong reaksyon sa mukha ni Raphael maliban sa napakalamig na titig nito kay Aleisha. "Ano pang dapat nating pag-usapan?" Pakiramdam naman ni Aleisha ay sasabog na ang puso niya dahil sa nararamdamang tensyon. "Nandito ako para humingi ng tawad. Gagawin ko ang kahit na ano

    Last Updated : 2024-10-09
  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Kabanata 0014

    Kaagad na umupo sa bangkong katabi ng hospital bed si Aleisha nang makapasok siya sa hospital room ni Don Raul. Lumapad naman ang pagkakangiti ng don at kaagad na kinumusta si Aleisha. "Naayos mo na ba lahat ng dadalhin mo? Nakapag-impake ka na ba ng lahat ng kailangan mo?" Napataas naman ang kila

    Last Updated : 2024-10-15
  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Kabanata 0015

    Nang utusan ni Don Raul si Raphael na isama si Aleisha ay tumango lamang siya. Wala sa plano niyang isama talaga si Aleisha. Sasabihin niya na lamang sa abuelo na nakalimutan niya. "Hindi ka nababagay sa ganitong mga okasyon," malamig na saad ni Raphael sa tonong nang-iinsulto. Kitang-kita talaga k

    Last Updated : 2024-10-15

Latest chapter

  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Kabanata 0120

    Naisip pa ni Raphael na dahil lamang sa nanay ni Daniel kaya sila naghiwalay ni Aleisha. Marahil ay nagdadalawang-isip pa siya noon na makipaghiwalay kay Daniel. Ganoon din noong inutos niya na ipalaglag ang bata. Kaya marahil ay hindi ito pumayag na ipalaglag ang batang nasa sinapupunan nito dahil

  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Kabanata 0119

    Walang pag-alinlangang nilingon ni Raphael ang kinaroroonan ni Aleisha. At tama nga si Apollo, umiiyak ito! Kaagad ni nilingon ni Raphael si Jacob na nasa tabi lang. "Puntahan mo at alamin kung anong nangyari." "Opo, sir!" Kaagad na tumalima si Jacob. "Nakakabwisit!" inis na saad ni Raphael sa ka

  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Kabanata 0118

    Matapos niyon ay kaagad nang tinalikuran ni Aleisha si Raphael. Pagkatalikod niya ay kaagad na pumatak ang isang butil ng luha sa kanyang mata— kanina pa siya nagpipigil pero hindi niya na kinaya. Nalawayan na ng iba? Paano niya ba nakalimutan na marumi pala ang tingin ni Raphael sa kanya! Mabut

  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Kabanata 0117

    Sa mga sandaling hawak ni Aleisha ang kamay ni Raphael, napansin niyang kumikislap ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Pero iwinaksi niya iyon sa kanyang isipan at umiwas ng tingin— maaaring nag-iilusyon lang siya o baka naman ay guni-guni niya lamang iyon. Ganoon pa man, kung mayroon ng

  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Kabanata 0116

    Ilang sandali pa ay tumatawag na si Joaquin. Kaagad naman niya iyong sinagot. "Na-check ko na po, Sir Raphael," bungad na saad ni Joaquin. "Dalawang kwarto po ang kinuha ni Daniel Montenegro. Ang isa ay para kay Miss Aleisha at ang isa naman ay para sa kanya at sa kapatid ni Miss Aleisha." "Sige,"

  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Kabanata 0115

    Hindi katulad nila Aleisha ay maagang nakadating sa La Esperanza Resort sina Raphael at Marco. Samantalang papunta pa lang sina Apollo at RJ. Napansin ni Marco na walang kurap-kurap na nakatingin si Raphael kay Aleisha. Kaya naman ay pilyo siyang napangisi. "Akala ko talaga ay pumunta tayo rito par

  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Kabanata 0114

    Makalipas ang ilang araw ay pumunta sa Arizcon Corporation si Daniel. Naipasa nang maayos ng Montenegro Technologies ang mga hinihinging requirements ng ArCo ayon na rin sa prosesong ginawa nila. Ngayon ay narito siya para personal na makausap si Raphael. Hinatid siya ng isa sa mga sekretarya ni Ra

  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Kabanata 0113

    "Tang ina!" Napatayo naman sa pagkabigla si RJ. "Anong buhay pag-ibig? Nakakasuka namang salita iyan! Mga kalaro ko lang silang lahat!" Sabay pang napairap sina Apollo at Marco sa tinurang iyon ni RJ. Habang sinamaan naman siya ng tingin ni Raphael. Napakamot naman kaagad sa ulo niya si RJ. "W-Wal

  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Kabanata 0112

    Sa kabilang banda ay nabigla naman si Raphael sa naging tanong ni Aleisha. Naisip niya ay baka magalit ito dahil sa ginawa niyang iyon. Pero hindi niya iyon pinahalata at malamig itong tinitigan. "Oo, ako nga. Bakit? May problema ba?" "Kung ganoon..." seryosong saad ni Aleisha na mas lalo pang nagp

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status