Sa meeting room ng Arizcon Corporation— abala si Raphael sa pag-aanalisa ng mga dokumentong nagkalat sa harapan niya. May bagong grupo ng mga papel na inilagay si Joaquin sa harapan ni Raphael. May bago na naman kasing proyekto ang ArCo (Arizcon Corporation) na kamakailan lang inumpisahan kaya gano
Malaki ang pasasalamat niya sa mga taong nakagawa ng kabutihan sa kanya at lagi niya iyong itinatanim sa kanyang puso. At dahil doon ay gusto niyang gantihan ang kabutihang natatanggap niya nang higit pa roon. Nang makalabas na ng hospital si Aleisha ay kaagad siyang umuwi sa mansyon ng mga Arizcon
Sa kabilang banda ay nabigla naman si Raphael sa naging tanong ni Aleisha. Naisip niya ay baka magalit ito dahil sa ginawa niyang iyon. Pero hindi niya iyon pinahalata at malamig itong tinitigan. "Oo, ako nga. Bakit? May problema ba?" "Kung ganoon..." seryosong saad ni Aleisha na mas lalo pang nagp
"Tang ina!" Napatayo naman sa pagkabigla si RJ. "Anong buhay pag-ibig? Nakakasuka namang salita iyan! Mga kalaro ko lang silang lahat!" Sabay pang napairap sina Apollo at Marco sa tinurang iyon ni RJ. Habang sinamaan naman siya ng tingin ni Raphael. Napakamot naman kaagad sa ulo niya si RJ. "W-Wal
Makalipas ang ilang araw ay pumunta sa Arizcon Corporation si Daniel. Naipasa nang maayos ng Montenegro Technologies ang mga hinihinging requirements ng ArCo ayon na rin sa prosesong ginawa nila. Ngayon ay narito siya para personal na makausap si Raphael. Hinatid siya ng isa sa mga sekretarya ni Ra
Hindi katulad nila Aleisha ay maagang nakadating sa La Esperanza Resort sina Raphael at Marco. Samantalang papunta pa lang sina Apollo at RJ. Napansin ni Marco na walang kurap-kurap na nakatingin si Raphael kay Aleisha. Kaya naman ay pilyo siyang napangisi. "Akala ko talaga ay pumunta tayo rito par
Ilang sandali pa ay tumatawag na si Joaquin. Kaagad naman niya iyong sinagot. "Na-check ko na po, Sir Raphael," bungad na saad ni Joaquin. "Dalawang kwarto po ang kinuha ni Daniel Montenegro. Ang isa ay para kay Miss Aleisha at ang isa naman ay para sa kanya at sa kapatid ni Miss Aleisha." "Sige,"
Sa mga sandaling hawak ni Aleisha ang kamay ni Raphael, napansin niyang kumikislap ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Pero iwinaksi niya iyon sa kanyang isipan at umiwas ng tingin— maaaring nag-iilusyon lang siya o baka naman ay guni-guni niya lamang iyon. Ganoon pa man, kung mayroon ng
Kaunti na lang ang natitirang klase ngayong buwan bilang pagiging intern ni Aleisha. Naisip niya na isaayos ang operasyon ni Don Raul habang naroroon pa siya. Binigyan din ni Doktor Rivera ng sapat na pagpapahalaga si Don Raul at hinayaan si Aleisha na pumili ng petsa kung kailan ito ooperahan. "
Pagkababa ni Aleisha ng kanyang telepono ay hindi niya namalayang may isang taong nakatayo na sa harapan niya— isang pamilyar na suit na pati ang pigura ng tindig nito ay kilalang-kilala niya. Nang itaas niya ang kanyang tingin ay tama nga siya ng hula— si Raphael na magkasalubong ang kilay ang nak
Isang araw ng sana ay pahinga, ngunit abala pa rin si Aleisha. Tinapos niya kasi ang mga manuscript na tinanggap niya noong isang araw at ngayon ay makikipagkita siya sa editor-in-chief. Dahil gusto niya itong makausap sa persona. Magpapaalam na at magre-resign na rin sa trabaho niyang ito. Sa kad
Ayon sa nais ni Raphael ay balak na niyang umalis sa mansyon at ayaw na niyang manatili sa parehong silid kasama si Aleisha kahit isang segundo pa! Gayunpaman ay gabi na at patuloy pa rin ang ulan sa labas. Isa pa, bukas ng umaga ay kailangan niyang kumain ng almusal kasama ang kanyang lolo. Irita
"Anong ginagawa mo?" gulat na tanong ni Aleisha habang hawak pa rin ang ice pack sa pisngi niya. Matigas at malamig ang ekspresyon sa mukha ni Raphael at sa malalim na tinig ay nagsalita siya. "Huwag kang tumanggap ng pera mula sa iba! Hindi ba at binigyan kita ng card? Wala ka na bang perang magam
Walang mababakas na ekspresyon sa mukha ni Raphael at malamig na nagsalita. "May oras pa naman ako. Si Joaquin na ang mag-aasikaso ng mga papeles." "Sige at umalis na tayo," saad ni Amanda. Tumango lamang si Raphael at inalalayan si Sophia. Nakasunod naman sina Amanda at Arnold sa kanila. Ang tata
Nanonood pa rin si Raphael mula sa malayo pero hindi niya naman naririnig ang pinag-uusapan ng dalawa. Samantala ay nabigla pa rin si Aleisha sa inaasta ng tatay niya. Ngunit nakita niyang kinuha nito ang pitaka mula sa pantalon nito. Sa kabila ng kanyang edad ay may ugali pa rin itong magdala ng p
Nang sumapit ang kalaliman ng gabi... Bago umalis ay parang may humila kay Raphael na dumaan muna sa kwarto niya. Itinulak niya nang dahan-dahan ang pinto at pumasok. Sanay ang kanyang mata sa dilim, kaya nakalakad siya papunta sa gilid ng kama na parang nasa liwanag lang. Sa kama ay mahimbing n
Naisip ni Raphael na mas mabuting iwasan ang ganitong klaseng malalim na pag-iisip. Pero nagpatuloy ang mga kinikilos na kakaiba ni Aleisha. Habang kumakain sila ng hapunan ay napansin ni Raphael na kinakain niya lang kung ano man ang inilalagay ni Don Raul sa kanyang plato. Kapag wala nang ulam