Share

Kabanata 0005

Author: Alshin07
last update Last Updated: 2024-10-04 03:06:24

Muntik nang matumba si Aleisha sa sahig. Abala si Don Raul sa pakikinig sa doktor kaya hindi nito napansin ang ginawa ni Raphael kay Aleisha.

Ilang saglit pa ay natapos na rin ang pag-uusap ng doktor at ng don. Palabas na ang doktor kaya naman napansin na nito ang dalawa sa may pintuan.

"Mabuti at naabutan kita, Mr. Raphael Arizcon. Maayos na ang kalagayan ng iyong lolo pero mahina pa rin ang katawan niya at kailangan niya pang magpahinga. Kailangan mo ring tutukan ang kanyang diet at bigyan siya ng wastong pahinga. Higit sa lahat ay pasayahin mo siya at pagaanin ang kanyang loob." Lumabas naman kaagad ang doktor pagkatapos ng mga habilin nito.

Napaisip naman si Raphael. Kapag nalaman ng lolo nito ang tungkol sa pagdadalang-tao ni Aleisha ay baka mas lalo lamang lumala ang sakit nito. Kanina lang ay masaya ito dahil ibinalita niya ang kanilang pagpapakasal. Pagkaalis nila kanina sa city hall, bago pa man siya tumuloy sa kanyang opisina ay kaagad niyang binisita ang abuelo at pinakita ang kanilang marriage certificate. Kaya marahil ay medyo bumuti ang kalagayan nito. Ayaw niyang bawiin ang kasiyahan ng kanyang abuelo.

"Hindi ba at sinabi ko sa iyo, Raphael, na huwag na muna ninyo akong bisitahin dito at maglaan muna ng oras sa isa't isa?" Palipat-lipat ang tingin ni Don Raul sa kanilang dalawa.

"D-Don Raul..." panimula ni Aleisha. Plano niyang sabihin na ang totoo sa matanda. "P-Patawarin ninyo ako..."

"Anong ibig mong sabihin, hija?" nagtatakang tanong ni Don Raul. Nakakunot pa ang noo nito habang nakatingin sa nakayukong si Aleisha.

Magsasalita pa sana si Aleisha nang biglang hinawakan ni Raphael ang kanyang kamay at lihim na pinisil iyon nang may pagbabanta.

"Ang ibig niyang sabihin, 'Lo, paano kami magsasaya kung nandito ka sa hospital at nag-iisa," kaagad na singit ni Raphael sa usapan ng dalawa. "Kaya niya nasabing patawarin ninyo siya kasi hindi namin masusunod ang gusto po ninyo, 'Lo."

Naguguluhan man ay napahinga nang maluwag si Aleisha dahil hindi siya sinumbong ni Raphael.

"Alam kong mabait na bata talaga itong si Aleisha." Nasundan naman iyon ng masiglang pagtawa ng don. "Narinig naman ninyo ang sabi ng doktor. Maayos na ang kalagayan ko. Mas naging maayos pa dahil napasaya ninyo ako. Huwag ninyo akong alalahanin at maraming nurse naman ang nandito para magbantay sa akin. Mas matutuwa pa ako kung lalabas kayo ngayon at ipagdiwang ang naging kasal ninyo kanina. Hala, sige na at lumabas na kayo, Raphael."

Hindi na umangal pa si Raphael. "Sige, 'Lo. Magpahinga ka nang maayos."

Hawak pa rin ang kamay ni Aleisha ay hinila na siya ni Raphael palabas ng kwarto. Nang makalabas na sila ay kaagad na binitawan ni Raphael ang kamay ni Aleisha. "Sa ngayon ay ganito na muna tayo."

Hindi man ipaliwanag ni Raphael ay naiintindihan naman ni Aleisha ang ibig nitong sabihin. Tiningnan ni Aleisha si Raphael sa mga mata nito. Puno iyon ng galit at pandidiri. "Hindi ko hahayaang madungisan ang aming pangalan ng isang tulad mo lang. Hindi nararapat sa iyo ang apelyidong Arizcon, kahit isang segundo lang."

Alam ni Aleisha na parehas silang nakinabang sa kasal na iyon. Pero ang hindi niya lang matanggap ay ang paraan ng pangungutya nito sa kanya. Sobra-sobra na iyon. Para bang literal siyang hinubaran sa gitna ng daan at pinahiya sa harap ng mga tao.

Gustuhin man ni Aleisha na ipaglaban ang sarili at ipaliwanag ang lahat ay nanatiling tikom ang kanyang bibig. Dahil siya mismo sa sarili niya ay alam niyang marumi na siya. Binenta niya ang sarili at ang malala pa niyon ay maling tao at maling kwarto pa ang kanyang napasukan.

Sa ganitong klase ng sitwasyon, alam ni Aleisha na hindi maniniwala si Raphael kahit anong paliwanag pa ang kanyang sabihin. Kaya hindi na siya nag-aksaya pa ng oras para magsalita.

"Habang maaga pa ay asikasuhin na natin ang mga proseso ng pagpapawalang bisa ng kasal na iyon. Madali ang magpakasal, pero hindi ganoon kadali ang pagpapawalang bisa," saad pa ni Raphael. "Hintayin mo ang mensahe ko at magkita tayong muli sa city hall. Tungkol naman kay Lolo, kailangan mo munang magpanggap."

"Naiintindihan ko," maikling sagot ni Aleisha.

Walang sabi-sabi ay kaagad na tinalikuran ni Raphael si Aleisha at naglakad na puno ng kumpyansa sa sarili.

Nakatingin lamang si Aleisha sa papalayong si Raphael. Mapait siyang napangiti. Hindi niya naman masisisi ito kung bakit galit ito sa kanya. Pero hindi niya rin masisisi ang sarili kung nakakaramdam din siya ng galit para dito. Biktima rin siya at hindi niya ginusto ang mga nangyari sa kanya. Hindi niya rin ginusto ang makasal. Lalo pa at wala namang pag-iibigan ang namamagitan sa kanila.

Sinong babae ba ang ayaw makasal sa lalakeng iniibig nito? Minsan niya na ring naranasan ang mahalin ng taong mahal niyia. Naranasan niya rin ang pakiramdam na mapahalagahan.

Pero wala na yatang ganoon sa panahon ngayon.

Kaagad nang umuwi si Aleisha sa tinutuluyan na apartment na malapit lang sa pinapasukan niyang unibersidad— ang Unibersidad de Mateo. Mabuti na lang at bayad niya pa ang upa niyon ng limang buwan. Walang sinabi si Raphael kaya hindi na lang siya umuwi sa mansyon ng mga Arizcon.

Nag-aaral siya bilang surgeon sa nasabing unibersidad at kasalukuyang intern ng affiliated hospital nito— ang Mateo's Doctor Hospital.

Kasalukuyan nang nakahiga sa kama niya si Aleisha nang tumunog ang kanyang telepono. Unregistered number iyon pero sinagot niya pa rin. "Hello?"

"Ako ito, si Joaquin," sagot nito mula sa kabilang linya. "Pinapasabi ni Sir Raphael na baka sa susunod na linggo ay magkikita kayo sa city hall para sa pagproseso ng pagpapawalang bisa ng inyong kasal."

Napahinga nang malalim si Aleisha. "Sige, pupunta ako."

Nang maibaba na ang tawag ay napatingin sa kisame si Aleisha. "Wala lang naman ang kasal na iyon. Parehas kaming nakinabang. Pero... bakit nalulungkot ako?"

Nang gabing iyon ay naging maayos ang pagtulog ni Aleisha. Dahil na rin siguro ilang gabi na siyang hindi nakatulog nang maayos ay bumawi ang katawan niya sa pagtulog.

Kaya naman ay naging masigla ang kanyang paggising. Kaagad na siyang naligo dahil plano niyang pumasok pa rin sa pinagtatrabahuang hospital.

Buong araw niyang inabala ang sarili sa pagtatrabaho gayong walan namang masyadong gagawin. Kaya naman ay naging maaga rin ang pag-uwi niya. Mabuti na rin iyon dahil nakatanggap siya ng mensahe kanina mula kay Pia na magkita sila sa paborito nilang kainan.

Pagdating niya sa Kamayan RestoBar ay naroroon na sina Pia at Michelle. Silang tatlo ay naging magkaibigan na simula pa elementarya hanggang sa kolehiyo. Si Aleisha at Michelle ay parehas ang kursong kinuha pero magkaiba lang ng major. Habang si Pia naman ay Business Administration ang kinuhang kurso at nauna ng isang taon sa kanila.

Naging abala ang bawat isa sa kanila at paminsan-minsan na lang kung magkita-kita. Kakauwi lang ni Pia galing ibang bansa kaya kaagad nitong inimbitahan ang dalawa na maghapunan.

Nang makita ni Pia si Aleisha ay kaagad itong kumaway. "Nandito na ang bruha!"

Nang makalapit sa kanila si Aleisha ay napansin niyang ang daming pagkain sa lamesa. "Ang dami naman nito?"

"Kilala mo naman si Pia. O-Order ng marami tapos sa atin ipapaubos," sagot naman ni Michelle.

"At kapag hindi natin naubos ay tayo ay pagbabayarin kaya no choice tayo," dagdag pa ni Aleisha.

"Sinabi mo pa!" hiyaw pa ni Michelle at nakipag-high five pa kay Aleisha.

At nagtawanan na nga silang tatlo.

Habang kumakain ay tinawag ni Pia ang atensyon ni Aleisha. "Alam mo na ba ang balita?"

"Ano bang balita?"

Nakatinginan naman sina Pia at Michelle.

"Nakabalik na raw si Daniel," dugtong pa ni Pia.

Natigilan saglit si Aleisha. Naiwan sa ere ang kamay na may hawak ng kutsara na isusubo niya na sana. "Hindi ko alam."

"Nag-message siya sa group chat. Inimbitahan niya ang lahat sa isang party!" pagbabalita pa ni Pia.

Pagkatapos na makipaghiwalay ni Aleisha kay Daniel ay binlock niya ito at umalis sa group chat nila, kaya wala na siyang balita rito.

"Pupunta ka ba?" naiintrigang tanong ni Pia.

"Ano ba dapat?" nalilitong balik na tanong din ni Aleisha.

"Parang class reunion na rin iyon, kaya okay lang naman siguro na pumunta ka," saad naman ni Michelle.

Umiling si Aleisha matapos uminom ng pineapple juice sa kanyang baso. "Pagkatapos kong makipaghiwalay sa kanya ay wala na sa plano ko ang makipagkita pa ulit sa kanya."

Lihim na naikuyom ni Aleisha ang kanyang palad.

"Sorry na, Aleisha," mahinang saad ni Pia

"Sabi ko naman sa iyo kanina na huwag nang banggitin pa ang damuhong iyon!" saway pa ni Michelle kay Pia.

"Kung sabagay," sagot pa ni Pia. "Kung hindi rin siguro dahil sa lalakeng iyon ay magkasama sana kami sa Australia ni Aleisha!"

Naramdaman naman nilang ayaw pag-uusapan ni Aleisha si Daniel kaya iniba nila ang usapan.

"Inaaway ka pa rin ba ng matandang mangkukulam na iyon?" tanong ni Pia na ang tinutukoy ay si Amanda.

Dahil magkasama silang tatlo na lumaki ay alam na nila ang istorya ng buhay ng isa't isa.

Pero sa pagkakataong ito ay wala sa plano ni Aleisha ang sabihin sa dalawa ang sitwasyon na kinalalagyan niya ngayon. Pilit siyang ngumiti. "Ganoon pa rin naman, pero syempre, kayang-kaya lang."

"Alam mo namang nandito lang kami para sa iyo, magsabi ka lang at tutulong kami," pampalubag-loob na saad ni Pia.

Tuluyan nang napangiti si Aleisha. May mga kaibigan siyang maaasahan. Pero sa pagkakataong ito ay sasarilinin niya na muna.

Nauna nang umalis si Pia dahil may pupuntahan pa raw ito. Habang si Aleisha naman ay sumama kay Michelle sa apartment nito at doon matutulog.

Nang gabing iyon ay hindi makatulog si Aleisha. Pero pinipilit niya pa ring matulog. Sa pagpikit niya ay may isang maamong mukha ang nagpapakita sa kanya.

"Kailan kita ulit makikita?" tanong ni Aleisha mula sa kawalan. Nakatulugan niya na lamang ang mga naiisip.

Dahil day off niya kinaumagahan ay pumunta siya ng Catalina Medical Institute. Bibisitahin niya ang kapatid kahit pa may sairli itong mundo at hindi niya makausap nang maayos. Bukod kasi sa may sakit ito sa baga ay autism din ang kanyang kapatid.

Habang nasa bus ay may nag-add friend sa kanya sa isang social media account niya at dahil hindi niya naman iyon kilala ay binalewala niya iyon.

Bitbit ang mga gamit na para sa kanyang kapatid ay naglakad na siya sa hospital room ni Alexander.

"Walang kwenta!"

Nasa labas na ng pinto si Aleisha kaya dinig na dinig niya ang pagsigaw ng babae sa loob.

"Bakit ayaw mong umiyak! Kahit sinasaktan na kita ay hindi ka man lang nagrereklamo! Ano pang silbi na mabuhay ka?"

Galit na galit naman si Aleisha habang padabog na binuksan ang pinto at hindi makapaniwala sa nadatnan sa loob.

Related chapters

  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Kabanata 0006

    Nakaupo si Alexander sa bangko, suot ang hospital gown na ngayon ay basang-basa na dahil sa sabaw na galing sa sopas. Hindi lang iyon, dahil basang-basa rin ang buhok nito. Kahit ang mukha niya ay hindi na nakikita nang maayos dahil sa mga gulay na nakadikit doon. "Kumain ka! Wala ka talagang kwent

    Last Updated : 2024-10-04
  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Kabanata 0007

    Dahil iba ang kutob ni Aleisha ay bumalik siya sa bahay nila. May kung ano ring nagtulak sa kanya na alamin kung sino ang may-ari ng sasakyan dahil nga sa pamilyar iyon sa kanya. Mabuti na lamang ay napupuno ng mga bulaklak at matataas na halaman ang harapan ng balkonahe nila. Kaya nagtago si Aleis

    Last Updated : 2024-10-06
  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Kabanata 0008

    Buong araw lang nasa apartment ni Michelle si Aleisha. Nang sumapit naman ang gabi ay naghanda si Aleisha para pumasok sa kanyang part-time job. Hindi na siya nakakatanggap ng pera mula sa tatay niya kaya simula pa man noon. Kaya ginawa niya ang lahat para masuportahan ang sarili sa pag-aaral. Kah

    Last Updated : 2024-10-07
  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Kabanata 0009

    Si Raphael nga ang nasa kanyang harapan ngayon. Lihim na lamang napamura si Aleisha. "Ang malas ko naman!" naisatinig ni Aleisha sa sarili. Unti-unti niya nang nakikita ang mukha ni Raphael. Ang malamig na tingin nito sa kanya ay para bang malalagutan na siya ng hininga. "Magpatuloy ka sa pagsas

    Last Updated : 2024-10-07
  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Kabanata 0010

    "Tumabi ka saglit, Joaquin," mahinahong utos ni Raphael ngunit ang mga mata niya ay malamig na nakatingin kay Aleisha. Alam niya na kung anong pakay nito sa kanya. "Anong kailangan mo?" Hindi naman nagpatinag si Aleisha at ginantihan ng seryosong tingin ang nanlalamig na titig ni Raphael. Hindi nam

    Last Updated : 2024-10-08
  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Kabanata 0011

    Hindi natuloy ang pagpapawalang bisa ng kasal nila ni Aleisha gaya nang nasabi ni Raphael kay Sophia noong kumain sila sa labas. Hindi naman iyon nilihim ni Raphael sa dalaga at tinawagan niya ito para ipaalam ang nangyari. "Matapos niyang malaman ang balita sa iyo ay hindi na siya kumain o uminom

    Last Updated : 2024-10-08
  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Kabanata 0012

    Dahil nawalan ng part-time job si Aleisha ay kinailangan niyang maghanap ulit sa lalong madaling panahon. Hindi na siya mag-aaksaya pa ng oras para magmakaawa kay Raphael. Para sa kanya ay sarado ang puso nito sa ano mang habag. Pero dahil abala ang schedule niya bilang intern ay mahihirapan talaga

    Last Updated : 2024-10-09
  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Kabanata 0013

    Walang mababanaag na kahit anong reaksyon sa mukha ni Raphael maliban sa napakalamig na titig nito kay Aleisha. "Ano pang dapat nating pag-usapan?" Pakiramdam naman ni Aleisha ay sasabog na ang puso niya dahil sa nararamdamang tensyon. "Nandito ako para humingi ng tawad. Gagawin ko ang kahit na ano

    Last Updated : 2024-10-09

Latest chapter

  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Kabanata 0120

    Naisip pa ni Raphael na dahil lamang sa nanay ni Daniel kaya sila naghiwalay ni Aleisha. Marahil ay nagdadalawang-isip pa siya noon na makipaghiwalay kay Daniel. Ganoon din noong inutos niya na ipalaglag ang bata. Kaya marahil ay hindi ito pumayag na ipalaglag ang batang nasa sinapupunan nito dahil

  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Kabanata 0119

    Walang pag-alinlangang nilingon ni Raphael ang kinaroroonan ni Aleisha. At tama nga si Apollo, umiiyak ito! Kaagad ni nilingon ni Raphael si Jacob na nasa tabi lang. "Puntahan mo at alamin kung anong nangyari." "Opo, sir!" Kaagad na tumalima si Jacob. "Nakakabwisit!" inis na saad ni Raphael sa ka

  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Kabanata 0118

    Matapos niyon ay kaagad nang tinalikuran ni Aleisha si Raphael. Pagkatalikod niya ay kaagad na pumatak ang isang butil ng luha sa kanyang mata— kanina pa siya nagpipigil pero hindi niya na kinaya. Nalawayan na ng iba? Paano niya ba nakalimutan na marumi pala ang tingin ni Raphael sa kanya! Mabut

  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Kabanata 0117

    Sa mga sandaling hawak ni Aleisha ang kamay ni Raphael, napansin niyang kumikislap ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Pero iwinaksi niya iyon sa kanyang isipan at umiwas ng tingin— maaaring nag-iilusyon lang siya o baka naman ay guni-guni niya lamang iyon. Ganoon pa man, kung mayroon ng

  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Kabanata 0116

    Ilang sandali pa ay tumatawag na si Joaquin. Kaagad naman niya iyong sinagot. "Na-check ko na po, Sir Raphael," bungad na saad ni Joaquin. "Dalawang kwarto po ang kinuha ni Daniel Montenegro. Ang isa ay para kay Miss Aleisha at ang isa naman ay para sa kanya at sa kapatid ni Miss Aleisha." "Sige,"

  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Kabanata 0115

    Hindi katulad nila Aleisha ay maagang nakadating sa La Esperanza Resort sina Raphael at Marco. Samantalang papunta pa lang sina Apollo at RJ. Napansin ni Marco na walang kurap-kurap na nakatingin si Raphael kay Aleisha. Kaya naman ay pilyo siyang napangisi. "Akala ko talaga ay pumunta tayo rito par

  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Kabanata 0114

    Makalipas ang ilang araw ay pumunta sa Arizcon Corporation si Daniel. Naipasa nang maayos ng Montenegro Technologies ang mga hinihinging requirements ng ArCo ayon na rin sa prosesong ginawa nila. Ngayon ay narito siya para personal na makausap si Raphael. Hinatid siya ng isa sa mga sekretarya ni Ra

  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Kabanata 0113

    "Tang ina!" Napatayo naman sa pagkabigla si RJ. "Anong buhay pag-ibig? Nakakasuka namang salita iyan! Mga kalaro ko lang silang lahat!" Sabay pang napairap sina Apollo at Marco sa tinurang iyon ni RJ. Habang sinamaan naman siya ng tingin ni Raphael. Napakamot naman kaagad sa ulo niya si RJ. "W-Wal

  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Kabanata 0112

    Sa kabilang banda ay nabigla naman si Raphael sa naging tanong ni Aleisha. Naisip niya ay baka magalit ito dahil sa ginawa niyang iyon. Pero hindi niya iyon pinahalata at malamig itong tinitigan. "Oo, ako nga. Bakit? May problema ba?" "Kung ganoon..." seryosong saad ni Aleisha na mas lalo pang nagp

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status