Naintindihan naman ni Aleisha ang ibig sabihin ni Raphael. Pero para sa kanya ay hindi biro ang pagpapakasal. Naniniwala pa rin siya na sagrado ito at hindi ito basta laro lamang.
Umiling si Aleisha at mariing tiningnan si Raphael, "Hindi naman siguro kailangan pa iyon. Bakit hindi mo pilitin si Don Raul para—" "Bilang kapalit ay bibigyan kita ng pera bilang kabayaran sa pagpayag mo," mahinahong saad ni Raphael na hindi na pinatapos pa ang sanang sasabihin ni Aleisha. Hindi nagbabago ang malamig na eskspresyon ng kanyang mukha. Natigilan naman si Aleisha nang marinig ang mga sinabi ng binata. Para bang hindi na siya binigyan pa ng pagkakataon na tumanggi. Lalo pa at buhay ng kapatid niya ang nakasalalay rito. Isa pa ay iyon naman talaga ang pakay niya kung bakit siya pumunta sa mga Arizcon— ang humiram ng pera. Ang kaibahan nga lang ngayon ay kusa iyong ibibigay sa kanya, pagpapakasal nga lang ang magiging kapalit. Nang mapansin ni Raphael na tila nagdadalawang-isip ang kaharap na dalaga, nagsalita siyang muli para kumbinsihin pa ito. "Sa oras na pumayag ka, ikaw na ang bahala kung magkanong pera ang kailangan mo. Napahinga nang malalim si Aleisha. Pumapanig ang pagkakataon sa kanya ngayon kaya hindi niya na ito pakakawalan pa. Bahala na kung anong isipin sa kanya ni Raphael. Ang mahalaga ay ang kapatid niya. "Sige, pumapayag ako." Bahagyang napayuko si Raphael. Tinatago ang malamig at nang-uuyam niyang mga tingin. Para sa kanya ay wala ng bababa pa sa babaeng magpapakasal nang dahil lang sa pera. Kung sa bagay ay madali na lang para sa kanya ang walain sa landas niya si Aleisha pagdating ng araw lalo pa at nasisilaw lang pala ito sa pera. Inangat muli ni Raphael ang tingin kay Aleisha. "Ako na ang bahala sa preparasyon. Dalhin mo na lang ang i.d. at birth certificate mo bukas sa Catalina City Hall." Hindi na nakaangal pa si Aleisha dahil kaagad nang umalis si Raphael. "Pambihira! Bukas kaagad? Hindi man lang nagsabi kung anong susuutin ko." Kinabukasan ay maagang nagtungo si Aleisha sa city hall. Naghihintay siya sa mismong bukana ng gusali. Kagabi pa siya hindi mapakali. Ni hindi nga siya nakatulog nang maayos kakaisip sa mga nangyari— masyadong mabilis ang mga kaganapan. Nabalik siya sa hwisyo nang makita ang papalapit na si Raphael. Sinubukan niyang ngumiti. "R-Raphael..." Ngunit ni hindi man lang sinulyapan ni Raphael si Aleisha at nilagpasan lamang siya. "Tara na sa taas." Nahihiyang binawi ni Aleisha ang pagkakangiti. "S-Sige." Naging mabilis na ang mga sumunod na nangyari. Pagkatapos makumpleto ang proseso ng kanilang civil wedding ay hawak na ni Aleisha ang sertipiko na nagpapatunay na legal ang kasal na nangyari sa pagitan nila ni Raphael. Hindi niya mawari kung anong nararamdaman niya. Naghalo-halo na iyon sa dibdib niya. Para matulungan ang kapatid niya ay binenta niya ang katawan at ngayon naman ay ang kalayaan niya— tuluyan na siyang natali sa isang kasal na walang kalakip na pagmamahal. Pagkalabas nila ng city hall ay nakita ni Aleisha ang dalawang magarbong sasakyan sa harapan nila. Tinuro ni Raphael ang nasa likuran. "Ihahatid ka ng driver." Kaagad namang naglakad si Raphael sa kotseng nasa unahan. "Magandang araw, Mrs. Arizcon," pagbati ni Joaquin kay Aleisha. Inilahad kaagad nito sa harapan ni Aleisha ang isang credit card. "Galing kay Sir Raphael." Hindi naman nagdalawang isip pa si Aleisha na abutin ang credit card. Nilingon niya si Raphael bago pa man ito makasakay sa kotse nito. "Maraming salamat." Hindi pinansin ni Raphael si Aleisha. Hindi naman nito kailangang magpasalamat dahil iyon naman ang kasunduan nila. "Huwag mo siyang tatawaging Mrs. Arizcon, Joaquin. Hindi bagay at wala siyang karapatan. Tayo na." Masakit iyon para kay Aleisha. Pero ano nga bang magagawa niya? Mukhang pera na ang tingin sa kanya ni Raphael ngayon. Hindi naman mahalaga para sa kanya kung anong tingin sa kanya ni Raphael, pero may kung ano sa puso niya ang nasasaktan. Pagkatapos magpahatid ni Aleisha sa Catalina Medical Institute ay pinaalis niya na ang driver. Kaagad siyang nagtungo sa cashier. Habang nasa loob pa ng sasakyan si Raphael ay kinausap niya si Joaquin. "Puntahan mo si Sophia. Sabihin mong hindi muna matutuloy ang kasal. Gawin mo ang lahat para hindi sumama ang loob niya. Ibigay mo ang kahit na anong gustuhin niya." "Masusunod po, Sir Raphael." Bigla namang tumunog ang telepono ni Raphael. Mula sa screen nito ay nabasa niyang galing iyon sa bangko niya— humihingi ng consent of approval to release. Napangisi siya matapos mabasa ang halaga na kinuha ni Aleisha gamit ang binigay niyang credit card. Kinumpirma niya naman iyon ngunit hindi pa rin makapaniwala sa laki ng halagang hinihingi ni Aleisha. Abala siya sa kung ano-anong iniisip tungkol kay Aleisha kaya hindi niya na nabasa pa kung saan ginamit ang ganoon kalaking halaga. --- Matapos makuha ang resibo ay kaagad iyong dinikit ni Aleisha sa notebook na lagi niyang dala-dala. Sinulatan niya iyon ng petsa at halagang kanyang nagamit. Hindi man sa ngayon pero balang araw ay ibabalik niya ang perang iyon kay Raphael. Matapos maibalik sa loob ng bag niya ang notebook ay saka pa lang nakahinga nang maluwag si Aleisha. Biglang sumama ang kanyang pakiramdam. Pinagpapawisan siya nang malamig. Isang buwan na rin simula nang magkaroon siya ng mga sintomas. Alam niya na ang kalagayan niya dahil isa siyang intern sa isang hospital. Hindi sapat ang pagiging intern niya para matustusan ang pagpapagamot ng kapatid niya dahil ginagastusan niya rin ang kanyang pag-aaral para maging ganap na doktor na. Maliban pa roon ay lagi siyang hinuhuthutan ng mag-inang Santos. Ngayon na nagkaoras na siya at saktong nasa hospital pa siya ay hindi na siya nag-atubili pang pumunta sa gynecology department at kaagad na nagpa-appointment. Habang nasa meeting naman si Raphael ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Joaquin. "Dinala namin sa hospital si Sophia dahil biglang hinimatay matapos kong sabihin na hindi muna matutuloy ang kasal ninyo." Kaagad na napatayo si Raphael at nilisan ang meeting room. "Papunta na ako riyan." --- Hindi naman magkamayaw sa pag-iyak si Amanda habang hawak-hawak ang kamay ni Sophia. "Ang kawawa kong anak... pinangakuan ng kasal pero iniwan..." "M-May iba na siyang p-pinakasalan, Mama..." Umiiyak na rin si Sophia nang pumasok si Raphael sa hospital room ng nito. "M-Mabuti naman at n-nandito ka, R-Raphael..." Mas lalo lamang lumakas ang iyak ng dalaga. Ayaw na ayaw pa naman ni Raphael na may nakikitang babaeng umiiyak. Naririndi siya sa ingay na dulot niyon. Pero dahil unang babae sa buhay niya si Sophia ay kailangan niyang habaan ang pasensya para dito. Huminga siya nang malalim at kaagad na nilapitan ang dalagang nakahiga kama. "Biglaang kasal lang iyon at wala kaming nararamdaman para sa isa't isa. Isang kasal iyon na kapag hindi natuloy ay magiging kumplikado ang lahat. Magdi-divorce din kami. Hinding-hindi kita iiwan pero kailangan mong maghintay." "T-Talaga?" kaagad na sabat ni Amanda. Pinahid muna nito ang mga luha at hinarap si Raphael. "Huwag na huwag mong lolokohin ang anak ko." Nagagalit pa naman si Raphael kapag pinagdududahan siya. Kahit pa sabihing nanay iyon ni Sophia ay hindi niya iyon mapapalagpas. "Pinagdududahan mo ba ako?" taas-noong tanong ni Raphael kay Amanda. Tila naman umatras ang buntot ni Amanda at nahihiyang napangiti. "H-Hindi naman sa ganoon, Mr. Arizcon." Hinila ni Sophia ang manggas ng suot na damit ni Raphael. Pinaamo nito ang mga mata at nag-iinarteng nagsalita. "Ako, Raphael. Naniniwala ako sa iyo." Dahil doon ay nawala ang pagkainis ni Raphael kay Amanda. Nabaling muli ang galit nito kay Aleisha. Kung hindi dahil sa kanya ay hindi masasaktan si Sophia. Hinawakan naman ni Raphael ang kamay ni Sophia. "Magpahinga ka at huwag nang mag-isip ng kung ano-ano." Tumango naman si Sophia. "Magiging panatag na ang loob ko dahil sa mga sinabi mo." Lumabas na ng kwarto si Raphael at naglakad na papalabas ng hospital. Saktong kapapasok lang Aleisha sa consulting room ng gynecologist na susuri sa kanya. Umangat naman ang mga mata ni Raphael sa itaas ng pintong pinasukan ni Aleisha. Ganoon na lang ang pagkagulat niya nang mabasa iyon. Pakiramdam niya ay naglaho lahat ng dugo mula sa mukha niya. Nanlamig siya bigla. Kalahating oras ang tinagal ni Aleisha sa loob. Nanghihina siyang lumabas. Napahawak siya sa dingding habang dahan-dahang naglakad. Hindi niya napansin si Raphael kaya nabunggo niya ito. "Anong g-ginagawa mo r-rito?" nanghihinang tanong ni Aleisha nang makitang si Raphael ang nasa harapan niya. "Ako ang dapat na magtanong niyan sa iyo," balik naman na saad ni Raphael kay Aleisha. "Anong ginawa mo sa loob ng consulting room ng isang gynecologist?" "W-Wala ka na roon..." sagot ni Aleisha na magkahalong takot at kaba ang nararamdaman. Aalis na sana si Aleisha nang biglang tinawag siya ng nurse. "Miss Aleisha Redobles, nahulog ang result paper mo." Bago pa man iyon makuha ni Aleisha ay nahablot na iyon kaagad ni Raphael sa nurse. "Akin na iyan!" sigaw ni Aleisha. Pero huli na ang lahat dahil nabasa na iyon ni Raphael. Hindi makapaniwalang tingin ang ibinigay ni Raphael kay Aleisha. Habang nahihiya naman siyang napayuko. "Nagpakasal ako sa isang babaeng tulad mo?" Galit ang makikita sa mga mata ni Raphael. Kaagad niya namang hinila si Aleisha. "Saan mo ako dadalhin?" natatakot na tanong ni Aleisha. "Kay Lolo!" sigaw pa ni Raphael. "Para malaman niya kung anong klaseng babae ka! Ang kapal ng mukha mong puntahan siya para lang maisakatuparan ang kasal na iyon! Tapos nabuntis ka na pala ng ibang lalake!" "Please, maawa ka..." umiiyak na saad ni Aleisha. Wala na siyang lakas pa para magsalita. Gusto niya sanang sabihin na siya naman itong nagpumilit magpakasal. Pero hinayaan niya na lang ito. Wala namang saysay magpaliwanag lalo pa at galit ang naghahari sa puso nito. Nang marating nila ang hospital kung saan naroroon ang don, kaagad na nagsalita si Raphael. "Sabihin mo kay Lolo kung anong klaseng babae ka!"Muntik nang matumba si Aleisha sa sahig. Abala si Don Raul sa pakikinig sa doktor kaya hindi nito napansin ang ginawa ni Raphael kay Aleisha.Ilang saglit pa ay natapos na rin ang pag-uusap ng doktor at ng don. Palabas na ang doktor kaya naman napansin na nito ang dalawa sa may pintuan."Mabuti at naabutan kita, Mr. Raphael Arizcon. Maayos na ang kalagayan ng iyong lolo pero mahina pa rin ang katawan niya at kailangan niya pang magpahinga. Kailangan mo ring tutukan ang kanyang diet at bigyan siya ng wastong pahinga. Higit sa lahat ay pasayahin mo siya at pagaanin ang kanyang loob." Lumabas naman kaagad ang doktor pagkatapos ng mga habilin nito.Napaisip naman si Raphael. Kapag nalaman ng lolo nito ang tungkol sa pagdadalang-tao ni Aleisha ay baka mas lalo lamang lumala ang sakit nito. Kanina lang ay masaya ito dahil ibinalita niya ang kanilang pagpapakasal. Pagkaalis nila kanina sa city hall, bago pa man siya tumuloy sa kanyang opisina ay kaagad niyang binisita ang abuelo at pinakita
Nakaupo si Alexander sa bangko, suot ang hospital gown na ngayon ay basang-basa na dahil sa sabaw na galing sa sopas. Hindi lang iyon, dahil basang-basa rin ang buhok nito. Kahit ang mukha niya ay hindi na nakikita nang maayos dahil sa mga gulay na nakadikit doon."Kumain ka! Wala ka talagang kwenta!" sigaw ng nurse habang marahas na isinubo ang kutsara sa walang kamuwang-muwang na si Alexander.Nagulat na lang ang nurse nang may biglang humila sa buhok niya at napasigaw siya sa sakit. "Sino ka ba! Bitiwan mo ako!"Galit na galit si Aleisha at walang planong bitiwan ang buhok ng matandang nurse. "At sino ka naman sa inaakala mo! Anong karapatan mo para maltratuhin ang kapatid ko! Kulang pa ito dahil sa pang-aalipusta mo sa batang wala na nga sa tamang pag-iisip ay may malubha pang sakit!""Bitiwan mo ako!" sigaw pa ng nurse na mangiyak-ngiyak na sa sakit. Pakiramdam niya ay matatanggalan na siya ng anit. Dahil mas matangkad si Aleisha sa kanya ay wala siyang magawa kung hindi ang magm
Dahil iba ang kutob ni Aleisha ay bumalik siya sa bahay nila. May kung ano ring nagtulak sa kanya na alamin kung sino ang may-ari ng sasakyan dahil nga sa pamilyar iyon sa kanya.Mabuti na lamang ay napupuno ng mga bulaklak at matataas na halaman ang harapan ng balkonahe nila. Kaya nagtago si Aleisha roon habang nakamasid sa nakaparadang kotse."Bakit hindi pa bumaba ang kung sino mang nasa loob?" naiinip na tanong ni Aleisha sa kawalan.Nalipat ang tingin niya sa may bukana ng bahay nila dahil nakita niya mula sa loob si Sophia. Nakapostura ito at inayos ang buhok bago naglakad papalabas.At ganoon na lamang ang pagkagulat ni Aleisha nang makita ang lalakeng bumaba mula sa loob ng sasakyan. Walang iba kung hindi si Raphael Arizcon! May hawak pa itong isang pumpon ng pulang mga rosas at inilahad sa harapan ni Sophia.Tinanggap naman iyon ni Sophia habang kiming ngumiti. "Ang ganda naman nito."Kaagad namang inilingkis ni Sophia ang kamay sa braso ni Raphael. Iginiya siya nito sa sasak
Sa loob ng Hermosa Hotel, bandang alas diyes ng gabi— nakatayo sa harap ng pintong may mga numerong 3027 si Aleisha."Wala nang atrasan ito!" saad ni Aleisha sa sarili habang pabilis nang pabilis ang tibok ng kanyang puso. Pakiramdam niya ay tatalon na ito mula sa kinalalagyan nito. Hindi niya nga alam kung nasa hwisyo pa ba siya o nananagip lang."Sana nga ay panaginip na lang ang lahat..." naibulong niya sa sarili. Sa oras na pumasok siya sa loob ay masisira ang dignidad niya bilang babae. Naikuyom niya ang kanyang mga palad dahil sa magkahalong takot at galit. Nanunuyo na ang lalamunan niya at pinagpapawisan na rin nang malamig.Naagaw ang atensyon niya dahil sa pagtunog ng kanyang telepono. Kaagad niya iyong tiningnan. Mas lalong binalot ng galit at takot ang kanyang puso nang makitang may mensahe galing sa kanyang madrasta."Kapag ginalingan mo ang pag-asikaso kay Mr. Sandoval, pinangako niyang siya ang magbabayad sa pagpapagamot kay Alexander."Para kay Aleisha ay parang iba an
Nagmamadaling umuwi si Aleisha dala-dala pa rin ang tanong kung sino ang nakasama niya kagabi. Malayo pa lang ay nakikita na niya kung sino-sino ang nasa loob ng kanilang bahay.Isang mataba at panot na matanda ang nakaupo sa sala habang galit na nakatingin kay Sophia— anak ni Amanda. "Anak ka talaga ng nanay mo! Nangako ka na magpapakasal sa akin pero pinaghintay mo lang ako buong gabi!"Napayuko na lamang si Sophia dahil sa kahihiyan. Ganito talaga si Mr. Sandoval. Kapag may natitipuhan itong babae ay aalukin niya ng kasal. Paglalaruan niya lang ang mga babae. At sino namang tanga ang gugustuhing makasal sa isang tulad niya?Malas niya lang at siya ang nakita ng matandang panot. Hindi na sila nito tinantanan.Pero dahil mahal siya ng mga magulang nila ay hinayaan nilang si Aleisha ang makasal dito. Ipapakilala na sana nila ito kay Mr. Sandoval pero buong gabi itong wala at hindi sumipot sa usapan nila."Nakahanap ng tyempo ang gaga para tumakas," nanggagalaiting saad ni Sophia sa sa
"Raphael Arizcon..."Natigilan si Mr. Sandoval habang nakatingin kay Raphael. Kapag isa kang negosyante ay imposibleng hindi mo kilala ang isang Raphael Arizcon."B-Bakit ka narito?" Hindi man lang pinansin ni Raphael si Mr. Sandoval. Nasa kay Sophia ang buo niyang atensyon na ngayon ay hilam na sa luha ang mukha— ang babaeng umiyak sa sakit dahil siya ang nakauna rito habang nasa ilalim ng kanyang mga bisig.Mabilis na dumapo ang palad ni Raphael sa mukha ni Mr. Sandoval. Malakas iyon na naging dahilan ng pagkatumba nito sa sahig.Kaagad namang naibuga ni Mr. Sandoval ang isang ngipin nito at napaluwa na rin siya ng dugo.Habang gulat naman sila Amanda at wala nang masabi pa sa mga biglaang pangyayari.Ngumisi si Raphael. Iyong tipo ng ngisi na hindi mo alam kung may maganda ba o masamang gagawin. "Nangahas kang saktan ang pagmamay-ari ko?"Nakasalampak pa rin si Mr. Sandoval sa malamig na semento habang binabalot ng kahihiyan. Sa nanginginig na mga kamay ay itinabon niya iyon sa ka