Share

Kabanata 0004

Author: Alshin07
last update Last Updated: 2024-10-01 13:05:20

Naintindihan naman ni Aleisha ang ibig sabihin ni Raphael. Pero para sa kanya ay hindi biro ang pagpapakasal. Naniniwala pa rin siya na sagrado ito at hindi ito basta laro lamang.

Umiling si Aleisha at mariing tiningnan si Raphael, "Hindi naman siguro kailangan pa iyon. Bakit hindi mo pilitin si Don Raul para—"

"Bilang kapalit ay bibigyan kita ng pera bilang kabayaran sa pagpayag mo," mahinahong saad ni Raphael na hindi na pinatapos pa ang sanang sasabihin ni Aleisha. Hindi nagbabago ang malamig na eskspresyon ng kanyang mukha.

Natigilan naman si Aleisha nang marinig ang mga sinabi ng binata. Para bang hindi na siya binigyan pa ng pagkakataon na tumanggi. Lalo pa at buhay ng kapatid niya ang nakasalalay rito. Isa pa ay iyon naman talaga ang pakay niya kung bakit siya pumunta sa mga Arizcon— ang humiram ng pera. Ang kaibahan nga lang ngayon ay kusa iyong ibibigay sa kanya, pagpapakasal nga lang ang magiging kapalit.

Nang mapansin ni Raphael na tila nagdadalawang-isip ang kaharap na dalaga, nagsalita siyang muli para kumbinsihin pa ito. "Sa oras na pumayag ka, ikaw na ang bahala kung magkanong pera ang kailangan mo.

Napahinga nang malalim si Aleisha. Pumapanig ang pagkakataon sa kanya ngayon kaya hindi niya na ito pakakawalan pa. Bahala na kung anong isipin sa kanya ni Raphael. Ang mahalaga ay ang kapatid niya. "Sige, pumapayag ako."

Bahagyang napayuko si Raphael. Tinatago ang malamig at nang-uuyam niyang mga tingin. Para sa kanya ay wala ng bababa pa sa babaeng magpapakasal nang dahil lang sa pera. Kung sa bagay ay madali na lang para sa kanya ang walain sa landas niya si Aleisha pagdating ng araw lalo pa at nasisilaw lang pala ito sa pera.

Inangat muli ni Raphael ang tingin kay Aleisha. "Ako na ang bahala sa preparasyon. Dalhin mo na lang ang i.d. at birth certificate mo bukas sa Catalina City Hall."

Hindi na nakaangal pa si Aleisha dahil kaagad nang umalis si Raphael. "Pambihira! Bukas kaagad? Hindi man lang nagsabi kung anong susuutin ko."

Kinabukasan ay maagang nagtungo si Aleisha sa city hall. Naghihintay siya sa mismong bukana ng gusali. Kagabi pa siya hindi mapakali. Ni hindi nga siya nakatulog nang maayos kakaisip sa mga nangyari— masyadong mabilis ang mga kaganapan.

Nabalik siya sa hwisyo nang makita ang papalapit na si Raphael. Sinubukan niyang ngumiti. "R-Raphael..."

Ngunit ni hindi man lang sinulyapan ni Raphael si Aleisha at nilagpasan lamang siya. "Tara na sa taas."

Nahihiyang binawi ni Aleisha ang pagkakangiti. "S-Sige."

Naging mabilis na ang mga sumunod na nangyari. Pagkatapos makumpleto ang proseso ng kanilang civil wedding ay hawak na ni Aleisha ang sertipiko na nagpapatunay na legal ang kasal na nangyari sa pagitan nila ni Raphael. Hindi niya mawari kung anong nararamdaman niya. Naghalo-halo na iyon sa dibdib niya.

Para matulungan ang kapatid niya ay binenta niya ang katawan at ngayon naman ay ang kalayaan niya— tuluyan na siyang natali sa isang kasal na walang kalakip na pagmamahal.

Pagkalabas nila ng city hall ay nakita ni Aleisha ang dalawang magarbong sasakyan sa harapan nila. Tinuro ni Raphael ang nasa likuran. "Ihahatid ka ng driver."

Kaagad namang naglakad si Raphael sa kotseng nasa unahan.

"Magandang araw, Mrs. Arizcon," pagbati ni Joaquin kay Aleisha. Inilahad kaagad nito sa harapan ni Aleisha ang isang credit card. "Galing kay Sir Raphael."

Hindi naman nagdalawang isip pa si Aleisha na abutin ang credit card. Nilingon niya si Raphael bago pa man ito makasakay sa kotse nito. "Maraming salamat."

Hindi pinansin ni Raphael si Aleisha. Hindi naman nito kailangang magpasalamat dahil iyon naman ang kasunduan nila. "Huwag mo siyang tatawaging Mrs. Arizcon, Joaquin. Hindi bagay at wala siyang karapatan. Tayo na."

Masakit iyon para kay Aleisha. Pero ano nga bang magagawa niya? Mukhang pera na ang tingin sa kanya ni Raphael ngayon. Hindi naman mahalaga para sa kanya kung anong tingin sa kanya ni Raphael, pero may kung ano sa puso niya ang nasasaktan.

Pagkatapos magpahatid ni Aleisha sa Catalina Medical Institute ay pinaalis niya na ang driver. Kaagad siyang nagtungo sa cashier.

Habang nasa loob pa ng sasakyan si Raphael ay kinausap niya si Joaquin. "Puntahan mo si Sophia. Sabihin mong hindi muna matutuloy ang kasal. Gawin mo ang lahat para hindi sumama ang loob niya. Ibigay mo ang kahit na anong gustuhin niya."

"Masusunod po, Sir Raphael."

Bigla namang tumunog ang telepono ni Raphael. Mula sa screen nito ay nabasa niyang galing iyon sa bangko niya— humihingi ng consent of approval to release. Napangisi siya matapos mabasa ang halaga na kinuha ni Aleisha gamit ang binigay niyang credit card.

Kinumpirma niya naman iyon ngunit hindi pa rin makapaniwala sa laki ng halagang hinihingi ni Aleisha. Abala siya sa kung ano-anong iniisip tungkol kay Aleisha kaya hindi niya na nabasa pa kung saan ginamit ang ganoon kalaking halaga.

---

Matapos makuha ang resibo ay kaagad iyong dinikit ni Aleisha sa notebook na lagi niyang dala-dala. Sinulatan niya iyon ng petsa at halagang kanyang nagamit. Hindi man sa ngayon pero balang araw ay ibabalik niya ang perang iyon kay Raphael.

Matapos maibalik sa loob ng bag niya ang notebook ay saka pa lang nakahinga nang maluwag si Aleisha. Biglang sumama ang kanyang pakiramdam. Pinagpapawisan siya nang malamig. Isang buwan na rin simula nang magkaroon siya ng mga sintomas.

Alam niya na ang kalagayan niya dahil isa siyang intern sa isang hospital. Hindi sapat ang pagiging intern niya para matustusan ang pagpapagamot ng kapatid niya dahil ginagastusan niya rin ang kanyang pag-aaral para maging ganap na doktor na. Maliban pa roon ay lagi siyang hinuhuthutan ng mag-inang Santos.

Ngayon na nagkaoras na siya at saktong nasa hospital pa siya ay hindi na siya nag-atubili pang pumunta sa gynecology department at kaagad na nagpa-appointment.

Habang nasa meeting naman si Raphael ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Joaquin. "Dinala namin sa hospital si Sophia dahil biglang hinimatay matapos kong sabihin na hindi muna matutuloy ang kasal ninyo."

Kaagad na napatayo si Raphael at nilisan ang meeting room. "Papunta na ako riyan."

---

Hindi naman magkamayaw sa pag-iyak si Amanda habang hawak-hawak ang kamay ni Sophia. "Ang kawawa kong anak... pinangakuan ng kasal pero iniwan..."

"M-May iba na siyang p-pinakasalan, Mama..." Umiiyak na rin si Sophia nang pumasok si Raphael sa hospital room ng nito. "M-Mabuti naman at n-nandito ka, R-Raphael..."

Mas lalo lamang lumakas ang iyak ng dalaga.

Ayaw na ayaw pa naman ni Raphael na may nakikitang babaeng umiiyak. Naririndi siya sa ingay na dulot niyon. Pero dahil unang babae sa buhay niya si Sophia ay kailangan niyang habaan ang pasensya para dito.

Huminga siya nang malalim at kaagad na nilapitan ang dalagang nakahiga kama. "Biglaang kasal lang iyon at wala kaming nararamdaman para sa isa't isa. Isang kasal iyon na kapag hindi natuloy ay magiging kumplikado ang lahat. Magdi-divorce din kami. Hinding-hindi kita iiwan pero kailangan mong maghintay."

"T-Talaga?" kaagad na sabat ni Amanda. Pinahid muna nito ang mga luha at hinarap si Raphael. "Huwag na huwag mong lolokohin ang anak ko."

Nagagalit pa naman si Raphael kapag pinagdududahan siya. Kahit pa sabihing nanay iyon ni Sophia ay hindi niya iyon mapapalagpas.

"Pinagdududahan mo ba ako?" taas-noong tanong ni Raphael kay Amanda.

Tila naman umatras ang buntot ni Amanda at nahihiyang napangiti. "H-Hindi naman sa ganoon, Mr. Arizcon."

Hinila ni Sophia ang manggas ng suot na damit ni Raphael. Pinaamo nito ang mga mata at nag-iinarteng nagsalita. "Ako, Raphael. Naniniwala ako sa iyo."

Dahil doon ay nawala ang pagkainis ni Raphael kay Amanda. Nabaling muli ang galit nito kay Aleisha. Kung hindi dahil sa kanya ay hindi masasaktan si Sophia.

Hinawakan naman ni Raphael ang kamay ni Sophia. "Magpahinga ka at huwag nang mag-isip ng kung ano-ano."

Tumango naman si Sophia. "Magiging panatag na ang loob ko dahil sa mga sinabi mo."

Lumabas na ng kwarto si Raphael at naglakad na papalabas ng hospital. Saktong kapapasok lang Aleisha sa consulting room ng gynecologist na susuri sa kanya. Umangat naman ang mga mata ni Raphael sa itaas ng pintong pinasukan ni Aleisha.

Ganoon na lang ang pagkagulat niya nang mabasa iyon. Pakiramdam niya ay naglaho lahat ng dugo mula sa mukha niya. Nanlamig siya bigla.

Kalahating oras ang tinagal ni Aleisha sa loob. Nanghihina siyang lumabas. Napahawak siya sa dingding habang dahan-dahang naglakad. Hindi niya napansin si Raphael kaya nabunggo niya ito.

"Anong g-ginagawa mo r-rito?" nanghihinang tanong ni Aleisha nang makitang si Raphael ang nasa harapan niya.

"Ako ang dapat na magtanong niyan sa iyo," balik naman na saad ni Raphael kay Aleisha. "Anong ginawa mo sa loob ng consulting room ng isang gynecologist?"

"W-Wala ka na roon..." sagot ni Aleisha na magkahalong takot at kaba ang nararamdaman.

Aalis na sana si Aleisha nang biglang tinawag siya ng nurse. "Miss Aleisha Redobles, nahulog ang result paper mo."

Bago pa man iyon makuha ni Aleisha ay nahablot na iyon kaagad ni Raphael sa nurse.

"Akin na iyan!" sigaw ni Aleisha.

Pero huli na ang lahat dahil nabasa na iyon ni Raphael. Hindi makapaniwalang tingin ang ibinigay ni Raphael kay Aleisha. Habang nahihiya naman siyang napayuko.

"Nagpakasal ako sa isang babaeng tulad mo?" Galit ang makikita sa mga mata ni Raphael. Kaagad niya namang hinila si Aleisha.

"Saan mo ako dadalhin?" natatakot na tanong ni Aleisha.

"Kay Lolo!" sigaw pa ni Raphael. "Para malaman niya kung anong klaseng babae ka! Ang kapal ng mukha mong puntahan siya para lang maisakatuparan ang kasal na iyon! Tapos nabuntis ka na pala ng ibang lalake!"

"Please, maawa ka..." umiiyak na saad ni Aleisha. Wala na siyang lakas pa para magsalita. Gusto niya sanang sabihin na siya naman itong nagpumilit magpakasal.

Pero hinayaan niya na lang ito. Wala namang saysay magpaliwanag lalo pa at galit ang naghahari sa puso nito.

Nang marating nila ang hospital kung saan naroroon ang don, kaagad na nagsalita si Raphael. "Sabihin mo kay Lolo kung anong klaseng babae ka!"
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Clarriza Sabanal Sandoval
ang sakit² naha, parang Hindi ko kayang tapusin🥹
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Kabanata 0005

    Muntik nang matumba si Aleisha sa sahig. Abala si Don Raul sa pakikinig sa doktor kaya hindi nito napansin ang ginawa ni Raphael kay Aleisha. Ilang saglit pa ay natapos na rin ang pag-uusap ng doktor at ng don. Palabas na ang doktor kaya naman napansin na nito ang dalawa sa may pintuan. "Mabuti at

    Last Updated : 2024-10-04
  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Kabanata 0006

    Nakaupo si Alexander sa bangko, suot ang hospital gown na ngayon ay basang-basa na dahil sa sabaw na galing sa sopas. Hindi lang iyon, dahil basang-basa rin ang buhok nito. Kahit ang mukha niya ay hindi na nakikita nang maayos dahil sa mga gulay na nakadikit doon. "Kumain ka! Wala ka talagang kwent

    Last Updated : 2024-10-04
  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Kabanata 0007

    Dahil iba ang kutob ni Aleisha ay bumalik siya sa bahay nila. May kung ano ring nagtulak sa kanya na alamin kung sino ang may-ari ng sasakyan dahil nga sa pamilyar iyon sa kanya. Mabuti na lamang ay napupuno ng mga bulaklak at matataas na halaman ang harapan ng balkonahe nila. Kaya nagtago si Aleis

    Last Updated : 2024-10-06
  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Kabanata 0008

    Buong araw lang nasa apartment ni Michelle si Aleisha. Nang sumapit naman ang gabi ay naghanda si Aleisha para pumasok sa kanyang part-time job. Hindi na siya nakakatanggap ng pera mula sa tatay niya kaya simula pa man noon. Kaya ginawa niya ang lahat para masuportahan ang sarili sa pag-aaral. Kah

    Last Updated : 2024-10-07
  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Kabanata 0009

    Si Raphael nga ang nasa kanyang harapan ngayon. Lihim na lamang napamura si Aleisha. "Ang malas ko naman!" naisatinig ni Aleisha sa sarili. Unti-unti niya nang nakikita ang mukha ni Raphael. Ang malamig na tingin nito sa kanya ay para bang malalagutan na siya ng hininga. "Magpatuloy ka sa pagsas

    Last Updated : 2024-10-07
  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Kabanata 0010

    "Tumabi ka saglit, Joaquin," mahinahong utos ni Raphael ngunit ang mga mata niya ay malamig na nakatingin kay Aleisha. Alam niya na kung anong pakay nito sa kanya. "Anong kailangan mo?" Hindi naman nagpatinag si Aleisha at ginantihan ng seryosong tingin ang nanlalamig na titig ni Raphael. Hindi nam

    Last Updated : 2024-10-08
  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Kabanata 0011

    Hindi natuloy ang pagpapawalang bisa ng kasal nila ni Aleisha gaya nang nasabi ni Raphael kay Sophia noong kumain sila sa labas. Hindi naman iyon nilihim ni Raphael sa dalaga at tinawagan niya ito para ipaalam ang nangyari. "Matapos niyang malaman ang balita sa iyo ay hindi na siya kumain o uminom

    Last Updated : 2024-10-08
  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Kabanata 0012

    Dahil nawalan ng part-time job si Aleisha ay kinailangan niyang maghanap ulit sa lalong madaling panahon. Hindi na siya mag-aaksaya pa ng oras para magmakaawa kay Raphael. Para sa kanya ay sarado ang puso nito sa ano mang habag. Pero dahil abala ang schedule niya bilang intern ay mahihirapan talaga

    Last Updated : 2024-10-09

Latest chapter

  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Kabanata 0120

    Naisip pa ni Raphael na dahil lamang sa nanay ni Daniel kaya sila naghiwalay ni Aleisha. Marahil ay nagdadalawang-isip pa siya noon na makipaghiwalay kay Daniel. Ganoon din noong inutos niya na ipalaglag ang bata. Kaya marahil ay hindi ito pumayag na ipalaglag ang batang nasa sinapupunan nito dahil

  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Kabanata 0119

    Walang pag-alinlangang nilingon ni Raphael ang kinaroroonan ni Aleisha. At tama nga si Apollo, umiiyak ito! Kaagad ni nilingon ni Raphael si Jacob na nasa tabi lang. "Puntahan mo at alamin kung anong nangyari." "Opo, sir!" Kaagad na tumalima si Jacob. "Nakakabwisit!" inis na saad ni Raphael sa ka

  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Kabanata 0118

    Matapos niyon ay kaagad nang tinalikuran ni Aleisha si Raphael. Pagkatalikod niya ay kaagad na pumatak ang isang butil ng luha sa kanyang mata— kanina pa siya nagpipigil pero hindi niya na kinaya. Nalawayan na ng iba? Paano niya ba nakalimutan na marumi pala ang tingin ni Raphael sa kanya! Mabut

  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Kabanata 0117

    Sa mga sandaling hawak ni Aleisha ang kamay ni Raphael, napansin niyang kumikislap ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Pero iwinaksi niya iyon sa kanyang isipan at umiwas ng tingin— maaaring nag-iilusyon lang siya o baka naman ay guni-guni niya lamang iyon. Ganoon pa man, kung mayroon ng

  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Kabanata 0116

    Ilang sandali pa ay tumatawag na si Joaquin. Kaagad naman niya iyong sinagot. "Na-check ko na po, Sir Raphael," bungad na saad ni Joaquin. "Dalawang kwarto po ang kinuha ni Daniel Montenegro. Ang isa ay para kay Miss Aleisha at ang isa naman ay para sa kanya at sa kapatid ni Miss Aleisha." "Sige,"

  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Kabanata 0115

    Hindi katulad nila Aleisha ay maagang nakadating sa La Esperanza Resort sina Raphael at Marco. Samantalang papunta pa lang sina Apollo at RJ. Napansin ni Marco na walang kurap-kurap na nakatingin si Raphael kay Aleisha. Kaya naman ay pilyo siyang napangisi. "Akala ko talaga ay pumunta tayo rito par

  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Kabanata 0114

    Makalipas ang ilang araw ay pumunta sa Arizcon Corporation si Daniel. Naipasa nang maayos ng Montenegro Technologies ang mga hinihinging requirements ng ArCo ayon na rin sa prosesong ginawa nila. Ngayon ay narito siya para personal na makausap si Raphael. Hinatid siya ng isa sa mga sekretarya ni Ra

  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Kabanata 0113

    "Tang ina!" Napatayo naman sa pagkabigla si RJ. "Anong buhay pag-ibig? Nakakasuka namang salita iyan! Mga kalaro ko lang silang lahat!" Sabay pang napairap sina Apollo at Marco sa tinurang iyon ni RJ. Habang sinamaan naman siya ng tingin ni Raphael. Napakamot naman kaagad sa ulo niya si RJ. "W-Wal

  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Kabanata 0112

    Sa kabilang banda ay nabigla naman si Raphael sa naging tanong ni Aleisha. Naisip niya ay baka magalit ito dahil sa ginawa niyang iyon. Pero hindi niya iyon pinahalata at malamig itong tinitigan. "Oo, ako nga. Bakit? May problema ba?" "Kung ganoon..." seryosong saad ni Aleisha na mas lalo pang nagp

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status