Nakaupo si Alexander sa bangko, suot ang hospital gown na ngayon ay basang-basa na dahil sa sabaw na galing sa sopas. Hindi lang iyon, dahil basang-basa rin ang buhok nito. Kahit ang mukha niya ay hindi na nakikita nang maayos dahil sa mga gulay na nakadikit doon.
"Kumain ka! Wala ka talagang kwenta!" sigaw ng nurse habang marahas na isinubo ang kutsara sa walang kamuwang-muwang na si Alexander. Nagulat na lang ang nurse nang may biglang humila sa buhok niya at napasigaw siya sa sakit. "Sino ka ba! Bitiwan mo ako!" Galit na galit si Aleisha at walang planong bitiwan ang buhok ng matandang nurse. "At sino ka naman sa inaakala mo! Anong karapatan mo para maltratuhin ang kapatid ko! Kulang pa ito dahil sa pang-aalipusta mo sa batang wala na nga sa tamang pag-iisip ay may malubha pang sakit!" "Bitiwan mo ako!" sigaw pa ng nurse na mangiyak-ngiyak na sa sakit. Pakiramdam niya ay matatanggalan na siya ng anit. Dahil mas matangkad si Aleisha sa kanya ay wala siyang magawa kung hindi ang magmakaawa. "Hindi ko na uulitin! Pangako, hindi na!" Buong lakas namang tinulak ni Aleisha ang nurse at napasalampak naman ito sa sahig. Kinuha niya ang kutsara at mangkok na may laman pang sopas. Marahas niyang sinubo sa nurse ang kutsara. Ginaya niya ang ginawa nito sa kapatid niya kanina. "Ganito ba ang gusto mo!" Halos hindi na makapagsalita ang nurse. Napapaluha na ito dahil sa sakit ng pagsubo ni Aleisha sa kanya. Hindi pa rin makapagsalita ang nurse pero nagmamakaawa na ito kay Aleisha. Sinampal ni Aleisha ang nurse. "Ganito ba ang ginawa mo sa kapatid ko!" Bago pa man makapagsalita ang nurse ay hinila na siya ulit ni Aleisha sa buhok at kinaladkad. "Halika at puntahan natin ang direktor ng hospital!" "Patawarin mo ako! Inutusan lang ako para gawin iyon sa kapatid mo!" Natigilan naman si Aleisha sa narinig at mariing tiningnan ang nurse. "Sino?" "Si Amanda, Amanda Santos Redobles!" pag-amin ng nurse na may luha na sa kanyang mga mata. Dahil sa mga nangyari ay nawala na sa isipan ni Aleisha na tumakas nga pala siya sa kanila. Kaya ito na ang ganti ng Amanda sa kanya at sa pamamagitan pa ng kapatid niya. Kumukulo na ang dugo niya sa sobrang galit. Walang kalalagyan ang poot sa kanyang dibdib. Bakit hindi na lang sa kanya? Bakit kailangan pang idamay ang kapatid niyang may autism na nga ay may sakit pa sa baga! Pinaalis niya na ang nurse at kinalma muna ang sarili. Nilingon niya ang kapatid at nabalot ng awa ang kanyang puso. Pinigilan niyang mapaiyak at baka magwala ito. Sa halip ay nilinis niya na lamang ang kwarto nito na sobrang kalat at dumi. Matapos maglinis ay nilapitan niya si Alexander. "Gusto mo bang paliguan ka ni ate?" Hindi siya sinagot ni Alexander at hindi na iyon bago pa sa kanya. Kaya naman ay hinawakan niya ito sa kamay at natuwa naman siya dahil hinawakan din siya nito pabalik. "Nakilala mo ba si ate?" Hindi na naman siya nito sinagot. Pero kahit ganoon ay masaya pa rin siya sa kakarampot na pagtugon sa kanya ng kapatid niya. Ibig sabihin lang niyon ay epektibo ang pagpapagamot nito. Nang madala niya na sa banyo ang kapatid ay napansin niyang hindi lang pala sabaw ng sopas ang nasa damit ng kapatid kung hindi pati ihi na rin. Hindi na napigilan ni Aleisha ang mga luhang tumakas na sa kanyang mga mata. "Kasalanan ito ng ate, Alex." Kaagad na pinahid ni Aleisha ang mga luha at nagsimulang paliguan ang kapatid. Nang mabihisan na ito at maayusan ni Aleisha ay tumambad sa kanyang mga mata ang gwapong mukha ng kapatid. Tahimik lang itong nakaupo sa kama nito. Kaya naman ay nagluto ulit si Aleisha ng pagkain nito at pagkatapos ay pinakain na rin. Biglang hinila ni Alexander ang laylayan ng damit ni Aleisha. Hindi man niya masabi ay nararamdaman at nakikita naman niya iyon mula sa mga mata nito. "Nandito lang si ate, kaya huwag kang matakot." Bago umalis ng hospital ay isinumbong niya ang nurse na tumanggap ng pera para apihin ang kanyang kapatid. Pagkatapos niyon ay tumungo na siya sa bahay nila. Hindi niya mapapalagpas ang ginawa ni Amanda sa kapatid niya. Samantala, papunta naman si Raphael kila Sophia. Habang nasa daan ay tumawag sa kanya ang dalaga. "Nasaan ka na?" "Naipit pa ako sa traffic," paliwanag naman ni Raphael. "Baka ma-late ako ng dating." "Ayos lang," mahinhin na sagot ni Sophia. "Huwag kang magmadali." Nang marating na ni Aleisha ang bahay nila ay dire-diretso siyang nagtungo sa kusina. Ni hindi niya na pinansin ang katulong na bumati sa kanya. Napupuno siya ng galit sa ngayon. Kaagad niyang kinuha ang pitsel na puno ng tubig at paakyat na sana ng hagdan nang makitang nasa sala pala ang mag-ina. Nagtatawanan pa ang mga ito. Pinuntahan niya ang dalawa at kaagad naman siyang napansin ng mga ito. "Ang kapal naman ng mukha mo at may gana ka pang magpakita rito sa amin!" singhal ni Amanda kay Aleisha. Sa halip na sagutin ni Aleisha si Amanda ay sinabuyan niya ang mga ito ng tubig mula sa pitsel na hawak niya. "Baliw ka ba!" sigaw naman ni Sophia kay Aleisha. Nanginginig pa rin sa galit si Aleisha pero kalmado pa ring nagsalita. "Tubig lang naman iyan. Hindi tulad ng inutos ninyo sa nurse na iyon na hayaang maligo sa ihi ang kapatid ko!" Kaagad na hinarap ni Amanda si Sophia. "Umakyat ka sa kwarto at magpalit kaagad." Nang makaakyat na si Sophia ay hinarap naman ni Amanda si Aleisha at halata sa mukha nito ang galit. "Oo! Binayaran ko ang nurse na iyon para apihin ang walang kwenta mong kapatid! Kasalanan mo rin naman dahil tumakas ka! Nagkagulo kami rito dahil sa iyo! Kaya nararapat lang iyon sa kapatid mo! Gumanti lang kami!" Nabalitaan ni Amanda mula sa nurse na nakabayad na si Aleisha sa hospital at partida, may advance payment pa raw. "At saan ka naman nakakuha ng pambayad?" taas-noong tanong ni Amanda, may bahid iyon ng pang-iinsulto. "Nagbenta ka siguro ulit ng katawan mo, ano?" Sa nagkapatong-patong na galit sa puso ni Aleisha ay hindi na siya nagdalawang-isip pa na sampalin si Amanda. Mula pa noon ay nagtitiis lang siya sa lahat ng kahayupang ginawa sa kanila. Ngayon ay hindi niya na napigilan pa ang sarili. "Wala nang mabuting nasabi ang bibig mong iyan, kaya nararapat lang na patahimikin na iyan!" "P*****a ka!" sigaw naman ni Amanda sa kanya at sinabunutan niya kaagad si Aleisha. Hindi naman nagpatinag si Aleisha at gumanti rin ng pagsabunot sa buhok ni Amanda. Kapwa na sila napasalampak sa sahig. Kaagad naman na pumaibabaw si Aleisha at pinagsasampal si Amanda. "Akala mo ba ay gaya pa rin ako ng dati!" Sa loob ng ilang taon ay tinanggap lang lahat ni Aleisha ang mga pang-aapi sa kanila ng kapatid niya. Hinding-hindi siya gumaganti. Pero ngayon ay hindi niya na kaya pang hayaan na lang silang pagmalupitan siya, lalong-lalo ang kapatid niyang walang kalaban-laban. Napapasigaw na lang si Amanda sa bawat sampal na natatanggap niya mula kay Aleisha. "Tulong!" Hindi naman sila inawat ng mga katulong kaya mas lalong nainis si Amanda. "Hoy! Bakit hindi ninyo ako tulungan! Tumawag kayo ng pulis! Mapapatay na ako ng p*****a na ito!" "Anong nangyayari dito!" sigaw ni Arnold at kaagad na hinila si Aleisha saka ito marahas na tinulak. Nanlilisik ang mga mata nitong tiningnan ang anak na nakasalampak sa malamig na semento. "Nakalimutan mo na bang asawa ko siya! Sino ka para pagbuhatan ng kamay ang asawa ko!" "Patayin mo ang punyetang iyan!" sigaw pa ni Amanda. "Sige! At nang magkasubukan tayo!" Tumayo si Aleisha habang matapang na hinarap ang amang hindi na nagpapakatatay sa kanila. "Nagtaksil ka kay Mama! Mas pinili mong kampihan ang kabit mo kaysa sa mga anak mo! Pagkatapos ay ano? Hinayaan mo lang siyang magreyna-reynahan sa lahat kaya nalugi ang negosyo! Tapos binenta mo ako! Binenta mo ang sarili mong anak para lang may pangbayad utang iyang kabit mo! Dadating ang panahon na mananagot kayong lahat sa ginawa ninyo sa amin ni Alexander!" Kaagad nang tumakbo palabas ng bahay nila si Aleisha. Naisip niyang hindi pa ito ang tamang panahon para kalabanin niya sila. Kailangan niya ng sapat na lakas at oras para maibigay ang nararapat na parusa para sa kanila. Habang papalabas siya ng tarangkahan ng bahay nila ay may pumasok na kotse. Saglit siyang natigilan. "Parang pamilyar ang kotse na iyon..." sambit niya sa sarili habang nakatingin pa rin sa kotse.Dahil iba ang kutob ni Aleisha ay bumalik siya sa bahay nila. May kung ano ring nagtulak sa kanya na alamin kung sino ang may-ari ng sasakyan dahil nga sa pamilyar iyon sa kanya.Mabuti na lamang ay napupuno ng mga bulaklak at matataas na halaman ang harapan ng balkonahe nila. Kaya nagtago si Aleisha roon habang nakamasid sa nakaparadang kotse."Bakit hindi pa bumaba ang kung sino mang nasa loob?" naiinip na tanong ni Aleisha sa kawalan.Nalipat ang tingin niya sa may bukana ng bahay nila dahil nakita niya mula sa loob si Sophia. Nakapostura ito at inayos ang buhok bago naglakad papalabas.At ganoon na lamang ang pagkagulat ni Aleisha nang makita ang lalakeng bumaba mula sa loob ng sasakyan. Walang iba kung hindi si Raphael Arizcon! May hawak pa itong isang pumpon ng pulang mga rosas at inilahad sa harapan ni Sophia.Tinanggap naman iyon ni Sophia habang kiming ngumiti. "Ang ganda naman nito."Kaagad namang inilingkis ni Sophia ang kamay sa braso ni Raphael. Iginiya siya nito sa sasak
Buong araw lang nasa apartment ni Michelle si Aleisha. Nang sumapit naman ang gabi ay naghanda si Aleisha para pumasok sa kanyang part-time job. Hindi na siya nakakatanggap ng pera mula sa tatay niya kaya simula pa man noon. Kaya ginawa niya ang lahat para masuportahan ang sarili sa pag-aaral. Kahit pa iskolar siya ay namasukan pa rin siya ng iba't ibang part-time job. Lalo pa at tumutulong din siyang magpagamot sa kapatid niya.Kamakailan lang din namang natigil sa pagsuporta si Arnold sa pagpapagamot kay Alexander. Kaya nga napilitan si Aleisha sa gustong mangyari ni Amanda kahit pa katawan niya ang kapalit.Iyong credit card naman na binigay ni Raphael sa kanya ay wala siyang planong gamitin muli iyon. Sapat na at nabayaran niya ang pagpapagamot ng kapatid niya.Papunta na si Aleisha sa Moonlight Massage and Spa— sikat ito dahil na rin sa mga bigatin ang mga kliyente nila. Isang masahista si Aleisha roon at may kakayahan din siyang magsagawa ng modern acupuncture. Noong nag-aaral
"Tumabi ka saglit, Joaquin," mahinahong utos ni Raphael ngunit ang mga mata niya ay malamig na nakatingin kay Aleisha. Alam niya na kung anong pakay nito sa kanya. "Anong kailangan mo?"Hindi naman nagpatinag si Aleisha at ginantihan ng seryosong tingin ang nanlalamig na titig ni Raphael. Hindi naman talaga siya makikipag-away. Gusto niya lang makuha ang atensyon ni Raphael kaya siya nagtatapang-tapangan. Pakiwari niya kasi hindi siya nito papansinin kapag bigla na lang siyang umiyak o magmakaawa."Ikaw ba ang nagsabi sa kanila na sisantehin ako?""Oo," maikli ngunit diretsong sagot ni Raphael. "Tayo na, Joaquin.""Sandali lang naman kasi!" muling sigaw ni Aleisha. Huminga muna siya nang malalim "Oo na, kasalanan ko na! Mali ako."Alam naman talaga ni Aleisha na mali ang ginawa niyang iyon kay Raphael. Nakonsensya na nga siya noong unang beses niyang sinabing ayaw niyang makipag-divorce. Pero ito at tinuloy niya pa rin. Iyon lang kasi ang alam niyang paraan para makaganti kina Amanda
Dahil nawalan ng part-time job si Aleisha ay kinailangan niyang maghanap ulit sa lalong madaling panahon. Hindi na siya mag-aaksaya pa ng oras para magmakaawa kay Raphael. Para sa kanya ay sarado ang puso nito sa ano mang habag.Pero dahil abala ang schedule niya bilang intern ay mahihirapan talaga siya makahanap ng part-time job na pasok sa oras niya at higit sa lahat ay maganda rin ang pasahod.Buong linggong naghanap ng part-time job si Aleisha sa tuwing may bakanteng oras siya. Dahil nagtitipid ay minsan tanging isang piraso na lang ng tinapay ang kinakain niya. Kaya naman ay mahahalata talaga na pumayat siya. Idagdag pang nagdadalang tao siya.Ngayon gabi ay nagpaplano na naman siyang maghanap pagkatapos ng trabaho niya sa hospital. Para kay Aleisha ay hindi ito ang tamang oras para magmukmok sa isang tabi at walang gawin."Aleisha..."Nilingon ni Aleisha ang kasamahang intern na si Maria Fe. Nasa nurse station para sana maghanda sa panghuli niyang rounds bago mag-time out. "Baki
Kaagad na umupo sa bangkong katabi ng hospital bed si Aleisha nang makapasok siya sa hospital room ni Don Raul.Lumapad naman ang pagkakangiti ng don at kaagad na kinumusta si Aleisha. "Naayos mo na ba lahat ng dadalhin mo? Nakapag-impake ka na ba ng lahat ng kailangan mo?"Napataas naman ang kilay ni Aleisha kasabay ng pagkunot ng kanyang noo. Hindi niya masundan kung anong ibig sabihin ng don.Napansin iyon ni Don Raul. "Hindi ba sinabi sa iyo ni Raphael? Ang batang iyon talaga at nakuha pang magsinungaling!"Magkakaroon ng birthday celebration ang isang kaibigan ni Don Raul. Dahil naman siya makakapunta ay inutusan niya si Raphael na ito ang dumalo at isama si Aleisha.Tama nga ang hinala ni Don Raul na parang may problema sina Raphael at Aleisha. Dahil kung wala ay magkukwento ang kanyang apo tungkol sa kanila. Pero nitong mga nakaraang araw ay laging salubong ang kilay nito at tila hindi maganda lagi ang timplada ng araw nito.Kaya naman ay gagawin niya ang lahat para lang maging
"Bitiwan mo siya," mahinang utos ni Raphael ngunit puno ng awtoridad.Habang hindi naman malaman ni Joaquin kung ano itong nararamdaman niya dahil sa kakaibang pinapakita ni Raphael ngayon lang. "O-Opo, sir."Nalipat naman ang atensyon ni Raphael kay Aleisha na wala pa ring malay. May sakit kaya ito? Malalagot siya sa Lolo niya kapag nagsumbong si Aleisha."Kaasar!" reklamo ni Raphael sa sarili.Walang nagawa si Raphael kung hindi ang buhatin si Aleisha at dalhin ito sa loob. Nilapag niya ito sa kama. Bahagyang gumalaw si Aleisha kaya napansin ni Raphael ang mga pasa nito sa tuhod.Nagulat si Raphael. Hindi pala nag-iinarte si Aleisha kagabi. Pero paanong nagkaroon siya ng mga pasa?"Bae..."Napataas ang kilay ni Raphael dahil sa binulong ni Aleisha. Nanaginip yata ito. Pero sinong Bae? Mukhang pangalan ng babae iyon.Hindi naman maiwasang hindi pagmasdan ni Raphael si Aleisha. Napakaamo ng mukha nito habang natutulog. Makakapal ang pilik-mata nito at saktong tangos ng ilong na nababa
Napatango-tango naman si Don Miguel sa narinig na sagot mula kay Aleisha. Nalipat naman ang tingin niya kay Raphael. "Magkasama pala kayo..."Hindi naman malaman ni Raphael kung anong nasa isipan ng don. Palipat-lipat kasi ang tingin nito sa kanya at kay Aleisha."Kung ganoon ay bakit ka sumama rito kay Raphael?" tanong ulit ni Don Miguel kay Aleisha. Gusto niya lang naman tuksuin si Raphael. Kilala niya ito dahil sa lolo nitong matagal niyang naging kaibigan. Alam niyang magaling ito sa lahat ng bagay maliban na lang sa ugali nitong masungit at malamig pa sa nyebe kung kausapin."Nakiusap po si Lolo Raul na samahan ko si Raphael dito sa inyong kaarawan, Don Miguel," nakangiting sagot naman ni Aleisha."Maraming samalamat sa pagdalo," magiliw na sagot ng don. "Ibig bang sabihin nito ay may dala ka ring regalo para sa akin?""Syempre naman po," sagot ni Aleisha na nakaramdam ng kaunting kaba. Mumurahin lang ang nabili niya pero masasabi niyang mula iyon sa kaibuturan ng kanyang puso.L
Sa isip ni Raphael ay may silbi pa rin pala si Aleisha. Kaya naman ay hahayaan niya itong manatili sa tinutuluyan nilang bahay ngayon at hindi niya na ito itataboy. Para kay Raphael ay may naging magandang idinulot din pala ang pagpapakasal niya rito. Maaaring wala siyang pakialam at ang tingin pa ng karamihan sa kanya ay masama ang ugali, pero marunong pa rin siyang tumanaw ng utang na loob. Nang makapasok na sila ay kaagad na tinawag ni Aleisha si Raphael. Nilingon naman siya nito habang nakataas pa ang mga kilay. "Bakit?"Itinuro ni Aleisha ang kusina. "Pwede ko bang gamitin ang kusina?"Kumunot naman ang noo ni Raphael. "Gusto mong magluto? Hindi pa ba sapat iyong mga nilamon mo kanina?"Medyo nag-alangan si Aleisha dahil sa paraan ng pagsalita ni Raphael pero ipinagpatuloy niya pa rin. "Hindi ako magluluto. Maglalaga lang sana ako ng luya. Buong gabi akong nasa labas kagabi at medyo sumasama ang pakiramdam. Baka matuloy ito sa lagnat at sip-on."Bigla naman natauhan si Raphael s
Makalipas ang ilang araw ay pumunta sa Arizcon Corporation si Daniel. Naipasa nang maayos ng Montenegro Technologies ang mga hinihinging requirements ng ArCo ayon na rin sa prosesong ginawa nila. Ngayon ay narito siya para personal na makausap si Raphael.Hinatid siya ng isa sa mga sekretarya ni Raphael sa conference room ng kumpanya. Pagkaupong-pagkaupo niya ay siya namang pagdating ni Raphael.Tumayo si Daniel bilang pagbati. "Magandang araw sa iyo, Mr. Arizcon.""Magandang araw din sa iyo, Mr. Montenegro," balik na pagbati ni Raphael at saka nakipagkamay rito. "Maupo ka."Hindi na sila nagpaliguy-ligoy pa at kaagad na pinag-usapan ang mga detalye tungkol sa bagong proyektong bubuksan. Pinaliwanag naman ni Daniel ay layunin ng kanyang kumpanya at kung paano ito makakatulong sa proyektong bubuksan ni Raphael.Walang masabi si Raphael sa husay na mayroon si Daniel at higit pa sa salitang sapat ang nararamdaman ni niya ngayon. Kaya walang pagdadawang-isip na pumirma ang magkabilang kam
"Tang ina!" Napatayo naman sa pagkabigla si RJ. "Anong buhay pag-ibig? Nakakasuka namang salita iyan! Mga kalaro ko lang silang lahat!"Sabay pang napairap sina Apollo at Marco sa tinurang iyon ni RJ. Habang sinamaan naman siya ng tingin ni Raphael.Napakamot naman kaagad sa ulo niya si RJ. "W-Wala pa namang akong nakarelasyon na may anak na."Malutong namang napatawa si Apollo. "Nasabi mo lang iyan dahil hindi ka naman gusto ni Rica Mae. Kung sakaling gusto ka rin niya ay balewala sa iyo kahit pa may anak na siya. Hindi ba?""Pinagkakaisahan ba ninyo ako?" nakasimangot na tugon naman ni RJ.At tinukso na nga siya nina Apollo at Marco.Pero kaagad namang napangiti si RJ. "Ano naman ngayon kung may anak na siya? Nasa anong henerasyon na ba tayo ngayon? Hindi na ba siya pwedeng magustuhan dahil may anak na siya?""Hindi ka tama at hindi ka rin mali," sagot naman ni Marco. "Hindi naman iyan sa henerasyon na kinabibilangan natin. Mula pa man noon ay may mga lalake nang nagkakagusto sa mga
Sa kabilang banda ay nabigla naman si Raphael sa naging tanong ni Aleisha. Naisip niya ay baka magalit ito dahil sa ginawa niyang iyon. Pero hindi niya iyon pinahalata at malamig itong tinitigan. "Oo, ako nga. Bakit? May problema ba?""Kung ganoon..." seryosong saad ni Aleisha na mas lalo pang nagpakaba kay Raphael. "... ay maraming salamat. Seryoso, maraming salamat talaga. Mula pa man pagkabata hanggang ngayon na nasa tamang edad na ako ay bilang lamang sa mga daliri ko ang mga taong nagpapakita ng kabutihan nila sa akin. Kaya maraming salamat sa kabutihan mo sa akin."Sa pangalawang beses ay nagulat muli si Raphael. Hindi niya inaasahang marinig iyon mula kay Aleisha. Parang may kung anong kiliti siyang naramdaman sa puso niya. Kanina lang ay hindi niya malaman kung bakit mas lalo siyang nagagalit at ang galit na iyon ay napalitan ng tuwa. Kaya naman ay hindi niya na napigilan ang sarili na mapangiti. "W-Walang anuman.""Pero—" Naputol ang sanang sasabihin ni Aleisha nang bigla na
Malaki ang pasasalamat niya sa mga taong nakagawa ng kabutihan sa kanya at lagi niya iyong itinatanim sa kanyang puso. At dahil doon ay gusto niyang gantihan ang kabutihang natatanggap niya nang higit pa roon.Nang makalabas na ng hospital si Aleisha ay kaagad siyang umuwi sa mansyon ng mga Arizcon na nasa Southvill Homes.Tuwang-tuwa naman si Don Raul nang makita si Aleisha at kaagad na tinawagan si Raphael. Habang naghihintay na sagutin ni Raphael ang tawag niya ay kinausap niya muna si Aleisha. Mababakas talaga sa mukha niya ang labis na tuwa. "Ilang araw ka ring hindi umuuwi rito dahil sa medical outreach ninyo at si Raphael naman ay hindi ko alam kung anong pinagkakaabalahan ng batang iyon. Buong araw ko rin siyang hindi mahagilap. Sakto at umuwi ka kaya sabay na tayong maghapunan."Hindi napansin ni Don Raul na kanina pa pala sinagot ni Raphael ang tawag niya. Kanina pa ito nakikinig sa mga sinabi niya. "Lolo, masyado pa akong abala rito sa opisina at hindi pa ako makakauwi.""A
Sa meeting room ng Arizcon Corporation— abala si Raphael sa pag-aanalisa ng mga dokumentong nagkalat sa harapan niya.May bagong grupo ng mga papel na inilagay si Joaquin sa harapan ni Raphael. May bago na naman kasing proyekto ang ArCo (Arizcon Corporation) na kamakailan lang inumpisahan kaya ganoon na lang kaabala si Raphael. Nangangailangan sila ng bagong partnership na may kinalaman sa mga teknolohiya. Pero hanggang ngayon ay hindi pa sila nakakahanap.Ang mga bagong dokumento na nilagay ni Joaquin ay ang pangalawang batch na sa mga kumpanyang nagbigay ng kanilang mga proposal. Kaagad naman iyong inisa-isang tingnan ni Raphael. Kaagad na naagaw ang atensyon ni Raphael nang may mabasang pamilyar na pangalan. Montenegro Technologies— ang taong namamahala at siya ring chief engineer ay walang iba kung hindi si Daniel Montenegro. Nagtapos sa kursong mechanical engineering si Daniel kaya maalam ito pagdating sa mga technology at software."Daniel Montenegro..." wala sa sariling nasamb
Bumukas ang pinto at ang mukha kaagad ni Daniel ang nabungaran ni Raphael.Katatapos lang ni Daniel sa pagligo. Tumutulo pa ang tubig mula sa buhok niya. Wala siyang suot na pang-itaas at tanging ang maluwag na pantalon lang ang suot niya na hiniram pa ni Aleisha kay Vincent.Nakatitig lang si Raphael kay Daniel— nakikiramdam, ni hindi siya nagsalita."Mr. Arizcon." Pagbasag ni Daniel sa katahimikan sa pagitan nila ni Raphael. "Nandito ka ba para hanapin si Aleisha?"Nang bitiwan ni Daniel ang tanong na iyon ay para bang bumigat ang tensyon sa pagitan nila ni Raphael. Hindi pa rin nagsasalita si Raphael. Tanging malalamig na tingin lamang ang pinupukol niya kay Daniel."Nasa banyo pa si Aleisha..." dagdag na saad ni Daniel. Alam niyang hindi niya na dapat pang sabihin iyon pero sinadya niya talagang sabihin iyon. Sinabi niya iyon para ipamukha kay Raphael na may isang katulad niya sa buhay ni Aleisha.Bilang lalake ay alam niyang may kung ano kina Raphael at Aleisha— hindi lang iyon b
Nahulog naman sa malalim na pag-iisip si Aleisha sa sinabing iyon ni Daniel. Nanlaki ang kanyang mga mga mata nang may pagtanto. "Iyon ba iyong sinabi mong para kay Alexander?""Nakuha mo!" masayang saad ni Daniel sa kabilang linya. "Tinutupad ko ang kung anon mang ipinangako ko."Dahil para naman pala iyon kay Alexander ay hindi na siya umangal pa. "Kung ganoon ay tawagan mo ako kapag nakarating ka na sa Mount Kilala.""Sige," nakangiti pa ring saad ni Daniel.Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay masayang-masaya si Daniel. Kahit pa sabihing para iyon sa kapatid ni Aleisha na si Alexander ay walang kaso iyon para sa kanya. Ang gusto niya lang mangyari ay umasa muli si Aleisha sa kanya na para bang hindi na siya nito iiwan.---Samantala ay pabigat nang pabigat ang buhos ng ulan.Napatingin si Michelle kay Aleisha na kanina pa nakatingala sa kalangitan habang nakatayo sa may pintuan ng tinutuluyan nilang kwarto rito sa hospital. "Para bang may butas ang langit at hindi na matigil sa pag
Nang nasa parking lot ng gusali ng kumpanya ng mga Arizcon ay tinawagan ni Raphael si Aleisha. Pero hindi ito sumasagot. Nakailang tawag na siya ay hindi pa rin nito sinasagot kahit ni isang beses man lang.Sa kabilang dako ay abala naman si Aleisha at ang mga kasama niyang parte ng medical team sa paghahanda ng mga medical supplies at ilan pang kakailanganin para dalhin sa pag-alis nila papuntang Mount Kilala. Plano sanang umalis ni Aleisha sa panghuling batch pero nagbago iyon at gusto niya nang umalis kasama ang unang batch. Hindi niya na kailangang magtagal pa rito.Kanina pa tumutunog ang telepono ni Aleisha na nasa bulsa ng kanyang suot na pantalon. Nang makita niya ang pangalan ni Raphael ay kaagad niyang nilagay sa flight mode ang kanyang telepono.Nagdesisyon si Raphael na puntahan si Aleisha sa hospital dahil hindi niya ito makontak pa at sa parehas na oras ay siya ring paghahanda ng unang batch ng medical team para umalis papuntang Mount Kilala— kasama na roon si Aleisha."
Pakiramdam ni Aleisha ay tumigil sa pagtibok ang kanyang puso at para bang sinabuyan siya nang malamig na tubig sa buo niyang katawan. Ni hindi siya makagalaw sa sobrang bigat ng kanyang nararamdaman.Nakatalikod ang dalawa sa kanya kaya hindi nila siya napansin."Raphael..." nang-aakit na saad ni Sophia habang nakayakap ang mga kamay sa palibot ng beywang ni Raphael. "Napag-isipan ko na nang mabuti at hindi ko kayang mawala ka sa akin.""S-Sophia..." saad naman ni Raphael habang nakatingin dito sa nakakunot niyang noo.Matapos marinig ang mga iyon ay pinilit ni Aleisha na makahakbang palabas ng opisina. Hindi niya kinakaya ang mga nakikita at naririnig. Walang ingay siyang nakalabas at nakitang nakabantay pa rin doon si Jacob.Gulat namang napatingin si Jacob kay Aleisha lalo pa at hindi maipinta ang ekspresyon sa mukha nito. "Bakit, Miss Aleisha?"Pigil na pigil ni Aleisha ang mga mata sa pagluha. Ngumiti siya pero halatang pilit lang iyon. Ni hindi umabot sa kanyang mga mata ang pa