Walang mababanaag na kahit anong reaksyon sa mukha ni Raphael maliban sa napakalamig na titig nito kay Aleisha. "Ano pang dapat nating pag-usapan?" Pakiramdam naman ni Aleisha ay sasabog na ang puso niya dahil sa nararamdamang tensyon. "Nandito ako para humingi ng tawad. Gagawin ko ang kahit na ano
Kaagad na umupo sa bangkong katabi ng hospital bed si Aleisha nang makapasok siya sa hospital room ni Don Raul. Lumapad naman ang pagkakangiti ng don at kaagad na kinumusta si Aleisha. "Naayos mo na ba lahat ng dadalhin mo? Nakapag-impake ka na ba ng lahat ng kailangan mo?" Napataas naman ang kila
Nang utusan ni Don Raul si Raphael na isama si Aleisha ay tumango lamang siya. Wala sa plano niyang isama talaga si Aleisha. Sasabihin niya na lamang sa abuelo na nakalimutan niya. "Hindi ka nababagay sa ganitong mga okasyon," malamig na saad ni Raphael sa tonong nang-iinsulto. Kitang-kita talaga k
"Bitiwan mo siya," mahinang utos ni Raphael ngunit puno ng awtoridad. Habang hindi naman malaman ni Joaquin kung ano itong nararamdaman niya dahil sa kakaibang pinapakita ni Raphael ngayon lang. "O-Opo, sir." Nalipat naman ang atensyon ni Raphael kay Aleisha na wala pa ring malay. May sakit kaya i
Napatango-tango naman si Don Miguel sa narinig na sagot mula kay Aleisha. Nalipat naman ang tingin niya kay Raphael. "Magkasama pala kayo..." Hindi naman malaman ni Raphael kung anong nasa isipan ng don. Palipat-lipat kasi ang tingin nito sa kanya at kay Aleisha. "Kung ganoon ay bakit ka sumama ri
Sa isip ni Raphael ay may silbi pa rin pala si Aleisha. Kaya naman ay hahayaan niya itong manatili sa tinutuluyan nilang bahay ngayon at hindi niya na ito itataboy. Para kay Raphael ay may naging magandang idinulot din pala ang pagpapakasal niya rito. Maaaring wala siyang pakialam at ang tingin pa n
"Alam kong buhay ang pinag-uusapan dito!" sigaw naman pabalik ni Aleisha. Natataranta na siya. "Mayroon tayong tinatawag na golden three minutes rescue. Kaya nga may tinatawag na first aid! Kapag hindi siya naagapan sa loob ng tatlong minuto na iyon ay maaaring malagay talaga sa alanganin ang buhay
Nailang naman si Aleisha dahil halos nakasubsob na siya sa dibdib ni Raphael. Naririnig niya ang mabilis na pintig ng puso nito. "R-Raphael, pwede mo na akong b-bitiwan." "Talaga?" Halatang nag-aalala ang tono ni Raphael. "Para ka na ngang mawawalan ng malay, eh." Pilit na ngumiti si Aleisha. "Gut
Maagang dumating si Raphael sa opisina nang makatanggap siya ng tawag mula kay Sophia. "Raphael..." Mahinahon ang boses ni Sophia na aakalain mong hindi makabasag pinggan. "Gusto kang imbitahin ng mama ko sa bahay para maghapunan mamaya. Pwede ka bang pumunta?" Natakot si Sophia na baka tumanggi s
Kaunti na lang ang natitirang klase ngayong buwan bilang pagiging intern ni Aleisha. Naisip niya na isaayos ang operasyon ni Don Raul habang naroroon pa siya. Binigyan din ni Doktor Rivera ng sapat na pagpapahalaga si Don Raul at hinayaan si Aleisha na pumili ng petsa kung kailan ito ooperahan. "
Pagkababa ni Aleisha ng kanyang telepono ay hindi niya namalayang may isang taong nakatayo na sa harapan niya— isang pamilyar na suit na pati ang pigura ng tindig nito ay kilalang-kilala niya. Nang itaas niya ang kanyang tingin ay tama nga siya ng hula— si Raphael na magkasalubong ang kilay ang nak
Isang araw ng sana ay pahinga, ngunit abala pa rin si Aleisha. Tinapos niya kasi ang mga manuscript na tinanggap niya noong isang araw at ngayon ay makikipagkita siya sa editor-in-chief. Dahil gusto niya itong makausap sa persona. Magpapaalam na at magre-resign na rin sa trabaho niyang ito. Sa kad
Ayon sa nais ni Raphael ay balak na niyang umalis sa mansyon at ayaw na niyang manatili sa parehong silid kasama si Aleisha kahit isang segundo pa! Gayunpaman ay gabi na at patuloy pa rin ang ulan sa labas. Isa pa, bukas ng umaga ay kailangan niyang kumain ng almusal kasama ang kanyang lolo. Irita
"Anong ginagawa mo?" gulat na tanong ni Aleisha habang hawak pa rin ang ice pack sa pisngi niya. Matigas at malamig ang ekspresyon sa mukha ni Raphael at sa malalim na tinig ay nagsalita siya. "Huwag kang tumanggap ng pera mula sa iba! Hindi ba at binigyan kita ng card? Wala ka na bang perang magam
Walang mababakas na ekspresyon sa mukha ni Raphael at malamig na nagsalita. "May oras pa naman ako. Si Joaquin na ang mag-aasikaso ng mga papeles." "Sige at umalis na tayo," saad ni Amanda. Tumango lamang si Raphael at inalalayan si Sophia. Nakasunod naman sina Amanda at Arnold sa kanila. Ang tata
Nanonood pa rin si Raphael mula sa malayo pero hindi niya naman naririnig ang pinag-uusapan ng dalawa. Samantala ay nabigla pa rin si Aleisha sa inaasta ng tatay niya. Ngunit nakita niyang kinuha nito ang pitaka mula sa pantalon nito. Sa kabila ng kanyang edad ay may ugali pa rin itong magdala ng p
Nang sumapit ang kalaliman ng gabi... Bago umalis ay parang may humila kay Raphael na dumaan muna sa kwarto niya. Itinulak niya nang dahan-dahan ang pinto at pumasok. Sanay ang kanyang mata sa dilim, kaya nakalakad siya papunta sa gilid ng kama na parang nasa liwanag lang. Sa kama ay mahimbing n